Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)
Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
PEBA ENTRY - PANTALAN
http://michaelsshadesofblue.bl
Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
PEBA FB PAGE
http://www.facebook.com/PEBAWA
Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
PEBA PIC ENTRY
http://www.facebook.com/photo.
Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
POLL VOTING
Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)
Hi po sa lahat.. :) Ahm, maaga ko natapos ang chapter na to kasi medyo nakaluwag sa time. Muli, ay nagpapasalamat po ako sa lahat lahat ng taong sumusupport sa kwentong ito.. Hindi nyo po alam kung gaano kasarap sa pakiramdam naming mga wrtiter na nababasa ang mga comments ninyo.. Sana po ay patuloy nyo po kaming suportahan :)
Thank you pong muli kaila Sir Mike, Mama Dalisay, Rovi Yuno, Archie, Jojie(Pare ko!!), at sa hubby nyang c chack!! :) , Emray08, Rich, ace.vince.raven(BUNSOOOOO!!! ), 07, JhayCie, Jaro, John, Arl, Rue, Jack, Roan, o_0mack^2, nick.aclinen, Jhay L, dada, Cyrus Perez, Mars, Zekie!! , wastedpup, wisdom, jex, -SLUSHE_LOVE-, pisceskid06, Ernes aka Jun, ZILJIAN, Dave17, Ako si 3rd, pink 5ive, ram, alex tecala, J.C, , Jay, Erion, DM, Ace, russ, Jay, Jayfinpa, X, JV, my fb friends na naghihintay din.. at lalo na po kay “JEH”, sa bago kong kumapre na si “yos” (pare ko!! Apir!!!!), “Jayfinpa”, “Brent Lex” na lageng naghihintay at walang sawang nagcocomment ng ilang beses sa bawat chapter.. At sa mga Anonymous at silent readers ng story thanks po talga sa inyo.. Maraming maraming salamat po talaga.
Gusto ko din po magpasalamat sa aking “bembem” na walang sawang sumusuporta at nagbibigay pagmamahal sa akin. Salamat sa lahat ng tiwala na binigay mo sa akin. Alam ko andyan ka for me plagi.. And for that, I;m very very thankful. :) Love lots!! :)
For thos na gusto mag add sa fb, most especially kay emray08, dizzy18ocho@yahoo.com. yan po :) pero may konti lang po sana akong favor.. upon request po, sana mag leave po kayo ng message kung sino kayo para malaman ko po. di po kasi ako basta nag aadd pag di ko po kakilala or di nagpapakilala.. THANKS PO!!
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED!!!!!!!
ENJOY!!!!!!!
“TAYO??!! What do you mean tayo…..?”, gulat at curious nyang tanong.
Hindi ko alam ang sasabihin. Parang bigla akong na mental block, walang akong masabing rason bat nga ba yun ang sinabi ko. Parang ang awkward ata ng sinabi ko. Patay! Namula akong bigla.
Bigla kong naaalala ang sinabi sakin ni Jenny sa taxi ng pupuntahan namin si Philip nung nagwala ito sa isang bar. “Masyado kayong duwag aminin mga nararamdaman nyo. At ano ang ending?! Edi kayo kayo ang nagkakasakitan imbis na get over your stupidty and just do what you have to do!” –parang unti unti ko na atang naiintindihan ang sinabi ni Jenny na yun. Pero sadyang palpak talaga ako.
“Ah.. ah, ah eh.. Tayo! Ma-masaya tayyyoo! Ayun! Kasi masaya tayo at okay na ang mga problema natin.”, nakangiwi kong sinabi.
SHIT! SHIT! SHIT! Ano bang pinagsasabi ko?! Di naman talaga yun ang gusto ko sabihin. Kakainis. Tanga mo talaga Jerry!! BWISIT!! Medyo nadismaya ako sa sarili at sa reaksyon ng mukha nya ay parang ganun din. DAMN! PALPAK!!
“Ahh.. Oo nga.. Happy tayo.. yehey.”, medyo sarkastikong sagot ni Art.
Nang matapos kaming kumain ay nagdesisyon na kaming umuwi. Akala ko magiging okay na si Art dahil sabi nya dahil lang sa gutom kaya medyo matamlay sya. Pero ang dami na nga naming nakain pero parang may bumabagabag pa rin sakanya. Di ko man alam, pero ramdam na ramdam ko. Medyo di ko tuloy maiwasang hindi kabahan lalo.
Nakarating na kami sa bahay at agad dumirecho sa kwarto. Nauna akong naligo at pagkatapos ay sya naman. Hindi pa gaano kalalim ang gabi at kahit pa medyo pagod ay hindi pa din kami inaantok kaya naisipan ko magsalang ng dvd.
Habang nanonood ay di ko maiwasang hindi mapatitig at sulyap sulyapan si Art habang nanonood. Hindi pa din kasi nawawala ang ichura nito na parang may malalim na iniisip. Nababahala na talaga ako ng sobra! As in di na ko mapakali! Maya maya pa ay napansin ko na namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. At syempre ano gusto nyong isipin ko at maramdaman ko?! Aba syempre, edi nataranta ako!!
“Huy bes, ano ba kasi problema? Sabihin mo na kasi sakin.. Wag mo sabihin saking wala dahil di ka naman iiyak ng walang dahilan.. unless nababaliw ka nalang!, pilit kong biro pero halatang may pagaalala sa boses ko. Mali, talagang nagaalala ako. Hindi ko lang alam kung ano ba kasing gagawing approach. At ayun, mula sa pagkakatutok sa tv ay tumingin ito sakin.
“J-Jerry.. pwede ko bang hawakan ang kamay mo?”, naluluha nyang sinabi.
Hindi na ako sumagot pa o kahit tumungo man lang. Agad kong kinuha ang kamay nya at nilusot ang bawat daliri ko sa pagitan ng kanya. Humigpit bigla ang pagkakahawak nya. Hindi naman ako pumalag. Kinakabahan na talaga ako.
“Jerry, bes, masayang masaya ako ngayon. Akala ko kasi di na babalik ang dating ikaw. All this time, naguiguilty ako dahil alam kong isa ko sa rason ng biglaang pagbabago mo nung nakaraan linggo. Kaya pilit kitang inintindi. Kahit pa nasasaktan na ko dahil alam ko lahat ng excuses na binibigay mo sakin ay pawang kasinungalingan lang. Pilit ko inintindi dahil ganun din ang ginawa mo para sakin nung panahong ako ang may kailangan ng pang unawa. Jerry, namis ko lahat ng ito. Namis kita at akala ko’y mamimiss ko pa rin lahat ng ito.”
Habang pinapakinggang sya at tinitingnan sya sa kanyang pagiyak ay naguilty naman ako. Naalala ko lahat ng pangaral ni Kuya George at tama lahat ng sinabi nya. I’m starting to become like Philip was. Nakikita ko kay Art ang sitwasyon ko dati nung ako naman ang nasasaktan. Alam ko ang pakiramdam na un, kaya nalungkot ako ng lubusan. Magkahalong awa, lungkot at pagsisi ang nararamdaman ko noon kaya niyakap ko sya. Mahigpit na mahigpit. Yung tipong akala mo huling yakap na namin. Ang yakap na parang walang bukas.
Yumakap na rin sya sa akin, di tulad ng yakap ko ng mahigpit ay sakanya ay sakto lang. Umiiyak sya sa balikat ko at ako namay sakanya. Punong puno ng emosyon ang yakapang yun. Pambihira, nakakatawang isipin dahil tama si Jenny, Gawain nga ba ng lalake ang magyakapan at mag iyakan. Pero wala na akong paki alam. Mahalaga sakin si Art. Kaya ayaw ko na rin sya saktan.
“Bes, mamimiss kita…..”, hikbi hikbi nyang sinabi. Mas lalo tuloy akong napayakap.
“Sorry talaga Art. Promise, babawi ako..”, umiiyak ko ring tugon.
“Bes, mamimiss talaga kita..”, hikbi hikbi pa rin nyang sinabi.
“Wag ka na magalala. Simula ngayon, di mo na ko mamimis. Balik na tayo sa dati. Yung masaya.”, naiiyak ko paring tugon sakanya.
“Bes, totoo, mamimiss talaga kita………”, nahihirapan nyang sinabi malamang dahil sa pagkakaiyak. Kaya mas hinigpitan ko pa lalo ang pagkakayakap. Sobrang nagsisisi na talaga ako. Di ko alam na ganyan nap ala katindi ang nararamdaman nya.
“Bes, ano ka ba, di mo na nga ko sabi mamimis kasi andito na ako ulit oh!! Tama na please.. Huhuhuhuhu…”, sinabi ko sakanya habang mas hinigpitan ang yakap at iyak pa rin ng iyak.
“Bes, mamimiss talaga kita… Try mo kaya wag ako yakapin ng sobrang higpit. Di na ko makahinga ee.. Papatayin mo ba ko?”, pilit nyang sinabi. Kaya pala niya ko mamimis, di na pla sya makahinga at baka mategi sya.
“Alam mo ikaw! Nakukuha mo pang magbiro!!”, iyak tawa kong sinabi habang nagpupunas ng luha. Pagtapos nya din mag ayos ng mukha ay nakita ko ang agarang pagliwanang ng mukha nya. Wala na ang kaninang malungkot na ekspresyon ng kanyang mukha.
“Palitan mo nga yang dvd na yan! Walang kalatoy latoy tong pinapanood natin! Magsalang ka na uli ng horror!”, ngiti nyang sinabi. Binatawan nya na ang kamay ko para mapalitan ko ang dvd ngunit hindi ako bumitaw. Ngumiti ako sakanya at hinila ko sya at sabay naming pinalitan ang dvd. Ewan ko, pero ayoko bitawan ang kamay nya. May nagsasabi sa utak ko na wag kong pakakawalan ang kamay na yun. Kaya hinawakan ko lang yun. Sa kahabaan ng pelikula ay magkahawak kamay pa rin kami. Horror ang pinapanood namin pero kinikilig ako for some reason. Weird nga ee.. Sino ba naman kasi ang kikiligin pag horror ang pinapanood.
Nang matapos ang pelikula ay niyaya ko na syang matulog, gusto ko kasi, lumabas kami ulit bukas. Kaya niyaya ko na syang humiga sa aking kama. Nakatagilid kaming parehas at nakaharap sa isat isa habang magkahawak pa rin ang kamay. Ang tanging ilaw ay ang ilaw ng poste sa labas na medyo malayo sa amin kay medyo madilim. Pero enough lang para maaninag ang mukha ng isa’t isa. Matagal na titigan. Hindi din ako makatulog at alam kong ganun din sya. Parang ayaw ko na matulog at titigan nalang sya. Gusto ko lang sya pagmasdan ng buong gabi. For whatever reason? Wala akong paki!
Maya maya ay hinawakan ng kamay nya ang aking mukha. Noo, kilay, mata, pisngi, patilya, bagang, lips, baba at pabalik balik. Dahan dahan at banayad ang pagkakahaplos nya. Hindi ako gumalaw. Hinayaan ko lang sya sa ginagawa nya hanggang sa nagsalita sya.
“Jerry……”
“Hhhmmmm?”
“Pwede ba kitang halika…. hmmppp”
Hindi pa nya tinatapos ang sinabi ay hinalikan ko na sya. Hindi ko alam pero yung ang sinabi ng utak ko. Yun ang nararamdaman ko na gusto kong gawin. Kahit pa medyo naguguluhan din ako kung bakit ko nga ba ginawa yun ay hindi ko na inisip pa. FOR THE FIRST TIME!!! Ako naman ang nangnakaw ng halik. Nang maramdaman nya ang labi ko ay gumanti ito agad ng halik. Maalab yun, mapusok at punong puno ng damdamin. Banayad, swabe, saktong sakto. Mainit, masarap. Yan ang nararamdaman ko sa pagkakatagpo ng aming mga labi. Matagal ang halikan na yun. Ramdam ko ang bawat pag galaw ng labi nya. Ang sarap sa pakiramdam. Maya maya ay pumatong ito sakin para mas makapaghalikan kami ng maayos.
Gumapang ang isang kamay nya sa aking tagiliran habang ang isa ay nasa aking mukha. Hindi rin ako nagpatalo. Kung saan saan na humawak ang aking kamay, sa likod nya, sa batok, sa buhok, sa pwetan, sa legs, at kung san pa ang abutin ang aking kamay. Tila ay uhaw na uhaw kami sa isat isa. Nakakaramdam ako ng matinding init at sensasyon sa aming ginagawa. Hindi na ako nakapagpigil ng pag ungol ng bigla nya akong hinalikan sa leeg, at sa likod ng tenga. Unang karanasan ko na mahalikan sa mga parteng yun ng isang kapwa lalake. Napakasarap, ang galing nyang humalik. Nararamdan ko na nagwawala na ang aking alaga at gustong gusto ng kumawala. Ganun din ang sakanya. Ramdam ko ang kanyang naninigas na alaga dahil idinidiin nya ito sa akin. Na mas lalo ko pang kinaungol. Halos masiraan ako ng bait sa ginagawa nyang yun. Shit! Ang sarap.
Biglang bumaba sa pagkakahalik sakin at sinumula akong hubaran ng tshirt ni Art, pero iba ang naging reaksyon ko. Takot. Hindi ko pa ata kaya gawin yun. Hindi ko pa kayang makipagtalik sa kapwa ko lalake. At teka, bat nga ba ko napapayag in the first place? Naguluhan ako bigla at agad agad nawala ang init na naramdaman ko. Bigla ko syang naitulak ng konti na medyo kinagulat nya.
“Art, sorry. Di ko ata kaya.”, Sinabi ko sakanya habang napaupo ako.
“Naiintindihan ko….”
Bigla kami parang nagkahiyaan dalawa. Hindi ko nanaman alam kung pano mag rereact. Hindi alam ang sasabihin. Pero ayaw ko din madisappoint si Art, kaya lumapit ako sakanya at hinalikan sya sa labi.
“For now, gusto ko ito na lang muna. May mga bagay na hindi pa rin malinaw sakin. Sana maintindihan mo.”, sinabi ko ng kumalas ako sa pagkakahalik. Hindi nagsalita si Art pero tumugon ito sa pamamagitan ng paghalik din sakin. Ihiniga nya ulit ako at hinalikan. Naramdaman ko nanaman ang banayad nyang halik. Pero mas malumanay, punong puno ng passion. Hanggang maya maya ay nalasahan ko, medyo maalat. Luha! Alam kong luha yun. Malamang yun na lang ang way nya sa pagsorry at pagsang ayon sakin. Ako man ay napaluha na rin. Naghahalikan habang umiiyak.
Humiga na uli si Art sa tabi ko at kinuha ang ulo ko at inunan sa kanyang braso at niyakap ako ng mapakahigpit. Gumanti ako ng yakap. Hindi ko alam pero ang sarap sa pakiramdam ng pagkakayakap. Malungkot na masaya ang aura ng kwarto. Halo halong emosyon. Pero sa isip ko, gusto ko lang sya yakapin ng mahigpit na mahigpit. Sabi ng utak ko, yakapin lang sya. At di ko din naman binigo ang sinabi ng utak ko, niyakap ko lang sya buong magdamag, Ang yakap na tila huling yakap na sa higpit.
Pinagsaluhan namin ang gabi ng buong damdamin. Hanggang sa nakatulog na lang ako. Alam kong may ngiti ako sa labi ng nakatulog dahil ang sarap ng pagkakayakap sakin ni Art.
Nang magising ako ay may sikat na ng araw. Di ko alam kung anong oras na pero sigurado akong hindi pa ganun ka late. Agad akong bumangon at nagpunta sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Ngunit sa gitna ng aking pagsisipilyo ko ay naalala ko ang nangyari kagabi samin ni Art. Ang mga halik nya…. Teka! Asan nga ba si Art?!
Agad kong binilisan ang pagsisipilyo at agad lumabas ng banyo.
“Art? Art? Art!!!!”, palit ulit kong sinigaw sa loob ng bahay, Pinuntahan ko ang bawat kwarto, sa sala, sa banyo, sa kusina. Ngunit wala. Wala si Art!! Shit!! ART! Asan ka ba?! Where the hell are you?!
Agad akong bumalik sa kwarto at hinanap ang cellphone ko para tawagan si Art. Pero nang tingnan ko ang cellphone ko ay may txt ako galing kay Jenny.
“Job well done! Dito lang ako. Call me.”
Hindi ko magets ang ibig sabihin ng txt ni Jenny na yun kaya dinedma ko nalang muna. Agad kong tinawagan ang cellphone ni Art, pero shit, out of coverage area daw. Paulit ulit kong tinawagan pero wala tlga. Hanggang nakita ko ang cellphone ni Art na nasa tabi ng unan ko. Naka off. Naguguluhan ako dahil asan nga ba si Art? Nagiisip ako kung bakit nga ba umalis si Art ng di man lang nagpapaalam. Or baka naman paranoid lang ako at baka naman may binili lang sa tindahan kaya humiga nlng muna ako sa kama. Bigla namang nabaling ang tingin ko sa lamesa sa kwarto at may napansin na may dalawang papel dun na maayos na nakatupi. Agad akong tumayo at kinuha ang papel at binulatlat ito
Ito ang nilalaman ng sulat.
Bes,
Good Morning!! Hahahaha! Imagining mo nalang kung pano ko sinasabi yan sayo araw araw. :) Pasensya ka na ha hindi na kita ginising. Sarap mo kasi.. I mean ang sarap ng pagtulog mo ee.. Hehehehe.
Masaya ako kahapon. Sobra. Lalo na nung surpresahin mo ko sa bahay. Paggising na pagising ko at pagkababa ko ay agad kong naamoy ang paboritong adobo mo. Kaya naman nagtataka ko ng sinabi ni mommy na sya daw nagluto. E sa amoy pa lang, alam ko ikaw na! Hahahaha! Nadisappoint nga ako nung sinabi ni mommy na sya daw ang nagluto pero agad din nawala ng bigla kang lumitaw galing sa cr! Hahahaha! Sa dami ba naman ng pagtataguan mo, sa cr pa talaga ha. Hahahaha! Sobrang saya ko sa date natin kahapon. Yung bestfriend date na sinasabi mo. Pasensya ka na pala at medyo malungkot ako kahapon.
Pero ngayon, masayang masaya na ako. Masaya kasi nagbalik ka na sa dati. Hindi na magiging mahirap pa para sakin ang mga susunod na araw dahil alam kong okay na tayo. Thank you sa lahat! Mamimiss kita…. :’(
-Art
Pagkatapos basahin ang unang sulat ay medyo naguluhan ako sa dulong part. Ano ibig sabihin nya sa mamimiss nya ko? Kaya binasa ko pa ang isang sulat. Nakalagay ang date nito nung isang araw. Meaning, ang araw bago ako nagpunta ako kaila Art. Ang gabi na nakapagusap kami ni Kuya George, at ang araw na nagtxt sakin si Jenny. Kinabahan ako ng matindi. Hindi ako mapakali. Agad kong binasa ang isa pang sulat.
Jerry,
Kamusta na? Sana ay okay ka lage. Sa totoo lang, di ko alam pano sisimulan lahat sabihin sayo. Una sa lahat, alam mo sobrang naguiguilty ako dahil kung di dahil sa akin, edi sana hindi ka nagkakaganyan. Hindi ka magbabago. Hindi masisira ang pagkakaibigan nyo ni Philip. Ang pagkakaibigan natin. Pero ayan, nasira na. Kung sana mas naging matapang lang ako at di ka niyakap nung gabing yun, edi sana, ok lahat. Kung maibabalik ko lang, itatama ko ang mali para sayo. Nahihirapan kasi akong nakikita kang nagkakaganyan. Mas masakit sakin lahat Jerry….
Pangalawa, dalawang araw mula ngayon, ay aalis ako pabalik ng America kasama sila Kuya at Mama. Napagdesisyunan naming ito dahil nahihirapan na rin ako sa kalagayan natin. Alam ko medyo confused ka. Pero ako, hindi. Balak ko sana sabihin sayo to ng personal kaso di naman kita mahagilap. Ibibigay ko sana ito ngayon kaso sabi mo may pupuntahan ka at di mo kayang makipagkita sakin. Gusto ko sana sabihin sayo na aalis na ko. Kaso hindi ko alam kung pano dahil hindi rin naman kita maabutan sa inyo at di ka rin nagrereply sa mga text ko. Hindi kita sinisisi, pero nanghihinayang ako dahil baka hindi pa kita makasama bago ako umalis. :(
Panghuli……. Jerry, ngayon ko aaminin sayo ang lahat lahat. Hindi ko nrin kasi kaya pang itago ang nararamdaman ko, Ive been hiding this for far too long.. Jerry.. mahal kita…. Mahal na mahal.. nung una pa lang ay minahal na kita. Simula nung unang magkalapit tayo, ang paghihiwalay nyo ni Grace. Sobrang apektado ako ng hindi ka pumapasok sa school. Nung una ay confused pa din ako dahil dati, alam ko din sa sarili ko na lalake ako. Pero di ko din lam bakit. Basta nagising na lang ako isang araw at naamin ko sa sarili na mahal nga kita. Pasensya ka na ha. Pero yun kasi ang totoo. May aaminin din ako sayo… Natatandaan mo ba nung pinapunta mo ko sa inyo at tinanong ako kung bakit ka nilalayuan pag lumalapit ka kay Philip? Diba sabi ko, may kundisyon ako? Ang totoo, natatandaan ko ang lahat lahat. Ang totoong nangyari.. Ang pagkakahalik ko sayo. Lahat yun, natatandaan ko. Kaso pagkahalik ko sayo ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin sayo dahil sa takot at kahihiyan na pwede idulot nun. At worst, baka layuan mo ko kaya nagkunwari ako na biglang natulog. At isa pa Jerry,nagseselos ako kay Philip. Alam ko kasi, kahit di man nya aminin, ay alam kong mahal ka din nya tulad ng pagmamahal ko sayo. Kaya nga ba pilit kong kinukuha ang atensyon mo sakanya. Pasensya ka na talaga, pero minamahal lang kita. Sana ngayon sa pag alis ko ay wag mo kong kakalimutan. Babalik ako Jerry, kailangan ko lang buoin ang sarili ko. Pero sana tandaan mo, na mahal na mahal na mahal kita…… I love you..
I hope youre not crying right now. Wala ako dyan para punasan ang mga luha mo. Though I hope you are kasi it would mean na malungkot ka sa pag alis ko. That thought is enough for me para malaman na spesyal din ako sayo.
I love you Jerry and I’m sorry……
“Art”
P.S
Sana mas nauna mo binasa ang isa kong sulat bago ito. Pasensya ka na kung di ko pa rin sinabi sayo ng personal na aalis ako. Hindi ko kasi kayang sirain ang mga ngiting nakita ko sayo. Pero tulad ng sabi ko sayo ng paulit ulit kagabi. Mamimis kita… Sobra sobra Jerry.. mahal na mahal kita……
Habang binabasa ko ang kanyang sulat ay tuloy tuloy ang agos ng luha ko. Ang sama sama ng loob ko. Ito na ata so far ang pinakamasakit. Balak kong surpresahin si Art pero tila ako ang nasurpresa. Napakasakit talaga. Gusto kong magwala pero ni hindi ako makatayo.
Walang ibang nasa isip ko kundi ang lahat ng masasaya at magagandang alala ala naming ni Art ang tumatakbo sa aking imahinasyon. Simula nung magkakilala kami, ang pagbati nya sa akin sa umaga ng masigasig at anergetic na “Good Morning”, ang pangungulit nya pagkaupo ko palang, ang mga jokes nya na di pumapalyang magpatawa kahit pa kanino, ang pagkasweet nya sakin, ang mga yakap at lambing nya, ang unang halik, ang pagintindi at di nya pang iwan sakin, ang date namin, at ang nangyari samin kagabi.. Lahat. Paikot ikot at paulit ulit na bumabalik sa aking alaala.. Masarap isipin, pero masakit sa pakiramdam na ngayon wala na ang lahat ng ito.
Pero teka! Baka hindi pa nakakaalis si Art sakanila! Baka may chance pa akong makita sya bago man lang sya umalis! Kaya dali dali kong inipon ang lakas at tumayo at nagtatakbo palabas ng bahay at sumakay agad ng tricycle papunta kaila Art.
“Art, kailangan mo ng malaman na…..”
4 comments:
GO for it Jerry!
I got your back!!
hehehe nadala lang sa emotion.
Thanks ulit Jhaycie :))
ang dami ko naman natutunan sa chapter 12 and 13..aside sa maganda na ang story, may lessons pa..maraming salamat author..balawis ka kung magsulat..hehehe...kepp safe always..=) alex tecala
curry shoes
moncler outlet
nike shoes
air max 2018
kevin durant shoes
christian louboutin
cheap jordans
michael kors sale
curry 4
lebron 14
Post a Comment