Previous Chapters:
A/N: Sorry ulet :) talagang full force na kasi kami sa thesis hehehe kaya sinisingit ko na lang sa schedule ko ang pagsusulat nito. Maraming salamat po :)
Para saiyo: Akala ko nung una simpleng chatmates lang tayo pero somehow through our 1 month and 6 days nating magkakilala mas naging malalim na ang ating pagkakaibigan nagkita pa nga tayo eh. You are my Kuya and I’m your Bunso at masaya ako doon. Kapag kapatid FOREVER XD #PushMoYan #KapatidZoned wahahaha XD Love naman daw niya ako eh hahaha ayaw ko papigil. Muntikan na pero hahaha tumigil ka na sabi eh!(Kausap ang sarili) Kulit kulit :D
(Parang hindi ako nagtype nito eh)
Sa mga naging kaibigan ko maraming salamat :)
Hi naitsihC, Alexander, Joey, Paulo at sa iba hindi ko nabanggit sorry XD
- g!o Yu
PLUG KO DIN SANA YUNG BAGO KONG STORY ENTITLED CHATMATE NA HANGO PO SA BUHAY KO AT NG ISA KO PONG KAIBIGAN NA TAGASUBAYBAY.
You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.
Ito po ang unang story na ginawa ko sana magustuhan nyo :)
Final Requirement 18
Matapos ang napakasayang New Year ay simula naman ng kalbaryo naming mga graduating students, ang Final Defense. Ito ang magiging basihan kung makakamit namin ang pinapangarap na graduation, oh mananatili na lang itong isang pangarap. Kung iiyak ba kami sa stage oh iiyak sa loob ng kwarto. Bakit ba habang lumalapit ang graduation lalo ako nappresure? Pakiramdam ko kasi ay kulang pa din ang nalalaman ko, hindi pa sapat para humarap sa tunay na hamon ng buhay pagkatapos ng kolehiyo.
Nagsimula agad ang klase ng ika-2 ng Enero, aminado ako na wala pa sa wisyo ang utak ko para mag-aral muli pwede ba i-move na lang next week oh kaya next year ang pasukan?
Syempre kahit tamad na tamad akong pumasok ay pinilit pakilusin ang sarili at pumunta sa banyo, wala naman choice hindi ba?
. . .
Late na ako ng dumating ako sa School, at agang aga napagalitan ako ng professor, ang dami dami agad sinabi eh 5 minutes lang naman ako nahuli.
Wala pa din si Chard tinatamad din yun pumasok panigurado.
Bigla bumukas ang pinto.
"Sir, good morning sorry for being late, may dinaanan po kasi ako"
"Anong dinaanan mo sa MCDO? Tell me Mr.Alvarez" < --- Prof
"Ah eh kasi po uhm sa totoo lang kasi . . ." < --- Chard
"Ah never mind just seat down" < --- prof
Badtrip yun hindi manlang pinagalitan si Chard, samantalang ako na mas maaga ang dami daming sermon ang inabot? Nasaan ang matinong hustisya sa Pilipinas?
Umupo si Chard sa tabi ko.
"Babe?" < --- Chard
"Bakit naman hindi ka pa kumain sa inyo" < --- Ako
"It's for you Babe, here" < --- Chard
"T-thank you ikaw talaga, may Jollibee naman sa harap dapat doon ka na lang bumili na late ka tuloy" < --- Ako
"Sus ok lang yun teka alam mo ba kung bakit MCDO binili ko? " < --- Chard
"Ah kasi mas masarap ang fries?" < --- Ako
"Hindi, kasi LOVE KO TO" < --- Chard
"hah. . . May banat ka agad ah" < --- Ako
Inilapit ko ang muka ko sa muka niya, nagtitigan . . . palapit ng palapit.
Balak ko sanang halikan si Babe pero bigla akong kinulbit ni Alexa.
"Hoy Andrei mahiya naman diba?" < --- Alexa
"Alam mo? Panira ka ng moment" < --- Ako
"Gagi, tingnan mo kaya si Sir kanina pa nakatingin sa inyo" < --- Alexa
O___O
Hindi ko napansin, nakakahiya lahat sila nakatingin sa amin, gusto ko na maglaho ngayon na.
Napayuko na lang ako at nanatiling nakatingin sahig.
Awkward (-____-)
Tahimik
"Are you done with your sweet talk? People these days kung sino pa yung LATE sila pa yung may ganang hindi makinig" < --- Prof
Aaaargh gusto ko na lumubog sa ilalim ng lupa sagad naman kasi sa buto kung manghiya to si sir New year na New year parang nireregla kaagad.
Nagpatuloy pa ang mga klase namin hanggang alas dos ng hapon. Mabuti naman ay good vibes ang mga teacher, kinukuwento ang mga masayang araw nila noong new year. Yung totoo? Yan ba ang ituturo ngayon? Tss tapos may nagpagawa pa ng journal, anu daw ba ang mga ginawa namin nung new year in 300 words, nakakatamad kayang magbilang ayaw na lang sabihin na yellow pad baliktaran. Sng kinainis ko pa ang kasunod din na prof ay ganoon din ang pinagawa and this time 500 words.
Isa lang ang isinisigaw ng isip ko “Hindi po kami elementary!”
. . .
Ilang araw na rin ako hindi mapakale paano ba naman kasi malapit na ang B-day ni Chard eh hindi naman niya nababanggit sa akin kung hindi ko pa makita sa Facebook. Wala ako maisip bakit ganun? Gusto ko kasi yung hindi niya malilimutan. Sabi naman nila kahit simple lang ok na eh kasi kahit anung gawin ko panigurado ay maapreciate ni Chard yun.
R i c h a r d --- >>>
Nakakatamad nang mag-ayos ng thesis eh, nawawalan ka na ng social life, napapabayaan mo pa ang love life.
Speaking of love life Babe is acting so strange, May mga times na bigla na lang siya natutulala at madalas tumatanggi siya kapag niyayaya ko kumain. Madalas hawak ang phone at hindi mapakali sa kakapipindot. May times na naiinis ako pero baka stress lang siya sa thesis kaya hinahayaan ko na.
"Babe bakit ba lagi kang tulala?" < --- Ako
"Ah wala to Babe, wag mo ako alalahanin" < --- Andrei
"Anong wag alalahanin Babe? Boyfriend mo kaya ako kaya nga nababahala ako sa mga kinikilos mo" < --- Ako
"Sorry"
"Ayaw mo ngang sabihin sa akin kung ano yang nasa isip mo, nakakatampo kaya kung sino man yang iniisip mo humahati pa sa oras natin" < --- Pagtatampo ko
"Sorry Babe" < --- Andrei
"Sige ka na tulog ka na uuwi na ako" < --- Ako
"Akala ko dito ka matutulog Babe?" < --- Andrei
"Doon na lang sa amin, Gusto ko ok ka na bukas ah, yung hindi ka na natutulala ok?" < --- Ako
"Ok po, sige Babe ingat ka ah" < --- Andrei
Hmm . . . Ano kaya ang problema ni Babe ayaw naman sabihin sa akin, madalas may ka-text kung hindi naman may kausap sa phone. I don't like the idea that there is someone making him happy and that someone is not me. Aaaaargh! Why am I thinking mahal ako ni Babe. But if that day comes, can I set him free? Kaya ko ba siyang pakawalan para sumaya siya sa taong nagpapasaya sa kanya? I just don't know what to do if that day ugh! What am I thinking?
Hindi ko narealize nasa harap na pala ako ng bahay namin, masyado akong madaming iniisip. I'm just acting too paranoid.
Pagkapark ko ng Kotse ay dumerecho na ako sa kwarto at natulog. Bakit ko ba iniisip ang mga ganyang bagay? You’re just overthinking Chard.
. . .
Akala ko kinabukasan ay magiging maayos na si Babe, oo tumatawa siya just like before pero palagi may katext at katawagan at palagi siyang lumalayo sa akin when someone is calling him. Ako naman na walang kaalam-alam ay hindi ko maiwasan magduda.
Isang araw napuno na ako maghapon kami magkasama pero may kausap siya sa phone niya. Hindi ko alam kung anung meron ng hapin na iyon at bigla na lang ako nagalit.
"Sige kausapin mo na lang kung sino man yang kausap mo aalis na ako"
"B-Babe teka lang" < --- Andrei
Hinabol ako ni Babe at niyakap mula sa likod.
"Babe kung alam mo lang kasi . . . Kaso hindi ko pwede sabihin" < --- Andrei
"Why? Are you having an affair?" < --- Ako
"H-hindi Babe saan mo naman nakuha yang ganyang balita?" < --- Andrei
"Eh sino ba yang kausap mo ha?" < --- Ako
"Eh kasi . . . " < --- Andrei
“Sabihin mo na kasi Babe” < --- Ako
“Babe . . . kasi . . .” < --- Andrei
"That's it" < --- Ayan na lang ang nasabi ko. Paano ba naman sino ba ang matutuwa na pinaglilihiman ka ng taong mahal mo.
Punung puno na ako sa paglilihim niya may hangganan din naman ang pag-intindi ko. Iniwan ko siya sa Canteen at dumerecho na ako sa Classroom at nakita ko doon si Alexa natutulog sa arm chair.
Ginising ko si Alexa upang itanong kung may alam siya kung sino ang palaging kausap ni Andrei sa phone pero maging siya ay walang kaalam-alam kung sino.
"Intindihin mo na lang muna Papa Chard, siguro naman may malalim na dahilan kung bakit nililihim sayo ni Papa Andrei ang lahat" < --- Alexa
"Hindi ko alam Alexa, naiinis na kasi ako eh, kung sino man yun lagi kong kaagaw sa oras niya. Minsan tuloy iniisip ko na may Mmmp." < --- Hindi ko na
naipagpatuloy ang sasabihin ko, biglang tinakpan ni Alexa ang bibig ko.
"Wag kang mag-iisip ng ganyan Papa Chard, napakaloyal sayo ni Papa Andrei kung alam mo lang" < --- Inis na tugon ni Alexa, bigla siyang tumayo at iniwan ako.
Kailangan kong malaman kung sino ng kausap niya. Doon lang matatahimik ang isip ko.
Pinakalma ko ang sarili ko bago bumalik sa Canteen kung saan ko iniwan si Andrei, alam ko ang sama ng ginawa ko pero hindi na rin ako natutuwa sa ginagawa niyang paglilihim. Pero come to think of it Babe has always been an obedient boyfriend, oo nakakagawa siya ng mga bagay na kinagagalit ko minsan pero alam ko na hindi niya ako magagawang saktan; ako nga lagi ang dahilan kung bakit siya umiiyak eh.
Pagdating ko sa Canteen nakita ko na kasama ni Babe si Alexa at Jet, malungkot si Babe. May sinasabi si Andrei sa kanila pero hindi ko marinig kaya lumapit na ako.
"Babe . . .” < --- Andrei
"Tell me Babe sino ang kausap mo palagi sa phone?" < --- Ako
"Babe wala yun. . . Sorry na po" < --- Andrei
"Sino?" < --- Ako
"Wala nga yun Babe. . . Wa . ." < --- Andrei
"JUST TELL ME WHO YOU ARE TALKING TO, SO THAT I CAN UNDERSTAND AND I DON'T GET JEALOUS WHEN YOU’RE GOD DAMN PHONE RING!!!" < --- Ako habang hawak ko sa magkabilang braso si Andrei
Shit.
What did I just say?
Did I just shout on him?
I didn't mean to shout.
"S-sorry I-i did'nt mean to shout p-please" < --- Ako, But Andrei hurriedly walk away from me. I saw his tears run down again, thanks to me.
"B-babe!"
Hahabulin ko na sana siya ng may biglang humila sa akin pabalik sabay sampal.
Ouch
"Wag na wag kang makalalapit kay Papa Andrei. Kung alam mo lang Chard" < --- Alexa sabay bangga sa akin at tumakbo para habulin si Andrei
Sinubukan kong habulin ulit si Andrei pero hinarang ako ni Insan.
"Insan anu yon? Hindi mo siya kailangang sigawan" < --- Jet
"Hindi ko sinadya insan nabigla lang ako" < --- Ako
"Sige sige kami na muna ni Alexa ang bahala kay Andrei" < --- Jet
. . .
Balik klase kami.
Hindi ko katabi si Babe.
Nagpalit sila ng upuan ni Alexa kaya si Alexa ang katabi ko.
Ayun si Babe malungkot, nakatingin sa kawalan.
:(
Bakit ko ba kasi nagawa ang bagay na yon.
I feel so bad.
Pagkatapos naman ng klase nagmadali siyang umuwi sana sinigawan niya na lang ako eh, sinuntok, tinadyakan hinampas sa braso (waaah namiss ko tuloy ako hahaha anyways masaya na siya sa buhay niya)
Umuwi akong malungkot, umakyat agad sa kwarto at nahiga sa kama. Napakamalas naman ng araw ng to yung gusto ko siyang kausapin pero ang sabi ni Jet at Alexa ay sa ibang araw na lang.
. . .
Habang kumakain kami ng hapunan lahat sila masaya, ako? Eto nakatingin sa soup habang hinahalo gamit ang kutsara.
"May problema anak?" < --- Mommy
"Mali mommy may problema talaga, at mukang alam ko na kung ano" < --- Kuya Adam
"It's about Andrei" < --- Ako
"What about it?" < --- Dad
"It's my fault naiinis lang kasi ako may palagi siyang kausap sa phone niya. Kapag tinatanong ko naman wala daw yun. Ok nagselos ako ayoko lang mawala siya. I just can't afford to lose him" < --- Ako
“Anu nga ang ginawa mo” < --- Dad
“Nasigawan ko siya Dad, habang mahigpit ang pagkakahawak ko sa braso niya” < --- Ako
“What? How rude anak” < --- Mom
“I know that but I can’t help it” < --- Ako
“Well anak try to understand him, everything has a reason, for sure may paliwanag si Andrei sayo” < --- Mom
“I hope matapos na to, birthday ko pa naman bukas tapos magka-away pa kami ang saklap lang” < --- Ako
“Kasalanan mo naman tol eh” < --- Kuya Adam
“I know” < --- Ako
After that dinner umakyat na lang ulit ako sa kwarto at sinubukang kontakin si Babe but his phone just keep on ringing and ringing mukang wala siyang balak na sagutin ang tawag ko. Look what have you’ve done Chard, kasalanan mo yan. Wala naman akong choice but to call him again and again and again. Ayoko paabutin ng bukas ang away namin.
After 2 hours of non-stop dialing his number, sinagot din niya rin ang tawag ko.
“Babe?” < --- Ako
“Babe, speak up ok I know kasalanan ko, pero nagseselos na kasi ako sa kausap mo eh tapos ayaw mo pang sabihin sa akin” < --- Ako
“Sorry po kasi nasigawan kita kanina, hindi ko po sinasadya yun, H-hindi ko na yun uulitin ” < --- Ako
“Babe, birthday ko na bukas oh ayoko naman mag-celebrate ng mag-kaaway tayo please? Will you forgive me?” < --- Ako
Call ended
Sinagot niya nga yung tawag ko hindi naman siya nagsalita wala din. Humiga na lang ako sa kama ko at nag-isip ng paraan para mawala ang tampo sa akin ni Babe. Ang hirap pa naman paamuhin nun; Yeah you deserve this Chard you really deserve this.
. . .
Kinabukasan, yes it’s my Birthday but who cares? Wala akong ganang mag-celebrate hindi pa kasi kami ayos na Andrei.
Bumaba ako hoping na may makakasama ako for breakfast pero I saw a note on the fridge.
“ Happy Birthday Richard, 20 yrs old ka na! you are really a grown up now hope magkaayos na kayo ni Andrei. Oh by the way aalis kami ng Daddy mo may meeting kami sa Bicol kasama namin si Adam at Simon”
Love Mom and Dad
Great! Just great lahat sila iniwanan ako sino ba naman gaganahan. Sabagay may pasok naman kami so may chance na makausap ko si Andrei.
Happy Birthday Chard :(
Hindi ako makapagconcentrate sa klase namin ngayon paano ba naman absent si Babe wala naman siya nagsabi sa akin. Nakailang text na tawag na rin ako pero walang sagot at hindi niya sinasagot ang tawag ko.
“Insan alam mo ba kung nasaan si Andrei? < --- Ako
“Nako hinde insan hindi nga nagtetext sa akin yun eh” < --- Jet
“Ikaw Alexa? Baka alam mo kung nasaan si Andrei?” < --- Ako
“Hindi eh” < --- Alexa
“Hai kasalanan ko ito” < --- Ako
“Talagang kasalanan mo! Ang bait bait sayo ni Andrei tapos sisigawan mo lang ng ganun?< --- Alexa
“Sorry na hindi ko naman sinasadya yun eh sige puntahan ko na lang sa bahay nila” < --- Ako
“Wag mo nang sisigawan si Papa Andrei lagot ka sa akin” < --- Pagbabanta ni Alexa
. . .
Pagkatapos ng klase namin ay nagtungo ako agad sa aking sasakyan at tinahak ang daan papunta kila Babe.
Sana naman magkabati na kami. Malungkot ang buhay ko kapag wala siya, tahimik, yung parang may nawala sa pang-araw araw mong sistema sa pumumuhay, may “kulang” sa parte ng pagkatao mo na hindi mo maintindihan.
Ang buhay pala parang puzzle, ang mga tao sa paligid mo, magulang, pamilya, kaibigan at mga minamahal; mawala lang ang isa dyan parang hindi na kumpleto ang buhay mo. Ngayong wala si Babe sa tabi ko ang laking puzzle piece ang nawawala sa pagkatao.
“Anung ginagawa mo dito?”
“Ah kuya nandiyan po ba si Andrei?” < --- Ako
“Oo pero ayaw niyang magpakita sayo” < --- Kuya Kian
“Kuya pasabi naman sorry sa ginawa ko hindi ko naman talaga sinadya yun eh” < --- Ako
“Oo alam ko naman hindi mo sinasadya kasi kung sinadya mo yon? May bangas ka sa akin ngayon” < --- Kuya Kian
“Kuya naman, alam mo namang mahal ko si Andrei eh” < --- Ako
“Alam ko kaya nga pasalamat ka. Sige na ayaw kang makita ng kapatid ko umuwi kana” < --- Kuya Kian
“Pabigay naman po nito” < --- Ako binili ko ng Fries si Babe
Tumingin ako sa bintina ng kwarto niya at natyempuhan ko siya na nakatingin sa akin pagkatapos bigla niyang hinarang ang kurtina.
:(
Sumakay ulit ako sa kotse at nag-isip isip. Ang saya talaga ng birthday ko. Tumambay muna ako sa pinagparkingan ko sa sasakyan wala din naman ako gagawin ngayon.
Maya maya biglang lumabas si Andrei at samakay sa tricycle. Saan naman kaya pupunta to?
Lihim kong siyang sinundan nacucurious ako kung saan siya pupunta.
. . .
Pagkarating ko ay sinubukan kong tawagan si Babe pero hindi niya ito sinasagot. Hindi ako magkandaugaga sa paglingon kung saan saan para lang makita siya. Department store, super market, MCDO, Jollibee, KFC aarrgh where are you?
Pag-akyat ko sa second floor tumingin ako sa mga restaurant, kahit imposible ay magbabakasakali na rin ako.
Natigilan ako.
Nanlamig ang buong katawan.
Si Andrei :(
Lumapit ako.
Nanlaki naman ang mata niya.
“B-babe?” < --- Andrei
“Sino yan ha! Siya ba ang pinalit mo sa akin? Sumagot ka!” < --- Ako
“N-no Babe please makinig ka” < --- Ako
“I’m setting you free, kung siya na ang nagpapasaya sayo sino ba naman ako para humadlang?” < --- Ako sabay talikod sa kanya at takbo pababa.
“B-babe!” < --- Andrei
Bumaba ako sa may escalator, hinabol ako ni Andrei.
Niyakap niya ako sa likod. Hindi ko namalayan na kanina pa ako umiiyak. Ang sakit kaya, you’ll see someone na ka-holding hands ng taong mahal mo. OA na kung OA pero masakit eh.
Pagkababa namin sa escalator ay nagtatakbo na ako papunta sa parking lot. I look so miserable right at this moment tumutulo na nga ata ang uhog ko habang tumatakbo kanina.
Pero alam ko sinundan ako ni Andrei eh.
“Baaaaabe tulummmmmp!” < --- Andrei
“Baaaabe!” < --- Ako
“MmmmmMMMP!!!” < --- Andrei
Pero hindi ko na sila nahabol, mabilis nilang isinakay sa van si Babe, habang tinatakpan ng panyo ang bibig niya.
“Baaaabe! Ibalik niyo siya mga hayop kayo!!!”
Wala akong nagawa masyado silang mabilis kumilos kaya dali dali akong bumalik sa kotse ko at pinaharurot ko.
I’ll do everything to save you Babe.
Sinundan ko ang kotse kahit alam kong pwede ko itong ikapahamak ang nasa-isip ko lang ay mailigtas si Andrei. Tinatawagan ko sila Ronie pero out of reach silang lahat, WTF? When the time you need them the most.
. . .
Ilang oras ko na silang sinusundan, hindi ko alam kung saang lugar na to medyo nagdidilim na kasi ang paligid.
Mukang napansin nila na sinusundan ko sila, biglang bumilis ang pag-takbo at nag-overtake sa ibang sasakyan. Wala akong nagawa hindi pa ako ganoon kagaling mag-drive pero nakikita ko pa naman sila.
. . .
Halos pagabi ng lumiko sila sa malubak na kalye at tumigil.
Bumaba sila sa kotse at dali daling ipinasok si Andrei sa isang bahay na mukang tambakan ng metal craft.
Kinuha ko yung pocket knife ko sa loob ng kotse.
Lumabas ako para pumasok sa loob ng gate.
Dahan dahan, kailangan walang ingay akong gagawin kung hindi patay ako at mapapahamak si Babe.
Ang dilim sa loob wala akong makita.
Kinakabahan ako sa maaring mangyari. What if pareho kami makuha? Or what if naman mapatay ako, oh siya? aaarrrgh! Gagawin ko lahat just to save him.
Narating ako sa may gitna at wala pa din akong makita sa sobrang dilim.
Biglang bumukas ang ilaw.
“HAPPY BIRTHDAY CHARD!!!”
Huh?
May malaking banner na nakalagay ang pangalan ko, nandoon din silang lahat. Si Mom and Dad na nasa Bicol daw. Si Kuya Adam at Baby Simon kasama ang pinsan kong si Agatha. Sila Ronie, Jim, Ted, Nick at Jerick. Si Tito, Tita, Kuya Kian kasama sila Alexa, insan Jet. Kasama ang napakadaming pagkain at inumin, mga lobo at ribbons
“Happy Birthday anak” < --- Mom
“W-what’s this h-hindi ba ako nananaginip?” < --- Ako
“Hindi anak, nasupresa ka ba?” < --- Dad
"So all this time?” < --- Ako
“Oo planado ang lahat, at si Andrei ang may pakana nito” < --- Tito Athan
“kumausap siya ng mga pwedeng kasabwat para masupresa ka niya, kaya siya lagi tulala at may katext at kausap sa phone” < --- Kuya Kian
“Oh bakit ka naiyak?” < --- Tita
“M-masaya lang po. Nasaan po si Andrei?” < --- Ako
“Bakit mo ako hinahanap?” < --- Si Andrei nasa likod ko
“Babe, I just want to apologize sa lahat ng ginawa ko sayo” < --- Ako
“Aaaah. . . tapos?” < --- Andrei
“Anung tapos? Ok na tayo ah” < --- Ako
“Nakipagbreak ka na kaya sa akin kaninang tanghali” < --- Andrei
“Binabawi ko na, tayo na ulit” < --- Ako
“Aba it’s not for you to decide” < --- Andrei
“Babe naman eh” < --- Ako
“Hehehe Biro lang happy birthday Babe!” < --- Andrei
Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko kay Babe eto pa rin siya nanatili sa tabi ko and he even make my 21st B-day so memorable, yung hindi talaga makakalimutan. Yung mga kausap niya at katext noong mga nakaraang araw kung bakit siya tulala ay para lahat dito, actually resort pala itong inakala kong bodega, nilagyan lang nila ng mga drum sa labas para magmukang bodega, talino ni Babe sa ganitong gawain eh.
“Oh bakit ka naiyak?” < --- Andrei
“Pinag-alala mo kaya ako, may paholdap holdap ka pang nalalaman ah” < --- Ako
“Hehehe tara na kain na tayo Babe” < --- Andrei
“Gutom ka na no?” < --- Ako
“Oo ang hirap kaya magplano ng ganito” < --- Andrei
“Babe, thankyou ah napakasaya ko ngayon, akala ko kasi hindi ka na masaya sa akin kaya nagkakaganoon ka noong mga nakaraang araw. But I was wrong sorry if nagduda ako sayo Babe forgive me” < --- Ako
“Dami sinabi eh tara gutom na ako eh” < --- Andrei
“Aaaah badtrip eh ayun lang sinabi hahaha tara na nga” < --- Ako
. . .
Masayang kainan ang naganap, at syempre ako ang main topic nila nakakahiya nga eh paano ba naman sila mommy at Daddy kung anu-ano ang pinagsasabi pati ba naman yung mga ginagawa ko noong mga bata naikwento aaargh.
“Cut it out Dad! Nakakahiya” < --- Ako
“Hahaha ok lang yan anak” < --- Mom
“At eto pa si Chard ay takot na takot magpatuli kasi akala niya puputulin lahat hahaha!” < --- Kuya Adam
“Aaargh! Curse you!” < --- Ako
“Hahahaha!” < --- Andrei
“Taw aka dyam halikan kita eh!” < --- Ako
“Hahaha eto naman kalma Babe, anu pinutol ba lahat?” < --- Andrei
“Tss ok tamana yang mga kalokohan niyo” < --- Ako
“Ok guys ngayon ay papanuorin natin ang Video Presentation specially dedicated to Chard” < --- Kuya Adam
“Oh my sino ang gumawa nan?” < --- Ako
“Ako tol may problema?” < --- Kuya Adam
Ok this is the end, na kay kuya lahat ng mga pictures lagot ako nito.
Ayan na nagplay na. . . .
“Hahahahaha!” < --- Silang lahat paano ba naman pinakita yung Baby picture ko na hubad tss.
“Babe gifted ka talaga” < --- Andrei
“Stop mo nga Babe nahihiya na ako eh” < --- Ako
“Ok lang yan anu ka ba ang kj mo eh” < --- Andrei
Nagpatuloy ang halos 8 minute video presentation nila tungkol sa akin at may mga pagkakaton na sinisingitan pa rin ito ng mga picture na kahiya hiyang ipakita sa iba.
“Haahahahaa!” < --- Andrei
“Babe kanina ka oa tawa ng tawa ah” < --- Ako
“Sorry hindi ko mapigilan eh” < --- Andrei
Nagpatuloy lang ang masayang celebration ng birthday ko, pagkatapos naman ng video presentation ko na kulang na lang ay lumubog ako sa hiya sa kinauupuan ko ay puro kasiyahan naman ang nangyari, may mga mini games na inihanda si Babe at ang premyo ay candy na nakalagay sa supot ng pang bata hahaha lakas nito na Babe eh.
Pagkatapos noon ay kailangan ko daw mag bigay ng message kaya tumayo ako sa harap.
“Ah eh paano ba ito simulan? Hehehe hai akala ko talaga kanina ay nasa bingit nan g kamatayan ang buhay ko paano ba naman may nalalaman pa kayong hold-ap. Halos mamatay ako sa kaba kanina kasi akala ko nasa piligro na ang buhay ng Babe. Babe, salamat sa lahat kahit sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nasigawan kita, pinagdudahan at nainis I just want to say I’m sorry all this time kasi ito palang birthday ko ang pinaghahandaan mo (Bummuhos na ang luha ko) S-sorry talaga pangako ko sayo, i-ikaw lang ang mamahalin ko kahit ipag tabuyan mo ako lalapit at lalapit ako sayo maibalik lang ang dati. Mahal kita hindi sa kung anung meron ka kung hindi sa kung anung wala ka; nagtataka ka ba kung anu yun? Yun ay ang apelyido ko sa pangalan mo” < --- ang mahaba kong speech
“yiiiieeeeeee!”
“Hindi pa ako tapos, maraming salamat sa mga naging kasabwat ni Babe, kasi kung hindi dahil sa inyo hindi naman ito magiging possible. Sa mga mgulang ko at ni Babe maraming salamat, kuya Adam may araw ka din sa akin, kuya Kain pangako hindi nay un mauulit, sa mga tropa ko Hayop kayo kung makatawa kanina hahaha may araw din kayo sa akin at sa inyo insan Jet at Alexa maraming salamat sa pag-aalaga kay Babe” < --- Ako
Marami pang nangyari nung Birthday ko, kahit malalim na ang gabi ay talaga namang masaya pa rin, nag-iinuman sila Daddy at Tito Athan, todo naman sa pagkukwentuhan si mommy at Tita. Kami kasama ang mga kaibigan at pinsan ko at syempre kasama ang dalawa naming kuya at si Babe. Inuman ang huling nangyari nung gabing iyon, at dahil mahina ng sa inuman si Babe ay nakatulog na ito sa braso ko kaya naman inakyat ko na siya sa kwarto ng resort at pareho kaming nahiga sa kama.
Tumingin ako sa kanya.
Inilapit ko ang labi ko sa kanya.
“I love you Babe, salamat sa lahat promise babawi ako” < --- Ako
*Kiss
Babe mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko, ibibigay ang lahat ng gusto mo. Sana tayo na pang habang buhay. Gusto ko dito ka lang sa tabi ko palagi para hindi ka maagaw ng kahit na sino.
. . .
Andrei --- >>>
Pagkatapos ng preparation ko sa Birthday ni Chard ay nagsimula naman ako mag focus sa thesis naming, kahit minor changes na lang ang gagawin ay syempre dapat alam mo kung paano mo ito ipaglalaban.
“Anu ka ba naman babe, ako nga kalma lang eh tapos ikaw? Kung kabahan ka wagas parang ikaw ang sasalang sa defense ah” < --- Chard
"Ewan, masama bang mag-alala?" < --- Ako
"Babe, bukod sa gwapo na ang boyfriend mo, matalino pa" < --- Chard
"Yabang! Push mo yan" < --- Ako
"Naman! Pengeng gudluck kiss babe" < --- Chard
"Ayaw" < --- Ako
Pero bigla niya akong hinablot at yinakap ng mahigpit sabay kiss sa harap ng madaming tao.
"Yie!!!"
Pagkatapos nun ay namula ako ng wagas, kasi naman pinagtitinginan na kami
“Bwiset ka tingnan mo sa atin sila nakatingin” < --- Ako
"Salamat babe, para sayo ito, para sa ating future, sige bye"
Pumasok na sila babe kasama ang kagrupo niya, kawawa kasi sila, ang panelist nila yung terror, kaya kinakabahan ako para sa kanila.
Lord sana naman po pumasa kami at ang grupo ni Chard ginawa naman po namin ang lahat para makaabot sa 4th year sana po putnubayan niyo kami.
. . .
Pumunta ako kay sir Jake para magpacheck ng final manuscript, para bukas ay defense na lang ang problema. kahit medyo asiwa man akong lumapit sa kanya ay wala akong choice kailangan ko kasi ng tulong para sa manuscript namin.
"Good morning po sir Jake" < --- Ako
"Mr. de Dios, may kailangan ka?" < --- Jake
"Papacheck po sana sa inyo itong Manuscript namin, ok lang po?" < --- Ako
"Sure akin na" < --- Jake
Binigay ko sa kanya ang USB flashdisk at sinimulan na niyang tingnan ang manuscript namin. Kapag naman nasa school ay he look and act as a professional.
"Ah, Mr. de Dios labas ka muna, bawal kasi estudyante dito sa loob" < --- Jake
"Ok po sir, balikan ko na lang po salamat" < --- Ako
“Balikan mo within an hour ok?” < --- Sir Jake
“Ok po salamat” < --- Ako
Sana naman wala na masyadong mali yun, ang hirap kayang mag-english buwis buhay eh, hindi mo rin naman maasahan si Google translate.
. . .
Ang tagal naman nila Babe, anu na kaya ang nangyari? Aaargh! Bakit ba pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari? Nakakainis naman ayoko ng ganitong pakiramdam kasi huling nangyari sa akin to nagkatotoo.
Makalipas ang 1 oras ay lumabas na sila Babe mula sa COM Lab.
Bakit malungkot sila?
"Babe?" < --- Ako
"Babe wala eh, ginawa naman namin ang lahat pero . . ." < --- Chard
"Pero ano?" < --- Ako
“Kasi” < --- Ronie
“Paano kaya?” < --- Nik
“Naman eh anu nga ang nangyari?” < --- Ako
" pinalabas kami kasi . . . Kasi pwede na daw kami makagraduate!!! Hahaha yeah!" < --- Chard
"Timang ka talaga! At kayong dalawa? Sumakay pa kayo sa trip nito, kabang kaba na nga ako dito tss" < --- Ako
"Yes! Babe pumasa kami woohooo!" < --- Chard
"Congrats babe!" < --- Ako
"Salamat babe! Ok na yung pinacheck mo dun sa Lover mo?" < --- Chard
“Lover ka dyan adik ka talaga eh” < --- Ako
“Nakuha mo na?” < --- Chard
"Ay teka kunin ko lang sandali" < --- Ako
"Samahan na kita baka ano pang gawin nun sayo" < --- Chard
“Ikaw talaga masyado protective” < --- Ako
“Ayoko lang ng may maka-agaw sayo. Akin ka lang hahaha tara na?” < --- Chard
"Tara, ui babe di na ako sasama sa inyo ah" < --- Ako
"bakit hindi ka sasama?" < --- Chard
"Bukas na kaya Final defense namin" < --- Ako
"Sayang naman, sige hatid ka na lang namin ha" < --- Chard
. . .
"Ok na manuscript nyo Mr. de Dios, Oh Mr. Alvarez kamusta defense?" < --- Jake
"Ok lang po sir, thank god pumasa" < --- Chard
"Good to hear" < --- Sir James
"Ah sige po Sir Jake una na po kami, salamat" < --- Chard
“Uuuy may Date yan pumasa eh” < --- Sir Jake
Nakita ko na medyo nainis si Chard sa sinabi ni Sir Jake na may halong pang-aasar na tono. Tatalikod pa sana ulit si Chard pero hinawakan ko ang kamay niya kaya napatinign siya sa akin, binigyan ko siya ng masamang tingin at mukang nakuha naman niya ang ibig kong ipahiwatig.
. . .
Pagkalabas namin ng Office ay narinig namin na tumawa si Jake, anu kayang trip nun? Eh siya na lang naman tao dun.
"Babe, Alam mo bang Trip ka nan ni sir Jake" < --- Chard
"Ha? Di ah mabait naman yan si Sir eh" < --- Ako
"Alam kong may gusto yun sayo, nahuli ko yang pinagtatanong ka sa mga classmate mo" < --- Chard
"Ah talaga? Bayaan mo na yan, ikaw naman love ko eh" < --- Ako
“Talaga?” < --- Chard
“Opo, kaya wag kang paranoid ha Ilove you” < --- Ako
"I love you too babe" < --- Chard
. . .
Pagkahatid sa akin ni Chard ay agad akong umakyat sa kwarto at nag-aral para sa Final defense namin, mahirap kasing wala kaming masagot baka bumaba ang grade at higit sa lahat kailangan paghandaan ang mga dapat sabihin, matalino ang mga panelist kung hindi mo lam ang ginawa mo papaikutin ka nila sa mga kamay nila.
Sayang gusto ko pa naman sumama kila Babe, miss ko na din mag night out, pero kailangan munang unahin to para sa kinabukasan.
May tiwala naman ako kay babe, hindi yun gagawa ng kahit anung bagay na pwedeng makasira sa amin. Lam ko na natuto ni siya nung huling club niya kaya naman tiwala na ako sa kanya.
R i c h a r d --- >>>
Ang saya naman! Nakapasa kami ni Nik at Ronie sa defense wooo! Syempre binigyan ako ng goodluck kiss ng babe ko eh, ako nga pala humalik sa kanya sa harap ng maraming tao hehe! Pilyo eh.
Nandito kami sa Club Techno beat, ako at ang kagrupo ko na si Nick at Ronie. Sayang lang at hindi sumama si babe kasi defense nila bukas.
Syempre kasama dito ang pag inum ng San mig lights para mas lalong maging masaya ang gabi but at the same time mag-ingat, ayoko na mulit ang nangyari noong huli.
"Congrats mga pre! Gagraduate na tayo!" < --- Ronie
"Pasalamat kayo sa Akin! Kasi nadaan ko sa pagpapacute ang mga panelist" < --- Nik
"Hangin mo pre! Hahaha" < --- Ako
Somehow sa tingin ko ngwapuhan sa amin yung mga panelist eh, tapos panay pa ang pa-cute nitong si Nik.
nagyaya si Ronie na sumayaw.
"Tara mga pre!" < --- Ronie
Nagsayaw na nga kami at dahil may sapi na ng alak todo bigay kaming tatlo.
"Hey you wanna have fun with we?" < --- Tanung ng babaeng nasa harap ko
"No thanks, loyal ako sa mahal ko" < --- Ako
Dahil mukang wala siyang balak tantanan ako kaya pumunta ako sa banyo. Naghilamos ako ng muka para mawala ang init kasi naman tinatablan ako dun sa pangseseduce nung babae.
Pagkatingin ko sa salamin ay muli kong naaninag ang babaeng kanina pa ako pinagkakainteresan, sa isang iglap lumapit siya sa akin at hinalikan ako.
"Mmp teka mmmp" < --- Ako
"Masyado kang pa hard to get!" < --- Babae
Aaargh! Di ako makabitaw init na init na din ako, pero lumitaw ang imahe ni Andrei sa aking isip, naiyak at may galit sa mata. Doon ako natauhan.
Tinulak ko yung babae.
“Go away!” < --- Ako sabay labas ng banyo
Bakit lagi na lang angyayari sa akin to tss.
Nawalan na ako ng gana pang magsasayaw, kaya naman nagpaalam na alng ako kila Nik na uuwi naa lang ako.
“Pre! Ang aga naman” < --- Ronie
“Wala eh, baka anu pa mangyari kapag nagtagal pa ako dito ayoko magkasala kay Andrei” < --- Ako
“Sige Pards ingat, tara Ronie attack!” < --- Nik
Baliw talaga itong dalawang to eh.
. . .
A n d r e i --- >>>
Ngayon ay malapit na kaming pumasok sa COM lab para sa Final defense, bakas ang labis na kaba sa mga muka namin. Kahit anung gawin kong pagpapakalma sa sarili ko ay wala, walang naitutulong.
Sakto dumating si Chard bago kami pumasok.
"Babe wag kang kabahan, kaya nyu yan, nandito lang ako ha? Iintayin ko paglabas nyo" < --- Chard
"Hey, kaya mo yan alam kong makakapasa ka ok, oh ayan kayo na" < --- Chard
"Sama ka sa loob babe" < --- Ako
"Haha kung pwede lang babe" < --- Chard
Eto na! Papasok na kami Aaaargh! Di ko ma compose ang sarili ko! Bakit ba hindi ako makapagconcentrate tsk!
"Looking so tense Mr. de Dios" < --- Sir Jake
"Uhm I-im ok sir thankyou" < --- Ako
"Ok so let's start" < --- Coordinator
"A pleasant afternoon to you Mr. Coordinator and to you panelist now please head to www.simulate-sys.com to see our website" < --- Alexa
Napakadaming tinanung sa amin, simulan natin sa Privacy, kapag ba daw pinatay ang browser automatic maglologout ang website namin. Kapag daw ba nawalan ng internet gagana? Malamang hinde! Naiirita ako sa mga tanong eh tss. may mga tanong naman na mahirap pero tulong tulong naman kami para masagot ang mga pamatay na tanong ng mga panelist. Pero sa lahat mga tinanung isa ang kumuha ng pansin ko hindi ko alam iba pakiramdam ko eh.
"Mr. de Dios, lets compare your log-in to a Zip file, do you think kaya ko itong i hack using such software?" < --- Sir Jake
"Uhm well sir our website is constructed using ASP.Net And this tool has the best security compare to other. Zip file can be hacked but our website? I don't think so" < --- Ako
"Nice" < --- mahinang sabi ni Jet
"Ok Ms. Alexa your the designer of the website, don't you think it's too feminine in color?" < --- Panelist 2
"Well sir, I choosing color sky blue because it is very really pleasingly cold in our eyes" < --- Alexa
Anu daw sabi? Mas nakakadugo to ng ilong eh kaysa kay Baby Simon.
Nganga ang tatlong panelist sa maka-internal hemorrhage na sagot ni Alexa. Dapat pala siya na pinagsalita namin nung una palang.
Ok nag-uusap usap na sila sa verdict ng aming thesis, sana pumasa
Sana pumasa
Sana po pumasa
magpapamisa ako.
Magpapakabait na rin.
Magppray na ako every night.
Hindi nap o ako magsasayang ng kanin.
Basta lahat gagawin ko pumasa lang kami.
Tumayo na yung coordinator.
Malungkot ang mga tingin sa amin.
Kinakabahan talaga ako tsk.
“Ngayon ay nalulungkot ako sa para inyo, alam niyo kung bakit?” < --- coordinator
“B-bakit po sir?” < --- Jet
“Well I hate ti inform you thid but you’ll ni longer stay in this school congratulations” < --- Coordinator
"Yes!" < --- Ako at Jet
“Sir drop po kami?” < --- Alexa
“Adik to, syempre ga-graduate tayo kaya aalis na tayo sa school na to” < --- Ako
"Oh my goshness thankyou sir's we godbless you" < --- Alexa
Nga nga kami pati ang Panelist
"Last mo na yan tara na Alexa" < --- Ako
"Haha dapat par si Alexa na pinagsalita natin una pa lang eh" < --- Jet
"Tama ka jan Par" < --- Ako
"Tse!!! Kayo na magaling sa English!" < --- Alexa
"Eto naman maramdamin" < --- Jet
"It's hurt you know' < --- Alexa
"Gutom lang yan tara na hinihintay na ako ni Chard" < --- Ako
Grabe talaga to si Alexa "It's hurt'" daw dapat "It hurt's" di ba?. Paglabas namin ay tatakbo ako at hinanap si Chard.
Nakita ko siya nakashade at nakaupo sa lobby tulog.
"Baaaaaaaaaabe!" < --- Ako
Kita ko kung paano tumalima si Chard at nahulog sa upuan.
"Hahaha! Babe ok ka lang?" < --- Ako
"Makasigaw ka naman kasi nahulog tuloy ako" < --- Chard
"Pasa kami babe!" < --- Ako
"Pansin nga, yey! Congrats Babe!" < --- Chard
"Galing kasi ni Alexa, walang masabi ang mga panelist" < --- Ako
"Oo nga kung narinig mo lang Insan" < --- Jet
"Ang sasama ng ugali niyo! Papa Chard oh! Inaaway ako ng boyfriend mo" < --- Alexa
"Kaw naman Alexa di ka pa nasanay kay Babe at Insan" < --- Chard
"Tara na! Iniintay na tayo sa amin" < --- Ako
Imbes na kung saan saan kami pumunta napagpasyahan na lang namin na doon na lang sa Bahay mag-celebrate, ako kasama ang kagrupo pati si Agatha at syempre Chard at ang kagrupo niya.
. . .
"Congratulations Andrei Jet and Alexa!". Syempre ang sarap sa pakiramdam ng ganun kasi sa lahat ng hirap na pinagdaanan, mga pagsubok na dumating heto at ang sasalubong sayo, manalo man oh matalo.
"Waaaah! Salamat! Tara kain na tayo gutom na ako" < --- Ako
"Kailan ka ba nabusog babe?" < --- Chard
"Nay oh! Inaaway ako" < --- Ako
"Totoo naman eh" < --- Nanay
"Tay oh. . . " < --- Ako
"Tama naman siya anak" < --- Tatay
"Wow! Nasaan ang hustisya dito?! Wala akong kakampe, ni sarili kong magulang tss" < --- Ako
. . .
"Mother earth ang sarap nyo talaga magluto" < --- Alexa
"Tama ka dyan girl!" < --- Agatha
"Ang sarap naman tumira dito pards Andrei" < --- Nik
"Ah maa'm ipapahanda ko na po yung Adoption papers ko magapply po akong Ampon niyo" < --- Ronie
Ang lakas ng mga to eh, lalo na to si Ronie, mag-aaply daw ng Ampon ah . . . Adik talaga.
"Athan Kumpare!" < --- Tito Sam
"Sam! Mabuti naman nakapunta ka!"
"Dad?! Anun ginagawa nyu dito" < --- Chard
"Aba anak?! Nakita din kita, I was about to report na nawawala ka, di na kita nakikita sa bahay eh" < --- Tito Sam
"Kuya Adam pasok ka! Hndii mo kasama si Baby Simon?" < --- Ako
"Naku hinde ko sinama iniwan ko kay mommy" < --- Kuya Adam
Nakasabay namin si Tito Sam at Kuya Adam sa kainan. Panay ang kwentuhan ni Tatay at ni Tito Sam, magbestfriend nga sila na pinaghiwalay ng panahon at muling nagkita sa pamamagitan namin ni Chard.
"Waah late na ba ako sa Kainan?" < --- Kuya Kian
. . .
Nandito kaming lahat sa Garden kasi nagyaya mag-inuman si Tito Sam, syempre hindi patatalo ang mga kabataan, at ito ang rason kung bakit hinde sinama ni Kuya Adam si Baby Simon.
Dahil alam ni tatay na magaling akong kumanta pinalabas niya yung Videoke namin sa Stockroom.
"Andrei andrei andrei!"
"Hindi po ako marunong kumanta"
"Utot mo babe, ako ang #1 fan mo noon pa man" < --- Chard
"Galing mo talaga papa Andrei!" < --- Alexa
"Nice kaya inlove na inlove sayo si Chard eh" < --- Nik
"Kahit sintunado pa yan si Babe, mamahalin ko pa rin siya" < --- Chard
"Masyadong pumupuso ang gago hahaha" < --- Ronie
"Babe! Ikaw naman" < --- Ako
"Di ako magaling babe" < --- Chard
"Nako kapag nasa bahay kung makakanta sa Banyo" < --- Kuya Adam
"Wag ka nga Kuya!" < --- Chard
"Ahaha aba lumalabas ang talent sa banyo" < --- Kuya Kian
Katuwa tong si Kuya Adam at Kuya Kian magkasundo kapag aasarin kami ni Chard.
Nang dahil sa sulsol ng barkada napakanta din si Chard.
kumanta siya ng Alipin, ayun medyo ayos naman kaso halatang kinabahan ang babe ko.
"Kahit sintunado ka man nandito ako para sabayan kang kumanta" < --- Ako
"Sweet eh!" < --- Ronie
"Ronie ronie ronie!" < --- Ako
"Aba hinahamon mo ang kawpyon?! Sige Andrei nang magsisi ka" < --- Ronie
at kumanta na nga si Ronie ng kanyang all time favorite Pusong bato
O___O < --- Kaming lahat
Hindi ko alam kung saan kumukuha ng lakas ng loob itong si Ronie eh, talagang hindi tumutugma sa tono.
"Pards last mo na yan" < --- Nik
Ang saya talaga ng gabing ito kasama ang tropa, puro kasiyahan lang at lalong sumaya nang kumanta si Alexa
Halos atakihin sa kakatawa si Kuya Adam at Kuya Kian sa kakatawa.
"Ayoko na nga! Ang hard hard nyu sa akin" < --- Alexa
"It's hurt ba?" < --- Jet
"Hahaha!" < --- Ako
Buong gabi walang ginawa si Tatay at Tito Sam kung hindi magkwentuhan ng magkwentuhan "Catching up" kumbaga, samantalang si Kuya Adam at Kuya Kian ay mukang nagkakasundo sa usapan nila tungkol sa negosyo.
Kami? Eto tuloy tuloy sa pagkanta habang umiinom ng alak mabuti nga at hindi kami pinabarangay ng kapitbahay namin eh.
. . .
Syempre, sa akin tumabi si Chard. Ito pa lagi kahalayan ang laman ng utak kapag nasa kwarto kami.
Naglalaro ako ng Flappy Bird.
"Babe halika na gagawa na tayo ng mga anak natin" < --- Chard
"Ayoko nga!" < --- Ako
Bigla niyang dinutdot yung screen
Booog!
“Ay lintek! Ang taas nan g score ko eh nakakainis ka!” < --- Ako
“Sorry eh ayaw mo akong pansinin eh” < --- Chard
“Mag biro ka na sa bagong gising wag lang sa taong naglalaro ng FLAPPY BIRD!” < --- Ako
“Hahaha anung kasabihan yan?” < --- Chard
“Tss ayan ang baba tuloy” < --- Ako
“Tara yung bird ko na lang dutdutin mo” < --- Chard
“Ayoko”
"Babe kada na lang gagawa tayo ng baby pakipot ka masyado" < --- Chard
"Kasi Manyak ka po masyado" < --- Ako
"Ikaw lang naman ang dahilan ng pagtigas nito" < --- Chard
“Kwento mo” < --- Ako
"halika na hiyaaaah!" < --- Chard
"Aaargh! Wag ka nga dumagan sa akin" < --- Ako
"Sa susunod magdadala na ako ng tali nang di ka makapalag, tulad ng ginawa mo sa akin" < --- Chard
"Wag! Magpapakabait na ako next time haha!" < --- Ako
"Good" < --- Chard
Wala na akong nagawa, unti unti na akong nagiinit sa ginagawang paghalik sa akin ni Chard. Naghubad na siya ng pang itaas niya at muli kong nakita ang kanyang katawan. Ang kanyang katawan na medyo mabuhok sa bandang pusod, ang kanyang Abs ang medyo matambok na dibdib.
"Toot" < --- Cellphone ko
“Babe saglit may nagtext”
“Mamaya na yan” < --- Chard
“Eh saglit lang to” < --- Ako
Binasa ko
Unknown number: Makipagkita ka sa akin bukas kung ayaw mong lumabas ang mga to. At wag ka magsasama ng kahit na sino.
May kasama itong 2 picture
Nanlaki ang mata ko. Namutla, nanlamig. Hindi ko alam kung papaano to nakalabas, papaano? Sino ang naglabas? At papaano niya nakuha.
"Babe?" < --- Chard
"Ba-babe" < --- Ako
Kinuha ni Chard ang phone ko at nakita niya ang mga litrato.
"Pa-papaanong?!"
Itutuloy >>>
No comments:
Post a Comment