Tuesday, April 29, 2014

Final Requirement 23




Previous Chapters:
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14  15 16 17 18 19 20   


I did my best para mas makapag-update agad :)

At eto na nga ang Chapter 23! Ilang Chapters na lang ang pagsasamahan natin.

Sad kasi matatapos na BUT may bago naman :D

Ch@tmate ang Next story ko :)

Book 2 ng FNR hindi ko pa alam :)


Confused ?___? anu kaya epic Finale??????


Ayun lang

I love you all



Hi Regimar, Eros,NaitsirhC, Llemit, Jomar, Dyan, Boy Cookies (Super Friend kami), Kuya Er win, Parekoy!, Brother :), Joey :|, Kuya Erickson aba move on na hahaha :P, Neil :) Randsmesia, baru, Kuya Rome Tama ata basta lahat ng readers :)

PUSH KO PA RIN YUNG CHATMATE :) MAY MASAMA  AKONG BALAK EH :p ABANGAN

Hi K-Feds :)

Sa mga naging kaibigan ko maraming salamat :)
  

-  g!o Yu - :|


You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.

Sa mga gustong mag-add sa akin type Gio Yu at kapag nakakita kayo ng gwapo ako yun :P kapal lang ng muka ko.

Ito po ang unang story na ginawa ko sana magustuhan nyo :)

Final Requirement 23

A n d r e i --- >>>

Sa wakas! makakauwi na din ako sa amin, 3 days ako nakakulong sa silid na to nakakaboring kaya, higa, kain, tulog, gising kain, upo, higa. Tulog.
Nakakasawa, nakakataba, at nakakahina ng katawan.
Medyo nainis pa ako ng magtext si Chard na hindi siya makakapunta, nagpapractice daw sila kasama yung Shane.

Chard <3: Babe Sorry may practice kami eh :(
Ako: Hmmmmmf
Chard <3: Sorry po huhuhu T___T

"Anak, excited ka na bang umuwi?" < --- Tatay
"Opo tay! Magpapractice pa po ako ng kakantahin ko para sa Valentines ball"
"Well you need to rest young man, sige ka baka lumabas utak mo kapag kumanta ka" < --- Tatay
"opo tay, hindi ko naman po nakakalimutan yun pero, medyo gahol na din po kasi sa oras kaya kailangan ko na din po magsimula magpractice"
"Nako hon, walang panama ang mga sikat na singer diyan sa anak natin" < --- Nanay
"Aba kailangan ko marinig yan" < --- Tatay
"Parang hindi naman" < --- Kuya Kian
"Tara na po! Nandiyan na pala yung kontrabidang kong kapatid na maghahatid sa atin sa bahay" < --- Ako
"Mas maganda kaya boses ko, Heart throb pa nung college days ko" < --- Kuya Kian
"Kabahan ka naman sa sinasabi mo kuya" < --- Ako
"Bakit? Totoo naman sinasabi ko?" < --- Kuya Kian
"Kayo talaga, hindi na kayo nagkasundo kahit kalian kahit sa simpleng bagay" < --- Tatay
"Tay ang sinungaling naman po kasi ni Kuya eh mas magaling naman po ako sa kanya hindi lang po niya matanggap"
"Ay siya uuwi na tayo itigil niyo yang walang kwenta niyong pag-aaway, Kian ikaw na magtulak sa wheel chair ng kapatid mo" < --- Nanay
"Nay kaya na niya yan ulo naman po ang nasugatan hindi braso" < --- Kuya Kian
"Bitter"
"Kian. . . ." < --- Nangangalit na boses ni Nanay
"Tss eto na eto na galit agad eh" < --- Kuya Kian
"Ayaw kasi susunod agad" < --- Bulong ko
"May sinasabi ka Bunso?" < --- Kuya Kian
"W-wala kuya tara na"
Nakakainis to si kuya ang baros masyado halatang binabargas yung pagtulak sa wheel chair, kaya naman mahilo hilo ako. Paano ba naman kanina bago kami lumabas ng room ko iniikot ikot pa ko sa loob pagtatapos kinakalog kapag tinutulak niya yung wheel chair kakabadtrip.
“Kuya nahihilo na ako tumigil ka na nga”
“Ahahaha! Buti nga” < --- Kuya Kian
“Ang sama mo”
“Gwapo naman” < --- Kuya Kian
“Kapal naman ng mukha”
Pagdating sa kotse ay natulog na lang ako ang baho kasi ng pabango sa kotse ni kuya lalo akong nahihilo.
Siguro ayoko lang makipag-usap kasi nakakainis si Kuya at si Babe, naiintindihan ko naman na may practice sila eh, naiinis lang talaga ako.
Chard <3: Babe saan na kayo?
Chard <3: Ui? :( Sorry po talaga
Chard <3: Babawi po ako promise
Chard <3: Babe naman eh :(
. . .
Umakyat na kaagad ako sa kwarto para makapag pahinga. Kahit naman ulo ang nasugatan sa akin apektado pa din ang buong katawan. Nakakahilo pa yung antibiotic at iba pang gamot na pinapainom. May restriction pa sa kakainin nakakainis talaga.
Naalala ko kailangan ko na malaman kung anung kanta ang ipapakanta sa akin ni Sir Peps.
Tinawagan ko siya.
"Ang kakantahin mo ay Love the way you lie part 2" < --- Sir Peps
"Bakit po ang lungkot sir?" < --- Ako
"Ang theme kasi ng Ball ay 2 faces of love, meaning masaya at malungkot" < --- Sir Peps
"Ah, ok po sounds unique"
"Sayo ko binigay ang malungkot kasi I'm confident na kaya mo bigyan ng Judgement ang kanta, you can give the emotion that the song require" < --- Sir Peps
"Naku po sir, thankyou po sa tiwala, hindi ko po kayo bibiguin susubukan ko pong bigyan ng justice ang kanta" < --- Ako
Hindi ko alam kung kaya kong ibigay ang emosyon na kailangan ng kanta pero susubukan ko. Nagsimula na agad akong magpractice.

"On the 1st page of our story
The future seemed so bright
And this thing turned out so evil
Don't know why I'm still surprised"

"Toot" <<< 1 new sms
Chard <3: Sorry Babe, hindi kasi ako makatakas dito eh :(
Ako: Ok lang.
Chard <3: Nakow galit ka eh sorry na please?
Ako: Geh geh naiintindihan ko naman.
Chard <3: Thankyou babe <3 grabe kapagod tong practice namin :(
Ako: Galingan mo ah :)
Chard <3: Para sayo gagalingan ko :D
Ako: Bola mo :3
Chard <3: Ang hirap babe, baka hindi ko kayanin, ang hirap ng Long distance relationship :(
Ako: Timang! Akala mo naman napakalayo mo eh.
Chard <3: Ee miss na po kita, Pati ang paggawa natin ng Baby.
Ako: Ako syempre . . . . Hindi :P
Chard <3: Babe sago na to :/
Ako: Aw. Mahirap ilabas yan
Chard <3: Kaya nga ee :/
Kahit kailan ito si Babe kapag sinaniban ng kalibugan sa katawan ipipilit ang gusto. Bawal pa kaya may sugat pa kaya ako baka lumabas utak ko hahaha. Pero somehow ang bilis niya gumaling kasi inalis na agad ang stitches ng sugat.
Pinagpatuloy ko ang pagkanta at talagang naging naging napakahira dahil babae ang tunay na kumanta nito at mataas pa ang boses.
Gagawin ko ang lahat para maperfect ito baka kasi ito na ang huling kanta ko sa school namin kasi gradwaiting na ako.
Regarding sa revision si Jet at Alexa na ang gumawa since minor revision lang naman yun ay mabilis nilang natapos at hindi na nila ako bibigyan ng kahit anumang gawain. Nahiya nga ako sa kanila kasi last year bago magproposal defense nabugbog ako then hindi ako nakagawa ng prototype kasi naaksidente ako that time at pagkatapos dinala naman pa ako ni Chard sa Isolated Beach kaya nawala sa isip ko.
. . .

"Andrei kakain na ng hapunan!" < --- Nanay
"Bababa na po"
Hindi ko alam wala akong gana kumain pero nagugutom, naiinis kasi si Chard masyado niyang binibigyan ng atensyon yung sayaw para sa valentines ball.
 Tamad na tamad akong bumaba sa hagdanan  bawat baitang pababa ay dinadama ng aking katawan bago muli umapak sa susunod na baitang.
“Hi Babe!”
“Ay Put . . .  bakit ka ba nanggugulat?!”
“Ang sunget naman”
 “akala ko busy ka anong ginagawa mo dito?"
"Maaga natapos practice eh kaya dumerecho na ako dito sorry na alam ko namang tampo tampo ka sa akin eh" < --- Chard
"Ah ok" < --- Ako na medyo nakasimangot pa din
"May pasalubong pala ako" < --- Chard
Inabot sa akin ni Chard ang 3 Large fries.
Hindi ko mapigilang mapangiti, alam talaga ni Babe kung paano ako aamuhin kapag ganitong tampo ako sa kanya. Nakakainis tuloy hindi ko kayang maging consistent sa pagtatampo ko, isang tingin niya at fries wala na bibigay na ako.
"Tara na nga! Kain na tayo" < --- Ako nawala yung tampo gawa sa fries
“Sus nakakita lang ng fries nawala tampo pakipot naman bunso” < --- Kuya Kian
“Hahaha” < --- Nanay at Tatay
“Ang sama niyo hindi ko kayo bibigyan ng fries” < --- Pagmamaktok ko
“Hindi naman kami mahilig sa Fries eh” < --- Kuya Kian
“Umupo na kayong dalawa at kakain na ng hapunan” < --- Tatay
“Tara Babe kain tayo”
Kumain kami sabay sabay ng hapunan, kasama si Chard na feel at home na, nakikipagkwentuhan na kay tatay, at higit sa lahat bisyong bolahin si Nanay sa mga luto nito. Ang sarap tingnan muka na kaming isang buong pamilya.
Sana in the future kami pa din.
“Ang sarap po talaga ng luto niyo Tita” < --- Chard
“Bola mo Babe”
“Talaga naman eh” < --- Chard
“Alam mo Andrei pareho kayo nitong kapatid mo na hindi naappreciate ang luto ko. Wag na lang kaya kayo kumain dito sa bahay” < --- Nanay
“Nay ang drama eh syempre masarap naman po kaya nga mahilig dito kumain si Chard oh” < --- Ako
“Hehehe opo Tita masarap po, kaya payagan niyo na po akong pakasalan si Andrei para po manugang niyo na ako hahaha” < --- Chard
“Ayun lumabas din ang pakay” < --- Kuya
“Kayo talaga, huwag kayong magmadali, kung kayo, kayo talaga hindi yung magpapatali kayo dahil ayaw niyo lang mawala ang isa’t isa” < --- Tatay
“opo Tay, narinig mo Babe? Hindi yung magpapakasal lang tayo dahil gusto mo kumain lagi dito hahaha!”
Napakamot na lang sa ulo si Chard, at ipinagpatuloy ang pagkain.
May point naman si tatay hindi naman talaga kailangang magpakasal agad para lang masecure mo ang taong mahal mo, maaring siya nga maari ring hindi, depende sa pagdadaanan sa hinaharap.
"Babe dito ako matutulog ah" < --- Chard
"Ay Nay pakihanda yung Guest room"
"Ayoko dun, gusto sa tabi mo" < --- Pabatang pagmamaktol ni Chard
"Pagbigyan mo na bunso malamig ang gabi oh" < --- Kuya Kian
"Shut up kuya ang halay ng utak mo"
"Haha! ikaw ang nag-iisip nan bunso" < --- Kuya Kian
"Anak aral muna ah, baka madisgrasya baka maaga mabuntis" < --- Tatay
"Wag nga kayo!"
“Hahahaha bakit ang pula mo?” < --- Kuya Kain
“Wala kang pakialam!”
Nakakaadwa hindi ako sanay na ganyan pinag-uusapan, lalo na at may balak talagang gawin si Chard kaya yan nandito tss. minsan talaga napapaisip ako eh kung babae siguro ako matagal na akong buntis pagkahalay kasi nitong si Chard tsk.
"Sige na payag na ako tabi na tayo" < --- Ako
"Yehey!" < --- Chard
"Alvarez 3 points!" < --- Kuya Kian
. . .
"miss kita" < --- Chard
"Hirap na ka na ba sa Long distance relationship?"
“Ah sobra Babe kanina ng nasa practice ako hindi ako makapag-concentrate kasi ang layo ko sayo, taspo hindi pa kita nasamahan sa paglabas mo sa ospital” < --- Chard
“Sus ok lang yun pero honestly nainis ako kanina”
“Sorry po”
“Ok lang alam kong pagod ka kaya pahinga na tayo”
"Opo, kaya ako ngayon ang ipaghele mo. Ako hihiga sa braso mo samahan mo na din ng kanta" < --- Chard
“Wow ako nga yung galing ng ospital tapos ikaw mag-papaalaga sa akin doon ka sa nanay mo”
“Ang sunget” < --- Chard

R i c h a r d --- >>>
Nakahiga na kami ni Andrei, nakayakap ako sa kanya gusto ko kasi makasabay siya matulog ewan ko na miss ko na agad siya ng sobra kahit magkasama kami sa ospital, naging abala din kaso ako sa practice doon sa ball.
Kasabay ng pagkamiss ko kay Babe ay ang matagal naming hindi paggawa ng Baby, I don’t know napaka-lakas ng nararamdaman kong pagnanasa kay Babe, I love his innocent looks.
Looks can be deceiving sabi nga nila, like Andrei may tinatagong talent yan lalo na kapag trip niya. Dahil kagagaling lang niya sa ospital wala akong choice kung hindi maghintay sa paggaling niya.
"Babe sago na ba?" < --- Andrei
"Oo Babe masakit na sa tyan" < --- Ako
"Sorry ah, bawal pa eh, may sugat pa kasi ako baka bumuka lumabas ang utak ko" < --- Andrei
“Hahaha naniniwala ka talaga sa doctor na lalabas ang utak mo diyan eh no”
“Oo naman, hahaha biro lang. pero sorry ah hindi ko mapagbigyan yang gusto mo” < --- Andrei
"Sus ok lang yon, kantahan mo na lang ako ng pampatulog"

"I have died everyday
waiting for you
darling don't be afraid
I have loved you
for a thousand year
I'll love you for a thousand more." < --- Andrei

"Wow, anong kanta yan Babe"
"Thousand years" < --- Andrei
"Kakantahin ko yan sayo one day in front of many people" < --- Ako
"Iintayin ko yan, I Love you Babe" < --- Andrei
"I love you more babe" < --- Ako
"I love you for a thousand more" < --- Andrei
"Ayaw mo patalo eh, sige na ihele mo na ang baby mo" < --- Ako
"Tss. Oh gusto mo dumede ka pa" < --- Andrei
Natawa ako sa sinabi ni Babe at medyo nalibugan din ng kaunti. sa braso niya ako nakahiga nakita ko ang utong ni babe, dahil may pagkapilyo ako dumede ako.
"Aaah, b-babe tigil mo yan adik ka! Talagang dumede ah feeling baby eh, gusto mo ihulog kita sa balon?" < --- Andrei
"Sabi mo dumede" < --- Ako
"Binibiro ka lang adik to, tulog na nga tayo" < --- Andrei
"Goodnight Babe" < --- Ako
"Goodnight din Babe" < --- Andrei
*Kiss
. . .
Andrei --- >>>

4 na araw na lang ang ang natitira para mag-practice kaya naman dapat 7 ng umaga ay nandoon na kami ni Chard na hanggang ngayon ito nakahiga pa rin sa kama ko at mukang walang balak bumangon. Sabagay pagod ito sa practice kahapon kaya naiintindihan ko naman.
"Babe bumangon ka na! Kanina pa kita ginigising tss"
"5 minutes Babe" < --- Chard
"Ah bahala ka dyan maliligo na ako"
Nauna na akong pumasok sa banyo, binuksan ang shower, tinimpla ang temperatura ng tubig. Matagal din akong hindi nakaligo dahil sa pagkaka-aksidente ko.
Sumunod na din si Chard sa banyo at sabay kaming naligo.
“Ay teka Babe pwede ka na ba maligo at pwede na ba basain yang sugat mo?” < --- Chard
“Gusto ko na maligo Babe, ilang araw din akong hindi nakaligo eh kaya sige na pagbigyan mo na ako, hindi ko na lang babasain ulo ko”
“OK Babe teka teka tutulungan kitang maligo” < --- Chard
Hindi ako hinayaan ni chard na gumalaw mag-isa sa banyo, siya ang nagsabon ng aking katawan simula leeg hanggang talampakan. Ang sarap naman niyang mag-alaga ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin sa bawat haplos at pagsabon niya sa katawan ko. Syempre hindi talaga mawawala ang kahalayan ng taong ito.
"Babe tigas ah" < --- Chard
"Hehe wag mo na lang pansinin aaaah potek ka tigilan mo yAAAN! AaaH sinabi nang wag mo isubo ya AAAAH SARAP"
Baliw talaga to si Chard.
"Hahaha halika na Babe baka saan pa to mapunta" < --- Chard
"Ang gago dapat tinuloy mo"
Aba nakakabitin kaya.
"Ayaw halika dito pupunasan na kita" < --- Chard.
Umalis na kami ni Babe pagkatapos maligo, dahil nga late kumuha na lang kami ng pagkain at doon namin kinain sa kotse.
"Hoy Andrei Alvarez wag kang magpapagod ah, hindi ka pa fully recovered" < --- Chard
"Opo"
"Ininom mo na ba ang mga gamot mo? " < --- Chard
"Yep"
"May dala ka bang Bimpo?" < --- Chard
"Ay opo Babe don't worry ok lang ako, thank you sa concern, kapag hindi na maganda pakiramdam ko sasabihin ko sayo ok?"
"Ok Babe" < --- Chard
. . .
Excuse kami sa class dahil ang mga kasama sa sasayaw at kakanta, maging ang magiging host ay magsisilbing props committee din.  Ako ay abala sa pagkanta at si Chard naman ay sa pagsayaw, nasaan nga ba yun?
Aw, ayun pala siya at si Shane ang partner niya. Si Shane ay ang pinakasikat na dancer dito sa school, maganda, sexy, malusog ang hinaharap at talaga namang napaka-lambot ng katawan kapag sumasayaw. Nakaramdam ako ng selos dahil mula dito kita ko ang saya sa mga mata ni Chard, gustong gusto nya yung ginagawa niya kahit kita mo na nahihirapan siya sa pagkuha ng mga steps ay determinado ito na matapos.
"Andrei ok ka lang?" < --- Sir Peps
"Ah o-opo, ok lang ako"
"you look bothered" < --- Sir Peps
"N-no sir" < --tm-
"Ok, sige kantahin mo sa akin ngayon ang chorus" < --- Sir Peps
"Just gonna stand there and watch me burn bu . . ."
"Ok stop, may bumabagabag talaga sayo don't deny it < --- Sir Peps
"W-wala naman po sir"
"Ok 15 minutes break every one!" < --- Sir Peps
Wala naman talagang bumabagabag sa akin, anu naman kung makita kong nakangiti si Chard sa piling ng iba? Pero hindi ko maiwasang magselos.
. . .
Sa 15 minutes break na yon ay hindi manlang ako pinuntahan ni Chard, nandoon sila ni Shane sa isang gilid masayang nagkukwentuhan.
"Hindi manlang ako pinuntahan dito tss"
"Hi papa Andrei! Heto binili kita ng burger, tara lafang na tayo" < --- Alexa
"Salamat ah, mabuti ka pa naalala ako eh yung isa hindi manlan ako naisipan bigyan ng pagkain, kahit nga puntahan ako eh hindi magawa" < --- Malungkot kong tugon
"Ay! May gosh selos and papa ko kay Shane, at malaking problema yan" < --- Alexa
"Papaano mo naman nasabi?"
"Malandi yang babaeng yan, may god si Papa Chard nga pala ang partner nan" < --- Alexa
Bigla akong kinabahan, paano kaya kung landiin . . . Bakit ko ba iniisip yun, may tiwala ako kay Babe. Hindi yan magpapatukso, tama hindi madadala sa panlalandi ni Shane si Chard.
"Wag ka mag-alala papa Andrei magtiwala ka kay papa Chard" < --- Alexa
"Tama ka, hindi dapat ako magduda, tara kain na tayo, libre kita ng drinks mamaya"
"Thank you papa Andrei, starbucks ah . . . " < --- Alexa
"Sure"
Tumingin ako kay Chard, napatingin din siya sa akin sabay ngiti sa akin, ngumiti ako bilang paganti. Hindi ko magawang tumingin kay Shane naiinis ako.
"Ok guys! Iwanan nyo muna ang mga task nyo I want you to paint those woods white ok? Go!" < --- Sir Peps
"Tara Alexa pintura na tayo" < --- Ako
"Ok lets go!" < --- Alexa
Pininturahan na nga namin ang mga fly wood, habang walang tigil ang pagtatalak ni Alexa, buti pa itong babaeng ito napaka positive ng outlook sa buhay, kaya naman masayang kasama ni Alexa nakakalift ng mood ang happiness nya.
Napatingin ako sa lugar nila Chard, medyo nanikip ang dibdib ko kasi nagpapahiran sila ng pintura sa muka.
Nakakainis :(
Napahawak ako sa dibdib ko naninikip talaga siya sobra.
"A-andrei ayos ka lang?" < --- Alexa
"Ayos lang ako pagod lang siguro to, may nakita din akong nakakasira ng mood"
"Gusto mo buhusan natin ng pintura papa Andrei? Sabihin mo lang gagawin ko agad agad kara-karaka!" < --- Alexa
"Wag na adik ka talaga" < --- Ako
"Kapang-init ng ulo eh!" < --- Alexa
Napatingin naman sa amin si Chard, kaya naman agad akong tumalikod at pinagpatuloy ang pagpipintura.
"Alexa, CR lang ako saglet"
"Sige sige go na wag kang gagawa ng away ah" < --- Alexa
"Hindi ako ganyan Alexa alam mo yan"
Pumunta na nga ako sa CR dumaan ako sa harap nila Chard at Shane.
"Ang gwapo mo kapag nakangiti, you should do that more often" < --- Shane
"Ikaw din naman maganda kapag nakangiti" < --- Chard
"Eee! Di nemen anube!" < --- Shane
Napansin naman ako ni Chard, pero nabubuwiset na talaga ako sa babaeng yun, ang sarap ingudngod ng muka sa inidoro puno ng tae.
"Babe!" < --- Chard
"Oh?"
"Saan ka pupunta?" < --- Chard
"CR" < --- Ako
"Sama ako" < --- Chard
"Wag na muka namang nag-eenjoy ka dyan" < --- Ako sabay lakad papuntang banyo.
"Kabadtrip "Eee di nemen enebe" tss" < --- Ako habang nakaharap sa salamin sa banyo.
"Babe?" < --- Chard
"Bakit?"
"May problema ba?" < --- Chard
"Wala? ano namang magiging problema?" < --- Ako
"Sus! Alam ko nagseselos ka babe, tingnan mo nga yang ilong mo namumula, laki pa ng butas" < --- Chard
"Asa men, me? Are you crazy? Hell no" < --- Ako
"Nagseselos ka nga, halika hug na lang kita mmm!" < --- Si Chard sabay yakap sa akin
"Lumayo ka nga! Hindi ako nagseselos no"
"Naku naku, eh bakit ka nagagalet? Halika nga dito para kang ewan eh. Tandaan mo Babe ikaw lang ang love ko" < --- Chard
"Sige na ok na, bumalik ka na doon at makipagpahiran pa ng pintura"
"Sige na ok na, pero hindi ko maiwasan eh, ikaw ba makita mo akong kasama si Jake halimbawa, nagpapahiran ng pintura sa muka" < --- Ako
"Bugbog sa akin yon" < --- Chard
"Kita mo? Tapos nung nagbreak time ng 15 minutes hindi mo manlang ako pinuntahan kahit sandali, nandoon ka masayang nakikipagkwentuhan tapos maya maya may pahiran na ng pintura sa muka? Hindi mo manlang naisip na puntahan ako para kamustahin, aluking kumaen hmp" < --- Ako
"Ang seloso naman ng Babe ko, sorry sorry I was just being friendly back there para naman mas makasayaw kami ng ayos" < --- Chard
"Oo na, sige na baka hinahanap na ako dun bumalik ka na din sa Shane mob aka bitin pa kayo sa piharan ng pintura" < --- Ako
"Wag kana magselos oh, I love you babe" < --- Chard
"Sige babalik na ako dun"
"Galit ka pa din eh" < --- Chard
Bumalik na ulet ako sa pagpipintura kasama si Alexa, dahil medyo nagtagal ang usapan namin ni Babe humarap ako sa husgado eh este kay Alexa.
"Bakit ang tagal nyo dun ah? Don't tell me nag quickie kayo?" < --- Alexa
"Adik ka, nag-usap lang kami medyo naiinis na din ako dun sa Shane na yun eh kaya sinabi ko sa kanya"
"Well, mabuti na alam niya na nagseselos ka para lumayo siya ng kaunti. Kasalanan to higad na yan eh dapat dyan pinapana! Tapos tinatapon sa kumukulong putik!" < --- Alexa
"Haha grabe ka Alexa, mahirap kang kaaway" < --- Ako
"Naku malaman ko lang Papa Andrei na nilalandi niya si Papa Chard mo matakot na siya kasi gagawin ko siyang palaka. Charot" < --- Alexa
Kahit medyo pagod na ako ay pinagpatuloy namin ang pagpipintura ng props ayoko naman ibigay lahat kay Alexa yun.
. . .
Dumating ang lunch break medyo nananakit na ng kaunti ang ulo ko, mabaho kasi yung pintura nakakatuyo ng utak ang amoy.
Nakaupo kami ni Alexa sa isang sulok nagpupunas ng pawis nagkukwentuhan kami tungkol sa bago niya daw manliligaw, naudlot lamang ito ng dumating si Chard.
"Babe kamusta pakiramdam? Baka nagpapagod ka ah" < --- Chard
"Hindi naman, pero medyo sumakit ang ulo ko"
"I told you not to get yourself tired eh, halika kain tayo lunch para makainum ka na ng gamot mo" < --- Chard
"sama ka Alexa"
"Hindi na, alam ko namang may dapat kayong pag-usapan" < --- Alexa
"Ah sige sige"
Palapit si Shane sa lugar namin ni Chard, nagkatinginan na lang kami ni Alexa.
"Chard! join us maglulunch kami ng friends ko sa Max" < --- Shane
"Nah . . . May lunch date kami ni Andrei eh, sige alis na kami tara na babe" < --- si Chard habang naka-akbay sa akin and walk confidently sa gitna ng Auditorium.
"Ayan ah wag ka na magselos ikaw lang ang love ko" < --- Chard
"Hindi ko lang kasi mapigilan"
"Trust me Babe there's nothing to worry about" < --- Chard
"Ok po Babe basta kapag nilalandi ka wag kang papaseduce ah, halatang may gusto sayo yun eh"
"Opo, sorry babe mukang kasalanan ko maging gwapo kaya madaming nagkakagusto sa akin" < --- Chard
"Kailangan mo magpatingin sa Ospital" sabi ko kay Chard.
Kumain kami ng Lunch ni Babe sa KFC. Pinapagalitan ako kasi fries lang lagi ko kinakain kaya sinusubuan niya akong parang bata. Ako naman ay sinusubuan siya ng fries ang saya saya namin dalawa ng mga sandaling yun. Gagawin naming pangil yung fries tapos pipicturan, si Chard nilagay sa ilong nya tapos kinain nya pa, ang dugyot dugyot talaga.
Hindi namin napansin na halos 1 oras kami kumain kaya pagbalik namin sa school nasermunan kami ni Sir Peps.
"Masaya ba ang LUNCH NIYONG DALAWA NA UMABOT NG 1 ORAS? Hala sige balik sa pagpipintura" < ---  Sir Peps
Ang sunget naman tss. Balik ako sa pwesto namin ni Alexa at muling nagpintura, mabuti na lang at may mask si Babe sa kotse niya kaya binigay niya sa akin yun.
Hindi naman ako tinigilan ni Alexa sa pagtatanong kung ano daw ang nangyari, ano daw ang napag-usapan, mga kinain namin at kung hindi ko na daw ba papasalihin si Babe sa sayaw.
Sana sa natitirang 3 araw ay susubukan kong hindi magselos dun kay Shane, masyado kasing malande. Kung hindi lang masamang patulan ang babae nako nako.
Pinabalok ako sa pagpapractice ni Sir ng kakantahin ko.
"Try mo kumanta sa Mic Andrei" < --- Sir Peps

"On the 1st page of our story
The future seemed so bright
and this thing turned out so evil
Don't know why I'm still surprised"

"WOOO! ANG GALING NG BABE KO I LOVE YOU I LOVE YOU I LOVE YOU!" < --- Chard
"I love you too Babe"
"Yieeee" < --- Mga tao sa Auditorium
"Ok na po ba sir?"
"Yeah maganda naman boses mo from the start but the emotion I'm requiring you to give is still not there. Well normal audience wouldn't notice that but I can" < --- Sir Peps
“Paano ko po ba maachieve yang emotion na sinasabi niyo sir?”
"Isipin mo yung mga malulungkot na chapters ng buhay mo" < --- Sir Peps
"Sige subukan ko po sir"
"Maybe tommorow I know what happen to you so take a rest for now" < --- Sir Peps
"Wow sige po sir thank you”
Maaga kaming pinauwi, pero sila babe ay pinaiwan kasi kailangan daw mag-practice pa para maganda ang presentation nila sa Ball. Ayoko sana pumayag na magpaiwan siya kasi ewan ko iba talaga pakiramdam ko kay shane. Wala din naman ako nagawa, ayaw pumayag ni Sir na paalisin si Chard.
"Babe, mauna ka na medyo matatagalan pa kami dito eh wag mo na ako intayin" < --- Chard
"Ok, pupunta din kami ni Alexa sa Mall ililibre ko kasi siya ng Starbucks" < --- Ako
"Papa Chard ingat sa hitad na yun ah " < --- Alexa
"Promise Babe, Alexa ako na ang lalayo once may gawin na hindi maganda ok?" < --- Chard
"Siguraduhin mo Richard Alvarez. Geh geh, alis na kami"
. . .
"What if mahuli mo na sineseduce ni Shane si Chard mo Andrei anung gagawin mo" < --- Alexa
"Hindi ko din alam Alexa eh, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kay Shane hindi ko alam ang kaya kong gawin pero sinisigurado na hindi maganda ang magagawa ko"
Nandito kami ngayon ni Alexa sa Starbucks, seriously? Hindi ko alam kung bakit ganito kamahal ang mga kape dito, pero dahil sobra kong naappreciate ang ginawa ni Alexa pinagbigyan ko na. Bago kami pumunta dito ay umorder ako ng 2 Large fries sa MCDO at pasimple kong kinakain dito sa Starbucks.
"Mahirap ka palang magalit Papa Andrei basta tandaan mo ah, Babae pa din yon kahit asal becky" < --- Alexa
"Basta, Wag ko lang makita sa akto si Shane, hindi niyo ako mapipigilan"
"Kung mangyari man yun Papa Andrei si Shane ang may pakana, kasi kahit naman may mukang babaero yang BF mo saksi naman ako sa pagmamahalan niyo eh, at alam kong seryoso siya sayo" < --- Alexa
"Opo alam ko naman yun, bilisan mo dyan libot libot tayo maaga pa naman eh" < --- Ako
"Eto naman, ang KJ mo no? Kapag nandito ka sa starbucks, kahit isang kape lang inorder mo dapat tumatagal ka ng 1 oras" < --- Alexa
"Sus! Kaartehan lang yun Alexa tara bilisan mo"
"Eto na po kj kj mo naman kasama mag-intay ka dyan I'm not done yet with my coffee" < --- Alexa
"English english ka pa, bilisan mo dahil kung hindi iiwan kita dito"
Pagkalabas namin ng Starbucks ay nagala-gala kami ni Alexa, aba mag-holding hands daw kami para maingget ang mga babae at mga bakla sa kanya.
"Adik ka no? Ginawa mo pa akong boyfriend mo" < --- Ako
"Minsan lang ito Papa Andrei " < --- Alexa
"Teka tingnan mo yun, se Jet yun diba" < --- Ako
"Oo nga no? JEEET!!!" < --- Alexa
"Aray ko naman, lakas ng boses mo abot hanggang 3rd floor"
"Maganda naman!" < --- Alexa
"Par! Alexa pagala gala tayo ah, oh si insan kasama nyo" < --- Jet
"Hindi nasa practice pa, tara sama ka sa amin ni Papa Andrei" < --- Alexa
"Sige, matagal na din nung huli tayong nagbonding na tayong tatlo lang kakamiss" < --- Jet
"Tara na, dun tayo sa Department Store hahanap ako ng damit para sa ball" < --- Ako
"Ay bet ko yan, titingin ako ng damit ko para sa Ball" < --- Alexa
"Tamang tama ayun din ang pakay ko dito" < --- Jet
Tumingin kami ng mga susuotin namin para sa ball, madali lang kami nakahanap ni Jet ng damit pero itong si Alexa, talaga naman hinalubog ang buong department store bago makahanap.
"Guys look oh, Bet ko silang tatlo kaso 1 lang kaya ng datung ko, anu kaya pipiliin ko" < --- Alexa
"Yung Blue" < --- Jet
"Hmmm ok lang, pero gusto ko yung design sa baba nitong Pink" < --- Alexa
"Edi sana hindi ka na nagtanong" < --- Jet
"Sunget nito tseh! Ikaw papa Andrei?" < ---
"Ako na magbabayad ng dalawa, tara na nagugutom na ako 2 oras tayo paikot ikot dito" < --- Ako
"WOW! Thankyou papa Andrei! Bongga yun 3 times akong magcchange outfit!" < --- Alexa
Isa si Alexa sa tinuturing kong matalik na kaibigan kaya naman walang problema sa akin kung ibili ko sa kanya yung 2 damit na gusto niya, You can't buy friends, doon mali si Anne Curtis.
Talagang pinanindigan ni Alexa na gawin akong boyfriend, todo hawak sa akin habang binabayaran ko yung dami nya sa Cashier.
"Swerte mo sa Boyfriend mo ah, gwapo na mukang mabait pa" < --- Cashier
Magsasalita sana ako bigla lang nagsalita agad si Alexa.
"Ay thank you po, napaka-swerte ko talaga dito hehehe" < --- Alexa
 . . .
Nagrepresenta si Jet na siya ang taya sa hapunan namin at sa KFC napagpasyahang kumain, nandito din kami kanina ni Babe eh pero hindi na ako tumutol masarap naman dito SG! So Good :P
Napakadaming inorder ni Jet 1 bucket chicken, burger,salad at syempre fries para sa akin.
"Namiss ko talaga itong bonding natin" < --- Jet
"Wala eh, nagka love life yung isa dyan nakalimutan na ang kaibigan" < --- Alexa
"Ay grabe ka naman makapanisi hindi ko kaya kayo nakakalimutan at lagi pa din naman tayo magkakasama" < --- Ako
"Haha, kumaen na nga tayo atleast nagkatime diba?" < --- Jet
"Oo nga hindi ko naman kasalanan eh" < --- Ako
"Oh eh Ako na!" < --- Alexa
Ang saya naman ng bonding naming tatlo, pagkatapos kumain ay naglaro kami sa Quantum ng kung anu-ano, nagpapicture sa Photoboot lahat wacky pose.
"Haaaay! Ayoko nito itapon natin yung picture! May pimples ako" < --- Alexa
"Adik ka, sayang kaya ang gwapo ko dito" < --- Ako
"Upload ko to sa facebook" < --- Jet
"Subukan mo magkakamatayan tayo swear!" < --- Alexa
"Wag ka maingay oh kaya naman hinaan mo kaya yang boses mo" < --- Jet
"Maganda naman" < --- Alexa
"May pimples naman" < --- Ako
"Eee! I hate you both ang sama sama nyo sa aken!" < --- Alexa
"Hahaha!" < --- Ako at Jet
Napatingin ako sa phone ko para tingnan kung may message si Babe sa akin.
Pero wala kahit isang message, mangamusta or tanungin kung kumain ako wala. Ayoko siya pagdudahan pero sa ginagawa niya binibigyan niya ako ng dahilan.
Ako: Good eve Babe kamusta?
Hindi ko na hinintay sumagot pa. Naglaro na lang ulit ako kasama sila Jet at Alexa. Sumayaw kami ni Jet sa Xbox nakakahiya ang daming nanood eh feeling dancer lang naman kami ni Jet. 
"Hay nako Papa Andrei kumalma ka nga baka pagod si Papa Chard kaya hindi ka na maitext" < --- Alexa
"Wow kaunting pindot phone hindi magawa?"
"Naku Par, hindi ka ipapagpalit ni pinsan mahal na mahal ka kaya nun " < --- Jet
"Kaya Lactum ka lang diyan" < --- Alexa
"Anung Lactum?"
"100% panatag!" < --- Alexa
Umuwi na din kami pagkatapos maglaro medyo gabi na din at baka batuhin nanaman ako ng tabo ni kuya.
 Inuna namin ihatid si Alexa syempre kasi babae yun sa pagkakaalam namin.
"Thank you BF1 and BF2" < --- Alexa
"Wow ah" < --- Jet
"Matulog kana baka sa panaginip magkatotoo yan" < --- Ako
"Tse!" < --- Alexa sabay pasok sa kanila
"Ikaw talaga par lagi mo Inaasar yun" < --- Jet
"Haha parang ikaw hindi ah, wag ka nga magmalinis" < --- Ako
"Mabait kaya ako dun, tara na nga umuwi na din tayo" < --- Jet
"Tara, lakad tayo? Just like the old times" < --- Ako
"Just like the old times tara!" < --- Jet
Muli kong dinukot ang aking cellphone para tingnan kung nagtext si Chard pero tulad ng inasahan ko wala siyang text.
Niyaya ko si Jet na dumaan kami ng school para tingnan kung nandoon pa sila Chard.
"Ay sir umuwi na po kanina, eh madami pong kasama si Shane po at yung mga kaibigan niya" < --- Guard
“Nakasakay po sa kotse?”
“Ah saan naman daw po papunta?” < --- Jet
“Ang pagkakasinig ko po ay nagpapahatis lang sa sakayan ang mga barkada ni Shane eh wala po nagawa si Richard kaya po sinakay na” < --- Guard
“Maraming salamat po manong guard”
“Wala pong anuman”
“Saan naman kaya nagpunta yun?”
“Chill Par hinatid lang naman sa Terminal eh” < --- Jet
“Eh bakit hindi man lang magtext?”
“Baka kasi lowbat, walang signal?” < --- Jet
“Oo na wala akong lusot sayo eh, pero alam mo par ayokong mag-isip ng masama kay Chard k-kaya sana lang wala talaga siyang ginagawang masama”
“Tiwala lang Par hindi ka lolokohin ni insan ok?” < --- Jet
Kasi naman isang text hindi magawa, ngayong kasama pa niya sa kotse yung taong pinagseselosan ko. Nakakainis talaga.
Naghiwalay na kami ng daan ni Jet pinasakay na niyo ako ng tricycle kasi medyo malalim na ang gabi at baka mapagtripan daw ulet ako ng mga tambay.
Lagot ako nito pag-uwi.
Lagot pala ako kay kuya, yun lang naman ang mahigpit sa akin eh.

. . .

"Bakit ngayon ka lang?" < --- Kuya Kian
"Nagmall nga kami nila Jet at Alexa! Bakit ba kailangan nakatali?! Ang sama mo kuya!"
Pagkadating ko sa amin ay bigla ako ginapos ni kuya sa isang upuan. Grabe talaga to dati dati binabato lang ako ng tabo ngayon tinatali na ang sama talaga ng ugali.
"Para magtanda ka bunso masyado ka nang gala" < --- Kuya Kian
"Isusumbong kita kay nanay at tatay!"
"Asa ka alam nila to bunso oh ayan na pala sila" < --- Kuya Kian
"Nay, Tay tingnan nyo ang sama ng ugali ni kuya"
"Tama nga kayo parang bata pa din talaga itong bunso natin" < --- Tatay
"Hoy Andrei anak lagi ka na lang ginagabi aba ikaw ay magtino" < --- Nanay
"Hayaan nyu na malaki na eh, minsan lang tayo maging bata" < --- Tatay
"Buti pa si tatay" < --- Ako
"Geh na pakawalan mo na yan Kian" < --- Nanay
"Wag na bayaan nyo na dyan matulog hahaha!" < --- Kuya Kian
"Sama ng ugali mo!"
"Ah, masama pala ugali ah" < --- Kuya Kian
Pinagkikiliti ako ni Kuya
"Wahaha! Humanda ka sa akin HAHAHAHA! baliw Kahahahahaha!"
Hinila ni tatay yung tali kaya nakawala ako. Hindi ko alam kung tinutulungan ako ni tatay oh sadyang natutuwa siya sa bangayan naming magkapatid.
"Waaah tay! Bakit nyu pinakawalan?! Bye akyat na ako wooo!" < --- Kuya Kian nagtatakbo paakyat sa kwarto niya.
"Hayop ka kuyaaaa! Bumalik ka dito!" < --- Ako
"Kung kaya mo ako habulin" < --- Si kuya sinara pinto ng kwarto niya
"Hoy! Lumabas ka dyan!"
"Ayoko nga manigas ka dyan" < --- Kuya Kian
"Anak eto ang susi oh" < --- Tatay
"Salamat Tay" < --- Ako
"Ikaw talaga Athan promotor ka eh" < --- Nanay
"Hayaan mo na, nakakatuwa kasi silang tingnan, alam mo namang matagal akong nangulila sa inyo eh" < --- Tatay
"Teka?! Paanong!" < --- Kuya Kian
"Lagot ka sa akeeen!" < --- Ako
"Oo nga, kung dati hindi tayo pinaghiwalay nasubaybayan mo ang paglaki nila" < --- Nanay
"Wahahaha! Tama na kuya suko na ako hahaha! Aaaah yoko na hahaha!"
"Pagsisisihan mo na pumasok ka pa dito yieah!" < --- Kuya Kian
"Lumaki nga sila pero parehong isip bata pa din tingnan mo" < --- Tatay
"Wahahaha! Suko na ako kuya!" < --- Ako
"Sinong master mo?" < --- Kuya Kian
"Wala! Hahaha! wag kang umasa gagew!" < --- Ako
"Tara tulog na tayo hon hayaan nanatin ang dalawang paslit" < --- Tatay
"Ah wala pala ah eto pa eto pa yaaah!" < --- Kuya Kian
"HAHAHA! Wahahaha! Oo na Master Kuya! ayoko na Please!" < --- Ako
“Hindi ko marinig?”
“Binge! Hahaha! Wahahah! Tigil na MASTER!!!!”
"Good, dito ka matulog ngayon bunso miss ka na ni kuya"
"Sige sige saglet palit lang ako damit"
Namiss ko din ka-bonding si Kuya, kahit lagi kami magkasusutan never naman kami nainis sa isa't isa. Nagpalit na ako ng pantulog at bumalik sa kwarto ni kuya.
"Naalala mo nung takot na takot ka sa kulog at kidlat bunso?" < --- Kuya Kian
"Badtrip bakit mo pa pinaalala yun" < --- Ako
"Ang cute mo kaya nun kung makasiksik ka sa akin nun sa akin para kang sanggol kung makapulupot" < --- kuya Kian
"Dati yon ngayon matapang na ako"
"Shit! anu yon?!" < --- Kuya Kian
"Ha? bakit kuya?"
"Parang may nakita akong nakasilip sa bintana" < --- Kuya Kian
"Ha?"
"Shit! Ayun nanaman mahaba ang buhok"
"Wag ka nga ganyan! Alam mo namang nakakakita ako eh" < --- Ako sabay yakap kay kuya
"Hahaha! Akala ko ba matapang ka na?" < --- Kuya Kian
"Badtrip ka! Babalik na nga ako sa kwarto ko"
“Sino yang nasa labas ng pinto?” < --- Kuya Kian
“Cut it out Kuya!”
Ngayon ko lang napansin na kanina pa ako hindi tinetext o tawagan manlang ni Babe, kamusta naman yun? Ako na lang ang tumawag.
The number you dialed . . .
Bakit naman kaya nakapatay ang phone ng mokong nay un? Kasama pa niya si Shane, hindi ko alam hindi ko maiwasang mag-alala eh, Oo may tiwala ako kay Chard pero kay Shane wala kahit katiting, kita naman sa mga kilos niya na may motibo siya kay Chard.
"Bunso wag mo akong gapangin ah"
"Utot mo kuya feeling ka, ihulog kita sa balon eh"
“Ok anung problema bunso?” < --- Kuya Kian
“H-ha? Wala kuya tulog na tayo”
“Tss you know hindi ka magaling magtago ng emotion mo eh, sabihin mo na” < --- Kuya Kian
Wala akong nagawa, kinuwento ko lahat lahat kay kuya, kung bakit sila nagkakilala, kung ano yung kinakaselos ko sa mga ginagawa nila, yung observation ko kay Shane at ang paghahatid ni Chard dito kanina.
“Alam mo bunso, normal lang naman magselos ka eh, kasi may karapatan ka, ikaw ang boyfriend, pero wag mo bigyan ng kahulugan ang mga ginagawa ni Chard kay Shane, dahil ang taong nagseselos mostly hindi nakakapag-isip ng ayos. Pero bunso trust me hindi yun magagawa sayo ni Chard, witness ako sa pagmamahal niya sayo” < --- Kuya Kian
“Lahat kayo ganyan ang sinasabi”
“Kasi nga bunso yun ang nakikita namin, ikaw nabubulagan sa selos na nararamdaman mo” < --- Kuya Kian
"Goodnight Kuya tulog na tayo ayoko muna mag-isip"
"Good night bunso"

Haist Andrei kailangan mo pagkatiwalaan si Chard, siguro nga paranoid lang ako, but I guess ayoko lang siya mawala sa akin.

Itutuloy >>>


Comment :P

Happy or Sad Ending??????????