Tuesday, June 24, 2014

Final Requirement 25



1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20   
21 22 23 24

Thank you po sa paghihintay, napasobra po ang bakasyon ko I just really need time to find myself, and luckily I succeed :) pero eto na po nakapag-update na ulit at medyo naging ayos ang buhay ko.

Tao lang din po kaming mga Author :)

May work na pala po ako kaya sarry if mabagal ang Update ok sarry :)
I love you JV ko :) #05 ikaw na nga ang hanap ko, ang langit ko, ang hinihintay ng puso ko XD kumanta hahaha basta mahal kita po.

Hi Regimar, Eros/Ken ,NaitsirhC, Llemit, Jomar, Dyan, Boy Cookies (Super Friend), Kuya Er win, Parekoy!, Brother :), Joey, Kuya Erickson Kuya Akihiko, Lester, Kuya Sai, Kuya Romeo, Kuya Prince, Jonathan , Angel Exo Tacos, Paul, Ethan at sa iba na hindi ko pa din nabanggit may next Chapter pa.

Malapit na po matapos ang Final Requirement masaya po ako na nasurvive ko ito despite na nagthesis ako, nag-ospital, pabalik balik sa ospital para sa checkups. Actually hindi pa tapos ang pinagdadaanan ko pero pilit ko naman kinakaya dahil alam ko na may tong naka-alalay sa akin.

Life is full of surprises. Yung mga taong dati mo ka-close ayun nawawala, pero eto ang tanong ko para sa kanya, yung oras ba na kailangan mo ako iniwan ba kita? Yung time na nagpakatanga ako sayo nagreklamo ba ako? Tapos yung time na sumuko na ako sayo ikaw pa may gana mag-inarte? Ni minsan ba inisip mo ako? PERO ok na yun . . . I found someone I can lean on, I can depend on, yung taong concern sa akin, yung taong bagong laman ng puso ko. At ang mamahalin ko sa mga susunod pang mga bukas.

Isa ka pa, thank you sa panghuhusga mo :) ni Hindi mo nga ako binigyan ng Chance mag-explain pero ok lang yun wala kang maririnig mula sa akin.
Salamat Readers at sa mga nagcocomment, I’m trying to be more mature in writing my Story. Iba talaga kapag nexperience mo na.

Hi K-Fed :)
  
-  g!Yu :-)7    #05


You can also give your comments/Suggestions/Reactions but please avoid using bad/harsh words.

Sa mga gustong mag-add sa akin type Ethan Yu (Gio Yu) at kapag nakakita kayo ng gwapo ako yun :P kapal lang ng muka ko.
THANK YOU SA NAG PM SA AKIN NA SILENT READER KAYA NAAYOS KO ANG SECURITY NG FB KO PWEDE NIYO NA AKO I-ADD :)

Ito po ang unang story na ginawa ko sana magustuhan nyo :)

Final Requirement 25

Andrei --- >>>

Hilo, yan ang naramdaman ko kanina pagkagising, umiikot ang paningin at masakit ang ulo. Dito pala ako inuwi ni Chard sa kanila kagabi, ang alam ko nasukahan ko si Shane tapos tinulak nya ako tapos . . . ah eh hindi ko na maalala may nagawa pa ba ako pagkatapos?

Dahil sa hindi sinasadyang pagkakasuka ko sa kanya, hindi ko alam kung ano ang paghihiganting gagawin ni Shane, ang babaeng nabubulagan ng pag-ibig ay gagawin ang lahat para masira ang relasyon ng taong gusto niyang makuha. 

Alalang alala ko ang mga sinasabi niya habang nagsasayaw kaming dalawa may gusto siya kay Chard at wala siyang balak na tumigil sa pang gugulo. Ayoko humantong sa ganito ang sitwasyon namin pero nagsimula ito ng pinili si Chard bilang representative ng 4th year sa Valentines Ball, nakita ko sa kanya ang pagkaexcite, gusto niya subukan ang bagay na hindi pa niya ginawa simula ng pumasok siya dito. Ayoko din naman siya pigilan dahil nakikita ko ang determinasyon sa kanya. Pero dahil doon eto may panibagong tao na pilit gumugulo sa amin ni Chard, isang pagsubok na kung saan kapag bumigay ang isa man sa amin ay maaring matapos ang ilang buwang pinagsamahan.

Hindi sa natatakot ako kay Shane, mali pa rin na manakit ng babae, kahit saang anggulo tingnan ako pa din ang lalabas na masama dahil ako yung lalake.
May narinig na ba kayo sa palabas na tito oh tatay minolestiya ang anak niyang lalaki? Wala diba?

Eh lalaking nagreklamo ng sexual harassment sa Babae?    

"Mmmmmmmm! Morning Babe, ang lalim ng iniisip mo agang aga eh" < --- si Chard gising na pala masyado akong madaming iniiisip.

*Kiss

"Ah wala Babe inaalala ko lang mga nangyari kagabi, gusto ko humingi ng sorry kay Shane"

"Nagsorry ka na Babe don't you remember? Tinulak ka pa nga niya muntikan na mauntog sa sahig kaya you don't have to say sorry wala pa din siyang karapatang gawin yon sayo, mabuti hindi nadali yang sugat mo kung hindi baka nakalimutan ko na babae siya" < --- Chard

Ok wala na akong sinabi, mabuti pala nasalo ako ni Babe kagabi kung hindi baka tumama yung sugat ko sa ulo at magdugo ulit, panibagong tahi pa yon.


Bumangon na kami ni Chard dahil kay Tita kakain na ng Breakfast at gusto kami makausap. Nakakahiya nakita siguro nila ako kagabi na lasing, wala akong muka na maihaharap sa kanila hindi ko nga alam kung ano ang itsura ko ng dinala ako ni Chard dito kung paano niya ako binuhat, nagsasalita ba ako ng dumating kami dito.

Ayan lasing ng lasing tapos ngayon tanong ka ng tanong sa mga ginawa mo Andrei.

Nababaliw na ako sinasagot na ako ng sarili kong isip.
Kahit ayoko bumaba pinilit ako ni Chard hinila pa ako pababa, sinumbong pa niya na ayoko bumaba kasi nahihiya ako, tss kaasar talaga to minsan lalo tuloy ako nawalan ng mukang maihaharap sa kanila.

"Andrei don't be shy its ok, alam naman ng boyfriend mo na mahina ka uminom hindi ka pa rin pinigilan" < --- Tita

"Try to stop him noong nagyaya pa lang sa Club pero hindi siya nagpapigil, sinasalo ko yung ibang shots nya pero ayan ayaw patalo inaagaw pa sa akin yung tagay kaya ang ending? Taob" < --- Chard

"Eh kasi po . . . ."

"Wag na pag-usapan yan and lets have our breakfast, minsan lang to mangyari, kasama ang ating new family member" < --- Daddy

“A-ako po bay un Tito?”

“Yes Andrei ikaw nga” < --- Tito Sam

The best feeling? Kapag tanggap ka ng pamilya ng taong mahal mo, unti-unti na nagiging normal sa lipunan natin ang ganitong klaseng relasyon pero yung pagtanggap na nararamdaman ko ngayon walang kapantay, sobrang saya.
Pero hindi ko napigilan sarili ko.

“Ah Tito Tita Kuya, kagabi po ba pagkadating ko dito may ginawa ba ako halimbawa nagsisigaw, nagwala, meron po ba?”

“Oo Babe, binasag mo yung Flatscreen namin sa receiving area namin tingnan mo wala doon” < --- Chard

Tumayo talaga ako at pumunta sa receiving area nila, wala nga doon yung TV.

“H-hala sorry po Tito Tita, papapalitan ko na lang po kay Tatay sorry po talaga hindi ko po sinasadya wala ako sa tamang pag-iisip kagabi”

“Hihihi” < --- Chard

“Ah actually Andrei nasa labas lang yung TV namin nililinis magabok na kasi niloloko ka lang nito” < --- Kuya Adam

“Tito ,Tita pwede po ba saktan to kahit ngayon lang?”

“Sure, hahaha” < --- Tito Sam

Tumayo si Chard at naghabulan kami sa loob ng bahay nila, hanggang sa macorner ko siya sa may sofa at doon nagpang-buno kami. Pero sadyang malakas itong si Chard kaya nagawa niyang baliktarin ang sitwasyon at pinagkikiliti ako. Kahit isang beses hindi pa ako nanalo sa kanya nakakainis kailangan ko na mag-
workout.

Katabi ko si Chard sa hapag kainan at hindi ko alam kung bakit pilit pa akong sinusubuan, sweet kung sweet eh si Baby Simon nagtataka na ng sobra kasi hindi naman daw ako baby para subuan, at syempre hindi niya maiintindihan ang ibig sabihin ng love.


. . .


"Babe nahihilo ako"

"Ok wag ka na kaya pumasok ngayon Babe, take a rest kahit naman hindi ka na magpractice alam ko naman na kayang kaya mo na yon" < --- Chard

"Papagalitan ako ni Sir Peps eh uuwi na lang siguro ng maaga babe"

"Ok hatid kita mamaya Babe tapos tatakas ako sa practice I want to take care of you" < --- Chard

"Eh baka mapagalitan ka ni sir kapag ginawa mo yan eh"

“I don’t care aalagaan naman kita eh, ikaw kaya pinaka importanteng tao sa buhay ko” < --- Chard

“Sus ayan ka nanaman sa banat mo eh”

“Hindi yun banat Babe, totoo yun mahal na mahal kaya kita at kung pwede lang talaga kita pakasalan ngayon gagawin ko, pero sabi ni Tito Athan maghintay tayo ng tamang oras kaya yun ang gagawin ko” < --- Chard

“Hehehe love you Babe. Mauuna na ako sa Hall ah, maghahanap ka pa ng parking eh late na tayo”

“Ok Babe sunod agad ako ah”

Dalisali ako papuntang hall kung saan kami magpaparactice, nakita ko si Alexa na hinihintay ako sa labas, pagtingin ko naman sa entrance ng hall nakita ko si Shane at ang dalawa niyang kaibigan mukang may inaantay. Biglang nagtatakbo si Alexa papunta sa akin.

“Papa Andrei, narinig ko si Shane, hindi ko alam kung paranoid lang ako or what pero narinig ko si Shane na may gagantihan na something eh naisip ko lang nab aka ikaw yun kasi diba nag-spluk ka ng bonggang bonggang suka sa kanya” < --- Alexa

“Ang sabi naman ni Chard nagsorry na daw ako diba? Kung hindi niya matanggap yun bahala siya, basta kahit anong gawin niya hindi ako lalaban”

“Pero baka ano naman ang mangyari sayo Andrei, alam ko iniisip mo na babae siya kaya ayaw mo patulan kaya wag ka mag-alala tumabi ka lang sa akin at ako ang bahala ok? At panigurado na pagbabantaan din yan ni Papa Chard kaya subukan lang niya awayin ka hindi siya makakasayaw sa opening” < --- Alexa

Naglakad kami ni Alexa papunta sa entrance ng hall kung saan nakatambay si Shane kasama ang mga kaibigan niya, ramdam ko yun tension, lahat sila nakatingin sa amin ni Alexa, hindi ako nagpatinag sa kanila.
Nakarating kami sa tapat ng entrance.

“Andrei wait”

“Bakit Shane?”

“I just want to say I’m sorry kasi lasing lang ako kagabi, wag mo seryosohin lahat ng sinabi ko” < --- Shane

“Ok Sorry din kasi nasukahan kita”

“Yah, kadiri kaya pero I forgive you” < --- Shane

“Plastik” < --- Bulong ni Alexa

“Ok wala naman pala problema eh, sige mauna na kami sa loob hinihintay na kasi ako ni Sir Peps eh”

“Ok salamat Friend sunod na din kami sa loob mamaya” < --- Shane

“Kokak” < --- Alexa

Bakit ganoon? Hindi ko maramdaman yung “Sincerity” sa paghingi ng tawad ni Shane? Dahil ba ayaw ko lang maniwala o sadyang hindi lang talaga totoo ang mga sinabi niya? Kung may pinaplano man siya laban sa akin wala akong pakialam, alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama sa kanila.

“Hindi ako naniniwala sa kanya Papa Andrei kaya stay ka lang sa tabi ko ah” < --- Alexa

“Salamat Alexa ah, kung lalaki lang si Shane matagal ko nang nabanatan yan eh”

“Basta don’t let your guard down ok?” < --- Alexa

. . .


Balik practice kaming lahat, nagsasayaw ulit si Shane at Chard kasama ang ibang representative, si Alexa naman ay nagbibigay pa din ng suggestion niya para sa magiging flow ng program at syempre ang pagkanta namin ni Alvin. Pero may naiba, mas naging malapit ang loob ko kay Alvin magkaibigan na kami ngayon, Pansin ko din na hindi na nakangiti si Chard habang nagsasayaw pero parang may pinag-uusapan sila hanang nagsasayaw, hindi ko naman marinig kasi may kalayuan din yung pwesto kung nasaan sila.
Parang may pinagtatalunan.

Dahil masyado akong madaming napapansin hindi ko namalayan na nawawala nanaman ang konsentrasyon ko sa aking pagkanta kaya naman nahampas ulit ako ng papel na inikot ni Sir Peps.

“Nasaan ang Focus mo Andrei? I’m expecting more from you” < --- Sir Peps

“S-sorry sir”

Nagpaalam muna ako kay Sir na pupunta ng CR.

Tumakbo si Shane at ang kanyang mga kaibigan papunta sa din ng CR.
Mga babae nga naman kapag mag-CCR magkakasama palagi, kung hindi gagawing make up room ang CR gagawing photo studio.
Papasok na ako ng marinig ko ang tawanan nila Shane, pinagwalang bahala ko yun baka nagpipicture lang ang mga yun sa harap ng salamin at napangitan sa sarili nila.Pagkabukas ko ng pinto may biglang bumuhos na tubig sa ulo ko at bumagsak ng tabo na pinaglagyan nito, dahilan para mabasa at matamaan ang sugat ko sa ulo at mabasa ang damit ko.
Badtrip.

Ayoko maghinala pero yung tabo ay kulay pink, ibig sabihin ay galing yun sa CR ng mga babae. Dinig na dinig ko ang mahina at pigil na pagtawa nila Shane, alam ko na sila ang may pakana nito, wala akong kaaway sa loob ng school na to kung hindi sila. Sa ngayon wala pa akong proweba kailangan ko humanap ng paraan para sa bibig nila mismo manggaling ang sarili nilang kasalanan.
Nakayukom ang aking mga kamay, hindi makatao ang ginawa nila sa akin. Ayoko sa lahat pinapahiya ako, ayoko din sa nalaban ng patalikod at higit sa lahat ayoko sa taong bitter na kaya galit sa akin dahil hindi siya magawang mahalin ng taong ako ang pinili kaysa sa kanya. Dahil sa selos gagawa ng mga bagay na hindi maganda, kumikitid ang utak sa pag-intindi. Kasalanan ko ba na ako ang minahal?

Pero naisip ko din agad na hindi ko papatulan ang mga bagay na gagawin nila laban sa akin, hanggang kaya ko magtimpi. Hanngang wala akong malinaw na proweba.

I’m the kindest person you’ll ever meet BUT I’m the worst enemy you can get.
lumabas ako ng CR.

Nagkaharap kami nila Shane.

“Oh my god Andrei what happen? Nadulas ka ba sa banyo?” < --- Shane

Naghubad ako ng damit sa harap nila.

Natulala sila sa maganda at maputi kong katawan.

"Para naman kayong nakakita ng multo" ang nasabi ko na lang at nagpatuloy na lumabas ng CR at naglakad pabalik sa pwesto namin. Agaw eksena naman ako dahil sa pagkakahubad ng damit ko, hindi naman to nakalagpas kay Chard.

"Bakit ka nakahubad? T-teka bakit ka basa?" < --- Chard

"Babe may naglagay ng isang tabong tubig sa pintuan ng CR"

"Tell me sino ang hinala mo? Sila Shane ba?" < --- Chard

"Oo Babe kas. . A. . A . . Aaachooo!"

"Ayan sinipon ka na agad, halika kunin natin yung extra mong damit sa bag mo lagot sa akin ang mga yan hindi na talaga ako natutuwa sa mga actions niya don’t worry ako ang bahala" < --- Chard

“Hayaan mo na lang Babe, may karma din silang mga asal hayop”

“No, ang ayoko sa lahat ay yung babastusin ka ng kung sino man, hindi ko to papalagpasin” < --- Chard

. . .

Pagkapalit ko ng damit sumama si Chard papunta kay sir Peps para sabihin ang nangyari, noong una ay ayoko pumayag para hindi na lumaki pa ang nangyari pero hindi pumayag si Chard gaguhin na daw siya wag lang daw ako.

“Ok guys listen up, SINO ANG NAGLAGAY NG TABO SA ITAAS NG PINTUAN NG MALES RESTROOM?  KUNG NAKIKINIG KA MAN, MAGTAGO KA NA HINDI KO PALALAGPASIN ANG KAWALAN MO NG RESPETO, MASAHOL KA PA SA HAYOP NATURINGAN KA NA NAG-AARAL SA DISENTENG ESKWELAHAN GANYAN ANG ASAL MO NAKAKAHIYA KA ” < --- Galit na sabi ni Sir Peps

Nakita ko ang galit sa mga mata ni Shane, natakot naman ang 2 nitong kaibigan, ngumiti naman ako para lalo siyang mapuyos sa galit at hindi naman ako nabigo.

. . .

Break time, ako na ang nagvolunteer na bumili ng pagkain namin ni Chard, may bagong bukas na 7 11 store malapit sa school tamang tama namiss ko uminom ng Slurpee at Sundae cone hmmmm sarap sarap.

Bumili ako 4 Slurpee, 4 tuna Sisig at isang Sundae Cone para sa akin.

Balik kaagad ako sa Hall

Nakita ko magkausap uli si Chard at Shane.

Hinayaan ko lang, pumunta ako sa lugar namin nila Alexa at Alvin para kumain.

“Papa Andrei kanina ko pa napapansin na parang may pinag-uusapan yang BF mo at yung echoserang daga” < --- Alexa

“Hayaan mo na lang, nakakatamad na mang-usisa kain na lang tayo”

“Ok tnx sa Free lunch ah” < --- Alexa

“Masarap to panigurado! Kasi ang pagkain kapag libre lalong sumasarap” < --- Alvin

“Sira ka Alvin, dami mong alam kumain ka na lang”

Pasimple kong tiningnan ang pag-uusap ng dalawa at mukhang may hindi sila pinagkakasunduan. Kung anuman yon ay panigurading tungkol sa akin.

Dumating si Chard, kinuha ang pagkain niya at tahimik na kumain.
Hindi ganyan si Chard, may nililihim to. Pero ayoko talaga mang-usisa hindi ko alam kung bakit, may tiwala naman ako sa kanya, alam ko na hindi yan gagawa ng bagay na ikasisira namin.

Ayoko isipin na dahil alam ni Chard na malaki ang tiwala ko sa kanya ay aabusuhin niya ito. Pero sa tipo naman ni Chard ay kampante ako na hindi siya gagawa ng isang bagay na alam niyang ako ang masasaktan.

“Tahimik mo?”

“Ako?” < --- Chard

“Baka si Alexa, malamang ikaw. Eh ayan naman si Alexa kaya tahimik ay nakain eh”

“Eh wala napagod lang ako Babe, teka uuwi na tayo mamaya diba?” < --- Chard

“Ok na ang pakiramdam ko babe kahit hindi na tayo umuwi”

“Eh Babe magpahinga ka na lang, baka kung mapano ka pa eh, mamaya hatid na kita sa inyo ok? Pagod din ako kaya much better if uuwi tayo” < --- Chard may Awtoridad na boses

“Oo na tss”

Bakit ba gusto niya ako pauwiin? Bakit ganoon na lang siya makipag-usap sa akin? May kasalanan ba akong ginawa? Ayos naman kami kanina eh pero bakit nagkaganun? May kinalaman ba to sa pinag-uusapan nila ni Shane kanina?
Pagkatapos namin kumain hinatid na ako ni chard, walang usap usap sa loob ng kotse. Naiinis na talaga ako bigla na lang siya nagbago sa akin. Ayoko din makipag-usap naiinis na ako sa inaasta nya ano yon mood Shift? Hindi manlang niya pinaliwanag kung bakit siya nagkakaganyan.

Pagkadating sa amin biglang nagsalita babalik lang daw sa school at may kukuhanin sa locker. Hindi ko pinansin pumasok agad ako sa amin, umakyat sa kwarto at nagkulong.

Humiga ako sa kama ng padapa, bakit kaya ganoon si Chard ok naman kami kaninang umaga eh. Hindi ko tuloy alam kung may nagawa ba ako na mali, may hindi nagustuhan sa inasta ko?

Tootoot  < --- 1 new sms

Chard <3: Sorry Babe, babalik din ako agad ah may kukuhanin lang ako sa Locker ko. I <3 u

Hindi ko alam, hindi ako mapanatag parang may kakaibang mangyayari ngayong araw na ito. Nagbihis ulit ako at nagpahatid sa driver namin papuntang School.
Dumerecho ako kaagad sa Hall, hinanap si Chard pero wala siya doon at hindi daw nila nakita simula kanina noong umuwi kami.

Wala din si Shane. 

Naalala ko nga pala sa Locker room daw siya pupunta. nakakainis naman sa kabilang building pa yun eh, wala naman akong pagpipilian kung hindi lakarin papunta doon, sa ilalim ng sikat ng araw.

Tinungo ko ang locker room.

Nakasara ang pinto, pipihitin ko na sana ang door knob pero may narinig akong nagsalita mula sa loob.

“Nasisiraan ka na ba? hindi kita mahal!”

“Please please kahit sikreto lang yung relasyon natin, I love you Chard”

“Lumayo ka sa akin, mahal ko si Andrei hindi mob a naiintindihan yon?!”

“No! ako itong maganda, sexy, may dibdib at higit sa lahat babae, bakit hindi mo akong magawang mahalin?” < --- Shane

“Ang pag-ibig ay nararamdaman ng puro Shane hindi dinidikta ng utak” < --- Chard

Boses yun ni Chard at Shane hindi ako pwede magkamali.

Binuksan ko ang pinto.

Napatingin sila.

Nabigla silang dalawa sa pagdating ko, Lalo na si Chard hindi niya siguro inisip na babalik pa ako, kanina pa ako nagdududa sa mga kilos niya eh tapos etong si Shane desperada na.

“B-babe anong ginagawa mo dito?” < --- Chard

“Sinundan ka”

“K-kanina ka pa ba dyan?” < --- Chard

“Oo”

“A-andrei . . .” < --- Shane

“Pwede Shane umalis ka muna? Kanina pa nagdidilim ang piningin ko sayo baka makalimutan ko na babae ka”

Alis si Shane, tiningnan ko talaga siya ng masama.
Sinara ko pinto.

“Ano yon?”

“Look Babe, Sinundan ako ni Shane dito yun lang, don’t think too much wala kaming ginagawang masama” < --- Chard

“Hindi ko alam, umamin ka nga may namamagitan na ba sa inyo?”

“Wala Babe, that’s ridiculous” < --- Chard

“Sabihin mo lang ah, kung may nararamdaman ka na sa kanya feel free iwanan mo na ako, kung yun ang ikakasaya mo gagawin ko”

“After all ayan ang iniisip mo sa akin? Sa tingin mo ba gagawin ko sayo yun ah? Sakit mo din magsalita minsan eh, mahal mo ako pero madali sayo na ipamigay ako sa taong hindi ko mahal? Bakit ka ganyan Babe?” < --- Galit at mangiyak ngiyak na tugon ni Chard

Natunaw ang galit na nararamdaman ko kanina pa, napaiyak ko si Chard dahil sa mga sinabi ko, masyado ako nilamon ng galit at selos. 

"S-sorry Babe nakakaselos lang kasi" Ngayon ko lang narealize na napakasakit ng mga sinabi ko sa kanya, na wala na akong tiwala sa relasyon namin.

Niyakap ko siya. Ramdam ko ang paghikbi ni Chard, ngayon ko lang siya nakita umiyak ng ganito, kagagawan ko, kasalanan ko.

"Sorry sorry sorry" Ayan na lang ang mga salitang lumabas sa Bibig ko habang umiiyak at yakap si Chard.

"Sinusuportahan naman kita sa lahat ng gusto mo diba?, pinagtatanggol kita sa mga umaaway sayo, B-binantayan kita sa ospital noong naaksidente ka. Hindi ko sinusumbat yun sayo Andrei p-pero hindi pa ba sapat yun na basihan na mahal na mahal kita?" < --- umiiyak na sagot ni Chard

"Sorry Babe, sorry kinain lang ako ng galit, sorry s-sorry talaga"

"Ikaw kasi eh, mahal na mahal kita tapos wala kang tiwala sa akin hindi mo ba alam kung gaano kasakit yun ah kung gaano kasakit! Ang sakit dito oh!" < --- si Chard sinusuntok yung dibdib niya

"Sorry po may tiwala naman ako sayo Babe pero sa mga taong nagpupumilit sayo wala eh"

Nagpupumiglas si Chard sa pagkakayakap ko, pero hindi ko siya pinakawalan. Iyak lang siya ng iyak samantalang ako ay walang tigil sa kakasabi ng sorry.

"Babe pakawalan mo muna ako please" < --- Chard

"H-hindi a-ayoko ayoko"

"P-please ayoko na makita mo ako ng ganito, I feel so weak, I feel so stupid, dapat lumayo na lang ako sa kanya p-para hindi kita nasasaktan ng ganito, Babe pasensya ka na" < --- Chard

"Wag ka na umiyak Babe please naman oh mahal kita, at kasama na doon ang mga kapintasan mo, walang taong perpekto kaya bakit ka mahihiya? Lahat tayo may mahinang parte ng sarili natin, oo madalas yan yung ayaw natin ipakita pero babe walang mawawala kung ipakita mo yan sa akin"

15 minuto ang nakalipas niyakap na rin ako ni Chard, Sobrang saya ko, kung hindi ako nagkakamali eto ang unang beses na nagalit si Chard, ngayon alam ko na yung nararamdaman niya kapag ako ang galit sa kanya.

"Trust me Babe ikaw lang ang mahal ko, sorry kanina ah . . . Alam ko naging harsh ako kanina sayo sorry sorry, its just naiinis na ako kay Shane ayaw nya tumigil sa panggugulo" < --- Chard

"Mas kailangan ko humingi ng tawad, sorry Babe patawarin mo ako ah"

 . . .

Bumalik kami sa Hall, naging masigla na ulit ang kaninang matamlay na si Chard, pero naging iwas siya kay Shane. Gusto ko maawa kay Shane pero mali na mahalin at pilit agawin ang isang taong committed na sa iba.

Kami naman ni Alvin at Alexa ay nagpatuloy sa pagpipintura ng Fly wood samantalang yung iba ay nilalagyan ng Heart shape yung mga tapos na lagyan ng base paint.

Maaga natapos ang practice nila Chard, kaya tumulong siya sa akin ng pagpipintura. Sa akala kong madadali kami sa pagpipintura dahil katulong ko siya ay lalo akong tumagal, paano ba naman dudutdutin niya yung pintura at ipapahid sa mukha ko, napaisip tuloy ako kung muka akong kahoy?

"Ah ganyan gusto mo ah, halika dito gagawin kitang jabawokeez yang muka mo" Dinaganan ko talaga siya at pinahiran ng pitura sa mukha.

"Ano ha? Laban ka pa?"

"Hindi na po Babe hahaha! Hirap tanggalin nito" < --- Chard

"Buti nga sayo, akala ko pa naman mapapabilis ako dito hindi pala, ikaw talaga Babe"

"At akalo ko din tapos na itong pinturahan yun pala iba na ang nilalagayan ng pintura please tell me Andrei, mukha bang kahoy ang mukha ng boyfriend mo?" < --- Sir Peps

“H-hindi po sir”

“Ah Hindi naman pala eh! Magpintura na aba malapit na ang Ball!” < --- Sir Peps
Talima kami ni Chard at nagpatuloy na magpintura, tawa lang kami ng tawa kahit napagalitan na, masyado kaming masaya para sa alalahanin pa ang ganyang pangyayari. All that matters is that were together, masaya kami at wala kaming sinasaktang tao, meron lang yung mga nagpipilit pumasok sa relasyon namin.
Nagpaalam si Chard na pupunta lang sa CR para alisin yung pintura na nilagay ko sa mukha niya. Natapos din namin lahat ng mga flywood kaya naman makakapag-pahinga na kami ng maaga.

Abala ako sa pag-aayos ng gamit ko, dahil pupunta kami sa auditorium dahil may urget meeting para sa graduating students.
May napansin akong isang papel sa loob ng bag ko.
Binuksan ko at ito ang nakasulat.

Dear Andrei.
Mag-ingat ka nanganganib na ang buhay mo, nagkamali ka ng taong binangga hindi ako titigil hangga’t hindi ako nakakaganti sayo, kaya siguraduhin mong alerto ka palagi kasi sinasabi ko sayo you'll be DEAD. Kaya simula ngayon pagkatapos mong basahin ang sulat na to maging handa ka.


Nanlamig ako sa sulat na nabasa ko.

Biglang may nagtakip ng mata ko talagang hinihigpitan pa ng sobra syempre sa kaba ko siniko ko sa tyan ng buong husay.

"Aaaaaray. . . Anak ng . ."

"P-par Jet, sorry wag mo kasing gagawin yun!"

"Sensitive mo naman Par hindi ka na pwede lokohin oh meron ka ngayon?" < --- Jet

"Ulols, kinabahan lang ako Par, eto basahin mo"

Inabot ko kay Jet yung Papel na nakita ko sa bag, maging siya ay naalarma sa mga nakalagay doon. Ang sabi niya ay ipaalam ko daw kay Chard pero ayoko na mag-alala pa siya ukol dito at sisiguraduhin ko na lang na magiging alerto ako sa lahat ng oras. Sa huli napilit ko din si Jet na ilihim na muna kay Chard ang alam niya, kahit alam ko na hindi siya payag dahil kaligtasan ko ang nakataya dito.
Nakita ko na papalapit na si Chard kaya tinago ko na yung sulat at nag-ayos ng gamit sabay yaya sa kanya papunta sa room kung saan magmemeeting. Tahimik si Jet habang papunta kami sa room, nagtataka naman si Babe at Alexa kung bakit, alam ko hindi niya mapipigilang ipaalam kay Chard ang laman ng sulat na natanggap ko.

Sa kasagsagan ng meeting wala ako sa sarili, tulala at nakatitig lang sa sahig hindi naman nakalagpas yun kay Chard, inihilig niya ang uko niya sa balikat ko sabay kindat. Natawa na lang ako kasi ang cute niyang tingnan nawawala ang mga alalahanin ko kapag nasa tabi ko siya. Hinawakan pa niya ang kamay ko randam ko ang kaligtasan sa kahit anumang trahedya na maaring dumating.   

. . .

Matapos ang meeting ay pinabalik kami ni sir Peps sa hall para mag-practice pa.

Umalis saglit si Chard upang bumili ng pagkain.

Ako naman ay humiga sa gilid para magpahinga kahit saglit. Bigla ko naman naalala yung sulat na nakalagay sa bag ko. Si Shane siya lang naman ang bukod tanging tao na naiisip ko na gagawa ng ganitong sulat para sa akin.
Papalipit si Shane sa akin, mukang galit at may dalang isang maliit na lata ng pintura. Bumangon ako at tumayo papunta sa kanya.

“Ibigay mo na sa akin si Chard” < --- Shane

“Wow, ano tingin mo sa akin tanga? Hindi ko gagawin yun Shane mahal na mahal ko si Chard kaya kung ako sayo lumayo ka na”

“Don’t you get it? Kahit kalian hindi magiging tama sa mata ng mga tao ang relasyon niyo, eh kapag naging kami ni Chard, perfect couple! Kasi babae ako at lalaki si Chard, eh sa kasamaang palad lalaki ka din kaya sorry cannot be” < --- Shane

“Wala kaming pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil una sa lahat buhay namin ito, tanggap kami ng mga magulang namin at higit sa lahat wala kaming taong tinatapakan”

“Alam mo? Sayang kayo eh, ang gugwapo niyo pero gwapo din ang habol, gumising ka nga Andrei kahit ilang beses kayo mag-talik walang mabubuo! Hindi mo siya mabibigyan ng anak, hindi tulad ko na may kakayahang magka-anak kaya kung ako sayo wag ka mag-ambisyon na may forever sa inyong dalawa dahil wala!” < --- Shane

“Kahit anong sabihin mo Shane hindi ko hihiwalayan si Chard, hindi ka niya mahal, AKO ang mahal niya kaya pasensya ka na lang maghanap ka ng sayo, wag kang mang-agaw”

“Ang mag-asawa nga naghihiwalay eh kayo pa ba?” < --- Shane

“Kung ganoon mamatay ka sa paghihintay kasi hindi mangyayari yang sinasabi mo, hanggap pangarap ka lang Shane”

“Nakikita mo to?” < --- Shane

Itinaas niya yung dala niyang pintura na kulay berde.

“Ayan oh diba kakulay ng dugo mo?” < --- Shane

Alam ko na may balak siyang isaboy sa akin ang dala niyang pintura kaya napaghandaan koi to at tinabig ko kaagad kaya sa kanya tumapon ang dalang pintura.

“H-how dare you! Kagabi sinukahan mo ako tapos ngayon pintura, you B*tch kahit kalian talaga salot kayong mga BAKLA!”

"Ay Echoserang Daga!" < --- si Alexa sabay saboy ng pintura sa muka ni Shane.

"Ay sorry! Nadapa ako eh ang tabil kasi ng dila mo, nakaharang sa dinadaanan ko" < --- Alexa

"You bitch" < --- Shane

"Eh ikaw ECHOSERANG DAGA!" < --- Alexa

“Walanghiya ka! Halika dito” < --- si Shane hinila si Alexa at nakipagsabunutan.

“Bruha ka hitad ka malandi ka! Lumayo ka sa akin mas maganda ako sayo!” < --- sigaw ni Alexa niya kay Shane

Dahil sa mas malakas si Alexa naitulak niya si Shane na napaupo sa may natapon na pintura.

“AAaaargh!” < --- Shane

“Ano? Ganda lang ang meron ka eh, ako ganda at super strength kaya ikaw pasalamat ka at hindi napatol sa babae itong kaibigan ko kung hindi baka nakipagpalit ka na ng muka sa daga” < --- Alexa

“Hindi ko palalagpasin itong ginawa niyo sa akin you’ll see” < --- Shane

“Bakit Shane? Sino ba ang nagsimula?

"Hey! Anung nangyari dito Babe? Alexa? Shane?" < --- Chard

"I was just trying to be friends with them pero binuhusan nila ako ng pintura" < --- Shane

"Echoserang daga talaga" < --- Alexa

"Ang sinungaling mo" < --- Ako

Nakikita ko ang pagkalito sa muka ni Chard kasi mukang si Shane talaga ang inape kung titingnan ang sitwasyon, si Shane yung nabuhusan ng pintura, siya yung gulo ang buhok dahil sa pagkakasabunot ni Alexa.

"Babe naman, bakit nyo ba ginawa to kay Shane tss oo alam ko may galit ka sa kanya pero . . . ." < --- Chard

"Ano? Siya ang paniniwalaan mo? Ha! Ganoon? Alam mo ba ang EKSAKTONG sinabi nang babaeng yan sa akin? Bakit hindi mo itanong sa lahat ng taong nandito?!" < --- Ako

“Hindi sa ganoon Babe, babae pa din si Shane maling saktan” < --- Chard

“Ako ang sumapak sa kanya Papa Chard ang tabil kasi ng dila niyan eh kung anu-ano ang sinabi sa BF mo” < --- Alexa

"Halika Shane alisin mo ang pintura mo sa katawan, Babe mag-uusap tayo mamaya ah" < --- galit na tugon ni Chard
Itinayo ni Chard si Shane pero nadulas sa pintura si Shane.

"Buhatin na lang kita" < --- Chard

"Thanks" < --- Shane sabay tingin sa amin ni Alexa at dinilaan pa kami
Ako ba? Ako pa ba ang may kasalanan dito? Ang sakit sakit sa puso na hindi ako ang pinaniwalaan ni Chard. Nanginginig ang buong katawan ko sa inis.
Yung Luha ko ayaw na magpapigil sa paglabas.

"Papa Andrei wag ka umiyak, wag dito" < --- Alexa

Sa sobrang galit ko ay sinuntok ko ang flywood, Nasira ito at lumiha ng malakas na tunog na dinig sa buong hall dahilan para mapatingin sa akin ang mga tong nandoon; maging si Chard at Shane ay napatingin din. Ramdam ko ang sakit ng kamao at pagtingin ko dito ay puno ito ng dugo na walang humpay na pumapatak sa sahig ng auditorium, ramdam na ramdam ko ang bawat paglabas nito.

"Oh my god, tara Papa Andrei yung kamay mo n-nadugo halika punta tayo ng Clinic!" < --- Alexa

Nakita ko na papunta si Chard sa amin ni Alexa.

"Tara na Alexa" < --- Ako

"Takpan mo muna tingnan mo hindi tumitigil sa pagdurugo nakakabother baka makasama yan sayo" < --- Alexa

"Hayaan mo na, mas mabuting ganitong klasing sakit ang nararamdaman ko, tara na" < --- Ako

"B-babe!" < --- Chard

"Tinatawag ka ni Chard" < --- Alexa

"Wala akong pakialam tara bilisan natin"
Inabutan kami ni Chard.

"B-Babe?" < --- Chard

"Alexa ikaw ang humarap dyan, bahala ka na kung anung gusto mong gawin"

PAK!

Sinampal ni Alexa si Chard.

"Masakit? Kulang pa yan, hindi mo alam kung gaano kasakit para kay Andrei na hindi mo siya pinaniwalaan. Kaya wag kanang sumunod doon ka kay Shane! Doon ka ninawala diba?! Ang sama mo akala ko, at akala ng lahat ng nakasaksi sa away na yun ay si Andrei ang kakampihan mo dahil siya naman talaga ang inaaway ni Shane. Pero hindi alam mo ba kung gaano yun kasakit sa kanya?" < --- Alexa

"Tara na Alexa" < --- Ako

"Babe kausapin mo naman ako" < --- Chard

"Para saan pa? Hindi mo naman ako pinaniwalaan diba kung gusto mo malaman ang tunay na nangyari bakit hindi ka magtanong sa mga taong nandito? Baka sakaling sila paniwalaan mo kung gusto mo may CCTV din ata sa hall na ito kung hindi ako nagkakamali panoorin mo kung ayaw mo pa din maniwala. Tara na Alexa"

Pumunta kami ng Clinic at nilapatan ng lunas ang sugat ko sa kamay. Nilagyan din ito ng makapal na benda para hindi ito magalaw may kaunting fracture daw kasi.
"Papa Andrei, sorry kasalan ko ito eh kung hindi ko lang siya binuhusan ng pintura hindi nay un lalaki, eh paano ba naman ang tabil ng bunganga ng dagang yun" < --- Alexa

"Wala yon dapat lang sa kanya ang nangyari, masyado siyang manghamak ng pagkatao, pasalamat nga ako sayo eh kasi ikaw ang sumagupa doon kay Shane"

"Ok wala yun no ako ang makakaharap niya, balik ako doon para mareport ko na hindi ka muna aattend ng rehearsals ngayon. Tinawagan ko na din si tita, ipinakaon na kita sa driver nyo para makapagpahinga ka" < --- Alexa

"Salamat ulit Alexa ah, alam mo ang swerte ng magiging BF mo"

"It's nothing were friends duh! At kung sino man magiging BF ko maswerte siya kasi I’m unique, maganda na sexy pa tapos mabait, aba complete package kaya ako no haha. Sige gorabells na ako doon" < --- Alexa

umuwi na ako sa amin, nagtaka naman si Nanay kung bakit ang aga ko, sinabi ko na lang na hindi ayos ang pakiramdam ko at umakyat na lang sa kwarto ko at natulog ng may tumutulong luha.




R i c h a r d --- >>>

"Ano bang kasi ang nangyari pre?"

Ayan ang bungad na tanong sa akin ni Ronie, bakit nga ba si Shane ang kinampihan ko? Hanggang ngayon hindi ako mapalagay, naging mali ang desisyon kong kampihan si Shane, ang akala ko ay . . . napakatanga ko.
Tinanong ko ang mga tao doon sa loob ng hall para malaman ang totoo. 


Flashback --- >>>

"Ah kasi nananahimik po si Kuya Andrei nagpapahinga doon sa gilid nang biglang pumunta doon si Ate Shane at kung anu-ano na po ang sinabi kay Kuya Andrei binalak po siyang buhusan ng pintura ni Ate Shane pero madaling natabig ni Kuya Andrei yun kaya kay Ate Shane po sumaboy ang pintura" < --- Student1

"Nadapa din po kasi si Ate Alexa kaya nalagyan niya din ng pintura si Ate Shane" < --- Student2

"Kaya po nagtaka kami dahil pinanigan nyo po si Ate Shane nadisappoint nga po kami kasi diba kayo po ang BF ni Kuya Andrei?" < --- Student3

"Salamat sa inyo ah, nagkamali nga ako ng pinanigan haist galit tuloy sa akin pakiramdam ko napakasama kong boyfriend sa kanya"

“Mabait po si Kuya Andrei kuya kaya wag ka po masyado mag-alala alam po namin na mapapatawad kayo nun” < --- Student2

Sa mga oras na yun hindi ko alam ang dapat kong maramdaman gusto kong magwala, gusto kong maglaho na lang, pero hindi naman mangyayari to kung naniwala ako kay Andrei sa simula pa lang.

Pagkatapos ko marinig ang buong kwento nila nag-ayos ako ng gamit, dapat matagal ko na to ginawa at ngayon na umabot na to sa sukdulan buo na ang desisyon ko.

Papalabas na ako ng hall nang bigla akong hinarang ni Shane.

"Chard, I'm sorry" < --- Shane

"Bakit mo ginawa kay Andrei yon? Are you even thinking?"

"Kasi, kasi sayang ka Chard, actually kayo ni Andrei ang gwapo niyo pero kayo ang nagmamahalan. Pwede naman tayo I like you Chard please tayo na lang?" < --- Shane

"Alam mo? Sa ginawa mo bumaba ang tingin ko sayo. I thought that you’re a kind person but hell no maganda ka nga pero masama ang ugali mo, at ngayon dahil sa pagkampi ko sayo nagkagalit kami ni Andrei"

"Sorry patawarin mo ako Chard please? Kung gusto mo hihingi din ako ng tawad kay Andrei" < --- Shane

“You know Shane? It’s too late for that sana inisip mo na ang kalalabasan ng mga pinag-gagawa mo kay Andrei which is my partner and you show no respect to that, so now you expect me to be your dance partner?”

“Please Chard paano naman yung dance number natin? Sasayangin mo na lang ba yun?” < --- Shane

"Too late buo na desisyon ko, I QUIT bahala ka na maghanap ng partner mo"

"Wag, please naman oh" < --- Shane

"Kung hindi mo inaway si Andrei, hindi mangyayari to and one last thing don’t you EVER mess with Andrei again malaman ko lang baka makalimutan kong babae ka" < --- Ako sabay talikod sa kanya

Pumunta ako sa office ni Sir Peps para pormal na mag-quit. Ayoko ng ituloy pa kung ito lang din ang magiging sanhi ng away namin. Gusto ko sana ituloy ang pag-sayaw pero relasyon na namin ni Andrei ang naapektuhan kaya kailangan ko na ito itigil.

"Bakit Mr. Alvarez anong dahilan mo bakit ka aalis?" < --- Sir Peps

"Personal po kasi sir ayoko na po ituloy" < --- Ako

"Alam ko ang dahilan trust me, ramdam ko sa tono ng boses ni Andrei, now tell me" < --- Sir Peps

"Kasi po, inaway ni Shane si Andrei, eh nagkamali po ako ng pinanigan kaya nagkagalit po kami sir, naapektuhan na po ang relasyon namin, ayoko po mawala sa akin si Andrei at para po sa ikakatahimik namin hindi na lang po ako sasayaw sa Ball" < --- Ako

"Ok sige I'll let you quit but not Andrei he’s the best we’ve got" < --- Sir Peps

"Ok po sir salamat mauuna na po ako"

"Siiiir!" < --- Alexa

"A-alexa nasaan si Andrei" < --- Ako

"Tse! Sir eto po yung form galing sa clinic may MINOR INJURY po si papa Andrei sa kamay kaya umuwi na po muna siya, pero he'll perform pa din sa ball sabi niya" < --- Alexa

"Oh, that's the reason why Mr. Alvarez quit" < --- Sir Peps

"Aba dapat lang! HINDI ba naman kampihan ang boyfriend over Shane the echoserang daga" < --- Alexa

"Kamusta siya?" < --- Ako

"Siguro, hindi yung kamay niya ang masakit, sigurado mas nasaktan ang puso niya kasi sarili niyang boyfriend hindi siya nagawang paniwalaan" < --- Alexa
Natahimik ako sa sinabi ni Alexa, tama siya mas masakit yung ginawa ko kaysa sa pagsuntok niya doon sa Fly wood. Kung mayroon lang time machine, handa akong magbayad para maibalik ang pangyayari kanina, para maitama ko lang ang mali kong desisyon. 


End of Flashback --- >>>


Hinila ko sila Jeric, Ronie, Nik, at Jim sa bahay ni Ted gusto ko umisip ng paraan para mapatawad ako ni Andrei. Ayoko ng mag-kaaway kami mabigat sa loob, walang lakas gumalaw at kakaibang lungkot ang dala sa buo kong pagkatao.

"Grabe ka pre! Hinay hinay nga uhaw uhaw?!" < --- Ted

"Bakit ba Pards anong nangyari sa inyo ni Andrei ah?" < --- Nik

"Nakakainis eh! Bwiset yang Shane na yan! Inaway si Babe eh nagkamalì ako ng pinanigan aaargh!" < --- Ako

"Eh bakit ba si Shane pinanigan mo?" < --- Ronie

"Mga pare kasi may pintura si Shane, natapunan pala ni Alexa eh ang akala ko tinapunan ni Andrei pagkatapos she’s really look like the victim, yung buhok niya ang gulo naka upo pa siya sa may pintura"

"Tss kasalanan mo talaga pre, tapos binuhat mo pa si Shane, sakit nun bro, ang sakit sa side ni Andrei na BOYFRIEND mo" < --- Jim

"Tulungan nyo ako mga pre! Ayokong mawala si Andrei laki ng pagsisisi ko kasi si Shane pa ang pinanigan ko, nakapatanga ko talaga bwiset!"

"Haranahin mo?" < --- Jeric

"Lalong magagalit yun"

"Ibili mo ng fries" < --- Nik

"Pards hindi eepekto ngayon yan ngayon napakalaki ng kasalanan ko"

"Dalin mo ulet sa Beach" < --- Jim

"Ulol! Graduating kami bawal umabsent"

"Teka tawagan ko" < --- Nik

“Wag!”

“Bakit?” < --- Nik

“H-hindi ko alam ang sasabihin”


Calling Andrei . . .

Loudspeaker: On


"H-hello?" < --- Andrei

"Musta pards?" < --- Nik

"Nik?, ok naman kahit papaano. Bakit ka pala napatawag?" < --- Andrei

"Nandito si Chard lasing na lasing" < --- Nik

"Ah, ganun ba" < --- Andrei

"Baka naman pwedeng puntahan mo dito?" < --- Nik

"Alam nyu naman ang nangyari di ba? Ikaw ba anong mararamdaman mo once na h-hindi ka pinaniwalaan ng taong mahal mo? Ginawa niya yon s-sa harap ng maraming tao ang sakit sakit! H-handa naman akong palayain siya kung gusto na niya si Shane kasi yun ang pinaramdam niya sa akin nang kampihan niya kanina kaysa sa akin" < --- Andrei

"Ayoko kay Shane ikaw ang mahal ko. B-babe! S-sorry hindi ko alam ang buong pangyayari kanina eh, p-please mag-usap naman tayo Sising sisi ako sa desisyon ko na kampihan si Shane"

"H-hindi ko alam Chard" < --- Andrei

Call ended . . .


"Aaaandrei . . . Huhuhu akin na yang alak na yan!"

"Oi oi oi! Wag kang tanga pre, hindi alak ang solusyon para mapatawad ka ni Andrei, puntahan mo kaya" < --- Ted

"Baka hindi niya ako patawarin"

"Bakit kapag ba nagpakalango ka sa alak mapapatawad ka? At kung hindi ka niya mapatawad gumawa ka ng ibang paraan it's your fault anyway YOUR FAULT" < --- Jim

"Sige idiin pa! eh anong gagawin ko?"

"I-explain mo ang side mo pards, makikinig sayo si Andrei panigurado" < --- Nik


“Hindi ko alam kung makikinig yun eh”

“Take a risk, kasalanan mo eh mabait na tao si Andrei alam namin na mapapatawad ka nun kapag nakikita niya ang efforts mo” < --- Jeric
Pinayuhan ako ng tropa, minsan may sense din naman kausap itong mga to lalo na kapag usaping pag-ibig. Madami silang sinabi sa akin, paraan pero umepekto kaya yun sa kapwa lalaki?

"Salamat mga pre, sige una na ako sa inyo"
Tatayo na sana ako pero nawalan ng balanse ang katawan ko kaya bumagsak ako sa sahig.

"Alvarez knockout!" < --- Ronie

"Lul! Nadulas lang ako!"

"Teka pre kaya mo pa ba magmaneho lasi?" < --- Ted

"Oo naman! Ako pa ba?" < --- Ako
Ayoko matapos ang ganito sa pagitan naming dalawa. We have so many plans for our future at hindi ko hahayaang masayang ang lahat. I see my future together with him, napakasaya ko, nakatira kami sa sarili naming bahay na may malawak na bakuran nandoon kami sa duyan sa ilalim ng puno magkayakap, tahimik na namumuhay.





A n d r e i --- >>>

"Anak may problema ba? Bakit ka naiyak at bakit may benda yang kamay mo?" < --- Tatay

Kanina pa ako dito sa terrace ng kwarto, ayoko lumabas kasi panigurado katakot-takot na tanong ang sasalubong sa akin. Tumawag din si Nik kanina at kasama nga daw nila si Chard naglalasing, nakakatampo lang kasi, pakiramdam ko mas kinampihan pa niya si Shane kaysa sa akin at inuna pa niya ang pag-inom kaysa pumunta dito para humungi ng kapatawaran. Sa muli kong pagsariwa sa mga nangyari kanina ay hindi ko napigilan na mangilid ang luha, nabigla na lang ako nasa likod ko na pala si Tatay.

"Ah eh w-wala po Tay napuwing lang ako, tapos nadapa po ako kanina napatukod itong daliri ko kaya nakabenda medyo nagkaroon ng minor fracture"

"Halika nga dito anak" < --- si Tatay tinaas ang kanyang dalawang kamay.
Tumayo ako at yumakap kay tatay, hindi ko na din pinigil pa ang luha ko, at mukang mayroong ideya si Tatay kung bakit ako umiiyak, hinayaan nya lang ako umiyak hanggang sa kumalma ako at inilahad ko sa kanya ang lahat.

Hindi ako nagsisisi na binigyan ko ng pangalawang pagkakataon na muli papasukin sa buhay namin si Tatay, hindi sa yaman na dala niya kung hindi sa mga ganitong pagkakataon na kailangan ko ang payo ng tulad niyang isang ama.

"Kayo talagang mga kabataan masyadong niyo ginagawang komplikado ang mga buhay niyo, ang sarap mabuhay anak, lalo na yung alam mong wala kang taong natatapakan, maging bukas ka sa pagpapatawad at wag idepende sa galit ang desisyon na gagawin" < --- Tatay

"Ano po bang dapat kong gawin tay?"

"Bigyan mo ng pagkakataon magpaliwanag si Chard anak, dahil kung magmamatigas ka ay hindi mo malalaman ang paliwanag niya ikaw din ang mahihirapan, and worst? Baka mapagod siya kakahingi ng tawad sayo at humanap ng iba" < --- Tatay

"H-hindi pa po ako handa tay pero ayoko po mawala siya, masakit lang po yung ginawa niya sa akin parang lumalabas na wala siyang tiwala sa akin"

“Halika nga dito anak, masaya ako na nabigyan ng pagkakataon makasama muli kayo ng nanay at kapatid mo, at masaya ako na nadadamayan kita sa ganitong pagkakataon na naiyak ka dahil sa taong mahal mo, basta tandaan mo anak nandito lang lagi si Tatay para sayo ah” < --- Tatay

Pumasok din si kuya sa loob ng kwarto at tinanong kung bakit daw ako umiiyak, sinabi naman ni Tatay ang dahilan kaya n nainis si kuya kay Chard at gustong banatan pero syempre hindi kami pumayag ni tatay na gawin niya yun. Pinayuhan pa ako ni tatay at kuya, sa maari pa naming mapagdaanan sa hinaharap, mga bagay na kailangan naming tanggapin para sa maayos na pagsasama at mga bagay na maaring makasira ng relasyon.

May kotseng pumarada sa harap ng bahay.

Bumilis ang tibok ng puso ko, ang tunog ng sasakyang yun hindi ako pwedeng magkamali. 

Lumabas ang lulan ng kotse. Tama nga ang hinala ko.

"Baaaabe! Please let me explain!"

"Oh ayan na siya anak, handa ka na ba?" < --- Tatay

Nagtitigan kami ni Chard, nagtama ang mga mata naming parehong malungkot, parehong nasasaktan.

Hindi pa ako handang harapin siya, masyadong pang sariwa ang lahat.

"Tay h-hindi pa po ako handang harapin siya"

"Sige sige ako na ang bahala" < --- Tatay

Umalis na ako sa may terrace at humiga nalang sa kama. Bakit ang hirap magpatawad?  Gusto ko siya makasama, gusto ko siya mahalikan pero bakit nahihirapan ako magpatawad?

Maging ako ay naguguluhan, ganoon ba kahirap magpatawad at hindi ko magawa sa taong napakaimportante sa akin? Naririnig ko ang usapan nila ni Tatay gustong gusto ako makausap ni Chard pero ipinaliwanag naman ni Tatay ang side ko pero mukang hindi nakikinig si Chard pinipilit ang gusto niya.


Maya maya ay bumalik si itay.

"Lasing yun anak, oh pinabibigay sayo" < --- Tatay

Binigyan ako ni Chard ng 2 large fries na may nakaipit na papel na may nakasulat na:

I'm sorry Babe :( I <3 u Please sagutin mo yung tawag ko ha?

Tumawag na nga si Chard.

"Babe?" < --- Chard

"Sorry na oh, nagkamali ako ng kinampihan, akala ko kasi kayo ni Alexa ang umaway sa kanya but I was wrong, behind those angelic face of her lies a devil. . . . . Nag quit na ako babe hindi na ako sasayaw sa ball" < --- Chard

"Babe? Alam ko masama pa din ang loob mo sa akin pero hindi ako aalis dito hangga't hindi tayo nagkakaayos ayoko na patagalin pa itong away natin masisiraan ako ng bait" < --- Chard

Pinatay ko ang tawag baka hindi ko mapigilang magsalita.

Kasalanan to ng Shane na yun eh kung hindi lang siya gumawa ng eksena hindi mangyayari lahat ng ito. Tanggap ko naman na sila ang magpartner eh, at ok lang sa akin yun pero masyado siya naging makasarili na umabot na sa puntong she wants Chard for herself.

Medyo lumalalim na ang gabi pero nandoon pa din si Chard mukang tototohanin niya ang hindi pag-uwi; patuloy pa rin na umiinom ng alak habang nakaupo sa gilid ng kotse niya. Bumalik ako sa kama at sinubukang matulog pero bigo ako, minuminuto ay nagpapadala siya ng sms na puro love quotes at sorry.

Chard <3: Naging CRUSH kita nung

nakita kitang seryoso. kaso


nung nag smile ka sabi ko

"Patay, MAHAL KO NA TO!


Chard <3: Sorry na po babe :(

Chard <3: COKE ka ba?

Kasi, di ka lang SAKTO sa puso ko, ikaw pa ang HAPPINESS ko


Chard <3: Babe mahal na mahal po kita sooorry na please :(


Pinilit kong matulog, kung anu-ano na ang iniisip ko basta wag lang si Chard, yung thesis namin, yung highschool life, yung araw na tutuliin ako tinatakot pa ako ni Kuya Kian na puputulin daw lahat. Yung masasayang araw . . . Kasama magulang ko, si Kuya, si Nanay, si Tatay si . . .  Chard haist ang hirap hindi isipin ng taong naging parte na ng buhay mo sa pang-araw araw.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan na may kasama pang kulog at kidlat.
Lalo ako nabahala, wala akong naririnig na pumasok siya sa loob ng kotse, hindi na din siya nagtetext.

Wala akong nagawa kung hindi silipin siya mula sa bintana, nakita ko si Chard nakahiga na sa labas ng kotse niya lasing na lasing at mukang doon na nakatulog.
Malalim na ang gabi, malakas pa ang ulan hindi kinaya ng konsiyensiya ko na makita siyang nasa ganoong kalagayan, kahit naman may galit ako sa kanya ayoko pa rin na pinababayaan ang sarili niya.

Kumuha ako ng tuwalya at payong.

Bumaba ako at pinuntahan si Chard.

Naaawa ako sa itsura niya paano ba naman, basang basa nakaupo sa kalye at nakahilig sa gilid ng kanyang sasakyan, samahan pa ng 2 bote ng alak sa gilid niya.

"Hoy gumising ka" < --- Ako sabay kulbit sa kanya

"Gising Chard"

Sa sobrang kalasingan hindi siya magising kahit anung yugyog ko. Wala na akong pagpipilian, tinawag ko si Tatay at Kuya kian para tulungan akong ihatid si Chard sa kanila.

Si tatay ang nagdala ng kotse ni kuya para may masakyan kami pauwi, samantala si kuya naman ang nagdrive ng kotse ni Chard.

Doon kami umupo sa likod ni Chard nakahilig ang ulo niya sa balikat ko habang patuloy ko siyang pinupunasan para hindi siya magkasakit.

Habang nasa kalagitnaan nag biyahe unti-unting humikbi si Chard halos mabasa ng luha niya ang suot kong T-Shirt.

Maging ako tuloy ay hindi mapigilang tumulo ang luha.

"Bunso patawarin mo na kasi, lagi na lang ganyan eh pareho lang kayong nahihirapan" < --- Kuya Kian

"H-hindi pa ako handa kuya may sakit pa din akong nararamdaman" < --- Ako

"Baaaabe, mahal na mahal kita patawarin mo na akooo, ikaw lang minahal ko ng ganito sana mapatawad mo na ako" < --- Chard

"Tingnan mo hanggang pagtulog humihingi ng sorry sayo" < --- Kuya Kian

"Fine bukas susubukan ko" < --- Ako

Niyakap ako ng mahigpit ni Chard, nanatili pa din itong tulog.

“Walang perpektong tao sa mundo Bunso, lahat tayo nakakagawa ng pagkakamali, at sa pagkakamaling yun ay nagkakaroon ng isang leksyon na magsisilbing aral sa atin, tulad ng Boyfriend mo nagkamali siya ng pinanigan kaya panigurado may natutunan yan sa nagawa niyang pagkakamali, kaya sana patawarin mo na” < --- Kuya Kian

"Opo, teka nandito na pala tayo papatulong ako kay kuya Adam"


. . .


"Are you two fighting?" < --- Kuya Adam

"Ah eh opo kuya eh doon po nakatulog sa amin sa sobrang kalasingan kaya hinatid ko na siya dito, ikaw na ang bahala sa kanya kuya aalis na ako" < --- Ako

"Nako ikaw na Andrei, inaasikaso ko pa si Simon eh, ang kulit kulit ayaw pa matulog eh iniwan ko lag sandal sa taas baka mahulog yun tulungan na lang kita sa pagdadala sa mokong na yan" < --- Kuya Adam

Pagkadala namin ni kuya Adam kay Chard sa kwarto ay pinunasan ko ang buo niyang katawan, pinalitan ko na rin ng damit, inayos ko ang pagkakahiga niya bago ko siya lagyan ng makapal na kumot sa katawan.

Akmang aalis na ako bigla niya akong hilahin papunta sa kanya at ikinulong sa kanyang bisig. Malamang nagkamalay siya at medyo nahulasan sa ginawa ko.

"B-babe, patawarin mo na ako" < --- Chard

"Bitiwan mo ako"

"Gagawin ko ang lahat please patawarin mo lang ako" < --- Chard

"Bitiwan mo ako, kakausapin lang kita kapag hindi ka na lasing, pero hindi ko sinasabing mapapatawad kita masakit pa eh"

"S-salamat" < --- Chard

"Bukas ng gabi sa may Auditorium" < --- Ako

"S-sige Babe mahal na mahal kita sana mapatawad mo na ako bukas " < --- Chard

Pagkababa ko sa receiving area nila ay nandoon si Tatay at kuya kausap si Tito Sam at kuya Adam. Masaya silang nag-uusap parang walang problema na namamagitan sa amin ni Chard, at hindi ata nila naisipang pag-usapan ang tungkol sa amin.

Niyakag ko na sila pauwi medyo may kalaliman na din kasi ang gabi. Bago ako pumasok sa kotse ay kinausap ako ni Tito Sam.

 “Andrei don’t give up on him ah, mahal na mahal ka ng anak ko, I know there’s a commotion going on between the two of you but I know and I hope maayos niyo yan kaagad ok?” < --- Tito Sam

“Susubukan ko po Tito Maraming salamat po”
Umuwi na kami pagkatapos doon na ako nakaramdam ng antok kaya natulog na ako sa biyahe.

Pagkarating sa amin ay pinagpatuloy ko ang pagtulog ko sa aking kwarto, masyado akong napagos ngayong araw na to, pisikal at emosyonal. Medyo panatag na din ang pakiramdam dahil alam kong nasa maaayos na lugar si Chard makakatulog na ako kahit papaano ng maayos.

. . .

Kinabukasan wala akong gana gumalaw, ni kumain sa baba ay hindi ko magawa, gusto ko mapag-isa at pag-isipan ang lahat ng nangyari.

“Totoot” < --- 1 new Message

Alexa: Papa Andrei tara sa Star city mamaya :D daanan ka namin ni Jet ng 2pm
Wala ako sa mood para mag-saya, kaya hindi na ako sumagot at sinubukan matulog ulit.

“Anak gising ka ba? papasok na ako ah” < --- Nanay

“Nay, bakit po?”

“Nag-aalala lang ako sayo, hindi ka maanlang bumaba para kumain ng umagahan tapos eto nagkukulong ka pa sa kwarto, alam ko masakit anak pero wag mo naman pabayaan ang sarili mo, oh eto may dala akong pagkain” < --- Nanay

“Sige po nay paiwan na lang po dyan kakainin ko po mamaya, salamat po nay”

“Basta eto lang masasabi ko sayo anak, anong mas matimbang, yung kasiyahan na pinagsamahan niyo o yung isang pagkakamali na ginawa niya? Alam ko mas lamang ang kasiyahan, yun lang sapat na para patawarin mo siya” < --- Nanay

Lumabas na si nanay at hinayaan nalang ako mag-isa.

Napaisip ulit ako sa sinabi niya.

Tama si nanay mas lamang ang kasiyahan kaysa sakit.

Pero bakit nahihirapan akong patawarin siya?

Kumain muna ako at muling natulog.

. . .


Nagising ako dahil may bumubuhat sa akin.

“Hi Papa Andrei!!!” < --- Alexa

“Teka ano bang ginagawa niyo ah, pabayaan nyo nga muna ako”

“Hindi pwede plano namin to para sayo, sa gusto mo oh hindi sasama ka” < --- Jet

Binaba ako sa sahig ng banyo at biglang binuksan yung cold switch ng shower.

"Badtrip kayo aaaah! Ang lamig!"

"Dapat lang yan sayo para magising ka" < --- Jet

"Tama! Bilisan mo ah exemited na ako" < --- Alexa

Kaibigan ko ba talaga itong dalawang to? Kakainis gusto ko pa matulog maghapon pero malabo mangyari yon kapag nandito si Alexa.
Binilisan ko na lang ang palilligo, nagsuot ng putting V-neck shirt at kulay blue na short at sapatos.

Pagkababa ko ay nakain ang dalawa sa dining area, feel at home na talaga itong dalawang to.

“Woooooow hindi man lang ako hinintay”

“Eh sabi ng nanay mo nag-eemote ka daw at hindi nakain eh, baka mamuti pa mata namin kakaintay kung kalian ka kakain” < --- Alexa

“Tara kain ka na Par” < --- Jet

“Ah sige wala akong gana”

“Tingnan mo?! Hindi ka naman pala kakain tapos iintayin ka pa namin?” < --- Alexa
Umupo muna ako sa sofa namin at nag-check ng messages, puro group message blaah blah, hindi manlang nagtext si Chard, bakit ko ba ineexpext? Pero sana manlang nagpaparamdam siya, kahit naman may galit ako sa kanya namimiss ko din naman.

Pagkatapos nila kumain ay dumerecho na kami sa Starcity, siguro nga kailangan maaiba ang lugar para hindi ko maisip ang taong nagdala ng saya at sakit sa akin.

"Papa Andrei wag mo muna isipin yang lovelife ah, lets enjoy this as in to do highest power!" < --- Alexa

"Eh nandito na eh anu pa bang magagawa ko?" < --- Ako

"Tara doon tayo sa Surf Dance" < --- Jet

"Woah, tara mukang masaya dyan!" < --- Ako

"Oh em gee! Bakit dyan?! Doon tayo sa Bomb car!" < --- Alexa

"Pagkatapos ng surf dance Alexa" < --- Jet

"Nakakatakot naman yan eh! Hindi ba dangerous yan? Or hazardous" < --- Alexa

"Bawal ang KJ!" < --- Ako

Pababa na kami papuntang pila ng surf dance ng may walong tao na may dalang Cardboard ang pumila sa may escalator. Isa-isang itinaas and mga cardboard na ang nakalagay ay :


I M  S O R R Y  


Lahat sila ay nakatingin sa akin at kahit isa sa kanila ay hindi ko kilala ang tanging may harang ang muka ay ang may hawak ng malaking '♥' sa dulo. Umalis na ang pitong taong may dala ng “Im sorry” tanging yung isa na may hawak na malaking ♥ ang natira.

Unti unti ay binaba niya ang malaking ♥ na dala nito. Unti unti niyang binaba ang 
hawak niyang malaking puso.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa ka-cornihan o maiinis kasi gumawa siya ng eksena, pero ang mas nangibabaw sa akin ay yung effort na ginawa niya.

"May kinalaman kayo dito no?" < --- Ako

"Eh gusto ka lang namin maging masaya Papa Andrei" < --- Alexa

“at mas magiging masaya tayo kapag nagbati na kayo” < --- Jet

"Babe?" < --- Chard

"Tara bilis! Wala nang pila sa baba oh"

Tumabo ako pababa sa papunta sa pila ng surf dance, para makaiwas sa pang-cocorner nila sa akin, hindi pa sin ako convince sa ginawa ni Chard, pero inaamin ko na kinilig ako doon.

"Tss. Kasalanan mo naman insan kaya galit sayo si Andrei. Suyuin mo pa lalambot din yan" < --- Narinig kong pag-aalo ni Jet kay Chard

"Alam mo Papa Andrei ang hard mo, hindi mo manlang naappreciate ang ginawa ni Papa Chard" < --- Alexa

"Tara na tayo na bilis!" < --- Ako

“Tss umiiwas sa tanong may gad!” < --- Alexa
Naappreciate ko naman eh pero syempre hindi naman basta mawawala ang galit ko ng ganun ganun lang. Masakit ang mga pangyayari mahirap kalimutan hindi basta basta maaalis ng iang iglap.

"Hi babe!" < --- Chard, katabi ko sa surf dance. Ako sa kaliwa tapos si Chard na papansin then si Alexa at si Jet naman sa kanan.

Nagsimula na ngang umandar yehey! ^___^/

"Wooo! Yeaaaah!" < --- Ako

"Aaaayokoon na! Ibaba nyu na akoooo Aaaaah!" < --- Alexa

"Yeeeaaah Woooo I Loooove you Baaaaaaaabe!!!" < --- Chard
"woohooo!" < --- Jet

“AAAAAAAAAAAAAAAH!” < --- Alexa

Yung pakiramdam na parang hinuhugot yung bituka mo ah grabe ang saya dito wooh! Nakakasampung taas baba na kami, napansin kong nakayuko na lang si Chard habang si Alexa ay talaga namang naka full volume ang bunganga sa pag-irit at si Jet naman at ako ay walang ginawa kung hindi sumigaw ng sumigaw.

“Ibaba niyo na ako!!!” < --- Alexa

“Tumalon ka na” < --- Jet

“Tse! NakakaAAAAAAAAAAAH!!!” < --- Si Alexa hindi na naituloy ang sasabihin
Matapos ang aming Surf dance adventure ay nagtatakbo si Chard palabas. Sinundan ni Jet at si Alexa naman ay hinila lang ako para sumunod at alamin kung bakit biglang nagtatakbo ang isang yun.

"Tara Papa Andrei sundan natin si Papa Chard" < --- Alexa

Nakita ko si Chard na nagsusuka sa basurahan, tss weak pala to eh surf dance pa lang suka na. Lumapit ako at hinagod ko ang likod niya para mahimasmasan siya at maisuka na lahat ng dapat isuka. Maging ako sa sarili ko ay nabigla sa ginawa ko, ganyan lang ako siguro ka-concern sa taong mahal ko. Binigyan ko siya ng towel para makapag-punas siya ng suka na natira sa bibig niya.

"Salamat babe" < --- Chard

"Ano kaya pa?" < --- Jet

“K-kaya, kakayanin, gagawin ko lahat para mapatawad ako ng taong pinakamamahal ko,” < --- Si Chard, nakatingin sa akin ng seryoso

Hindi ko pa din siya pinansin, bagkus iniba ko ang usapan

"Tara na doon sa Horror house!"

"I hate you Papa Andrei alam mo namang matatakutin ako eh" < --- Alexa

"Kayo nagyaya sa akin dito tapos ikaw pa ang KJ TARA NA!"

“Tara na Alexa, Insan hahayaan ba natin mag-isa yun?” < --- Jet

“Hindi insan tara na” < --- Chard
Sa totoo lang first time ko sa Star city kaya akala ko ay katulad lang ng horror house sa mga peryahan pero iba pala dito. Malamig at medyo creepy ang horror house na ito, malamang Andrei horror house nga di ba? Pagkapasok namin ay medyo madilim, tanging ilaw na kulay pula lang ang nagsisilbing liwanag may usok din ang sahig.

"Naramdaman nyu yon?" < --- Chard
Lahat kami napatingin sa kanya.

"Ha? Anu yon may gad natatakot na ako huh!" < --- Alexa

"Na mahal na mahal ko si Andrei" < --- Chard sabay tingin sa akin showing his killer smile.

Ang ngiting nagpabago na aking pagkatao. Ang nakakainlove niyang ngiti na naging dahilan ng kasiyahan at sakit sa akin.

"Eeee!" < --- Alexa

Tumingin ako sa kanya, tingin na walang emosyon, pero deep inside kinilig ako doon kasi naman biglang babanat ng ganun.

"Tara na, mauna ka Alexa" < --- Ako tinutulak si Alexa

"Wala insan, try harder" < --- sabi ni Jet kay Chard
Papasok pa lang kami at may biglang dumungaw na aswang na pinapagalaw ng makina.

"AAAAAH! Aaayoko na dito! Labas na tayo!" < --- Alexa

"Hahaha! Nandoon sa dulo ang exit Alexa" < --- Jet

“Ayan lang ang entrance oh! Pwede naman siguro dyan na lang lumabas!” < --- Alexa

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob ng haunted house, nawala na ang takot ko, expect ko kasi mayroong manghahabol eh wala naman puro makina lang ang mga nanakot, kaya medyo boring, si Alexa lang ang neg-eenjoy dito.
Mamatay matay ako sa kakatawa kay Alexa kasi kada may susulpot na aswang halos magmakaawa na sa amin na ilabas na daw siya doon.

"Eeee! ayoko na dito ilabas nyo na ako dito may gad!" < --- Alexa

“Hinding hindi niyo na ako maisasama dito ayoko na Promises!!!” < --- Alexa
Malapit na kami sa exit kaya expect ko na wala nang nakakagulat na mga aswang pero. . . May biglang lumitaw na aswang sa kawalan kaya nagulat ako, napaatras at nawalan ng balanse. Lalagapak na ako sa sahig pero may kamay na bumalot sa akin, mga kamay ni Chard.

"Ok ka lang babe?" < --- Chard

"S-salamat" < --- Ako sabay lakad palayo

"1 point!" < --- Jet

“Gusto mo ikaw ang tamaan sa akin?” < --- Pagbabanta ko kay Jet

“Sunget eh” < --- Jet
Timang tong magpinsan na to, naku naku pinagtutulunagn talaga ako.

"Tara sa Star flyer!" < --- Ako

"Oh no no! Isakay nyo na ako ulit sa surf dance wag lang dyan!" < --- Alexa

"Jet hilahin mo yan" < --- Ako

"Hoy! I Hate you all nagsisisi ako na kayo ang naging kaibigan ko!" < --- Alexa

"Hahaha!" < --- Jet

“Too late para magsisi Alexa huli na ang lahat”

“Pero pwede pa naman bumawi diba?” < --- Si Chard habang nakatingin sa akin

“Ah eh, tara na pila na tayo” 

Kanina ang lakas ng loob ko sumakay sa Star Flyer, ngayong nakapila na kami parang kinabahan ako, kasi naman umiikot ng 360 degree pataas tapos ang bilis bilis pa. isusuggest ko sana na sa iba na lang sumakay pero huli na ang lahat sumenyas na ang operator na pwede na daw sumakay.
Pagkasakay ko pa lang ramdam ko ang panginginig ng kamay ko, pero bigla tong hinawakan ni Chard sabay tingin sa akin at pinakawalan ang kanyang pamatay na ngiti.

"Bitiwan mo nga ako!"

"Babe, sorry na please" < --- Chard

"Akala mo ganung kadaliAAAAAH!" < --- Ako
Badtrip biglang umandar! Sa sobrang kaba ko hinanap ko ang kamay ni Chard at hinawakan ito.

"Wooo!" < --- Chard

"Aaaaaah! Bukas hindi niyo na ako kaibigan magkakasakit ako sa puso kapag kasama ko kayo!!!" < --- Alexa

"Yeeeah!" < --- Jet

"Aaaaaah! Wooo!" < --- Ako

Ang saya! Lalo na kapag bumabaliktad na kami talaga namang pakiramdam ko ay titilapon kami sa sahig kapag umiikot.
Extreme experience.

"Next Jungle Splash!" < --- Ako

"Hindi ka ba napapagod?" < --- Alexa

"Hindi! Ngayon lang kasi ako nakapunta dito kaya tara!" < --- Ako

"Tara na!" < --- Jet

"Haha parang bata talaga to si Babe" < --- Chard
Sa Jungle Splash sa dulo pumuwesto si Chard, sa unahan si Jet sa pangalawa naman si Alexa, kaya doon ako sa unuhan ni Chard, eh since walang boundary, mapapasandal ka talaga sa kung sino ang nasa likuran mo.
Sumandal na ako kay Chard.

“Can you feel my heartbeat? Ikaw lang ang tinitibok nan ikaw lang ang laman” < --- Chard

Hindi ako sumagot, kahit kailan talaga itong lalaking to magaling gagawa ng banat, narinig ko naman ang pagpapakawala niya ng buntong hininga, alam ko naman at ramdam ang efforts niya pero hindi ko talaga alam kung bakit hindi ko pa rin siya magawang patawarin. 

. . .

Pagkatapos sa Jungle splash ay napag-desisyunang namin na kumain ng Pizza. Fries sana gusto ko pero wala akong nakita sa paglilibot kanina, siguro hindi ko napansin o baka naman wala talaga.

Doon kami pumuwesto sa may harap ng pirates bay upang kumain at magpahinga sandali.

"Uhm Babe oh alam ko gusto mo ng fries" < --- Chard

Kinuha ko yung fries at umupo sa tabi ni Jet, pero tumayo si Jet at umupo sa kabila katabi ni Alexa, umupo naman si Chard sa tabi ko, wala na ako ibang uupuan.

"Papa Andrei kung pinapatawad mo na si Papa Chard" < --- Alexa

"Oo nga naman par" < --- Jet

"Mmm . . . Ang sarap ng pizza kain na tayo oh" < --- Ako

"Babe? Sorry nanaman oh" < --- Chard

"Sarap din ng fries mmmm!" < --- Ako

Hindi na nila ako kinulit pa, ayoko pa kasi pag-usapan ang tungkol doon ayokong masira ang gabing masaya kasama sila. pasimple akong lumingon kay Chard, nakita ko kung paano niya pasimpleng pinunasan ang luha niya at pinipilit na ngumiti kahit na patuloy ang pagbagak ng luha niya. Nasaktan ako sa nakita ko hindi napansin na sa saglit na sandaling yon ay mabilis na tumulo ang mga luha mula sa aking mata, kaya naman dali dali akong tumayo at pumunta ng restroom. Naghilamos ako ng muka masakit na makita mong nasasaktan ang taong mahal mo, hindi mawala ang sandaling yun sa isip ko, gusto ko siyang yakapin, gusto ko na siyang halikan, hawakan ang kamay pero hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

Pagkaangat ko ng ulo ko ay nakita ko si Jet.

"Pareho lang kayong nahihirapan ni insan. Bakit kasi ayaw mo pang patawarin?" < --- Jet

"Masakit kasi dito Jet, pero m-masakit din na makita siyang umiiyak sa dahil sa kagagawan ko" < --- habang nakaturo sa puso ko kasabay ang pagbuhos ng luha na kanina ko pa pinipigil.

"Sana magkaayos na kayo bago maging huli ang lahat Par, hindi mo masasabi ang pwedeng mangyari bukas" < --- Jet

"A-anong ibig mong sabihin?" < --- Ako

“Wala Andrei kahit sinuman sa atin ay walang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas kayaking ako sayo patawarin mo na siya” < --- Jet
Bakit ba pakiramdam ko ako ang kontrabida dito? Nakakainis lahat sila ganoon ang pinaparamdam sa akin. Kung ganoon lang kadali alisin ang sakit, kung sana may pain reliever sa ganitong pakiramdam ginawa ko na. Ayoko rin ng ganito ang set up naming dalawa.

Bumalik ako sa upuan namin, walang gustong magsalita, hindi ko alam kung ano ang iniisip nila, tiningnan ko si Chard; bakas sa mga mata niya ang kalungkutan. Hindi din siya kumakaen tinitigan lamang niya ang pagkain sa harap niya. Kumuha ako ng maliit na paper plate na naglagay ng isang slice ng Pizza tsaka ibinigay kay Chard.

“Kain ka na”

“S-salamat” < --- Chard
Kahit papaano nakita ko sumilay ang kaunting ngiti sa kanyang mga labi.

"Tara sakay tayo sa Ferris wheel, anlaki oh last na din yon gusto ko na umuwi gabi na din eh" < --- Ako

"Mabuti naman at yan ang huli nating sasakyan, hindi na ako kinakabahan" < --- Alexa

"Tara!" < --- Jet

"Sige kayo na lang intayin ko na lang kayo dito" < --- Chard
Ang arte, ah bahala siya dyan! Pero may binulong si Jet kay Chard at biglang nabuhayan ng loob si Chard. Anu naman kaya yun?

Mabuti naman maikli lang ang pila at thank god nakaabot kami kasi last operation na daw dahil magsasara na. Nang ako na ang sasakay ay pinauna ni Jet at Alexa si Chard, eto pala ang plano nila.

"Alexa tara!" < --- Ako

"Ayaw si Papa Jet ang kasama ko" < --- Alexa

"Ayan si Chard oh" < --- Jet

"Sige, kayo na lang sumakay" < --- Ako

Tatalikod na sana ako pero bigla akong tinulak sa loob kaya naman etong si Chard ay napapasok sa loob ng ferris wheel. Huli na ng narealize ko na umikot na ng bahagya ang ferris wheel, hindi na ako makakababa at ngayon kaming dalawa na lang ni Chard dito.

Nagsimula nang umikot ang ferris wheel, kapag nasa tuktok ka nakakatuwa, kita mo ang mga lugar sa paligid, ang mga building sa paligid, ang ibang rides dito sa star city at iba pa. Nanatili akong nakatingin sa labas, dahil ramdam ko na sa akin nakatingin si Chard na nakaupo sa tabi ko.

Nakailang ikot na pero hindi ko siya pinapansin, at ni lingunin ay hindi ko ginawa.
Nang nasa pinakatuktok kami ulit ay biglang may pumutok na kung ano at bigla na lang tumigil ang ferris wheel. Nabahala ako, nawalan ng ilaw sa loob ng sinasakyan namin.

"Please remain calm nagkaroon lang po tayo ng machine failure, we will fix this as soon as we can, ienjoy nyu muna ang view for a while" < --- Announcer
Badtrip, bakit pa sa amin natapat itong failure ng machine. Pati ba naman itong ferris wheel gusto kaming pagbatiin ni Chard?

Sabi nga ienjoy na lang muna ang view, tumingin na lang ako sa labas, hindi ko pinapansin si Chard, hindi ko alam kung paano ko kinakayang hindi diya pansinin ngayon na magkalapit lang kami ni Chard.

Biglang umihip ang malakas na hangin, ramdam ko ang lamig kasi manipis lang ang suot ko. hinawakan ko na lang ang magkabila kong braso para kahit papaano maibsan ang lamig na nararamdaman.

"Babe, uhm eto jacket oh" < --- Chard

Hindi ko pinansin.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Chard, tumayo siya at ipinatong ang jacket sa akin tapos biglang yakap sa akin.

"Babe pag-usapan naman natin oh" < --- Chard
Namiss ko ang yakap niya, yung mga kamay ko kusang yumakap kay Chard.
Tumayo si Chard at lumuhod sa harapan ko.

"Babe, k-kung alam mo lang kung gaano ko pinagsisihan ang g-ginawa kong pagtulong at pagkampi kay Shane. Nung n-nalaman ko ang ginawa niya sayo agad agad nag-quit ako kasi ayoko na pagmulan pa ng away natin yon pinagbantaan ko pa siya na kung guguluhin ka pa niya ay ako na ang makakaharap niya, sorry sorry kung sa simula pa lang ay alam ko na mangyayari yun h-hindi na ako tutuloy" < --- Mangiyak ngiyak na paliwanag ni Chard

"A-ang sakit kasi Babe yung pakiramdam na ako yung ginawan ng masama tapos iba ang k-kinampihan mo ang sakit dito! Parang ang lagay wala kang tiwala sa akin" < --- Ako sabay suntok sa dibdib ko
Hinawakan ni Chard ang kamay ko.

"Please babe, patawarin mo na ako e-eto na oh nakaluhod na ako, I know it's my fault, a-aminado ako sa aking pagkakamali" < --- Chard

"Kahit gusto na kitang p-patawarin babe wala eh, masakit dito, sobrang sakit. Alam ko n-na isang araw mag-aaway tayo d-dahil sa babae at eto na nga dumating na ang pangyayaring yon eto ako yung nasaktan "

"Babe . . . E-eto saktan mo ako, kung yan lang ang paraan para mapatawad mo ako eto suntukin mo ako, sampalin kurutin just for you to forgive me" < --- Umiiyak na tugon ni Chard

"H-hindi kita kayang saktan, alam mo yan"

"Please tell me kung anong dapat kong gawin" < --- Chard

"Hindi ko alam Chard, wala na sayo ang problema, ako yung hirap magpatawad, hindi ko alam kung bakit ako naging ganito. S-siguro oras lang ang kailangan ko para mapatawad ka"

“S-sige ibibigay ko ang oras na sinasabi mo, pero ipangako mo na hindi ka maghahanap ng iba” < --- Chard

“Kung may bagong taong magpapasaya sa atin hindi naman natin mapipigilan yun diba? Pero pinapangako ko na ikaw lang Chard”

Umandar nang muli ang Ferris wheel inayos ko ang aking sarili, nagpunas ng luha inayos ang buhok upang maitago ang nangyaring usapan sa pagitan namin ni Chard.

Ngayon masasabi kong nasa akin ang problena, hirap akong magpatawad. Siguro dahil sa mga pinagdaanan kong pagsubok sa buhay, bago dumating si tatay samut saring pagsubok ang pinagdanaanan namin. Pero ngayon, gusto ko nang baguhin ang sarili ko para sa taong nakapaligid sa akin.

Nauna akong lumabas kay Chard, si Jet at Alexa naman ay nagtanong kung ok na daw ba kami na sinagot ko lang ng isang pekeng ngiti. Lumabas na din si Chard nakayuko, at patuloy na umiiyak. Ayoko nang makita siya sa ganong lagay kaya naman minabuti ko na mauna.

"Tara uwi na tayo" < --- Ako

"Ok lang ako insan, Alexa sundan nyo na lang si Andrei alam nyu namang may pagkaclumsy yan minsan" < --- Chard
Nakakainis, kahit hindi pa kami ayos ni Chard ako pa din ang inaalala niya. simula bukas susubukan kong baguhin ang sarili ko, ayoko nang masaktan pa namin ang isa't isa dahil sa akin.

Nauna kaming tumawid ni Jet at Alexa.

"Hay diyos ko yung binata mabubunggo!!!"
Nakita ko si Chard nasa gitna ng kalye, at sa magkabilang kalye ay may dalawang mabilis na bus na tumatakbo sa magkabilang direksyon.

"BEEEEEEP!!!"

"Chaaaard!" < --- Jet

Bumalik naman ang ulirat ni Chard pero.

"Baaaaaaaaabe! HINDE!"

Nanlamig ang katawan ko mula ulo hanggang paa. Ang mga luha ko ay parang gripong walang tigil kung bumuhos at ang puso ko'y naway tumigil sa pagtibok. Hindi ko alam ang gagawin pero nakita ko ang sarili ko na tumatakbo papunta sa 
gitna ng kalsada.


Itutuloy >>>



Comment :)