Thursday, March 3, 2011

"Unbroken 8"





❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

“Unbroken 8”
2.5:Say Goodbye
“Words are like scissors in your hands.”
~Katharine Mcphee,SAY GOODBYE~


Nagitla ako sa aking nabasa. Hindi ko alam kung anong dapat kong ikilos. Magiging masaya ba ko para sa kanya at sa bago nya? Magiging bitter ba ko dahil ako dapat ang kasama nya sa States?Ano ba ang dapat kong maramdaman? Again,Unlimited Luha na naman. Kahit ako naguguluhan na sa mga nangyayayri. Si Daniel pupunta sa States? Bakit? Anong aayusin nya? Teka. Ano ba to? Bakit pa nya ko kailangan itext at may pa “HON-HON” pa? Bakit pa ba ko naapektuhan? Bakit pa ba ko umiiyak? Bakit ba sobrang sakit pa rin? Di ko namalayan na hikbi na pala ako ng hikbi na parang batang nawalan ng laruan. Talunan na talunan. Durog na durog.


Dali-dali naman akong kinomfort ng naalimpungatang si Pixel.


“Uyy? Best? Hala? Bakit ka umiiyak hala?”natatarantang sabi nito


“Best.” At muli na naman akong bumigay.


Sumubsob ako sa kanyang dibdib na parang bata. Yinakap ako ng mahigpit ng aking matalik na kaibigan. Isang yakap na alam kong kailangan ko as of the moment. Patuloy pa din ako sa paghagulgol habang patuloy nya akong tinatanong kung anong nangyari. Marahil sya din ay nagtataka na ng husto sa mga nangyayari. Patuloy ako sa pagluha ng bigla nyang kong hinarap sa kanya. Tumitig sya sa aking mga mata at nagwika.


“Best,sino ba ang nagtext? Bakit ganyan ka nalang kung umiyak?”


Tahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Parang binaha na rin ng luha ang aking utak.
Ang alam ko lang ay sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Ang dalawang araw na nakaraan ay ang mga pinakamasasakit na araw sa buhay bakla ko. Bakit pa ba kasi ako naging bakla? Bakit ako pa?Bakit?


Natulala ako. Tila huminto ang mundo ko nang nagsink-in sa akin na ang lalaking kinabaliwan ko ay aalis na. Hindi ko alam kung babalik pa ba sya o hindi na. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoo. May bago na daw sya,pero ngayon pupunta sya ng states para ayusin daw ang alin? Ano ba? Di ko maintindihan. Hirap akong huminga. Parang masyado ng gasgas yung puso ko. Ayoko na.


“Best. Nagtext si Daniel.” sagot ko kay Pixel. Mahina. Pabulong. Umiiyak.


“Ano sabi?”sagot nito na may halong pagtataka


“Pupunta na daw sya ng States. 3:OO A.M.”


“Ha? Bakit daw?”sagot nito.


“May aayusin daw na bagay.”sagot nito.


“Ano naman?”


“Ewan ko best. Naguguluhan ako.”


“Teka,ako din naguguluhan?”sagot ni Pixel


“Bakit best? Dahil ba sa pupunta na sya ng States?”


“Oo. Weird. Ang bilis nya makapagbook ng flight? Di mo ba naisip yun?”sagot ni Pixel.


Hindi ako makaimik. Hindi ko alam kung naiintindihan ako ni Pixel ngayon. Parang kinalawang din ang utak nya. Bakit pa namin iisipin ang flight? Hindi ba nya matumbok ang punto ko? Na nasasaktan ako sa mga nangyayari? Tanga ba sya? Gago? Inutil? WTF.


“Best,hindi mo ko magets.” sabi ko


“Ako din. Pero tignan mo mabuti best ha? Kailan kayo naghiwalay?”


“Huh? Bakit?” Sagot ko. Nagtataka.


“Basta.” sagot nya na parang isang imbestigador.


“Kahapon.” mapait kong sagot.


“WTF? Kahapon? Sobrang hirap magbook ng flight pag ganitong peak season best! Kaya impossible na makakuha sya agad ng tickets. I tried to book a ticket for my aunt sa States. Pero kahit anong klaseng plane or seat wala na.” paliwanag nito habang nakatitig sa akin.


“Anong ibig mong sabihin best?” sabi kong bigla. Nataranta. Nagtaka.


“Hindi kaya planado best?” sagot nya.


“What do you mean na planado?” sagot kong naiiyak.


“I mean ewan. Di ba sabi mo naghiwalay kayo kahapon? Tapos ngayon nagtext sya na aalis sya ng
3A.M ngayon? Nagpabook ako kanina wala na. Fully booked lahat. So hindi possible na ngayon siya kumuha? Tapos kahapon kayo naghiwalay? Umamin sya na may iba na sya.” sabi nito


“What do you mean?” napataas ang aking boses sa pagkalito.


“Kailangan may sigaw? Kaloka. Read between the lines.” sarkastiko nitong sagot.


“WTF! Best! Di na ako makapagisip. Wag mo na akong lituhin pa. Get straight to the point. Please?” pagsusumamo ko. Litong-lito.


“It means na dati ka pa nya niloloko. I mean nagcontinue pa rin yung relationship nyo kahit may iba na sya. It means na iniiuputan ka na nya sa ulo mula pa noon.” sabi ni Pixel. Halatang may bahid ng inis sa kanyang mga salita.


Tahimik. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Magagalit ba ko? Iiyak? Maaawa ba ko sa sarili ko? Ano ba? Naghalo-halo na lahat. Galit. Awa. Heartache. Self pity. In short,sobrang miserable. Disoriented. Basag.


Nanginginig ako sa realisasyong tumama sa ulo ko. Tama si Pixel,mahirap magbook pag peak season. So imposible nga na makaalis sya ng basta basta,dapat nakapagbook sya ng may allowance ng 1 o 2 months. Napansin ko din before na nagiging cold sya,pero work ang lagi nyang excuse. Inintindi ko lahat dahil may tiwala ako sa kanya. Akala ko hindi nya magagawa,pero ngayon,
nauntog na ako. Ginago ako ni Daniel,mahal nya ko? Gago ba sya? Kung mahal nya ako bakit nakuha nya kong gaguhin? Kung mahal nya ko bakit nya ko pinagpalit sa kung sinong Pilato?
Naramdaman kong tumulo ang aking mga luha. Luhang dala ng galit na dahil sa kanyang pagtataksil. Luhang dala ng sakit na iniwan nya sa aking pagkatao. Luhang dala ng awang nararamdaman ko sa aking sarili. After all,after being a good and loving man,this is all I've got.


FUCK.


Mula sa pagkakaupo sa kama ay biglang umandar muli ang aking binahang utak. Agad agad akong tumayo. Binuksan ang ilaw at tumayo para kumuha ng damit sa cabinet. Pinagmasdan ako ng aking matalik na kaibigan. Halatang lito sa mga nangyayari,hindi na nya nagawang magtanong at kumuha na rin sya ng damit para makapagpalit. Naging mabilis ang mga sumunod na nangyari. Agad kong hinubad ang kwintas na bigay sa akin ni Daniel. Hinanap ang kahon at iniligay ito. Ibabalik ko ang kwintas. Ipapalamon ko to sa kanya. Hayop. Pinatay nya ang puso ko. Hindi ko maintindihan. Naging masamang bf ba ko? As far as I know hindi. Hinding Hindi. Kaya hindi ko maintindihan.
At mukhang di ko maiintindihan talaga. Mula sa pagiging basahan ay nakaramdam ako ng galit sa aking puso. At dapat marelease ko to. Dapat kong magantihan si Daniel sa sakit na nararamdaman ko. Dapat. Maghanda sya.


Tamang gayak. Itim na polo shirt at pants na maong. Sapatos and I'm ready to go. Kinuha ko ang wallet ko at akmang papalabas na ng pinto ng biglang:


“Best,san ka ba pupunta?” sagot ni Pixel na nagmamadaling kumilos.


“Wag ka na magtanong. Aalis na ako.” sabi ko.


“Uyyy! Best! Sasama ako!” sigaw ni Pixel.


“Ha? Bakit? Sige Sige! Bilisan mo!” sagot kong natataranta


“Oo. Wait wait. Magbabra lang ako best!”nagmamadali nitong turan.


“Wag ka sisilip.” dugtong pa nito.


“Ulol. Di ako titigasan sayo.” sabi ko. Iritado.


Mabilis ang mga sumunod na eksena. Nakarating kami sa labas ng bahay. Nagabang ng taxi. Mga 15 minutes kaming nagantay pero wala pa din. Umaasa ako na may taxi na dadaan sa subdivision sa gitna ng gabi. Naaligaga ako. Paano na? Buti nalang at mautak si Pixel.


“Best,lightyears tayo bago makasakay ng taxi dito. Kung lakad na tayo papunta sa gate? Marami na taxi dun? Game?”sabi nito.


“Ahh. Oo nga. Biruin mo umaandar pala utak mo paminsan minsan Pixel?” nangaasar kong sabi.


“Gago!” sabay palo sa aking braso.


Mabilis naming nilakad-takbo hanggang sa gate ng subdivision. Sa dulo pa ng subdivision ang aming bahay kaya malayo-layo ito. Wala akong pakialam sa pagod kahit wala pa kong tulog ng magdamag,ang alam ko lang ay dapat makita ko sya at kahit masuntok man lang kahit sa huling pagkakataon. After all he deserves everything. He's a two-timer and a jerk. How I wish I can shoot him down.


Nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad ng may dumating na isang Itim na expedition. Hindi ko ito pinansin dahil wala naman itong maitutulong sa amin. Nagfocus ako sa paglakad ng biglang kinalabit ako ni Pixel. Hindi ko sya gustong pansinin ng biglang bumusina ng bumisina ang driver ng Itim na Ford Expedition. Nairita ako at biglang lumingon kung sino man ang driver ng magarang sasakyan na ito.


Mula sa itim na magarang sasakyan ay nanatili kaming nakatulala ni Pixel. Para kaming mga bata na nagaantay mabuksan ang regalo sa Pasko. Bumukas ang pinto at inabangan ang taong lalabas dito. Madilim na ang paligid kaya hirap akong makita kung sino ang bababa. Natahimik si Pixel ng makababa ang nasa sasakyan. Dahan dahan itong nagtago sa likod ko na parang batang natatakot pag papaluin na ng nanay. Hindi ko maaninag ang bumaba dahil medyo may kadiliman na,kahit suot ko ang salamin na bigay ni Carlos ay kulang pa din ito.


Dahan dahan lumapit ang bumaba sa Ford Expedition. Tila kilala ko ito, Ang pabango,ang tindig at ang hugis ng mukha. Si Carlos. Bumilis ang tibok ng aking puso. Kinabahan na kinilig na parang matatae. Unexplainable. Kakakaba.


“Anong oras na FR,san pa kayo pupunta ni Pixel?” malambing na tanong ni Carlos.


“Ha? Ahh. Ahhh. Wala.” natataranta kong sagot.


“Ha? Ano best? Kala ko ba may pupuntahan tayo? Pinagbra mo pa ako wala naman pala. Ano ba yan?” naiiritang sagot ni Pixel.


“FR? Okay ka lang? Ano ba nangyayari? Saan ba kayo pupunta? Pwede ko kayo ihatid.” offer ni Carlos.


“Haaa?? Ano ba?” natataranta kong sagot.


“Sige Carlos sasakay na kami. Pagkapasok namin ng kotse saka sasabihin ni FR kung saan tayo gogora. Go!”.


Bigla akong hinatak ni Pixel papasok sa loob ng kotse. At si Carlos naman,kahit mukhang takang-taka sa nangyari ay hindi na nagtanong. Agad-agad na sumakay sa kotse at pinaandar ang makina.
Sa tabi ng driver's seat ako samantalang sa likod naman pumwesto si Pixel. Agad na pinaharurot ni Carlos ang sasakyan. Nanatili akong tahimik. Ganoon din si Pixel. Pinindot ni Carlos ang play button sa gitna namin at tumugtog ang isang medyo klasikal na awitin. I never thought na mahilig pala sya sa klasikal na mga awitin. Relaxing. Naramdaman kong kumalma ang aking sarili. Pero alam ko mamaya naman ay puro tensyon na ang emosyong dadaloy sa mga ugat ko.


“FR. San ba tayo pupunta?” biglang sabat ni Pixel.


“Ha? I almost forgot. Sa Airport.”


“Airport? Kakagaling ko lang halos dun.”sagot ni Carlos.


“Nice. Coincidence?” sabat ni Pixel.


“Hindi. May hinatid lang na kakilala.” sagot ni Carlos.


“E di coincidence nga po Papa Carlos?” sabay tawa.


Napuno ng tawa ang sasakyan. Naging okay naman ang rapport nila Carlos at Pixel. So far naging okay naman ang pagtrato ni Pixel kay Carlos at ganun din naman si Carlos sa kanya. Gumaan kahit papano ay naging okay na sila. Akala ko magkakaroon ng tensyon dahilan sa ginawa ni Pixel na pangtitrip kay Carlos. Buti naman wala.


1:15A.M


Trapik sa may Ayala. May banggaan ng trak at isang private car. Natrapik kami. Hindi ko na alam kung anong aabutan ko sa airport. My heart starts pounding so fast. Nanghihina ako na hindi ko mapaliwanag. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.


“Kung kailan tayo may hinahabol.tsaka pa nagkakaganito. Pag nagmamadali ka napapansin mo bang lalong bumabagal ang paggalaw ng mga tao? Ano na ba to.” sabi ni Carlos.


“Tama.” sabi ni Pixel.


“Aabot pa naman siguro ako? 3A.M pa naman diba?” naluluha kong sabi.


“Oo naman.” sabi ni Carlos sabay bitaw ng isang nakakahawang ngiti.


At nilagay nya ang kanyang kamay sa aking mga binti. Bawat dikit ng balat nya sa aking katawan ay nagdudulot ng isang kakaibang pakiramdam. With his touch,I can really sense fulfillment and peace. Hope this never ends.


1:20 A.M.


Wala pa din galaw ang mga sasakyan.


1:30 A.M


Wala pa ding galaw. May dumating na Tow Truck. Ambulance at Police para sa location.



1:50A.M


Atlast,nagawaan ng paraan ng mga estupidong pulis ang problema. Naiusod ang private car sa gilid na naging daan para magkaroon ng passage ang mga sasakyang pasouthbound kahit na isang linya lang. Mahahabol ko pa to. Kung sa basketball nga 2 minutes nananalo pa ang dehado,sa higit isang oras pa kaya?


2:15 A.M


AIRPORT. Nakarating ng airport na matiwasay. 45 minutes ang kailangan ko para makapasok sa loob. I mean,para makita sya at makausap. Para masuntok. Para mabigwasan man lang mukha nya for the last time. Please.


“Best,tara na. Go go go na tayo. Lumilipad na oras.” sabi ni Pixel.


“You stay here best,I will do it on my own.” sabi ko.


“Sure ka?” sabat ni Carlos.


“Sasama na ako best,wag mo ko iwan. Baka magquickie kami ni Carlos sa car sige ka.” sabi ni Pixel


“Adik. Ano ka ba? Kaya ko to,wag kayo magalala sa akin.”sagot ko. Nagmamagaling.


“Eh paano ka makakapasok wala ka ID? Wala ka din dalang passport? Wala ka ding ticket.” sabat ni Pixel.


“FUCK. I Forgot. No way na makapasok ako at makita sya.” maiiyak iyak kong sagot.


Pakiramdam ko ay biglang gumuho ang aking mga plano. Wala na ang plano kong pagsuntok sa mukha ni Daniel. Wala ding chance para makaganti ako. Wala na din pagkakataon para mailabas ko lahat ng galit ko sa kanya. I feel so hopeless. Hindi ko napigilang hindi magbuntong-hininga. Kasabay nito ang pagpatak ng isang mainit na luha.


“This is hopeless.” sabi kong mahina.


“No,it's not. We will find a way.” mahinahong sabi ni Carlos.


“Di ko na alam,ano na ba gagawin ko?” nalulungkot kong tanong.


“Hindi ako papayag best. Dapat makapasok ka sa loob. Pinagbra mo ako sa dis-oras ng gabi? Tumakbo ako sa subdivision para makakita ng taxi habang nakaheels?Pinagleggings mo ako at T-Back?Hindi ako papayag,tara na. Makikita ng mga guard.” matalim na sagot ni Pixel.


Natawa ako sa narinig. Bigla akong nabuhayan. May kasama akong drama queen. I think it's going to be fun. Agad kaming bumaba ni Pixel sa sasakyan. Agad na tinungo ang entrance at nagkunwari na mga pasahero. Bigla ngumiti si Pixel at kumindat. Alam kong malapit na magsimula ang palabas.


“Ganito,lilituhin ko yung mga guard,tapos derecho pasok ka ha? Tapos babalik na ko sa caroo? Bet?” sabi ni Pixel.


“Paano?”


“Basta. Dumerecho ka lang,pag tinanong ka na tsaka ako eeksena. Tapos gawan mo ng paraan para di ka mapunang nakapasok. Gets?” sabi nito.


Kinabahan ako. Hindi ko alam kung masasakote kami o hindi. Bahala na.


Agad agad akong lumapit sa mga guard. 2 ang nasa may main entrance. Nakadistansya sa akin si Pixel. Halatang nagaabang ng tamang timing. Agad akong nagtaas ng kamay for body frisking. Nang magtatanong na ang guard na nasa kanan kung nasaan ang ID at passport ko ay bigla nang umeksena si Pixel.


Tumakbo itong humahangos at umiiyak. Sumigaw ito agad sa guard ng:


“TULONG MANONG GUARD,may humablot ng bag ko kuya,nakamotor po dalawa kuya,tapos yung isa tinutukan pa ako ng baril kuya. Super takot ako,tapos yung isa hinipo pa yung boobs ko kuya.”sabi nitong direderecho at umiiyak. Pangfamas talaga. Napangisi ako. Mahusay talaga si Pixel.


Nabunton sa kanya ang attensyon ng dalawang lalaking guard at ng mga taong mangilan-ngilan sa may entrance. Agad lumapit ang dalawang guard sa kanya at halatang nabatobalani sa kinis at ganda nya. Nakalimutan nila ang duty nila kaya ako naman ay agad agad na nakapasok sa loob ng airport.


2:20 A.M.


Sa loob na ng Airport. Takbo FR. Takbo. May 40 minutes pa bago ang Take off.



2:30 A.M.


I'm getting hopeless. Walang dumadating sa lobby na anino ni Daniel. Paano na ako? Hindi kaya nasa loob na sila? Images are running through my mind. Paano na ako? Uuwi nalang ba ako?
Mawawala nalang lahat? Paano na? Napayukyok ako dala na rin ng pagod at depression. Hindi ko na alam. Tears are running endless now. Ayoko na. Fuck. Napaupo ako sa upuan sa lobby. Salo ng kamay ang aking lumuluhang mga mata. Patuloy lang ako sa pagluha ng makaramdam ako ng ibang
presensya. May taong lumapit sa akin.


“Panyo oh? Okay ka lang?” sabi ng isang babaeng nakaitim,maganda ito at buntis.


“Ha?Yeah, Salamat!” sabi ko. Ngumiti ng pilit.


“Sure ha?” sabi nito at biglang ngumiti ng maganda.


Pantay pantay ang kanyang mga ngipin. May pagkakahawig sya kay Carla Abellana. Malaki ang similarity. Mas matangos nga lang ang ilong ng babaeng ito. Umupo sya sa tabi ko,at dahan dahan kong nalanghap ang kanyang Ferregamo na pabango. It was very soothing.


“May inaantay ka?” tanong nya sa akin.


“May inaabangan lang.” sabi ko naman.


“Wag ka na maging sad po. Magiging okay din yan problema mo. By the way,ako si Ivy.”sabay abot ng kanyang kamay.


“Ahh nice name. I'm FR.” sabay ngiti.


Magkaharap kaming nagkamay ni Ivy. Ngumiti ito ganun din naman ako. Yumuko ito tanda ng pamamaalam nang nang makita nya ang tao sa likod ko. Dahan dahan akong humarap at nanlaki ang aking mata sa nakita. Agad na lumapit si Ivy sa lalaki. Nagbeso. Yumakap ng mahigpit. Inakbayan ng lalaki si Ivy. Halatang masayang-masaya sila. Napako ako sa kinatatayuan. Lumuha ang nanlaking mga mata. Nakita ako ng lalaki at napahinto ito sa paglakad. Di ko mawari ang expression sa kanyang mga mata. Gulat sya na ako'y kanyang nakita.


“Grabe ka,nauna pa ako sayo ah.” sabi ni Ivy sa lalaki.


Tahimik. Walang imik ang lalaki. Nagtutuos sa titigan ang aming mga mata. Ako na lumuluha,sya na hindi malaman ang reaksyon. Umakbay sya kay Ivy habang nakatitig sa akin. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nanginginig ang tuhod ko. Parang nawala lahat ng plano kong gawin pag nakita ko sya. Pero dapat. Huminga ako ng malalim. Pinahid ang aking luha at lumapit sa kanila.


“Ivy,it was nice meeting you. Hopefully maging okay ang baby at ang delivery.” sabi ko kay Ivy.


Nagulat ang lalaki at tumingin kay Ivy. Marahil ay nagtataka kung paano kami nagkakilala.


“Salamat FR ha? Don't worry. Magiging okay lahat yan. Wag ka na sad ah?” sabi nitong malambing.


“Oo Ivy. Salamat.” sabi ko.


Lumapit ako sa lalaking kasama ni Ivy. Marahil si Ivy ay nagtataka. Pero ito na ang pagkakataon ko.


“Daniel,ibabalik ko lang tong kwintas na binigay mo sa akin.” sabi ko. Nangangatal.


“FR,you don't have to.”


“Nagets ko na lahat. Maraming salamat sa pangloloko. Wala kang kwenta.” sabi kong nangigigil.


“It's not what you think FR.” sabi ni Daniel. Defensive ang tono.


“Well that's the way it goes Daniel. Ginago mo ako!”sigaw ko sa kanya


“I never fooled you FR!”


“You never fooled me? Well that explains my point.” sabi ko sabay turo sa tiyan ni Ivy.


“Let me explain FR!” matigas na sabi ni Daniel.


Wala akong narinig. Bingi ako. Dali dali akong umalis sa harapan nila. Pakiramdam ko nagawa ko ang gusto ko kaya sobrang saya ako. Nasabi ko sa kanya na wala syang kwenta at isa syang gago, Pero kulang pa. Pabalikwas na ako ng bigla akong hinawakan ni Daniel ang braso ko. Matigas at mapusok.


“Let me go!” sigaw ko kay Daniel.


“I will explain.” sigaw nya sa akin.


Pagkabitaw nya ng mga salitang iyon ay biglang lumipad ang aking palad sa kanyang pisngi.


“Paaakkkkk!!!!”


Malutong at solid ang pagkakatama ng palad ko sa kanyang pisngi. Binuhos ko lahat ng galit ko sa sampal na yon. I felt relieved. Narelease ko lahat ng galit ko sa kanya. Pero alam ko kulang pa kumpara sa lahat ng ginawa nya sa akin.


“Kulang pa yan sa lahat ng sakit na dinala mo sa akin.” nangigigil kong sabi.


“Di lang ikaw ang nasasaktan FR!” bulyaw ni Daniel sabay patak ng luha sa mga mata nito.


“Fuck you Daniel! I wish you the worst!” sigaw ko.


Bigla na kong nagwalk out. I felt so strong. Nagawa ko ang dapat kong gawin. Nasaktan ko sya.
May lumabas na ngiti sa aking mga labi. Masaya ako sa ginawa ko. Pero habang nilalakad ko ang pasilyo palabas ng airport,naramdaman ko na pumatak ang aking mga luha. Pero bakit pa?
Mahal ko pa rin sya. Yun nga. Mahal ko pa din si Daniel. Kahit gaano kalakas na sampal pa ang ibigay ko sa kanya,mahal ko pa din sya. Hindi ko na maiaalis ang katotohanan na ang lalaking nanakit sa akin ng sobra ay ang lalaki pa ding nilalaman ng aking puso.


Tama si Pixel. Malinaw na lahat. Nakipaghiwalay si Daniel sa akin dahil kay Ivy, Nabuntis nya ito at lilipad na sila papunta ng States para magawa ng sarili nilang pamilya. So matagal na din pala talaga akong ginagago ni Daniel. Sobrang tagal na. Ang tagal kong naging tanga.


Ayoko na. Hindi ko na alam gagawin ko.


Nakalabas ako ng airport ng nakayuko. Parang batang natalo sa pakikipaglaro ng POGS sa ibang bata. Tuloy tuloy ang pagluha ng maramdaman ko ang yakap na pamilyar sa akin. Tumama ang aking katawan sa katawan nya. Sinalo ng mga bisig nya ang puso kong lupaypay. Muli,nakaramdam ako ng kapayapaan sa kanyang presensya.


“Ayoko na.” sabi ko,nanghihina. Umiiyak.


“Nandito na ako,di kita iiwan.” sabi ng lalaki.


“Salamat Carlos.”


ITUTULOY...


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

1 comment:

Anonymous said...

sobrang sakit yun....makita mo ang taong mahal mo na may kasamang iba.... at tama lang ang ginawa ni FR kay daniel.... wah wah hu huh hu

ramyb from qatar