Tuesday, February 28, 2012

Like I Never Left


Note:Para sa aking anak na si Lui. LOL!


 

We were introduced by Joshua, a common friend. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin noong gabing iyon. Bigla nalang akong nakaramdam ng pangungulila, for some weird reasons, at biniro ko si Joshua para ihanap ako ng makakalandian.

“Be careful with what you wish for.” tanda kong sabi nya.

Lumipas ang ilang oras, he sent me a message on Facebook that has a link of your profile. Out of curiosity, I clicked the link and saw how you look. To be honest, you were just a commoner. In a crowd, i'm pretty sure you wouldn't stand out. You're painfully thin, but there's something about you that I find interesting, you're chinky eyes.

It's not very common for me to do the first move. But this time, I did. I added you on Facebook and voila! Mabilis pa sa alas-quatro, instant closeness agad ang namuo sa pagitan nating dalawa.

We then decided to meet. I remember ignoring a close friend's invitation (for a drink) dahil kasama kita. We watched a movie sa Resort's World Manila, hindi ko alam kung may naintindihan ba tayo sa ating pinanuod. As far as I remember, we were just making out that time. We didn't mind the movie. Kahit unang beses palang natin magkita noon ay para na tayong matagal na nagiibigan dahil na rin sa mga inaasal natin. We held each other's hands. We kissed. We hugged. Our very first meeting was an eye-opener. Napatunayan kong kaya ko palang maging masaya. You made me feel very happy after me being brokenhearted for always fishing on the wrong pond. You made me so happy.

Naging mabilis lahat. Halos inaraw-araw natin ang pagkakakita. With the way you held me, I know that this could be, what i've been waiting to find.

Tulad ng isang conflict na laging matatagpuan sa isang nobela, nalaman ko na kung ano ang sa atin. I found out the thing that could destroy us. Napagalaman ko, sa'yo na rin mismo nanggaling, na mayroon kang karelasyon for 5 months.

Hindi ko alam kung paano ako magrereact nung nalaman ko. Pwede bang bigwasan kita ng bongga dahil parang ginagamit mo lang ako sa pagkamiss mo sa isa? Pwede bang umiyak nalang ako? Pwede bang magwalk-out nalang? In fact, hindi ako nakapagreact. Nakaramdam lang ako ng kirot sa aking puso. At syempre, I felt guilt.

Guilty ako in a way na aware akong nanloloko rin ako ng tao. Kahit hindi ko kilala personally ang karelasyon mo, naguguilty pa rin ako. Pero kung tutuusin, salamat pa rin, dahil naging honest ka na mayroon kang karelasyon, kasi kung hindi, knowing myself, malamang binuhos ko na lahat sa'yo at nagdemand na ako ng relasyon. Hindi naman sa hindi ko binubuhos ang lahat sayo, siguro natutunan ko lang na magtira ng kahit kaunti para sa sarili ko, well hindi naman actually, kaunti, siguro yung sakto lang para sa aking sariling katinuan.

“Keep him in your radar, but feel free to enjoy yourself with others too. After all, wala naman kayong relasyon.” I remember a friend telling me this.

Tama nga ang kaibigan ko na yon. Pero narealize ko, kahit pala wala tayong relasyon, hindi ko kayang magloko. Alam ko sa sarili ko na faithful ako at ikaw lang ang gusto ko, kahit isa lamang akong querida.

Inantay kita noon sa labas ng building ng opisina nyo. Galing ako sa interview ko para sa isang banko somewhere in Makati. Medyo may katagalan akong nagantay pero nang masilayan ko na ang iyong mukha, parang napawi lahat ng pagod at pagkainip na naramdaman ko. Para kang stimulant, pakiramdam ko high na high ako.

Nagusap tayo noon over coffee. Plano ko nang tapusin to. Actually gusto kitang papiliin eh, pero natatakot ako na hindi ako ang piliin mo. Gusto ko ng tapusin ang kumplikasyon na to habang di pa ako masyadong adik sayo. Mahirap na kasi, hindi ko mawari kung may patutunguhan ba tong kalokohan nating dalawa.

“Paano kung sakaling makahanap ako ng iba?” tanong ko.

“Syempre, malulungkot ako.”

Our eyes met. I saw sincerity in your eyes. I was trying be composed. Nanghihina ako sa mga titig mo.

“Malulungkot ako kasi hindi na ako yung mga dahilan kung bakit ka tumatawa.” you frowned. “Gusto ko kasi ako lang ang magpapasaya at magpapangiti sayo.” dugtong mo pa.

Naramdaman ko ang init. I flashed a bittersweet smile.

“Wag kang selfish. Let me go.” sabi ko.

Tahimik kang tumitig sa akin.

“I don't deserve to be second best. I never deserved to be second best.”

I saw you wipe your tears. Mabilis na tumulo ang iyong mga luha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahina ako kapag nakakakita ng taong umiiyak.

“Wag mo akong iwan, Franz.” pakiusap mo.

Hindi ko alam kung bakit. Hindi kita natiis, tumango nalang ako.

“O-oo.” mahina kong tugon.

Muling rumehistro ang ngiti sa iyong mga labi. Lumipat ka sat umupo sa tabi ko. Naramdaman ko ang kamay mo sa akin. You had them interlocked. Naramdaman ko ang pagpisil mo rito. Dinampian mo din ng halik ang aking pisngi.

“I love you, Franz.” bulong mo sa aking tainga.

That sent shivers down my spine. I didn't respond.

Natapos ang araw at mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko kayang lumayo sayo. Pero I feel that I really have too. We parted ways, sumakay na ako ng taxi. Hindi ako sumabay sa'yo kahit na magkalapit lang tayo ng bahay. Nagpalusot ako na kailangan kong dumaan ng school para sa aking thesis.

Yun ang huli nating pagkikita.

Lumipas ang ilang buwan, hindi na tayo nagtagpo. Lahat ng aya mo, dinecline ko. Lahat ng mga texts mo, hindi ko sinagot. Lahat ng mga tawag mo, dinedma ko. Bakit? Dahil narealize kong gusto ko ng itama ang mga bagay na di ko na dapat pinatagal pa. Tiniis ko ang pangungulila sa'yo. Dahil hindi naman ako rebound queen, hindi ako nakipagdate sa iba. Tiniis ko muli ang pagiisa. Tiniis ko lahat. Alam ko na kung para tayo sa isa't-isa, magkikita at magkikita tayo, sa tamang panahon, kapag ayos na ang lahat, kapag tama na ang timing.

I got very bored that Sunday afternoon, I decided to go malling. Saan pa ba? Resort's World Manila.

Tinungo ko ang sinehan kung saan tayo nanuod ng pelikula, kung saan tayo unang nagkita, kung saan ko muli naramdaman ang saya at pagmamahal. Maraming tao noon, pero nakaramdam ako ng pagiisa, I felt the mall was depopulated. I miss you so much. Hindi ko alam kung nagsisisi ako sa ginawa ko, pero ang alam ko, nalulungkot ako. Ayaw kong isipin na nagsisisi ako, consequence to ng naging decision ko noon, dapat ko itong panindigan.

Naramdaman ko ang pagtulo ng aking luha.

“I miss you.” nasabi ko sa hangin.

“You miss me?”

Napalingon ako sa likod. Nakita kita. You were wearing that same old smile. Tumaba-taba ka na. Ganun pa rin ang mukha mo. I saw then those chinky eyes I loved. Ikaw nga. Muli, nakita kita. Serendipity.

“How did you know i'm here?” nagtataka kong tanong.

“Coincidence.” sagot mo. “That didn't answer my question.”

Tumitig ka sa akin.

“I do.” mahina kong tugon.

Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko.

“Wala na kami.”

That caught my attention.

“Huh?”

“Nung panahon na ginusto mong makipaghiwalay sa akin, narealize ko na hindi na ako masaya sa kanya.” I heard him sob. “Nung gabing yon, nakipaghiwalay ako sa kanya.”

I felt that warm feeling, again.

“Tinawagan kita noon para sabihin na wala na kami. Tinext kita. Pero kahit isa, wala talagang sagot.” tumulo ang luha mo. Nanatili akong nakatitig, walang imik. “Ang tagal kong pumunta dito ng pabalik-balik, umaasa na makikita kita ulit.” Pinahid mo ang iyong mga luha. “Ang tagal kong nangulila sayo. Sobrang tagal.”

Kinilibutan ako sa aking narinig. Nakaramdam ako ng panliliit. Nakaramdam ako ng guilt. Nasaktan ko sya at pinagantay ng matagal.

“Mahal mo pa ba ako?” tanong mo sa akin.

Hindi ako agad nakasagot. Alam kong mahal kita. Alam na alam ko sa sarili ko yan. Nagtitigan tayong dalawa. Para kang batang inagawan ng candy, namamaga na ang mga mata mo kakaluha.

“Mahal mo pa ba ako?”

Umeeksena na tayo at marami ng mga usyosong nakikinig sa ating dalawa. Pero parang wala kang pakialam sa kanila.

“Are you still willing to love me?” nasambit ko nalang.

“Ofcourse!”

“Are you still willing to love me like I never left?” naluluha kong tanong.

“Yes. Ofcourse, yes!”

We hugged.

“I will love you” bulong mo sa akin “like you never left.”

“Yeah. Like I never left.”

We eyed the people watching us. You held my hand. We ran fast as we could.

W A K A S


8 comments:

Gerald said...

Nganga!!! Haist... Kau na masaya... Kau na inlove.

Lui said...

I can't help but smile while reading this! Thanks, Nay!:))

Anonymous said...

wow..again a great piece from a really great artirst..thumbs up po..u'r really someone wen story is the talk..it's short pero andon na lhat..it's more than enuf to complete the readers..and the flow is reaaly unpredictable kya exciting siya..

-john el-

carl_8 said...

Aray! Somehow I can relate with the "querida" part coz sometime in a not so distant past i was exactly in that same predicament. Especially yung part na you've already fallen in love only to find out that he already have someone else and yet still allowed yourself to act along that bittersweet charade... Anyhow, i like the story. It's nice to know it ended in a good way. Nice work. :-)

taski said...

im happy for u luiboi :) parang eksena sa pelikula hehehe... wish u all the best :)

unbroken said...

@Gerald
-Pait naman, dear. Hihihi

@Lui.
-Kilig pepe ka no?

@John El
-Thank you for appreciating the story. Salamat, tambay ka lagi. :)

@Carl_8
-Remember, sometimes it lasts in love, sometimes it hurts instead. lol

@Taski
-Salamat sa comment at sa best wishes sa aking unica hija.

--makki-- said...

oh GOODness!

JJ said...

Back to my old habits.