Note:I don't do this often but I want to thank all the readers and those who commented sa last part. I need not to name who you are. Maraming Salamat po! :)
L.I.M.A
Philip smiled as he ended the phone call. Alam nyang hindi pa sumasablay si Dalisay sa mga sinabi nito. He knows how credible Dalisay is when it comes to his words. And now, he is still hoping na magandang balita nga ang dala nito sa kanya.
“Kuya. Pakibilisan. Kanina pa nagaantay yung mga kasama ko sa Chef and Brewer.”
Tumango ang driver. Makalipas ang ilang segundo, bigla itong lumiko sa kanan. Presto! Chef and Brewer na agad.
Mabilis na bumaba ang driver para ipagbukas ng pinto si Philip. Kung sa iba ay sa telenovela lang nila nakikita ang ganito, iba kay Philip. Isa na syang hari ngayon na humihiga nalang sa kaban ng perang nakamal nya matapos nyang makadevelop ng virus na kayang sumira sa isang unit ng limang segundo. Mula nang yumaman, nagawa na nya ang lahat ng gusto. Naiyos nya ang dapat nyang ayusin sa kanyang pamilya at nakapagpatayo na rin sya mga businesses.
Binukas ng driver ang kotse, marahang bumaba si Philip.
Napangiti sya ng matanaw ang Berdeng ilaw ng signage ng Chef and Brewer. Sinilip nya ang tao sa loob ng restaurant, nagsisimula ng dumami. Sya ay pumasok at muli nyang nakita ang Western designs ng establisyamento. Well-ventilated ang area kaya walang kaso kahit suot nya ang kanyang Givenchy Bib Detail Wool Blazer. He looked where the two were seated. Nakita nya ito agad at mabilis na lumapit ito sa kanila.
Dennis hugged Philip.
Dalisay gave Philip the pasosyal form of greeting, the beso.
The two looked shocked upon seeing Philip. They really weren't expecting na ganito magiging kadramatic ang kanyang pagbabago.
Oh, twink no more! My student is now a complete hottie. Dalisay thought
Ganoon ba pag napapadpad sa America? Ang kinis na nya. Ang galing. Ani Dennis
“Wow. So pati kayo natahimik nang makita ako?” pabirong sabi ni Philip.
Dalisay raised an eyebrow and pouted his lips.
“Philip, sino bang hindi magugulat sa pagbabago mo. It's just so dramatic. Halatang pinaghandaan ang return of the comeback.”
“Tama!” Dennis exclaimed
Philip smilingly chuckled.
“Ofcourse. Dapat lang ganito. Isa pa, for my own betterment na din ito.”
“You say so.” ani Dalisay.
“Order na tayo?”
“Fight. Kanina pa ako hunger strike.” wika pa ni Dalisay
Agad na sumenyas si Philip sa waiter. Mabilis na lumapit ito sa kanila at kinuha ang kanilang order.
“Hi. Good Evening Sir. May order na po ba sila?” magiliw na sabi nito
Dalisay gazed at the waiter and see how cute the waiter is. Napansin ni Philip ito at sya'y napangiti.
“Things never changed Mama D. Mahilig ka pa ring tumitig sa mga boys.”
Tawanan sila. Namula si Dalisay maging ang waiter.
“Che!” matinis na paghuhuramentado nito
They scanned the laminated menu. Bago ang mga putaheng inooffer nila dito. Hindi sanay si Dennis sa ganito. Maging si Dalisay, na laging nagdadiet ay napapalunok nalang sa t'wing maiisip kung gaano karaming calories at carbohydrates ang kanyang ikokonsumo sa gabing ito.
“Hmmmm.”
“Yes Sir.”
“Mixed Tempura Platter, isa. Buffalo wings, isa. Meat Lovers pizza, isa.”
“Hephephep! Philip, bitay na ba kinabukasan? Ang calories at carbo OMG!” singit ni Dalisay
“Bihira lang tayong magganito. Magworkout ka nalang ng todo bukas.”
Nangiti si Dennis.
“3 C and B chowder. Then ice tea, bottomless.”
“That would be all, sir?”
“Kung gusto mo pati ikaw orderin ko? Bet?” banat ni Dalisay
Namula ang waiter. Nagtawanan ang tatlo.
“Adik ka talaga Dalisay.” sabi ni Dennis
Nawala ang waiter. Naiwan silang tatlo. They kept on updating each other on what happened. Same people, different stories, different expeiences, different realizations. Nagkakasarapang ng kwentuhan ng biglang naalala ni Dennis ang dahilan kung bakit sila nagkita-kita.
“Kuya.”
“Yes Dennis?”
“May mairereport ako sa'yo.”
Philip smiled.
“Interesting.”
“Go ahead, Dennis.”
Dalisay and Philip attentively listened.
“Nagaway sila nung nakaraan. Nakita ng mga kapitbahay na mga mga pasa si JD sa mukha.”
“Wow? Boxing?” sabat ni Dalisay
“Bakit daw sila nagaway? Kelan?”
“Ang sabi kasi, ayon sa impormante ko, nahuli atang nakikipaghalikan ni JD si Arvin na nakikipaghalikan sa iba.”
Philip smiled. Alam nyang sya ang pinatutungkulan doon.
“I see.”
“JD, Kuya, is actually an owner ng isang paper product store. They deliver paper products kung saan-saan sa manila maging sa mga kalapit na probinsya. Matagal na silang naglilive-in ni Arvin. Sa tagal-tagal na nilang magkasama, ngayon lang nahuli ni JD na naglalandi si Arvin sa iba.”
“Hmmmm. What else?”
“Ang laki ng itinaba nya, Buff sya dati eh. Ngayon, lumobo na ng husto, di na mapigil ang sarili sa kakakain. Kahit lagi daw sinasaway ni Arvin at laging pinapapunta sa gym, ayaw daw sumunod. Lagi nilang pinagtatalunan ang unhealthy food choices ni JD. Mahilig sa mamantika, sa chocolates, lahat ng pagkaing nakakataba.”
“Hala! Naku, eh kung mastroke sya. Ano ang health report nyang taong yan?” sabat ni Dalisay
“Highblood na sya according sa doctor nya.”
“Enough Dennis.”
“Actually Kuya marami pa akong nakalap na information.”
“Tama na muna yan. You did a job well done.”
Philip smiled. Dalisay raised an eyebrow. Dennis was left clueless.
Ibigay natin ang hilig. Philip said to himself.
“Mama D? Dahil ikaw naman ay lifestyle,health at fashion consultant, ano sa tingin mo ang dapat gawin ni JD?”
“Ofcourse proper diet. Pag hindi nya magawa yan at patuloy syang magpigout, malamang sa alamang, kumplikasyon sa puso at stroke ang abutin nya.” paliwanag nito
“I see. Anong mga dapat nyang iavoid?”
“Yung mga kinakain nya. Dapat magadjust na sya ng mga kinakain nya. Iwasan nya ang mga matatabang pagkain, even chocolates, even alak. If possible nga, sabihin mo na dapat water at gulay lang. Nakakatakot yang ginagawa nya.” dagdag pa nito.
Philip smiled again. Nakabuo na sya ng plano. Umpisa na ng laro.
They were interrupted nang dumating ang waiter dala ang kanilang order. Kumain sila at nagpakabusog. Bloated si Dalisay. Ganadong-ganado kumain si Dennis. Nakakailang shot na si Philip ng Hennessy XO. It's going to be a great night for them.
Natapos ng kumain ang dalawa at inorder na sila ng alak ni Philip. Medyo namumula na si Philip at patuloy na syang binubuska ni Dalisay. Masarap ang tawanan nilang tatlo. Masaya ang kanilang muling pagkikita. Iba pa rin talaga kapag kasama mo ang ilan sa iyong mga pinakatatanging kaibigan.
“Mama D. Ano pala yung surprise mo sakin?”
“Hahahah! Secret!”
“Dali na. Ano ba yun?”
Tumitig sa kanya si Dalisay. Mata sa mata.
“Charles Despabiladeras, naaalala mo?”
Biglang naging seryoso ang mukha ni Philip. Nakaramdam ng kaba si Dalisay.
“I know him. Bakit?” mahinang sabi nito.
“This is for you, dear.” wika ni Dalisay sabay abot ng calling card na inabot ng lalaki sa kanya kanina
Philip took the card. He scanned it and saw all information needed in order for him to get connected to Charles again. He sighed, then smiled.
“How did you get this?”
“He works here.”
“Sya ang manager dito?”
“Yes.”
“It's like hitting two birds in one stone. I like it.”
Philip beamed that devilish smile.
Kung sinuswerte ka nga naman. Palong-palo!
“Let me remind him kung sino ako.”
“Go!” sabi ni Dalisay
He raised his hand and called a waiter. Magiliw na lumapit ang waiter sa kanila.
“Yes po sir?”
“Kindly call your manager.”
“Ha? Bakit po? May problema po ba?” kinakabahang sabi ng waiter
“Nothing. I'm a close friend. Gusto ko lang syang makausap.”
The waiter confusingly went away. Ilang segundo pa, nakita na nyang papalapit si Charles.
Nagtama ang kanilang mga mata. He smiled. Kita ang gulat sa mata ni Charles lalo pa't nakita nyang magkasama sila ni Dalisay.
Marahang lumapit ito sa kanila. He was still trying to recognize Philip's face.
Before he could say anything, tumayo na si Philip and insisted a handshake.
“Remember me?” he smiled
“Phi-Philip?” nangangapang tanong nito.
“Precisely.”
Charles looked with disbelief. It never crossed his mind na magkikita sila ulit ng lalaking kanyang pinagpalit para sa iba. Nakaramdam sya ng panghihinayang dahil sa laki ng pinagbago ni Philip. He's more handsome now. Wala na ang nerd at twink. Naramdaman nya ang confidence ni Philip na wala dito dati. Ibang-iba na sya.
Charles reluctantly smiled.
“Kamusta ka Charles?”
“I-I'm fine.”
“I miss you Charles.”
Charles blushed.
“Di-ditto.” nahihiyang sabi nito
“Charles, I also missed this.” sabi ni Philip sabay hipo sa harap ni Charles.
Bago pa man makawala si Charles mula sa pagkakahipo ni Philip sa kanyang harapan, naigapos na sya ni Philip at hinalikan sya sa labi. Smooch. Biglaan.
Kitang-kita ang pamumutla ni Charles. Though he must admit na nagenjoy sya nang muling magtama ang kanilang mga labi. He felt his shaft getting harder. He's really turned on, he's just too shy to admit it.
“Phi-Philip, not here.” saway nya rito
“I'll see you, I'll have you for breakfast Charles.” sabi ni Philip sabay paikot ng dila sa kanyang labi
Charles nodded then hurriedly went away. The two of them caused a scene. Philip was extremely happy. He was happy. And he's now going to take his revenge.
Humarap si Philip sa dalawa. Bakas ang pagkabigla sa mga mata nito. Napanganga si Dalisay. Nanlaki naman ang mata ni Dennis. Ngumiti sya sa dalawa. The two, still couldn't believe with what happened.
“Ano? Bill-out?” nakangising sabi ni Philip
“Ahh.Sige.” sabay na sabi ng dalawa.
Kinuha ni Philip ang bill at umalis na sila sa Chef and Brewer.
To be continued...
6 comments:
"Phillip ang bidang kontrabida!"
HOT! hahaha!!! grabe!!! just reading also makes me hard ;) hahaha!! nxt na po pls!! :)
Hoping that Philip's actions wont backfire on him.
The more that I read the series, the more that I like the character of Philip. These are the kind of stories that I do enjoy, the underdog turned alpha dog. Revenge stories that turn the tides. Giving your oppressors a taste of their own medicine so to speak. ;-)
Excitement! That is exactly what I'm feeling right now.
Charles is very happy thinking that he has Philip back to his arms. Not surprisingly, it was very easy for Philip to take his sweet revenge against the said guy.
How unfortunate! Charles.
[EVIL LAUGH]
reaction: jawdrop
Post a Comment