Saturday, March 3, 2012

Poste

Salamat kay sir Rovi sa pagtitiwala. Ngayon ko lang na figure out ang pagpost kaya sir pasensya sa delay. (",)


Poste


Maalinsangan na gabi, walang ulap sa kalangitan, tanaw ang madaming bituin sa langit. Naglalakad ako papunta sa labasan upang magpunta sa isang kaibigan.

Habang naglalakad ay napukaw ang tingin ko sa isang imahe ng tao na nakatayo sa isang poste. Isang lalake. Nakasandig siya sa katawan nito at humihithit ng sigarilyo.

Tumigil ako upang pagmasdan ang kanyang imahe.

Maputi, may katangkaran at katawang pwedeng sabihing pang modelo.

Laman siguro ng gym ito.

Pilit kong inaaninag ang kanyang mukha ngunit di ko masyadong mabanaag pagkat ang parteng ito ay nakukublian ng sariling anino at posisyon niya sa ilaw ng poste.

May kung anong pwersa ang nagtulak sakin para lapitan siya. Hindi man lubusan kong nakikita ang itsura niya, nakakasiguro akong di naman siya masamang tao. Kutob? Siguro. Antisipasyon? Malalaman ko.

“Boss”

“Ano yun?”

“Wala naman, napansin ko lang na nag iisa ka sa pwesto mo. May hinihintay ka?”

“Wala. Nagpapahangin lang.”

Masyadong matipid siya sa kanyang pagsasalita. Arogante man ang dating niya ngunit hindi ko makuhang magalit.

“Hindi ka taga dito. Pansin ko lang kasi, may pupuntahan ka?”

“Wala din.”

“Ok”

Nakaramdam na akong hindi siya interesado pang makipag usap. Pinili ko nalang na magpaalam para narin makapunta ako sa pakay ko.

“Sige una na ako. Ingat nalang boss”

Wala akong nakuhang sagot. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa hindi niya pagsagot. Lumakad nalang akong hindi siya nililingon.

Suplado. Sayang may itsura pa naman.

Nakarating ako sa lugar ng aking kaibigan. Nakalimutan ko na siya dahil sa naging abala ako sa pakay ko sa una. Lumalalim na ang gabi ng magpasya akong umuwi na sa amin.

Nadaanan ko uli ang poste kung saan ko siya nakita kanina ngunit sa pagkakataong ito ay wala na siya doon.

Wala na siya. Siguro umuwi na sa kanila.

Ilang araw ding naisip ko siya. Sa bawat pagdaan ko sa poste kung saan ko siya nakita ay naalala ko siya. Umaasa akong makita ko uli siya doon na nakatayo, naninigarilyo. Tumitigil ako minsan sa may poste sa pag aakala na maaabutan o makikita ko siya doon.

Hindi naglaon ay nakalimutan ko din siya. Isa lang siguro siya sa mga estrangherong naligaw sa aming lugar. Nagtuloy lang ang buhay ko. Bumalik ako sa dati, naging abala rin sa buhay buhay.

Ngunit isang araw nakita ko uli siya. Nakasandal siya sa poste at mukhang balisa. Gaya ng una naming pagkikita ay nilapitan ko siya, baon ang kaunting lakas ng loob ay lumapit ako ng nakangiti sa kanya.

“Uy boss! Kamusta? Ngayon lang uli tayo nagkita ah!”

Tiningnan niya ako ng taimtim. Wari mo’y nananaliksik sa aking pagkatao. Wala akong mabasa na emosyon sa kanyang itsura. Kapagdaka’y nagsalita siya..

“Wala ka bang kasama sa bahay?”

Napantastikuhan ako sa kanyang sinabi. Kaagad din akong nakabawi sa kanyang sagot sa akin. Sumagot din ako.

“Wala. Bakit?”

“Gusto kong pumunta sa inyo.”

“Teka teka. Sandali lang. bakit gusto mong pumunta samin?”

“Wala lang. gusto ko lang pumunta.”

Hindi na ako nagtanong pa. Nagsimula na akong maglakad pauwi habang siya ay nakasabay sa akin. Habang binabagtas namin ang daan papunta sa ang aking bahay ay wala kaming imikan. Panaka naka ko siyang minamasdan, sinisiguro ko kung kasunod ko ba siya. Nakikita kong nanatili lang siyang nakatingin sa daan pero nakasasabay naman sa akin.

Nakarating din kami. Binuksan ko ang pinto at inanyayahan siyang pumasok. Wala siyang imik na sumunod. Lumingon lingon sa kabuuan ng bahay ngunit nanatiling walang imik.

“Pasensya kana may kaliitan ang aking bahay. Ako lang naman kasi magisa dito atsaka…”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinalikan. Marubdob ang kanyang halik. Mapagparusa, sumasaliksik tila nanghihingi ng pagsuko.

Natangay na din ako sa kanyang halik. Sinabayan ang kanyang galaw. Bawat singhap, bawat impit na tinig ay nalulunod na lamang ng sensasyong pinagsasaluhan namin.

“Saan ang kwarto mo?” ang kanyang sinabi na humihingal pa.

“Sa taas. Tara akyat tayo.”

Habang paakyat kami sa aking silid ay walang tigil ang aming halikan. Napakapusok ng bawat galaw namin, pagiray giray na kami ng makapasok.

Itinulak niya ako sa kama. Mabilis niyang tinanggal ang kanyang saplot. Wala siyang tinira. Nanatili akong nakatingin sa kanya, sinusuri ang kanyang katawan. Tama ang bawat anggulo, lahat may ipagmamalaki, parang nililok ito ng isang iskultor. Binalik ko ang tingin sa kanyang mukha, ang maamo niyang mukha na parang hindi makagagawa ng kasalanan. Nakangiti siya, wari’y nasisiyahan sa aking pagsamba sa kanyang katawan at paghanga sa kanyang mukha.

“Ikaw? Hindi kaba maghuhubad?”

Para akong nagising sa isang hipnotismo. Dali dali akong naghubad ng aking saplot. Wala akong itinira kahit isa, hindi na ako nahiya na ipakita ang aking katawan na bagamat hindi kasing ganda ng sa kanya ay hindi rin naman padadaig ito sa itsura.

“Mukhang excited kana.” Nakangiti niyang sabi habang pinagmamasdan niya ang aking kabahagi na kanina pa nakasaludo sa kanya.

“Ikaw din naman. Hindi din maikakaila na nasasabik na yang sayo.”

Tuluyan na siyang dumagan sa akin at nagsalo sa isang halik. Mas banayad ngayon ang aming halikan. Parang gusto niyang iparating na mahaba pa ang gabi at nagsisimula palang kami.

Walang parte ng aking katawan ang hindi nadaanan ng kanyang dila. Magaling siyang magpaligaya, aaminin ko na nung panahon na iniisip ko siya ay pinangarap ko ang sandaling ito. Hindi ko akalaing magkakatotoo. Masarap, nakakabaliw, nakakapagdala sayo sa langit.

Kung ito ay panaginip. Ayoko ng magising.

Matagal niyang pinagsawaan ang aking katawan. Ginawa ko din ang ginawa niya sakin. Hindi man ako eksperto pero binigay kong lahat ang aking nalalaman. Ayoko siyang biguin.

Para sayo. Gagawin ko ito.

Umungol siya tanda na nasiyahan siya sa ginagawa ko sa kanya. lalo kong pinag ibayo pa ang aking ginagawa. Pinagmamasdan ko ang kanyang reaksyon, minsan nakikita kong nakatingin siya sakin. Nakangiti parang anghel na bumaba sa langit.

Sa kahabaan ng gabi ay paulit ulit naming nilasap ang sarap dulot ng makamundong pagnanasa. Palitan, bigayan, wari’y sarili namin ang mundo.

“I can’t believe nagawa ko iyon. Napagod ako pero masaya ako.” Ang humihingal kong sabi pagkatapos namin ng isa pang duwelo.

“Ako din. Hindi ko inaasahan na magagagawa ko iyon.”

“Bakit ba natin ginawa ito?

Hindi siya sumagot. Biglang bumalik na naman ang kanyang itsura gaya kanina nung nagkita kami sa poste. Pinagmasdan ko siya ngunit nanatiling blangko lamang ang kanyang reaksyon. Nakahiga lang siya at nakatingin sa kisame ng aking kwarto.

Kalauna’y tumayo siya, nanatiling siyang tahimik habang isinusuot ang kanyang saplot na nagkalat sa sahig. Pinagmasdan ko lang siya habang nagbibihis, maya maya pa ay…

“Uuna na ako. Salamat sa gabing ito.”

“Teka, hatid na kita. Hintayin mo ako magbibihis lang ako.”

“Huwag na, naabala na kita sa pagpapatuloy mo sa akin dito. Kaya ko ng umuwi mag isa.”

“Kung yan ang gusto mo ok lang pero gusto ko sanang malaman ang pangalan mo. Nangyari na ang lahat sa atin pero di ko pa alam ang pangalan mo.”

“Tawagin mo nalang akong estranghero.." tapos ay ngumiti siya sakin.

Napatulala lang ako sa sinabi niya at tuluyan na siyang lumabas sa aking silid. Narinig ko nalang ang marahang pagsara ng pinto ng aking bahay tanda na wala na siya tsaka lang ako bumalik sa wisyo. Nasapo ko ang aking mukha. Naguguluhan ako sa nangyari sa akin. Sa amin.

Ano ba itong nagawa ko? Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin.

Ilang araw ko ding naisip kung ano ang nangyari sa akin nung gabi na nagkita uli kami. Parang panaginip lamang kung iisipin ko pero alam kong nangyari siya. Marami ang nakakapansin sa aking kilos pero sinasabi kong wala akong iniindang problema.

Binalak kong kausapin siya uli ngunit hindi ko alam kung papaano. Isang nakita kong paraan ay abangan siya sa poste kung saan dalawang beses ko siyang nakita ngunit ilang araw ko nang inaabangan siya ay wala akong napala. Hindi siya nagpapakita. Nagmumukha na akong tanga kakahintay sa kanya doon pero ni anino niya ay walang lumitaw. Nawalan na ako ng pag asa na makikita pa siya muli. Nagsawa na din ako kakahintay at tinuring ko nalang siyang isang kakaibang karanasan na aking dinanas.

Pauwi na ako samin ng madaanan kong muli ang poste kung saan kami unang nagkita. Tumigil ako sandali para pagmasdan ito.

Kung nasan ka man estranghero salamat sa isang gabi na pinaligaya mo ako.

At lumakad na ako patungo pauwi..

Nagpatuloy uli ako sa buhay ko. Madami na ang nangyari sa akin. Hindi ko na rin lubos na maalala kung kelan kami huling nagkita. Masaya na ako. Ayoko ng isipin pa siya. Gaya ng sabi niya isa siyang estranghero…

Isang araw pauwi na ako sa amin ng makita ko siya sa nakatayo uli sa poste. Nakangiti siyang nakatingin sakin at parang andun siya na hinintay ako. Hindi ko maiwasan na mapangiti habang papalit ako sa kanya.

“Kamusta?” bati niya sakin na nakangiti ng ubod ng tamis.

“Ayos naman. Ikaw? Ang tagal nating di nagkita ah”

“May inayos lang ako. Pumunta ako dito kasi gusto kong makita ka”

Nakaramdam ako ng kilig ng sinabi niya iyon. Ngumiti ako sa kanya tanda na natutuwa akong nakita siya.

Nanatili kaming nakatayo habang makahulugang nakatingin sa isat isa. Parang may kung anong mahika ang nagpatigil sa oras ng sandaling iyon.

“Tara? “ pagputol niya sa aming titigan.

“Sige, halika punta na tayo samin.”

Pagkadating namin sa bahay ay naulit na naman ang aming pagniniig. Marubdob ang kanyang mga halik sa akin tanda ng kanyang pananabik. Ako man ay pinalasap sa kanya ang aking pananabik .

Naging regular na ang aming pagkikita. Parati niya akong inaabangan sa may poste. Pag nakita ko na siya doon ay alam ko na na mauuwi na naman kami sa pagniniig. Parang mag asawa lang kami na ang kaibahan lang ay hindi kami maaring ikasal.

“Aalis kana?”

“Oo” matipid niyang sagot habang nagbibihis siya.

“Sige, sa susunod uli estranghero.”

Ito ang madalas naming tagpo sa tuwing matatapos kami sa aming paguulayaw. Walang tanungan basta may namagitan samin at iyon ang importante. Natatanggap ko na hanggang ganun lang kami pero hindi ko ding maiwasang maghangad ng higit pa sa nararanasan ko. Unti unti na siyang napapamahal sa akin. Hindi. Mahal ko na pala siya kaya natanggap ko ang ganun na senaryo. Ayoko siyang mawala, kaya pinipilit kong unawaain nalang ang kung ano man ang gusto niya.

Isang gabi matapos ang mainit naming tagpo ay hindi ko na matiis ang aking nararamdaman sa kanya kaya sinabi ko na..

“Mahal kita..”

Akala ko sasagutin niya ako pero wala akong narinig buhat sa kanya. Pakiramdam ko napahiya ako sa sinabi ko sa kanya. wala siyang sinabi bagkus niyakap lang niya ako ng mahigpit, dinig ko ang tibok ng kanyang puso at ang malalim niya paghinga. Naramdaman ko ang pagtakas ng luha sa aking mga mata ngunit hinayaan ko lang iyon. Dinama ko ang kanyang presensya, sinamyo ang kanyang amoy.

Nilingon ko siya, nakita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mga mata. Naging maagap siya at pinahid niya agad. Tumayo siya at kaagad na nagbihis, walang lingong umalis ng hindi nagpapaalam sa akin. Hindi ko makuha ang ibig niyang palabasin, mabigat sa akin ang nangyari. Pakiramdam ko ay ako lang ang nagmamahal at isang pasakit lamang sa kanya.

Tuluyan na akong bumigay pagkaalis niya. Ang kanina pang matang tumatangis ay lalong nagbalong ng masasaganang luha. Napakasakit. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan.

Mahal kita pero hindi ko alam kung bakit masakit sa pakiramdam..

Matapos ang pagtatapat ko sa kanya ay hindi ko na siya nakita. Nabigla siguro siya sa aking pagtatapat. Inaalipin ako ngayon ng lungkot at pagsisisi kung bakit ko ba nasabi sa kanya iyon. Bakit kung kailan ko nasabi sa kanya ay saka pa siya lumayo.

Ilang araw akong naghihintay sa may poste sa pag asang makikita siya. Gusto kong makita siya, kahit sabihin niya sakin na hindi niya ako mahal basta magpakita lang siya. Walang araw na hindi ko siya naiisip at sa tuwing dumarating ang gabi na mag isa ako sa aking kama ay naalala ko siya, tuluyan nalang akong naiiyak. Umaasa at nangangarap na katabi ko siya. Yakap yakap ang unan, nananangis sa kawalan…

Estranghero, mahal na mahal kita…sana bumalik kana…

Isang gabing maalinsangan ay naisip ko na naman siya. Tumayo ako para magpahangin sa may tapat ng bintana. Madalang na ang taong nasa daan pero malayo ang natatanaw ng aking paningin, wala sa lansangan..

Estranghero? Ikaw ba yan?..

Namamalikmata ata ako. Nakita ko siyang nakatayo sa may kanto malapit sa bahay ko. Nakatanaw sa akin. Kinusot ko ang aking mata pero siya nga ang nakita ko!

Dali dali akong bumaba at humangos sa labasan. Gusto ko siyang makita, mayakap. Wala na akong pakielam pa sa makakakita sa amin.

Ngunit wala siya. Hindi maaring hindi siya ang nakita ko. hinanap ko siya sa paligid, paulit ulit kong sinuyod kung saang possible siyang napunta.

Tumigil ako sa may poste, napagod ako sa paghahanap pero desidido talaga akong hanapin siya. Ipapahinga ko lang ang pagod kong mga paa at magsisismula uli akong maghanap.

Hindi maari…siya talaga ang nakita ko, alam kong siya yun…

Napahawak ako sa poste. Nasalat ko na may nakakipit na papel sa uka nito. Sariwa ang galos ng kahoy, parang ginawa lang kamakailan. Kinuha ko ang nakaipit na papel at ito’y binasa. Namamasa na ang mga mata ko habang binabasa ko ang laman nito..

Estranghero,

Alam kong makikita mo itong sulat dahil binalak ko talagang malaman mo na ako ang nakita mo ngunit wala na akong lakas ng loob na harapin ka kaya sa sulat nalang ako magtatapat sayo…patawad…

Patawarin mo ako dahil sa ginawa ko sayo. Ipagtatapat ko sayo na nung una tayong magkita ay masama ang loob ko dahil nagaway kami ng boyfriend ko na nakatira malapit sa inyo. Gusto ko siyang puntahan at kausapin ngunit nagaalangan ako na pumunta sa kanila at dun tayo nagkita. Nagkaayos din kami kalaunan. Nung nagkita tayo muli ay yung panahon na naghiwalay kami, nasaktan ako ng sobra sa ginawa niya sakin kaya nung nilapitan mo ako ay nakagawa ako ng bagay na hindi ko sukat akalain na gagawin ko. Patawarin mo ako dahil ginamit kita para makalimot sa sakit na nararamdaman ko nung panahon na iyon..

Pagkatapos ng gabing iyon ay nakonsensya ako. Hindi ko kayang idamay ka sa pinagdadaanan ko kaya lumayo ako. Noong ayos na ako ay muli akong nakipagkita sa iyo. Aaminin ko, hindi pa talaga ako naka move on noon sa boyfriend ko pero iba narin ang nararamdaman ko sa iyo. Pilit kong ibinabaling sayo ang lahat at natututunan na kitang mahalin. Sa bawat gabi na tayo ay magkasama ay maligaya ako, kontento akong katabi kalang nakahiga sa aking bisig. kaso kinausap ako ng boyfriend ko at nakikipagbalikan. Tinanggap ko ang alok niyang makipagbalikan pero hindi ko basta nalang ipinagwalang bahala ka, ayokong mamili sa inyong dalawa. Lalo akong binatbat ng konsensya ko kaya noon sana na balak kong ipaalam na kung sino ako ay hindi ko na itinuloy, nahihiya ako sayo, mukhang tanga man ang paraan ko pero iyon ang nakikitang kong logic at nakikita ko namang wala kang pagtutol sa kung anong meron tayo kaya lalong hindi ko na inisip pa ang mga bagay na iyon..

Hanggang isang araw ay nakita niya akong papunta sa inyo. Nagtanong siya dahil wala naman daw akong dahilan para pumunta sa inyong lugar. Nagdahilan ako na may kakilala ngunit nagsususpetsa siya, tinatanong niya ako ng pilit at nauwi kami sa pagtatalo. Pinalampas niya iyon pero hindi siya kumbinsido hanggang sa nahuli niya uli ako at sa kasamaang palad pa ay yun ang araw na sinabi mong mahal mo ako, magulo na ang isip ko at gusto ko na talagang ipagtapat sayo at balak ko ng sabihin ngunit nahuli nga niya ako. Hindi na ako nakapagdahilan pa. Balak niyang sugurin ka ngunit naagapan ko siya. Sabi niya na patas na kami sa kasalanan namin sa isat isa. Pinapili niya ako kung sino sa inyong 2 at kung siya ang pipiliin ko ay hindi na ako makikipagkita sa iyo.

Pinili ko siya hindi dahil mas mahal ko siya. Sa totoo lang pantay lang ang pagtingin ko sa inyong 2. Ewan, hindi ko matimbang talaga pero inisip ko na mas liligaya ka sa taong makakapagbigay sayo ng kanyang sarili ng buo. Mabuti kang tao at hindi ang isang katulad ko ang nararapat sayo. Nagsimula tayo sa isang kasinungalingan at hindi ko alam kung paano kita haharapin kung malalaman mo ang sitwasyon ko. Hindi kita masisi na kamuhian ako, nararapat lang iyon sa akin..

Kahit sa huling sandali gusto lang kitang makita. Wala akong balak na iba pa, ayoko ng guluhin ka dahil alam kong nasaktan ka sa biglaan kong paglayo. Patawad…hindi ko lang talaga mapigil ang sarili ko, ganun kita kamahal kaya kahit matanaw lang kitang nasa bahay mo masaya na ako…patawad….mahal kita…

Tandaan mo, mahal kita kaya ko ginawa ito. Masakit din sa akin na mawalay sa iyo. Pero tanggap ko na ang kapalaran natin na hindi tayo sa isat isa. Humanap ka ng tao na magmamahal sayo ng higit pa sa ipinadama ko sayo. Maligaya na akong malaman na makakita ka ng iba.

Patawad uli…….kahit paulit ulit kong sabihin, patawarin mo ako….mahal kita…

Estranghero

Halos mabasa na ang sulat na ginawa niya dahil sa aking mga luha. Pilit kong iniintindi kung bakit niya nagawa ang ganitong bagay sa akin. Masakit…napakasakit dahil alam kong minamahal niya rin ako..

Tuluyan na akong napaupo sa poste. Daklot ang sulat niya na malapit sa aking dibdib. Hinahayaan kong lunurin ako ng mga luhang nilaan ko lang para sa kanya..

Estranghero…mahal kita…mahal na mahal kita...

Kasabay ng aking pagtangis ay siyang pagdilim ng paligid. Ang ilaw ng poste na nagsisilbing liwanag sa mga dumadaan ay namatay…napundi…tila nakikiramay sa namatay na pag ibig…


-Wakas-

1 comment:

carl_8 said...

How sad is it to find yourself fall in love with someone only to find out he's already taken. Even sadder is to find out that the feeling is mutual yet he chose to leave you and be with his ex? Why can't exes be "exes" na lng? Kea nga the term exes is homonymous with "excess" meaning dapat wag ng um-extra. (Lol!) The only reprieve he has is that at least he doesn't fully know the "estranghero." Ika nga, charge to experience na lng yung naranasan nya. ;-)