“Kain tayo. My treat.” aya mo.
Umiling ako. Hindi pwede, I'm on a diet.
“Kailan ka pa natutong tumanggi?”
Alam kong may pagtatampo sa iyong tono. Inakbayan kita at nakita ko ang pagbabago ng mood ng iyong mukha. I know you became happy.
“Diet ako eh.”
“Diet na naman. Tapos lilipas rin yan. Marerealize mo na mas masarap kumain ng mga mamantika.” pangbubuyo mo sa akin.
Well, tama ka naman. Lagi naman akong di nakakatiis. Pero this time, I know I'm certain. Kailangan ko talagang numipis. Kailangan kong pumayat.
“This time, seryoso na ako. Alam mo ba, I've been eating something light lang at night? More on fluids na ako.” I said enthusiastically.
You threw me an odd look.
“Define the word “light” nga.” sagot mo.
“Che!”
Tumahimik na ako. Alam ko kasi na kapagkumibo pa ako, umaatikabong asaran na ang magaganap. I'm not in the mood. Pakiramdam ko depressed ako. I realized that I have been battling with my weight mula noon pa. Pakiramdam ko hindi ako mananalo. Lagi nalang ako mabilis tumaba. Konting kain, lalaki na ako bigla.
Nakakainis lang. Masyado akong mataba.
“Nacoconscious ka na naman sa katawan mo.”
That captured my attention.
“No.” pagtanggi ko.
Alam mong nagsisinungaling ako. Kilala mo ako. Noon pa man.
I saw you sigh. Tumayo ka sa gutter na kanina pa natin inuupuan. You reached for my hand, inaaya mo na akong tumayo para maglakad-lakad.
I stood. Nauna kang maglakad. Mabagal, dahan-dahan. Tinatahak mo ang daan patungo sa inyong bahay. Matatagpuan ito isang sa kabilang kanto. Tatawid ka para marating ito. Ang bahay ko naman ay sa tapat ng iyong tatawiran. Mauuna akong makauwi bago mo marating ang sa inyo.
I sighed.
“Ayan na naman. Ano ba kasing problema?”
Hindi ko umimik. Kilala mo nga ako. Alam mo kung kailan ako may kinikimkim. Alam na alam mo kung kailan mababa ang tingin ko sa sarili ko.
“Ano nga?”
May bahid na ng pagkairita sa iyong tono. Napangiti ako.
“Ang dami ko ring break-out. Tinitigyawat na naman ako.”
Huminto ka sa paglakad. Humarap ka sa akin. Our eyes met.
“Pakiramdam mo pangit ka na naman?”
Napatahimik ako sa narinig. I swallowed.
“Kailan ba ako nagmukhang matino?” pabiro kong sabi.
You gave me a sharp look.
“That's how you see yourself.”
I nodded.
“Pakiramdam mo na naman kaya walang nagkakagusto sayo eh dahil sa physical features mo?”
“Yes.” mahina kong sagot.
Nakaramdam ako ng panliliit. Tama ka nga. Yun nga ang nararamdaman ko. Alam ko naman na sa mundong ito, kalakaran ang mukha. Aminin man natin at sa hindi, kapag makinis ka, pasok ka sa banga. Kapag slim ka or sabihin na nating toned ang katawan mo, mas maraming magkakandarapa sa'yo. Iilan nalang naman ang mahohook sayo dahil sa wit mo. Ewan ko ba, tama naman ako eh. Lagi namang nauuna ang pisikal na atraksyon bago ka talaga mahook sa isang tao. Lahat ng tao tumitingin sa mukha at katawan mo before considering you as a romantic partner.
Ano pa bang laban ko? I'm a bit chubby, well chubby nga ako. At bukbukin. Kung hindi mo alam yung bukbukin, tigyawatin ang ibig sabihin non. Ayun ako. I'm chubby and oily. Saan ka pa? Ewan ko ba sayo, kahit ganyan ang tingin ko sa sarili ko, lagi kang nandyan para pagalitan ako sa t'wing mababa ang tingin ko sa sarili ko.
“Bobo ka talaga.” sarkastiko mong sagot sa akin.
Hindi na ako nakaiwas. Naramdaman ko nalang ang bigat ng iyong mga braso. Muli mo akong inakbayan. Naglakad na tayo.
“Wala namang taong pangit eh.” pagalo mo sakin.
“Meron, ako.”
“Hindi ka pangit, hindi lang maganda yung pagkakagawa sayo ng Diyos.”
Tumingin ako sayo at umirap.
I saw you grin.
“Eto naman oh, kita mo ngang malungkot na ako at depressed tapos gaganyan ka pa.”
Mas humigpit ang akbay mo sakin. This time, naging seryoso ang iyong mukha.
“Bakit ka naman kasi malulungkot? Hindi lang naman ikaw ang pangit sa mundo. Ang dami nyo kaya.”
Napangiti ako sa narinig. Akala mo naman kung sino kang gwapo.
Kinurot kita sa tagiliran, dahilan para ikaw ay mapaaray at bumitaw mula sa pagkakaangkla ng iyong braso sa akin.
We both grinned.
“Hindi nga, seryoso. Bakit ka ba kasi nalulungkot? Wala namang dapat ikahiya sa mukha mo. Normal ka naman. Mataba ka lang at may pimples. Lahat naman ng tao may ganyan. Lahat naman may imperfections eh. Lahat tayo.”
I sighed.
“You don't know how it feels to be me. Subukan mong maging pangit para maramdaman mo kung gaano kahirap. Lalo na kapag mayroon kang gusto tapos dededmahin ka lang kasi nga di kaaya-aya ang mukha mo.”
“Baka hindi ka pa natatapat sa talagang para sayo.”
Muli mo akong inakbayan.
Patuloy tayo sa paglalakad. Malapit na nating marating ang tapat ng aking bahay.
“Kailan pa darating? Kapag tamad na akong maghanap?”
“Wag mo kasing hanapin. Dadating yon.”
“Sige, sabi mo eh.”
Narating natin ang tapat ng aking bahay.
“Isa pa..”
Lumingon ako sa'yo.
“Anong isa pa?”
“Tandaan mo lang. Every inch, every curve, every line, has their own respective markets.”
I nodded.
“Okay.”
“One last thing.” sabat mo.
“Ano yun?” nagatataka kong tanong.
“Someone actually really likes you eh. Masyado ka lang busy kakaisip ng kung anu-ano.”
I was clueless. As if meron. Abnormal ka talaga.
“Sino naman yan? Pauso ka na naman.”
Lumingon ka sa paligid. Parang sinisilip mo kung may tao. Napalingon din ako sa paligid. Naconscious din kung mayroon bang tao sa paligid.
You held my face and I was very curious. Naramdaman ko nalang ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Hindi ako makakilos nang mga panahon na yon. Para bang naging bato ako at hindi makagalaw ng maayos.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi mo sa akin. I was so shocked. The kiss ended.
“Ako.” maiksi mong sagot.
Tumitig ka muli sa akin. Nasilayan ko ang iyong ngiti. Nagmadali ka ng tumawid pauwi sa inyong bahay.
W A K A S
6 comments:
nice story author.
taga_cebu
Hahaha nice story too
kakilig!
sh0nempire027
Anonymous from cebu:
Hello. Salamat po at nagustuhan nyo to. :)
Gerald:
Salamat sa laging pagdalaw. Salamat.
ANonymous 2:
Salamat at kinilig ka, naihi ka ba? hihih
wow great story..galing tlga ng pgkakagwa..im speechless..eto ung mgndng story..out of ordinary..
-john el-
Aww. So sweet. In fact, diabetes-inducing sya. hehe. :-) It really is nice to have someone who accepts you for who you are, regardless of your imperfections and insecurities. Kudos for a nice story. :-)
Post a Comment