Vegetable Oil. Check! Elbow Macaroni.
Check! Butter? Check!
Ano pa bang mga kulang ko?
Mabilis kong sinilip ang listahan na ginawa ng aking nanay para sa mga mamamanhikan ngayong gabi sa bahay. Napapangiti ako sa t'wing maiisip ko ang aking ate, 29-anyos, na ikakasal na. Alam ng buo kong pamilya na sobrang tagal na naming inaantay na magkaroon ng katipan at makakasama sa habangbuhay ang aking ate. Kahit hindi pa namin nakikilala at nakikita ang kanyang mapapangasawa, hinayaan nalang namin. Alam naming pihikan si ate at hindi sya pipili ng basta-basta.
Mabilis kong sinilip ang listahan na ginawa ng aking nanay para sa mga mamamanhikan ngayong gabi sa bahay. Napapangiti ako sa t'wing maiisip ko ang aking ate, 29-anyos, na ikakasal na. Alam ng buo kong pamilya na sobrang tagal na naming inaantay na magkaroon ng katipan at makakasama sa habangbuhay ang aking ate. Kahit hindi pa namin nakikilala at nakikita ang kanyang mapapangasawa, hinayaan nalang namin. Alam naming pihikan si ate at hindi sya pipili ng basta-basta.
After all the
hardwork, sa pagpapatayo ng bahay, sa pagpapaaral sa akin, at patuloy
na pagsuporta, I know she deserves to be happy. Now that her man has
arrived, we couldn't contain our happiness. I feel extreme happiness
for her.
Ah! Ground pork!
Hinanap ko ang meat
section at nakita ang ground pork.
“2
kilos, please.”
Ngumiti ang babae.
Nakita kong tinakal nya ito at nilagay sa plastik, kasunod ay
tinimbang. Presto! Nasa loob na ng aking shopping cart. Sinunod ko
ang nasa listahan. Dahil hindi nga ako marunong maggrocery, hindi ako
naging systematized. Kung ano ang nakasulat sa listahan, ganoon ang
order ng mga napamili ko. Napuna ko nalang na parang pabalik-balik
ako sa mga sections ng grocery. Nakakapagod.
Tinignan ko ang
listahan at napangiti nang mapagtanto kong isa nalang ang di ko pa
nabibili-cottage cheese. Kahit nakailang balik na ako sa dairy
section, dahil walang choice, bumalik pa rin ako.
Next time, magiging systematic na
ako sa pagogrocery promise.
Dahil may kalakihan
ang pamilihan at dahil na rin sa ninanamnam ko ang bawat hakbang ay
inaboy ako ng isang minuto para makarating doon. Parang naghahanap ng
libro sa library, isa-isa kong sinuri ang mga cheese na nandon.
Nakita kong marami palang brand at nalito ako kung ano ang dapat kong
kunin.
“Ano
ba ang magandang brand ng cottage cheese dito?” nasabi ko nalang sa
hangin.
Nagitla ako ng may
makita akong kamay na may hawak na keso. Hinanap ko ang nagmamay-ari
ng mukhang iyon at ako'y namangha.
“This
one. Try this one.” nakangiti nyang sabi.
Hindi agad ako
nakaimik. Ang sarap tignan ng mukha nya. Hindi ko maipaliwanag pero
his Turkish features are just so compelling. Pakiramdam ko kaya kong
makipagtitigan sa kanya ng buong araw.
“Hey!”
pagputol nya sa daydreaming ko.
Medyo natigagal
ako. I tried to compose myself again.
“Huh?
This one? Sure kang okay to?” sagot ko, medyo nanginginig.
He smirked. At mas
lalo syang naging gwapo.
“Yep.
Yan ang laging ginagamit ng mom ko sa t'wing gumagawa sya ng Baked
Salmon.”
He sounded very
nice and sincere noong pinapaliwanag nya sa akin. Parang gusto kong
makinig sa lahat ng sasabihin nya all day long.
“Cottage
cheese for Baked Salmon?” pagtataka ko.
He nodded. Ang ganda ng kanyang ilong. Ngumiti ako.
“Nice
smile.” pagpuna nya.
Namula ako.
“Thanks.”
Katahimikan.
“Got
to go, thanks for this.” sabi ko sabay nguso sa cottage cheese na
inabot nya sa akin.
Bago pa ako makalampas sa kanya ay hinawakan nya ang aking braso,
wari ba'y pinipigilan akong umalis. Nagulat ako at nakaramdam ng
kakaibang init.
Nagtama
ang aming mga mata at banaag nya sa akin ang napakaraming katanungan.
He answered me with a smile. Alam ko na ang sagot sa aking mga
tanong, he's
attracted to me.
Tinignan ko ang kanyang kamay sa aking braso, inalis nya ito at kita
ang pamumula sa kanyang mukha.
“Call
me.”
He then handed me a calling card. Bago pa man ako makapagsalita, wala
na sya sa aking paningin.
* * *
Natapos ko na ang pamimili sa grocery at nakapagbayad na rin ako.
Oras na para umuwi. Papunta na ako sa parking ng maisipan kong
tawagan sya.
Wala pang ilang ring ay nasagot na nya agad.
“Hello?
Who's this?”
Mas malaki ang boses nya sa phone. Lalaking-lalaki.
“The
one wearing white. The cottage cheese guy.”
Narinig ko ang kanyang pagtawa.
“Got
wheels? Need a ride home?” tanong nito.
Nakaramdam ako ng kilig.
“No.
Got mine.”
“Saan
ka nakapark? Go here. B-3.”
At narinig kong binabanggit na nya ang plate number ng kanyang
sasakyan.
Nakaramdam ako ng kaba at excitement. Syempre naguumapaw din ang
kilig.
Mabilis kong tinawagan ang aking nanay na naghahanda na sa bahay para
sa pamamanhikan. I informed her na medyo malelate ako dahil may
bibilhin pa ako. Pinagmadali nya ako dahil anong oras na daw.
Lakad-takbo ang ginawa ko para mailagay ko sa aking kotse ang aking
napamili. Pagkatapos kong mailagay lahat ay hinanap ko ang kanyang
kotse sa B-3.
Nakita ko syang nakaupo sa driver's seat. Bandang dulo ang pwesto ng
kanyang pinagparadahan.
Agad akong sumakay. Kung anu-ano ang nararamdaman ko noong panahon na
yon. I think I was so tensed and nervous.
“Don't
worry. Gusto lang kitang makausap pa.”
I smiled.
Kulang-kulang isang oras din kaming nag-usap. Nagkwentuhan kami ng
kung anu-ano at parang ang tagal na naming magkakilala. May mga
panahon na hinahawakan nya ang kamay ko. May mga panahon na
hinahalikan nya ako sa pisngi. He's a perfect gentleman. Kahit saglit
palang kaming magkakilala ay parang sya na nga ang gusto kong
makasama for the rest of my life. At oo, ganun kaOA yung statement
ko.
“I
like you.”
“I
like you too.”
Tinitigan nya ako. At nagtama ang aming mga labi. Bigla kaming
nakaramdam ng init kahit malakas ang buga ng aircon ng sasakyan.
Nangyari ang hindi inaasahan. Kami ay gumawa ng milagro sa loob ng
kanyang tinted na kotse.
Bago ako bumaba ng kanyang sasakyan ay nangako kami sa isa't-isa na
magkikita ng madalas. Tatawag nalang daw sya sakin kapag libre sya
pero lagi naman daw syang magtetext.
* * *
Natapos na ang pagluluto ng aking nanay. Nakaset na rin ang table.
Inaantay nalang namin ang pamilya ng mapapangasawa ni ate.
Kita sa mukha ng aking ate ang kaligayahan.
“Salamat
sa lahat ate.” paglalambing ko rito.
Ngiti ang isinukli nya sa akin.
“Wala
yon. Basta ikaw ang kakanta sa kasal ha?” biro nito.
“Sige
ba.”
Ilang segundo pa ay narinig namin ang busina ng sasakyan. Agad na
tinungo ni ate ang gate at binukas ito. Andyan na nga ang aking
magiging brother-in-law. Dapat fresh ako. Mabilis akong tumungo sa
kwarto at naghilamos. Syempre hindi dapat kinakalimutan ang pabango.
“Lumabas
ka na dyan anak! Nandito na ang mga bisita ng ate mo!”
Rinig ko sa labas ng kwarto ang batian at kamustahin nila. Nakaramdam
ako ngexcitement. Atlast, eto na. Lumabas ako at nakita si ateng
nakangiti. Hinatak nya ako palapit sa kanyang mapapangasawa. Nahihiya
ako at first pero nagtaas na rin ako ng mukha.
Nagulat ako sa nakita. Gwapo ang mapapangasawa ni ate. Mukha itong
turkish. Rumehistro rin sa mukha nito ang gulat. Mabilis din itong
namutla.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
“Babe,
kapatid ko. Si Arthur. Arthur, ang magiging kuya mo sakin, si
William.”
Sya nga.
Nagkamay kaming dalawa.
Lingid sa kaalaman ni ate ay kahawak ko ng kamay ang kanyang
mapapangasawa kanina.
Napalunok ako. Nakita ko ang pagbubutil ng pawis sa kanyang noo.
Walang kaalam-alam si Ate na mukhang nauna pa sa kanyang
makipaghoneymoon sa asawa nya.
Pinilit kong ngumiti.
W A K A S
3 comments:
What a very unsettling way to meet your future brother-in-law. Huh?
Thanks for these short story rovi! :-)
P.S. Kelan pala ung susunod na chapter ng " Ang Mang-aagaw?"
ouch para kay ate x.x grbe naman un, dpat pngilan na ni arthur ang pamamanhikan -_-
Post a Comment