Thursday, April 26, 2012

The Cottage Cheese Guy


Vegetable Oil. Check! Elbow Macaroni. Check! Butter? Check!

Ano pa bang mga kulang ko?
Mabilis kong sinilip ang listahan na ginawa ng aking nanay para sa mga mamamanhikan ngayong gabi sa bahay. Napapangiti ako sa t'wing maiisip ko ang aking ate, 29-anyos, na ikakasal na. Alam ng buo kong pamilya na sobrang tagal na naming inaantay na magkaroon ng katipan at makakasama sa habangbuhay ang aking ate. Kahit hindi pa namin nakikilala at nakikita ang kanyang mapapangasawa, hinayaan nalang namin. Alam naming pihikan si ate at hindi sya pipili ng basta-basta.

After all the hardwork, sa pagpapatayo ng bahay, sa pagpapaaral sa akin, at patuloy na pagsuporta, I know she deserves to be happy. Now that her man has arrived, we couldn't contain our happiness. I feel extreme happiness for her.

Ah! Ground pork!

Hinanap ko ang meat section at nakita ang ground pork.

2 kilos, please.”

Ngumiti ang babae. Nakita kong tinakal nya ito at nilagay sa plastik, kasunod ay tinimbang. Presto! Nasa loob na ng aking shopping cart. Sinunod ko ang nasa listahan. Dahil hindi nga ako marunong maggrocery, hindi ako naging systematized. Kung ano ang nakasulat sa listahan, ganoon ang order ng mga napamili ko. Napuna ko nalang na parang pabalik-balik ako sa mga sections ng grocery. Nakakapagod.

Tinignan ko ang listahan at napangiti nang mapagtanto kong isa nalang ang di ko pa nabibili-cottage cheese. Kahit nakailang balik na ako sa dairy section, dahil walang choice, bumalik pa rin ako.

Next time, magiging systematic na ako sa pagogrocery promise.

Dahil may kalakihan ang pamilihan at dahil na rin sa ninanamnam ko ang bawat hakbang ay inaboy ako ng isang minuto para makarating doon. Parang naghahanap ng libro sa library, isa-isa kong sinuri ang mga cheese na nandon. Nakita kong marami palang brand at nalito ako kung ano ang dapat kong kunin.

Ano ba ang magandang brand ng cottage cheese dito?” nasabi ko nalang sa hangin.

Nagitla ako ng may makita akong kamay na may hawak na keso. Hinanap ko ang nagmamay-ari ng mukhang iyon at ako'y namangha.

This one. Try this one.” nakangiti nyang sabi.

Hindi agad ako nakaimik. Ang sarap tignan ng mukha nya. Hindi ko maipaliwanag pero his Turkish features are just so compelling. Pakiramdam ko kaya kong makipagtitigan sa kanya ng buong araw.

Hey!” pagputol nya sa daydreaming ko.

Medyo natigagal ako. I tried to compose myself again.

Huh? This one? Sure kang okay to?” sagot ko, medyo nanginginig.

He smirked. At mas lalo syang naging gwapo.

Yep. Yan ang laging ginagamit ng mom ko sa t'wing gumagawa sya ng Baked Salmon.”

He sounded very nice and sincere noong pinapaliwanag nya sa akin. Parang gusto kong makinig sa lahat ng sasabihin nya all day long.

Cottage cheese for Baked Salmon?” pagtataka ko.

He nodded. Ang ganda ng kanyang ilong. Ngumiti ako.

Nice smile.” pagpuna nya.

Namula ako.

Thanks.”

Katahimikan.

Got to go, thanks for this.” sabi ko sabay nguso sa cottage cheese na inabot nya sa akin.

Bago pa ako makalampas sa kanya ay hinawakan nya ang aking braso, wari ba'y pinipigilan akong umalis. Nagulat ako at nakaramdam ng kakaibang init.

Nagtama ang aming mga mata at banaag nya sa akin ang napakaraming katanungan. He answered me with a smile. Alam ko na ang sagot sa aking mga tanong, he's attracted to me.

Tinignan ko ang kanyang kamay sa aking braso, inalis nya ito at kita ang pamumula sa kanyang mukha.

Call me.”

He then handed me a calling card. Bago pa man ako makapagsalita, wala na sya sa aking paningin.

* * *

Natapos ko na ang pamimili sa grocery at nakapagbayad na rin ako. Oras na para umuwi. Papunta na ako sa parking ng maisipan kong tawagan sya.

Wala pang ilang ring ay nasagot na nya agad.

Hello? Who's this?”

Mas malaki ang boses nya sa phone. Lalaking-lalaki.

The one wearing white. The cottage cheese guy.”

Narinig ko ang kanyang pagtawa.

Got wheels? Need a ride home?” tanong nito.

Nakaramdam ako ng kilig.

No. Got mine.”

Saan ka nakapark? Go here. B-3.”

At narinig kong binabanggit na nya ang plate number ng kanyang sasakyan.

Nakaramdam ako ng kaba at excitement. Syempre naguumapaw din ang kilig.

Mabilis kong tinawagan ang aking nanay na naghahanda na sa bahay para sa pamamanhikan. I informed her na medyo malelate ako dahil may bibilhin pa ako. Pinagmadali nya ako dahil anong oras na daw. Lakad-takbo ang ginawa ko para mailagay ko sa aking kotse ang aking napamili. Pagkatapos kong mailagay lahat ay hinanap ko ang kanyang kotse sa B-3.

Nakita ko syang nakaupo sa driver's seat. Bandang dulo ang pwesto ng kanyang pinagparadahan.

Agad akong sumakay. Kung anu-ano ang nararamdaman ko noong panahon na yon. I think I was so tensed and nervous.

Don't worry. Gusto lang kitang makausap pa.”

I smiled.

Kulang-kulang isang oras din kaming nag-usap. Nagkwentuhan kami ng kung anu-ano at parang ang tagal na naming magkakilala. May mga panahon na hinahawakan nya ang kamay ko. May mga panahon na hinahalikan nya ako sa pisngi. He's a perfect gentleman. Kahit saglit palang kaming magkakilala ay parang sya na nga ang gusto kong makasama for the rest of my life. At oo, ganun kaOA yung statement ko.

I like you.”

I like you too.”

Tinitigan nya ako. At nagtama ang aming mga labi. Bigla kaming nakaramdam ng init kahit malakas ang buga ng aircon ng sasakyan.

Nangyari ang hindi inaasahan. Kami ay gumawa ng milagro sa loob ng kanyang tinted na kotse.

Bago ako bumaba ng kanyang sasakyan ay nangako kami sa isa't-isa na magkikita ng madalas. Tatawag nalang daw sya sakin kapag libre sya pero lagi naman daw syang magtetext.

* * *

Natapos na ang pagluluto ng aking nanay. Nakaset na rin ang table. Inaantay nalang namin ang pamilya ng mapapangasawa ni ate.

Kita sa mukha ng aking ate ang kaligayahan.

Salamat sa lahat ate.” paglalambing ko rito.

Ngiti ang isinukli nya sa akin.

Wala yon. Basta ikaw ang kakanta sa kasal ha?” biro nito.

Sige ba.”

Ilang segundo pa ay narinig namin ang busina ng sasakyan. Agad na tinungo ni ate ang gate at binukas ito. Andyan na nga ang aking magiging brother-in-law. Dapat fresh ako. Mabilis akong tumungo sa kwarto at naghilamos. Syempre hindi dapat kinakalimutan ang pabango.

Lumabas ka na dyan anak! Nandito na ang mga bisita ng ate mo!”

Rinig ko sa labas ng kwarto ang batian at kamustahin nila. Nakaramdam ako ngexcitement. Atlast, eto na. Lumabas ako at nakita si ateng nakangiti. Hinatak nya ako palapit sa kanyang mapapangasawa. Nahihiya ako at first pero nagtaas na rin ako ng mukha.

Nagulat ako sa nakita. Gwapo ang mapapangasawa ni ate. Mukha itong turkish. Rumehistro rin sa mukha nito ang gulat. Mabilis din itong namutla.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Babe, kapatid ko. Si Arthur. Arthur, ang magiging kuya mo sakin, si William.”

Sya nga.

Nagkamay kaming dalawa.

Lingid sa kaalaman ni ate ay kahawak ko ng kamay ang kanyang mapapangasawa kanina.

Napalunok ako. Nakita ko ang pagbubutil ng pawis sa kanyang noo.

Walang kaalam-alam si Ate na mukhang nauna pa sa kanyang makipaghoneymoon sa asawa nya.

Pinilit kong ngumiti.

W A K A S




3 comments:

carl_8 said...
This comment has been removed by the author.
carl_8 said...

What a very unsettling way to meet your future brother-in-law. Huh?

Thanks for these short story rovi! :-)

P.S. Kelan pala ung susunod na chapter ng " Ang Mang-aagaw?"

Lawfer said...

ouch para kay ate x.x grbe naman un, dpat pngilan na ni arthur ang pamamanhikan -_-