Kamusta po sa lahat? ^_^
As usual, opening remarks muna. Una po, gusto ko magpasalamat sa mga nag add sakin sa facebook. You can still add me po, pakiusap lang po ang msg nyo after adding me, para macategorize ko po.. ahehehehe.. Maliit na kahilingan lang naman po.
Gusto ko po din pasalamatan unang una ang Bembem ko na laging andyan para sa akin all the way! Kay Jojie na syang gumawa ng cover, Kay Zeke, at kay Erwin F. Syempre po kay --makki--,demure, ivan d., MaRIOnE, jemryo,mc ern james, Tommy,J, iamronald, cuirous19,youcancallmeJM, Roan,anton, kyle from clark, ANDY, robertmendoza94@yahoo.com, _rayne, Riley, Jeh (Thanks uli!), Rovi Yuno, j20green, Heaven, j.v, erion, price arl, Mark Jayson Pionela, Judaskyle13, JD Javra,Jasper, ZROM60, kapitanismo, Eiji_monster, =dereck=, Riley, Chris, Lei, arvie04,John Gino Basinang, Red of Singapore, Josue Altoveros, Nico, kean tongol, ryan lee, Anthon Gonzales, Edward, Christian, arljhay, hula_boy, 21, totix, erickvladd, calvin, PIP, J, -London-, Down D. Line, ,el Gibson, jrvr, vinz_uan, mon, Queckenstedt, kean tongol, Atsea, Bonzai, ryan lee at kay Kuya Mike. At syempre sa mga anonymous at silent readers po. :)
Hindi ko na po patatagalin.. Enjoy enjoy na lang po! ^_^
COMMENTS AND VIOLENT REACTIONS HIGHLY APPRECIATED.
Pagbabago. Sabi nga nila, yan ang permanenteng bagay sa mundo. Simula nang araw nung birthday ni Gino ay naramdaman ko ang malaking pagbabago kay Larc. Hindi ko alam kung paranoid lang ba talaga ako, pero kapansin pansin naman kasi ang pagbabago sakanya. Kung dati rati ay sabay kaming kumakain ng tanghalian, ngayon, hindi na. Minsan sasabihin nito na tapos na ito kumain pero makikita ko na nasa cafeteria pa ito. Pag pumapasok naman ako ay sasabihin nya na nagutom daw sya ulit at niyaya sya kumain ulit.
Isang hapon matapos ang uwian ay naramdaman ko ang pagbigat ng katawan. Lalagnatin yata ako. Kaya nagpasya akong sumabay na lang kay Larc sa paguwi. Tinantya ko ang oras at nagpunta na ako sa gym. Papasok na sana ako ng gym ng makita kong palabas naman ang mga ito. Hindi ko naman sinasadyang marinig kanilang usapan.
“Oh, pare, buti naman hindi na bumubuntot yung alalay mo sayo palagi?”, sabi ng kaibigan ni Larc.
“Bat ba kasi ang init ng dugo nyo kay Ryan. Mabait naman yung tao, ah!”, medyo inis na sabi ni Larc.
“Pare, oo nga, mukha namang mabait si Ryan. Kaso pare, panira talaga sya sa image mo.
Nagmumukha lang syang kawawa pag kasama nya tayo. Pare, look at us. Ang layo layo nya sa atin.”
“Pare, anong gusto nyo? Wag ko ng kaibiganin si Ryan?”, tanong ni Larc.
“Pare, nasa sayo yan. Kung kami, o sya. Kasikatan, o wala. Ikaw din, baka mawala pa yan ulit sayo.”, tugon ng isang kaibigan.
“Ganto na lang pre, kaya mo ba ipagpalit lahat ng meron ka ngayon?”, tanong ng kaibigan ni Larc.
Nakita kong nanahimik si Larc. Nagisip. Kampante ako na dedepensahan nya pa din ako, pero may anong kaba pa rin akong nararamdaman.
Hanggang..
“Hindi… Ayoko. Hindi pwede.”, sagot ni Larc.
“Good.”, sagot ng kaibigan nya.
Tulala.
Nabigla.
Di makapagsalita.
Nagulat ako sa sagot ni Larc. Napansin ko na lang na tumatakbo ako palayo. Habang tumatakbo ay kinukumbinse ko ang sarili na hindi totoo ang mga narinig ko. Hindi. This cant be real. Is he really willing to give up kahit pagkakaibigan namin para sa pesteng kasikatan na yan?
Nagtatakbo ako palayo sa gym at naghanap ng pwedeng lugar kung saan pwede umiyak. Sa classroom. Malamang, wala ng tao sa classroom.
Pumasok ako sa loob ng isang bakanteng classroom. Sa hindi ko maintindihang damdamin, naginit ang buong katawan ko at nagsimulang mamuo ang mga luha ko.
“Bestfriend nya ko eh……”, luha kong sabi sa sarili.
“Totoo ba lahat ng narinig ko? Handa nya ba talaga talikuran ang lahat? Kahit pa mismo ang pagiging magkaibigan namin?”, takang taka at umiiyak kong tanong sa sarili.
Masakit. Napakasakit. Mahal ko sya. Bestfriend nya ko. Pero handa nya kong ilaglag para sa kasikatan na gusto nya.
I tried to reason with myself. Baka takot lang sya dahil ayaw nyang bumalik sa buhay nya na sya ang pinagtritripan, minamaliit, at tinatawag na lampa. Pero I was there umpisa pa lang. Simula sa pagiging mahina nya at ngayon na malakas na sya. Ginamit lang ba ako na pang-akay? Hindi. He was there for me all this time din. Tinulungan nya pa ako sa mga kailangan ko sa pang araw araw. Pero di kaya pag tanaw lang yun ng utang na loob o panakip butas sa pagiging saklay ko sakanya? Hindi ko na alam. Parang nagbago na ang lahat. Kahit ang pananaw ko sakanya. Parang sa isang iglap, hindi ko na sya kilala.
I wiped my tears off my face. Ramdam ko pa rin ang pamumugto ng aking mga mata at init ng aking mukha ng dahil sa pag-iyak. At mas ramdam ko pa rin ang sakit na bumabalot at namumuo sa dibdib ko na para bang sasabog na lang anumang sandali.
Tulad ng sinabi ko nung umpisa pa lang. Ayoko ng kumplikadong buhay. Masaya na ako sa ano mang meron ako. At kasama na doon kung ano mang meron kami ni Larc. Pero nang dahil sa nangyari, hindi ko na alam kung ano ba talaga ang meron kami ni Larc. Kahit mahal ko sya noon pa man ay hindi naman ako lumampas sa linya ko bilang bestfriend. Pero ngayon? Bestfriend? Ano nga ba ibig sabihin nun? Yun ba yung kaibigang kasama mo simula’t sapul? Yung kasa kasama mo sa lahat ng pinagdadaanan mo sa buhay? Yung taong kaya mong maging ikaw na walang pagkukunwari? Yung taong hindi ka iiwan? Ano nga ba ang kahulugan non?
“Nagdesisyon na sya. I must do the same.”, masakit na sabi ko sa sarili ko. Hindi ko alam kung pano, pero kailangan. Pero this time, kailangan ko ng MANINDIGAN.
Simula noong araw na yun ay napagdesisyunan ko na unti-unti din akong maglalagay ng distansya sa amin ni Larc. Pero alam ko na sa paunti-unti na yun ay unti unti ding mahihimay ang puso ko. Parang sa bawat paglayo ko ay kapiraso ng puso ko ang pinipilas.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at lumabas ng silid. Bumaba ako ng hagdan at naglakad palabas ng iskwelahan.
Nagsimulang umihip ang malamig na hangin. Tumingala ako at nakita ang makulimlim na langit. Kailangan ko na agad umuwi at baka abutin pa ko ng ulan. Masama pa man din ang pakiramdam ko.
Nang makauwi ay naabutan kong nasa bahay na si Larc.
“Oh, bat ngayon ka lang?”, casual na tanong ni Larc.
“Ha.. Hindi ko kasi napansin na nakatulog ako sa isa sa mga classroom. Masama kasi pakiramdam ko. Nagising na lang ako dahil naalimpungatan ako kaya nagmadali akong umuwi.”, pagsisinungaling ko.
“Hala. Dapat sinabi mo sa akin kanina. Ok ka na ba? Naka-inom ka na ba ng gamot?”, alalang tanong ni Larc. Lumapit pa ito at hinawakan ang noo ko.
“Yeah, I’m ok. Ipapahinga ko na lang.”, malamig na tugon ko. Sabay direcho sa kwarto at humiga. Naaalala ko pa rin ang nangyari kanina. Lahat ng narinig ko at nararamdaman ko ay sumasariwa paulit ulit sa utak ko. Bigla namang kumatok at pumasok si Larc.
“Magpapaorder na lang ako ng food. Anong gusto mong kainin?”, paglalambing na tanong ni Larc.
“Huwag ka na umorder, kaya ko pa naman magluto.”, pagtugon ko.
“Ano ka ba. Akalako ba may sakit ka? Magpahinga ka na lang.”, pagtutol ni Larc pero bigla naman tumayo ako at dumirecho sa kusina.
“Ok na nga ako. Nakatulog na naman ako diba?”, matigas kong sabi.
“Sigurado ka ba? Pwede namang umorder na lang ako kahit ngayon lang.”
“Ok nga lang ako. Hintayin mo na lang ako matapos ng makakain na tayo.”, pagsisigurado ko.
Parang wala ako sa sarili ko na nagluto, naghain, at kumain kasabay si Larc. Hindi dahil sa masama ang pakiramdam ko ngunit dahil sa mga nangyari kani-kanina lang. May ikinikwento sakin si Larc pero hindi ko masyado maintindihan dahil masyadong tumatakbo sa isip ko ang mga narinig ko kanina. Gusto ko umiyak sa harap nya at kumprontahin sya sa mga narinig ko. Pero ano bang karapatan ko? Kaibigan lang ako. Buhay nya pa din yan kahit bestfriend nya ako. Kung yun ang nasabi nya kanina, yun ay dahil yun ang nararamdaman nya.
Napatingin ako sa mukha ni Larc habang masaya syang nagkukwento. Sana ganto na lang. Yung ganto, masaya. Sana hindi ko na lang narinig yung kanina. Ang hirap magpanggap na ok lang ang lahat pero sa loob mo ay masakit na. Kasalanan ko to. Ako din mismo ang gumawa ng sarili kong maskara. Kaya ngayon ay suot suot ko ito kaakibat ang sakit na meron ito.
“Huy!! Ok ka lang ba? Kanina pa ko kwento ng kwento at tawa ng tawa dito, para ka naman nasa ibang mundo dyan.”, pabirong tanong ni Larc.
“Ok lang ako. Ano ka ba. Masama lang talaga pakiramdam ko.”, simpleng tugon ko.
“Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Sabi ko sayo dapat umorder na lang ako ng pagkain at nagpahinga ka na lang.”, pagaalala ni Larc.
“Ano ka ba. Okay nga lang kasi ako. Pagod lang syempre. Tao kaya ako.”, pilit na pagbibigay ko ng isang biro.
Tumingin sakin si Larc ng mata sa mata.
“The best ka talaga bes! Buti na lang ikaw ang naging bestfriend ko!”, masayang tugon ni Larc. Para namang gusto ko maluha.
“Bestfriend…?”, sa loob loob ko.
“Oo naman. I’ll do anything for you. I got your back.”, pagngiti ko.
Tumayo ako para magligpit ng pinagkainan ngunit pinigil ako ni Larc at sya na daw ang magliligpit at magpahinga na lang daw ako. Tumango lang ako at pumunta sa kwarto. Humiga ako sa kama at niyakap ang unan. Nasabi ko noon na talent ko na ang pagpigil ng luha, pero hindi ko napigilan na makatakas ang iilang patak dahil sa sobrang bigat ng aking dinadala.
How can he be like this? Parang walang nangyayari ha. Or wala lang talaga sakanya dahil alam nyang maiintindihan ko naman? Ayoko na.
Kinabukasan ay maginhawa na ang pakiramdam ko. Hindi katulad kahapon na para akong lalagnatin. Pagkagising ko ay agad akong nagluto ng almusal namin ni Larc.
Sabay kaming pumasok ni Larc papuntang skwelahan. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan nya. Ganoon din naman sya. Pero halata sa mukha nya ang pagaalala.
Pagdating naming sa school ay agad syang nagpark at sabay kami naglakad.
“Ok ka lang?”, tanong ko.
“Oo naman.”, pagdedepensa nya.
Habang naglalakad kami papasok ay nakasalubong naman ang tropa ni Larc na mga basketball players. Sa malayo pa lang ay nagtatawanan na ang mga ito habang pasulyap sulyap samin. Si Larc naman ay parang di mapakali.
“Ehem. Pare! Kamusta?”, pagtatanong ng katropa nya sabay tawa.
“Ok lang pre.”, tarantang sagot ni Larc. Patingin tingin sya sa tropa nya at sa akin.
“Oh, pre. Yung pinagusapan natin, ha.”, pagtawa muli ng tropa nya. Para namang biglang namutla si Larc. Ako naman ay nagaabang sa kung anong gagawin nya.
“Sige na Ryan. Sasabihin ko na lang sayo pag tapos na yung training.”, medyo iritang sabi ni Larc. Nagulat ako sa ginawa nya. Kagabi lang, he was smiling at patawa tawa pa sa pagkwento. Ngayon ay parang pabigat ako sakanya.
“O-ok.”, pahiyang tugon ko. Sabay lakad palayo.
Malungkot ako naglakad palayo. Ayaw ko umiyak. At gustuhin ko man, ayaw din pumatak ng mga luha ko. Hindi dahil sa hindi ako nasasaktan. Masakit. Napakasakit. Pero parang namanhid ang buong katawan ko at wala akong maramdaman sa pagkakataong ito. Basta ang sabi lang ng utak ko, malungkot. Masakit. Pero hindi ko maramdaman.
Naramdaman ko simula noong araw din yun ang paglayo sakin ni Larc twing nasa skwelahan kami. Pero parang back to normal ang lahat kapag nasa bahay kami. Lahat lahat naman ng ito ay tinitiis ko alalang alang sa kaibigan.
Martyr? Oo na. Alam ko naman. Tanga? Oo na din. Alam ko din. Pero anong magagawa mo? Nagmamahal ako. Hindi ito isang pagibig na namuo nung isang linggo o taon lang. Mahigit sa isang dekadang pagmamahal na nararamdaman ko na. At mahigit sa isang dekadang pagsasakripisyo na rin. A few days wont hurt. I mean, Atleast until we finish college. Alam ko magiging back to normal. Diba? I hope…
Tuwing umaga ay nagpapababa ako malapit sa skwelahan para di na kami maabutan ng mga kaibigan ni Larc. Nung una ay ngatataka sya bat ako hindi na sumasabay hanggang sa parking, pero since favorable na rin ito sakanya ay pumayag na rin sya.
Kapag tanghalian naman ay hindi na ko nakakatanggap ng text mula kay Larc na nagsasabing kakain na. Minsan pinuntahan ko sya sa cafeteria. Nakita nya ako. Pero tiningnan lang nya ako sabay kausap muli sa mga barkada.
Sa klase naman ay hindi na rin sya umuupo sa tabi ko. Napagdesisyunan ko na ring umupo sa bandang harap. Para na rin mas maintindihan ko ang lesson. Pero madalas, napapatingin pa din ako sakanya. Minsan nakikita ko syang nakatingin sakin. Minsan tulala.
Sa twing uwian naman ay halos hindi na talaga kmi nagsasabay umuwi ni Larc. Lagi itong may excuse para mauna na ko umuwi. Kesho extended practice, may birthday, may nagyaya kumain, etc. Minsan akong pumunta sa gym ng sabihin nyang extended practice, pagdating ko ng gym, naglilinis na yung janitor.
Ito ang pinakamalungkot at pinaka masakit sa lahat. Sa bahay. Akala mo walang nangyari. Magkkwento sya at magbibiro ng tulad ng dati. Yung tipong casual lang. Yung tipong dating Larc na kilala ko. Yung Larc na bestfriend ko. Sa ginagawa nyang to ay parang paulit ulit sinasampal sakin ng pagkakataon kung gaano kalaki ang gap na meron na kami. Hindi naman ako naghangad ng sobra para sa aming dalawa, diba? Pero bakit mas mababa pa ang binigay sakin. Ginuhitan ko na nga ang pagiging mag bestfriend namin at ang nararamdaman ko para sakanya, tapos eto, parang naging dalawang tao pa sya. Iba sa bahay, at iba sa harap ng ibang tao.
Pero mahal ko si Larc. Bilang bestfriend at bilang higit pa sa isang kaibigan. Katangahan man, pero nagmamahal lang ako. Isang pagmamahal na binuro ng panahon. Kaya ok na rin sa akin ito kaso naman wala talaga. Atleast I get my bestfriend back pag nasa bahay kami. Stupid? I know.
Isang araw sa skwelahan, free period ko. Wala akong klase for the next two hours kaya tumambay muna ako sa mini park ng school at nagpasyang mag advance reading para sa next class ko. Nagulat na lang ako ng papalapit ang mga kaibigan ni Larc pero hindi kasama ang mga ito. Hindi naman ako nagpakita ng kahit anong reaksyon, kahit ang totoo ay ilang na ilang ako.
Hindi ko alam kung sinasadya nila, pero talagang sa katabing table ko pa sila umupo! Eh kung tutuusin ay marami namang vacant pa na table. Agad ko namang niligpit ang mga gamit ko para lumipat ng ibang table ng biglang magsalita ang isa sa mga tropa ni Larc.
“Oh, san ka pupunta pare? You just stay there. Hindi naman siguro kami nakakadistorbo sayo.”, pagbibirong sabi ni Kulas, kaibigan ni Larc. Sabay tawanan ng barkada ni Larc. Nakita kong humablot ng cellphone ang isa sa mga tropa pa ni Larc at may tinawagan.
“Oh, Larc, pare, andito kami sa mini park. Dito ka namin hintayin ah.”, sabi ng tropa ni Larc sabay baba ng telepono.
Hindi maganda to. Nararamdaman ko. But still, I tried to keep my cool. Hinga Ryan. Hinga.
“So, kamusta naman Ryan? Enjoying your new school?”, sarkastikong tanong ng isa pang tropa ni Larc.
“Oo. Ok lang.”, simpleng tugon ko. Kinakabahan ako. Pilit kong tumingin lang sa librong hawak ko. Ayaw ko tumingin sa iba. Ayoko makita ang mga tawanan nila.
“Oh, really. Kamusta naman ang pagkakaibigan nyo ni pareng Larc namin?”, sarkastikong tanong naman ni Kulas.
“Ayos lang.”, hirap na sagot ko. Pero para akong pinagsasampal, suntok at sipa sa tanong na yun.
“Talaga? That’s good.”, sagot ni Brian. Sabay tawa naman ng tropa ni Larc. Halos manginig naman ako sa pagkapahiya. I was wishing for someone to rescue me out of this place. Larc, sana andito ka. Pero ano nga bang magagawa mo. :(
Sa di ko maintindihan pangyayari, biglang tumaliwas ang tingin ko sa libro. Nakita ko naman si Andre na paparating. Susme! Sa dami ba naman ng mga tao, bat ikaw pa ang makikita ko?! Agad ko kinuha ang cellphone ko at nagpipindot kunwari.
Kapag mamalasin ka naman talaga oo. Sa tabi ko pa umupo si Andre. Lagot.
“Oh, alalay! Kamusta? Asan amo mo?”, pangungutya ni Andre. Narinig ko naman na lalong nagtawanan ang mga tropa ni Larc.
“Huh. Hindi ko alam, eh. Pero papunta na daw yata dito. Hintayin mo na lang.”, pagsagot ko habang papindot pindot pa rin sa cellphone ko.
“Ano ba yang… Takte.. 3310? Wow! Space Invaders talaga? Luma na nyan, tol ha. Ito try mo, Temple Run!”, biglang sabi ni Andre. Halos hindi naman magkandamayaw ang mga tropa ni Larc sa kakatawa. Ramdam ko naman na ang sobrang pamumula ng mukha ko sa sobrang pagkapahiya. Nagtitinginan na din kasi ang mga iilang mga tao sa mini park. At ang iba pa ay nakikitawa din. Hindi ko na nakayanan kaya niligpit ko na ang gamit ko at tumayo.
“Pasensya na ha! Unfortunately, hindi lahat ng tao katulad nyo. Hindi ko kayang bumili ng mamahaling cellphone para maglaro ng temple run. Oh, hindi ko din kayang magbihis ng maayos para tawaging isang kaibigan, o kahit man lang sana matrato bilang tao.”, matigas na sabi ko. Sabay lakad palayo. Habang naglalakad naman ako palayo ay naririnig ko ang mas malakas na tawanan ng mga kaibigan ni Larc.
Sa paglalakd ko ay gusto kong maiyak, magalit, magwala. Kung may pagkakataon lang ay gusto ko ng umalis sa skwelahan na to. Pero anong magagawa ko? Malaki ang inaasahan sakin ng aking mga magulang.
Bigla ko namang nakasalubong si Larc. Gusto ko syang awayin at magalit sakanya. Gusto ko sya sisihin sa lahat lahat ng mga pagtratong natatanggap ko sa paligid ko ng dahil sakanya. Pero sat wing naaalala ko ang matagal na panahon na pagkakaibigan naming, hindi ko magawa.
Tiningnan lang ako ni Larc ng bahagya at nagbigay ng tipid na ngiti at tumango. Sa puntong to, gusto ko na talaga umiyak. Pero ang tanging nagawa ko ay magbigay lang din ng ngiti at tumango. Ngunit pagkalampas na pagkalampas nya sakin ay agad na bumagsak ang mga luha ko. Naramdaman ko ang paglalambot ng mga tuhod ko. Parang gusto ko na lang biglang maglaho mula sa kinakatayuan ko.
Kahit wala sa sarili ay pinasukan ko pa rin ang mga sumunod na klase ko. Pinilit kong idivert ang galit ko sa paligid sa pagsusunog ng kilay sa aking pagaaral. Ito na lang din ang meron ako ngayon. Kaya dapat kahit man lang dito ay di ako matalo. Buti na lang at Friday na. Walang pasok bukas.
Nang makauwi ng bahay, agad kong binaba ang gamit ko at pumasok ng kwarto. Wala pa si Larc.
“It’s time for Phase 2.”, nasabi ko sa sarili ko.
Maya maya ay nakatulog ako. Nagising na lang ako dahil nagvivibrate ang cellphone ko. Nakita ko na may isang message. Galing kay Larc. Agad kong binuksan ito.
“Nasaan ka?”
“Nasa bhy. Bkt?”
“Nsa bhy? Saan? Dto ako kusina. Wla k nmn sa kwarto.”
Agad akong bumnagon at nilabas si Larc. Halata namang gulat ito.
“Anong ginagawa mo dyan?”, gulat at laking pagtataka ni Larc.
No comments:
Post a Comment