Thursday, July 12, 2012

The Phone Call

If you wish to read the first part of this story, Click here.


* * * *



“So totoo pala na nasa Dubai ka na talaga.”

“Oo.”

“Kailan pa?”

“Last month.”

“Ahhh.”

Nakaramdam ako ng awkwardness. Alam ko na pagsisisihan kong sagutin ang tawag mo pero dahil na rin sa effort mo na tumawag overseas, sinagot ko na.

Natigilan tayo pareho. Hindi natin alam kung ano ang ating mga dapat pagusapan. Hindi ko alam kung ano ang mga dapat kong itanong sa'yo. Alam kong dapat kitang kamustahin. Alam kong dapat kong kamustahin ang iyong kalagayan, na ikaw ay malayo sa iyong pamilya at kung ano pa man, pero hindi ko alam, hindi ko ito ginawa.

“I-ikaw? Kamusta ka na? Kamusta kayo?”

You managed to say atlast.

“Kami? Okay naman kami. We're getting stronger.”

Narinig ko ang iyong paghinga sa kabilang linya. Alam kong nasaktan kita sa sinabi ko pero wala naman akong dapat itago. Masaya kami at nagiging mas matatag ang aming samahan. Hindi ko alam pero wala na rin naman akong pakialam kahit masaktan ka. Ang sakin lang, naging tapat ako sa bawat sinabi ko.

“Ahh nice.”

Hindi ko alam kung bitterness ba o panghihinayang ang nakatago sa “aaahh nice” na iyong tinuran. Pero kahit na, wala na rin naman akong pakialam.

“Eh kayo? Kamusta naman kayo?”

It took you seconds to answer.

“We-were okay. As far as I know.”

“Glad to hear that. How is he adjusting sa Long-Distance Relationship?”

“I think okay naman. Nagkakachat naman kami lagi sa Skype gabi-gabi. Ako nalang ang nagaadjust sa oras nya.”

“Tinatawagan mo rin ba sya?”

“Hi-hindi.”

“Oh? Wag mo na akong pagaksayahan ng load. Masyado ng matagal tong tawag na to. It'll definitely cost you much bucks. If you want magchat nalang rin tayo sa Skype.”

I tried to sound enthusiastic. Alam kong alam mo na hindi ako makikipagchat sayo sa Skype. Alam kong batid mong nagpapalusot lang ako para matapos ang ating paguusap. At alam mong wala akong Skype account.

“No. Wag na. Gusto ko lang talaga marinig ang boses mo.”

Napangiti ako.

“Lasing ka na naman. Bakit ka na naman nagiinom?” tanong ko.

“Paano mo naman nalaman na lasing ako?”

“I-i just know.”

“I don't believe you.”

“The way you talk. Yung mga sinasabi mo. Nasasabi mo lang yang mga ganyang paglalambing kapag lasing ka.”

Tumahimik ka.

“You still know me.”

“Ofcourse.”

“Does that mean you still love me?”

Nanlaki ang mata ko sa tanong.

“No.” I strongly said.

“Then why do you still care about me? How could you still remember things about me with you no longer having emotional attachments with me?”

Narinig ko ang pagcacrack ng boses mo sa kabilang linya.

For a second, hindi ako nakapagsalita. Iniisip ko kung dapat ko pa bang sagutin ang tanong mo. Alam ko sa sarili ko na hindi ako apektado, hindi na ako apektado. Pero hindi ko pa ring maiwasang hindi malungkot dahil hanggang ngayon pala, makalipas ang kulang isang taon, ay hindi ka pa nakakawala sa kumplikasyong ginawa mo sa akin, maging sa sarili mo.

“Take your sleep now. You're drunk. And this conversation is going nowhere.”

“I'm not drunk. A bottle of Rhum won't intoxicate me that easily. You know that.”

“You are. Believe me. You are drunk.”

Huminto ka sa pagsasalita. Nakarinig nalang ako ng isang mahinang paghinga, marahil ay muli kang tumungga sa kung ano mang iniinom mo, at ito ay gumuhit sa iyong lalamunan.

“Do you know why i'm here in Dubai?”

Ako ay napabuntong-hininga.

“Better opportunities.” maiksi kong sagot.

“No. It's because of you.”

Ako muli ay napangiti. Bittersweet.

“The offer was great. You know how much I earn diba?”

“Yes.”

“I will earn triple, kaya ko tinanggap ang offer.”

I was impressed. Nakita ko na ang pay slip mo accidentally. Kayang-kaya ng bumuhay ng pamilya. Thinking that you'd earn triple actually wowed me.

“Triple ang i-eearn ko. Alam mo ba ibig sabihin non ha?”

“Mas marami kang pera.” sagot ko.

“Maibabahay na kita.”

Your answer caught me off-guard.

“You're drunk. Go to sleep now. I have to go.”

“No! Listen to me. Ginagawa ko to lahat para sayo. Magtatrabaho ako rito para sayo. Gusto kitang kalimutan pero di ko magawa. Kaya naisip ko nalang, na lahat ng ginagawa at gagawin ko dito eh para sayo.”

“That's not fair.”

“I'm not saying it is. Mahal pa rin kita. Alam mo yan. Ang hinihingi ko lang sayo ngayon eh mahalin mo ako ulit. Yun lang at magiging okay na lahat. I would never put you back again to that same old state. I'm going to be better. Hindi ko na gagawin yung mga ginawa ko sayo dati. I'll be better.”

“Matulog ka na.”

“Please. Hihiwalayan ko sya kung gusto mo. Kahit ako na ang querida ngayon, basta balikan mo lang ako. Mahal na mahal pa rin kita.”

Nakaramdam ako ng panghihina. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil naawa ako sa iyo? Siguro dahil nararamdaman ko na talagang nasasaktan ka pa rin? Siguro dahil alam kong kasalanan mo rin lahat at lubos kang nagsisisi? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay sobrang saya ko at nalulungkot ako sa mga sinasapit mo.

“Stop it.”

“Please. Give me another chance.”

“You had it all.”

“Ano bang mayroon sya na wala ako?”

Rinig ko na ang iyong mga hikbi. Sumanib na sayo ang ispiritu ng kung anumang alak ang iniinom mo.

“Answer me! Answer me!”

“Stop it.”

“What made him better than me?”

“He made me feel special.”

“I did.”

“He loves me.”

“I do. I still do.”

“He gives me unconditional love.”

“I did it. I can do it again. You just have to give me a chance.”

“I won't.”

There was a long pause.

“But why?”

“Because you never stood for me. And he did.”

Tumulo nalang bigla ang aking luha. Biglang tumahimik sa kabilang linya. Pagtingin ko sa aking phone, ito ay low-batt.



W A K A S
 

3 comments:

Anonymous said...

i seldom cry over sad stories..but believe me kuya wen i say dat i cried over most of ur stories...words aren't enuf to describe how great u are..u'r sumbody!!!

-john el-

unbroken said...

John El,

Maraming Salamat. Just remember, anything that comes from the heart will definitely leave a mark. My stories are always from my heart.
Salamat. Sana mapadalas pa ang pagdalaw mo dito.

:)

Anonymous said...

im always here kuya..sori i dont comment dat much kasi i browse through my phone..but i hve read ur stories since unbroken..ur really one of my fave

-john el-