Monday, September 15, 2014

Less Than Three- Part 53


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 53

(I do...)



[Alex’s POV]

“Okay ka lang ba?” tanong ni Charlene.

“Hindi eh.”

“Alam mo magkakabukol ka na jan sa tenga mo kasi kanina ka nakahawak jan sa cellphone mo.”

“Bakit kasi di siya sumasagot sa tawag ko? Kanina pa to.”

“Ba yan. Yan lang ba prinoproblema mo? Malay mo naman busy yung tao. Remember bukas na yung kasal ng kuya mo.”

“Pero kasi…”

“Ilang linggo na ang nakakaraan nung nagdate kayo na sinasabi mong best date ever, kaya naman mag ready ka na jan kasi dapat siya sinusurprise mo.” Sabi nito.

“Bukas na ba talaga ako magpro-propose?” tanong ko.

“Malay ko sayo. Nasa saiyo naman ang desisyon at wala sa akin. Oh come on.” Sabi nito.

“Haixt. Kasal naman kasi nila kuya, gagawa pa ba kami ng eksena doon.”

“Then buy some time.”

“Masyado na ba akong pressure?” tanong ko.

“Yeah. Sobrang halata ka eh. Relax, di ka naman iiwan ni Kieth eh kaya marami ka pang oras para jan. Pati bata pa kayo kaya wag ka ng magmadali.”

“Desidido na ako.”

“Okay. By the way, ready ka na ba sa presentation ninyo bukas?” tanong niya

“Uhm.. di ko alam. Tatlong beses pa lamang kami nag practice eh. Pero okay na naman. Kaso pansin ko na marami siyang iniisip.”

“Busy naman ata kasi eh.”

“Tapos minsan sobra niyang sweet, pero minsan naman wala sa mood. Minsan nga hindi ko na siya maintindihan.”

“Moodswing lang yan best. Hindi mo ba nabalitaan, yung bagong prof sa school natin eh pinapahirapn sila. Baka naman dahil doon. Naku, kung ako din ang nasa lugar niya eh baka nahambalos ko na yung professor ko.”

“By the way, kamusta pala grades mo?” tanong ko.

“Ano lulutuin mo?” pag-iiba niya

“Dessert, leche flan.” Sagot ko.

“Ah, pengeng lima ha.”

“Sure. Pero sagutin mo muna tanong ko. Kamusta grades mo?”

“Ayon, pasado naman.”

“Lahat?”

“Yeah.”

“Bakit hindi ka masaya?”

“Di ako nakaabot eh.”

“Dean’s Lister? Okay lang yan. May next time pa naman.”

“Nope.”

“Ha?”

“Di ako nakaabot sa President’s Lister. Sobra ako ng 0.01 point. Haixt. Sayang yun.”

“Gusto mong mahambalos ng kawali?”

“Hahaha. Joke lang.”

“Hambog kadin ano.”

“Bilisan mo na lang jan at gusto ko ng kainin yan.”

“Siyempre bukas mo pa matitikman to. Ano gusto mo uminom ng syrup?”

“Ang tumal naman eh.”

“Ba yan, magpapayat ka na nga. Lumolobo ka na oh.”

“Hoy ha. Hindi kaya.”

“Oo kaya. Nako, kaya pala si Jake eh may iba ng iniispotan sa school.”

“Subukan lang niya at tatapyasin ko ang bungo niya.”

“Papayat ka na kasi.”

“Payat naman kasi talaga ako eh. Pero seryoso?” tanong niya

“Yeah. Super.” Biro ko.

“Samahan mo ako.”

“Saan? Magpapalipo ka?”

“Hindi, jogging tayo bukas.”

“Kasal kaya nila kuya.”

“Madaling araw naman eh. Pati isang ikot lang dun sa MFD. 5 km lang yun.”

“Seryoso ka ba jan? Sure ako. Sige lang.”

“Yeah.” Panlulumo niya

“Okay kasa na yan ha.”

“Haixt.”

“Cheer up nga, mukha kang bangus jan eh.”

“Quota ka na ah, kanina mo pa ako nilalait. Sampigahin kita jan eh.”

“Eh kasi nam…” di ko na natapos ang sasabihin ko nang mag ring ang phone ko. “Hello ate.” Sagot ko.

“Alex, busy ka ba?” tanong niya

“Medyo ate. Sisimulan ko na pag gagawa ng leche flan eh.” Sagot ko.

“Ah, yun sana ang itatanong ko. Hahaha. Right on time ako. Pupunta sana ako jan para tulungan ka.” Sabi niya

“No ate, okay na ako. Kasama ko naman si Charlene dito at tinutulungan ako. Kailangan mong magpaganda at magpahinga para bukas.”

“Salamat talaga ha.”

“Walang problema ate.”

“Labyu kapatid.”

“labyu din ate.”

“Oh by the way, nanjan ba si Kieth?” tanong nito.

“Ah wala po eh. Tatanong ko rin po sana kung nanjan siya sa bahay ninyo.”

“Di siya umuwi dito eh. Baka naman sa condo siya umuwi. Yung lalaking yun talaga oo. Sige balitaan kita if ever na makita ko siya.”

“Salamat ate.”

“Sige salamat ng marami Alex.”

Then we ended the call. “Si ate Kate?” tanong ni Charlene.

“Yeah.”

“Sobrang ganda siguro niya bukas ano? Excited ako.”

“Yeah. She will be one of the beautiful bride bukas. Nako, jackpot na jackpot yang si kuya.”

“After ilang years magpapakasal din ako. Pero siyempre kailangan eh ready ako. Stable na dapat family ko.”

“Yeah ako din. Balak ko maging long engagement sa aming dalawa. Tama naman yun diba?” tanoing ko.

“Oo best, para naman at least makatulong ka kila mama. At isa pa, do you really need to marry each other?” tanong niya

“Bakit ayaw mo ba?”

“Hindi naman sa ayaw, pero pwede naman na mag sama na lang kayong dalawa eh. Gastos lang yan. Pero sabagay din a ninyo kailangan mamroblema sap era kasi you have it all. Mayaman na si Kieth tapos mayaman pa si papang mo.”

“Hindi naman yun sa ganun eh. I want to tie my heart to him. Gusto ko naman na mag isa kami hindi lang sa kama.” Sagot ko.

“Bastos ka best.”

“Bakit kayo ba ni Jake di pa ninyo ginagawa yun?”

“Hoy lalaki, virgin pa ao. At isa pa, ilang beses mo na ba ginawa yan ha? Isusumbong talaga kita kay tita. Ang libog mo best ha.” Sabi niya

“I was pertaining if di ba kayo nag momoments ni Jake. Ano na naman yang pinagsasabi mo?” Dipensa ko.

“Wag mo nga akong paikot-ikutin.”

“Hahah. Just kidding.”

“Pero best ilang beses na nga?”

“Tigilan mo ako.”

“Malaki ba?”

“Yeah.”

“Gaano kalaki?”

“So sinong malibog sa ating dalawa ha? At isa pa, wag mo ngang pag nasaan boyfriend ko. Mamaya akitin mo yan eh. Nako, sabihin mo lang at kakalbuhin na kita ngayon. Wag na wag mo akong aahasin.”

“Bakit, natatakot ka bang maakit ko ng alindog ko si Kieth?”

“Hindi, natatakot ako na ba ka ipabarang o siya at kulamin para lang maagaw sa akin.”

“Do I look like a witch?”

“Yeah. Kinda.”

“Why you?!”

“Try mo akong ahasin, papakasalan mo si Jake na din a virgin. Hahaha.” Sabi ko.

“Kung papatulan ka niya.”

“Wag kang magpanigurado, kaya kong baluktutun mga straight na lalaki.”

“Nako magkakaroon ng gera sa atin dito.”

“Hahaha. Teka nga, simulan na natin ito para naman hindi tayo gabihin dito.”

“Opo sir. Ano na ba ang gagawin ko?”

“Unpacked lahat ng ingredients.”

“Sure sige.”

“Babalik ako ha. Tatawagan ko lang ulit si Kieth.”

“Di ba nga sinabi ko na…”

“Last na to promise.”

“Okay ano pa ba magagawa ko. Pero promise yan ha.”

“Opo.”

“Sige na… go for it.” sabi nito.

“Salamat.”

At wala na akong sinayang na panahon pa para tawagan siya. Ilang beses ko siyang dinaial pero di pa rin niya ako sinasagot. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganito eh.

“Please Kieth… please…” utal ko.

“Ringgg… ringggg.” Yun lang at yun ang naririnig ko.

“Babe, are you alright? Kinakabahan na ako kasi di mo sinasagot ang mga calls ko eh. Puntahan na kaya kita sa inyo? Please answer the phone. Please call me back if available ka na.”

Yun ang tinext ko then hinintay ko ang reply niya. Naka limang minuto na ako na naghihintay pero wala pa ring sagot akong natatanggap mula sa kaniya. Haixt. I hope things are alright.

“Best…” tawag na ni Charlene.

“Yup anjan na.”

Then I try my last call and I am hoping for an answer and… “Hello.” My heart stomps fast.

“Babe…” halos maiyak iyak ko ng sagot.

“Hi.” Sabi niya

“Are you okay? May nararamdaman ka ba? Bakit hindi mo sinasagot yung mga text at tawag ko? Busy ka ba? Ano na ba ang nangyari sayo? I’m worried.” Sabi ko.

“Okay lang ako.”

“Yun lang ang sagot mo?”

“Sorry babe… busy lang. pagod pa. I want to rest. Dami ko lang talagang ginagawa. Sorry kung nag aalala ka.”

“Sure ka bang yun lang? Kinakabahan na ako sayo eh. Di ko alam kung ano na ba ang nangyayari sayo.”

“Im pretty okay. Don’t worry.”

“Are we good?” suddenly ask question ko.

“Yup. Were okay.” Maikli niyang sagot.

“Feeling ko hindi.” Sabi ko.

“You are over thinking babe. Got to go. Gusto ko ng magpahinga. Bye babe.” Sabi nito.

“Teka babe…”

Then the call ended. May problema ba kaming di naayos? Di ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa amin. At least he is okay. Baka naman pagod lang siya at bad trip.

Am I over thinking?

[Kieth’s POV]

35 texts and 50 missed calls, fuck. Lahat yan galing kay Alex. Why do I need to do this to him? Bakit nga ba tinitiis ko siya? Bakit nga ba ipinagkakait ko sa kanya ang katotohanan?

Hanggang ngayon di ko pa rin tanggap na mawawala na siya sa akin. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko na baka ito na ang huli naming pagkikita. Na baka sa gagawin ko ay tuluyan na niya akong lisanin na labis ko namang ikinakatakot.

“Taenang buhay to. Nakakainis.” Sigaw ko.

Hindi pa ako umuuwi sa bahay. Ayokong maalala na bukas ay kasal na ni ate dahil alam kong bukas na ang araw na magbabago ang lahat sa amin ni Alex. Sinasanay ko na ang sarili ko na wala siya.

Gutong-gusto ko na siyang makita nung isana araw pa. I want him to be here beside me. I want him to share our days together forever. Pero ang laki kong tanga na pumayag sa usapan namin.

Pero bakit ko pa nga ba ipagkakait ang pagkakataong ito. Mas okay na mag mukha na akong masama. Selfish naman ako, mayabang ako, arrogante at walang inuurungan. Pero bakit ganun na lang ang takot ko sa mga nangyayari?

Bigla na namang nagring ang phone ko at nakita kong tumatawag sa akin si ate. Haixt. Ayoko munang makipag usap sa kahit kanino. Nakailang missed call din siya sa akin bago siya nagtext sa akin.

“Kapag hindi ka tumawag sa akin within 1 minute, malalagot ka sa akin. I will expell you at isusumbong kita kila mama at papa para palayasin ka!”

At ako naman, ano pa ba ang magagawa ko. Si ate na yan eh, isang kibot lang eh dapat sumunod ako. “Hello.” Sabi ko.

“Magaling. At bakit nagtatago ka ha? Magkaaway ba kayo ni Alex?”

“May ginagawa lang ako. Busy ako ate.”

“Busy ka? Para sabihin ko sayo eh may boyfriend ka na naghihintay at nag aalala sayo. If you don’t treat him so well sinasabi ko sayo, malalagutan ka sa akin.”

“Ate busy nga ako.”

“Call him.”

“No.”

“Isa…”

“Ate naman.”

“Nasaan ka ba ngayon? Bakit hindi ka umuuwi dito? Sumagot ka nga?” tanong niya

“Nandito ako sa condo.”

“Then why are you hiding there? Naiinis na ako ha.”

“Ate, nagpapahinga lang ako. pagod ako.”

“At saan ka naman napagod?”

“May ginawa akong importante tungkol sa acads ko kaya okay shut up na ate.” Irita kong sabi.

“Hoy Kieth Jerickson Lee, sinasabi ko sayo kapag hindi mo siya tinawagan ako ang pupunta jan at bubugbugin ka. Umayos ka nga. Kailangan ka ni Alex ngayon.”

“Magkikita naman kami ngayon.”

“Pero kahit na. Kieth ano bang problema? May hindi ba ako nalalaman?”

“Ate naman, simpleng bagay pinapalaki mo.”

“Then tell me everything.”

“Ate, okay na. sige pupuntahan ko na siya mamaya sa bahay ha. Papahinga lang ako. Matutulog lang ako ha ate, kaya please.”

“Siguraduhin mo ha. Pupunta ako jan mamaya, icheck ko kung pumunta ka. Kapag nalaman ko na hindi ka nagpunta sa kanya, ipapabugbog kita sa mga body guards ko.”

“Roger that.”

Then I eneded the call at pumasok sa loob ng banyo at nagpasyang maligo. Haixt. I want a break. Ilang linggo na akong stressed sa lahat ng mga iniisip ko. Takte. Ayoko ng ganito. Ayoko sa lahat yung maraming iniisip.

Ipabunot ko na kaya yung ulo ko para wala na akong maisip pa. Paano kaya kung maaksidente ako, piliin kaya ako ni Alex? Pero pinili naman ako ni Alex ah. Kaya nga siya nandito eh. Ako lang ang nagtataboy sa kanya.

Hinarap ko ang malamig na tubig na nagmumula sa shower. Kasabay ng lagaslas ng tubig nito ay ang pagtulo ng luha sa aking mata. “Fuckshit!” nautal ko na lang.

“Bakit ba kasi ako pumayag sa tanginang usapan na yan!” sinabi ko sa sarili ko.

Ayokong makita na muna si Alex ngayon, mahihirapan lang ako na pigilan ang sarili ko na itaboy siya palayo sa akin. Paano kapag nakita ko siya ngayon? Baka di ko mapigilan ang sarili ko na yakapin siya.

Kieth, saan ka ba pupunta para di ka na nila matagpuan pa. Takte. Naguguluhan na ako sa sarili ko. Haixt. I want him to be mine only, pero sa gagawin ko mawawala na siya sa akin ng tulyan.

Ibinabad ko ng ilang minuto ang katawan ko sa loob ng shower. Makalipas ang tatlumpung minuto ay lumabas na ako sa banyo at nagsimulang ayusin ang sarili ko. I need alcohol. I need my long time bestfriend to be in my body.

Nagdesisyon akong tawagan si Jake para naman may makasama ako kasi kanina pa ako nabobore dito sa bahay. Pero tumambak sa akin ang ilang missed calls ni Alex at isang text message.

“Babe, are you alright? Kinakabahan na ako kasi di mo sinasagot ang mga calls ko eh. Puntahan na kaya kita sa inyo? Please answer the phone. Please call me back if available ka na.” text niya

I’m not okay babe. I missed you. I really missed you. Gusto ko mang sabihin to sa kanya pero mahihirapan lamang ako.

Tinawagan ko si Jake. “Hello pare…” bungad ko.

“Yow. Ano nangyari sayo Hinahanap ka sa akin ni Alex at ni Charlene. Nag away ba kayo?” tanong niya

“Hindi. Di ko lang hawak phone ko. Nag kausap na kami ni Alex.” Sagot ko.

“So mag iinom tayo?” tanong niya

“Yeah. Galing mo ah.”

“Yup, tatawag ka lang naman sa akin kapag mag iinom tayo. Ano ba tingin mo sa akin ha? Bar?” biro niya

“Loko. Dun pa rin sa dati.”

“Okay boss. Mukhang mabigat-bigat problema mo ah.”

“Im okay.”

“You’re not.”

“tss. Sige na kita na lang tayo dun.”

“Sure”

After that call, bigla namang nag ring ang phone ko kaya naman sinagot ko without looking kung sino yun. Nasa isip ko kasi baka tumawag ulit si ate sa akin.

“Hello.”

“Babe…” shit si Alex.

“Hi.” Sagot ko.

“Are you okay? May nararamdaman ka ba? Bakit hindi mo sinasagot yung mga text at tawag ko? Busy ka ba? Ano na ba ang nangyari sayo? I’m worried.” Sabi niya

“Okay lang ako.”

“Yun lang ang sagot mo?”

“Sorry babe… busy lang. pagod pa. I want to rest. Dami ko lang talagang ginagawa. Sorry kung nag aalala ka.”

“Sure ka bang yun lang? Kinakabahan na ako sayo eh. Di ko alam kung ano na ba ang nangyayari sayo.”

“Im pretty okay. Don’t worry.”

“Are we good?” tanong niya

“Yup. Were okay.” Maikli kong sagot

“Feeling ko hindi.”

“You are over thinking babe. Got to go. Gusto ko ng magpahinga. Bye babe.”

Then I end the call. Kapag pinatagal ko pa yung call, baka lalo kong hindi makayanan. Sinasanay ko na ang sarili ko na wala siya sa tabi ko.

After a moment, nakita ko na lamang ang sarili ko na naglalakad papunta sa may pintuan ng bar. Lumilipad na naman ang fucking isip ko. Tss. Hinanap ko sa paligid si Jake at natagpuan ko naman siya kaagad.

“Yow.” Bati ko.

“Mukhang mabigat dinadala mo ah.”

“Don’t bother.”

“Kaibigan mo ako.”

“Alam ko.”

“Alam mo, sarap mong suntukin.”

“Di ka pa ba nagsawa na suntukin ako non? Akala mo di ko alam.”

“Di ko alam sinasabi mo.”

“Taena mo. Tatanggi ka pa. Di ko makakalimutan yun. Pag gising ko ang sakit ng mukha ko.”

“Katangahan mo yun kaya masakit mukha mo. Isisi ba naman sa akin.”

“Tss. Tatanggi pa tong lokong to. Order ka na.” sabi ko.

‘Aba, bakit ako. Ikaw nagyaya jan eh.”

“Tsss. Kahit kailan ang tumal mo. Ang barat mo. Para yang itlog mo, ang kunat.” Sabi ko.

“Kupal ka talaga. Bilis na. Sinasayang mo oras ko.”

“Aba uwi.” Sabi ko.

“Order ka na.”

“Oo na…” sabi ko. “Boss, apat na bucket.” Sabi ko.

“Woooah. Patayan na ata to. Diba kasal pa nila ate Kate bukas ah.”

“Yeah.”

“Oh bakit ka nag iinom ng ganito.”

“Di lang naman ako, pati ikaw. Tutulungan mo naman ako.”

“Tsss. Tumal mo talaga pare, ano bang problema mo? Ako ang nahihirapan sa yo eh.”

“Tsss.”

Okay na naman ang lahat eh. Akala ko sapat na yung pinili ako ni Alex para makasama. Pero di pa pala sapat yun. Mas mahihirapan pa pala ang kalooban ko sa mga mangyayari.

(Flashback)

Kauuwi ko pa lang noon galing sa lakad namin ni Alex. Nag date kami para din a naming maisip ang siabi ni Tito sa amin, ang tatay ni RD. Pero pag uwi ko, sinalubong agad ako ng mga magulang ni RD.

“Good evening po.” Magalang na batik o.

“Anak…” biglang sabi ni papa.

“Okay lang po.” Sabi ko.

“Magandang gabi din iho. Narito kami para…” si tito.

“Hindi ho ang sagot ko.” Sabi ko.

“Pero Kieth…”

“Hindi ho bagay si Alex na pwedeng hingiin. Hindi ho isang package si Alex na pwedeng i-deposit o basta i-claim na lang. Boyfriend ko si Alex at hindi ko ho siya ipinamimigay.” Sabi ko.

“Iho, sana maintindihan mo naman na hindi naman naming hinihingi si Alex sayo… nais lang naming na…” di ko pinatapos si tito.

“Na hiramin po? With all due respect po, hindi ko ho pag aari si Alex. Oho, boyfriend ko po siya pero hindi ho ako ang magdedesisyon kung sasama siya o hindi. Siya na po ang namili at sabi niya ay hindi na siya aalis pa sa tabi ko. Hindi ho siya laruan na pwedeng hiramin sa akin ni RD kung gusto niya. Pasesnya na po. Maari na ho kayong umalis.” Sabi ko.

“Kieth… nagpapakumbaba na kami na lumalapit sayo…” biglang singit ni tita.

“tita kilala po ninyo ako… kapag mayroon po akong pinapahalagahn na tao ipinaglalaban ko.”

“Humihiling ako para sa anak ko. Bilang isang ina.” Sabi nito.

“Tita sorry po.”

“Kieth… please…. Please.”

Nakita ko na lumuhod ito sa aking harapan at niyakap ang mga binti ko. Agad naman akong nabigla sa ginawa nito kaya naman inagapan ko agad ito at hinatak patayo.

“Tita… wag po.” Sabi ko.

“Kieth, kahit saglit lang. Hihiramin ko ang boyfriend mo. Please… para sa anak ko… para gumaling ang anak ko… para bumalik siya sa dati…”

“Pero po…”

I saw her cry, she cry like a river. Ganito ba talaga ang pagmamahal ng isang ina at kaya niyang gawin ito kahit na alam niyang may masasaktan ito. Tinitigan ko si mama at nakita ko ang patak ng luha nito. Agad naman siyang niyakap ni papa at hinihintay ang sagot ko.

“Kieth. Pasensya ka na kung inagaw man sayo ni RD si Arjay noon. Sorry din kung sa ngayon eh nakikihati na naman si RD kay Alex. Gusto lang naming na sumaya si RD. Gusto lang naming na bigyan siya ng pag asa na gagaling pa siya. Naniniwala naman kami sa himala. Alam namin na gagaling siya. Alam kong buhay mo ang hinihingi naming at handa naman kaming ingatan ang buhay mo. Hayaan mo lang kami. Sana pagbigyan mo kaming isama naming si Alex, sana hayaan mo na bigyan ng buhay ni Alex ang anak ko. Please Kieth… please…” pagmamakaawa ni tito.

“Ang hirap kasi… ang hirap…” nauutal ko nang sinasabi.

“Pasensya ka na iho kung pinipilit ka namin…” sabi ni tita.

“Kapag iniisip ko pa lang sa akin na mawawala si Alex… Di ko na kaya… Di ko alam gagawin ko kung mawawala siya…”

“Ayos lang iho… naiintindihan kita… Wag kang mag alala di na kita pipilitin pa. Tara na Tom…” yaya ni tita.

“Pero…”

“Wag natin piltin si Kieth… naiintindihan ko siya. Bakit nga ba natin siya pinipilit? Kitang-kita ko sa kanya na mahal na mahal niya si Alex. Alam kong buhay niya ang kinukuha natisa kanya. Para na rin natin siyang tinnggalan ng puso… di ko kayang gawin to sa kanya… kakayanin natin na wala si Alex… SAlamat Kieth.. pasesnya ka na.” sabi ni tita.

“Mauna na kami.” Sabi ni tito Tom.

Tumayo na si Tito Tom at nagpaalam na kila mama at papa. Agad naman silang naglakad l=palabas ng pinto. Pero bakit ganun, may pwersa na nagsasabi sa akin na pigilan sila. Bakit ba naawa ako sa mga mata ni tita? Ang pagmamahal ng isang ina.

“Teka po…” napatigil ang lahat sa sinabi ko.

“Anak…” biglang sabi ni mama.

Tumayo ako at hinarap sila. “Pasensya po kung naging madamot ako… kung inisip ko lang ang sarili ko. Nasasaktan lang ako at nahihirapan tanggapin…” sabi ko.

“Walang anuman iho… wag mo na lang itindihin yun… masasaktan ka lang lalo kung isiipin mo pa iyon. May tiwala naman kami na makakayanan naming to. Salamat iho.” Sagot ni tita.

“Puma… pumapayag na ako…” ang nasabi ko.

“Iho?” tanong ni tito.

“Pumapayag na po ako… pero bigyan po ninyo ako ng konting panahon.”

Biglang tumakbo papalapit si tita sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang mapahagulgol sa sakit. Ipinapaubaya ko na si Alex sa kanila.

“Salamat iho.. salamat…” sabi ni tita.

“Sige ho mauna na ho ako sa taas. Gusto ko na pong magpahinga.” Sabi ko.

(End of Flashback)

“Tara uwi na tayo.” Yaya ko bigla.

“Wooow. Himala. Maysakit ka ba tol?”

“Bigla na lang akong tinamad eh.”

“Pero sigurado ka na ba sa gagawin mo bukas?” tanong niya.

“Oo. Alam ko masakit pero, kailangan.” Sabi ko.

“Bukas na pala talaga. Kaya mo ba tinataguan si Alex ngayon?”

“Oo.” Sagot ko.

“Pare, di mo naman kailangan gawin to eh.”

“Kung ikaw ang nasa posisyon ko, maiintindihan mo ako. Malalaman mo kung ano ang sinasabi ko.”

“Ano pa ba ang magagawa ko?”

“Tsss. Ubusin mo na yang huling bote at uwi na tayo.”

“Sige na nga. Saan ka ba uuwi ngayon?”

“Sa condo ko muna.”

“May wheels kang dala?”

“Kaya mong magdrive?”

“Yeah. Nakainom ako pero di ako lasing.”

“Pre tanong lang, paano na ang gagawin mo bukas? Kaya mo ba siyang harapin?”

“Kakayanin.”

“Tsss. Kahit kailan talaga oo.”

“Bilisan mo na nga.”

“Oo boss.”

Umalis din naman kami ni Jake sa bar at nagtungo na ako sa condo ko para matulog. Gusto ko ng magpahinga. Bukas na ang araw na ayaw kong sumapit pa. Ang araw na kung saan mawawala na ang lahat sa akin.

Binuksan ko ang pintuan ng condo ko at inilapag ang sarili ko sa may sofa. Haixt. Inaantok na ako. “I miss you… I miss you babe… I love you… I love yu so much…” nautal ko.

“Sana nandito ka… sana kasama kita ngayon… Sorry.” Dagdag ko.

Bumangon naman ako agad, at nagulat na lamang ako nang makita ko si Alex na nakatayo sa may bandang kwarto ko at matamang nakatayo sa akin. Takte, nag iilusyon na ata ko. Lasing na ata ako.

“Hahaha. Tangina, lasing na ata ako… tsss.”

Ipinikit ko ang aking mata at sinampal ang sarili. Nang maimulat ko ang aking mata ay wala na si Alex sa aking harapan. Sobra na ata akong nag iisip sa kanya.

“Alex… alex… bakit ba hindi na kita mailalis sa isip ko… pati dito minumulto ako ng isip ko. Tsss.” Sabi ko.

“Ayaw mo na ba akong isipin?” napabalikwas ako nang marinig ko siyang magsalita sa aking likuran.

“ba…Babe?”

“Yes ako nga…”

“Anong… anong ginagawa mo dito?” tanong ko.

“Maglilinis siguro ng bahay mo?”

“Nanaginip na ba ako?”

“Ano ba ang nangyayari sayo? Nagdru-drugs ka ba? Umamin ka!”

“Babe… okay ka lang ba? Ako nag dru-drugs?”

“Hindi na kasi maintindihan! Alam mo ba naiinis na ako sayo? Ilang araw tayo na hindi nagkita. Tapos hindi mo sinasagot mga tawag at text ko. Ano ba ang nangyayari sayo? Ano bang meron? Sumagot ka nga? Galit ka bas a akin? May nagawa ba akong masama sayo ha? Sagot!” sigaw niya

“Babe, I told you, busy ako. Alam mo namang nag aasikaso din ako sa kasal nila ate.” Sagot ko.

Tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng kwarto. I need a rest. Ayokong harapin siya. I want to hug him pero pinipigilan ko ang sarili ko. Gusto kong subsubin siya ng halik pero di pwede, mahihirapan lang ako lalo.

“Wag mo nga akong talikuran!”

“Babe, I need to rest!”

“Babe sabihin mo naman kung ayaw mo na sa akin… sabihin mo sa akin kung may iba ka na.. nahihirapan naman kasi ako… nahiirapan ako.. ang sakit kasi… para na akong baliw kakaisip kung may nagawa man akong mali sayo…. Ano ba?! Sumagot ka!” sigaw niya.

“Babe… I already told you.. Im just busy… sorry.” Palusot ko.

“Pero ang sakit kasi… sana man lang nagsasabi ka.”

Umupo siya sa kama ko then he continuously cry. Di ko na kaya, I want to hug him tight. I want him to feel my comfort. I hug him so tight.

“Sorry… sorry babe.”

Di ko na kaya. He hug me back. Sobrang higpit na ng yakap ko. Namiss ko to. Namiss ko ang yakap niya. Namiss ko ang scente niya. At namiss ko ang halikan siya.

I kissed him so passionately. Inihiga ko na agad siya sa kama. Dala na rin ng epekto ng alak kaya sobrang agresibo ko sa mga kilos ko. Agad ko namang inalis ang saplot na tumataklob sa amin.

Agad bumaba ang halik ko sa kanyang mga leeg hanggang sa dibdib. Pababa na rin sa kanyang pusod hanggang sa makarating ako baba.

Di ko na napigilan ang sarili ko. That night was the most sorrowful night of all. Ang gabing huli naming pinagsaluhan ang katawan ng isa’t-isa, dahil alam kong paggising ko kinabukasan, huling araw ko na ito na kasama siya.

[Alex’s POV]

“Oh nagluto ako para sayo.” Sabi niya sa akin.

“Wow naman. Love you babe.” Sabi ko.

“Para makabawi sayo.” Sabi niya

“Uhmmm… bilisan natin kumain para makapag bihis na tayo.”

“Wag na lang kaya tayo umattend… gawa na lang tayo ng baby. What you think?”

“Dami mong alam. Wag mo nga akong dinadaan daan sa mga ganyan Kieth Jerickson Lee.”

“Haixt. Maiinggit lang ako kila ate.”

“Bilisan mo na jan.”

“Opo boss.”

Today is the day. Kasal na to nila ate at kuya. Haixt. At least medyo okay na ako. Medyo nagkasundo na ulit kami at back to normal. Kung anuman ang nasa isip ko noon, tinanggal ko na para naman din a ako halos mabaliw-baliw dito. I hope things will be better today.

“Babe, tignan mo nga kung bagay sa akin.” Tawag sa akin ni Kieth.

“Wait…” sabi ko habang inaayos ko ang sarili ko.

Agad ko naman siyang pinuntahan. “Uhm… teka medyo magulo. Let me fixed it.” sabi ko.

“Gwapo ng asawa ko ah.” Sabi niya

“Asawa ka jan.”

“Di pa ba tayo nakakabuo ng baby? Di pa ba nagbubunga ang ating paghihirap?” biro niya

“Kahit ilang labas masok ang gawin mo sa akin, di mabubuo ang bata na pinapangarap mo kaya wag ka ng umasa okay?”

“Eto naman binibiro lang. Halika nga dito.”

Niyakap niya ako. “Sus, palusot mo.”

“Ang bango ng mahal ko. Ang sarap halikan.” Then he kissed me on the neck.

“Hey babe…”

“Psssh…”

“Malalate tay…”

Di na ako nakasagot pa nang tulyan na niyang angkinin ang aking mga labi. Kung anong bilis kong isinuot to kanina ay ganun din kabilis niyang tinanggal ang saplot sa aking katawa.

“Uhm… babe… babe… t…teka… di ba tayo malalate dito?” habang patuloy pa rin niyang hinahalikan ang aking katawan.

“Hindi yan… just… relax…”

“Uhm…” tanging ungol na lamang ang nasambit ko.

He started handling my body and doing what he wants. Oo sa umagang iyon nag niig nanaman an gaming mga katawan. Nagtagal ito nang ilang minuto at nagpahinga kami.

“Babe… tara na..” sabi ko.

“Dito na lang tayo.” Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Babe…”

“Oo na sige na.”

“Mabilisang bihis ah.”

“Opo.” Then hinila na naman niya ako at hinalikan.

“Oh babe ayan ka na naman.”

“Oo na. Alam kong di na kita maiisahan pa.”

Mabilisan din naman kaming nag ayos at pasaway ang lalaking ito. Bigla tuloy sumakit ang katawan ko. Tinitigan ko lang siya habang nagmamaneho papuntang simbahan.

“Yeah ma malapit na kami. Opo…” sabi ko.

“Ah sige, kinakabahan na ako sa inyo Sabi ninyo 1 hour before the wedding eh nandito na kayo.”

“May nangyari lang po.”

“Sige ingat kayo ha.”

“Opo. Love you ma.”

Then I end the call. Malapit na naman kami sa church. Tahimik lang at seryoso si Kieth na nagmamaneho. He always like this. Ayaw lang siguro niya na iniistorbo siya sa pagmamaneho.

“Hoy…” biglang kong sabi.

“Why?”

“Seryoso ka masydo.”

“Di ka na nasanay.”

“Pero I really miss you.”

“AKo din. Kaya nga nag kasession tayo kanina eh.”

“Pero kasalanan mo. Yan tuloy nag alala sila sa atin.”

“Ayaw mo ba na kasama ako?”

“Gusto siyempre.”

“Yun naman pala eh. Malay mo eto na huli natin pagsasama.”

“What?”

“Hahah Nothing. Oh nandito na tayo.”

Then we rushed through the entrance. Halos lahat ay nandoon na. Si ate Kate na lang ang hinihintay pati kami. “Finally.” Sabi ni mama

“Sorry nahuli kami.”

“Saan ba kayo nanggaling?”

“Traffic lang po.” Sagot ni Kieth.

“Muntik pa kayong maunahan ng bride. Ayan na. Sakto kadarating lang nila. Ay siya, sige na at pumwesto na kayo.” Sabi ni mama.

“Tara na.” yaya k okay Kieth.

He just smiled at me then glanced once more bago siya pumwesto. Ako ang bestman ni kuya kaya naman mauuna akong maglakad kay Kieth. Si Kieth naman ang ring bearer, joke lang, siya yung sa chord. Kapartner niya yung pinsan niya. Si Jake at Charlene naman sa Candle tapos si Arjay ay sa bail naman.

Nandito rin pala si Kuya Alec. Ngumiti siya sa akin pero hindi naman ako nakasagot. Naalala ko bigla si RD. Kamusta na kaya siya? I s he doing okay o lumalala ang kalagayan niya. I think sometime eh hihilingin ko kay Kieth na pumunta kami sa kanila.

“Pay attention kapatid.” Sabi ni Kuya.

“Sorry kuya.”

“Just kidding.”

“Kabado ka ba?” tanong ko.

“Yeah. Ganito pala yung feeling na ikinakasal. Woooah.”

“Congrats kuya. Ayan iiwanan mo na kami, pero promise ko di ko pababayan si mama. Basta alagaan mo si Ate Kate ha pati mga pamangkin ko.”

“Oo naman. Pati di ko naman kayo pababayaan. Si Kieth alagaan mo ha. Yung bunso natin, wag na wag mo munang hahayaang magkaboyfriend hanggat di pa nakakatapos mag college. Sabihin mo wag gumaya sayo na maagang naglumandi.” Sabi ni kuya.

“Makamalandi ka naman sa akin. Sa bait kong ito oh.”

“Sus parang di naman.”

“Nga pala nakita ko si Kuya Alec.”

“Yeah. Di ko alam if alam mo na, siya yung dating fiancé ni Kate.”

“What?”

“Yeah. It was a long story. But si Kate, alam mo naman yung stubborn. Di pumayag. That time, di pa kami magkakilala. 2 years after nung hindi natuloy na kasal, saka kami nagkita. Then hanggang umabot kami dito.”

“Wow naman. Ang liit ng mundo.”

“Yeah. Nagulat na lang ako kasi nga kababata din natin si Alec. But still, friends pa rin kami no matter what.”

“Ahhh. Oy kuya magsisimula na.”

“Oo nga eh.”

“Tara na.” narinig kong sabi ni mama.

“Hi ma, ang ganda mo ngayon.” Bati ko.

“Salamat.” He just smile at me, a faded smile.

“Okay lang ba kayo ma?” tanong ko.

“Oo anak.” Sagot niya pero di siya makatingin sa akin.

“Ganyan siguro pag ikakasal ang anak.” Sabi ni kuya.

“Siguro nga.” Sagot ko.

Then the song started to play. The wedding march, oh how I want to hear it myself on my wedding. Parang ang bagal ng oras sa ngayon. Habang pinagmamasdan ko ang lahat na lumakad, naimagine ko ang sarili ko na ikinakasal. Alam kong imposible sa akin kasi nga di kami pwedeng ikasal sa simbahan ni Kieth, but still darating din ang time na magpapakasal kami.

It’s Kieth’s turn to walk. Ang ganda ng pinsan niya, sabagay ang lahi nila magaganda talaga. He look so serious at sobrang gwapo ni Kieth ngayon. I just stared at him then nung nakita niya akong nakatingin ay kumindat siya sa akin.

“Pauso talaga ng lalaking ito.” sabi ko sa sarili ko. After niyang mag walk ay tumabi siya sa akin.

“oh, dun ka ah” sabi ko.

“Ayaw mo ba akong katabi?” tanong niya

“Gusto.”

“Then bear with it. Gusto kita makasama buong maghapon.”

“Magkasama na nga tayo kagabi eh >3<”

“Tsss. Basta may gagawin kasi ako mamaya.”

“Okay.” Sagot ko.

Nagstart yung misa habang hawak niya ang kamay ko. Di ko alam kung bakit ba feeling ko namumula ako. Eh kasi… kasi naman iihhhh.

“Bakit ka namumula jan?” tanong niya

“Ha?”

“Sobrang pula mo na kaya.”

“Ah eh… kasi.. kasi…”

“Kinikilig ka ano?”

“Ewan sayo.”

“Sana tayo ikasal din.” Sabi niya

“Darating din naman tayo jan eh. Wait mo ang isang taon, tayo naman.”

“Sana nga.”

“Wala ka bang tiwala sa akin at ayaw mong maniwala.”

“Hindi naman. Hahaha. Alam kong tututol sila mama. Aral na muna tayo.”

“Okay.” Sabi ko.

Nagsimula ang misa at nakikinig lang din ako. He pressed my hands. Sobrang higpit na ang hwaka niya sa akin. Namamawis na nga kamay ko eh. Nakakahiya na. Ang tagal na niyang nakahawak sa kamay ko.

“Babe.” Sabi ko.

“Po?”

“Yung kamay ko namamawis na. Nakakahiya.”

“Sanay na ako.”

“Sure ka?”

“Yeah…. Be ready.”

“Ha?”

Bigla akong napatingin kila kuya at ate Kate. Nagsimula na ang mga maraming kaganapan. Yung paglalagay ng chord, bail at pagsindi ng candles. Then sumunod yung ring at exchange of vows. Bigla namang may dinukot si Kieth sa kamay niya.

“Ano yan?” tanong ko.

“My own surprise.”

Then the priest started to ask the vows. “Hamilton, do you take Kate for your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?”

Then biglang kinuha ni Kieth ang kamay ko at hinarap ako sa kanya. “Alex, do you take me Kieth for your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?”

Napatingin lang ako sa kanya. Maging sila mama ay nakatingin na din sa amin. “Babe?”

“Please say Yes…”

“I do.” Sabi ni ate.

“I’m waiting for your answer.” Sabi ni Kieth.

“I do…” nasabi ko.

He suited me the ring. Isinuot niya sa aking mga daliri habang ibinigay niya sa akin ang isang kapares. I was shocked sa ginawa niya. What is happening here? Nakita ko si mama na parang maiyakiyak. Siguro may alam si mama dito.

“Kate, do you take Hamilton for your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?” tanong naman ng pari kay Ate Kate.

Then It’s my turn. “Alam ko I am not perfect nor imperfect pero may sarili akong katangian na nagustuhan ko sa akin. Alam ko marami akong kasalanan na nagawa sayo. Right from the start, you were a thief, you stole my heart but I’m your willing victim. It’s my turn to ask. Mr. Kieth Jerickson Lee, do you take me Prince Alex Rosales for your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do you part?”

“I do…” sabay nilang sinabi ni Kuya.

Isinuot ko yung ring sa mga daliri niya. Nakita ko ang mumunting butil ng luha na unti-unting nagbabadya na tutulo sa kanyang mga mata.

(Itutuloy)

No comments: