Sunday, September 21, 2014

Less Than Three- Part 57


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 57

(Sa iyo lamang)



[Alex’s POV]

Marahil ako lamang ang nakakita sa mga mata ni RD. Ito na siguro ang mga sama ng loob na gustong sabihin ni RD sa kanila matagal na. Kitang-kita ko ang paparating na ang luha sa kanyang mga mata.

“Narito kami para sayo anak.” Sabi ni tita.

“Oo ma, nandito nga ang mga katawang lupa ninyo. Pero hindi ko matiis tignan ay ang makita na ang pamilya ko, walang pagmamahalan sa isa’t-isa.”

“Mahal ka naming lahat Dan…Mahal ka namin.” Sabi ni kuya Alec

“Kuya… kung alam mo lang. Ang laki ng sama ng loob ko sayo. Simula nang mawala ka, napatong na sa akin ang responsibilidad mo.”

“Akala ko ba naintindihan mo ako? Alam mo naman kung bakit ko ginawa ang mga bagay na yun.”

“Oo kuya, naintindihan kita. Pero naintindihan mo ba ako? Si Mama ba inintindi mo? Matapos mong umalis sa bahay natin, nawalan ka na ng communication sa amin.”

“Pero nawala kayo. Lumipat kayo. Hindi din alam nila Alex kung nasaan kayo.”

“Pero hinanap mo ba kami kuya? Sinubukan mo ba kaming hanapin?”

“Oo naman. Mahal ko kayo. Pamilya ko kayo!”

“Kuya… ang sakit lang. Ako ang gumawa lahat ng responsibilidad. Ako ang naging panganay, ako ang lahat. Ang sarili kong pamilya ang humadlang sa akin para makasama ko ang mahal ko… si Alex.”

“Pasesnya ka na anak..” sabi ni tito tom.

“Ang dali lang humingi ng tawad pa, pero alam ba ninyo ang ginawa ninyo sa akin? Noong bata ako, halos isumpa na ninyo ako noong aminin ko na mahal ko si Alex. Hindi ba ninyo alam na sa loob ng mga panahon na yun, nawalan na ako na ama na tinuturing pa.”

“Pero ikaw na lang natitira kong anak. Ikaw na lang ang magsasalin ng lahi ng pamilya natin.”

“Yan ang nasa isip ninyo? Sigurado ba kayo? Pero bakit kailangan ninyo ako ipagkasundo kay Alex? Dahil ba sa pera? Dahil ba nalaman ninyo na bisexual din ang anak ni Tito Ralph kaya pinagkasundo ninyo kami?”

“Noon yun anak. Pero iba na ngayon.”

“Siguro nga pa… siguro.”

“Anak patawarin mo na ako.”

“Pa, gusto ko lang sabihin ang lahat ng ito sa inyo. Mahal na mahal ko kasi kayo. Alam ba ninyo kung gaano kasakit makita na nagkakagulo ang pamilya na to. Si mama, ilang beses kong nakita ang determinasyon na mabuo ang pamilya natin. Pero wala kayong ginagawa para mabuo to. Pa, kuya.”

“Sinubukan ko anak… sinubukan ko. Matagal ko nang alam kung nasaan ang kuya mo. Pero pinairal ko ang pride ko.”

“Sorry Dan… sorry.” Sabi ni kuya Alec

“Hindi naman kailangan madamay ni Alex dito. Kayo lang sapat na. Masyado lang akong matigas ang ulo. Kaya pa, kuya, sana naman magkaayos na kayo. Sana lang.”

Pinahid ni RD ang mga luha niya saka pumasok ng kanyang kwarto. Naiwan kami doon na hindi alam ang gagawin. Kay bilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung paano ba magsisink in sa akin ang lahat.

“Tom, Alec. Sana mag kayos na kayo. Sana naman ibigay na ninyo ito kay Dan. Ayokong nakikitang nasasaktan ang anak ko.” Sabi ni tita.

“Ma sorry… hindi ko man lang nakita na nasasaktan na kayo. Sorry.” Yumkap si kuya Alec kay tita.

“Sorry… Kasalanan ko ang lahat.” Sabi ni tito Tom.

“Pa… sorry sa ginawa ko.”

“Ako naman ang may kasalanan.”

“May kasalanan din ako pa. Kung hindi sana ako lumayas noon ay hindi magkakaganito si Dan. Kung sana nagtiis pa ako, sana lang okay siDan.”

“Hindi anak, kung hindi mo naman ginawa yun eh hindi ka magiging matagumpay na tao. Hindi ka magakaroon ng asawa na tulad ni Anessa at mga mababait na anak. Nakita ko ang mga pagkakamali ko. Nakita ko na dapat pala hindi ganito ang isa ama. Naramdaman ko na ang pagiging ama ay hindi lang dapat sa pagiging isang haligi pero isa ring bantay para mataguyod ang pamilya. Pasensya na Alec, panganay ko.” Sabi ni tito

Maging ako ay naiiyak sa nakikita ko. Nagyakap ang mag ina at umiiyak si tita. Lumabas na din si Anessa at pormal ng winelcome ni tito Tom si ate Anessa sa pamilya nila.

Kung makikita lamang ito ni RD, matutuwa siya sa mga pangyayari. Kailangan ng karamay ni Rd ngayon at sa tingin ko ay ako ang magiging karamay niya. Pumasok ako sa kwarto niya at nakita ko siyang umiiyak. Nakatingin siya sa akin habang papasok ako.

“RD, okay na sila. Tabs, okay na pamilya mo.” Sabi ko.

Isang ngiti ang iginanti niya sa akin saka nagpahid ng luha. “Pasensya ka na kung nadamay ka pa.” sabi niya.

“Pinili ko rin naman to.”

“Dahil kay Kieth kaya ka pumunta dito.”

“Siguro nga. Yun ang tingin ko. Noong nagtalo tayo ng isang araw, yan ang inisip ko. Ano nga ba ang dahilan kung bakit ako pumunta dito? Dahil ba sa sinabi ni Kieth o dahil gusto kitang tulungan?”

“Gusto kong malaman mula sayo Alex… minahal mo ba ako?”

Isang ngiti ang namutawi sa aking mga labi. “RD, alam mong ikaw ang kauna-unahang tao na minahal ko.”

“Pero mga bata pa tayo nun.”

“Hinintay kita. Matagal akong naghintay sayo. Alam mo yan.”

“Sana pala napabilis ang pagkikita natin para sa akin ka pa rin. Para hindi tayo nagkahiwalay ng ganito.”

“Pero may purpose ang lahat RD. Noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na napakawalang kwenta kong kaibigan. Hindi man lang kita nadalaw kahit isang beses. Pero Tabs, kung alam mo lang. Araw-araw akong gumagawa ng paraan para lamang makamusata ka. Araw-araw kong tinatawagan si tita at sinasabi na pasikreto lang ako na nangangamusta sayo.”

“Pero bakit? Bakit hindi mo sinabi?”

“Ayokong magkagulo pa ang lahat Mahal ko si Kieth. Ayaw ko ng masaktan siya. Ayaw ko ng makita na nang dahil sa akin ay nasasaktan ko kayong dalawa.”

“Pero iniwan mo pa rin siya? Bakit mo siya pinabayaan?”

“Hindi ko siya pinabayaan, pinagbigyan ko lang siya. We need time and space for each other. Alam ko gusto ni Kieth na gawin ko ang mga bagay na gusto ko. Nagpunta ako dito hindi dahil sinabi ni Kieth, pero nandito ako kasi gusto ko. Ilang beses akong tumanggi na pumunta dito. Siguro ilang beses na na nagmakaawa si tito Dan sa akin, pero di ko sinunod.”

“Baka naawa ka lang sa akin.”

“Hindi tabs, may choice ako na hindi pumunta dito, pero naririto ako. Gusto kong magbigay ng hope sayo. Gusto kong sabihin na RD, may pag-asa pa. Mabubuhay ka pa. Makakasama ka pa naming ng matagal.”

“Pero Alex mahirap na.”

“Dahil iniisip mo kaya mahirap.”

“Totoo to Alex. Katawan ko to.”

“Gagawa tayo ng paraan. RD mabubuhay ka.”

“Natatakot ako. Napapagod na ako.”

“Maraming gustong mabuhay RD.”

“Isa na ako doon. Pero natatakot ako na harapin ang katotohanan. Naapagokd na ako na umasa na gagaling pa ako.”

“Gagaling ka…”

“Hindi na Alex. Lupus ang sakit ko, treatment lang ang nagbubuhay sa akin.”

“Kaya nga dapat hindi ka sumuko. Lumaban ka.”

“Pero…”

“Tabs, alam mo naman na marami kanaming nagmamahal sayo. Alam mo na marami kaming naghihintay sayo. Ano ngayon kung di ka gumaling? Pwede ka naman mabuhay sa medications diba? Sasamahan ka namin”

“Mahihirapan lang kayo.”

“Kami ang pumili nito. Kami ang namili sa sarili naming na sasamahan ka naming.”

“Paano mo nasasabi ito sa kabila ng pagtataboy ko? Sa kabila ng mga ginawa ko sayo? Paano mo nagagawang sabihin ito?”

“Simple lang. Pagmamahal.”

“Don’t make these nonsense jokes. Alam ko naman na si Kieth ang mahal mo at hindi ako. Wag mo na lang ako paasahan.”

“Ang sa akin lang, mahal kita bilang kaibigan. Importante ka sa akin at ayaw kong mawala ka sa akin. Kaya sana lang, sundin mo na mga magulang mo.”

“Alam ko.”

“Sorry sa lahat ha.” Sabi ko.

“Mukhang ako nga ang may kasalanan eh.”

“Tsss. Basta sorry na. Bati na ba tayo?”

Isang ngiti ang natanggap ko sa kanya at niyakap niya ako. Eto yung panahong hinihintay ko, yung panahong inaasam ko na mangyari. Isang ngiti ang lumabas sa aking mga labi sabay nang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata.

“Thanks.” Sabi niya

“Wala yun.” Sagot ko.

“Tinupad mo yung isa sa mga pangarap ko, ang mabuo muli ang pamilya ko.”

“Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para lag mapatawad at mapansin mo ako. Nag work naman yung ginawa ko.”

“At least you are back to me.”

“Magpagaling ka ha.”

“Yats… di ko masisisguro yan.”

“I know you can.”

“Pero…”

“Walang pero pero.”

“Yes boss.”

“By the way, di mo ba sasabihin sa kanila yung tungkol kay Eloisa?”

“Hindi ko pa alam kung paano.”

“Pero kailangan mo.”

“Alam ko. Ang laking gulo nitong ginawa ko. May sakit na nga ako pero nagdagdag pa ako ng intindihin.”

“RD, blessing to kay God.”

“Natatakot ako na baka magalit sila sa akin.”

“maiintindihan din nila yan. Kung magalit sila, given na yun kasi pamilya mo sila. Sana intindihin mo rin si Eloisa.”

“Wag na muna natin pag usapan to.”

“Sige na. Oh, di ka ba sasama sa kanila dun sa group hug nila?”

“Ang corny naman.” Sabi niya

“Sige na labas ka na.”

“Wag na.”

“Isa.”

“Lalabas ako sa isang kondisyon.” Sabi niya

“Ano naman yun?”

“Kiss mo ako.”

“Woooah. Mamanyakin mo lang ako. Tama na yung ginawa mo sa akin nung isang araw.”

“Ang daya naman nito eh.”

“Sige na labas na.”

Isang yakap muli ang natanggap ko mula sa kanya bago siya umalis sa kwarto nay un at sumama sa pamilya niya. Kieth, medyo okay na kami ni RD. Sana okay ka lang jan, sana naman hindi ka gaano nalulungkot kahit alam kong lagi kang nag-iisa ngayon.

[RD’s POV]

Masarap pa lang ang feeling na ganito, maluwag ang pakiramdam at walang gaanong prino-problema. Tatlong araw na ang nakakaraan mula nang mangyari ang pangyayaring yun.

Magpapa check up na ulit ako bukas para masimulan na yung gamutan ko. Naging busy na rin naman si Alex kasi nagsisimula na siya sa pag aasikaso ng OJT niya. Half day naman siya at yun yung gusto ni kuya para daw sakin na yung time niya after nun.

“Anak, ano gusto mong lunch?” tanong ni mama.

“Ma menudo na lang.”

“Napapadalas ata pagkagusto mo sa menudo ah.”

“favorite po kasi ni Alex.”

“Oh, kaya pala.”

“Eto naman si mama oh, nagbibigay ng malisya.”

“Kamusta na ba kayo?”

“Okay naman po kami.”

“Nililigawan mo na ba siya o kayo na?”

“Ma naman, alam naman ninyo na sila ni Kieth hanggang sa huli ah.”

“Selos ka?”

“Hindi ah.”

“Aysus, eh bakit lumalabas sa ilong mo yang sagot mo?”

“Hindi kaya. Ma, imbento mo lang.”

“Hahaha Biro lang anak.”

Biglang nag ring ang phone ko, si Peter tumatawag. “Hello.” Sagot ko.

“Hey dude, let’s go t the bar tonight.” Yaya nito.

“Uhm… I don’t know.”

“Dude, it’s been five days since we didn’t see you.”

“I will try to be there dude.”

“Okay dude. We will be waitng for you. Bye.” Then he hung up the phone.

“Lalabas ka?” biglang tanong ni Alex.

“Oh, nandito ka na pala. Napaaga ka ata?” tanong ko.

“Sinagot mo na naman ako ng tanong. Maaga ako natapos sa work ko kaya maaga ako nakaalis ng office.”

“Ahhh kaya pala. Sorry naman. Si Peter kasi nagyaya mag bar. Sabi ko tignan ko.”

“Oh bakit ayaw mo pumunta?”

“Diba nga…”

“Ang sabi ko naman sayo diba mag behave ka? Magpaalam ka kaya kila tita para kung gusto mong pumunta eh makapunta ko.” Sabi niya

“Opo boss.”

“Yan tama yan.”

“Pero sasama ka sa akin.”

“Ha? Bakit ako?”

“Please… para naman may taga alaga ako. Oh diba kaya ka nga nandito?”

“Mr. Lim, nambla-blackmail ka ba ha?”

“Nope.”

“Wag na ako. Di ako bagay jan sa bar na yan.”

“Dali na. Please. I need you to be there.”

“Oo na sige na. Basta magpaalam ka kay tita.”

“Oo na magpapalam na.” agad naman akong lumapit kay mama at nagpaalam.

Payag naman siya since kasama ko si Alex. Less alcohol lang daw kami. Naisipan kong matulog kasama si Alex para mamayang gabi ay buo ang energy naming dalawa. One hour matapos naming mag lunch ay nagyaya na ako na matulog.

“Kailnagan talaga katabi ako?” tanong niya

“Yup. Sinusulit ko lang.”

“Isa… sabi kong wag kang magsasalita ng ganyan eh.”

“I mean sinusulit ko to kasi alam ko namang ibabalik din kita kay Kieth.”

“Aysus. Kaya naman pala.”

“Paano na siya?” bigla kong tanong.

“Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Lagot nga ako kay mama kasi mula nung pumunta ako dito eh hindi ako nakakatawag sa kanya.”

“Bakit ayaw mong tawagan sila? May skype ka naman ah.”

“Mamimiss ko kasi sila eh.”

“Pwede ka namang umuwi eh. Okay na ako. Kaya ko to.”

“Gusto ko kasama mo ako hanggang sa gumaling ka.”

“Pasaway ka talaga kahit kailan.”

“Para naman makabawi ako sayo. Diba nga malaki-laki na ang pagkukulang ko sayo.”

“Pero si Kieth, paano na siya? Hindi ba siya nalulungkot na mag-isa siya?”

“alam ko naman eh. Pero pinanghahawakan ko yung sinabi niya na hihintayin niya ako. Babalik din ako sa kanya sa takdang panahon.”

“Mala PBB pala kayo eh.”

“Hahaha. Kaya ikaw bilisan mo ang magpagaling para naman makaalis na ako.”

“Selos ako.” biro ko pero deep inside totoo

“Sus. Jokes are half meant.” Bigla niyang sabi.

“Sabi ko bang joke?”

“Kilala na kita RD. Bawat hininga at utot mo alam ko.”

“Eh bakit hindi mo alam na umutot ako kanina.”

“Loko ka.”

“Request lang.” sabi ko.

“Ano yun?”

“Pa-hug naman habang natutulog ako. Gusto kong maranasan na may kayakap ako. Buong buhay ko lagi na lang ako nangangarap. Sana naman matupad nay un.”

“Tabs, bakit ka pa nagpapaalam. Pwede mo naman gawin kahit ano. Oh yakap na.”

“Kahit ano? Seryoso yan?”

“Hoy, yakap lang yang hinihingi mo pero bakit parang kakaiba yang nasa isip mo ha?”

“Yakap nga lanag. Yun lang. Wala namang ibang laman ng isip ko eh. Wag ka nga.”

“Matulog ka na nga lang jan. Magpaparty ka pa mamaya. Pagmamasdan kita habang nakikihalubilo sa iba.”

“Sige na nga. Pero…”

Isang nakaw na halik ang ginawa ko. Napatingin siya sa akin at napatigil. Unti-unti kong inilapit muli ang akong mga labi sa kanyang mga labi. Tumugon siya sa bawat halik na aking ibinigay. Unti0unti naging agresibo ako at kusa ng pumapasok ang dila ko sa kanyang mga bibig. Nahinto naman kami nung kusa siyang kumalas sa aming paghahalikan.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nakangiti ang aking mga labi sa mga sandaling ito. Dati iniisip ko lang ang mga bagay na ito pero ngayon, iba na. Masaya ako na sa mga sandaling ito katabi ko si Alex kahit na alam kong hiram lamang ang bawat sandaling ito.

I think it is between 10 or 11 nang makarating kami sa bar. Nandun na silang lahat at hinihintay ako. Hindi ko naman sinabi na may kasama ako sa kanila. Magugulat na lang sila na kasama ko ang isang magandang nilalang na si Alex.

“What?” tanong niya nang makita niya na nakatitig ako sa kanya.

“nakaka-inlove ka eh. Nahihirapan tuloy akong mag move on.” Biro ko.

“Sus, move on move on ka jan. Asa naman na nasa isip mo na mag move on ngayon. Ang gwapo ko ngayon ano?”

“Oo gwapo ka na. Alam ko naman eh.” Sabi ko.

“Tss. Tara na nga.”

“Baka di na kita pakawalan pag nagpagwapo ka pa sa akin.” Sabi ko.

“Lol. Dami mong alam.”

Agad naman niya akong hinatak papasok sa loob. Masaya na ako sa set-up naming dalawa. Alam ko na ang place ko at tanggap ko na na hanggang dito na lang kami. Nagkaroon ako ng isa pang dahilan para mabuhay. Para makasama ang isa sa matatalik kong kaibigan.

“Hey dude.” Bati ko kay Ross.

“Ui pre… may bago kang kasama ha. Sino yan?” tanong nito.

“He’s my boyfriend.” Biro ko.

“Really?”

Natawa naman ako dahil kitang-kita ko ang reaksyon ni Alex. Agad kong kinuha ang kamay niya at hinila siya papalapit pa sa kanila. Agad naman kaming umupo sabay umakbay ako sa kanya.

“Zup guys.” Sabi ko.

“Is he really your boyfriend man?” tanong ni Peter

“See for yourself.”

Bigla kong hinila si Alex papalapit sa akin at hinalikan siya sa pisngi. Lahat naman sila napatulala nang makita yun. Ang sarap pag tripan ng mga ito.

“Hoy ano bang ginagawa mo? Minanmanyak mo na ako dito. Tama ba naman na isinama mo ako dito para lang may maidisplay ka? Gusto mo bang masapak? Bubugbugin kita eh.” Sabi niya

“Chill lang. Pinagtri-tripan ko lang sila.”

“Pinagtritripan ka jan. Ineenjoy mo nga eh. Suntukin kita jan eh.”

“I’m back.” Sabi ko na lang.

Mukhang na gets niya yung sinabi ko dahil ngumiti lang siya sa akin. Agad naman siyang tumayo at nakipagkilala sa kanila. Alam kong namangha sila sa nakita nilang nilalang. Gwapo si Alex, malakas ang sex appeal at maganda ang features ng katawan.

“I’m Alex. Nice to met you all.” Sabi ni Alex.

“Finally in the flesh.” Sabi ni Allan.

“I’m Ross.”

“ I’m Jack.” Sunod naman ni Jack.

“I’m yours… este I’m Carlo.” Huling pakilala.

“Hey… He’s mine.” Singit ko.

“It’s just that I don’t expect that he is so gorgeous. Man, you are a big lucky man to have him. Be careful and take care of him, there’s many fisherman that will hook him if you let him go away.” Sabi ni Carlo

“Hahaha. I Know. But damn, there’s already lucky fisherman that hook him and even though he’s here with me, he was already a procession of that man. Right?” sabi ko.

“Nose bleed ako.” sabi lang ni Alex.

“Sorry yats.” Sagot ko.

“Ahm… Can you guys speak normal? I mean, can you speak in Tagalog? Nagdudugo na ilong ko.” Sabi ni Alex.

“I can speak tagalong, pero konti lang.” ang cute ng pagkakasabi ni Carlo.

“Hahaha. Don’t worry, nakakaintindi sila ng Tagalog, basta mabagal lang. I can speak Tagalog well. I’m your kababayan.” Sabi ni Ross.

“Woooah. At last.” Sabi ni Alex.

“By the way, we already meet did we?” tanong ni Peter kay Alex.

“Yes, when I’m looking for RD.”

“Nice meeting you again. What do you like to drink?” tanong ni Peter.

“Ako na bahala kay Alex.” Singit ko.

“Are you jelous man?” tanong ni Peter.

“As if I will get jealous to the man like you.”

“Oh tama na. Nagbibiruan na naman kayo jan. By the way, nasaan pala si Eloisa, Carla at Vanessa? I thought pupunta sila dito ngayon?”

Bigla namang nag-iba ang expression ko sa sinabi ni Ross. So pupunta pala dito sila Eloisa. Ano ba ang gagawin ko? Bigla namang hinawakan ni Alex ang kamay ko at isang ngiti lamang ang iginanti ko dito.

 “Okay ka lang ba?” tanong niya

“Oo naman.”

“Alam mo, para maging buo ka na ulit dapat sinisimulan mo ng ayusin ang lahat ng gusto na mayroon ka. Alam ko naman na hindi ka pa ganun kahanda pero sana maayos mo na to. Tandaan mo ang kalagayan ni Eloisa.”

“Oo alam ko. SIguro tama ka nga. Maybe mamaya, pagpumunta siya. SIguro dapat malaman na rin ng barkada ang tungkol sa amin.”

“Hindi pa pala alam ng mga barkada mo ang tungkol kay Elosia, kaya naman pala hindi sila awkward sa sitwasyon.”

“Hindi naman sa ganun, alam naman naming na walang awkwardness sa barkada. Kaso ang rule namen eh walang rela-relasyon sa barkada.”

“Oh paano yan?”

“Then I must face the consequences.”

“Ano naman yun?”

“Ililibre ko sila.”

“Yun lang?”

“Yeah. Biro lang naman kasi talaga yun at alam kong seryoso sila sa sinabi na bawal ang magkailangan sa grupo pero eto na lang magagawa ko para makabawi sa kanila.”

“Cheer up. Kaya yan. Maiintindihan naman siguro nila yan.”

“Sana.”

“Ano ba naman yan., akala ko ba ikaw na si Tabs? Di ba tapang lang ang kailangan natin?” sabi niya

“Tama na nga itong dramahan na ito.”

“Hahaha. Oo na. Tara at magsaya.”

Napansin ko na lumapit si Peter sa amin. Mukhang gusto nitong kupal na ito si Alex ah. Iba kasi titig eh. Tsk. Di pwede ito, ibabalik ko pa ng buo si Alex kay Kieth.

“RD…” bumalik ako sa realidad nang tawagin ako ni Alex.

“Ano yun?”

“Okay ka lang ba?” tanong niya

“Yeah. May iniisip lang talaga ako.”

“Nanjan na sila.” Sabi nito.

Oh perfect timing. Tss. Paano ko nga ba kakausapin si Eloisa matapos lahat ng mga sinabi ko? Nahihiya na rin ako sa kanya. Anong klaseng tao ako na hahayaan na ganyanin siya at nang magiging anak ko.

“Magpakalalaki ka ngayon.” Sabi niya.

“Lalaki naman ako ah.”

“Lalaking walang b…”

“Walang bilbil?” biro ko.

“Hindi… walang bayag.” Tahasan niyang sinabi.

“Alam mo you changed… naging liberated ka na. Awdeee.” Sabi ko.

“I’m just stating the truth. Ayan naman kasi ang napapansin ko.”

“Hindi naman kaya.”

“Lakad na nga. Mag usap kayo. Tulad ng napag usapan natin, magharap kayo. Maging lalaki ka at pangatawanan mo lahat ng ginawa mo sa kanya. Nag-iisa na lang siya at hindi mo dapat pinapabayaan at hinahayaan ang anak mo ng ganyan lang.”

“Ang haba ng speech mo ah.”

“Umalis ka na nga. Makikipag party lang ako.”

“Hindi uupo ka lang jan.”

“Hoy, kailangan kong mag enjoy! Minsan ko ang masulit tong mga panahong wala si Kieth.”

“Sus. Miss mo lang siya. Halata naman sayo.”

“Sino bang hindi makakamiss sa boyfriend niya? tsss.” Pagsusungit niya

“Sige na. Wag ka lang masyadong lalapit kay Peter ha. Type ka nun. Baka kung ano pa ang gawin sayo.”

“Sus, friendly lang naman siya. Selos ka naman agad jan.”

“Tss. Basta ha, yung sinabi ko. Sundin mo na lang. Please.”

“Yes boss.”

Agad naman siyang nawala sa paningin ko matapos ang tatlong Segundo. At least nagkakaroon siya ng time para makapag relax. Intindihin ko muna ang sarili ko at hindi siya. Kailangan magkausap kami ni Eloisa.

Hinanap ng aking mga mata si Eloisa na ngayon ay kausap nila Peter at Carlo. Nakaramdam siya na may taong nakatingin sa kanya kaya naman nagtama an gaming mga paningin. Isang ngiti lamang ang ibinigay niya sa akin bago siya humarap sa mga kausap.

Nilapitan ko sila at agad naman akong naghanap ng tiyempo para masolo si Eloisa. “Hi.” Bati ko.

“Hi din.” Sagot niya

“Pwede bang… pwede bang…”

“Pwede bang mag usap tayo? Yun ba?”

“Ah eh… Oo sana. Kung ayos lang sayo. Marami akong dapat sabihin sayo at ihingi ng…”

“Sure.” Sagot niya

“SIgurado ka ba? Ha? Maraming salamat.” Sabi ko.

“Guys… may pag uusapan lang kami ni RD.” sabi niya.

“Ah sige.” Sabi nila sabay balik sa pakiukipag usap sa isa’t-isa.

Agad naman kaming lumabas at humanap ng lugar na maaring mag usap. Sa isang sulok sa parking lot kami pinadpad n gaming mga paa. Agad siyang umupo sa may upuan na nmatatagpuan malapit dito.

“Kamusta kayo?” tanong niya

“Okay naman kami. Ikaw ang kamusta? Kamusta kayo?”

Isang ngiti ang namutawi sa kanyang mga labi. “Masaya ako ngayon na sa wakas ay natanggap mo ang anak natin.” Sabi niya

“Yun nga ang gusto kong pag usapan natin.” Nagbago ang ekspresyon niya. “Wag kang mag alala, mali yang inisiip mo. Hindi ko kayo pababayaan.”

“Medyo pasuspense ka rin naman kasi.”

“Gusto ko munang humingi ng tawad sa lahat ng ginawa ko. Pinag duduhan kita gayong alam ko naman na hindi ka gnung klaseng babae. Pasensya ka na, masyado lang akong frustrated sa mga nangyayari sa akin. Alam ko naman na alam mo rin kung anong sakit meron ako. Nabigla rin ako nung sinabi mo sa akin na buntis ka.”

“Ayos lang, wrong timing din kasi.”

“Pero sisiguraduhin ko na hindi kayo mag-iisa ng anak natin. Kasama ninyo ako. Kasama ninyo ako sa lahat.”

“Maraming salamat.”

“Tungkulin ko to bilang ama ng anak natin.”

“Ayos na sa akin na suportahan mo kami. Ayos na sa akin yun. Okay na naman ako sa bahay nmin dun. Basta kasama kita na mag aalaga sa kanya okay na yun. Hindi ako humihingi ng kasal o anuman, ayos na sa akin tyung ganitong set up.”

“Hindi naman ako papayag na hindi ko kayo makakasama ng anak ko sa iisang bahay.”

“RD tama na to. Sobra na kung magsasama pa tayo sa iisang bahay.”

“Alam mo naman na walang kasiguraduhan ang buhay ko. Medyo malala na tong kalagayan ko. Kaya naman gusto kong ibigay sa inyo ang lahat ng panahon at oras para makasaa at maalagan kayo.”

“Pero paano ang mga magulang mo?”

“Magiging masaya sila para sa akin. Alam ko yun.”

“Hindi na talaga kailangan. Okay na ako.”

“Please… kahit eto lang.”

“Paano nga ba nag bago ang isip mo?” tanong niya.

“Si Alex.” Sagot ko.

“Iba talaga ang epekto ni Alex sayo ano?”

“Siya lang nagparealize sa akin ng mga kamalian ko.”

“Bakit nga ba di ko siya mapaltan sa puso mo?”

“Ayoko ng pag usapan pa yan. Eloisa, okay na ako kaya tigilan na natin ang nakaraan.”

“Pero sinasabi ko sayo, mahal kita. Hindi ko naman pipilitin ang sarili ko sayo eh.”

“Alam ko naman na mahal mo ako. Ako lang itong bulag na hindi nakikita ang effort mo at bingi na hindi pinapakinggan ang tibok ng puso mo.”

“Umaasa ka pa rin ban a magiging kayo ni Alex?”

“Hindi na. Matagal ng hindi na. Alam kong kahit anong gawin ko hindi ko na siya makukuha pa. He is with Kieth, ang tunay niyang mahal. Ako lang naman ang hindrance sa buhay niya.”

“Pero paano ka na?”

“Nanjan ka naman eh.”

“RD, kung gagawin mo lang akong rebound, tigilan na natin to. Ayokong maging panakip butas.”

“Pero di mo naman ako iiwan diba? Hindi mo naman ako pababayaan na mag-isa?”

“Bakit ba ginagamit mo ang nararamdaman ko para iblack mail ako? Ang lakas mo talaga sa akin.” Sabi niya

“Will you marry me?” isang tanong na naghihintay ng sagot.

“Tanga mo kahit kailan. SIyempre…”

“Siyempre Yes?”

“SIyempre NO! Isang malaking NO!”

“Ang sakit naman ma reject.”

“Hindi ako magpapakasal hanggat hindi mo ako natutunang mahalin. Alam ko na ginagawa mo to para sa anak natin, pero kuntento na ako. Kilalalnin mo lang ang anak natin, Masaya na ako. Okay na ako dito. Tama na to. Kung magpapakasal man ako baling araw, gusto ko yung mahal mo ako, hindi dahil kailangan mo.”

“Well said. Alam ko naman na yan ang sasabihin mo.”

“Bakit mo pa ako tiannong.”

“Para makilala pa kitang lubos. I want to know you more. I want to start to release my past at palitan ng present.”

“Will you let me to enter your life?”

“Let’s see.”

“Mukhang karibal ko pa rin si Alex. Kailangan ko na ba siyang dispatchahin?”

“Wag mo lang siyang sasaktan ha.” At nagtawanan kami.

Isang yakap mula sa kanya ang natanggap ko bilang hudyat ng bagong simula. Alam ko marami akong pagkakamaling nagawa, pero sisiguraduhin ko naman na magiging maayos ang lahat. Kieth, hayaan mo aalagaan ko si Alex at babalik na rin siya say o baling araw. Maghintay ka lang.

“So, handa ka na bang manlibre?” tanong niya

“Yeah. Kanina ko pa pinag iisipan yan. Then, let’s make an announcement?” sagot ko.

“Sure.”

Then she hold my hands and a smile came in my lips.

[Alex’s POV]

“Daddy… Dadddy…”

Isang tinig na labis na nagpapangiti sa aking puso. Agad kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko agad ang nag-iisang batang lalaki na nakakapagpangiti sa akin sa aking pagmulat ng mata.

“Uhmmm… why Liam?” tanong ko.

“Are we already here?” tanong niya

“Uhm… Baby, you should take a rest. Malapit na tayo sa Pilipinas.” Sagot ko.

“But daddy…”

“Liam… diba sabi ko behave lang?”

“I want to see lola… and uncle… and also tita Princess.”

“I’m sure gusto ka rin nila makita. I think 2 hours and we are in the Philippines anak.” Sabi ko.

“Yehey.”

“Excited ka ata?”

“Opo. This is my first time to see them.” Sabi nito.

“Kaya tulog na. Wag mo ng pahirapn ang daddy Alex mo ha.” Sabi ni Eloisa.

“Opo mama.” Then he leand his head towards mine.

Ang cute talaga ng batang ito. He is my one and only baby. Siya ang nagbibigay sa akin ng mga ngiti.

“Magpahinga ka na, mukhang naabala ka na naman ni Liam.”

“Ayos lang yun. Diba nga pangako ko kay RD na aalagaan ko kayo at hindi pababayaan. Kaya eto ginagawa ko.”

“Salamat ng marami.”

“Kung nandito lang si RD eh siya ang mapapagod dito.”

“Oo nga. Tama ka. Kung kasama lang sana natin siya.”

“Oh, namimiss mo na naman siya.”

“Di naman maiwasan eh.”

“Hayaan mo, kapag nakarating na tayo sa Pilipinas, ililibot kita at igagala sa magagandang lugar doon. Sigurado akong mage enjoy ka.”

“Oo ba. Salamat.”

“Sige pahinga ka na.” sabi ko.


Isang ngiti ang isinagot niya sa akin sabay pikit sa kanyang mga mata. Ilang taon na rin ang nakalipas, lima… anim o pito. Ang tagal na rin mula ng mawalay ako sa bansang ito, ngunit babalik ako… babalik ako sa bansang pinag iwanan ko ng lahat ng bagay sa aking nakaraan.

(Itutuloy)

No comments: