* * *
"Tomorrow may never come for all we know"
* * *
Ang lamig ng hangin dito sa parke. Unusual for a scorching summer. Kahit papalubog na ang dilaw na haring araw ay ramdam pa rin natin ang alinsangang dala ng lupa. Nakakairita ang init na dala nito.
Nandito tayo kung saan tayo unang nagkita. Parehong lugar at parehong oras.
“Anong nangyari?” tanong mo.
“Di ko alam.”
Nakaupo ka sa swing,para kang batang tuwang-tuwa sa pagugoy ng swing na kanina mo pa ineenjoy. There I was,standing in front of you,looking while you were acting like 7-year old boy na first time makasakay sa swing. I got fascinated,this was how you exactly looked way back.
“Oh? Bakit titig na titig ka?”
“Huh? Wala.” sagot ko.
I tried lighting a stick of Marlboro Menthol.
“May lighter ka?”
Kinuha mo ang lighter mo at hinagis ito sa akin.
I lit a stick. Puffed. Felt good.
“Di ka ba nangangawit kakatayo dyan?”
“Ayos lang ako.” sagot ko.
Nangangalahati na ako sa sigarilyo.
“Bakit di ka umupo dito sa swing na katabi ko?”
Nostalgic.
Umupo ako sa swing katabi ng sayo gaya ng sabi mo. Yan ang isa sa mga kakaibang bagay sayo. You told sentences,but I've always perceived them as commands. Having said that,I never complained. I just followed.
You removed your eyeglasses na sinasalo ng matangos mong ilong. I can't help but to stare at you. I saw how the sunset kissed your sexy-chocolate brown complexion. It looked so good on you. Kahit noon pa man ay lagi kong sinasabi sayo na okay ang kulay mong yan. Ayaw mo lang maniwala.
“Nakatingin ka na naman.” sabi mo.
“Ganun ka pa din. You're still cocky.” I managed to say atleast.
You exhibited that same old smile. Hypnotic.
“Oo naman. At talagang nireremind mo pa din ako kung gaano ako kaarrogante.”
Tahimik.
“May pilat ka pa rin? Ilang taon na nakalipas di mo pa din napapaderma yan?” sabi mo.
“Walang panahon eh.”
“Ahhhh” You said,sounding that you don't believe me.
“Yeah.”
“Awkward ng feeling.”
“Oo nga.” sagot ko.
“Penge yosi?”
I gave you a stick. Binuksan ko din ang lighter hanggang sa halikan nito ang nguso ng Marlboro.
“Kanina ka pa Yosi ng yosi. That means something.”
“You know what it means?” tanong mo.
“Tensed.” maiksi at nakatingin sa buhangin kong sagot.
“You still know me.”
“Ofcourse.”
Tumayo ka. Lumayo sa swing,bumalik,umupo. Ginawa mo ito ng paulit-ulit. Talaga ngang natetense ka. Kanina pa tayo di nagsasalita,napapanis na ang laway ko. Ang awkward ng pakiramdam.
Bumalik ka sa tabi ko. Inugoy mo ng inugoy ang swing.
“Ilang taon tayong di nagkita?”
Di ako agad sumagot. Inisip ko kung ilang taon ba,narealize kong mahina rin pala talaga ako sa Math.
“Di ko alam. Ilan taon ka na ba?” sagot ko.
“I'm 31 one.”
“Oh,29 ako.”
“Alam kong mas matanda ako sayo. Di mo na kailangang ipagyabang ang edad mo sakin. Besides,tatanda ka rin naman.” sagot mo
“Alam ko. Sinasabi ko lang. The last time we saw each other,17 ako? Then you're 19?”
“Yata?”
“Ewan?”
“Oo. Yun nga yun. Tama. Yun nga!” sabi mo.
Tahimik.
“We were so young then. What happened nung mga taong di tayo magkasama?”
That question made me feel uneasy. Parang biglang hinalukay yung nararamdaman ko? I really hate this feeling.
“Wala.”
“Paanong wala?” usisa mo.
“Ano ba? Wala nga eh. I mean tinapos yung pagaaral ko. After graduation,nagstart agad magtrabaho sa isang magandang company. Ayun,laging busy. Wala din masyadong panahon para sa kung saan-saan.” paliwanag ko.
Bakit ba ako nagpapaliwanag? Ewan ko ba sa sarili ko.
“Ohhh. Bakit naman ganun? All work and no play makes Prince a dull boy.” sabi mo sakin.
“Yeah. Ang boring ng buhay ko for the past years.”
“Don't say that,walang buhay na boring. Tao meron.” sabi mo.
Napaisip ako. Maybe you're right. I just don't find myself interested sa kahit saang activity. I go to the gym,that's it. Di siguro boring ang buhay ko,ako mismo ang boring. Siguro nga. Tama ka. Siguro. Di na rin naman ako nagkainteres kahit kanino after nung sa atin.
“So,after nung satin? Sino mga naging involved sayo?” tanong mo.
Seryoso ang iyong tono.
“I had some flings. Some encounters,some experiences. Unfortunately,walang nagwork. I decided to stay unattached to everyone. Mahirap ng masaktan ulit.” sabi ko.
Tumingin ka sakin,binawi ito at initsa ang yosi papalayo. Muli mong binalik ang mga mata mo sa akin.
“Unattached? Bakit? You built walls. You must have built bridges.”
“Wala lang. I really want it to be that way.” sagot ko.
“Tell me Prince,iniisip mo pa ba ako?”
“Siguro.” plain kong sagot.
“Bakit siguro?” usisa mo
“Di ko alam eh. Siguro iniisip pa kita. Madami akong tanong kung bakit nawala tayong dalawa.”
I paused. Looked at you,trying to sense what you're thinking.
“People of our age,our friends,our closest friends thought we would be really a good pair. Ilang buwan lang,walang kaabog-abog,nawala ka. And you never told me why. Di ko alam kung anong nangyari,saan ako nagkamali and all that. I was just left there,hanging.” dagdag ko.
Lumingon ka sa akin gamit ang iyong nangungusap na mga mata.
“And wasted.” bigla kong sinabi
Pagkasabi ko noon,nakita kong may pinahid ka sa iyong kaliwang mata. I gave you a confused look,you gave me a heartwarming smile that almost took me from my sanity.
“Kung wasted ka ano pa ako?” sagot mo.
“What do you mean?”
“Di lang naman ikaw ang nasaktan sa nangyari. Maging ako.” sagot mo.
“MAS nasaktan ako.” sabi ko na bingyan ng diin ang salitang mas.
“Mas?”
“Oo mas. Marahil nasaktan ka sa paghihiwalay natin. Pero mas masakit para sakin dahil di ko alam ang dahilan. Nagising nalang ako and you don't want to be with me anymore. I asked for your explanation pero you never gave me any. You chose to remain silent.”
“Kailan ba ko nagsalita?” tanong mo sakin,provoking an argument
“Alam ko. Di mo ugaling magsalita,but you could have told me atleast. Sana inisip mo na nung mga panahon na yun,mahal na mahal kita. I respected you during our moments,you could have given me the best kind of respect na dapat kong makuha.”
“Respeto? Naramdaman mo yan sakin. I respected and loved you Prince. For God's sake,alam na alam mo yan at di ka din naman manhid para di mo maramdaman.”
“Alam ko, Pero nung nakipaghiwalay ka? Nasaan ang respeto don? I was yours. I was forced to let you go. You asked me to give up on us. Why? For no reason! Shit Ted! Ano? Nasaan ang respeto don? Respeto bang matatawag yung pagdump m,o sakin nang wala ka man lang dahilan? Ni supporting details wala!” sabi ko habang pinipigil ang galit at luhang gustong bumuhos.
Nanatili kang tahimik. Inalis mo ang iyong eyeglasses at inilagay ito sa case na ginawa ko para sayo isang dekada na ang nakakalipas.
“Prince look,I still use ung case na ginawa mo para sa glasses ko nung college tayo.”
I stared at you. Dumbfounded.
Naramdaman kong gusto mong ilihis ang topic. Nakikita ko sa mukha mo na natetense ka dahil nagcacrack na ang boses ko. Ganyan ka,kapag alam mo ng iiyak ako,pinipilit mo kong patawanin and all that.
Nanahimik akong nakatingin sa buhangin habang dinuduyan ang aking sarili.
“Prince.”
“Bakit Ted?” I said,trying to sound calm.
“Paano kung sabihin ko sayo na hanggang ngayon iniisip pa rin kita?”
“Stop it.” pagpigil ko sayo.
Binaling mo ang ulo mo sa kanan. Tumingin ka sakin. Tumitig ka sakin. The same way you did way back. Sinagot ko ang mga titig mo ng aking mga titig. Mababanaag sa mata mo ang labis na pangungulila. Di ko alam kung anong nakikita mo sa akin ngayon,hindi ko alam kung ano ang aking nararamdaman. Di ko alam kung nasaya ba ako or what.
“No.” mahina mong sagot.
“At bakit hindi?”
“I still think of you Prince. I really do.”
Upon having heard that,tears started flowing endlessly.
“I still think how you laugh. Iniisip ko kung nagriwrinkle pa rin yung area around your lips whenever you smile. I miss how those chinky eyes look whenever I tickle you. I miss you. Alam mo yun? Di mo alam kung gaano ako nangulila sayo.” sabi mo,trying to sound so proud kahit halatang nagcacrack na ang boses
I remained silent.
“Nung nasa Amerika ako,walang oras na di kita inisip. Lagi akong nagdadasal na sana okay ka lang. Lagi kong pinagdadasal na sana wala kang sakit at di ka mapahamak twing magisa ka or kahit may kasama ka. I always pray na sana maging okay ka at mapaayos. Kung alam mo lang kung paano ko nagdasal. Pinagdadasal ko na sana maging masaya ka.”
Pinipigil kong bumigay sa mga naririnig ko.
“Alam mo ba kung anong pinagdadasal ko ng husto?” tanong mo sakin.
“Ano?”
“Pinagdadasal ko na sana.. Sana di mo ko makalimutan.”
Nakita ko ang pagangat ng dibdib mo tanda ng isang malalim na buntong-hininga.
“Pinagdadasal ko na sana wag ka munang makahanap ng iba habang wala ako.”
Napatulala ako sa narinig. Kita ko ang pagpatak ng luha sa iyong mga mata. Ngayon lang kitang nakitang bumigay at napatunayan ko na totoo pala lahat ng sinasabi mo. Di ko na mapigilan,ilang segundo nalang naramdaman kong tumulo na ang luha ko. Pareho tayong nagiiyakan habang pabagal nang pabagal ang galaw ng ating mga duyan.
“Pinagdadasal ko na sana ako pa rin ang mahal mo.”
“Pinagdadasal ko na sana hanggang ngayon ako lang. At sana maging tayo ulit. God knows how hard I prayed for this moment. Alam kong masaya ang Diyos dahil nakausap na kita ulit.”
Hindi ko na mapigil ang sarili ko sa pagiyak habang nakatitig sa iyong mga matang lumuluha rin. You extended your arm para abutin ang akin. Sa mga di malamang kadahilanan,inabot ko ang kamay ko at agad mo itong kinuha at hinawakan. Naiyak ako,sa loob ng ilang mahabang tanong naramdaman ko ulit ang init na dala ng kamay na yon. Yung tamang lambot at kalyo. Di ko maipaliwanag. Hinalikan mo ang aking kamay habang patuloy akong nakatingin sayo.
Inangat mo ang iyong mukha at nagwika.
“Prince,tell me,dininig ba ng Diyos ang mga panalangin ko?”
I smiled.
“Dininig ba ng Diyos ang mga panalangin ko?” tanong mo ulit.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Ang alam ko lang ay overwhelmed ako ngayon sa pagmamahal na nararamdaman ko.
“Prince.” sabi mo sabay pisil sa kamay ko bilang pagkuha ng atensyon.
Lumingon ako sayo at di ko na naman napigilang lumuha.
“Sabihin mo if my prayers were answered.” umiiyak mong sabi.
Tumayo ka at hinatak ako papaharap sayo.
“Sumagot ka naman oh.”
“Ano bang tanong?” wala sa sarili kong tanong.
“Sinagot ba ng Diyos ang mga tanong ko?”
Tahimik.
“Oo Ted. I think sinagot ng Diyos lahat ng dasal mo. Safe ako at walang nangyari saking masama. Di din kita nakalimutan.”
“Mahal mo pa ba ako?” tanong mo sakin.
I nodded.
“I think so.”
Ngumiti ka at kinuha mo ang mukha ko to give me a quick kiss.
You stared at me. You looked at me while crying.
“Di mo alam kung gaano katagal kong hinintay na mahalikan kang ulit.”
Di ako makapagsalita.
Patuloy ka sa pagluha.
“Bakit iyak ka ng iyak? Di ka ba masaya na marinig na mahal pa rin kita?” tanong ko.
“Masaya ako. Sobrang saya.”
“Yun naman pala eh. Eh bakit ka pa iyak ng iyak?” tanong ko habang hawak ang iyong dalawang kamay.
Tumitig ka sakin. Mata sa mata. Nagbuntong-hininga ka at nagsalita.
“I went to America nung tayo pa dahil kailangan. I had to undergo medications.”
Nagkakaclue na ako sa pwede ko pang marinig.
“Then?”
“Masaya ako at nakita kita ngayon at nalaman ko na mahal mo pa rin ako.”
Patuloy ang pagpagaspas ng hangin.
“Tulungan mo kong magdasal.”
“Bakit?”
“Ipagdasal natin na mabuhay pa ako ng matagal.”
Napatitig ako sa'yo at nakita kong umiiyak ka ng husto. Pagkarinig ko noon,tumulo ang aking luha. Agad akoing yumakap ng mahigpit at naglock ang ating mga umiiyak na puso.
“Wag mo muna ako iwan. Please. Not now.”
“I'll try.”
At nakita natin ang paglipad ng mga ibon sa orange na kalangitan.
W A K A S
15 comments:
mag-comment daw ako...i might see myself doing this in 10 years....
emotional story as always my beloved....
nice story... strong emotional appeal.
i had just recently had the chance of meeting an ex after 10 years... kaso the feeling was different na... wala na yung dati
@Anonymous1.
Salamat! Lagi naman ata akong emotional? lol
@Anonymous2.
Really? Masyado na kasing matagal ang 10 years eh hehehe
nice. kakaiyak naman. more stories please.
buset ka unbroken.
di ka pa rin nagbabago.
magaling ka pa rin magpaiyak.
buset. galing-galing. tsk.
Kuya Raze! Salamat po ng marami!
ALEXANDER CRUZ! Hahaha
Salamat at nakita mo ang blog ko. Sana ifollow mo din. Pwde mo ipost ang Afterglow dito.
nice...very nice...minsan lang ako makabasa ng ganitong klase ng love story. Iba ang dating. Ang sarap sa puso. =)
Bakit ganun? Nakakaramdam ako ng lungkot? napakalungkot? Ganun ba talaga pag nagiisa ka? Ramdam na ramdam mo ang kalungkutan. (Ano daw?)
Seriously, heartfelt talaga ito. Gaya din ng iba mong gawa.
- Russel
MIYAW! Salamat sa comment. Nice to hear na nahaplos ng "For All We Know" ang iyong puso. Salamat. Sana bumalik balik ka sa blog.
RUSSELYA! Maraming thanks sa pagsabi na heartfelt. Yun naman talaga ang nais kong ipadama dito. Well,oo. Medyo nakakasad nga pag magisa ka,lahat naman ng bagay may PRO's and CON's.
this reminds me of the emotion i felt with the unbroken series... bakit ganito ba lagi sir ROVI T.T
a very good read! di talaga mawawala sa puso natin ang mga taong tunay na nagmahal sa tin tama ba sarhento?
Unbroken told me to read this one and I'm glad I did ... It brought a few memories back, and tears as well! .... Happy lang na atleast the characters did meet each other again and is bound to create new memories together even with a huge challenge on their midst.
Haay buti pa c prince binalikan at pinagpaliwanagan ... 'really hate the feeling of being dumped not knowing why! :(
Sir Manny. Yes. Those people stay unbroken lalo na pag malaki ang naging impact nila sa atin. Salamat sa pagbabasa ng story na to!
Rwin! Salamat! Tomorrow might never come for all we know. That's what we have to remember. Bakit ka nya dinump? Analyze yourself. Pag walang mali,sya ang nawalan. :)
Parang ayaw kong maiwan kung siya naman pala ay lilisan, hindi ko alam kung kakayanin ko.
ngunit di naman natin alam kung anung darating kinabukasan,
kahit na maghanda pa tayo.
- ALMONDZ
it pierced through my chest again...and i loved it ^w^
Bwisit na sakit yan! Grrr!
Sana naging happy nlng cla. Sana di nlng cla nagkahiwalay. Kainis! :(
~frostking
Post a Comment