Friday, July 15, 2011

Angkas

NOTE:Isa sa mga pinakamabilis na nagawa kong short story. 45 minutes! Hahaha





You are an old flame. I was so into you. We parted ways. We met again. Became colleagues. Became sweet. There's a caution that we two might burned again with the flame that I wasn't sure had died.

* * *

Nakakabagot ang byahe nung gabing iyon. The same routine, sumakay ako ng bus, then jeep papunta sa aking nayon. Kahit na magkaopisina tayo, bibihira tayong magsabay, dahil ikaw yung taong tamad magantay ng bus, at ako naman yung taong maarte pagdating sa mga pampublikong sasakyan.


Nakarating ako ng Malanday ng maayos. Walang eksena sa bus, walang nadukutan, walang mandurukot. Sa t'wing nakakakita ako ng nadudukutan sa bus, naaalala kita. Ikaw yung taong laging natutulog sa bus, walang pakialam kahit madukutan o hindi. Buti na nga lang ngayon, may kasabay ka ng iba pauwi, di na ako nagiisip na mapapano ka somehow.


I stood under the yellowish post light as I was waiting for a jeepney headed to my place alone. Inabot ako ng mga limang minuto para makasakay sa jeep na byaheng Baliuag. Dahil sa kupal nga ang driver, ang tagal nyang nagpuno ng pasahero. Lumipas ang mga sampung minuto eh di pa rin nakakaalis ang jeep. Halata na ang pagkabagot samin ng aking mga kasabay, isang chinese hunk at isang half-american na rocker. Ilang minuto pa, naisip na ring umalis ng driver.


Malamig ang dila ng hangin sa aking balat. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw kong umalis sa probinsya. Nakakamiss yung hangin sa madaling araw, sobrang lamig. Paparating na ang jeep sa lugar na malapit sa bahay nyo. Huminto ang jeep dahil pula na ang stoplight, nasa crossing na ako. Pagkalagpas na pagkalagpas ng crossing, sinabihan kami ng driver na bumaba na dahil trip nyang mag trip-cutting.


Pagbaba ko ng jeep, naisipan kitang itext. For some reasons, I wanted to see you. Iniisip ko na matataon din ang pagdating mo sa crossing, I was right. Wala pang ilang minuto, nakita na kitang naglalakad papasok sa loob ng eskinita. Napansin kong tumingin ka sakin, pero dumerecho ka lang. Nairita ako non.


I texted you again, saying na nakita kita and all that. Bigla kang tumawag.

“Nasaan ka ba?”

“Nasa crossing ako. Nasaan ka? Antayin ba kita?”

“Ngayon ko lang nabasa yung text mo, pabalik na ako.”

Nagkita na tayo ulit kahit nagkikita naman tayo sa opisina.

“Ohhh? Bakit anong nangyari?”

“Binaba kami ng driver, wala lang.”

“Adik.”

“Sinangag?”

“Saan?”

“Sa Hulo?”

“Ang layo nun bhe.”

“Ayos lang lakad nalang tayo.”

“Sigurado ka?”

“Oo nga.”

Napagkasunduan. Lumakad tayo mula sa kanto hanggang makarating sa isang sikat na sinangagan sa place mo. Marami di tayong napagusapan habang naglalakad.

“Ang sakit na ng paa ko.” sabi mo

“Arte mo naman. Di ka pa ba nasasanay sa araw-araw na paglalakad mo papuntang Ortigas?”

“Sanay na.”

“Oh, eh bakit umaarte ka pa?”

Tumahimik ka. Nakita kong gumagalaw ang mga kamay mo na parang may minomonstra sa hangin.

“Alam mo, iniisip ko na di ka ganyan dati. Ang laki na ng pinagbago mo.”

“Things change. Kahit ikaw din naman nagbago.”

“Hindi eh. Dati kasi wala kang bilbil. Ngayon meron na.” sabi mo sabay himas sa love handles ko

“Tarantado.”

Tumawa ka ng malakas. Nakapasok na tayo ng Sinangagan, tayong dalawa lang ang customer.

Umorder tayo ng makakain. Inorder mo ang paborito mong longganisa, ako naman ay chicksilog.

“Ano pong drinks nyo?”

“Anong soda ang available?”

“Wag ka ng magsoftdrink, di ka makakatulog.” sabat mo

“Kailan pa?”

“Basta. Wag ka ng magsoftdrink.”

“Sige ate, tubig nalang.” bigla mong sabi sa waitress

Fine. Ikaw yung taong may pagkamanipulative in a good way. Lagi mo akong pinagsasabihan na ganito, na ganyan. Pero ang pinakahindi ko makakalimutan ay yung nanggigil ka kapag nilalabas ko ang hairy chest ko. Nakikita ko talaga ang pagsasalubong ng kilay mo at ang gigil sa iyong mukha. Nakakatuwa kang asarin.

Kumain na tayo.

Napagusapan ang mga bagay. But hindi ang sa atin.

“Kamusta ka naman? How are you coping up after the break-up nyo ni JM?”

“Okay naman. Hayaan mo sya. Yan ang gusto nya eh.” presko mong sagot

“Bitter?” tanong ko

“Hindi. Eh anong magagawa ko? Yan ang gusto nya eh.” sabi mo pa.

“I see. Hayaan mo na.”

“Eh ikaw? Bakit napapadalas yung paginom mo recently?” tanong mo, iniiwas sayo ang topic

“Wala lang. Stressed.”

“Stressed? Saan?”

“Wala nga. Wala lang yun. Namiss ko lang ang paginom.”

“As if naman naniniwala ako.” sabi mong ganon

“Ano ba kasing problema?” dagdag mo pa.

“Wala naman. Okay lang ako. Gusto ko lang ng kausap. Ayoko lang nagiisa lately.”

Tumingin ka nalang sakin. Alam kong hindi ka naniniwala at di ka kumbinsido.

“Ihahatid pa kita sa kanto? Masakit na paa ko. Magtsinelas ako.”

“Wag na. Ako nalang uuwi magisa.”

“Kaya ko naman eh.” dagdag ko pa

“Ihahatid nalang kita. Motor tayo.”

Hindi ko alam na marunong ka pala magmotor.

Pumunta tayo sa inyo. Nilapag mo ang iyong gamit at nilabas ang motor. Pinaandar mo na ang makina.

“Game na ba?”

“Oo na sakay na.”

Sumakay ako kahit nagaalangan. Natatakot ako dahil na rin sa mga disgrasyang naririnig kos a TV at radyo.

“Mahal ko pa buhay ko Miguel. Ayusin mo ang pagmamaneho.”

“Oo naman.”

Pinaandar mo na ang motor. I started feeling the cold wind again. The wind reminds me of Christmas. Malamig ito at conducive sa love-making. I felt like hugging you, pero ayoko naman, nahihiya ako.

Nadaan tayo sa isang bakanteng lote na may nakapark na ambulansya. Napangiti ako.

“Miguel, diba dyan tayo nagsex?”

“Tarantado.”

Tumawa ka.

Patuloy ka sa pagdadrive, nilalamig na ako.

Pinatong ko ang baba ko sa balikat mo. Ang aking mga kamay ay nilagay ko sa hita mo. That's where and how I find comfort. Nakakatuwang lambingin ka. Keber sa makakita. Mabilis naman ang takbo kaya wala akong pakialam.

“Ang layo pala ng Constantino.” pabiro mong angal

“Ang bango mo. Straight na straight ang amoy. Amoy Victoria's Secret.”

Tawanan.

“Tarantado ka.”

Hinalikan kita sa batok. Narinig ako ang iyong pagbuntong-hininga.

“Ang alat no?”

“Oo. Ang alat mo. Pero amoy Victoria Secret.”

“Tarantado ka talaga.”

Bigla kang lumiko. Presto. Bahay ko na.

Bumaba na ako sa motor. Inayos ko ang aking sarili.

“Miguel. Ayusin mo ang buhok mo.”

Napatitig ako sa mata mo. Brown. One reason kung bakit ako naattract sayo.

“Oo na. Sige na aalis na ako.”

Nasa labas tayo ng bahay. Nagtama ang ating mga labi. Smooch. Mabilis. Malambot. Matamis. We both smiled.

“Salamat sa paghatid. Salamat sa angkas.”

Tumalikod ako at pumasok na sa bahay. Narinig ko ang pagpapatakbo mo ng motor. Muli, ako'y ngumiti.


W A K A S

6 comments:

miggy said...

whoa!! sino kaye eto!! ang sweet!

unbroken said...

Hahahahaha! Ewan ko.

Anonymous said...

I could imagine being in that situation narrating a "similar" story about us. Mag-isang taon na rin...

Unknown said...

nakarelate yta ako.. :p

mcfrancis said...

oo ako rin naka-relate sa story, kinilig tuloy ako...

josh said...

sir rovi, walang tone nang bitternes sa post mo,maganda ang story, reminscing ang rekindling, me kasunod pa kaya ito?...hahaha, regardless of anything mukhang ok naman kayo, thnx for sharing (",)