NOTE:Sinulat ng aking kaibigan/kapatid na si Dhenxo Lopez. Enjoy.
Ang name ng kanyang character ay George.
Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.
March 16, 2009
Dear mister lappy,
What a day! Sobrang hectic ng araw na ito. I’m so tired pero bakit ganun? Parang masaya ako na nakilala at nakita siya? This can’t be! Ayoko! I’m over with this!
Ha! Ha! Ha! You’re wondering who’s I’m referring right, lappy? Joy? Nope! Just a guy, tama, a guy na magiging kasama ko sa bago kong work. I think he’s nice kasi I saw it in his eyes. I loved how he blushed while staring at me. I don't know why pero kinikilig ako.
Effin’yeah right! Gaya nga nang sabi ko, this can’t be. I’m in love with Joy and ayoko siyang saktan. She’s my life! Life? Letse kang other half ko, tumigil ka. Chris isn’t my type! Chris isn’t my type! Ha! Ha! Ha! Panggagaya nang buwisit kong ego.
* * *
“See you later babe!” Paalam ko kay Joy.
“God bless sa orientation babe!”
“Thanks and I love you so much!” At ginawaran ko siya nang halik bago ako tuluyang sumakay ng bus papuntang Ortigas.
* * *
Kinakabahan ako sa puwedeng mangyari pero I’m excited na rin. I don’t know kung bakit pero parang may magandang mangyayari today.
Di naglaon ay nasa tapat na ako nang building ng magiging bagong tahanan ko. Pumasok na ako. Tinanong ako ng guard kung saan daw ang lakad ko, sinabi ko naman na for orientation ako. Oo nga pala, natanggap kasi ako na maging ESL Teacher ng mga Korean students.
Pinatuloy naman niya ako. Habang naglalakad sa pasilyo ay heto na naman si lintik na kaba. Hindi ako mapakali. Nakarating ako sa area na ganun pa rin ang nararamdaman ko. Ano ba! Compose yourself! Umaarte ka na naman. Kung di ka titigil, magha-hyperventilate ka niyan. Mas nakakahiya iyon. Saway ko sa sarili ko at nagpakawala na lang ng isang malalim na buntong hininga.
Nagsimula nang mag-orient yung naka-assign samin. TL, yan ang madalas nilang sabihin kapag kinakausap siya nang mga nakaharap sa computer. Di ko maiwasang hindi mag-sight-seeing. Madaming magaganda ang nagtatrabaho doon. Madami ring gwapo! Sinaway ko ang sarili sa naisip na iyon.
Parang tumigil ang mundo ko pansamantala nang tumapat kami sa isang lalaking nakatalikod sa amin na tipong walang pakialam sa ginagawa ng TL niya. Nagta-type ito at mukhang seryoso pero para itong may magnet na hinihila ako sa kanya.
“Uhhmmm. Teacher Chris.” tawag nito bilang pagkuha sa atensyon nito.
So Chris pala ang name niya. Malamya siya kumilos at magsalita pero it didn’t stop me na pakinggan ang pagsasalita niya.
Chris has a good complexion. Maputi ito. Maganda rin at broad ang kanyang mga balikat. Makinis ang mukha nito at nakatayo ang kanyang nakawax na buhok. Sa pagkakatanda ko ay parang light brown ang sabog ng kulay sa kanyang buhok na bumagay naman sa kanya.Kita din ang medium sized na nunal sa bandang ilalim ng kanyang kaliwang ilong. I must admit that he looks good. And his body frame is just so adorable. I'm uncertain if he goes to the gym.
“Yes TL?” nagigiliw giliwan nitong sabi.
“Uhhmm.” sabi nito sabay hawi ng buhok papunta sa kanyang tenga.
“Uhmm,we have a new member for the team.” dugtong nito.
Napantastikuhan naman ako sa itsura nito na waring hindi interesado sa ginagawa namin. Bukod pa nun, bakit parang natameme si TL na hindi rin nakalagpas sa kanya.
“Uhhhm,Yes. Uhhm. Yes. This is Teacher George.” sabi ni TL sa kanya.
Ngumiti ako bilang respeto at pagpapacute na rin. Papacute? Letse tumigil ka! Muling bumanat si TL.
“Ahhh Teacher Chris,he'll be sitting here.” sabay turo sa bakanteng upuan sa kanan nito.
“Ahh okay. Sure sure.” sabi nito sabay ngiti.
“Nice meeting you Chris.” sabi ko sa kanya.
Nagtaka ako sa inasal ko. Usually tama na ang pagpapakilala sa sarili pero this time nag-initiate ako nang handshake. Iba ito. Mas lalo pang nakakagulo dahil nakatitig ako sa kanya at ganun din siya sa akin.
“Teacher Chris?” sabi ni TL.
“Uhh yes? “
Saka lang siya bumalik sa reality. Nakita niyang nakaumang ang kamay ko kaya naman ay inabot niya ito. Uh-oh! Bakit may spark? Lagot!
“Teacher Chris,are you okay? Namumula ka.” concerned na sabi ni TL.
“I'm okay TL. Thanks.” sagot niya matapos magsalamin.
“Okay. Teacher Chris,iiwan ko muna dyan sa tabi mo si Teacher George. Kindly assist him if he has questions ha? Be kind.” sabi ni TL.
“Yes TL.”
At tumabi na ako sa kanya. Para lang akong tanga na nakatutok sa computer pero hindi naman magawang i-orient ang sarili sa functions ng applications. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang usapan ni Chris at yung kaibigan nitong babae.
Bakit ganun? Hindi na bago sa akin ang magkagusto sa isang lalaki pero kakaiba ito lalo pa at may gf ako. I mean, I’m no longer used to it. Matagal nang hindi ako nagkaganito. Siguro na-attract lang ako kasi . . . OMG! Wala akong maisip na dahilan.
Napatingin ako sa kanya. Busy pa rin siya sa pakikipagdaldalan sa katabi niya. Natutuwa ako sa paraan niya nang pagtawa at yung mismong tawa niya. Uh-oh, I’m freaking out. Dali-dali akong tumayo at nagpaalam na magsi-cr lang.
Binilisan kong lumakad at nang makapasok sa isa sa mga cubicle ay muntanga lang na sapo ang dibdib. My heart’s racing. Lagot! Nilabas ko ang cellphone ko at agad tinawagan si Joy.
“Hi babe!”
“Wala lang, I missed you lang.”
“Yeah, okay naman yung orientation. Mababait rin sila rito.”
“Yup, don’t worry makakasabay din ako sa kanila.”
“Anyway, I’ll fetch you later okay?”
“I love you so much babe! See you soon!”
Pagkababa ko sa linya ay agad akong nakaramdam ng guilt. Patay don! Naghilamos ako agad baka sakaling mawala yung nararamdaman ko. Bumalik na ako agad sa cubicle ko at inumpisahan ng mag-orient.
Buong pagtatrabaho ko ay nakikiramdam ako sa mga ginagawa niya kaya minsan ay hindi ko namamalayan na nagtatanong na pala yung mga students ko.
All in all, my day turned out fine but I got tired. Naihatid ko na rin si Joy sa bahay nila. Yeah we kissed! I love her. Eh siya? You love him na ba? Letse ka! Tumahimik ka!
Hay naku. So see you around mr. lappy!
Till next time,
George
No comments:
Post a Comment