Friday, July 22, 2011

One More Chance - 03

Photobucket
Enjoy reading.

Chapter 3


Napangiti si Popoy nang titgan niya ang madramang presentation ng dinner table, pati na ang buong sala hanggang dining area ng kanyang maliit na pad sa Ortigas.
Perfect!... ngiting-ngiting naisaisip niya habang habang tinitingnan ang superromantic na setting ng dinner with candlelight na inihanda niya para sa selebrasyon nila ni Basty ng kanilang 10th year anniversary.

He can't help but sigh kapag naaalala niya ang naging una nilang pagkikita. Parang kailan lang iyon. Mas lalong naging malalim ang pagsasama nila ng mapagaling niya ang ate nito mula sa brain tumor na sakit nito.

It was quite a journey. Hindi niya akalaing ang isang blind date na sinimulan ng pinsan niya ay nagtagal ng sampung taon. And he still rocked my world. Napapangiti niya uling sabi sa isip.

Nag-ring ang cellphone niya. Si Basty iyon.

"Hello Irog." bungad niya rito.

"Ang corny mo Doc."

Natawa siya. "FYI, mahal mo ang korning ito."

"Oo naman. Mahal na mahal."

Umapaw ang kaligayahan sa puso niya. Ngayon niya nasigurado na hindi pa nagmamaliw ang pag-ibig nito sa kanya. Sa kabila ng pagiging busy nilang pareho ng umuwi sila ng Pilipinas 5 years ago. Naging in-house photographer ito ng isang sikat na fashion magazine sa bansa. Habang siya ay pinag-agawan ng mga kilalang ospital. Isang taon lang nila na-enjoy ang isa't-isa at sa nakalipas na apat na taon ay naging sobrang busy nilang talaga.

Looking back, parang medyo tinabangan na siya kung hindi lang dahil sa constant reminder ng kanyang instant bestfriend na si Half. Isang restaurateur. Sayang daw ang pinagsamahan nila. Mukha pa namang mahal na mahal siya ni Basty ayon dito.

"Hey. Still there?" untag nito.

"Huh? Ah oo naman. Mahal na mahal din kita Basty."

"Wow. Narito na ako sa Magallanes. Get ready for me."

"Is that a threat?" nanunuksong sabi niya.

"Are you threatened?" balik nito.

"Bring it!"

Umalingawngaw ang tawa nilang pareho. Pinutol na nito ang tawag dahil nag-go na raw ang traffic light. Napatitig siya sa dining area. Napabugha siya ng hangin.

Iyon na talaga iyon. Kapag hindi na-ignite niyon ang kanilang feelings sa isa't-isa ay wala na talaga. As in, hopeless. Sana hindi masayang ang pag-uwi niya ng maaga.

Pinilit niyang alisin iyon sa kanyang sistema pero ayaw niyong mawala. Kaya tinawagan na lang niya ang delivery service ng suki niyang "Half's Kitchen", isang fine-dining restaurant. Special favor iyon ng may-ari na si Louie Lester or Half. Kinantiyawan siya nito na dito na magpaluto at ng may sigurado silang kakainin. Umorder siya ng three-course dinner pati dessert.

Darating iyon thirty minutes bago dumating si Basty. Ilalagay na lang niya sa oven para hindi lumamig.

Tumingin siya sa orasan. Alam niyang matatagalan si Basty gawa ng traffic. Meron pa siyang oras para maghanda.

Binuksan niya ang CD player at nagpatugtog ng malamyos na musika. Dumiretso siya sa kwarto nila ni Basty at naghubad, saka dumiretso sa banyo. Nagababd siya sa ilalim ng dusta. Ilang matatamis na sandali rin ng kanilang pagsasama ang pinagsaluhan nila doon.

Nang matapos siya, nagtuyo ng katawan, at isinuot ang kanyang red sexy dress. Nagsuot din siya ng damit na bagay sa okasyon.

Napatulala ang regular delivery boy niya na si Rodgie pagkakita sa kanya nang pagbuksan niya ito ng pinto.

"Baka pasukan ng lamok iyang bibig mo." natatawang sabi niya rito.

"Ang gwapo mo talaga Doc. Sayang talaga at may boyfriend ka na."

"Sabihin mo sa boss mo para mainggit na naman nang husto." aniyang si Half ang tinutukoy.

"Makakarating ho."

Nagkatawanan silang dalawa. Very vocal kasi ito na crush siya nito.

Feeling good about his aura, naghintay siya kay Basty. ngunit lumagpas na sa takdang oras ay wala pa rin ito. Tumayo siya, idinayal ang numero nito pero unattended na. Kumuha na lang siya ng wine at nagsalang ng panibagong CD. Pagkaraan ng kalahating oras ay tinawagan niya uli ito.

As usual, sarado pa rin ang linya nito.

Bumuntong-hininga siya at napa-iling na lang. Binuksan na lang niya ang laptop, saka nagbasa ng internal memos na hindi niya napasadahan kanina sa office. Siya na ang Director ng The Medical City. Doon na lang niya gugugulin ang oras niya habang wala pa ito. Malamang na bumalik ito sa set. Galing kasi ito sa photoshoot para sa darating na quarter release ng FAB Philippines.

Napakunot-noo siya pagkakita sa mahabang schedule niya para sa buwang iyon. Kasisimula pa lang ng taon pero kailangan na niyang magtungo sa iba't-ibang panig ng mundo tulad ng South Korea, Thailand, USA at France para dumalo sa mga convention na siya mismo ang speaker. Being the best in his field requires a lot of his time.

Nakatutok pa rin siya sa screen ng kanyang laptop nang marinig niyang bumukas ang pinto ng kanyang unit. Pumasok si Basty--nakasuot ng polo--in fairness dito--maong at comfy shoes, malayo sa pinagkasunduan nilang magiging formal dinner date nila ng kanilang tenth year anniversary.

"Kumakain ka na? Hindi mo ako hinintay?" Nakataas ang kilay nito nang makita ang pinggang nasa tabi niya na napapangalahati niya ang lamang pagkain, pati na ang dessert na isinabay na niya sa pagkain ng meals.

"Excuse me, Basty. Sa pagkaka-alam ko ay nasa Magallanes ka na. Saka anong oras na ba?"

Sabay silang napatingin sa wall clock. Pati siya ay nasorpresa ng makitang alas-nueve na. Alas-siyete ang usapan nila.

Pinagtaasan niya din ito ng isang kilay. "Wala pa ba akong karapatang kumain?"

"Sorry Popoy." Hinging-paumanhin nito. "Nagkaroon ng problema sa talent na kinukunan. Humanap pa ako ng payphone sa Galleria dahil lowbat ako."

Naintindihan niya kaagad ang paghingi nito ng sorry pero hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang ipinantawag sa kanya. Nasaan na ang "irog", "mahal" o "sweetheart" na mga endearment nito sa kanya noon?

"Sobrang tanga n'ong babaeng talent. kung alam ko lang na ganoon ka-arte at primadonna iyon eh hindi ko na pinag-aksayahang makiusap sa manager niya."

"Bakit?"

"Inabot kami ng siyam-siyam. Kesyo ayaw niya raw ng mga damit na ipinasusuot sa kanya sa shoot. Iniwan ko na si Raymond doon dahil siya ang ka-tandem kong photographer. Pero hindi umubra kahit sikat na litratista na ang kasama niya doon... Can you imagine my headache dahil doon?"

"Sana tinawagan mo ako."

"Alam mo namang nakakalimutan ko ang lahat kapag trabaho na ang pinagusapan."

Hindi na siya kumibo. Alam na niya iyon--ten years na. Nasa America pa lang sila.

"Sorry."

"Okay lang. Hindi naman ako nainip dahil nagtatrabaho din ako."

"Busy ka?"

"As usual."

"Mag-a-abroad ka na naman?"

"Apat na beses this month. Doctor's Convention lahat. Alam mo naman ang naglalabasang bagong discoveries about neurosurgeries and the likes. Pupunta akong SoKor, then sa Thailand. Tapos, uuwi ako dito pero after one week eh lilipad ulit for US then sa France para sa nag-imbita sa akin para maging speaker. Tapos..."

"I get it. I get it." Tumango ito. Halatang hindi na interesado sa sinasabi niya.

Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi na niya kailangang i-elaborate ng husto at detalyadong ikwento dito ang lahat. Effort din iyon para sa kanya ngayon.

"Akala ko ba pagkatapos nitong photoshoot for a cause namin ni Raymond Isaac eh magtu-tour tayo?"

"Hay naku Basty. By the time na tapos na yan, kung pagbabasehan ang kaartehan ng primadonnang talent na yan, baka husto ng lumipad ka ng Africa para sa panibagong pictorial ninyo ng mga indigents doon."

"Ayaw mo bang sumama sa akin?"

"Sorry, not this time of the year. Alam mo naman yun di ba?"

Kumunot ang noo nito at hindi na umimik.

Sa tagal na nilang magkasama, alam na nila ang likaw ng trabaho ng bawat isa. Wala naman silang reklamo dahil pareho silang hectic ang schedule.

"Kain na ako, okay lang?"

"Suit yourself."

Napilitan siyang isara ang laptop para sundan ito sa kusina.

"Masarap ang lobster." sabi niya dito.

Kinuha nito ang isang ulo ng sugpo at sinipsip iyon. Napatanga siya sa ginawa nito. "Parang nagutom rin ako."

"nagutom ka ulit?"

"Yes, I'm hungry... hungry for you."

Ngumiti siya at sinigurong safe muna ang mga pagkaing hawak nito bago yumakap rito at hinalikan ito sa mga labi.

Thrilling noong una ang kanilang ginagawa. Ikinawit niya ang braso sa batok nito habang abalang-abala siya sa pagkiskis ng kanyang katawan dito. Itinaas niya ang polong suot nito, saka pinilit na na niyang panggigilan ang macho at super perfect katawan nito.

Alam niya na maraming nagiilusyon dito, pero bakit habang tumatagal ang sinimulan niyang foreplay dito ay unti-unting nararamdaman niya ang pagkawala ng antisipasyon sa ginagawa nila. Inihiga siya nito sa sofa and they went on the drill like they always did when they made love.

In fairness, kahit malasado ang naramdaman niyang init at mukhang awtomatiko lang ang ginagawa nito, talgang shaken pa rin siya nang matapos sila. Saka ito nag-collapse sa ibabaw niya.

Humihingal pa ito halos ng itulak niya palayo. "Alis ka diyan. Ang bigat mo."

Hindi naman ito nagalit. Agad itong kumalas at umupo sa lapag. "Gusto mo ikuha kita ng maisusuot?" Sabi nito sa kanya.

"Sige thanks."

Pagbalik nito ay nakasuot na ito ng boxer shorts at iniabot sa kanya ang isang pares ng damit at salawal. Nagtungo siya sa banyo at ng bumalik siya sa sofa ay inabutan siya nito ng isang kahita.

"Happy tenth year anniversary Popoy."

"Happy anniv din Basty. Naku, baka pareho pa tayo ng regalo." Kinuha niya rin ang kahita na pinaglalagyan ng kanyang regalo para dito.

Sabay nilang binuksan iyon.

"Ganda nito Popoy. Isuot mo nga sa akin please." Inabot nito sa kanya ang regalo niya ritong pares ng white gold pentacle earrings dahil gusto nito na mayroon itong suot na hikaw na galing sa kanya. Para daw bumagay sa semi-kalbo nitong buhok.

"Yan." aniya ng maisuot ang hikaw.

"Thanks din dito Irog." Kaswal na isinuot niya ang simpleng gold ring na may maliliit na diamond at turquoise gems dahil iyon ang kanyang birthstone.

"Binili ko iyan noong nakaraang taon. Been saving that for this occasion."

"Ganoon ka kasigurado na aabot tayo ng ten years?"

"Ten, eleven, twelve... bring it on!"

Naghalikan sila-- o mas tamang sabihing smack lang-- saka mutual na humiwalay sa isa't-isa.

"Hugasan mo na ang lahat ng plato diyan para malinis." aniya rito.

"Anong gagawin mo?"

"Pupunta ako ng hospital. May naging problema sa isa kong pasyente. Emergency ito. kanina pa pala tumatawag sa akin pero nakasilent kasi ako. kababasa ko lang ng text."

"Ah ganoon ba?"

Nagbihis ulit si Popoy at nagtungo na sa Medical City. Good thing na malapit ang tinitirahan niya dito. Hindi na niya napansin ang malungkot na hitsura ni Basty ng makalabas siya ng pad niya.


Itutuloy...

No comments: