D.A.L.A.W.A
Patuloy ang pagsiil ni Philip ng halik kay Arvin. Naramdaman ni Philip ang sabik na pagganti ni Arvin sa kanyang naglalagablab na mga labi. People from the coffee shop saw what they're doing, most people were shocked,including Roj. Philip's hand was reaching Arvin's manhood,trying to make him more aroused. Arvin responded as if he was going loco. Philip knew he got him,again.
Put a little this. Put a little that. Konting panahon pa magiging akin ka na.
Philip ended the kiss and saw Arvin's eyes still closed.
Ayy! Nasarapan si gago. Hahahaha!
Arvin looked at him. Kitang-kita nya ang libog at desire sa mga mata nito. Ngumiti si Philip,dinikit ang noo nya sa noo ni Arvin. The latter looked so aroused with what they've just done. Ramdam ni Arvin sa sarili nya na iba ang dala ng mga labing iyon sa kanya ngayon. Kung noon ay okay lang sa kanya na bitawan si Philip para kay JD,ngayon ay di na nya alam. Physically,better si Philip kumpara kay JD na ngayon ay nananaba na. Aminado si Arvin na ang laki ng pinagbago ni Philip,at masaya syang mahalikan ito muli.
Roj looked so puzzled. Di nya alam kung anong dapat nyang maging reaction sa nakita nyang pakikipaglaplapan ng kanyang kaibigan sa lalaking una nitong minahal. Binawi nya ang pagkakatingin sa eksena ng dalawa at tumalikod nalang. Di nya kayang makita ang kalandian ni Philip. For some reasons, di nya mawari kung ano ang nararamdaman nya.
I just saw Philip kissing someone else and I really didn't know what or how to feel.
Tumalikod si Roj. Pumikit. Kinuha ang yosi at nagsindi. Naghithit-buga habang nakatiklop ang kamaong handang umatake. Bigla syang nairita.
Philip stared at Arvin. Arvin looked at Philip. Hinawakan ni Arvin ang kamay ni Philip. Naramdaman ni Philip na konting kanti lang ay sasama sa kanya si Arvin.
Nagulat sya nang makita nya ako. Nakikita nya ang mga pinagbago ko. Sabihin na nating gwapo ako and all that. Ibig lang sabihin non,di sya kuntento sa partner nya. Makati talaga sya at isa syang malaking higad. Anong ginagawa sa higad? Tinitiris. Inaapakan. Pinapatay. Wait. Ayoko namang pumatay. Papatayin ko nalang ang puso nya gaya ng ginawa nya sakin.Philip thought.
“I think we need to see each other again.”
“Ha? Eh diba may boyfriend ka?”
Tumingin si Arvin sa loob ng Starbucks at nakita si JD na nakatitig sa kanilang dalawa. Bakas ang galit sa mukha nito. Malamang ay nakita nito ang pakikipaghalikan nya kay Philip. Sinundan ni Philip kung sino ang tinatanaw ni Philip sa loob at nakita ang isang lalaki na medyo chub at singkit.
Si JD kaya yun? Kanina pa nakatingin sa amin. Nakita nya? Oops! Sorry! Hahaha!
“Yun ba yung boyfriend mo?” kunwaring apologetic na sabi ni Philip.
“Oo eh.” natatarantang sagot ni Arvin.
“Ahh ganun ba? Sige. I guess hindi nalang ako makikihalo pa.” nagpapawang sabi ni Philip.
Tumalikod si Philip. Kasama ito sa plano. Tinitignan nya kung ano ang naging epekto ng pagbabalik nya kay Arvin. Ramdam ni Philip na bibigay si Arvin pero mababanaag sa mga mata nito ang pagdadalawang isip. Sabagay,sino ba naman ang magtatapon ng ilang taong relasyon para sa isang lalaking parte na ng nakaraan mo? Pero desidido si Philip, kailangan nyang maahas si Arvin.
Wala pang dalawang hakbang ay agad na hinatak ni Arvin ang kanyang kaliwang kamay.
Ohhh. Pipigilan ba nya ako at sasabihin nyang maging kami ulit? Pwede to. Pwedeng-pwede.
Dahan-dahang lumingon si Philip,parang sa telenovela. Dahan-dahang nagtama ang kanilang mga mata. He projected as if he wants Arvin so much. Arvin showed that he really wants him but he's taken. Arvin's eyes pleaded as if he wants Philip to stay and just be with him. Philip looked at him projecting the same. Eyes are really flirty.
“Bakit?”
“Wala lang Philip.”
“Sige na. Pumasok ka na sa loob. Mukhang kanina pa galit si JD.”
“Pwede ba tayong magkita ulit Philip? I mean pwede bang mag-usap pa din tayo about satin?”
“Ha? Bakit pa Arvin? May boyfriend ka na.” pagpapakipot ni Philip.
“Gusto ko sanang humingi ng tawad at magpaliwanag sa mga bagay na nangyari satin noon.”
“Okay lang lahat. Walang problema.”
“Please? Kahit over coffee tayo magusap Philip? Pagbigyan mo ako.”
Philip sensed that Arvin sounded so honest. He gave him a look. He noticed the sadness lying in his eyes. He felt happy. Kulang pa ang sadness na nararamdaman nya. Philip promised to himself that he's going to make all of their lives a living hell.
“Please Philip?”
Philip looked at him. Natatawa nalang sya dahil nung nakita na syang gwapo ay hinabol-habol na sya. Ang mga bakla nga naman,makakita lang ng nakaumbok na chest muscles at gwapong mukha ay luluhod kaagad. Philip then grabbed his calling card and handed Arvin one. The latter looked happy. Pumasok na si Arvin sa loob ng Starbucks at bumalik si Philip sa pwesto nila ni Roj.
Philip sat next to his bestfriend. Roj's eyes were still closed. Tinignan nya ang kanyang matalik na kaibigan. Kita nya ang inis dito dahil na rin sa kunot na makikita sa noo nito. He sat beside Roj silently.
“Roj. Galit ka ba? Bakit nakakunot ang noo mo?”
“Wala lang. Siguro masama lang ang pakiramdam ko.” pagsisinungaling ni Roj
“Kanina naman masaya ka ha? Bakit ganun?”
“Hindi ko alam.”
Roj opened his eyes. Nakita nya na nakatitig sa kanya si Philip. Parang nagpapaawa at nagpapacute ang mga mata nito. Tumingin sya dito,ganun din ang isa sa kanya. Nagtama muli ang kanilang mga mata. Roj felt as if his heart was becoming so merciful nang makita nya ang pagpapacute ng kanyang pinakamatalik na kaibigan. But he's having second thoughts, naiinis sya pero di nya alam kung bakit. Ano ba talaga Roj?
Nakakainis lang. Bakit nya kailangang makipaghalikan sa harap ko? Sana man lang ginawa nilang discreet diba? Isa pa tama bang maglaplapan sa harap ng Starbucks? Ang daming tao oh! Di na namili ng lugar. Nakakairita!
Nagpakawala si Roj ng isang buntong hininga. Napatingin si Philip dito na nagtetext sa kanyang cellphone.
“Ano ba kasing problema Roj? Ano ba?”
There's a sign of exasperation sa tinig ni Philip. Napatingin si Roj,medyo natakot na magalit si Philip sa kanya.
“Wala nga Philip.” sabi nito sabay kalma
“Sabihin mo sakin Roj. Galit ka ba sakin?”
Unti-unti ng kumakalma ang naiiritang si Roj, maging si Philip. Nagpakawala ng isang buntong-hininga si Roj. Nanatiling nagaantay si Philip.
“Kamusta naman kayo ni Arvin?”
“Okay naman kami. Kasama nya yung boyfriend nya.”
“Ahh ganun ba?”
“Oo. Bakit?”
“Wala. Tapos naghalikan kayo?”
“Oo.”
Natahimik si Philip. He sensed something sa sinabi na iyon ni Roj.
Ano naman kung naghalikan kami? Ano ba Roj? Masama bang makipaghalikan sa iba? Napapaisip ako sa'yo. Di ko mawari. Nagseselos ka ba? Bakit?
“Bakit Roj? Masama ba makipaghalikan?” tanong ni Philip.
“Hindi naman.” malamig na sagot nito.
Tahimik.
“Di nga lang magandang tignan kung sa harap ng maraming tao mo ginagawa at kaharap pa yung boyfriend ng nilalandi mo.”
Natahimik si Philip sa narinig. Pinipilit umangat ng kilay nito pero tama nga at may punto si Roj.
“That's part of the game plan Roj.”
“Game plan? Kailan ka pa natuto maglaro Philip?”
Natahimik si Philip. Halata sa boses ni Roj ang inis.
“Isa pa,akala ko ba okay ka na?”
“Oo nga.”
“Eh bakit may game plan ka pa? Gaganti ka ba?”
Di na makaimik si Philip. Nawiweirduhan talaga sya sa inaasal ng kaibigan nya. Nakita nyang kumuha si Roj ng yosi at agad na pinalapa ang nguso nito sa asul na apoy ng lighter. Agad na kinuha ni Philip ang yosi sa kamay ni Roj. Roj looked bewildered. Tinapon ni Philip ang yosi sa baba. Rumehistro ang pagkairita sa mukha ni Roj.
Bago pa man bumuka ang bibig ni Roj at magsalita,inunahan na sya ni Philip.
“Ayoko ng nagyoyosi.”
Napataas ang kilay ni Roj sa narinig.
“At bakit?”
Nagbuntong-hininga si Philip.
“Dahil sinabi ko. Dahil ayoko.”
Tumitig si Roj kay Philip. Seryoso ang mukha nito.
“Yosi lang yan. Ako hindi nakikipaglandian.”
Putangina. Bakit ganito ang mga sinasabi nitong lalaki na to? Nagseselos ba sya?
“Anong problema mo Roj? Nagseselos ka ba?” Napalakas na sabi ni Philip.
Tumingin si Roj kay Philip. Iritado.
“Ako magseselos? Bakit? Syota ba kita?”
Oo nga? Ako? Magseselos? Naiirita lang ako kasi ang landi landi nya. Tama ba namang makipaglaplapan sya habang kasama nya ako? Teka! Bakit ganun? Nagseselos ba ako? Puta!
Natameme si Philip. Tumayo si Roj at inayos ang gamit.
“San ka pupunta?” tanong ni Philip.
Di nagsalita si Roj.
Agad nitong kinuha ang bag at umalis sa sofa na kanina pa nila inuupuan. Pinagmasdan ni Philip ang galaw nito. Aalis nga.
“Aalis ka?”
“Uuwi na ako.”
“Sabay na tayo.”
“Wag na. May pangtaxi ako.”
“Magusap nga tayo Roj!”
“Masama pakiramdam ko.”
Mabilis na naglakad si Roj papalayo,ilang segundo pa,nakasakay na to ng cab. Naiwan si Philip magisa sa coffee shop.
Tangna naman Roj oh. Bakit ngayon ka pa naginarte? Wala tuloy akong kasama ngayon.
Tinanaw ni Philip sila Arvin sa loob ng coffee shop. Nahuli nyang nakatingin si Arvin sa kanya. He felt great. Alam nyang kaunting landi nalang ay magiging kabit na sya ni Arvin. Naramdaman nya ang tagumpay. Pinagaralan nya ang mga galaw ni JD at Arvin,napuna nyang medyo cold o kaya naman ay nagtatampo ito sa nobyo.
Nahuli nya ulit na nakatingin si Arvin sa kanya. Ngumiti sya rito,ganun din ang isa sa kanya. Tumayo na sya sa upuan at kumindat kay Arvin. Ilang segundo pa ay binukas na ng kanyang bodyguard ang pinto ng kotse. Sumakay sya at umandar ang itim na Corolla Altis.
Payapang nakasandal ang likod ni Philip sa upuan ng kotse nang magvibrate ang phone nya.
Someone sent me a message. Who's the bitch?
Napangiti sya sa mensaheng nabasa.
“Philip. It was nice seeing you again. Nakita tayo ni JD kanina na naghahalikan,galit sya. He wants to meet you daw pero di ko alam kung bakit. Let's meet secretly. I'll call you next week.”
Then there's a smile. A triumphant smile.
Let's Rock.
To be continued....
5 comments:
ibang iba ka na talaga philip.... a sweet revenge... gusto ko ang karakter mo... isang palaban....pero ano ba yan.... si roj tyak nag seselos yun.... parang may nararamdan si roj para sa yu....
ramy from qatar
Alam naman ni Rojs ang pinagdaanan ni Philip db? So why not tell him his game plan at least alam ni Rojs na di sya seryoso its only for revenges sa pangiiwan ng mga ito sa kanya db bff naman cla. And then after the revenge. Ung kanila naman ang problemahin nila. Go Philip! Rojs, just watch and see and dont worry hes all yours at the end.
wooooohhhhh ..
anLUPET ng mga eksena ..
galing ng pagkakagawa ..
kakaexcite ng mga eksena .. tulad ng sinabi ni kuya ramy .. 'sweet revenge' ..
saktong-sakto para dito ang Rolling in the Deep ni Adele ..
you reap just what you sow ..
PAYBACK TIME .. lintik lang ang walang ganti .. *grudge ..
anyway --
kinikilig naman kay kuya Philip at Roj .. bagay na bagay sila .. ayyyiee :">
Thanks kuya Rovi --
kailn po next chap..sna po mas mblis..rtnx
-john el-
Oh my, sweet revenge ang tema. An exhilarating, but dangerous predicament. Ego-boosting but complicated. Self-serving and destructive. This will definitely turn out to be a good read. Will be eagerly waiting for the next chapter... :-)
Post a Comment