“Your fingertips across my skin, the palm tress swaying in the wind, images.”
You were trying to be calm, it's noticeable with the way you fix your hair after the wind kissed it.
“You sang me Spanish lullabies, the sweetest sadness in your eyes, clever trick.”
Mas lumakas pa ang ihip ng hangin. Patuloy ka sa pagawit ng awiting ito. Kita sa iyong ekspresyon ang kalungkutan. Ramdam ko ang lamig ng iyong tinig, maging ang lamig na nagmumula sa iyong puso ay parang punyal na patuloy na tumatarak sa aking puso. Palalim ng palalim. Padiin ng padiin.
Inayos mo ang iyong sarili. You sat in seiza. Makalipas ang ilan pang sandali ay sumalampak ka sa damuhan na kanina pa sumasalo sa iyong bigat. Pinunasan mo ang marmol na nasa iyong harapan gamit ang iyong dalang pranela. You took a deep breath. Alam kong pinipigilan mong umiyak.
“Kamusta ka na?”
Kahit anong kagustuhan kong sumigaw, alam kong di mo na rin ako maririnig.
“Bakit di mo man lang sinabi sakin lahat?” May bahid ng pagtatampo sa iyong tono.
You looked above. Nakita mo ang marahang pagsayaw ng mga puno ng cacao, waring sila'y nakikiisa sa iyong pagtangis. Nakita rin ng iyong mga mata ang pagpapalit ng bughaw na langit patungo sa isang naranjong dapit-hapon.
“You could have told me.” You sighed. “Sana man lang sinabi mo sakin lahat.”
Gustuhin ko mang sabihin sa'yo, hindi maari. Mas magiging magulo lahat at iniiwasan lang kitang mapahamak. Hinding-hindi kita mabibigyan ng normal na buhay na pinapangarap mo.
“Bakit kailangan kong malaman ngayong huli na ang lahat?”
That's the way it is. Alam kong mali, pero sa tingin ko, para na rin sa ikakabuti mo to.
“I don't want to cry. I swear, I promised myself that I'm not gonna cry. Kaya ko to.”
Napangiti ako sa narinig.
Alam mo namang ayaw kong umiiyak ka diba? Makulit ka lang talaga.
You are trying not to cry. Alam kong pinipigil mo ang pagluha gawa na rin ng iyong manaka-nakang paghikbi.
“You remember our first meeting?” pagtatanong mo. “Lagi mo nalang sinasabi sakin na ang aloof-aloof ko.”
You flashed a bittersweet smile.
“Yes. Aamin ako, at first, hindi talaga ako into you. Pero nung lumaon, nung mas nakilala kita, napatunayan kong cool ka pala.” usal mo sabay nguso.
Patuloy ako sa pakikinig sa iyong mga sentimyento. Nakakatuwang marinig lahat ng hinuha mo tungkol sa akin. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o hindi. Patuloy ka sa pagsasalita. Palihim akong nakinig sa bawat linggwaheng iyong tinuran. I was amazed with the way you spoke. Nanunuot sa aking kaluob-looban ang sinseridad ng iyong bawat salita.
“Lagi kang naiinis sa t'wing nagtatanong ako ukol sa mga bagay na gusto kong malaman.” you smiled. “Sa t'wing naalala ko kung paano mo iniiwasan ang usapan kapag attendance mo sa mga lakad ang usapan, napapangiti ako. Nakakatuwa kapag defensive ka. Ang dami mong sinasabi eh hindi naman ako nagtatanong ng husto.” You laughed.
Nakaramdam ako ng kurot sa aking puso. I frowned.
If I were just available at hindi ako committed sa mga responsibilidad ko sa aking trabaho malamang ay lagi akong present sa mga biglaang lakad natin ng ating mga kaklase.
“Para kang ilaw, patay-sindi. Minsan nasa nayon ka, minsan wala. Kapag dumadaan ako sa bahay nyo at sinisilip kung nandoon ka, napapasimangot nalang ako kapag walang ilaw sa kwarto mo.”
Nilabas mo ang iyong kulay-abong panyo. Marahan mong inilapat ito sa gilid ng iyong mata. Hindi ko napuna ang pamumuo ng luha rito.
“Noon, noong hindi ko pa alam, hindi ko naiintindihan. Ngayong alam ko na lahat, naiintindihan ko na ang mga pagliban mo.” muling nagseryoso ang iyong tono
Salamat sa pang-unawa. Maraming maraming salamat.
“Pero alam mo, humingi ako ng sign kay God.” wika mong parang batang nagkukwento “Sabi ko sa kanya, kapag nakita kita sa may Plaza na nakasuot ng damit na pang ROTC, ikaw na nga ang inaantay ko. Malamang nga ikaw ang gusto kong makasama habangbuhay.”
Nasaksihan ko ang pagtulo ng iyong mga luha habang sinasabi mo ang mga bagay na iyon. Naramdaman ko ang marahang pagdurog ng aking puso.
I so remember that. Nagulat nga ako noon nung nakipagkita ka sa akin pagkatapos ng aming drill sa school. We were asked to wear fatigue at combat shoes. Hindi ko alam na yun pala yung hinihinigi mong sign. And I wonder why mahilig ka sa signs. It's a bit unusual.
“So ayun nga, nakita kitang nakaganung outfit. I hid my feelings. I was actually overwhelmed. Alam ko, from that moment, na ikaw na nga.”
I saw you flashing a bittersweet smile.
I wanted to hug you but I couldn't. I wanted to feel your warmth. I wanted to feel your heart beating.
“Lumipas ang ilang taon, nagkawalay tayo dahil napadpad ka na ng ibang lugar. I never knew where that place was. Namimiss kita, pero tinatago ko. Hindi ako dapat nagdedemand kasi alam kong dapat kanya-kanya pa rin tayo kahit alam kong tinatangi natin ang isa't-isa.” You took a deep breath. “I know we should value individuality. We have our own priorities. Masaya ako dahil at the end of the day, meron akong special someone na nandyan lang para sa akin.” You smiled.
That was heartfelt. Nanatili ako sa aking kinaroroonan. Nakikinig ako sa bawat salitang sinasabi mo.
“Recently, nagulat nalang ako ng may mareceive akong package sa bahay.” Napangiti ka. “I was surprised nung makita kong galing sayo. I opened it and to my surprise, nakita ko yung sapatos na gusto kong bilhin nung magkasama tayo.” Muli, ikaw ay tumitig sa kawalan. “Sa ilalim ng sapatos ay nakita ko ang isang round-trip ticket patungo sa destinasyong iyong kinaroroonan.
Maging ako ay ayaw umiyak sa aking mga naririnig.
“Inayos ko agad ang mga dapat kong ayusin. I filed a leave sa office para makasama ka. Hindi ko talaga maitago ang galak sa aking sarili. Makikita na kita ulit at mahahalikan. Makakasama na kita.”
I smiled.
“Dumating na ang araw ng flight ko. Nakarating ako sa Cebu at pumunta ako sa hotel na napagusapan natin.”
I kept on listening. Alam kong alam ko na ang nangyari.
“Lumipas ang ilang oras ng ating usapan. Walang “Ikaw” na nagparamdam.”
Nagsimula ng magcrack ang iyong boses.
“I waited for hours. Wala kahit ang anino mo.”
Bumuhos na ang mga luhang kanina mo pa iniipon.
“Natulog akong mag-isa sa hotel. Umasa ako na darating ka but you never did. Aminado akong sobrang sakit nung mga panahon na yon. Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ko alam kung magaalala ba ako o magagalit. Hindi ko din alam kung ano ba talagang nangyari sayo. I honestly didn't know how to feel.”
Tahimik. Patuloy ang mga langay-langayan sa pagbaybay sa malawak na naranjong kalangitan.
“Umuwi na ako kinabukasan, wala kahit saglit ang anino mo. Paulit-ulit akong tumawag at nagtext sayo. Wala kahit isang sagot.”
Sorry. Di ko sinasadya ang mga nangyari.
“Makalipas ang isang linggo, hindi na ako nakatanggap ng tawag sayo. Ni text wala, siguro nahiya ka na sa panggagagong ginawa mo sa akin. Honestly, you disrespected my time.”
I tried wrapping my arms around you. Wala. Hindi maaari.
“Hindi ko alam kung anong naisipan ko, pero pumunta ako sa bahay nyo na ilang bayan lang ang layo mula sa amin.” Napahinto ka. “Nagulat ako nang makita kong sobrang daming tao. Di ko mawari kung anong nangyayari nang mga panahong yon. Pero sobrang daming tao.”
Sumasama sa hangin ang marahan mong paghikbi.
“Pumasok ako sa loob at napagalaman kong may namatay. Bakas sa mukha ng iyong pamilya ang lungkot. Tinanong ko sa kanila kung sino ang namatay.” Mas lumakas ang iyong hikbi. “Naiyak nalang ako nung sinabi nilang ikaw. Lumapit ako sa iyong kabaong, nakita ko ang mapa ng Pilipinas na nakabalot dito. Napatingin ako sa kapatid mo, inamin nya sa akin na isa kang sundalo.”
Pagkasabi mo ng salitang “sundalo” ay bigla nalang bumuhos ang luha sa iyong mga mata.
Hindi ko sinabi sayo kasi alam kong magaalala ka lagi. Ayaw kong isipin mo na lagi akong nasa panganib. Ayaw ko ng lagi kang nagaalala.
“Isa ka daw sa mga pinasabak sa bakbakan sa isang spot na pinaniniwalaang pugad ng mga NPA. Sa kasawiang-palad, hindi ka nakaligtas sa engkwentro.”
Alam mo ba ang dahilan kung bakit kita pinapunta kung nasaan ako noon?
“Pauwi na sana ako nang may biglang inabot sa akin ang kapatid mo. Isa itong kahon. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang singsing.” Muli kang lumuha. “Nabanggit sa akin ng kapatid mo na nakwento mo daw na aayain mo na akong magpakasal nang mga oras na yon at iyon daw ang dahilan kung bakit mo ako binigyan ng tickets para makapagkita tayo.” Nang marinig ko yon, hindi ko na napigilan, bumuhos na lahat ng bigat sa dibdib ko.” Pinahid mo ang iyong luha. “Bakit ba kasi di mo sinabi agad?”
Hindi ko kayang sabihin sayo. Hindi ko kaya.
Inilabas mo ang kahon na aking ibibigay sana sayo.
“Tignan mo, isusuot ko na yung singsing na ibibigay mo sana sakin. Pakinggan mo kung anong isasagot ko sa itatanong mo.”
Will you marry me?
“Yes. Yes, pumapayag ako na magpakasal sayo.” umiiyak mong sabi.
At tumulo ang ating mga luha. Mga luhang nanghihinayang. Mga pusong patuloy na nagaantay. Mga taong patuloy na umaasa.
At patuloy na tumugtog ang Spanish Lullaby sa ating mga isipan.
Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit.
W A K A S
2 comments:
i love it sir rovi ^w^
Kuya, hobby mo ba ang mag paiyak?
T_T
~frostking
Post a Comment