Note:Sorry at late ang posting. Hehehe. Alam nyo naman na busy ang lola nyo sa work and stuff. Promise, kapag di na ako busy at may free time, maguupdate ako ng bongga. Nakakamiss magsulat ng short stories at novels ha? Haha! Salamat sa mga nagcomment nung last update ko, ang sisipag nyo at sana wag kayong magsawa po. Enjoy reading chapter 9. :)
S.I.Y.A.M.
Nakita nya
ang naglalagablab na kisame. Hindi nya na matukoy kung ano ang
uunahin nyang gawin.
“Suunnooooggg!”
Arvin was gasping for air. Makapal ang
usok sa loob ng factory. Maging ang opisina nya na nasa dulo ay
inabot na rin ng apoy. Kahit hirap na sa paghinga, pinilit pa rin
nyang hanapin ang fire extinguisher na alam nya ay nakakalat lamang
sa loob.
“Sunnnooooooggg! Sunnoooooggg!
Tulungan nyo ako! Mamamatay ako rito!” patuloy nyang pagsigaw.
Mabilis nyang nakita ang fire
extinguisher. He instantly pulled the pin on the valve at tinapat ang
nozzle sa apoy na kumakain sa kisame at pinto ng kanyang
kinalalagyan. Ramdam nya ang lakas ng buga ng extinguisher. Kahit
papaano nakaramdam sya ng pagasa ng makita nyang nawala ang apoy.
Binitiwan nya ang pamatay sunog na iyon at mabilis tumakbo sa water
dispenser. Inangat nya ang galon mula rito at binasa nya ang kanyang
sarili. Ginamit nya ang kanyang natutunan sa isang seminar ukol sa
fire prevention. Matapos nyang basain ang kanyang sarili, muli nyang
binalikan ang iniwang extinguisher. Kinuha nya ito at tinungo ang
pinto. The door was hot. He used his strength to kick it. Isang sipa
lang nya ay mabilis na itong bumuwal.
Nakaramdam ng hilam ang kanyang mga
mata dahil sa kapal ng usok na sumalubong sa kanya. Nakita nya ang
kanilang factory na naglalagablab. Lahat ng kanilang mga produktong
papel ay naging abo na. Lahat ng mga makinarya at nilalamon na ng
galit na pula. Naramdaman nya ang panglalambot ng kanyang tuhod.
Hindi pa ako pwedeng mamatay! Hindi
pa ako pwedeng mawala!
Nakarinig sya ng
malakas na ingay na nagmumula sa labas.
Sirena? Sirena? Wangwang! May
bumbero!
Nakaramdam sya ng
pagasa.
“Tullloooonnnnggg!
May tao sa loob! Tulunngaaan nyo akooo!”
Muli, sya ay
napaubo dahil sa usok.
Hinanap nya ang
daan. Binomba nya ng tubig ang lahat ng makikita nya.
May bumbero! Maililigtas na ako!
Maililigtas na ako!
Naging mas malakas ang kabog ng kanyang
dibdib.
JD was
comfortably watching a movie at home. Wala syang kaide-ideya sa
nangyayari sa kanyang kabiyak. Patuloy sya sa pagngasab ng crispy
pata na kanyang pinadeliver.
He kept on giggling
sa kanyang pinapanuod. For some strange reasons, bigla syang
napatitig sa kalendaryo. It was too late then when he saw the date
and realized it's actually their anniversary.
How come nakalimutan ko? Kaya pala
ang sweet nya sakin kanina. He must have been waiting me to greet
him.
He grabbed his
phone and dialled Arvin's number.
Nakailang ulit
itong nagring pero walang sumasagot.
Nagtatampo kaya ito? Wag naman sana.
Nalungkot sya.
Na-gulity sya dahil alam nya at ramdam nya na inaantay lang sya
nitong batiin sya. He then realized na marami na rin syang
pagkukulang dito. Muli nyang di-nial ang numero. Wala pa ring
sumasagot.
Okay. I'll just prepare something
for him kahit alam kong malelate na sya ng uwi.
He frowned. Gusto
nyang bumawi. Gusto nyang maibalik ang dati. He knows that they have
both matured in their relationship. He wants to be extra-sweet this
time.
I love you Arvin. I really do.
He dialled the
number. No answer.
Fine. I'll cook you something.
Surprise!
There was hope in
his heart. This night, this anniversary, will be a special one.
Tumayo sya at agad
na tinungo ang kusina. Naghagilap sa cabinet ng pwedeng lutuin.
Nakita ang linguine.
Ahhh! Pasta!
Matagal na syang di
nakakapagluto. At susubukan nya ito muli.
Hinanda nya ang
kanyang mga kasangkapan.
Dalisay
was very bored that night. Binuksan nya ang TV, isa sa mga bagay na
hindi nya ginagawa kadalasan.
I must be very bored. Ayaw ko ng mga
programa sa TV, yet, nanunuod ako ngayon.
She started looking
for good programs. She almost lost her patience but alas! Dora the
explorer on Nickolodeon saved her day.
Come on Dora! Entertain Mama
Dalisay! Negrita ka!
She was enjoying
Dora's trip when she heard her phone yelling “Super Bass”.
“Boy
you've got my heart beat running away.”
“Keme!”
Sigaw nya sa kanyang umiiyak na cellphone.
Ang kikay pala ng ringtone ko no?
Sabi nya sa kanyang sarili.
“Hello?”
sagot nya
“Hello
Mama D!”
“Ohh,
Dennis! Ikaw pala yan, kamusta ka na?” masiglang bati nito.
“Ayos
naman po. Kayo po?”
“Eto,
bakla pa rin, walang bago, ikaw, straight ka na ba?” pabiro nitong
sagot.
Tumawa si Dennis sa
kabilang linya.
“Nanunuod
po ba kayo ng balita?” biglang seryosong tanong ni Dennis
Dalisay felt
alarmed.
“Bakit?
Anong meron? Kung tungkol yan sa mga hirit ni Miriam Santiago, or
yung umbagan ni Claudine at Tulfo sa airport, or yung Laban ni
Pacquaio, wiz ako careline.” pabiro nitong sagot.
“Ikaw
talaga Ms.D.”
“Vaket
ba? Anik ba ang mga chenelyn today?”
Nanahimik si
Dennis. Halatang hindi naintindihan ang sinabi niya.
“Ahh
I mean, ano ba ang nasa balita ngayon?”
“Ahhh
yun pala yun.”
“Lowka
ka..”
“Nasusunog
pa rin hanggang ngayon yung factory ni Arvin at JD. Nabroadcast sa
news.”
Tumapon ang kilay
ni Dalisay sa kisame.
“Hu-wat?”
“Nagulat
nga rin po ako actually.”
“Hansave
ni Philip? Nakausap mo na ba? Tiyak akong maloloka yung kapag
nagkataon.”
Tahimik.
“At
teka? Bakit nasunog?” dagdag ni Dalisay.
“According
po sa balita, hindi pa rin po alam. Pero suspetsa po ay may faulty
wiring daw po.”
Napaisip si
Dalisay.
“Faulty
wiring?”
“Opo.”
“Faulty
wiring? Ano yun?”
“Ahhh-”
“Chos.
Gaga alam ko yun. Ako pa. Intelligence kaya ako. Pero paano? For
sure, konting spark nyan apoy agad. At malamang tustado yan kasi nga
puro papel ang laman ng factory.”
“Oo
nga po eh. Pero hindi po yan ang catch, Mama D.”
Napalunok si
Dalisay.
Tama ba ang nasa isip ko?
“Ano
yun Dennis? Tama ba ang nasa isip ko?”
“Hindi
ko po alam kung pareho tayo ng iniisip.”
Napabuntong-hininga
si Dalisay.
“Pero
ayon po sa mga nainterview na tauhan sa factory, hindi daw po nila
sigurado kung nakauwi na yung boss nila. Ang alam daw kasi nila eh
magoovertime ang boss nila.”
“Meaning?
Si Arvin?”
“Tumpak.”
Napapalatak si
Dalisay.
“Tustadong
Bakla kapag nagkataon.”
“Sana
nga po ligtas sya.”
“Sana
nga.”
Muli,
napabuntong-hininga si Dalisay.
Sana lang ay di tama ang nasa utak
ko. Sana lang talaga.
“At
teka lang Dennis? Alam na ba ni JD?”
“Yun
lang po ang hindi ko alam.”
Naputol ang tawag.
Low-batt ang phone ni Dalisay.
“Hello?”
“Hello.
Kamusta?”
Nagtaka si JD
pagkat di nya kilala ang tinig.
“Si-sino
ka?”
“Hindi
na mahalaga kung sino ako. Gusto ko lang malaman mo, na ang factory
na pinaghirapan nyong itayo ni Arvin ay kasalukuyang nilalamon ng
apoy.”
Napalunok si JD.
“Ano?!”
pasigaw nitong sagot.
“Hindi
ka ba nakakaintindi ng tagalog? I said, the factory is burning. As in
burning. B.u.r.n.i.n.g!”
At biglang
humalakhak ang lalaki sa kabilang linya.
“Putang-ina
mo! Tang-ina ka! Hayop!”
Patuloy ang
paghalakhak ng lalaki sa kabilang linya.
Nakaramdam si JD ng
paninikip ng dibdib. Hindi sya makahinga. He tried to grasp for air.
Napaluhod syang bigla. Sobrang bilis ng kanyang pulso, maging ang
kanyang puso ang gumagalabog.
“Nasusunog
ang factory.”
“Sino
ka!”
“Di
na mahalaga yun. Ahhh sandali! Isa pa pala, nandun din si Arvin sa
factory. By now, abo na rin siguro sya.”
Lumakas pa ang
halakhak ng lalaki sa kabilang linya.
Mas nanikip ang
dibdib ni JD. Nakaramdam sya ng kakaiba. Biglang nagdilim ang
paligid. Kinain sya ng kadiliman.
I T U T U L O Y
. . .
3 comments:
ang kulet ng Role Ni Mama dito XD hahahaha dami ko tawa mga 1000
tostado ang isa, inatake ang isa, kmusta naman un?
at kmusta c dora? ntanong nb nia kung anu fave part ni ms.d? lolz
bt d pa ndugtungan ung latigo part? wiw
peo ndi un ang inaabangan q d2 wah, ndi tlaga un, pramis! :))
I love Mama Dalisay! I adore the catty remarks. Haha! :-D More story development please on the next installment. Ciao! ;-)
Post a Comment