Sorry po sa sobrang delay. Mag-aupdate na po ako regularly mula ngayon dahil may internet na sa bahay. Hehehe. Pasensya na po talaga sa mga naghihintay sa update ng KAHIT SANDALI. Pero eto na po. Ang next Chapter po ay paki-abangan nalang po. Baka sa Sabado po ay posted na rin. Maraming salamat sa paghihintay.
Jhay
http://27thofjuly.blogspot.com/
Matapos ang lahat ng gawain sa opisina ay agad akong dumiretso sa paaralan ni Jake para sunduin ito at para matupad ko na rin ang pangako ko rito.
Jhay
http://27thofjuly.blogspot.com/
***************************************************************
Matapos ang lahat ng gawain sa opisina ay agad akong dumiretso sa paaralan ni Jake para sunduin ito at para matupad ko na rin ang pangako ko rito.
Eksaktong
dismissal nang dumating ako. Nakita ko si Jake na masayang
nakikipagtawanan at nakikipaglaro sa mga kaibigan at kaklase nito.
Napangiti ako, dahil sa improvement nito mula nang maaksidente ito.
"Jake, anak.", tawag ko rito mula sa gate ng paaralan.
"Daddy!!",
excited na sigaw nito at saka tumakbo patungo sa direksyon ko. Nang
marating ang kinaroroonan ko ay agad itong yumakap.
"Are you ready anak?", tanong ko rito.
"Opo Daddy."
"Tara na."
"Wait lang po Daddy, di ba po sabi ko may isasama po tayo ngayon?"
"Oo nga pala. Eh, sino ba 'tong isasama natin anak?"
"Si teacher po."
"Eh alam ba ng teacher mo anak na sasama siya ngayon?"
"Opo. Sinabi ko po kanina."
"Ok, sige, hintayin natin si teacher mo.", sagot ko rito at binigyan ito ng ngiti.
May limang minuto rin kaming nag-antay sa teacher ni Jake. Maya-maya ay may kumatok sa bintana ng sasakyan. Laking gulat ko nang makita kung sino ang taong kumatok. It was Byron!
Agad namang pinagbuksan ng pinto ni Jake si Byron.
"Pasok po kayo Sir. Sir si Daddy ko po."
Halata sa mukha ni Byron ang pagkagulat nang makita ako.
"Sir? Sir Imperial?", tanong nitong tila ba naninigurado kung tao ba talaga ang kaharap niya ngayon.
"Yes, Mr. Dela Cruz, ako nga ito.",sagot ko rito.
"Magkakilala po kayo Daddy?", maang na tanong ni Jake.
"Ah, oo anak, nagpunta siya sa kompanya 2 weeks ago.", sagot ko rito. "So, shall we go?", baling ko naman kay Byron.
"Ah, eh, opo.", kamot-kamot ang ulo na sagot nito.
Habang nasa biyahe patungong mall ay walang pag-uusap na nangyari sa pagitan namin ni Byron. Tanging sila ni Jake ang naglalaro at naghaharutan sa loob ng kotse. Natutuwa akong pagmasdan ang dalawa. Hindi rin maiwasang maisip kong muli si Eric dahil na rin sa kaunting pagkakahawig ni Byron rito.
Mabilis naming narating ang mall kung saan namin napagkasunduang mag-bonding ni Jake. Napagdesisyunan naming kumain na muna bago mag-ikot ikot para may laman naman ang aming mga tiyan. Tutal ay mag-gagabi na rin naman.
"Saan mo gustong kumain anak?", tanong ko kay Jake.
"Sa Jollibee po Daddy.", masayang sagot nito.
"Sige sige, sa Jollibee tayo.", sagot ko rito. "Okay lang ba sa inyo?", baling ko naman kay Byron at Mang Tonying na siyang driver namin. Sabay naman tumango ang dalawa.
Hindi matao ang Jollibee nang araw nang makarating kami, kung kaya naman madali kaming nakahanap ng mauupuan at nakapag-order ng pagkain. Nang makatapos na ang lahat kumain ay nagmamadaling mag-ikot si Jake kung kaya naman pinauna ko na silang dalawa ni Mang Tonying.
Naiwan naman kaming dalawa ni Byron na naglalakad di kalayuan sa likuran nila Jake.
"He's a really good kid Sir.", si Byron.
"Uhm, thank you. Please call me 'Al', hindi naman nagkakalayo ang mga edad natin. Masyadong pormal.", I said with a smile.
Ngumiti ito. He looked good. Gwapo ito. Sa suot nitong white shoulder sleeved polo ay mas makisig itong tingnan kaysa noong panahong nag-audition ito.
"Ahh, eh hindi po ba nakakahiya?", tanong nitong parang bata.
"Haha. Hindi naman. Mas nakakahiya sa parte ko kung lagi mo akong tinatawag na Sir. Baka isipin ng mga tao na ang tanda tanda ko na. And please, drop the 'po' and 'opo'."
Napatawa naman ito.
"Opo Sir. I - I mean, si - sige Al.", may pag-aalangan nitong sabi.
"Masasanay ka rin."
"By the way, drop by the office tomorrow afternoon. You'll be having your contract signing."
"Talaga?"
"Ayaw mo?", nakangiti kong tugon rito.
"Syempre po, gusto. Gustong-gusto.", sabi nitong parang bata. Ngumiti ito. Halata sa mukha nito ang excitement.
Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko kay Byron. Marahil ay dahil na rin sa likas itong mabait.
Natapos ang pamimili namin ni Jake at nagkayayaan nang umuwi. Habang nasa byahe ay nakatulog si Jake. Nasa daan kami patungo sa tinutuluyang apartment ni Byron. Ayaw sana nitong pahatid ngunit ako na mismo ang nagpumilit. Paano kasi'y andaming pinamiling gamit ni Jake at hindi na namin nakayanan ni Mang Tonying ang magbuhat sa mga ito.
"Maraming salamat nga pala.", basag ko sa katahimikan.
"Wala iyon.", sagot nito. "Nag-enjoy naman ako.", dagdag pa nito.
Ngumiti naman ako.
"Ah, Mang Tonying, dyan nalang po sa kanto ako bababa."
"Ah eh sige.", si Mang Tonying.
"Ayan ba ang apartment mo Byron?", tanong ko rito.
"Ah, eh. O-opo.", kamot-kamot na naman ang ulo na sagot nito.
"Oh, bakit ganyan ang ekspresyon mo?"
"Ah, eh, nakakahiya po kasi. Ang liit ng apartment ko."
"Kutusan kaya kita? Anong ikinakahiya mo? Marangal ang trabaho mo, mabuti kang tao, dapat ay hindi mo ito ikinakahiya. Kahit ganyan lang ang apartment mo, pinaghirapan mo pa rin iyan. And stop it with the 'po' at 'opo'. Sabi ko naman sa'yo di ba?"
Ngumiti ito bago sumagot.
"Maraming salamat talaga.", sabi nito bago bumaba ng kotse.
"Walang anuman.", sagot ko rito.
"Mag-iingat kayo. G - Goodnight na rin Al."
"Ikaw rin.", sabi ko saka nito isinara ang pintuan.
Nang makarating kami sa bahay ay kinarga ko si Jake patungo sa kwarto nito. Hinalikan ito sa noo at saka dumiretso na rin sa kwarto ko. Bago matulog ay naligo pa ako at nang matapos ay tuluyan nang nahiga.
"Today was a great day.", naisip ko saka tuluyang nakatulog.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*
Kinabukasan, gaya ng napag-usapan ay pumunta sa opisina si Byron.
"Ang
aga mo naman yata.", sabi ko rito nang makita ko itong naghihintay sa
lobby ng building. "Wala ka bang klase ngayon?", dagdag ko pa.
Ngumiti naman ito.
"Ah,
wala eh. I submitted my resignation letter kaninang umaga. They were
hesitant to let me go pero hindi rin naman nila ako sinubukang pigilan."
"I'm sorry to take you away from them."
"Ayos lang po 'yon. Desisyon ko rin naman po 'to eh."
"Again with the 'po' and 'opo'. Isa pa at talagang babatukan kita.", sabi ko rito saka tumawa.
Tumawa nalang rin ito.
Mula
sa contract signing ay naging mabilis ang takbo ng career ni Byron.
Sumikat ito. Napapatugtog na rin ang mga kanta nito sa mga radyo at
nag-geguesting na rin ito sa iba't ibang mga events. Sa panahong iyon ay
naging close kami sa isa't-isa. Hindi lang bilang manager at client
ngunit naging matalik kaming magkaibigan.
Paminsan
minsan ay dumadalaw ito sa bahay. Minsan nakikipaglaro kay Jake. Minsan
nga eh ito pa ang nagluluto.Hinayaan ko lang ito sapagkat wala rin
namang masama sa ginagawa niya. Kilala na rin ito ni Gina at malapit na
rin ang mga ito sa isa't-isa.
Isang araw, napagkasunduan naming tatlo na mag-inuman sa bahay.
"We
should celebrate!", si Gina. "I mean, your album has been a success and
now, may offer ka na galing sa pinakamalaking station sa bansa to have
your own show."
"Eh
hindi naman big deal yun. Saka hindi pa naman din ako nagdedecide kung
tatanggapin ko ba yung offer o hindi nalang." si Byron.
"Why not? You pretty much deserve it.", si Gina ulit.
"Nah, hindi rin naman maisasakatuparan tong mga nangyayari sa kin kung di dahil dyan sa kaibigan mo eh."
"Sa tingin ko tama si Gina, we should celebrate this Byron." sabat ko naman. "You also need a break. You've been too busy this month.
Napabuntung-hininga ito.
"O sige. Sabi mo eh.", sabi nito saka ngumiti ng pagkatamis tamis.
"Uy, kayo ha, napapansin ko lang. Lately, iba na ang mga ngiti nyo sa isa't-isa. Bromance na ba --"
Hindi na nagawang tapusin ni Gina ang sasabihin nito dahil sa dinawa kong pagbatok rito na ikinatawa naman ni Byron.
"Aray ko naman! Bakit mo naman ako binatukan ha?!", baling ni Gina sa akin.
"Masyado na kasing madumi ang lumalabas dyan sa bunganga mo.", pang-aasar ko pa rito.
Nagkatawanan nalang kami.
Natapos
ang inuman nang magpaalam nang umalis si Gina. Medyo tinatamaan na raw
kasi siya at magda-drive pa ito pauwi. Maghahating-gabi na rin iyon.
Nang
makaalis si Gina ay inumpisahan ko nang ligpitin ang mga pinag-inuman
namin. Tinulungan naman ako ni Byron. Nang matapos ay nagprisenta akong
ihatid na si Byron sa bahay na naipundar nito.
"Ihahatid na kita sa inyo Ron.", sabi ko.
"Ahh, hindi na. Matulog ka nalang. Magta-taxi nalang ako.", tanggi nito.
"Alam
mong mahirap kumuha ng taxi rito sa lugar namin, lalo pa at hatinggabi
na. Isa pa, you had too much to drink. Baka mapano ka pabalik dito."
"I can handle my alcohol. But since you insist, fine, sleep here."
"What?"
"Sabi ko, dito ka nalang magpalipas ng gabi. Tutal wala namang trabaho bukas."
"Sigurado ka?"
"Hindi ka rin makulit eh no?", balik ko rito saka ngumiti.
Ngumiti naman din ito saka bumalik papasok sa bahay.
"Doon
ka sa guest room na katabi ng kwarto ko matulog. Mauna ka na sa taas at
magla-lock lang ako at saka dadalhan nalang rin kita ng damit at
tuwalya.
"Yes boss!", sagot nito saka tumalima paakyat sa kwarto.
Nang
maka-akyat si Byron ay tiningnan ko kung nakalock ba ang lahat ng
pintuan at bintana sa baba saka sumunod rito. Ikinuha ko siya ng damit
at tuwalya sa kwarto at dinala sa guest room. Ngunit pagpasok ko roon ay
tulog na ito at nakahiga sa kama.
"Tch! Tingnan mo nga naman. Ambilis makatulog.", napailing nalang ako at ipinatong ang damit at tuwalya sa bedside table.
Akmang
tatalikod na ako upang lumabas ng kwarto nang biglang hilahin nito ang
braso ko dahilan upang matumba ako rito. Babangon sana ako ngunit
iniyakap na niya ang kabilang braso sa katawan ko. Magsasalita na sana
ako ngunit naunahan ako nito.
"Stay still.", sabi nito. "Dito ka muna sandali."
Agad akong pinamulahan sa sinabi niya.
"A-ano bang nangyayari sa'yo? Wui. Bitawan mo nga ako.", sabi ko naman.
Agad naman itong bumitaw. Mabilis akong tumayo at inayos ang sarili ko.
"Andami mong kalokohan!", sabi ko.
Pero
nginitian lang nito ang sinabi ko dahilan upang muling mag-init ang
tenga ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto ko.
"Ano bang nangyayari sa 'kin? Bakit ganito ang nararamdaman ko?"
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment