Wednesday, May 9, 2012

I Don't Wanna Be Your Friend: Stanza 5




Pasensya na po sa mga naghihintay nito, sobrang natagalan ang  update, mag-iisang taon na yata. Pasensya na po talaga.

Jhay






________________________________________________________________________

            Nagulat ako nang makilala kung sino ang babaeng bumaba mula sa pulang kotseng dala ni Jason. Hindi ako makapaniwalang nandito ang babaeng yun. Ang babaeng nagnakaw nag una kong halik. Si Michelle. Nang lingunin ko si Matt ay nakita kong sumilay mula sa mga labi nito ang isang malawak na ngiti. Halata sa ekspresyon ng mukha nitong masaya siyang muling nakita ang kanyang nakatatandang kapatid. Hindi ko siya masisisi. It’s been four three years since we last saw her. Ni anino ni Michelle, hindi naming nasilayan. Kaya nga laking gulat nalang namin ang makita ito ngayon. Parang daga lang na pasulpot-sulpot.


            Ngunit lingid sa kaalaman ng barkada ang nangyaring kissing scene sa pagitan namin ng ate ni Matt. It was his birthday party sa bahay nila. I was drunk back then. Nakatulog ako sa sobrang kalasingan at nang magising ako ay nakita kong tulog na rin ang tatlo. Dahil sa pagkauhaw, bumangon ako at kumuha ng tubig sa baba. Alam ko na ang bawat suok ng bahay nina Matt noon pa man. Halos kada sabado ba naman ay doon kami tumatambay mula nang tumuntong kaming ikalawang taon sa kolehiyo eh. Nang makainom ng tubig mula sa dispenser ay nawala ang antok ko kung kaya’t naisipan kong magpahangin muna sa terrace. Hindi ko naman inaasahang nandun rin pala si Michelle.


            “Gising ka pa pala.”, pagtawag ko sa atensyon nito.


            “Gagi! Kakagulat ka ha! Balak mo kong patayin sa sarili kong bahay?!”, eksaherada nitong banat sa akin. Napangiti nalang ako.


            “Eh ikaw, ba’t gising ka pa?”, balik tanong niya sakin.


            “Nagising ako dahil sa uhaw eh. Pag-inom ko ng tubig, ayun nawala ang antok.”, paliwanag ko naman.


            “Ang haba naman ng paliwanag ha.”


            Natahimik ako. Tiningnan ko lang siya.


            “So bakit nga ba gising ka pa?”, pagbasag ko ng katahimikang namuo sa pagitan namin.


            Napabuntong-hininga ito.


            Naghintay akong magsalita ito.


            “Naranasan mo na bang magmahal?”, tanong nito sakin.


            Hindi ako umimik. Ang totoo niyan ay hindi pa ako nagmahal kahit minsan. Wala akong experience kahit sa ligawan man lang.


            “Kasi ako, nagmahal ako ng sobra pero ayun, iniwan pa rin ako. Sumama dun sa babae niyang mukhang paa naman.”, pagpapatuloy nitong hindi na hinitay ang sagot ko.


            Nakita kong tumulo ang mga luha nito sa tulong na rin ng ilaw na nagmumula sa buwan at sa lampshade na nakadikit malapit sa pintuan ng terrace.


            Nilapitan ko ito at niyakap.Napahagulgol ito.


            Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan nitong sakit pero nakikita ko base na rin sa ekspresyon ng mukha nitong mabigat ang kanyang dinadala. Sa tingin ko nga rin ay wala pa siyang nasasabihan o nakakausap man lang tungkol sa kanyang sitwasyon.


            Hinagod – hagod ko ang kanyang likod at hinayaan lang siyang ilabas ang lahat ng hinanakit na kanyang tinatago maging kay Matt.


            Nang tumigil ito ay napatingin ito sakin.


            “Salamat sa pagdamay ha.”, sabi nitong garagal ang boses.


            Hindi talaga ako sanay na nakikita siyang seryoso at nasasaktan. Sa t’wing magkikita kasi kami nito, puro pambabara lang ang ginagawa sa aming magbabarkada. Taklesa nga eh. Pero nang mga panahong iyon, nakita ko ang pagiging babae niya. Tama, babae lang siya after all.


            Hindi ko namalayan ang unti – unting paglapit ng kanyang mukha sa akin. Nagulat nalang ako nang maramdaman ang paglapat ng aming mga labi.


            The kiss was sweet. Her lips were soft and sweet. It was tempting. Kung kaya naman hindi ko naiwasan ang gumanti ng halik dito. The kiss went deeper at kung wala ako sa tamang katinuan, maaring mas lumalim at maaring iba ang kahantungan nito. She was vulnerable and I’m only a man. Ngunit nang maramdaman kong nagiging mapusok na ito ay agad akong humilawalay at tumigil.


            “Let’s not do this.”, marahan kong sabi sa kanya.


            Nagbalik naman ang malay-tao niya at bigla yatang nahiya sa ginawa.


            “Hey, it’s ok.”, sabi ko. “Let’s just keep this between us. Okay?”


            Tumango ito at pinahid ang luha.


            “S-sige, m-mauna na ako sa’yo.”, sabi nito kapagkuwan.


            Isang batok ang nagpabalik sa’kin sa katinuan.


            “Araykup! Bakit mo naman ako binatukan?”, inis kong tanong kay Matt.


            “Eh kasi po, ka pa nag-iimagine dyan.”, sabi nito. “Tara, salubungin natin ang taklesa.”, pagpapatuloy nito saka binitiwan ang isang mapang-akit na ngiti.


            Naglakad na ito patungo sa pintuan ng resto. Iiling – iling nalang akong sumunod rito.


            “Ate!”, excited na tawag ni Matt kay Michelle sabay yakap rito.


            “Anu ba?! Kararating ko palang papatayin mo na ako sa higpit ng yakap mo sa’kin!”, reklamo nito. Dahilan para bumitaw sa pagkakayakap si Matt rito.


            “Hindi pa rin talaga nagbabago ang tabas ng dila mo no?”, singit ko naman na inirapan lang nito.


            “Antagal mong hindi nagpakita ahh. Saan ka ba nagsususuot at hindi ka naming mahagilap nina Mama.”, si Matt.


            “I’ve been to Korea li’l bro. Nagbakasyon lang.”


            “Bakasyon ba ‘yun eh tatlong taon kang nawala? Saan ka naman kumuha ng panggastos mo dun eh balita ko hindi ka humuhingi kila Mama?”


            “I have my ways.”, sabi nito pagkatapos ay ngumisi.


            “Nakakatakot naman.”, sabad ni Alex.


            “Excuse me, was I talking to you?”, pambabara ni Michelle sabay taas ng kilay nito.


            Nakita naming nalukot ang mukha ni Alex. Dahilan para magkatawanan kami. Sa aming apat kasi, ito ang pinakapikon. Maliban nalang ‘pag kami lang ang nang-aasar. Na-immune na yata sa amin.


            “O siya, siya, can we please take our seats and eat while we catch up, medyo gutom na rin kasi ako eh. This time, it’s my treat.”, si Jason na nakatawa pa rin.


            Bumalik kami sa table na ipinareserve naming. Magakatabi kami ni Matt habang si Jason at Michell naman ang kaharap namin. Si Alex naman ay sinadyang humiwalay kay Michelle at pumuwesto sa kaliwa ni Jason. Tinawag na ni Matt ang waiter at umorder na kaming lima.


            Isang Steak ala Pobre and inorder ni Jason. US Prime Rib naman ang kay Alex, habang si Michelle ay umorder nalang ng Beef Caldereta dahil namiss niya raw ang lutong pinoy. Si Matt naman ay umorder ng Pork Tenderloins habang ako ay Chop Seuy ang inorder

.
            “Gusto niyo po ba ng dessert along sa mga orders niyo Sir?”, tanong ng waiter na kanina pa nakatitig kay Alex.


            “Uhmm, we’ll call you if we decided what to eat for dessert. Refillable Iced Tea nalang rin para sa drinks. Salamat.”, si Alex.


            “Ok sir, iseserve nalang po namin sir. In the meantime, please enjoy our appetizers na ihahatid in a while.”, sabi nito bago umalis.


            “So what’s new?”, tanong ni Michelle habang kumakain kami.


            Napatingin kaming tatlo kay Matt.


            “What? May hindi ba ako alam dito?”, dagdag na tanong nito.


            “I just broke up with Dianne.”, si Matt. Halata pa rin ang sakit sa ekspresyon nito.


            “Oh, why?”, kaswal nitong tugon.


            “She’s pregnant with another man’s child.”


            Natahimik ito.


            “This really is new.”, si Michelle


            “What?”, si Matt


            “Ikaw. Usually nagkakandarapa ka sa pag-iyak pero ngayon, himala, you’re ok. I mean you’re not ok, but at least, you’re not a mess.”


            Sa puntong iyon ay napatingin ako kay Matt. Nakatingin rin pala ang mokong sa akin. Umiwas ako ng tingin at ibinalik ang atensyon sa pagkain.


            “I have my friends with me. Kaya hindi ko na masyadong naisip ang sitwasyon ko. After all, this is a time to be celebrating. We just graduated at handa nang makipagsapalaran sa mundo. I have no more time for drama.”


            Isang makahulugang tango lang ang itinugon ni Michelle.


            “I see. Congratulations nga pala sa inyong apat. Sa wakas. After four years ng pagsusunog ng kilay, eto na kayo. Let’s drink to that.”, sabi nito kapagkuwan.


            Marami pa kaming napag-usapang lima. Napansin kong ibang – iba na talaga si Michelle. She wasn’t the immature girl I met three years ago. May laman na ang mga sinasabi nito. She thinks before she says anything. Although hindi nawala ang pambabara nito, I can tell that something’s changed.


            Natapos ang gabi na naghiwa-hiwalay kami ng daan. Umuwi kami sa kani-kaniyang bahay upang maghanda para sa susunod na araw.


            A trip to Boracay.


            Iyon ang napag-usapan naming mga mababarkada bago pa man kami gumradweyt.
            Pagdating ko ng bahay ay agad akong nag-empake para sa bakasyon. Nang matapos ay nagpunta na rin ako ng kusina para kumain at medyo nagutom ako pagkatapos ng inuman. Gumawa nalang ako ng sandwich dala na rin ng katamarang magluto pa. Habang kumakain ay iginala ko ang mga mata ko sa paligid.


            Malinis pa rin naman ang bahay na pinaghirapan namin ni Inay. Kumpleto na rin ito ngayon sa gamit. Karamihan, galing sa barkada. I smiled.


            Dumako ang paningin ko sa ref. Nakita ko ang litrato ng nanay. May napakagandang ngiti na nakapaskil sa mga labi nito. It was a picture taken from my graduation. Napakasaya ni nanay nang araw na iyon. Hindi ko napigilan ang mga luha ko at tuluyan nang bumagsak.


            Masakit mawalan ng mahal sa buhay. Lalong-lalo na kung galing sa pamilya mo. Naalala ko nang namatay si inay, halos sisihin ko ang Diyos sa lahat ng nangyaring kamalasan sa buhay ko. Ngunit napagtanto kong siya rin naman ang dahilan sa lahat ng tagumpay na natamo ko. May plano ang Diyos para sa ating lahat, yan ang laging sabi ni nanay.


            Hindi ko na naubos ang sandwich. Pinunasan ko nalang ang mga luha ko at tinungo ang kwarto ko. Hindi rin nagtagal ay nakatulog ako.


Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. It was a call from Jason.



            “H-hello?”


            “Anong hello? Anong oras na Bryan Roy! Male-late na tayo sa flight natin at hindi ka pa bumabangon dyan?!


            “Masyado ka namang excited, ala-tres pa ng hapon ang flight natin. Ang aga-aga eh.”


            “If you hadn’t noticed, it’s already 12 noon.


            “Holy! Sige na maliligo na ako. See you in 30 minutes.”


            Hindi ko akalaing tatanghaliin ako ng gising. Mukhang napasarap ang tulog ko ah. Dala na siguro ng inumin. Dali-dali akong naligo at nagbihis para makarating sa pad ni Jason. Pagdating ko ay nakita kong handa na silang tatlo.


            “Pasensya na kayo, medyo napasarap ang tulog ko eh.”, paghingi ko ng paumanhin.


            “Hindi nga? Hindi halata ha.”, pang-aasar naman ni Andrew na tinawanan naman ni Matt at Jason.


            “Ano pa nga bang aasahan namin sa’yo? Eh lagi namang ikaw ang nahuhuli sa mga lakad natin.”, si Jason. At sabay pang nagtawanan ang tatlo.


            “O, tama na yan, iiyak na yang si Bryan o, napapakamot na ng ulo eh.”, si Matt.


            At talagang dumagdag pa ang isang ‘to. Makikita nyo, makakabawi rin ako.

            

           Walang hassle mula nang dumating kami sa airport hanggang makarating kami sa isla ng Boracay. The rumors were true. The island was indeed breathtaking.


            “Wow, pare, hanep talaga ang Boracay. Ang ganda.”, si Andrew.


            “I agree. Pero ang sabi, mas maganda raw dito noon, nang wala pang masyadong mga establishments.”, si Jason.



            Tahimik lang akong iginala ang paningin ko sa paligid. Nagpahatid kami sa tricycle papuntang resort na pina-book ni Andrew. Maganda ang kwartong napili ni Andrew. It was an African Safari themed room kung saan makikita mo ang dagat mula roon.


            It was really nice. Itwas around 4:30 in the afternoon when we arrived at medyo nakaramdam kami ng gutom kung kaya nagkayayaan kaming kumain na muna sa labas sabay gala na rin sa isla.


            Masaya kaming nagtatawanan sa daanan habang naghahanap ng makakainan. Parang walang mga problema. Kahit na si Matt mismo, masiglang masigla at halatang excited makapag-ikot ikot.


            Nakakita kami ng isang restaurant sa tabi ng dagat at mukhang masarap naman ang mga isine-serve nila kung kaya nagdesisyon kaming doon nalang kumain.


            Nagtatawanan pa rin kami habang nasa lamesa nang may tumama sa ulo ko.


            “Hey, I’m so sorry about that, my fault.”, sabi ng isang tinig na nagmula sa likuran ko.


            Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. I was stunned. He was gorgeous. Maputi, maganda ang hubog ng katawan, he had a nice smile, his eyebrows complimented his brown eyes. He was as breathtaking as the sunset.


            “Are you okay?”, tanong ulit nito.


            “I-I’m sorry?”, nasabi ko na tila wala sa tamang katinuan. Na ikinatawa naman nito. Even his laughed sounded nice. Anghel kaya ito na nagbalat-kayo lang?


            “Uhm, I said, are you okay? Natamaan ka kasi ng volleyball kanina nung nagspike ako.”, sabi nito.
            “Ahh, yeah, I’m okay.”, sabi ko na tila nahiya.


            “Good to hear that.”, sabi nito saka ngumiti, “I better get going,if you wanna join us for a friendly game, don’t hesitate to come okay? I’m Seth by the way.”


            Nilahad nito ang palad na tinanggap ko rin naman,


            Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko nang tanggapin ko ang kamay niya. It was as if every nerve in my body was alive. And then it hit me like the volleyball in my head.


            “I’m actually attracted to this person?!



Itutuloy.

No comments: