Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.
Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe
Hintayin ko mga comments po ninyo. :))
Enjoy Reading!!!
--------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 15
(Pain in my Heart)
[Kieth’s
POV]
Nakakailang
bote na ako ng alak na naiinom sa bar na ito at sa kasamaang palad ay may isang
asungot na nagpupumilit na patigilin ako.
Nagmumukmok ako dito pero heto siya at bubuntot-buntot sa akin. Taena naman oh.
Sumama siya sa akin kahit na labag sa
kalooban ko.
Isa pa tong problema ko eh, isa siya sa nagpahirap sa buhay ko.
“Ano
ba?! Subukan mong makialam at papatulan na kita!” ang sabi ko.
“Tumigil
ka na kasi eh...” sabi niya
“Wag
kang makialam!” ang sabi ko.
“Hindi
mo madadaan sa pag-iinom mo yan!” ang sigaw niya
"Sabi ko wag kang makialam. Kainis."
"Walang maitutulong yan sa yo."
“Bakit
matutulungan mo ba ako ha? Matutulungan mo ba ako?! Diba isa ka sa mga taong
nangiwan sa akin, isa ka sa mga taong pinagkatiwalaan ko at nangako na hindi
ako sasaktan? Pero ano ang ginawa mo ha? Sumama ka kay RD! Iniwan mo ako Arjay!
Iniwan mo ako!” di ko napigilan ang mapaluha dahil sa nararamdamang sakit.
Tumayo
ako at lumabas ng bar.
Dumeretso ako sa may parking lot para makaalis na sa
lugar na iyon pero hiarangan ako ni Arjay.
“Umalis
ka jan.” Sabi ko.
“Sorry...”
“Tapos
na ang lahat.”
“Ang
sabi ko sorry!” sigaw niya
“Aanhin
ko pa ang sorry mo? Ilang sorry na ba ang sasabihin mo ha? Umalis ka na jan!
Gusto ko ng magpahinga.” Sabi ko.
“Hayaan
mo akong samahan ka.”
“Para
saan pa? Lalo mo lang pinapaalala ang mga nangyari.”
“Please...
nagmamakaawa ako.. hayaan mong maging sandalan mo ako.. hayaan mo akong
makabawi.”
“Masama
ba akong tao? Sabihin mo... masama ba akong tao?!” ang nauutal na sabi ko.
“Hindi..
hindi ka masama.”
“Pero
bakit ganito ang nangyayari sa akin? Bakit parang pinaparusahan ako?”
“Lasing
ka lang...”
“Sagutin
mo nga ako! Masama ba akong boyfriend para sapitin ang lahat ng ito? Taena!
Lahat naman ginawa ko para maging mabuting boyfriend pero di pa ba sapat yun?”
“Kami
ang nagkamali at hindi ikaw!” natauhan ako sa sinabi niya.
“Lahat ng pagmamahal
naibigay mo sa amin. Lahat ng kabutihan at pag-aalaga naramdaman namin. Ang
problema ay una kaming sumuko at nagpabaya kaya ganyan ang nararamdaman mo.
Patawad.... patawad sa lahat.”
Niyakap
niya ako ng mahigpit.
Niyakap ko din siya at pinakiramdaman ang kanyang
presensiya.
Unti-unti nilapit niya ang mukha niya sa akin pero inilayo ko ito.
Ngunit hinagip niya ito at tinagpo ang aking labi.
Nung
una ay hindi ako lumalaban at hinahayaan na lang siya pero nung nagtagal ay
lumaban na ako.
Naging maalab at mapusok ang nangyaring paghahalikan.
Ngunit
natigilan ako at napaisip na hindi tama ito.
Nahilo
ako bigla kaya napasandal na lang ako sa may kotse.
“Tara na.” Yaya ko.
Nakita
ko naman ang pagkadismaya niya sa nangyari.
Hinigit ko ang kamay niya at
isinakay sa aking kotse.
Kahit nahihilo pa ay pinilit kong magdrive.
Hinatid ko
siya sa harapan ng bahay nila .
“Sigurado
ka bang okay ka lang?” tanong niya
“Oo.
Wag mo akong intindihin.”
“Ingat
ka.”
“Salamat.”
Isinarado
ko agad yung bintana at agad na umalis.
Di ko alam kung ano ang dapat
maramdaman ko ngayon.
Dapat ba akong magalit kay Alex?
Pero
bakit?
Dahil ba nagsikreto siya sa akin?
Sapat ba na dahilan yun?
Pero nasaktan
ako sa ginawa niya.
Nangako kami na walang lihiman at magpapakatotoo kaming
dalawa.
Pero sila ni RD...
Ano ba ang namamagitan sa kanilang dalawa?
Nilalakbay
ko ngayon ang daan patungong bahay namin ng mapansin ko ang isang lalaki na
patawid sa daan na tinatahak ko.
Ilang beses ko siyang bunusinahan pero parang
wala siya sa sarili.
Nagawa
pa niyang humarang sa daanan kaya napatigil ako.
Lumabas ako para sigawan siya.
Ang lakas ata ng trip ng taong ito.
Agad kong nilapitan ang lalaki para
kausapin ng may mapansin ako sa kanya.
“Ba-bakit
di mo pa ako tinuluyan?! Bakit hindi mo pa ako binangga!” sigaw ng lalaki na
nasa harapan ko.
Kitang kita ko ang kalungkutan sa kanyang mga mata.
Umiiyak
siya.
“Ano
bang problema mo?!” naiirita kong sabi.
“Banggain
mo ako!”
“Wala
akong panahon sa mga kadramahan mo!”
“Ganyan
naman kayo eh! Lagi na lang kayong ganyan! Wala kayong pakialam sa nararamdaman
namin!”
Natigilan
ako nung makita kong muli ang kanyang mata.
Nakaramdam ako ng awa sa kanya kaya
nanahimik na lang ako.
Nakita ko ang paglapit niya at nagulat ako nung yumakap
siya sa akin.
Sino
ba tong lalaking ito at bigla-bigla na lang yayakap sa akin?
Naramdaman ko ang
paghikbi niya kaya hindi na naman ako kumibo.
Sinusuntok niya yung balikat ko
kaya naweirduhan na ako sa ginawa nito.
“Ano
ba nasasaktan ako?!” pagsusungit ko.
“Nakakinis
ka! Nakakainis!”
“Sino
ka ba? Adik mo lang! Nahihilo ako sa pinag gagawa mo.”
Nakita
kong nag angat siya ng mukha.
Inamoy niya ako at nagulat ako sa ginawa niya.
Binatukan ako?!!!
“Shit! Ano ba?!” sabi ko.
“Sorry.”
Kumalas siya sa akin.
“Ano
bang problema mong bata ka ha?!”
“Di
na ako bata!”
“Tsss.
Ewan. Umalis ka na nga dito! Uuwi na ako sa bahay namin! Asal mo.”
“Dito
ka lang.”
“Anong
kailangan mo?!”
“Pwede
bang mahiram ka saglit? Kahit ngayon lang. Please.”
“Masama
ang pakiramdam...”
“Please...”
and that eyes capture me.
Mahina ako sa mga taong transparent ang feelings.
“Oo
na! Bwisit naman oh.” Sabi ko.
Tumawa
lang siya.
Tinabi ko ung sasakyan at sinamahan siya sa kung saang lumalop man
tong lugar na ito.
Nakakairita lang tong taong ito kasi iyak ng iyak.
Kailangan
niya ba talaga ako dito?
“Ano
iiyak ka na lang ba?” sabi ko.
“Sorry...”
“hay
naku. Sinasayang mo oras ko. Dapat natutulog na lang ako eh di yung nag aaksaya
ako ng oras sa kakaiyak mo.”
“Ang
harsh mo kuya.”
“Tss.
Ano ba kasing problema mo? Kanina pa ako tanong ng tanong pero di mo naman
sinasagot.”
“Kapag
nagtago ka ba ng pagkatao mo, nangangahulugan na masama ka na agad?”
“Anong
ibig sabihin mo?”
“Nagtago
ako ng sarili ko. Di ko sinabi kung ano ang nakaraan ko. Itinago ko sa
boyfriend ko kung ano ang tunay na pagkatao ko.”
Nakinig
ako sa sinasabi niya.
Natamaan ako doon ah.
God... ano ba to? Isang mensaherong ipinadala po Ninyo para matuahan ako?
“Isang malaking kasalanan ang
magsinungaling.” Ang tanging nasabi ko.
“Oo
masama ang magsinungaling, pero mas nakakabuti naman to sa amin eh. Tinago ko
ang lahat ng nakaraan ko kasi ayaw kong mapasama siya. May dahilan ako dito
kaya ko ginawa yun.”
“But
that’s not the point. Di yun ang dahilan para magsinungaling ka. Kung sinabi mo
ang buong katotohanan ay hindi na aabot pa sa ganyan.”
“Hindi
lahat ng bagay dapat ipaalam.”
“Oo
dapat. Dahil kami, kaming mga boyfriend ninyo ay umaasa na wala kayong tinatago
at walang lihiman. Paano pa kami magtitiwala sa inyo kung magsisinungaling lang
kayo!”
“Ang
ginawa lang naman namin ay magsinungaling pero bakit ganyan kayo? Bakit parang
nakapatay kami kung umasta kayo!”
“Dahil
pinatay ninyo yung puso namin!”
“Nagkamali
na kami at handa naman kaming pagbayaran ang lahat, pero kaialngan pa bang
pagbayaran namin ng mas mabigat ang lahat ng ito?”
Di
ko alam pero napaisip ako sa sinabi niya.
Natigilan ako at naisip na maaring
tama ang lalaking ito.
Napatingin ako sa kanya habang nakatingin siya sa
malayo.
Di ko alam ang dapat kong isipin sa mga pinagsasabi niya.
“salamat.”
Sabi niya
“Wala
yun.”
“It’s
a big deal you know. Alam mo medyo gumaan ang pakiramdam ko kasi may
napagsasabihan ako.”
“You
wasted my time.” Ang pabiro kong sabi.
“Gwapo
ka sana kaso suplado. Hahaha.”
“Gwapo
talaga ako.”
“You
are the son of the owner of our school diba?”
“So
you are my schoolmate.”
“Kind
off.”
“Tsss.
Kaya siguro hinaharass mo ako. Masyado akong gwapo kaya hinarang mo ako. Siguro
gusto mo akong pikutin ano? Sabihin mo lang? Palaban ako.” Biro ko.
“Wag
makapal ang mukha. Mas gwapo ang mahal ko.”
“Mas
gwapo ang mahal ko.” Sabi ko.
“Hahaha.
Nakakatawa. Imbis na sabihin natin na maganda ang girlfriend natin eh gwapo na.
Mundo nga naman sa ngayon.”
“Tsss.
Oh baka maglaway ka pa sa kagwapuhan ko.”
“Hoy
ang kapal mo.”
“Sus
umamin ka na. May payakap-yakap ka pa sa katawan ko.”
“Hahaha.
Adik mo. Pero macho mo ha. May pinaghuhugutan ka din ano?”
“Tss.
Sige. Antok na ako.” Sabi ko.
“Lasing
ka nga pala. Sorry sa abala at salamat sa time. Balang araw makakabayad ako
sayo.”
“Your
name?”
“Drew...
Drew Aralt...” sabi niya
“Nice
meeting you. Pagtap mo ng ID pag pumasok ka nakalagay na doon na expelled ka
na.”
“Loko
mo. Sige na alis na.” Sabi niya
May
nakita akong motor sa tabi niya.
Doon siguro siya nakasakay.
Nagmadali akong
umuwi at baka may humarang na naman sa aking harapan.
Pagkarating
ko ng bahay ay hiniga ko ang aking sarili sa malambot kong kama.
Nasa isip ko
pa rin ang nangyari at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.
Nakakapanibago kasi hindi ko alam na ganito kalaki ang impact ng mokong na yun.
Ilang
sandali lang ay nakaramdam na ako ng antok at natulog ako.
Ilang misscalls ang
natanggap ko kay Arjay pero kay Alex ay wala ni isa.
Nakaramdam ako ng kaba at
takot kung nasaan naman siya.
Kinabukasan,
nagising ako sa katok ni ate.
Hihikab-hikab pa ako nung tumayo ako.
Grabe naman
tong si ate nakakainis.
“Oh.” Bati ko.
Nagulat
ako nung batukan niya ako at kurutin.
“Aray naman. Ate ano ba?!”
“Wala
kang kwenta talaga kahit kailan!”
“Ano
na naman ba?!” irita kong sabi.
“Iniwanan
mo lang ng ganon si Alex? Are you out of your mind?”
“Niloko
niya ako!”
“Hindi
ka niya niloko. Hinayaan niya lng itago ang importanteng side niya para
matakpan yung kalungkutan sa kanya!”
“Wala
kang alam sa nangyayari!”
“Marami
akong alam, mas marami pa kaysa sayo.”
“Bakit
kapag nalaman ko ba yan may magbabago? Mababago ba yung kasalanan niya? Na
niloko niya ako at pinagmukhang tanga?!”
“Oo!
Magbabago ang lahat. Lahat ng mga hinanakit mo ay mawawala dahil wala pa yan sa
kalingkingan ng sakit na naranasan niya! Walang-wala ka sa pagdurusa na nakuha
niya sa pagkatao niya dati kaya wag kang umasta na parang ikaw pa ang
napagkaitan ng mundo!”
Natigilan
ako sa sinabi ni ate.
Unang beses ko siyang nakita na ganun kaseryoso.
Hindi
naman siya magkakaganito kung wala lang yun eh.
Napatunganga ako at walang
nagawa.
“Hindi
kailangan ni Alex ng awa... ang kailangan niya ay ikaw...”
“Ano
ba ang totoo?”
“Wala
akong karapatan na pakialaman siya. Wala akong karapatan para manghalikwat sa
nakaraan niya.”
“Paano
ko malalaman ang lahat kung ayaw mong sabihin ang lahat?!”
“Alamin
mo! You bastard boy! Ako ba ang boyfriend niya ha?! Napaka stupid mo kahit
kailan. Napaka dense mo. Wala ka man lang maramdaman. Kakainis ka. Di ko
akalain na kapatid kita kasi ang kitid ng utak mo!”
“Nasaktan
ako ate!”
“Shit!
Ayan na naman ikaw. Hay naku. Bago mo husgahan si Alex, alamin mo muna ang
lahat.”
Binatukan
na naman niya ako.
“You are better than this. Kalimutan mo ang lahat. Kalimutan
mo ang lahat ng nangyari sa iyo at sa kanya. Mag usap kayo. Intindihin mo siya
at sigurado akong magiging masaya kayo.” Ang tangi niyang nasabi bago siya
lumabas ng kwarto ko.
Naiwan
ako na nag-iisip.
Nakaupo ako sa may kama at hindi alam kung ano ang dapat
gawin.
Binuksan ko ang cellphone ko muli at walang text ni Alex kahit ano.
Tinawagan ko ito pero out of coverage area.
Nagtungo
ako sa banyo ko at naligo.
Di pa rin maalis yung sinabi sa akin ni ate.
Ganon
ba talaga kalala yung pinagdaanan ni Alex para magtago siya ng ganun sa akin?
Hindi
ko kaso maintindihan kung ano ang dapat kong gawin.
Matapos kong maligo ay
nagbihis ako.
Tinawagan ko si Charlene, best friend ni Alex.
Makikipagkita ko
sa kanya.
Dapat malaman ko kung ano ba yung nakaraan ni Alex.
[RD’s
POV]
Magkatabi
kami ngayon ni Alex at yakap ko siya.
Hindi naman siya nakatutol dahil alam
naman niya kung gaano ko siya na-miss ng sobra.
Tulog siya ngayon sa aking mga
bisig.
Bakit ganito yung feelings ko?
Bakit ayaw ko na siyang bitawan?
May Arjay na ako diba?
May mahal an ako diba?
Kinalimutan ko na siya diba?
Tapos na akong umasa diba?
Masyado ata siyang napagod sa mga nangyari kanina sa kanya doon sa party
ni Jake kaya bagsak pa rin siya hanggang ngayon.
Kanina
tinanong ko siya doon sa nakaraan namin.
Tungkol sa pagpapakasal namin.
(Flashback)
“Ah... eh...” ang
nautal na sabi niya.
“Hey don’t worry. Di
ko na sisingilin yun sayo. Mukhang ipinagplit mo na ako eh.” Pagtatampo ko
kunwari.
“Hindi sa
ipinagpalit pero si Kieth...”
“Oo alam ko mahal mo
siya.”
“Mahal mo din naman
si Arjay diba?”
“Yeah.”
Pero bakit
nag-aalinlangan na ako bigla?
“Hey. Bakit
malungkot ka jan? Dapat ako pa nga ang malungkot eh.”
“Dinadamayan lang
kita. Mukha ka kasing batang musmos kanina eh.” Tapos tumawa ako.
“So ngayon bully ka
na ha?”
“Di naman. Pero
nag-iba ka na.” Sabi niya
“Paanong nag-iba?”
“Parang nawala ang
tapang mo?”
Nakita ko siyang
napaisip.
“Dami kasing nangyari sa akin.”
“Ikwento mo naman.”
“Mahaba eh. Saka na.
Gusto ko ng magpahinga.” Sabi niya
“Tara tulog na
tayo.” Sabi ko.
“Jan ka sa sofa.”
Ang sabi niya.
“Hindi tabi tayo.
Namiss kita kaya yayakapin kita buong magdamag.”
“Ang corny ah.”
“Ginaganyan mo na
bestfriend mo?”
“Oo na. Kundi ka
lang gwapo eh.”
“Nagwa-gwapuhan ka
sa akin?”
“Naniwala ka naman
agad.”
“Pang-asar eh.”
“Tara na.” Sabi niya
(End
of Flashback)
Nagbago
na ang isip ko sa sinabi ni Arjay sa akin.
Hindi ko na ata kayang gawin yun
lalo na sa taong pinakaiingatan ko ng lahat.
Ayokong magkasira kami ni Alex dahil
siya ang bumuo sa akin.
Tinitigan
ko ang kanyang mukha.
Bakit ganito na lamang ang magnetismo sa aking puso?
Hanggang ngayon ba ay dala-dala ko pa rin sa aking paglaki ang nararamdaman sa
kanya?
Hanggang ngayon ba ay mahal ko pa siya?
Hindi
ko mapigilan na halikan ang kanyang mga labi.
Kahit nakaw lang yun ay
nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.
Haixt.
Ano bang nangyayari sa akin?
Bakit bother na bother ako sa kanya?
Naisip
ko bigla si Arjay.
Ni isang text wala akong natanggap mula sa kanya.
Siguro
nagpapakasasa sila ni Kieth ngayon. Tsss.
Bakit nga ba ang gulo na ng buhay ko
ngayon?
Nakatulog
ako matapos ang ilang minuto ng pagninilay.
Nagising ako kinabukasan ng may
maamoy ako.
Sino kayang nagluluto?
Naramdaman ko na wala na akong katabi at tanging
unan ang aking yakap.
Agad
akong bumangon at hinanap si Alex.
Nakita ko siya sa may gas stove at
nakatalikod mula sa akin.
Minasdan ko siya at napatitig sa kanya.
Umang-umaga
nagpapainit sa akin to.
Napalunok na lang ako.
Balak
ko sanang gawin kagabi yung gusto ni Arjay kaya pinagsuot ko siya ng ganyan.
He
looks so sexy sa suot niya.
Taena nakakabakla na to. Hahahah.
Lumapit ako at
niyapos siya.
“Good
morning babe.” Sabi ko.
“Babe
ka diyan. Feelingero.”
“Ang
swerte ko sa wifey ko pinagluluto ako ng pagkain.”
“Tss.
Gutom na ako kaya nagluto ako. Akin lang to kaya kung kakain ka magluto ka.”
Sabi niya
“Bahay
ko to ah.”
“So?”
tapos tumawa siya
“Kamusta
tulog?”
“Ayos
naman. Oy wag ka nga yumakap di ako makapag concentrate.”
“Bakit
kinikilig ka ba?”
“Kapal
mo. Tsaka, ilayo mo yang sa nasa baba mo. Agang-aga kalibog.”
Napahiya
naman ako kaya napakalas na lang ako.
Napatawa naman siya sa reaksyon ko.
Dinilaan ko na lang siya at umupo sa may lamesa ko.
Tumayo muli ako para kumuha
ng plato at kutsara.
“Pinakialaman
ko na yung ref mo ha.”
“Ayos
lang. Basta sarapan mo luto mo sa akin.”
“Baka
tumaba ka ulit kapag natikman mo yung luto ko.”
“Sus.
Sa macho kong ito.”
“Mas
macho naman ako sayo.”
“Bilisan
mo na lang jan.” Sabi ko.
Ilang
minuto lang ay natapos na yung niluluto niya.
Linggo naman ngayon at walang
pasok.
Tinikman ko yung luto niya para sa agahan at masarap.
He cooks like my
mom.
He’s better cook than me at yun ang kinainis ko. Hahaha.
“I
will get better than you.” Sabi ko.
“Your
so envy. Hahha.”
“At
sinong may sabi?”
“Halata
sa itsura mo.”
“Tsss.
Ewan sayo.”
“Linggo
ngayon diba? Hindi ka magsisimba?” tanong niya
“Hindi
na ako nagsisimba.”
“Kaya
pala napakamakasalanan mo.”
“Edi
ikaw na banal.”
“Tara
simba tayo mamaya.”
“Ikaw
na lang.”
“Please...”
and he make puppy eyes.
“Whatever.
Sige na. Teka alam na ba ng mama mo kung nasaaan ka?”
At
nakita ko yung hysterical face niya.
Since sira na yung simcard niya at nagana
pa rin ang cellphone niya, wala siyang magawa kundi hiramin ang phone ko sa
kalagitnaan ng pagkain ko.
“hello
ma...” agad niyang sinabi sa kabilang linya.
“Opo ayos lang po ako. Narito po ako kila babs...”
maka babs wagas.
“Opo nakita ko na po siya ulit. Okay lang po ako. Baka mamaya pa po ako
makauwi. Simba lang po kami mamaya ni Dan.” At itinuloy ko pagkain ko.
“Opo.
Sige po. I love you mama.” At ibinaba niya yung phone.
“Bilisan
mo pagkain.” Sabi ko.
“Ang
bilis mong kumain ah. Nasarapan sa luto ko?”
“Gutom
lang talaga ako. Wag kang makialam.” Pagsusuplado ko.
“Supladong
baboy.”
“Bastusan?”
“Hahaha.
Oo na bibilisan ko na. Nga pala sabi ni mama punta ka daw sa amin. Namiss ka
daw niya.”
“Talaga?
Sige. After natin magsimba.”
“At
isa pa.”
“Oh
ano na naman yun?”
“Pahiram
ng damit ha. Wag yung sobrang fit. Alam kong may binabalak ka kagabi kaya mo
ako pinagsuot ng ganito.”
“Tss.
Ako magkakainteres sayo?”
“Eh
bakit mo ako hinalikan kagabi?”
Natigilan
ako.
Shit gising pala siya.
“Eh bakit ka nagpaubaya?”
“Waaah.
Hinalikan mo nga ako kagabi?!”
“Ah
eh... hindi.”
“Eh
umamin ka na eh! Yung totoo hinalikan mo ako?!”
Shit, mahuhuli pa nga ako.
Ang
tanga ko kasi eh. Hahahah.
“Eh
sabi mo hinalikan kita eh.”
“Nagloloko
lang ako! Grabe ka. Mapagsamantala ka! Hindi na ako tatabi sayo!”
“Smak
lang yun. Ang arte ha.”
“Ewan
sayo!”
Tapos binato niya ako ng tsinelas.
“Hahaha.”
Tinawanan ko lang siya.
Agad
naman kaming naligo pagkatapos kumain.
Pinahiram ko siya ng damit ko.
Bumagay
sa kanya yung damit ko and look stunning.
Tapos umalis na kami para magsimba.
Ngayon
na lang ulit ako nagsimba for how many years din ang nakakaraan.
Siya rin ang
nakakasama ko noon kapag nagsisimba ako.
He was so religous back then at hanga
naman ako sa kanya.
Matapos
naming magsimba ay nagyaya ako sa may mall.
Gusto kong bilhan ng pasalubong si
tita.
Inakbayan ko siya habang naglalakad kami para maisip ng iba na boyfriend
ko ay model. Hahaha.
“Ano
ba? Adik mo!” sigaw niya
“Ang
gwapo mo pag nagagalit ka.”
“Che!
Mahiya ka oh ang daming nakatingin!”
“Kinikilig
ka lang eh.”
“Ewan.”
Hinawakan
ko na lang yung kamay niya pero pilit niyang tinanggal ito.
“Ano ba naman to?
Para kang timang.”pagsusungit niya
“Gusto
ko lang sulitin to. Alam ko kasi na hindi ko na maggawa to ulit. Pati namiss
kita, sobra.” Tapos nanahimik siya.
Galing
kong magpalusot no? Hahaha.
Ang sarap hawakan ng kamay niya kaya naenjoy ko ang
pakikipag holding hands sa kanya.
Minsan pinipisil ko ito kaya nakakaramdam ako
ng kurot mula sa kamay niya. Hahaha.
May
dala akong kotse kaya nagulat siya ng makitang ang dami kong pinamili kila tita.
“Wala kaming tindahan Dan.” Sabi niya
“Oy
Yats, RD na itawag mo sa akin.”
“Sige
babs. Hahaha.”
“Ang
panget ng babs oh. Di na naman ako mataba.”
“Pero
para sa akin ikaw pa rin ang nag-iisang babs ko.”
“Sus.”
“Ang
sweet ko no?”
“Hindi
maharot ka.” At nagtawanan kami.
Dumeretso
kami sa bahay nila.
Ako pa ang nauna sa pagpasok.
Nakita ko naman ang
pagkagulat nilang lahat.
Naiwan sa labas si Alex kaya halos lahat sila ay
napatitig sa akin.
Nawala
agad yung ngiti ko at napalitan ng kaba.
Grabe, nakatitig sila sa akin.
“Good
afternoon po.” Sabi ko.
Lahat
sila parang nagtataka kung sino ako.
Hanggang sa dumating si Alex.
Nakangiti
siya at halata niya na medyo napahiya ako kaya nagsalita siya.
“Ayan kasi eh.”
Tapos tumawa siya.
“Oh
anak nandiyan ka na pala.” Sabi ni tita.
“Opo.
Hinatid po ako nito ni RD.” Sagot niya.
“Ah.
Si Kieth anak?” tanong ni tita.
Di
sumagot si Alex bagkos ay binago ang usapan.
“Ma, siya yung sinasabi ko. Siya
si Dan.”
At
nakita ko ang pagsipat ni tita sa akin.
Tila ba tinitimbang kung ako ba yung
matabang bata na kilala niya dati.
Unti-unti nanlaki ang mata niya at
sinalubong ako ng yakap.
“Ikaw
ba yan? Dan?”
“Yes
my beautiful tita.”
“Wow.
Ang gwapo mo at...”
“Ang
macho ko no tita?” at nagtawanan kami.
“So
ikaw pala yan. You are my student little fat boy.”
At nakita ko si Sir???!!!
“Sir?!”
“Hay
nako kuya, marami yang hindi alam.” Sabi ni Alex at tuloy-tuloy na nahiga sa
sofa.
“Mukhang
pagod ka kapatid ah. Pinagod ka ba ng gwapo mong fiance?” at tinawanan siya ni
Sir na kuya pala niya.
“Sapakin
kita jan eh. Ang dami mong alam.” Pagu-usap nila
“Oh
baka matuklaw ka ng ahas jan RD.” Sabi sa akin ni Sir.
“Di
ako makapaniwala na magkapatid kayo sir.”
“Kuya
Hamilton na lang pag nasa bahay or sa labas, pag sa school Sir.” Sabi nito.
“Hahahah.
Di ako makapaniwala.” Ang nasabi ko na lang.
“Kawawa
naman si Kieth.” Sabi bigla ni Kuya Hamilton.
“Kuya
shut up.” Sabi ni Alex.
“Ang
haba ng buhok ng kapatid ko. Dala-dalawa yung lalaki niya. Susyal.” At
nagtawanan kami.
“Kuya
sasapakin na talaga kita.”
“Anong
pakiramdam mo ngayon? Paano na si Kieth? Diba may arrangement kayo ni RD na
magpapakasal kay? Ang sweet ah.” Nakita ko ang pamumula ni Alex.
“Hindi
ko naman siya pipilitin kuya.”
At nakita ko na tumitig si Alex sa akin.
“Mahal
niya si Kieth kaya magpapaubaya ako... kahit masakit....” pabiro ko at ngumiti
ako.
Binato
ako ng unan ni Alex.
“Ang drama mo.”
“Seryoso
ako.” Pero nakangiti ako.
“Mukha
kang timang.”
At nakita ko na tinignan niya yung cellphone niya.
“Here.
Gamitin mo muha cellphone ko. Tawagan mo siya.”
Nakita
ko na ngumiti siya at kinuha ang cellphone ko.
Agad niyang dinial ang number
ni Kieth. Yun ang nasisigurado ko.
Haixt.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga panahong iyon.
Why do I feel that there's a pain in my heart?
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment