Sunday, August 11, 2013

Less Than Three- Part 16

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!


--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................

Chapter 16

(My Past... defining my present love...)




[Kieth’s POV]


Nakita kong papalapit sa akin ngayon si Charlene, best friend ni Alex. 


Gusto ko siyang makausap tungkol sa bung pagkatao ni Alex. 


Siya ang makakapagturo sa akin ng lahat-lahat at alam ko na hindi siya magkakamaling magsinungaling.


Gusto ko nang matapos ang lahat-lahat.


Gusto kong malinawan ang mga hinaing ng aking puso.


Ayaw ko nang naguguluhan ako...


Sawa na akong masaktan at maloko...


Nakangiti siya habang palapit sa akin habang ako naman ay seryoso ang tingin. 


Inilahad niya ang kamay niya sa akin na para bang ngayon lang kami nagkita.


“Charlene.” Sabi niya


“Yup. Kilala kita. Parang di tayo nagkikita dati ah?”


“Para naman mafeel ko na nakikipagkita ka sa akin. First time to eh.”


“May kailangan ako.” Sabi ko.


“Wag mong sabihin na gusto mo ako? Oh my God! I will never betray my bestfriend. Nasaan pala si Alex?”


“So hindi mo pa pala alam?”


“Ang alin?”


“Wala.”


“So nasaan siya? Alam ba niya na nakikipagkita ka sa akin ha? Naku mamaya magselos yun eh.” Walang tigil niyang sabi.


“Anong alam mo kay Kian at Alex?”


Nakita ko ang panlalaki ng mata niya at nagugulumihanang itsura. 


“Ah eh... magpinsan sila. Yun ang alam ko. Bakit anong meron?”


“Magpinsan ba o iisa lang sila?” tanong ko.


Naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mga mukha at nag-isip ng malalim. 


Napabuntong hininga siuya at tumingin sa akin. 


Nakakatakot mga titig niya kaya inihilig ko ang aking mga mata sa ibang direksyon.


“Hindi ko aakalain na malalaman mo ang lahat. He’s pretension was so perfect. Pero paano? Paano mo nalaman?”


“Nakita ko. Nakita ko ang lahat. At nasaktan ako. Bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit niya ako niloko? Ano ba talaga ang katotohanan?”


“Hindi ako ang dapat magsabi sayo nito. Look for him. Makipag usap ka sa kanya.”


“Kailangan kong malaman ang lahat. Kailangan kong malaman lahat-lahat!”


“Oo. Si Alex at si Kian ay iisa. Pero hindi iyon ang dahilan para husgahan mo siya na masamang tao. Lahat ng bagay na ginawa niya ay para sa kanyang kabutihan!”


“Masyado siyang selfish.”


“Wala kang karapatang magsalita sa kanya ng ganyan!”


“Bakit kasi ayaw ninyong sabihin sa akin ang lahat?”


“Maipapakita ko lang ng bahagya yung iba pero hindi ako ang dapat magsabi sayo nito. Sumunod ka sa akin.” Ang sabi niya. 


Tumayo siya at sumunod ako.


Habang naglalakad kami sa may exit ng mall, nakuha ng pansin ko si Alex at si RD. 


Anong ginagawa nila dito?


Hanggang ngayon magkasama sila?


Nakakinis naman oh.


Dapat hindi sila magkasama.


Nakaramdam ako ng selos. 


Gusto kong lapitan sila at kunin si Alex sa kanya. 


Ang kapal ni RD na akbayan ang mahal ko. 


Kainis.


“Easy lang. Selos ka agad jan.”


“Ako selos? No way!” sabi ko.


“Talaga lang ha. Kung makatitig ka sa kanila parang lalapain mo na eh.”


“Naalibadbaran lang ako kay RD. Ang landi niya.” Nasabi ko.


“Sus. Mahal mo talaga si best.”


“Tss. Bilisan na nga natin!” sabi ko.


“Seloso.” Ang sabi niya


Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. 


Basta itinuturo lang niya kung saan ang direksyon. 


Di ko maiwasan na magtanong kasi mamaya kung saan man niya ako gustong ipadpad.


“Asan na ba tayo?”


“Basta.”


“San ba tayo pupunta?”


“Sa ex ni Alex.”


“Ha? Bakit anong gagawin natin dun?”


“Ipapakilala kita sa kanya.”


“Para saan pa?”


“Para malaman mo kung ano ang dahilan ni Alex para magtago.”


“Ano bang meron sa ex niya ha? Mukhang mas gwapo naman ako sa kanya eh.”


“Wag ka. Wala ka pa sa kalingkingan ni papa Blake.”


“Tsss. Mas gwapo pa ako doon.”


“Parang di naman.”


“Aysus. Wag ka nga. Yabang nito eh. Tumahimik ka na lang jan at magdrive.”


Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa lugar na iyon. 


Nagtaka ako kung bakit ako dinila dito. 


Isang lugar na taimik at walang masyadong tao. 


Baka budol-budol gang tong si Charlene.


O kaya inutusan siya ni RD para patayin ako at magsama na sila ni Alex.


Nakakatakot naman tong babaeng ito.


Medyo naweirduhan ako kung dito ba niya pinapunta yung ex ni Alex. 


Tahimik lamang siya habang naglalakad sa pupuntahan namin. 


Mayamya ay tumigil siya.


“Bakit ka tumigil?” tanong ko.


“Andito na tayo.” Sabi niya.


“Nasaan siya? Di ko siya makita?”


“Andito na siya.”


Tumingin ako sa paligid pero wala naman akong makita. 


“Naglolokohan ba tayo?”


“Sabi ko ayan siya. Ayan oh, nasa harapan mo.” 


Agad naman akong tumingin sa harapan ko.


Nabasa ko agad ang lapida na naroroon. 


“Blake Harone Santos.”


Di ko mapigilang mapatigil sa aking nasakssihan. 


Agad akong tumingin kay Charlene at agad naman siyang ngumisi. 


Napaluhod naman ako at namalas ang mga samu’t saring gamit na naroroon.


May mga sulat, bulaklak, pagkain at gamit sa harapan ng puntod ni Blake. 


Di ko akalain na ganito ang madadatnan ko dito. 


Binasa ko ang mga sulat ni Alex kay Blake.


Nakaramdam ako ng inggit. 


Di ko alam kung bakit sobrang mahal na mahal ni Alex si Blake. 


Pinagmasdan ko ang picture nilang dalawa. Sobrang saya ni Alex sa picture na iyon at sa wakas, nagkaroon ng mukha si Blake sa aking isipan.


“namatay si Blake sa araw ng anniversary nila Alex. Yung araw na iyon, iyon din ang araw na parang nawala ang lahat kay Alex. Si Alex ay isang masayahing tao. Isa siyang extraordinary na tao na kayang hipuin ng kasiyahan ang bawat taong nakakasama niya.”


“Anong nangyari kay Alex matapos mamatay ni Blake?”


“Hindi namin siya nakakausap. Ang masayahing Alex ay napalitan ng malungkutin na Alex. Di namin akalain na sobra siyang magkakaganun. He don’t eat and sleep. Halos di na niya buksan ang kwarto niya maswerte na nga ang magulang ni Alex kapag lumalabas ito ng kanyang kwarto.” Dagdag niya.


Doon ako napaisip. 


Kaya ba ganito na lang ang ginawa niya? 


Pero hindi ko pa rin makuha kung bakit niya ginamit ito para magtago. 


Maraming paraan para makalimutan ito.


“Ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng best friend ko. Alam ko nasaktan ka pero mas nasaktan siya. Di mo lang alam kung gaano niya sinubukang sabihin sayo ang totoo.” Ang sabi niya


“But the fact na niloko niya ako still remained.”


“Maaring nagkamali siya, naloko ka niya, pero mahal ka niya. He’s smile, his giggles at halakhak, lahat yun totoo. Sayo ko lang siya nakita ulit na tumawa at ngumiti ng tulad ng dati. Not to be exaggerated pero mas napapatawa mo siya kaysa kay Blake. Sayo lang siya naging masungit ng sobra, away bati or anuman. He loves you and I know that you love him.”


Nakita ko siyang tumayo. 


“maiwan na muna kita.” Sabi niya


“Saan ka pupunta?” tanong ko naman.


“Alam kog need mong mapag-isa. Hindi kita dapat diktahan sa dapat mong gawin. Ayokong makagulo sa isip mo. dapat pag-isipan mong mabuti ang gagawin dahil yan ang paninindigan mong gagawin mo sa kinabukasan.”


“Naguguluhan pa rin ako.”


“Talk with him nga kasi. Wag kang pasaway.”


At unti-unti, nakita ko na umalis siya. 


palayo sa akin. 


Hanggang sa mawala ang kanyang anino at hindi ko na siya nakita. 


Kinuha ko ang cellphone ko at nagulat ako ng bahagyang makita ko kung sino ang tumatawag sa akin, ang taksil kong kaibigan.


Nagdadalwang isip ako kung sasagutin ko ba o hindi. 


Ano naman ang naisipan nito para tawagan ako? 


Hindi ko sinagot yung phone pero nakailang ulit pa siyang tumawag. 


Nakulitan ako kaya sinagot ko na.


“Ano bang problema mo ha?”


“Kieth...”


Nakilala ko agad kung kaninong boses yun. 


Teka, bakit si Alex ang naririnig ko sa kabilang linya? 


“Alex?” tanong ko.


“Si Alex to. Ah eh... gusto lang sana kitang kamustahin.”


“Di ako okay.”


“Sorry.”


“Manloloko ka!”


“Di ko sinasadya... please mag-usap tayo. Nagmamakaawa ako.”


“You better tell me the whole truth. I will give you this very odd chance.” Sabi ko.


“Salamat... maraming salamat.” Sabi niya


“Kita tayo mamaya. Hihintayin kita ng 9pm sa may Amazing Resto.”


“Sige. Salamat.” 


At ibinaba ko yung phone.


Tumayo na ako at nagpaalam. 


“Mag-uusap na kami pre. Maliliwanagan na ba ako o maguguluhan lang? Tsss.” 


May ibinulong ako sa kanya bago ako umalis.


Umaasa ako na magiging maayos ang lahat. 


Alam kong mahal ko siya. 


Galit ba ako? 


Iyan ang paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko.


Hindi ko kasi magawang kamuhian siya sa ginawa niya. 


Nakaramdam lang ako ng inis sa sinabi niya. 


Di ko nga maintindihan kung bakit eh. Haixt. 


Siguro sadyang malakas lang talaga ang tama ko sa kanya.


[Alex’s POV]


Masaya ako na pinagbigyan ako ni Kieth na makausap siya. ng makausap ko si Kieth kaya agad akong lumapit kay RD at niyakap siya.


“Magkikita kami mamaya.” Sabi ko.


Di siya sumagot. 


“Hoy!” sabi ko.


“Hahahah. Good luck.”


“Tss. Yan lang ba sasabihin mo? Umpft.”


“Ihahatid ba kita mamaya?”


“Wag na. Kaya ko naman.”


“Hindi ihahatid na kita baka masyado kang maexcite at magpakaclumsy ka na naman.”


“Alam mo Mr. Tabachoy malaki na ako. Batukan kita jan. Bumalik ka na nga dun sa jowa mong hilaw.” Sabi ko.


“Sus nagseselos ka lang.”


“Pwede ba tigilan mo ako. Wag kang feeler ha.”


“Tsss. Ang arte di naman yummy.”


“Ang bakla mo.”


“Hahahah. At least gwapo.”


“Mas gwapo ako sayo.”


“Parang di naman.”


“Tita alis na po ako. Pinapaalis na po ako ng gwapo ninyong anak.”


“Ingat ka iho ah.”


“Opo. Babalik po ako dito. Namiss ko po kayo.”


“Sus. Wag ka ng umangal pa.” Sabi ko.


“OO na aalis na ako. Sige bye mr. Romantic boy.”


“Bye taba” ang sabi ko.


Umalis na siya. 


samantalang ako, umakyat na para maghanda para mamaya. 


Sa aking paghiga sa aking kama, nabatid ng aking kaalaman ang sulat na ibinigay ni tita sa akin noon.


Agad ko itong hinanap at pinagmasdan. 


Di ko alam kung babasahin ko ba o hahayaan ko na lang iyon. 


Di ko maintindihan kasi kung paanong nakapagsulat si Blake ng ganoon gayong namatay naman siya nang dahil sa aksidente.


Binuksan ko yung envelope at naamoy ko agad yung pabango ni Blake. 


Siguro sinabuyan niya yung sulat ng kanyang pabango. I


yan yung paboritong pabango ko na ginagamit niya.


Wala namang mawawala kung bubuksan ko ito eh. 


Mas okay pa nga kung maliliwanagan ako eh. 


Maliliwanagan ako sa mga nangyari.


 Ilang taon na rin ang nakalilipas mula noong mangyari iyon.


----------------------------

Para sa mahal kong Prince,

            Hello. Nagtataka ka siguro kung bakit ako sumulat? Anniversary na kasi natin bukas kaya heto ako nagpapakalumang tao. Alam ko naman na kinikilig ka sa tuwing nagpapakaluma ako. Alam ko ang bawat kilig mo, alam ko ang bawat nagpapangiti sayo at siyempre alam ko ang bawat bagay na nagpapasimangot sayo.



Paanong hindi mo malalaman ang lahat, lahat ng mga yan nagawa mo na sa akin. 


Bawat ngiti mo napapangiti din ako. 


Kapag nararamdaman ko na kinikilig ka, kinikilig din ako. 


Lalo na pag bigla mo na lamang hihilahin ang kamay ko at hahalikan sa harap ng maraming tao.


            Batid kong naging busy ako noong nagdaang araw. Gusto kitang surpresahin eh. Bakit? Kasi gusto ko maramdaman mo na special ka sa akin. Ngayong legal na tayo kila mama at papa, pati na rin kay tita, lalo ko pang pagtitibayin ang pagmamahal ko sayo. Nga pala, wag ka ng magtampo, kasi naman busy ako sa pagaasikaso para sa anniversary natin. Unang anniversary natin ito na legal sa ating mga magulang.


Alam kong hindi madaling maging legal tayo in both side. 


Pero napahanga mo ako nung gabing nahuli tayo na magkahawak kamay. 


Alam kong masakit ang suntok ng papa mo pero ipinagtanggol mo pa rin ako. 


Handa kang iwan ang lahat para sa akin. 


Salamat.


            Kamahalan, ang puso ko ay sayo lamang. Siguro natatawa ka kasi daig ko pa ang babae kung makapag love letter sayo. Tae yan, nakakainis, siguro humahalakhak ka na ngayon kasi nakikita mo akong ganito. Pero ayos lang, corny na kung corny, mahal lamang talaga kita. Tagalog na tagalog to, alam ko kasi na pag english akong sumulat ay masyadong malalim. Ilang beses kong inulit tong sulat na to. Paano ba naman, ang hirap tagalugin. Malas mo lang, magaling sa english itong boyfriend mo kaya hirap magtagalog.


Lagi mo na lang akong tinatawag na kamahalan. Haixt. 

Pero ayos lang, nakikita ko naman na natutuwa ka doon eh. 

Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon. 

Umiiyak ako ngayon dahil sa sulat mo. 

Effective to sobra. 

Di ko akalain na ang isang english veteran na katulad mo ay makakapagsulat ng ganito. 

You made me smile. 

I love you. 

Di ka corny okay, wag kang mag-isip ng ganyan.


            Ang gwapo mo, yan ang masasabi ko. Pero mas gwapo ako.haixt. naiinis ako kasi hanggang ngayon hindi pa rin ako makashot sayo. Alam mo na, yung ginagawa ng mga matatandang bisexual. Pero ginagawa rin naman yun ng mga kabataan. Masyadong conservative kasi ng mahal ko, pero ayos lang yun. Alam ko bata pa tayo at naghihintay ka lamang ng tamang panahon para isuko sa akin ang bataan. Hahaha. Haixt. Pero masaya na ako sa simpleng hawak ng kamay, simpleng halik sa pisngi at paminsan minsan pananantsing sayo.


Mas gwapo ako period. 

Wag ka ng umangal. Haixt. 

Pero napakaamo ng mukha mo. 

Napakalambot ng kamay mo. 

Paano ba naman tamad kang bata ka. 

Pero ang galing mo sa basketball. 

Tinalo mo pa ako. 


Pero talo ka sa akin sa volleyball. Hahaha. 

Napaka Rated SPG naman yang iniisip mo noon. Alam ko nagpipigil ka lang, ako rin naman eh. 

Bakit kamo? Pangako ko kasi kay mama na magbebehave ako. 

Kaya salamat, salamat kasi di mo ako pinilit. 


Salamat kasi nirespeto mo si mama. 

Lalo kitang minahal sa pamamaraan mong yun at nagpapasalamat ako doon.


            Di ako perpektong tao. Nakakagawa ako ng mali sayo at gayun ka din naman. Kaya umamin ka na kung sakaling nagkakagalit man tayo. Lagi na lang kasi akong sinisisi mo eh. Pero ayos lang, mahal naman kita eh. Ilang taon na rin tayo oh, kaya masaya ako. Masayang-masaya ako. Kung alam mo lang kung gaano ako nabubuhay para sayo. Sorry sa lahat ng nagawa kong kasalanan ha. Pero tandaan mo, kailan man di kita lolokohin. Ikaw lang at kahit may iba pa jan di ako lilingon kasi ikaw na ang hinahanap ko.


Biniyayaan ako ng isang mapag arugang tulad mo. 

Minsan nakakainis ka kasi di mo ako nilalambing pero oo na inaamin ko na nagkakamali din ako. 

Sorry ha, kasi gusto ko lang na lambingin mo ako eh. 

Wag ka ng mag alala sa akin, kaya ko na naman eh. 

Pero nalulungkot pa rin ako na wala ka na.


            Minsan magpaka-corny ka din ha. Napakasimple mo kasi magjoke. Di bumebenta sa akin. Hahhaa. (sarcastic) oo na alam ko galit ka na. Benta lahat ng joke mo sa akin. Pinipigilan ko lang talagang kiligin. Oo napapakilig mo ako, sa ngiti mo pa lang kinikilig na ako. Ang panget naman kasi na ipakita na kinikilig ang isang lalaki. Ang babae tignan. Di naman ako ganun ka-out kaya pagbigyan mo na.


Nagsalita ang di mabenta ang joke. Haixt. 

Ilang beses akong nagpupuyat para lang makatext ka at makahanap ng corny joke. 

Pati pick up lines pinatos ko.


            Alam ko maraming taon pa tayo magkakasama. Pagpasensyaahan mo na kung di kita naihahatid sa bahay ninyo dahil may practice ako sa basketball. Yun lang kasi hilig ko kaya pagbigyan mo na ako. Wag ka ng magagalit at magseselos ha. Please! Mahal kita. Mahal na mahal kita. Babawi ako sayo. Di ko hahayaan na pagsisihan mo yung puntong sinagot mo ako at tinugon ang laman ng aking puso.


Hindi kita makakalimutan. 

Mahal na mahal kita. 

Sana masaya ka na kung nasaan ka man. 

Nga pala si Kieth, yung bagong nagpapatibok sa puso ko. 

Okay na naman diba? 

Sorry pinagpalit kita, pero mahal pa rin naman kita eh. 

Promise ko. 

Gusto ko lang na sumaya ulit at si Kieth ang nagbibigay sa akin nun. 

Hindi naman ako makasarili diba?


            Matapos nitong sulat na to siguradong magbabago na ako. Bakit kamo? Paano ba naman, tagalog na tagalog ito. Magmamakata na kaya ako. Hahaha. Sige alam ko nakokornihan ka na pero alam ko kinikilig ka. I love you mahal. Mahal na mahal kita.


P.S.

            I LOVE YOU!!!!


                                                                                                            Ang alipin ng iyong pagmamahal,

                                                                                                                                    Blake



Matapos kong basahin ang sulat na yon ay kinuha ko lahat ng bagay na ibinigay sa akin ni Blake. 


Kumuha din ako ng isang kahon at inilagay doon lahat ng bagay na ibinigay niya sa akin. 


Matapos iyon ay kumuha ako ng tape at sineal ito. 


Naglagay ako ng isang papel sa ibabaw at inigalay ko ang salitang “Past”.


Kailangan ko ng magmove on. 


kung sakali man na si Kieth ang sagot sa bago kong buhay, kailangan kong makaalis sa nakaraan na pilit na humahatak sa akin.


Alam ko na magiging masaya din si Blake para sa akin. 


Matapos kong gawin ito ay tumayo na ako at tinahak ang CR para maligo. 


Magkikita pa kami ni Kieth.


Di ko naman alam kung ano ang mangyayari sa amin pero umaasa ako na magiging maayos ang lahat. 


Inaasahan ko na kung ano man ang kalalabasan ng gabing ito ay maayos.


Umalis ako 30 minutes bago ang tagpuan namin. 


Alam ko makakarating ako doon within 20 minutes kaya maaga ako. 


Nakakahiya naman kasi kung paghihintayin ko siya. 


mas okay na siya ang malate kesa naman ako.


Pagdating ko sa lugar na iyon, nagulat na lang ako ng makita ko siya na nakaupo doon. 


At kelan pa siya nauna sa tagpuan namin? 


Nagulat ako doon. 


Di kaya excited siya?


Nakatingin siya sa malayo noon at tila ba malalim ang iniisip. 


Agad naman akong nagmadaling pumunta sa kinaroroonan niya.


Agad naman siyang tumayo nang makita ako at hindi mapakali sa kinatatayuan. 


Nauutal pa nga siya nung una eh.


“Ah eh... Kanina ka pa?” tanong niya


“Ako ang dapat nagtatanong sayo nan.”


“Ah hindi kadarating ko lang.”


“Bakit ang aga mo?” tanong ko.


“Wala lang. Bakit ba?” sagot niya


Napangiti na lang ako. 


“Wag kang ngumiti. Mukha kang aso.” Sabi niya


“Ang gwapo kong aso.” Nasabi ko na lang.


Di siya umimik. 


“Kamusta?” sabi ko.


“Bakit magkasama kayo ni RD kanina?” tanong agad niya


“Paanong...”


“Paano ko nalaman? Nakita ko kayong dalawa!” inis na sabi niya


“Hinatid lang niya ako sa bahay.” Tugon ko.


“Bakit ka niya hinatid pa?”


“Sa kanila ako natulog. Sa may con...”


“Ha!!! Bakit ka nakitulog sa kaniya?! Shet! anong ginawa niya sayo?! Ano?!” natataranta niyang tanong.


“Diba iniwan mo ako kagabi?” ang nasabi ko na lang.


Natahimik siya at natameme. 


Totoo naman eh. 


Nasaktan ako sa ginawa niya. 


Hindi lang siya ang nasakatan, pati ako. 


Sino ba ang hindi sasama ang loob.


“Bakita ka natahimik? Kasi totoo?”


“Niloko mo ako.”


“Hindi yun ang dahilan para pagmukhain mo akong tanga at iwanan. Ipinakita mo pa sa akin na mas sasama ka pa kay Arjay kaysa sa akin. Ang sakit.”


“Hindi mangyayari ito kung hindi ka nagsinungaling.”


“Ang ginawa ko lang naman ay ang itago ang sarili kong pagkatao. May dahilan ako. Pero bakit ganun? bakit ganun ang ginawa mo sa akin?”


“Nabigla ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Gulong-gulo ako sa mga nangyari. Feeling ko pinagkaisahan ako ng lahat. Si ate, lahat. Lahat sila. Di ko na alam ang totoo. Di ko alam kung mahal mo ba talaga ako o ginawa mo lang lahat yun kasi nasasaktan ka. Nasasaktan ka kasi wala na si Blake. Rebound lang ba ako? Yung totoo? Rebound lang ba ako?!”


“Mahal kita at totoo yun. Hindi ka kailan man naging rebound! Maniwala ka.”


“Gusto kong malaman ang lahat! Ayoko ng may inililihim ka sa akin.”


“Sasabihin ko naman talaga eh.”


“Kailan? Kapag sumuko na ako? Wala na si Blake, narito ako. Patay na siya kaya kalimutan mo na siya.”


“Paano mo nalaman?”


“Si Charlene.”


“Haixt. Yung babaeng yun talaga.”


“Magsalita ka na. Ipaliwanag mo sa akin lahat. Gusto kong malaman ang lahat ng katotohanan. Gusto kong malaman kung ano ang katotohanan. Mahal kita kaya gusto kong mawala tong agam-agam ko.”


Natigilan ako sa sinabi niya. 


Napangiti ako sa sinabi niya. 


Tinitigan ko ang kanyang mga mata saka nagsimulang magsalita.


(Flashback)


Gabi ng anniversary namin yun. 


Hindi siya nagpakita sa akin nung araw na iyon. 


Magkagalit pa man kami noon dahil sa hindi niya ako pinapansin at lagi siyang busy. 


Lalo akong nagalit noong hindi niya naalala na anniversary pala namin.


Kausap ko nun sa Charlene at nag-iiyak. 


“Nakakainis siya! bakit sa lahat ng araw eto pa ang makakalimutan pa niya!” sabi ko.


“Tinext mo na ba? Baka naman busy lang talaga or what.”


“Ni hindi nga siya pumasok eh. Iniiwasan ba talaga niya ako? Kung ayaw na niya sa akin, magsabi lang siya! Hindi yung mukha akong tanga na nag-aantay sa kanya. Wala naman pala akong hinihintay. Nakakainis siya!”


“Hay naku. Easy lang kasi. Malay mo naman may sakit.”


“Bahala siya! makikipagbreak na ako sa kanya!”


“Kaya mo ba?”


“Hindi... argssshhh!!!!”


“Anak.” 


Narinig ko na tawag ni mama.


Agad kong pinahid ang luha ko at bumaba para kausapin si mama. 


Naku malalagot ako kapag nakita niya na namumugto ang mata ko.


 Pagkababa ko, nakita ko agad ang bulto ni Blake. 


Nakatayo at may dalang mga rosas. 


Ano ako babae?


“Anong ginagawa mo dito?”


“Anniversary natin diba? Magcecelebrate tayo.”


“Nakakainis ka!” napaiyak na lang ako sa kinakatayuan ko.


Nilapitan niya ako at niyakap.


Bigla siyang bumulong sabay tumawa. 


“Para ka talagang bata. Haixt. Sorry busy lang talaga.Pero hindi ko nakalimutan yung date na to. Eto yung date na kung saan sinagot mo ako at hinding-hini ako makakalimot doon.”


“Sino ba yang pinagkakabusyhan mo?!”


“Ikaw.” Ang sabi niya.


Napangiti naman ako agad sa sinabi niya.


"Akala ko nakalimutan mo na! Akala ko di mo na ako naalala. Akala ko hindi mo na ako mahal! Nakakainis ka. Nag-alala ako sayo akala mo ba?!”


“Wag kang mag-iisip na hindi kita mahal ha. Lagi mong tandaan na ikaw lang sa akin. Mahal na mahal ko ang kamahalan ko.” Sabi niya.


“Salamat. I love you!”  sabi ko.


“I love you too. Prepare ka na. Magdate na tayo.” Sabi niya


“Ang sweet best.” Sabat ni Charlene.


“Siguro kasabwat ka dito ano?”


“Hindi ah.”


“Aysus.” 


"Talandi ka...." sabi niya


"Yung totoo?"


"Wala akong kinalaman ha..."


"Sige na nga..."


"Magbihis ka na... mag date pa daw kayo ni papa blake... hahaha"


Nagbihis agad ako noon. 


Inayos ko lahat bago kami umalis. 


Masayang-masaya ako noong panahong iyon.


Maaliwalas ang paligid pero nakaramdam ako ng konting takot. 


Di ko maintindihan kung bakit kinakabahan ako sa mangyayari. 


Pero sinaway ko ang sarili ko at pinilit na wag isipin yun.


"I love you..." sabi niya


"I love you too..."


"Ang saya ko... kasi kasama kita... kasi nasa sa akin ka... walang iwanan ha."


"Oo... hindi kita bibitawan..."


"Promise?"


"Oo naman.. walang iwanan."


"Gusto kitang halikan..."


"Mag concentrate ka na muna jan sa dinadaanan natin."


"Opo master."


Habang binabagtas namin ang kalsada, masaya naman kaming nag-uusap. 


Sweet pa nga siya sa akin eh. 


Sobrang saya namin nun pero hindi ko alam na yun na pala ang huling kasiyahan naming dalawa.


Di namin akalain na may mangyayaring aksidente sa aming dalawa. 


May kasunod kaming kotse at sa unahan namin ay isang truck. 


Ako na ang nagsabi kay Blake na magdahan-dahan at wag ng magpatiuna sa truck.


Dahil sa kaskaserong kotse na iyon, nagovertake ito at umakmang uunahan ang truck na nasa aming harapan. 


“Pabayaan mo na.” Sabi ko kay Blake.


“Yup. Anniversary natin kaya di ako magiging hot headed.”


Niyakap ko siya ng mahigpit at ipinikit ang aking mga mata. 


Ilang sandaling pagpikit ko ng mata ay nakarinig ako ng ingay at kaluskos sa aming harapan.


Agad akong bumalikwas ng yakap at tumingin sa kung anuman ang nangyayari. 


Hindi nakapagovertake ang kotse na nasa likuran namin kanina. 


Nabangga siya ng papasalubong na bus at nasanggi pati ang nasaharapan naming truck.


Hindi na naiiwas ni Blake ang motor at hinayaang mabangga. 


Nagsakripisyo siya dahil kapag iniikot niya ay ako ang mapapahamak. 


Gumulong ang motor na sinasakyan namin at tumilapon kaming dalawa.


Umiikot ang aking paningin at hindi ko maigalaw ang aking katawan. 


Iminulat ko ang aking mata at nakita ko ang duguang mukha ni Blake. 


Pinilit kong gumapang sa kinaroroonan niya. 


Natakot ako dahil walang kakibo-kibo si Blake.


“Blake... blake...” garalgal kong sabi.


“Blake magsalita ka.. B-blake...” umiiyak na ako nung puntong iyon.


Ilang sandali lang bago ko marating ang pwesto ni Blake. 


Agad kong hinawakan ang kanyang mga kamay at sinapo ang kanyang mukha. 


Nakita kong nagmulat siya pero halata sa kanyang itsura na naghahabol siya ng hininga.


Di ko makayanan ang nakita ko kaya tumuloy na ang luha sa aking mga mata. 


Mabibigat ang aking mga luha at hikbi. 


Nakita ko na ngumiti siya sa akin. 


Pinipilit niyang magsalita.


“M...Ma...M..ah...maha..mahal..Ki-.ta...” tapos tumulo ang luha niya sa kanyang mga mata.


Unti-unting lumabo ang aking paningin pero bago mangyari ito nasambit ko na mahal ko rin siya. 


itim na paligid ang sumunod na aking nasaksihan. 


Napakalamig ng aking pakiramdam.


(End of Flashback)


“Ako ang tanging nakaligtas sa aksidenteng yun. Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari. Nang magising ako, nakita ko ang lungkot sa kanilang mga mata. Limang araw din akong walang malay.”


 “Madali lang naman sabihin ang lahat sa akin. Maari mong ikwento. Pero bakit kailangan patagalin mo pa?”


“I was about to tell you what happen. Kaso yun na nga naunahan na.”


“Pero di pa rin sapat yun para itago mo ang lahat.”


“Nasaktan ako noon Kieth. Kung alam mo lang yung feeling na pagmulat ng mata mo, yun na rin pala ang araw na ibabaon sa lupa ang taong mahal mo. Inilibing siya sa araw na nagising ako. Kahit anong pagpupumilit ko ay ayaw nila akong papuntahin! Kung ikaw ang nasa kalagayan ko maiintindihan mo ako...”


"Sorry..." sabi niya


"Ang sakit kasi... it was a perfect love story between us... tapos biglag ganun... Ang sakit... pinakamasakit ay yung magising pa ako... hindi ko man lang nakita ang burol niya... hindi ko man lang siya nasaksihan..."


“Gaano mo siya kamahal?” nakita ko ang sinserong mata niya


“Mahal ko siya Kieth. Mahal na mahal. Siya ang buhay ko. Siya ang naging karugtong ng mahaba kong buhay. Nung namatay siya, pati ang puso ko namatay. Di ko mararate ang pagmamahal ko sa kanya.”


“Ang swerte niya.” Nakita ko ang pananamlay niya


“Pero nang dahil sayo, binuhay mo ang puso ko. Oo aaminin ko na nagagalit ako sayo minsan. Di mo lang alam kung gaano ako kinikilig kapag inaaway mo ako. Alam ko kasi na naglalambing ka. Maraming paraan ka na hindi nagagawa sa akin ni Blake para mapasaya ako. May mga bagay na hindi ko maintindihan kung bakit parang talong-talo si Blake sayo.”


“Rebound lang ba ako?”


Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. 


“Pilit ko mang pagkumparahin kayo ni Blake, wala ring mangyayari. Si Blake ang nakaraan at ikaw ang kasalukuyan. Umaasa ako na sa hinaharap ay ikaw pa rin. Mahal kita. Tandaan mo na mahal na mahal kita. Magkaibang tao kayo ni Blake. Ibang-iba kayo kaya wala akong karapatang paghambingin kayo.”


“Pero kung mahal mo pa siya, paano na ako?”


“Wala na siya. Okay na ako. I really moved on. nang dahil sayo, natuto ulit akong magmahal. Nang dahil sayo, naranasan ko na sumaya ulit. Hindi ko na sinisi ang sarili ko sa mga nangyari. Alam kong ibinigay sa akin ng Diyos ang panibagong buhay para magsimulang muli. Masaya si Blake sigurado at okay na ako. He saved my life. He awe me one.”


Niyakap niya ako ng mahigpit. 


“This is the sign.” Narinig ko na sabi niya.


“Huh?”


“Akin ka na ngayon. Di na kita hahayaang mawala. Eto ang hiningi kong sign sa kanya. Kapag sinabi mo mismo na nakamoved on ka na sa kanya, ibig sabihin hinahayaan ka na niya sa akin. Alam ko na he’s a great man. I will now take care of you and I will love you more than he did. Di ko hahayaan na may manakit sayo. Gagawin ko ang lahat para manatili sa tabi mo. May panibagong buhay ka para makilala mo ako. Yan ang purpose at alam ko na kaya kami nagkahiwalay ni Arjay ay para maging tayo.”



Napangiti ako sa isnabi niya. 


Lalo niya akong niyakap ng mahigpit at sa sunod na nangyari ay hinalikan niya ako sa labi. 


He whisper to me about something.


“Let’s start from a new relationship.”


“What do you mean?”


“I’m Kieth...”


“Hahaha. Ah get’s ko na. Start from the start. I’m Alex. Ang Kian Santos dati.”


“Can you be my boy?” at ngumiti siya.


Di ko mapigilang halikan siya. ang gwapo kasi niya nung tinanong niya yun eh. 


“Ang bilis mo naman pala makuha eh.” Pagbibiro niya.


“Ang cute mo naman kasi eh. Haha. Joke.”


(Itutuloy)

No comments: