Wednesday, August 28, 2013

Less Than Three- Part 21

Note:

Hey Guys. I've decided na magkaroon ako ng update regularly.

Every Saturday and Wednesday ang update ko kaya those days po kayo mag-abang. hehehe

Hintayin ko mga comments po ninyo. :))

Enjoy Reading!!!




--------------------------------

This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 21

(The truth will set you... free?)




[RD’s POV]


Arjay was so very frustrated. 

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin dahil ramdam ko ang kanyang mga frustrations. 


He don’t even sleep well, minsan lang siya kumain and worst is, hindi na rin siya makausap ng ayos.


Nagkwento siya about sa nangyari sa kanila noon. 


Nag-aalala ako kay Alex pero hindi ko naman maiwanan mag-isa si Arjay. 


Natatakot ako sa maari niyang magawa. 


Hanggang ngayon kasi ay nararamdaman ko na mahal na mahal niya si Kieth.


Ako naman, eto naninimbang sa ano ba dapat ang dapat gawin. 


I was infatuated with him dahil na rin siguro sa awa. 


Naiinis ako sa sarili ko dahil mali pala itong nararamdaman ko. 


Nadala ako sa pagpapanggap namin at sa awa sa kanya.


Naintindihan ko ang nararamdaman ko ng magkausap kami ng masinsinan. 


Alam ko naman na hindi niya ako magugustuhan pero bakit parang walang tama sa akin yun? 


Bakit parang masigla pa rin ako kahit sinabi na niyon paulit-ulit?


Siya na ang nagsabi na wag ko na raw pagurin ang sarili ko sa paghahabol sa kanya. 


Yung totoo, nag-aalala ako sa kanya at may pakialam ako sa kanya. 


Mahal ko rin naman siya pero siguro that’s not enough for saying na mahal ko talaga ng lubusan.


Hidden lang ang nararamdaman ko pero sa pagdaan ng panahon, natutunan ko na hindi pala basta-basat ang nagmamahal. 


I care for him at sinisigurado ko na tama na ang desisiyon ko. 


I was hoping for development.


“RD…” nagulat na lang ako sa pagtawag niya


Naroon ako sa kwarto niya at nakaupo sa may sofa sa loob nito. 


Nanonood ako ngayon ng TV. 


Masaya naman ako at nagising siya ng maayos. 


Ilang araw na din kasi na di ayos ang pag tulog niya at ngayon lang siya nakakumpleto ng 10 oras na pagtulog.


“Hey.. okay na ba pakiramdam mo?” tanong ko.


“Medyo…”


“Ikaw kasi ayaw mong matulog ng ayos. Ni kumain ayaw pa nga eh.”


“Alam mo naman na wala akong gana.” Sagot niya.


“Ang dami mo kasing drama.”


Binato niya ako ng unan at bigla siyang ngumiti. 


“Edi ngumiti ka din.” Dagdag ko.


“Maswerte si Alex sayo.” Sabi niya


“Oh ano na naman tong conversation na to?” giit ko.


“Wag mo ng itanggi.”


“Wala naman akong itinatanggi ah. Susot lang. Sabihin mo selos ka lang talaga.”


“Bakit ba ang swerte niya? Lahat na lang nasa kanya. Pero bakit ganoon na lamang ang nararamdaman kong inggit? Okay na naman kami ah, pero bakit parang may natitira pa ring inis sa dibdib ko?”


“Kasi di mawawala yang galit sa puso mo hanggang nananatiling silang dalawa ni Kieth.”


“Gusto ko ng kalimutan si Kieth pero hindi magawa-gawa ng puso ko.”


“Nasa isip mo lang yan… kapag nagkaroon ka ng determinasyon, saka yan mawaala. Think carefully my dear.”


“Ano bang meron kay Alex na wala ako?”


“Don’t know…”


“Mahal mo siya pero di mo alam.”


“Di ko inamin ang nararamdaman ko sayo para gamitin mo laban sa akin…”


“Sungit naman nito…”


“Eh kasi naman kung sinasagot mo na ako edi di ka na nalulungkot…”


“Loko ka talaga. At the first place, alam ko na siya ang mahal mo. You used to be telling me these stories about him. He was your greatest super hero and blah balh balh. Nawalan ka lang siguro ng pasensya kaya ibinaling mo sa akin.”


“Di naman ako ganon.” Sagot ko.


“I know. Just kidding.”


“Just take a rest at kumain ka ng madami.”


“Nahihiya ako sayo.”


“And why?”


“Di ako ang dapat nasa tabi mo…”


“Hey just shut up.” Sabi ko.


“Bakit di mo puntahan si Alex?”


“Baka kung anong gawin mo. Mamaya pagbalik ko malamig ka ng bangkay jan.”


“Hoy adik mo. Tingin mo talaga sa akin yung tipong nagsuicide ah.”


“Buti alam mo. Nahiya ako bigla eh. Hahaha.”


“Promise I will be okay.”


“Gusto mo ba iuwi ko si Kieth para sayo?”


“Awww Hard ka talaga. Batukan kita eh. Pang-asar pa?”


“Bakit kasi di mo na lang tanggapiin na wala kayo.” Sabi ko.


Di siya nakaimik agad kaya di na ako nagsalita pa. 


Tumayo ako at inayos ang sarili ko. 


Pupuntahan ko si Alex. 


Gusto kong malaman ang kalagayan niya. 


Nag-aalala ako sa nangyari sa kanya.


 Alam kong okay na siya pero gusto ko pa rin siyang Makita.


“Ikamusta mo ako kay Alex…” sabi nito.


“Behave ka lang dito…” sabi ko.


Isang pilit na ngiti ang iginanti niya sa akin. 


Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa kanyang noo.


 Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. 


Nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. 


Agad naman niyang pinahid ito at humiga na ulit.


Paglabas ko ng kwarto ay agad kong naabutan na paakyat si tita papunta sa kwarto ni Arjay. 


Agad naman siyang nakibalita sa kalagayan ni Arjay.


 Alam ko namang siya ang pinaka-nag-aalala sa kanyang anak.


“Anong balita sa kanya?” tanong nito.


“Ayos na naman po siya, kagigising lang niya. Aalis lang po sana ako saglit, pupuntahan ko po si Alex. Mukhang gutom na po si Arjay kaya kayo na po ang bahala. Kwentuhan lang po kayo para di niya maramdaman na nag-iisa siya.”


Nakita ko naman na medyo napanatag ang kanyang kalooban. 


Nagpaalam na ako at nagtungo na ako sa ospital. 


Ilang araw na rin akong nakikibalita kila Jake at Charlene at ang sabi nila ay nagising na daw si Alex. 


Thanks God talaga.


Nakakahiya sa kanya. 


Kaya kailangan kong bumawi. 


Bago ako makarating sa ospital ay naisipan ko na dalhan siya ng mga paborito niyang mga pagkain. 


Sigurado akong matutuwa siya sa aking mga dala.


Pagdating ko sa kwarto niya, nakarinig ako ng mahinang tawanan. 


Narinig ko din ang boses ni Sir Rosales este ni Kuya Hamilton. 


Agad naman akong kumatok at pinagbuksan ako ni… 




Ni Alex? 


Bakit siya ang nagbukas?


“Hello.” Bati ko.


Agad naman siyang tumalikod at patuloy na nagpunta sa may kama niya. 


Ni hindi niya ako pinansin. 


Hala, may galit ata to sa akin. 


Ngumiti naman agad si Kuya na ngayon ay nakahiga sa kama.


“Oh… Buti napabisita ka.” Biglang sabi ni Alex.


“Ah eh.. sorry ngayon lang ako napabisita… sorry yats…” sabi ko.


“Ewan. Okay lang ako kaya wag ka ng mag-alala. You can go…” sabi niya.


“Ang taray ng kapatid ko ah… sumusungit na ah. Mukhang meron ka ah.” Sabat ni Kuya


“Shut up. Alis ka nga jan. ako ang pasyente ikaw nakahiga jan, baka isipin pa nung isa jan hindi grabe yung aksidente ko. Hay buhay.”


“Ui sorry na oh. Nagdala nga ako nito para peace offering.”


“Ilagay mo na lang jan sa may table tapos umalis ka na.”


“Di mo man lang ba ako pauupuin?”


“Magpapahinga na ako eh.”


“Yats naman oh.”


Di siya sumagot. 


Nagtatampo lang ito sa akin. 


Hay naku. 


Ano ba ang gagawin ko? 


Tinignan ko naman siya at mukhang ayos na naman siya. 


“Aalis na ako…” sabi ko.


“Edi umalis ka! Wag ka ng babalik ha!” sigaw niya


Kita ko naman ang pagkatuwa ni Kuya. 


Sumenyas siya sa akin. 


Napangiti naman ako. 


Nilapitan ko siya at tumabi sa tabi niya. 


Tinaboy naman niya ako agad.


“Umalis ka nga…” sabi nito.


Agad ko siyang niyakap pero nagpumiglas siya. 


Hinigpitan ko yung yakap sa kanya at humiga sa tabi niya. 


“Ano ba nasasaktan ako.”


“Yats ko.. sorry na oh. May inasikaso lang akong importante.”


“So di ako importante…”


“Importante siyempe. Pero di ko maiwasan yun eh. Inassure ko naman na makakadalaw ako dito eh.”


“Nakakinis ka eh. Di man lang nagparamdam. Feeling ko tuloy wala kang pakialam sa akin.”


“Wag mo ngang isipin yan batukan kita eh.”


“Ewan.”


Hay galit pa rin siya. 


kaya hinalikan ko siya bigla sa pisngi. 


Naramdaman ko na napatigil siya. 


tumingin ako kay kuya at kita ko na nagpipigil siya ng kanyang tawa. 


Niyakap ko ulit siya ng mahigpit. Susulitin ko na to, minsan ko lang magawa ito.


“Sorry.” Nautal niya


“Bakit ka nag so-sorry?”


“Eh kasi sinigawan kita.”


“Alam ko nagtatampo ka lang eh.”


“Eh ikaw eh…”


“Sorry na.”


“Akala ko kinalimutan mo na ako. Araw-araw inaabangan kita. Ikaw nga pinakaimportanteng kaibigan ko kaya di ko matanggap na kinalimutan mo ako.”


“Hahaha. Ikaw talaga. Daig ko pa ang boyfriend mo kung makapag tampo ka ah.”


“Loko ka. Mas malala kung boyfriend kita. Baka ihambalos ko lahat ng dala mo.”


“Matesting nga. Hahaha. Tayo na kasi…” pagbibiro ko.


“Mukha mo. Meron na akong napakagwapong boyfriend.”


“Mas gwapo pa ako ah.”


“Itsura mo.” Sabi niya


“Oy tama na ang lambingan. Remember nasa harapan ninyo ako. Ipapa-DO ko kayo eh.”


“Wala tayo sa school kuya.” Sagot ni Alex.


“Isusumbong ko kayo kay Kieth eh. Lalo ka na RD.”


“Kuya naman. Pagbigyan mo na muna ako oh. Please.” At nagtawanan kami.


“Oh tama na yakap. Dumating pa yung mahal ko magselos pa yun.”


“Eh ano naman?”


“Ewan sayo. Dali na.”


“Yup yup. Naglalambing lang eh.”


“Aysus.”


“Kamusta na pakiramdam mo?” tanong ko.


“Okay na naman ako. Feeling better. Lalabas na rin ako sooner or later.” Sagot niya


“Pag gumaling ka na date tayo ah.” Sabi ko.


“date?” tanong niya


“Oo kapatid… binge lang? tsss. Pero teka, nagbabalak ka bang mag-apply bilang bayaw ko?” tanong ni kuya.


“Shut up kuya.”


“Aysus. Nagblush ka naman bunso.”


“Kuya nakakakinis na ah.”


“Joke lang. mamaya kung ano pang magawa mo eh.” Sabay tawa.


“Easy lang yats…”


“Ewan…” sagot niya


Tumabi ako sa kanya at inabutan siya ng pagkaing dala ko. 


Agad naman niya itong kinuha at kinain. 


Pinagmasdan ko lang ang kanyang pagkain hanggang sa mapansin niya na nakatitig ako sa kanya.


“Paano mo naamin kay tita na bisexual ka?” tanong niya sa akin.


Nabigla ako sa tanong niya sa akin. 


Hindi ko alam kung paano niya naisip na itinanong niya pero seryoso ang tono niya. 


Nakatingin siya sa akin ngayon at nag-iintay ng kasagutan. 


Hinawakan ko ang kamay niya.


“Noong lumipat at umalis kayo sa lugar na tinitirhan natin dati, inamin ko kay mama na gusto kita. Sabi ko sa kanya na gusto kitang pakasalan. Nagalit siya sa akin at pinag sabihan. Sabi niya nagkakamali lang daw ako ng pag-iisip. Di nagtagal, di ko mapigilan ang paulit-ulit na isipin ka. Ilang beses din akong pinagalitan nila mama at papa tungkol diyan. Kahit anong pilit nila, wala ring nangyari. Kaya lumipat kami at inihanap niya ako ng mga kaibigan.”


Tandang-tanda ko pa rin ang mga nangyari noon. 


Kaya nga naging magkababata kami nila Kieth, Jake at Arjay. 


Di nagtagal nakalimot ako sandali sa mga panahong wala sa tabi ko si Alex. 


Pero yung nararamdaman ko, sa tingin ko hindi ako nakalimot.


“Pero paano nila natanggap?”


“Ilang taon after graduation tinanong nila ako about sa sexuality ko. Medyo kabado ako pero inamin ko. Sabi ko na ganun na nga ako at wala akong magagawa. Ang hindi ko alam, tinanggap ni papa ang pagkato ko dahil naka-fixed marriage ako kay Arjay. Wala akong nagawa kundi ang pumayag. Nalaman ko na alam na nila ang lahat nang tungkol sa amin nila Kieth kaya wala ng sikreto akong itinago.”


“Ah kaya pala. Galit ba sila sa akin?”


“Hindi naman. Tanggap na nila siguro kung ano ako. Pero alam ko naman ang kapalaran ko para lang tanggapin nila ako.”


“Cheer up tabs.”


“Yeah.”


“Pang maalaala mo kaya pala yang kwento mo ah.” Sabat ni kuya


“Hahaha. Naman kuya. Ganyan ako eh.” Sagot ko.


“Nako hayaan mo yang si kuya. Inggit lang yan. Feel ko na susunod yan sa yapak natin.” At nagtawanan kami.


“Ang hard ni bunso. Asa pa. ako? Ilang babae na ang dumaan sa akin ano.”


“Pero iniwan ka lang nila. Hay naku. Alam na. kasi naamoy nila na katulad ka namin.”


“Hahaha. Adik mo bro.” sabi nito.


“Biro lang kuya.”


“Wala. Ganyan ka eh. Kow. Matapos kitang tulungan noon na umamin kila mama.”


“Oo na. sige na ako na. makapag threathen ka naman wagas.”


“Tol, labas lang ako. Need ko lang bilhin yung inuutos ni mama para naman pag balik nung loviduds mo eh diretso uwi na lang ako.”


“Gueh ingat ka.” Sabi nito.


Naiwan naman kaming dalawa ni Alex at nagpatuloy ang pag-uusap naming dalawa. 


Tumayo ako at hinarap ang bintana. 


Nanaig ang pananahimik sa buong kapaligiran.


“Masaya ka ba ngayon?” simula kong tanong.


“Yup. Very happy.”


“I hope mag tagal kayo ni Kieth.”


“Wag mong sabihing magtagal. Sana din a kamo kami magkahiwalay.” Tinignan ko siya at nakangiti.


“Dami ng nagbago talaga sayo ano. Punong-puno ka na ng pag-asa.”


“Thanks to Kieth. Alam mo simula noong mawala si Blake sa akin, akala ko wala na ako. Akala ko hindi na muling tatakbo ang buhay ko. Blake is my life afterall, nung namatay siya, namatay na rin ang pag-asa kong sumaya. Pero dumating si Kieth, siya ang nagdugtong ng panibagong buhay ko. Then afterwards, dumating ka at dinagdagan mo ang kulay sa buhay ko. Dahil sa mga kaibigan ko, naging okay ako, naging matatag ako kaya wala na akong hihilingin pang iba.”


“Ang swerte mo pala. Pero pasalamat ako na okay ka na. pasalamat ako at hindi ka pinabayaan ni Kieth. Kapag sinaktan ka niya sabihin mo lang at bubugbugin ko siya. hindi ako papayag na saktan niya ang mahal ko…” at napatigil ako.


Nakita ko ang pagbabago ng mukha ni Alex.


 “Mahal kong kaibigan…” at ngumiti ako.


I wonder why I stuck with this love of mine. 


A puppy love that exist until now. 


Bakit parang umaasa ako na somehow mapansin ako ni Alex. 


Na sana ako na lang at wala ng iba pa.


Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa sa harapan ni Alex. 


Ako rin naman ang may kagagawan kung bakit hindi kami ngayon. 


Kung sana ginawa ko lang yun, marahil magkasama kami ngayon ni Alex.


“Inaantok ako…” sabi bigla ni Alex.


“Sige tulog ka lang. ako muna ang magbabantay sayo…”


“Ikaw na bahala jan…” at ngumiti siya.


30 minuto makalaipas ang pagtulog ni Alex ay dumating si Kuya. 


Dala na nito ang mga pinamili niya mula sa palengke sa baba. 


Kasunod naman nito si Kieth na may dalang mga gamit at marami pang iba.


Kita ko ang pag-iiba ng kanyang mukha simula nang makita ako. 


Binati ko siya at tango lang ang kanyang sinagot.


“Wag kayong magsusuntukan dito ha…”


“Tsss.” Sagot ni kieth. 


Ngumiti lang naman ako.


Ilang sandali lang ay tumingin sa akin si Kieth at nagyaya na lumabas kami. 


Ano bang balak nito? 


Unang lumabas si Kieth at sumunpd ako. 


Agad namang humarang sa daraanan ko si Kuya.


“Ei… anong gagawin ninyo?”


“Mag-uusap lang kami,.”


“Lagot ako sa kapatid ko pagnagkataon.”


“Mag-uusap lang kami promise.”


“Wala akong tiwala sa inyong dalawa eh…”


“Ayokong magalit sa akin si Alex.”


“Sige… bilisan ninyo ah…”


Agad naman akong lumabas at nakita kong nag-aabang sa akin si Kieth sa may pathway. 


Agad naman niya akong pinasunod hanggang sa makarating kami sa may Garden.


“Kamusta?” bungad niyang tanong.


“Okay naman. Ikaw ba?” pormal kong sagot.


“Masaya. Okay din naman. Si Arjay?” tanong niya


“Di siya okay ngayon. Ayaw kong magsinunangaling sayo gaya ng sinabi sa akin ni Arjay. Depressed na depressed siya sa mga nangyayari.”


“Hindi ko alam ang dapat kong gawin.”


“Hayaan mo lang siya. wag na wag mo siyang lalapitan para ma-over come niya yung depression niya. Narito naman kami para sa kanya. Hindi namin siya pababayaan. Hangga’t naiisip ka niya, hinding-hindi siya matatahimik.”


“Salamat at nanjan ka.”


“ingatan mo ang bestfriend ko.”


“Bestfriend?”


“Si Alex. Magkababata din kami. Siya yung kinukwento ko sa inyo dati.”


Bigla naman siyang natahimik at pansin ko ang pag-iiba ng kanyang mukha. 


“May problema ba?” tanong ko.


“May naalala lang ako.”


“Ano yun?”


“Siya kasi ang kababata na sinasabi mo diba? Ibig sabihin siya rin yung gusto mong pakasalan.”


Tunay nga na matalino tong lalaking nasa harapan ko. 


Mapagmasid at madiskarte sa pag-iisip. 


Napabuntong hininga na lang ako bago ko sagutin ang kanyang katanungan.


“Yeah siya nga. Pero mga bata pa kami noon at wala pang mga pag-iisip.”


“I wonder lang. Mamaya kasi agawin mo na naman siya sa akin.”


“Don’t worry, safe ka sa akin ngayon.”


“I can’t be sure. After all ramdam ko na may gusto ka sa kanya.”


“Stop this nonsense. Wag kang gumawa ng issue.”


“Don’t worry, I can manage. Hinding-hindi naman ako ipagpapalit ni Alex. May tiwala ako sa kanya kaya kampante ako.”


“Salamat sa pagmamahal mo sa kanya. Salamat at ibinigay mo ang kailangan niya.”


“Don’t be, dahil gusto ko ang ginagawa ko. Mahal ko si Alex at lahat ng pagmamahal ay ibibigay ko sa kanya.”


“Wag mo siyang sasaktan kundi…”


“Hinding-hindi ko siya sasaktan. Hinding-hindi ko rin siya bibitawan at mapunta sa kamay ng iba. Kaya kung may balak kang agawin siya sa akin, good luck.”


“Masyado ka atang nakakampante.”


“Ganyan ang buhay.”


“Yung sinabi ko tandaan mo ah.”


“Alin?”


“Yung kay Arjay.”


“Gusto ko lang sana siyang kamustahin.”


“Kapag nakita ka niya, panibagong disaster na naman yun sa buhay niya.”


“Magkikita rin naman kami sa school eh.”


“Mas mabuting doon na lang kayo magkita.”


“Mas mabuti nga.”


“Sige aalis na ako. Binisita ko lang naman si Alex. Babalik rin agad ako kay Arjay. Nangako din naman kasi ako eh.”


“Teka… may alam kaba tungkol kila Arjay at Alex?”


“Anong tungkol sa kanila?”


“Ah wala. Sige sige.”


“Okay.”


“Ingat ka pre…”


“Sorry nga pala ulit.” Sabi nito.


“Naiintindihan ko na ngayon ang mga nangyayari.”


Agad naman akong umalis at nagmadaling bumalik sa bahay nila Arjay. 


Naabutan ko siya na kumakain sa may dinning area kasama sila tito at tita. 


Mukhang bumalik na si Arjay sa ayos ah.


“Kamusta?” batik o kay Arjay.


Agad naman siyang tumayo at yumakap sa akin. 


“Buti at nandito ka na. Dig in.” pag yaya niya


“Sige lang busog pa ako.”


“Mukhang okay na kayo ah.” Sabat ni tito Ralph.


“Hindi naman po kami nagkagalit or what tito.”


“Pero I’m looking forward na magkaayos kayo. Na magkabalikan kayo.”


“Pa…” biglang sabat ni tita


“Im just hoping pero di ko naman kayo pinipilit. I have better plans to do.”


Di na lang naming pinansin yun at hinayaan kong kumain si Arjay. 


Umupo naman ako sa may living area at nanood ng TV. 


Hihintayin ko na lang ditto si Arjay.


[Alex’s POV]


At last, makakalabas na rin ako.



 Ang tagal kong naghintay na makalabas dito at sa wakas. Haixt. 


Namiss ko bigla yung bahay namin.


Okay na naman ako. 


Wala na akong mga sugat na malalaki at tanging mga konting peklat na lang at mga gasgas ang natira. 


Okay na rin naman ako at within the 2 days pwede na rin daw akong pumasok.


Pwede na rin daw akong hindi kumuha ng final exams since okay na rin naman daw ang grade ko. 


Pero pinag-iisipan ko na lang din naman kung kukuha pa ba ako or hindi na. 


Baka kasi di sapat yun para sa scholarship na hinahabol ko.


“Ready ka na ba umuwi mahal ko?” tanong ni Kieth.


“Yup. Excited na nga ako eh.”


Niyakap ko siya ng mahigpit at pinapak ng halik sa mukha. Agad na namang kumontra ang panget kong kuya.


“Mamaya na yan sa bahay.”


“Hahaha. Oo na kuya. Medyo mahaba-habang araw ang ginugol niya dito sa ospital kaya marami siyang kailangang punan sa akin.” Sagot ni Kieth.


“Magsama nga kayo. Parehong pareho ang pag-iisip ninyong dalawa eh.”


“Hahah. Ah baka hindi na bumalik sayo si Kieth kapag nagsama kami. Masasarapan siya sa akin.”


“Wow ha. Hinding-hindi mangyayari yon.”


“Selos ka naman agad.”


“Oi kayong dalawa bilisan na ninyo. Dito ko kayo patitirahin eh.”


“Ma naman.”


“Magpapatayo na ako ng kwarto dito eh gusto mo Alex?”


“Joke lang mama. Si mama naman kasi eh.”


“Lapitin ka kasi sa aksidente eh kaya gagawa na ako ng paraan.”


“Last na to promise.”


“Siguraduhin mo lang anak.”


“Opo.”


Agad naman akong lumapit kay Kieth at inangkla ang mag kamay sa matitipuno niyang braso. 


Hinawakan ko ang isa niyang kamay.


“Tara na sa baba.” Yaya ko.


“teka nagbubuhat pa ako.”


“Hayaan na natin si kuya kaya na niya yan.”


“Ikaw talaga. Sige tara na nga. Pero bubuhatin ko lang to last na.” sagot niya


“Tulungan na kita.”


“Wag na kaya ko na ito at isa pa baka mapaano ka pa.”


“Masyado niyo ang binababy.”


“Siympre baby kita eh.”


Hinalikan niya ako saka siya lumabas ng kwarto. 


Agad naman akong sumundo sa kanya papuntang baba.


Ilang sandali lang ay naiayos na namin ang lahat ng aking gamit at dumeretso sa may bahay namin. 


Katabi ko ngayon si mama at si Kieth. 


Pinagpasyahan ko munang matulog pero napansin ko na parang pagod na pagod si Kieth.


“babe…. Tulog ka muna.” Sabi ko.


“Ayos lang ako.”


“Araw-araw napupuyat ka pagbabantay sa akin. Ngayon hayaan mo naman na bumawi ako.”


“Ang sweet naman ng mahal ko.”


“Sige lang.” 


hinawakan ko ang kanyang mga kamay at hinayaan lamang siya na matulog sa aking balikat.


Ilang minuto lang din ay nakarating kami sa bahay namin. 


Pero napansin ko agad ang isang sasakyan na nakaparada sa harapan ng bahay namin.


Agad ko namang napansin na naging balisa si mama sa kanyang mga kilos. 


“Anak dito ka lang.” sabi ni mama


Himbing pa rin ang tulog ni Kieth, sobrang pagod ata talaga ang mahal ko. 


Agad namang itinigil ni kuya ang sasakyan at bumaba silang dalawa. 


Pinanood ko na lang silang dalawa.


Mula sa di kalayuan ay naaninag ko si Tito Ralph.


 Ano bang mayroon sa kanya at paulit-ulit ko siyang nakikita?


Habang pinapanood ko sila ay parang nakikita ko na may problema. 


Nagsisigawan sila at hindi na ako mapakali. 


Agad namang nagising si Kieth at nagtanong sa nangyayari.


“Babe anong meron?” tanong nito habang nagkukusot ng mata.


“Si Tito Ralph eh, nakikipagsigawan kila mama. Baba lang ako para tignan.” Sabi ko.


“Babe dito ka lang…” sabi niya


“Pero babe si mama eh.”


“Alam ko sasabihin ng mama mo na dito ka lang. ayaw ka niyang masyadong maapektuhan sa nangyayari.”


“Need ko talaga.”


“Sige na nga sasamahan kita.”


Lumabas kaming dalawa at nakita ko ang pagbabago ng mukha ni Tito Ralph. 


Unti-unti siyang lumapit sa akin at nagsalita. 


Pinipigilan siya ni mama pero hindi niya ito mapigilan. 


Si kuya naman ay  hinarangan ito.


“Umalis ka diyan!” sigaw nito.


“Hindi ako papayag!”


“Umalis ka diyan sa harapan ko dahil kukunin ko ang ANAK ko!” sigaw nito.


Anak? 


Sinong anak? 


Napatingin naman ako kay Kieth. 


Anak ba niya si Kieth? 


Kaya ba pinaghiwalay niya si Arjay at si Kieth dahil magkapatid ito?


“Tatay mo ba si tito Ralph?”


“Hindi.” Sagot niya


“Anak… Alex anak…” biglang sigaw ni tito Ralph.


Ako? 


Anak daw niya ako? 


Ha? 


“Ako?” nautal ko


“Alex tara na…” sabi ni Kieth.


“Hindi… teka.. may sinasabi si Tito Ralph…”


“Kieth ilayo mo na dito si Alex… Kieth!” sigaw ni mama.


Kinuha ni Kieth ang kamay ko pero nagpumiglas ako. 


“Teka lang!” sigaw ko.


Bakit nakaramdam ako bigla ng inis? 


Di ko maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong nakaramdam ng ganito.


“Teka… ako anak po ninyo? Baka ho nagkakamali lang ho kayo. Umalis nap o kayo dito. Nakakhiya nap o sa mga kapit bahay…” 


bakit ganito ang salita ko? 



Bakit pilit kong pinapanatag ang sarili ko.


“Anak kita. Alex anak kita…”


“Pasensya na ho ah pero mali talaga kayo ng inaakala. Umalis na po kayo…”


“Tito umalis na po kayo.” Sabi ni kieth.


“Hindi ako aalis dito hangga’t hindi ako tinatanggap ng anak ko.”


“Nagkakamali po talaga kayo. Si Arjay ang anak ninyo. Siya po! Nagka-amnesia po ba kayo? Umalis na po kayo.”


“Anak ko kayo pareho! Itanong mo pa sa mama mo!”


“Ma?”


Hindi siya nakasagot. 


Hanggang sa maya-maya ay nakarinig ako ng mga hikbi sa aking likuran. 


Pamilyar sa akin ang paghikbing iyon.


“Anak? Anak mo rin pa si Alex?”



Napatingin kaming lahat at nakita ko si Arjay na umiiyak.


(Itutuloy)

No comments: