Guys... may pagbabago po sa postings ko. Hindi ko na po masasabi kung kelan ako magpopost and worst is baka once a week na lang po ako makapag update. sorry po talaga. Nagloloko po kasi yung net connection namin kaya nahihirapan po ako magupdate. Mahirap din pong isingit sa studies ko kasi po hanggang gabi yung klase ko. sorry po.. Hope you understand.
---------------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 31
[Arjay’s POV]
I’m on my way home pabalik ng Pilipinas.
Okay na ang bakasyon ko dito at sa tingin ko ay may natutunan ako, at least
medyo maluwag na ang dibdib ko.
Naisip ko rin naman na kailangan magbago bago
na ako dahil hindi naman mawawala ang lahat kung hindi ako magsisimula muli.
Kay tagal ko nang naging kontrabida sa mga
bagay-bagay lalo na pagdating sa buhay ni Alex.
Siguro kailangan i-embrace ko
ang katotohanan na iisang dugo ang nananalantay sa aming mga katawan.
Mahirap man tanggapain pero ano pa ba ang
magagawa ko?
Nakuha ko na naman ang gusto ko, ang makasama si Kieth kahit
saglit.
Ang ibaba ang hinanakit sa puro ko sa kanyang harapn ay nagawa ko na
rin.
Tapos na ako sa lahat ng kabaliwan ko at
ready na ako.
Mahal ko si Kieth yun lang ang tumatak sa puso ko at di naman
mawawala yun pero this is the art of letting go..
Tama na muna ang stress sa buhay ko dahil
buong buhay ko ay stress na.
Magfofocus na muna ako sa kung ano ang meron ako
sa buhay ko at papahalagahan ito.
Past is past and never been back.
Ex ko na si
Kieth at mananatili na lamang itong nakaraan.
“Hello.” Sagot ko sa tawag ni mama.
“Oh anak nandjan ka na ba?”
“Kakarating ko lang po.”
“Narito kami ng papa mo sa may labas
hinihintay ka. Miss na miss na kita anak. Naku, may mga pasalubong ka bas a
akin?”
“Oo naman ma. Miss na miss ko ron kayo.”
“Nasaan ka na ba?”
“Yung gamit ko po aayusin ko lang. hanapin
ko na lang po kayo.”
“I miss you ulit anak.”
“I miss you too mama.. kayong dalawa ni
papa.”
“Bilisan mo anak at nang mayakap na kita.”
“Opo mama.”
Hinanap ko na agad ang gamit ko at saka
pumunta sa departure area.
Agad nilibot ng aking mata ang mga tao sa paligid.
Sinipat isa-isa hanggang sa makita ang mga magulang ko.
Agad namang sumilay ang
mga ngiti sa aking labi.
“Ma!” sigaw ko.
“Anak!” pagsisigaw ni mama.
Agad akong tumakbo sa kinaroroonan nila at
agad nila akong niyakap ng mahigpit.
Niyakap din ako ni papa ng mahigpit.
Napangiti na lamang ako sa nangyari.
I feel ready to be completed.
“I miss you ma.” Sabi ko.
“Namiss ka naming dalawa ng papa mo.
Kamusta ka ba doon? Hindi ka man lang tumawag sa amin. Alam mo bang nag-alala
kami ng papa mo?Nagbalak pa nga kaming sumunod doon para naman makapanigurado
kami sa kaligtasan mo.”
“Ma, kayo talaga. Okay naman ako doon and
everything change me. Marami akong na-realize sa sarili ko and I thinks that
okay na ako. At least naging independent ako at natutunan ko ang mga bagay
bagay. may mga bagay na nagpamulat sa akin sa katotohanan.” Sabi ko.
“Welcome back anak. I’m proud that you
learned so well.” Sabi ni papa.
“Salamat pa at sorry sa lahat.
Magpapakabait na ako para sa inyo.”
“Im sorry din anak.”
“Let’s try to forget everything just
happen.”
“Nga pala, okay na yung schedule mo. Naayos
na naming ng papa mo. Nakapagbayad na rin kami kahapon.” Sabi ni mama.
“Salamat po. Kailan daw po pasukan?”
“Sa Lunes daw.”
“Ah okay. Ang bilis naman ata.” Sabi ko.
“Yaan mo na anak. You have still 1 week to rest.”
Sabi ni papa.
“Kain muna tayo sa labas. We need to
celebrate everything.” Sabi ni mama.
“Sige po. Medyo may jet lag pa ako.”
“Sige sige.” Sabi ni papa.
Family, yan ang naramdaman ko ngayon sa
wakas.
Okay na ako dahil may pamilya na ako na matatawag.
Stressed free at
walang iniisip, yan na ang nararamdaman ko sa ngayon dahil na solve na ang
problema ko.
Nagliwaliw kaming tatlo at sinulit ang araw
na ito. Unti-unti ay napupunan ni papa ang mga agkukulang niya sa akin.
Ramdam
ko naman na bumabawi siya sa akin lalo na sa mga nangyari.
Pinatawad ko na
naman siya sa lahat ng nangyari at hahayaan ko na lang na burahin ng panahon
ang nakaraan na masalimuot.
Umuwi na din kami pagkatapos at nagpahinga ako.
Haixt.
Nothing can feels like home.
Agad naman
akong nakatulog sa malambot kong kama dahil
na rin sa pagod.
Ang sarap sa pakiramdam na nasa bahay ka, feeling safe ka.
Di
ko alam kung gaano katagal ba ako nakatulog nang mga panahon na iyon.
“Hoy sleepy head!” nagising ako sa sigaw ng
isang tao.
“Ano ba?!” irita kong sabi.
Hinablot niya ang braso ko at binuhat ako
pababa.
Hinigit niya ang paa ko at narinig ko na lang siyang tumawa.
Hinagilap
ko ang unan sa aking tabihan at ibinato ito sa kanya.
Kahit kalian istorbo eh.
“Badtrip naman oh… sarap ng tulog ko eh.
Problema mo ba?” Sabi ko.
“Gising na! dumating ka na pala hindi ka pa
nagsasabi. Alam mo nakakapagtampo ka na talaga. Best friends pa ba tayong
dalawa ha?”
Agad naman akong nag-ayos ng sarili at
nakita ko si RD.
“Loko ka. Kahit kalian panira ka talaga ng tulog ko. Oh ano
bang kailangan mo sa gwapong nilala na nasa harapan mo ngayon?”
“Sus, nag ibang bansa ka lang eh natuto ka
ng magsinungaling. Kamusta ang balik-bayan?”
“Eto gwapo pa din. Naku, wag ka ng kumontra
ha. Umayos ka nga.”
“Patingin nga. Nasaan?”
“Eto.”
Hinablot ko siya at biglang hinalikan sa
bibig.
Alam ko nagulat siya at maging ako nagulat sa ginawa ko.
Hahah.
Nahawa
na ata ako sa pagiging liberated ng mga Amerikano.
“Ano yun?” tanong niya
“HAhahaha. Ganti lang, ginising mo ako eh.
Oh ano ngayon? Tulala ka ngayon jan ano.”
“Isa pa nga. Nasarapan ako eh. Isang
malalim na halik nga jan, namiss ko ang may kahalikan eh.”
“Hahahah. More than that gusto mo?”
“Naghahamon ka ba sa akin ha? Hindi kita
uurungan. Kala mo ha. Alam kong ako ang una mo pero di ko inaakala na
hahanap-hanapin mo.”
“Loko ka. Libog mo. Konyatan kita jan eh.”
“Hoy ha! Hindi ah. Ikaw kaya jan malibog.
Mga sinasabi mo, naninisi ka pa eh.”
“Namiss kita.” Sabi ko.
“Namiss din kita. Yang kaartehan at ka-emohan
mo. Namiss ko yung may kausap ng ganito. Kaya welcome back bro.” Sabi nito.
“Aysus, nagdrama oh. May gagawin ka ba
ngayon? Tara labas tayo.” yaya ko.
“Saan mo ba gusto?”
“EK tayo.”
“Wow. Wala akong dalang pera.”
“Galante ako ngayon kaya sagot ko. Don’t
worry kargo kita ngayon.”
“Wow. Bago yan ah. Dapat pala lagi kang
nag-iibang bansa kasi nagiging galante ka at hindi na nagiging kuripot.”
“Naman ako po. Galante na ako. Bago-bago
din pag may time.”
“Yaman. Sus. Ninikaw mo yan kila tito ano?”
“Di ko kailangan magnakaw ano. Nagtrabaho
ako para dito. Pinaghirapa ko ito.”
“Naka-ilang customer ka ba? Hahahah”
Nagtawanan kami. “Isa…” sabi ko.
Naalala ko bigla si Kieth.
Ano kaya ang
ginagawa niya?
Hay naku.
Move on na nga diba?
At isa pa, nothing to worry naman
sa nangyari. n_n
“Ano nasarapan ka ba s a service na ginawa
mo? Ginusto mo ba? Inenjoy mo ba?”
“SUnod-sunod talaga mga tanong? Alam mo
kahit kalian, ang baboy mo talaga. Naku! Joke lang yun ikaw talaga. Wala akong
ginawang kahit ano doon? Nag behave ako at nanatiling no experience sa ibang
bansa.”
“Aysus. Talaga lang ha? Baka hindi ha.””
“Edi wag kang maniwala sa akin. Taba mo.”
“Panget mo.”
“Gwapo mo ah.”
“Naman ako pa.”
“Oh, anong bago sayo pala? Ano may jowa ka
na?”
“Eto lalong naging gwapo. Jowa ba kamo? Wala
pa eh. Mahina pa ang opensa. Puro depensa.”
“Oh? Bago yan ha. Wala kang binabanggit sa
akin ha. May nililigawan ka nab a ngayon? Sino? Sabihin mo naman sa akin.
Share-share din pag may time.” tanong ko.
“Ah eh…”
“Kilala ko ba yan? Naku ikaw ha nag bi-binata
ka na. Ayieh, bilog na ang utot. Kulay pink na ang utot dahil inlove. Ipakilala
mo na yan sa akin ha.”
“Saka na lang. Kapag sigurado na ako.”
“Sus. Hahaha. Baka mamaya niyan niloloko mo lang ako. By the
way, so ano tara?”
“Ang aga pa kaya, excited lang? Kung ako
sayo, maligo ka muna dahilalam mo ang baho mo na. Nangangamoy ka na eh. Di ko
matitiis na kasama eh mabaho.”
“Ang kapal mo ha.”
“Dali na ano ka ba?”
“Pakiss muna nga.” Sabi ko.
“Wag ka nga, baka marape kita ng wala sa
oras.”
“Alam mo, di naman rape ang tawag kapag
pumayag ako diba? Kaya ano? Lets get it on!”
“LOL wag ka nga. You are trying to seduce
me. Ang libog mo. Hala!”
“Haixt. Sige na lumabas ka na at maliligo
ka na. Hintayin mo na alng ako sa labas ha.” sabi ko.
“Bilisan mo ha hinihintay ka na nila tita
sa labas.”
“Bakit daw?”
“Ba eh kakain kayo. Umaga nap o tulog
mantika.”
“Ay ewan.”
“Sige na.” at lumabas na siya.
Habang naliligo naman ako, bigla-bigla ay naalala
ko yung gabing nagkita kami ni Kieth.
I miss how he do it to me. Haixt.
His
lips, malambot pa rin ito at matamis.
Ay stop thinking!
Agad ko namang inayos ang sarili ko matapos
kong maligo.
Ayaw ko namang paghintayin sila kaya naman double time ako sa
pagbibihis.
Nagsuot lang ako ng white tshirt tapos shorts.
Vans na shoes at
ready to go na ako.
Tumatakbo ako habang pababa ako.
“Good morning!” Bati ko kila mama.
“ Good morning din anak. Aba, maganda ata
morning mo ah? May lakad ka ba anak?” tanong ni papa.
“Mag EK po sana kami ni RD. pwede po ba?”
“Sige. Bigyan na lang kita ng pera mamaya.”
“Wag na po may pera pa naman ako.”
“No… bibigyan na kita. You should let
yourself enjoy for sometimes.”
“Salamat po.” Sabi ko.
“Anak upo ka na kakain na tayo.” Sabi ni
mama.
Umupo na ako at isinabay na namin si RD sa
pagkain.
Di ko napigilang mapangiti dahil na rin sa nakikita ko ngayon.
Sana
maging okay na ang lahat, sa wakas may pamilya na akong mauuwian.
“Anak, total nandito na naman tayo lahat, may
gusto sana kaming sabihin ng papa mo.” Sabi ni mama.
“Ano po iyon ma?”
“Uhm. Wala na kaming balak ituloy ang
kasunduan sa inyo ni RD. Naisip din naming na masyado kaming business minded at
inisip lang naming ang kapakanan naming. We can build our partnership
eventhough na hindi kayo ikasal. You are totally free with your marriage.” Sabi
ni papa.
“Po?” sabay naming tanong ni RD.
“Naisip din kasi namin na nonsense naman
kung ipagpapatuloy naming ang ganito. At isa pa, we are not in the old days
anymore.”
“Pero pa.”
“Were okay ng papa ni RD. Tulad nga ng
sinabi ko kanina, were still business partners, is just that we think that kayo
na ang bahala sa pagpapatakbo at pagpapalago ng kumpanya someday.”
“Salamat po.” Sabi ko.
“Sorry anak sa mga nagawa ko. I hope that
you can forgive me for everything.”
“Yes pa. I can forgive you. Sino ba naman
ako para hindi makapagpatawad? Ang mahalaga ay ayos na tayo. Masaya na ako sa
lahat ng nangyari. Salamat po talaga.”
“Pero anak meron pa kaming gustong sabihin
sana. Sana nga lang ay pumayag ka”
“Ano po iyon?”
“May...”
“May ano po?’
“May ipapakiusap sana kami sayo.”
“It’s about what?”
“Alex…”
“What’s abut him?” matabang kong sagot.
“Kung pwede sana siyang tumira dito.” Sabi
ni mama.
“Tumira?”
“Yup. To be with us.”
Di ako sumagot.
Pero why not diba?
Just thinking kung kakayanin ko na ba na makita agad siya.
“Since anak rin siya ng papa mo… I think he
has still the right to lived with us.. “ dagdag ni mama.
“At isa pa anak, para naman makilala natin
siya, makausap at magkaayos kayo.”
“It’s not that easy pa.”
“Kung ayaw mo okay lang.” sabi ni papa
“We are asking you para wala kaming
matamaan. Lalo na yung gusto mo.” Si mama.
Ang tagal ko bago sumagot.
Nang nagtaas ako
ng paningin ay nakita kong nakatitig lang sa akin si RD. haixt.
He is waiting
for my answer.
I’m open for the possibilities kaya sige lang.
“It’s okay for me ma… pa… But I cannot
assure you that’s’s its just easy to forget everything.”
“Salamat anak.”
“Kailan po ba?”
“Kakausapin ko pa siya.”
“Okay.” Sabi ko.
“Anak… salamat at pinagbigyan mo ang papa
mo.”
“Okay lang sa akin, pero ma at pa, ayoko
lang kayong paasahin nag magkakaayos kami agad-agad. It takes time pa ha. Wag
sana ninyo kaming madaliin.”
“But I’m looking forward for it.”
“Okay.” Nasagot ko.
I don’t know what is right or wrong pero
wala namang masamang subukan ang mga bagay-bagay.
why not?
I think darating din
naman yung time na kaya ko siang pakiharapan.
At isa pa, kapatid ko siya sa
ayaw ko man o sa gusto.
[Alex’s POV]
Haixt. Fisrt day of class at nakakaboring
ang araw na ito dahil puso orientation.
Well, haixt. Nakakatamad lang talaga
lalo na at ang gloomy ng pakiramdam ko ngayong araw na ito.
Since orientation na naman ng mga prof,
puro mga requirements lang ang sinasabi.
No choice naman kundi ang making lang
ng making dahil hindi pa naman nagstart ang klase. Haixt.
That’s life, accepts
life.
“Best…” narinig ko na tawag ni Charlene.
“Oh.” Tanong ko.
“Si Arjay pala ay nakarating na dito sa
Pilipinas.”
“Ah ganun ba.”
“At last safe ka na kasi di ka na mag-iisip
ng kung anu-ano.”
“Haixt hindi pa rin. Medyo natigil kasi ang
pag-uusap namin ni Kieth. Hindi na kami makapag skype dahil sa may mga pasok na
kami. At isa pa, nakukuntento na lang kami sa pa message-message na lang.” sabi
ko.
“At least may communications pa din kayo.”
“OO nga eh. Miss ko na siya.”
“Miss ko na rin si Jake. Hay naku.”
“Na saan na ba siya?”
“Ayan parating na.”
“Ang chaka mo talaga.”
“Chararat ka.”
“Mas chararat ka. Ang tagal ng boyfriend
mo, ang kupad kahit kalian oo. Tara na nga gutom na ako.”
“Ayan na future bf mo.” Singit niya
“Huh?”
“Si RD oh parating…”
“Alex!” tawag ni RD.
“Ui.” Bati ko.
“tara kain tayo.” Sabi niya
“Sige pakain na rin kami. Sabay ka na sa
amin.”
“Ah eh… tanong ko lang sana kung pwede bang
may isama ako sa pagkain natin? Okay lanag naman kung hindi kayo papayag eh.”
“Si Arjay ba?” tanong ko.
“Yup. Okay lang ba sayo?”
“Okay lang. Wala naman sa akin yun. Don’t
worry.”
“Salamat ng marami yats. Kita na lang tayo
sa North Point.” Sabi niya
“Sure.” Sagot ko.
Umalis na siya at sigurado ako na
pupuntahan niya si Arjay.
“Oi.” Kulbit naman ni Charlene.
“Oh?”
“Di mo naman sinabi sa akin kaagad na okay
na pala kayo ni Arjay. Close na kayo? Bati na kayo?”
“Eksena mo. Wag ka nga.”
“Nakakaintriga lang talaga.”
“Panalangin mo na lang na maging okay kami.
Ililibre kita kapag naging okay kami.”
“Hay naku. Ewan ko ah pero di pa rin ako
kumportable jan sa kapatid mo. Parang lagging kalkulado ang kilos ko kapag
nanjan siya. Hindi ko pa rin naman kasi gamay mga kilos niya eh.”
“Hay ano ba yan? Wag ka ngang ganyan. Wag
nating gawing dahilan yan para bilangin ang mga kilos natin.”
“Ano bang magagawa ko eh eto ang
nararamdaman ko?”
“Tara na nga. Gutom lang yan.”
Mukha na naman akong timang dito dahil sa
nararamdaman ko.
Tila ba may kung ano ang nasa dibdib ko na bumabagabag sa akin.
Haixt.
Di ko mapigilan ang kabahan sa muling pagkikita naming ni Arjay.
May
daga sa aking dibdib na nagsisitakbuhan kaya ng parang sasabog na ako at
nanlalagkit sa pagtulo ng pawis.
Di tuloy ako mapakali, haixt.
“Mukha kang tatae.” Sabi ni Charlene.
Nagtawanan sila siyempre.
“Mukha ka namang
tae.” Sagot ko.
“Easy lang.” sabi ni Jake.
“Paano ako magiging easy sa ngayon,
kinakabahan ako eh?”
“Bakit ka ba kinakabahan?”
“Di ko alam eh.”
“Baka pagnakita mo siya makipagsabunutan ka
ah.”
“Oi hindi ah.”
“Speaking…Oh ayan na.” sabi ni Jake.
“Hi.” Bati ni RD.
Ngumiti lang kaming lahat at nakita na
namin na umupo sila.
“Tara order na tayo.” Yaya ni RD.
“game.”
Kanya-kanya naman kaming umorder at
tanging naiwan lang sa lamesa si Charlene at Arjay.
Tahimik lang kami na kumakain sa mga oras
na iyon.
Walang imikan.
Paunti-unti nadadagdagan ang kaba sa aking dibdib.
Bakit ba ako kinakabahan? Kaba ba to o awkwardness?
Ilang beses na akong
nagiging clumsy ngayong pagkain namin.
“Okay ka lang ba?” tanong ni RD.
“Yeah.” Sagot ko.
“Naku… may sakit ata yan.” Sabi ni
Charlene.
“Oh? Anong meron? okay ka lang ba talaga?
Iuwi na kaya kita. Tara.” Sabi ni RD.
“I’m okay. Naniniwala ka naman jan sa
babaeng yan.” Sagot ko.
Nakita ko naman na nakatingin sa akin si
Arjay.
Nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti pabalik.
Itinuloy na lang
namin ang pagkain.
Nagm sialisan na rin kami 10 minutes pagkatapos kumain.
May kakaiba kay Arjay, yung mga mata niya,
bakit parang nangungusap ito.
Nag-iba ang sigla nito at tila ba okay na siya.
Medyo nakahinga ako ng maluwag.
Di na siya yung tulad ng dati na parang
sinakluban ng mundo.
Habang pauwi ako, pinag-iisipan ko pa rin
ang mga bagay na iyon. Haixt.
Sobra na akong natutuliro sa mga nangyayari.
Malapit na ako sa bahay nang mapansin ko ang kotse ni papa.
Napangiti naman
ako.
Agad akong nagmadali na pumasok sa loob ng
bahay.
Nagtatakbo ako papasok ng bahay at agad kong hinanap si papa.
Nang
makita niya ako, maluwag ang ngiti at agad ko siyang niyakap.
“Pa…” sabi ko.
“Mukhang namiss ako ng anak ko ah.”
“Sobra po… Ano pong…”
Hindi ko naituloy yung sasabihin ko nang
mapansin ko si Arjay na nakaupo sa may sala namin.
Nanonood siya ng TV at
ngayon ay kami ang pinapanood niya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin.
“Ano pong meron?” tanong ko.
“Anak umupo ka muna.” Sabat ni mama.
“May problema po ba?” tila seryoso silang
lahat.
“Nag-usap kami ng mama mo. Naki-usap ako na
kung maari ba ay maghati kami ng oras sayo.”
“Anak… hinihintay lang namin ang desisyon
mo. Para sa akin, okay lang naman ako.” Si mama
“Pero…” tumingin ako kay Arjay.
“Kaya ko nga siya isinama para magkausap
kayo. Alam kong may hindi kayo napagiintindihan at alam ko na di maglalaon ay
magiging okay kayo.”
“Okay lang po sana… pero hindi po ba
ma-awkward si Arjay sa akin?”
“Okay lang sa akin.” Sabat ni Arjay.
“Okay.” Sabi ko.
“Sunday to Wednesday ay dito ka uuwi at
Thursday to Saturday ay sa amin ka uuwi, ayos lang ba yun sayo?” tanong ni
papa.
Tumango na lang ako.
“Anak.. okay lang ba
talaga sayo?” tanong ni mama
“Okay lang po. Ma kayo ba? Okay lang ba
kayo na mawala ako ng panandalian.”
“Ayokong ipagkait pa yung pagkakataon na
makilala mo ang tatay mo. Okay lang ako anak. Wag kang mag-alala.”
“Nandito naman si kuya ma… pero kung
kailangan mo po ako, ma wag po kayong mag-atubiling tawagan ako.”
“Kaya ko ang sarili ko anak.”
“Maiwanan na muna naming kayong dalawa.”
Sabi ni papa.
Agad na lumabas sila mama at papa at
mukhang marami-rami silang pag-uusapan.
Naupo naman ako sa may katabing upuan
na inuupuan ni Arjay.
“Hi.” Bati ko.
“Masyado ka namang casual mambati.” Sabi
niya habang nanonood pa rin siya ng TV.
“Balita ko galing ka daw America… by any
chance… umpft… nagkita ba kayo ni… Ni…”
“Ni Kieth??”
“Oo.”
“Alam mo napaghahalataan na pinagseselosan
mo ako. Bakit ba hindi mo maitanong yan ng diretso sa akin?” Sabi niya
“Sorry.”
“Wag kang magsorry. Nagmumukha tuloy akong
masama. Chill lang.” sabi niya
“Okay. Nagkita ba kayo ni Kieth sa
America?” tanong ko.
“Yup. Nagkita at nagkasama kami. Nagkausap
din kami ng masinsinan. Don’t worry, mahal ka niya kaya and he will not cheat
to you. Trustworthy siya. Big word for a big person like him.”
“Ah ga nun ba? Kamusta siya?”
“He’s not okay. Miss ka na niya. Sobra nga
eh.”
“Ah ganun ba. Salamat.” Sabi ko.
“Wala ka bang balak sundan siya?” tanong
niya
“Meron… kaso wala pa akong mga papeles para
jan.”
“okay.” Sabi niya
“Nga pala… about sa atin.”
“Anong tungkol sa atin?”
“Medyo na-awkward man ako pero need kong
maging straight forward.”
“Just state it.”
“Kamusta ba tayo? Okay ba tayo?”
Di siya sumagot.
Tumahimik na lang ako at
din a lang nagsalita.
Ayoko namang pilitin siyang sumagot.
“We are not okay.”
Nagulat ako nang magsalita siya.
“I know… okay. Thanks sa pagsagot.”
“But I’m looking forward na maging okay
tayo. Ayoko sayo, sobrang ayoko sayo kasi nga yung taong mahal ko nasa yo. Diba
nagkausap na tayo dati? Okay na sa akin yun. Ang hindi okay eh yung malaman ko
na yung kapatid ko ay mahal ng mahal ko. Pero I’m moving on. At least I’m
looking forward na maging okay na din tayo as soon as possible.”
“So ibig sabihin hangga’t kami ni kieth ay
hindi tayo magkakabati.”
“Maybe not. Di ko alam. I’m starting to
thinking onto something. Nag-iisip ako ng mga bagay-bagay na maaring makabuti
sa akin. Ayoko namang i-close yung possibilities na someday we could be okay.
Ayokong humadlang sa inyo ni Kieth. Lumalayo na ako sa kanya nt nagmove
forward.” Sabi niya.
“Tanggap mo ba ako bilang kapatid mo? I
mean, okay lang ba sayo na maging kapatid mo ako.”
“I don’t know what to answer with that
stupid question.”
“Sorry.”
“Hay naku. Ayokong maging kontrabida sa
buhay mo.”
“Salamat pala sa lahat.” Sabi ko.
“Welcome kung anuman yun.”
“kayo pala ni RD? Anong plano ninyo?”
“We are not fixed marriage anymore. okay na
kami. In fact were best friends.”
“Ah. That’s great.” Sagot ko.
“Just know your position. He is the only
one that I have. Wag mo na siyang tangkain na agawin pa.”
“It’s not that…”
“Alam kong gusto ka niya. Mahal ka niya
dati. At umamin din siya dati na mahal niya ako pero sadyang mas gusto at mahal
ka niya. Ipaubaya mo na siya sa akin.”
“Hindi naman isang bagay si RD na maaring
ipamigay na lang.”
“Ibalato mo na siya sa akin.”
“It’s not that.”
“Mahirap ka na ba talagang pakiusapan?”
“Best friend ko din naman si RD at hindi
naman ako paayag na itrato lang siyang ganun na lang.”
“Mahal mo ba siya?”
“Mahalaga siya sa akin.”
“You are not answering may question.”
“Let’s leave that.”
“Like what I thought.”
“Huh?”
“hay naku. Im just kidding about him. You
can have him. Wag mo lang ipagdamot yung time niya sa akin. Please lang. siya
na lang ang meron ako.”
“You have me.”
“But I don’t like you diba?”
“Okay.”
“Just joking hahaha. I’m tired. Gusto ko na
umuwi.”
“Ingat kayo.”
“Salamat… at nga pala. Hintayin na lang
kita sa bahay.”
“Okay. Salamat” napangiti naman ako.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment