NOTE!!! GUYS PAKIBASA!
Guys...
Tuwing sabado na lang po ako makakapag update. Sorry po kung ganito ang nangyari.
Medyo nagigipit na rin po ako sa time na makapag update at tapusin yung story.. Senxia na po.
Gagawin ko naman po ang lahat kung may time ako. :)
Sorry kung medyo maikli yung phasing... :))
Hope you'll understand...
---------------------------------------
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 34
(My own birthday...)
[RD’s POV]
Bukas birthday na ni Alex pero hanggang
ngayon ay hindi pa rin kami nagkakausap.
Pakiramdam ko naman ay iniiwasan na
niya ako simula pa lang nung umamin ako.
Haixt.
Mali ba ang hakbang kong
sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko?
Bakit ba kasi hindi ko napigilan
ang sarili ko na sabihin sa kanya, pigil lang naman ang dapat kong ginawa.
“Hay Alex… ang lang hiya ko kasi… hinalikan
kita, inamin ko sayo ang lahat at may payakap-yakap pa ako. Paanong di mo ako
iiwasan? I ruined everything sa kung anuman ang meron tayo. Ang laki kong
tanga. Kahit kalian hindi ako nag-isip ng tama.” Buntong hininga ko na lang.
Inihiga ko ang sarili ko sa damuhan at
hinarap ang malawak na ulap.
Ilang beses ko na siyang inabangan sa room nila
pero sadyang mailap siya sa akin at alam ko namang pinagtataguan niya ako.
Yats,
ano ba ang dapat kong gagawin para mapansin mo ako kahit konti lang?
Sa pagmumuni-muni ko ay di ko akalain na
paparating si Jake sa kinaroroonan ko.
Kay Minsan lang kami magtagpo ng ganito
at kung sakali man ay magkakwentuhan pa.
Noon ay sobrang lapit ng loob naming
sa isa’t-isa at partners in crime pa kami tulad ng sabi ng iba, pero nagbago
ang lahat nung maging kami ni Arjay.
“Yow bro…” Bati niya
“Ui.” Sagot ko.
“Bakit mukhang emo ang Mr. Lover boy? Ang
lalim ata niyang iniisip mo ah. Ilang metrong lalim bang balon yan?”
“Adik mo talaga. Exage lang, hindi naman
ganun kalalim. Ang taas nga eh.”
“Sus, Emo ka jan oh. Pre wag na tayong
maglokohan. Alam ko naman na may iniisip kang malalim. Parang iba naman ako
sayo. Tagal na nating magkakilala oh.”
“Pre naman, ako na ang nagsasabi sayo na
wala. Ikaw talaga.”
“Sus. Broken hearted ka no? Tsurang haggard
at lonely boy ka ngayon eh. Oh, wag kang magdeny.”
“Pre, hindi ah.”
“Alam mo isa pang deny susuntukin kta.”
“Easy lang. Katakot ka naman pre.”
“Umayos ka kasi. Di bagay sayo nag-iinarte.
Halikan kita jan eh.”
“Loko.” At nagtawanan kaming dalawa.
“Pero pre ano bang meron?” tanong niya
Di ko alam kung nakakahalata ba siya sa
lahat ng mga bagay na ginagawa ko.
Haixt.
Ano bang gagawin ko?
Sasabihin ko ba?
Wala rin naman akong maitatago pa sa kanya.
Kilala niya ako at kanilang tatlo,
si Jake ang siyang maykatangi-tanging abilidad na makabasa ng kilos o galaw ng
isang tao kaya alam niya kung ano ang bumabagabag sa isang tao.
“Pre… ewan ba.” Nasabi ko na lang.
“Tungkol sa pag-ibig ba yan? Tama ba ang
hula ko?”
“Uhm. Parang. Wala naman kasi akong
maitatago pa sayo. Takte naman, bakit kasi may kakayahan ka na ganyan. Shemay.”
“Tss. Nahiya ka pa. Pre, state it. Sige na.”
“Hahaha. Sige na, oo na. May magagawa pa ba
ako? Wala na diba? Hahahaha”
“Try mo kasi ako.”
“Ha? Wag mong sabihin pre na…”
“Loko. Ang ibig sabihin ko subukan mong
sabihin sa akin. Try me. You can trust me. Wala naman si Kieth ngayon kaya free
na free ka na kausapin ako.”
“Bakit ilag ka pa ba sa akin? Sinabihan ka
ba niya na iwasan ako? Pati ba naman ikaw mawawala na sa buhay ko?”
“Siyempre biro lang yun. At isa pa, bakit
sobrang drama mo ngayon pre? Naalibadbaran ako. hahaha”
“Haixt. Oo na.”
“Pero alam mo pre, namiss ko yung dati-rati
nating kulitan. Sa ating tatlo nila Kieth. Bale apat pala tayo to be exactly.
hahahah”
“Matagal ko ng napapansin to pero parang
ilag ka kay Arjay? Meron ba kayong nakaraang dalawa?”
“Yow… wala ah. Sigurado ako sa sarili kong
kasarian. Pero, ewan. Hahaha. Hindi ko
alam kung bakit ganun ang pagkalayo ko sa kanya. Dati naman okay pero nung naging
sila ni Kieth, parang nailang ako sa kanya.”
“Baka naman nagseselos ka.”
“Tungunu naman pre. Di ako ganun.”
“Hahah. May Charlene ka nga pala.”
“Oo naman. Kahit madaldal tong babaeng ito
eh mahal ko yan. Nga pala, ikaw ba? Kalian ka may ipapakilala sa amin? Simula
pa noon ni hindi ka na nagpakilala sa amin.”
“Ewan ba. Baka nga wala na akong maiharap
sa inyo. Baka nga hindi na ako umabot sa panahong iyon/”
“Bakit anong meron? Kung magsalita ka anamn
akala mo katapusan na ng mundo.”
“Wala naman. I just wanna be sure.”
“Pero yung totoo, nagtapat ka na ba s kanya?”
Mabilis naman ang sagot ko.
“Oo, nagtapat
na nga ako sa kanya, kahit na wala sa timing eh nagapat na ako.”
“Eto ang isa pang tanong, anong sagot sayo
nung lalaking iyon?”
“Wala. Plain. Nabigla siguro siya. Pero di
naman kataka-taka na ganun yung isasagot niya. Komplikado ang lahat eh.”
“Ano busted?”
“Baka nga. Ang malas ko sa pag-ibig kahit
kailan. Gusto ko lang anman makahanap ng aong magmamahal sa akin. Yung
makaka-appreciate sa kung ano meron ako.”
“Sa tingin ko nga. Baka naman may balat ka
sa pwet?”
“Loko.Yung totoo, may alam ka ba sa
nangyayari sa buhay ko?”
“Wala.”
“Okay sabi mo eh.” Pero di ako kumbinsido.
“Eto lang ang masasabi ko, ingat lang din
pre. Payong kaibigan, wag mo ng ulitin yung nakaraan. Wag mo ng ulitin yung
nangyari dati sa inyo.”
Sabi na at alam niya.
“Alam ko. Pero…”
“Mahal mo?”
“Oo.”
“Sobra?”
“Oo, sobra-sobra.”
“Kahit na alam mo na ang pagmamahal nay an
ay makakaisra ng isang relasyon?”
“Haixt. Akala ko ba wala kang alam? Adik ka
di ano? Pero may naisip akong kalokohan, try ko din kaya makisali sa kanilang
relasyon? For a change lang.”
“Tss. Mahirap yan pre eh. May sabit. Di
bale kung wala. Ayoko namang sabihing, antayin mo na lang siya kapag wala na
sila. Ang sa akin, masasaktan at masasaktan ka lang. kahit anong gawin mong
pag-iingat, may masasaktan at may masasaktan din.”
“Shet lang talaga. Bakit ba kasi nagmahal
ako sa taong minamahal din ng karibal ko?”
“Maybe destiny?”
“tanginang destiny yan.”
“gago kasi yang buhay mo? Try mong ireset.
Lagi ka na lang napaglalaruan ng tadhana eh. Mamaya mawala ka sa mundong ito ng
hindi man lang nakakaramdam ng saya sa pagmamahal.”
“Hahah.” Tumawa na lang ako.
“Nga pala… birthday na niya bukas. So ano
ang plano mo?”
“Alam ko na birthday na niya pero tuod pa
rin ako ngayon. Gusto ko siyang kausapin, kaso nga lang, wala akong magawa.
Tinatawagan ko siya pero hindi naman niya ko sinasagot. Ilang beses ko siyang
inabangan pero mabilis siyang pumupuslit patago sa akin. Mahirap hanapin ang
taong ayaw magpahanap.”
“Puntahan mo?”
“Para saan pa? Wala rin namang magagawa pa.”
“Para ayusin ang lahat. Para tanggalin ang
gusto na ginawa mo.”
“Ayos? Lagi na lang ba akong kontrabida?
Lagi na lang ba akong magmumukhang mang-aagaw? Tanginang buhay na ito. Sana
mamatay na talaga ako. Sana kunin na ako ni Lord. Shit!”
“Tanga ka ba? Yan ang iniisip mo agad?Kung
gusto ong mamatay na, sabihin mo lang sa akin at ako mismo ang kikitil jan sa
buhay mo. Cheer up men. Gawin mo yung tama.”
“Palibhasa di mo nararamdaman ang
nararamdaman ko. Pero ang hirap kasi…”
“Sawa na ako sa pag-aaway ninyo ni Kieth. Alam
mo ban a nangangarap ako n asana minsan eh magkasama-sama tayong tatlo? Yung
parang magkakapatid ulit? Ayoko na na makita na nagkakasakitan kayo. Ako ang
pinaka nasasaktan. Oo ganito ako katarantado, pero mahal ko kayong mga kaibigan
ko. Kayo lang ang kaibigan na mayroon ako pero nag-aaway pa kayo.”
“Haixt. Bakit ba kasi ang kumplikado ng
lahat? Bakit ang hirap mabuhay ng nagmamamahal sa kanya. Ako naman ang nauna na
makilala siya pero bakit wala? Wala akong nagawa. Lagi na lang akong inaagawan
ni Kieth.”
“Eto ang tatandaan mo pre, nagmamahalan
silang dalawa. Isipin mo kung tama ang gagawin mo kung papasok ka sa relasyon
nila.”
Tumawa na lang ako, pero kasabay noon ay
ang pagtulo ng mga luha sa aking mata. “Kailan mo pa nalaman ang nararamdaman ko kay Alex?”
“Napansin ko lang.”
“Baka naman nagsumbong sayo si Charlene.”
“Hindi ah.”
“Naku nakichismis ka ano?”
“Hindi ah. Parang iba naman ako sayo, diba
nga magaling akong bumasa ng tao?”
“Pre pwede bang ikaw na lang?”
“Madiri ka pre. Di tayo talo.”
“Pre, isang gabi lang oh. Makalimutan ko
ang lahat. Promise ko naman gagalingan ko eh.”
“Tangina pre, nakakadiri eh. Lumayo ka
nga.”
At nagtawanan kami.
Lumapit ako sa kanya at
niyakap siya ng mahigpit.
“Salamat.” Sabi ko.
“Pre… wag kang ganyan. Baka may makakita sa
atin at pagkamalan ka pa nila na kabit ko.”
“Yaan mo na pre. Nang magselos si Charlene.
Tapos pag nagbreak tayo, susungkitin kita at hindi kita papakawalan.”
“Oi wag ka. Loko talaga to.”
“Hahahah. Pero salamat. Seryoso ako,
salamat ng marami. I awe you a lot. I love you pre.”
“Yiieh. Siya, bitaw na. Mamaya nan halikan
mo pa ako eh.”
“Oo na. sige na.”
“Nga pala, tawagan mo si Charlene mamaya.
May sasabihin sya sayo.”
“Tungkol saan?”
“Basta.”
“Okay.”
“Alis na ako.”
“Sige. Ingat.”
“Yung sinabi ko sayo.”
“Oo na. pag-iisipan ko.”
“Shet pre, anong pag-iisipan?”
“Basta yaan mo na ako.”
“Ang gulo mo kahit kalian, nakakaasar na
pre.”
“Tsss. Give me time.”
“Tara nga.”
“Saan tayo pupunta? Teka nga bitawan mo
ako, may klase pa ako oh.”
“Wag ka ng maarte. Pupunta tayo doon sa
mahal mo.”
“Pre naman oh.”
“Ayusin mo na ang lahat. Wag ka ng
magdalwang isip.”
“Di ko pa kaya.”
“Kailan mo pa makakaya ha, kapag nalaman na
ni Kieth?”
“Haixt. Oo na.”
Wala na akong nagawa kundi
ang sumunod.
Ilang minuto lang din ay nakarating kami sa
bahay nila Alex.
Parang may kung anong bomba na mayroon sa akin at anytime at
the moment ay sasabog ito.
Di ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Kanina ko pa
iniisip sa utak ko ang mga salita na dapat kong sabihin.
“Pre nakakatuwa yang mukha mo. Mukha kang
bibitayin ngayon eh, chill lang ano.” Sabi niya
“Pre naman, ikaw kaya ang nasa sitwasyon
ko?”
“Ang arte eh parang di lalaki.”
“Oo na sige na papasok na po. Mamaya
sabihin mo na puta na ako.”
“Hahaha. Di naman ganun pre.”
“Tsss.” At pumasok na ako ng bahay.
“Hello po tita. Good evening po.” Sabi ko kay
tita.
“Good evening din iho. Oh iho, nagkausap na
ba kayo ni Charlene?”
“Pupuntahan ko na lang po siya mamaya sa
bahay po nila.”
“Mahalaga kasi yun.”
“Mukhang may idea na nga po ako eh.”
“Hahahah. Sumunod ka na lang kay Charlene
ha.”
“opo. Tita, nariyan po ba si Alex ngayon?
Gusto kop o sana siyang makausap eh.”
“Nasa taas siya anak. Alam mo naman,
nagmomongha na, naghihintay ng tawag ni Kieth.”
“Ah ganun po ba. Sige po aalis na lang
ako.”
“Naku iho dumito ka muna. Makikiusap lang
sana ako sayo.”
“Ano po ba iyon?”
“Kung pwede samahan mo muna ang anak ko.
Kailangan ka niya ngayon. Pasiyahin mo siya. Sobrang lungkot na niya eh. Marami
atang iniisip na kung anu-ano.”
“Ano po bang nangyari?”
“Alam mo na, ayon nagmumukmok at malungkot. Namimiss ang
boyfriend.”
“Okay po. Sige po ako na po ang bahala.”
“Salamat iho. Kumain ka na ba?”
“Hindi pa po eh.”
“Yaan mo ipaghahanda kita ng hapunan”
“Salamat po.” Sabi ko.
Nasa may pintuan ako ng kwarto ni Alex nung
marinig ko ang boses niya.
May sinasabi siya kaya pinakinggan ko ito.
Sinilip
ko siya at nakita na nakahiga siya sa may kama.
Pinagmasdan ko siya habang
nagsasalita.
“Kieth please naman magparamdam ka na, kung
alam mo lang nahihirapan na ako dito. Haixt. Gusto na kitang makasama, mahal na
mahal kita, at nahihirapan na akong malayo ka sa akin.”
Habang pinakikinggan ko siya, di ko
maiwasang maawa sa kalagayan niya pero sa kabilang banda, ang sakit sa parte
ko.
Ano pa bang magagawa ko eh wala naman talaga akong puwang sa puso niya.
Hanggang ngayon eh nangungulila pa rin siya sa boyfriend niya.
“Pero mahal… sa pagkawala mo may nagagawa
akong kasalanan…” sabi niya
Kasalanan?
Ano yun?
Interesado akong
malaman.
“Kasalanan na hindi ko sinasadyang magawa. Maniwala ka sa akin,
pinilit kong labanan, pero nabihag na ako ng aking nararamdaman.”
Nakita ko siyang nagpagulong-gulong sa
ibabaw ng kanyang kama.
He look so stressed, tired and haggard. Haixt.
Kawawa
naman si yats.
Gusto ko na siyang sunggaban ng yakap dahil sa gusto kong
maramdaman niya na narito lang ako at hindi siya iiwan.
Hindi nga ba?
“Mahal… sorry kung nagkakaganito ako. Kung
bakit nahahati yung nararamdaman ko sa inyong dalawa ni… Ni RD…”
Ako?
Nararamdaman?
May nararamdaman siya sa
akin?
Hindi kaya, may puwang ako sa puso niya?
Hindi kaya mahal na din niya
ako?
Nakaramdam ako ng tuwa sa aking dibdib.
Patuloy ko pa rin siyang
pinakinggan.
“Nalilito na ako kung ano ang nararamdaman
ko. Minsan iniisip ko na ikaw siya. Eto ba ang resulta ng pagkakalayo mo sa
akn? Alam kong mali pero hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko ito?
Ang tanga ko, ang tanga-tanga ko.” Sabi niya
Hindi, hindi mali yan.
Mahal din naman kita
eh.
Ipaglaban natin yang nararamdaman mo.
Ipaglaban natin please, sabihin mo
lang sa akin na handa kang ipaglaban yan.
Haixt. Pero tama ba to?
“RD… nakakainis ka… bakit pa? Bakit kasi
ako pa ang minahal mo? Bakit ganyan ang pakikitungo mo? Nahuhulog tuloy ako.
Mali naman to diba? Pero ayaw kitang saktan. Gusto kitang bigyan ng chance pero
si Kieth… siya ang buhay ko ngayon. Siya ang baga ng apoy ko. Siya ang dugo ng
katawan ko, kapag wala siya, wala rin ako ngayon.”
Wala ba talaga akong panama kay Kieth?
Haixt.
Ano bang meron siya na wala ako?
Ano bang dapat kong kainin para lang
matumbasan siya?
Lahat ng imposible naman sinusubukan kong gawin eh.
Bakit ba
hanggang ngayon eh hindi ko maunahan si Kieth?
“RD!!!!” sigaw niya
Nagulat naman ako kaya pumasok na din ako.
Nabigla na rin ako sa ginawa ko kaya wala ng
atrasan ito.
“Miss mo ako?” ang tangin nasabi ko.
Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mukha.
Agad siyang kumuha ng unan at itinakip sa mukha niya.
Nahiya tuloy ako sa
ginawa ko.
Nag earsdrop ako sa kanya at alam kong mali ito.
“Anong ginagawa mo dito?” sabi niya
“Gusto ko lang sanang makipag-usap eh.”
“Ah eh… ka-kanina ka pa jan?”
“Medyo.”
“Nari…ri…rinig mo lahat?”
“Medyo nga.”
Tinanggal niya ang unan niya at ibinato sa
akin.
“Napaka manhid mo! Nakakainis ka.”
“At ang manhid mo din!”
“Nakakainis. Ayaw nga kitang makita diba?
Ayaw kitang makasama! Kaya iniiwasan kita pero nandito ka! Argsh. Ala mo ba
lalo mo akong pinapahirapan?”
“Ayaw mo akong makasama pero sinisigaw mo
ang pangalan ko.”
“that’s different.”
“Miss mo ako diba?”
“No!”
“Gusto mo ako diba?”
“Of course not!”
“At… mahal mo ako diba?”
“Defenitely not!”
“Don’t deny it… Narinig ko nga diba?”
“Dahil tsismoso ka!”
“If you deny it… I will kiss you and … make
you mine.”
Tumahimik siya bigla.
He’s such a cute
angel.
Napatingin ako sa mukha niya.
Kakaibang bomba na ang nasa katawan ko
ngayon.
“Nagpunta lang ako dito para makipag-ayos.”
“Okay.”
“Pero Masaya ako sa nalaman ko. You make me
happy this night.”
“Do we really need to talk?” tanong niya
“Definitely.”
“Di rin ako sanay eh.”
“Kasi you miss me.”
“Ewan.”
“Don’t deny it… or else…”
“Okay… then I miss you. I miss your hug.. I
miss your touch.”
“My kiss?”
“Next topic please.”
“Hahaha.”
“Wag kang ganyan… lalo akong naiilang.”
“Nagwa-gwapuhan ka sa akin ano? Shit yats,
kinikilig ako ngayon.”
Tangina this feeling, daig ko pa ang
mamatay sa kilig eh.
Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Napapangiti ako ng
sobra.
“No.”
Lumapit ako sa kanya ang using my sexy voice.
Alam kong naattract siya sa sexy voice ko.
“Are you?”
“Please get away from me.”
“hahaha. If you see your face. Namumula ka
oh.”
“It’s your fault.” Nakita ko siyang
nagtungo. “But I think I love you…” nagulat ako sa sinabi niya
Natahimik kaming dalawa sa sinabi niya.
Nakatingin lang siya sa akin at kitang-kita ko na any moment ay tutulo ang mga
luha sa kanyang mga mata.
“Hey.. don’t cry.”
Umiyak siya simula noong niyakap ko siya.
Tuloy-tuloy
lang ang pag-iyak niya at walang humpay ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mga
mata. Am I too over for this?
“Napaka-makasalanan ko.” Sabi niya
“I feel guilty sa mga nararamdaman mo.”
Sabi ko.
“Hindi… ako to eh. Ako ang nakakaramdam.
Alam kong mali ang lahat ng ito pero heto pa rin ako, niyayakap ka..”
“Isa lang ba akong pagkakamali sayo?”
“Hindi… hindi yun ang ibig sabihin ko. Ang
sa akin lang… mali ang ginawa ko.”
“Yan ang nararamdaman mo kaya wag mong
sisihin ang sarili mo. Nagmahal ka lang naman eh, ginulo lang kita kaya wala
kang kasalanan.”
“Sorry… sorry kung hindi ikaw ang pipiliin
ko.” Sabi niya
Sobrang sakit nung sinabi niya. Kailangan
ko naman talagang tanggapin na kahit kalian ay hindi niya ako pipiliin.
Mamatay
man ako ngayon eh hindi niya ako pipiliin.
“Handa naman akong maghintay.” Ang
nabitawan kong linya.
“Wag… maghanap ka ng iba…” sabi niya
“Gusto kitang ipaglaban pero naduduwag ako…
naduduwag ako na baka sa bandang huli, magsisi kang mahalin ako.”
“RD…”
“Yats… mahal kita. Mahal na mahal kita.
Pero eto ako duwag na humaharap sayo. Mahal kita bilang kaibigan… bilang
kapamilya… pero higit pa sa isang kaibigan… maghihintay ako… maghihintay ako
sayo.”
“Maraming iba pa jan… mas okay sa akin… mas
bagay sayo… mas mabait sa akin… mas okay sayo…wag na lang ako.. masasaktan ka
lang sa akin.”
“Hindi mo maipipilit ang isang bagay.
Lalong nagtibay ang nararamdaman ko sag a nalaman ko. Kung alam mo lang
gusting-gusto na kitang angkinin ngayon para wala ng babalikan si Kieth sayo.”
“RD naman…”
“Yaan mo na… I just fell in love in the
right person at the wrong time…”
“Mahal din naman kita…”
“Pero mas mahal mo siya…”
Di siya nakasagot. “Alam mo… isa lang ang
masasabi ko… Distance is just a test… on how far Love can travel.”
Nakita kong nag taas siya ng tingin sa akin
at hinawakan ang kamay ko.
“Di ko alam ang sasabihin ko sayo…” sabi niya
“Malakas ako yats..m kaya ko sarili ko.
Sana kaya mo rin ang sarili mo.”
“Na-aalala ako sa nararamdaman mo.”
“Immune na to ano ka ba. Sabi ko nga sayong
malakas ako.”
“Kung malakas ka bakit ka umiiyak ngayon?”
“Hindi ah… uhhm.. di ako umiiyak… ah eh..
napuwing lang ako.” Pinahid niya ang mga luha ko.
“Kahit na sobrang nasasaktan ka na… minahal
mo pa rin ako… mahal pa ng sobra sobra.”
“Alam mo naman kung ano ang kaya kong
gagawin para sayo.”
“Pakatatag ka ha.”
“Malakas ako… malakas na malakas… yung
tipong iiyak ko ang lahat buong gabi… at pag gising sa umaga… sasalubungin ko
ang araw na may ngiti.”
“Please… dito ka lang sa tabi ko ha.. best
friend kita…. Ano man ang mangyari?”
“Oo naman. Ikaw pa. more than best friend
pa nga tatanggapin ko eh.”
“RD naman oh.”
“Just kidding. Tawa ka na oh. Smile.”
“Salamat. Di ko alam kung paanong gagawin
ko kung wala ka.”
“Isang kiss nga jan.” sabi ko.
Di naman siyang nag-atubili at hinalikan
niya ako sa labi.
Ikinagulat ko naman ang ginawa niya at napatulala na lang sa
kinatatayuan ko.
“Natulala ka na jan.”
“Pwede na akong mamatay.”
“Timang ka kahit kalian.”
“Hindi ko pinagsisishan ang aksidenteng
nangyari sa akin… ang mahulog sa yo…”
“Kahit kailan ang corny.”
“Alam mo tandaan mo lang to… maraming bagay
ang mabilis na nawawala sa panandaliang panahon.. pero ako, mananatilit sa tabi
mo anuman ang mangyari at gaano man katagal ito.”
“And that’s why I am great to have you in
my side.”
“Tama na nga ang drama… birthday mo na
bukas eh nagdra-drama ka pa din.”
“Haixt.” Napabuntong hininga siya.
“Dahil na naman kay Kieth?”
“Di pa rin siya nagpaparamdam.”
“Kaya dapat ako na lang ang pinili mo eh.”
“LOL.”
“Just kiding. Yaan mo nandito naman ako.
Dito na lang ako matutulog, para kung sakali man na hindi siya nagparamdam,
narito naman ako para iparamdam na hindi ka nag-iisa.”
“Salamat.” Ngumiti siya ng pilit.
“My heart will always be yours.” Sabi ko.
“Dumali ka na naman ng mga linya-linya.”
“Para naman ma distract ka.”
“Kumain ka na ba tabs? Namamayat ka na oh?
Mahirap na, wala kaming kakatayin sa fiesta. May feeds ata kami jan sa baba
oh.”
“Oh? Di nga? Weh? Adik lang, teka bakit may feeds kayo? Wag mong sabihing
ginagawa mo ng candy yun?”
“Wew. Tara na nga.”
“Hahaha. Oo nga pala pinaghanda ako ni
tita.”
“Tara na nga. Haixt.”
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinext
si Charlene.
“Hey.”
“Hoy!’ sagot niya
“Di ako makakapunta. May problema ang magaling
mong best friend.”
“Aww. Bakit?”
“Si Kieth.”
“Okay na ba kayo? Ang sweet ha, to the
rescue ka pa din.”
“Maybe. Hahah. Ako pa, magaling ako sa mga
bagay-bagay.”
“Ang showiz ng sagot.”
“Ganun talaga.”
“Great! Basta mag-uusap tayo sa phone bukas
ha. I will give you instruction.”
“okay.”
[Alex’s POV]
Kasama ko ngayon si RD sa kama ko at
naghihintay sa pag online ni Kieth.
11:45 na at ang usapan namin ni RD na
matutulog na kami kapag di pa rin siya nagaramdam hanggang alas dose ng gabi.
Umaasa ako kahit imposible na.
Nakakainis, nadudurog ang puso ko.
“Wag mo ng hintayin.” Sabi nito.
“Konti pa. Alam ko susurpresahin niya ako… alam
ko…”
“Haixt. Eto o chocolate.”
“Salamat.”
“Pwede favor?”
“Ano yun?”
“Higa ako sa lap mo ah.”
Mabilis naman
siyang kumilos at naiayos ang sarili niya.
“May magagawa pa ba ako? Mabilis pa sa alas
kwatro yang galaw mo.”
“Wala ka ng magagawa. Pagbigyan mo na ako,
minsan lang to.”
“Nagpaalam ka pa.”
“Formality lang yun. Hahaha.”
“Sus. Mamaya mag enjoy ka jan ng sobra at
mahalin mo ako ng sobra.”
“Oo susulitin ko na to. Uhhm. Kahit naman
di mo sabihin, mahal na mahal na mahal kita ng sobra.”
“Wag ka nga, dumadali ka na naman jan sa
mabubulaklak mong salita. Teka nga, bakit inaamoy mo yung lap ko?”
“Wala lang.”
“Loko ka.”
“Hahahah. Para masanay na ako. Later on di
lang yan maamoy ko.”
“Bastos.”
“Di ah. Yung katawan mo pwede kong maamoy
diba?”
“Ewan sayo.”
“time check.”
“11:50…”
“10 minutes na lang…”
Ang tagal niyang mag-online.
Tinatawagan ko
na rin siya pero di siya sumasagot.
Di kaya may masamang nangyari sa kanya?
“Inaantok na ako…” sabi niya
“Tulog ka na.”
“Alam mo namang hindi kita pababayaan.”
Kung alam mo lang RD, gusto kong umiyak ng
umiyak ngayon.
Nakalimutan ba nya na birthday ko? Haixt.
Di ba niya naisip na
nag-aalala ako sa nangyari sa kanya.
Nakakainis siya kung yun ang mangyari.
“If there comes a time when we can’t be
together, keep me in your heart and I’ll stay there forever.” Nagulat ako nung
magsalita siya.
“I’m hurt…” ang nasabi ko na lamang sabay
ng pagtulo ng mga luha ko.
“One day this will all be memory and you
will fine.”
“Nasasaktan ako ng sobra… nasasaktan ako…
ayoko ng ganito.. ayoko nito… ayokong mag-isip ng ganito. Tungunu! Sobra. Taena
ng lahat ng ito!”
“everything happen for a reason.”
“Kinalimutan niya ako… kinalimutan niya
ako!”
“Trust me… I’m sure there’s a reason behind
this.”
“Let’s sleep…” patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
“Di mo na iya hihintayin?”
“It’s already 12:00” sabi ko.
“Pero alam kong aantayin mo siya hanggang
umaga.”
“Ang sakit na… ang sakit sakit na.”
humagulgol na naman ako.
“Psssh. Tahan na… ayokong nakikita ka ng
ganyan.”
Pinahid niya ang mga luha ko at niyakap ako
ng mahigpit.
“Happy birthday…” bulong niya sa akin.
Humarap naman ako sa kanya at ngumiti kahit
papaano.
“Salamat. Tulog na tayo.”
“Tahan na ha.. ang panget tignan. Mamumugto
ang mata mo bukas.”
“Pwedeng payakap?” ngumiti siya sa akin at
niyakap niya ako ng sobrang higpit.
Hinawakan ko ang mukha niya sabay inilapit
ang aking mukha sa kanya at idinampi ang aking labi sa kanyang mga labi.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment