Sunday, October 27, 2013

Less Than Three- Part 35



NOTE!!! GUYS PAKIBASA!

Sorry po talaga kung every saturday lang ako nakakapg update. Haixt. Busy talaga. At isa pa di na umuusad yung kwneto. Hahahah. Di pa suya nadadagdagan kaya konting hinay lang po ha. Hope you;ll understand.




---------------------------------------


This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.

Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.

The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.

This story is a fiction. Any resemblance to namesplacesevents and others are not intended and coincidence only.

The stories I've written are for 18 years old and above.

No animals are hurt in this story.

The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.

The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.

You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.

Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.

Enjoy everybody and thanks for reading my stories.

Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)


You can contact me through:
1. Facebook Page:

Dylan Kyle's Diary (fb page)

2. Blog:

Dylan Kyle's Diary (blog)

3. e-mail:

dylan.kyle.santos@gmail.com

4. Facebook:

Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)

5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)




Always Here,

Dylan Kyle Santos

....................................................................................


Chapter 35

(By Chance)


[Alex’s POV]


Ang bigat ng mata ko pero kailangan gumising, hindi upang ipagdiwang ang birthday ko pero dahil may pasok pa ako. 


Medyo napaaga ata ang gising ko, dahil na rin siguro sa buong magdamag inisip ko si Kieth.


Naramdaman ko ang pag galaw ni RD kaya naman napatingin ako sa aking tabihan. 


Oo nga pala kasama ko siya kagabi at tabi kaming natulog. 


Nakayakap siya sa akin at himbing na himbing na natutulog.


Hinawi ko ang buhok niya at pinagmasdan ang kanyang maamong mukha. 


All this time, si RD ang sumasalo sa akin. 


Siya ngayon ang naging savior ko sa lahat ng sakit na aking naramdaman. 


Bakit ba hindi na lang siya?


 Haixt.


 Isang halik ang dinampi ko sa kanyang noo.


Naramdaman ko namang naalimpungatan siya at nagising. 


Agad naman akong lumayo ng bahagya pero pinigilan niya ito at niyakap ako ng mahigpit. 


Napakalapit ng mukha niya sa mukha ko kaya naman napasinghap ako.


“Gising na baby boy.” Sabi ko.


“Uhmmm.”


“May pasok pa ako oh.”


“Wag ka ng pumasok.”


“Di naman pwede yun.”


“Baby… please.”


“baby ka jan. adik mo. Tabs tayo na dali, at papasok na.”


“Uhmmm. Birthday mo naman baby eh.”


“Chura mo. Maka-baby wagas. Dali na tayo na.”


“Dali na… alam ko namang sumakit ang katawan mo dahil sa nangyari sa atin kagabi. Pahinga ka din pag may time.”


“Alam mo, nanaginip ka pa hanggang ngayon. Gumising ka nga. Tsura mo.”


“Bakit? Wala bang nangyari kagabi?”


“Mga ilusyon mo ha.”


“Siya, kiss muna.”


“Yoko nga.”


“Eh hinalikan mo nga ako kanina pati kagabi.”


“Edi okay na yun.”


“More.”


“Ang dami mong alam. Lumalabas na malandi ako kasi may boyfriend akong tao pero nanlalande ako ngayon.”


“Hehehe. Ganun talaga.”


“Oo nga pala, kanina pa nag riring ang phone mo. Hindi ko masagot kasi nakayakap ka sa akin.”


“Oh?”


“Oo nga.”


“Anong oras na ba?”


“8:30 am.”


“Owww shit.” Balikwas niya


“Bakit?”


“Wala-wala.”


“Hahaha. Nakakatawa yung itsura mo eh. Hahahah. Kala mo nakakita ng multo. Siya baba na tayo para kumain.”


“Kaw kainin ko jan eh.”


“Loko. Dami mong alam.”


“Hahaha. Birthday mo naman eh.”


“Sssssh. Daming alam.”


“Tara na nga. Gutom na ako.”


“Di mo ba tatawagan si Charlene?”


“Oo na nga. Mauna ka na sa baba ha.”


“Okay.” Sagot ko.


Nagmadali ako at inayos ang sarili ko para naman makababa na aga ako. 


Pagbaba ko, nagulat na lang ako nang magsigawan silang lahat.


“HAPPY BIRTHDAY ALEX!!!”


“Hahah. Wow ah, eksena ninyo.” Sabi ko.


“Ano ka ba anak, birthday mo ah. Kahit simple lang to sana naman mapasaya ka namin.”


“Oo nga eh.”


“Bakit hindi ka Masaya?”



“Masaya ako no. OA lang kayo.” Sagot ko.


“Aysus. Oy umuwi ka kaagad ha. Magcecelebrate tayo.”


“Ma… wag na…”


“Pero anak.”


“Ma… ayoko… at isa pa may pasok po ako. Hindi rin naman tayo makakapg celebrate/”


“Siya labas na lang tayo. Treat naman ng kuya mo eh.”


“Ayoko ma.”


“Ang KJ mo utol.” Sabi ni kuya.


“Haixt. Eh sa ayaw ko eh.”


“I-tetext kita. Isama mo si Charlene at RD ha.” Sabi ni kuya.


“Oo na. sige na. May magagawa pa ba ako? At isa pa, reat mo naman kuya eh.”


“Dapat i-celebrate natin yan. Matanda ka na. Okay lang ang gastos, diba pinagipunan ko na?”


“Alam ko naman yun… at isa pa… bata pa ako.”


“Pero legal na edad mo.”


“Ma… last year 18 na ako.”


“At least nadagdagan ng pagiging legal yan.”


“Tsss. Okay.”


“Nagdebut ka na pala last year. Bakit hindi ko alam?”


“Oo nga kuya. Yung may 18 roses pa nga eh.”


“I wonder.”


“Missing in action ka kasi.”


“Masyado akong gwapo kaya wala ako.”


“Anong connect kuya?”


“Dots.”


“Shut up na lang.”


“Hahahaha. Kamusta ang regalo sayo ni RD?”


“Regalo? Wala namag ibinibigay si RD.”


“I mean yung sweetness ninyo. May payakap-yakap pa. tapos… tapos…”


“Walang nangyari sa amin kuya. Mga iniiisip mo.”


“Ikaw nagsabi nan ha. Aysus, baka nabinyagan ka na niya.”


“Alam ko tinatakbo ng utak mo kuya. Kahit kalian oo. Magsama kayong tatlo nila Kieth.”


“Aysus. Talaga lang ha. Bakit nung nagrecitation ako hindi ka nakasagot?”


“Distracted.”


“Distracted ang loko…”


“Hoy kayong dalawa ay kumain na. nasaan ba si RD anak?” tanong ni mama sa akin.


“Nasa taas po.”


“Masyado mo atang pinagod. Kawawa naman si Kieth, naunahan ng loko.”


“Kuya… batukan kita eh.”


“Hahaha. Siya na ba ang bago kong bayaw?”


“Shut up. I’ll kill you.”


“katakot ka kapatid oh.”


“Matakot ka. Masindak ka kay Prince Alex Rosales.”


“Pero kapatid diba Bautista ka na?”


“so tinatakwil mo ako bilang kapatid?”


“Medyo medyo.”


“Che!”


“YATS!” sigaw ni RD.


“Oh?”


“SI Charlene.” Sabi nito.


“Oh hello.” Bati ko sa kabilang linya.


“Oy girl happy birthday! I love you so much.”


“Maka-girl naman wagas.”


“Ganun talaga mare… hahahaha. Anong balak mo ha?”


“Eh si kuya, ilalabas daw ako. Isama daw kita at si RD.”


“Oh my. Libre ni kuya? Shetness. Sasama ako.”


“Siguraduhin mo ah.”


“oh wait… I forgot… may lakad nga pala kami ni Jake.”


“Di ba pwedeng ipagpaliban yan? Special day ko ngayon ah.”


“Importnate eh.”


“Mas importante pa sa akin? Ganyanan, ipagpapalit mo na ako jan sa Jake mo?”


“Ay nagdrama.”


“Che.”


“Sorry. Babawi ako. May regalo naman ako sayo.”


“Talaga lang ha.”


“Oo. Ipapakuha ko kay RD mamaya.”


“ah kaya ka pala tumwag.”


“Yeah… ”


“I miss you.”


“I miss you too best.”


“Loka ka talaga. May pasok ka ngayon?”


“Meron. Absent ako.”


“Talaga lang ha.”


“Joke lang. wala.”


“Okay. Kita tayo sa school.” Sabi ko.


“Di ako makakapunta.”


“Di mo man lang akong mababati ng personal?”


“Ang arte mo lang.”


“Okay.”


“Uy best sorry.”


“Ayos lang.”


“Ewan sayo..”


“Sige na. May magagawa pa ba ako? Nakakatampo lang talaga.”

“Best naman.”


“Niintindihan kita. Don’t worry, mapagpasensya ako.”


“Best… sorry.”


“Okay lang…”


“Hindi ka okay eh. Best naman. Please.”


“hahahaha. Joke lang. sige na. may boyfriend ka lang kinalimutan mo na ako.”


“Loka. Hindi ah.”


“Sige na at kakain na kami.”


“Sige sige. Bye. Mwah.”


“Sige sige. Ingat kayo.”


Binaba ko na yung call at umupo na sa lamesa. 


Nagsimula naman kaming kumain. 


Habang kumakain ako ay hindi ko pa rin maiwasan isipin si Kieth. 


Di ko alam kung maiinis ba ako o magagalit. 


Nasaktan ako kasi hindi man lang siyang nag-effort na batiin ako. 


Ang sakit lang sa kalooban.


Ang sakit sa puso nung nararamdaman ko ngayon. 


Yung feeling na gusto kong magwala. 


Gusto kong tanggalin yung bad feelings na namumuo sa aking dibdib. 


Kulang ang iyak ko ito, gusto kong mailabas ito, yung tipong walang matitira.


“Baby oh…” nagulat ako nung biglang nagsalita si RD.


“Ha?”


“Isubo mo ito oh.”


“Ah eh…” wala akong nagawa kundi ang isubo ang inaalok na pagkain ni RD.


“Di ka kumakain kaya susubuan kita.” Sabay ngiti.


“Di na kailangan. May mga kamay naman ako. Yaan mo na ako.”


“Need mo yan yats. Nangangayayat ka na oh.”


“Salamat.” Sabi ko.


“Basta ikaw eh. Kaya kong mag todo-effort.”


“Ang sweet ma oh. Baby daw... anak ng... congrats bayaw” Sabi ni kuya.


“Inggit ka kuya? Gumaya ka.”


“Di ah.”


“Anjan naman si Ate Kate.”


“Hahaha. Napipikon ka na ata utol eh. Yang si Kieth nga wala eh. Wawa ka naman.”


Di ako sumagot. Naramdaman niya ang pananahimik ko kaya nag apologize siya. “Sorry.”


“It’s okay. Tama ka naman.”


“Ayt. Wag isipin ang mga taong wala dito.” Si RD


“Oo nga.” Sabi ni kuya.


“Busog na ako.” Sabi ko.


Umakyat na ako para mag ayos at maligo., matapos nun ay nagbihis ako. 


Nawalan na ako ng mood paa kumain dahil na rin sa usapan tungkol kay Kieth. 


Nakarinig ako ng mga katok sa pinto kaya agad naman akong tumayo at pinagbuksan iyon.


“Yats... pahiram ng damit ha.”


“Okay.”


Pinatong niya yung cellphone niya sa may table ko kaya kinuha ko yun. 


Well maganda ang cellphone niya at binuksan ko iyon. 


Bumungad agad sa akin yung wallpaper niya at nagulat ako nung makita ko yung picture naming dalawa. 


May security yung phone niya.


“Daming alam at may pasecurity-security pa.” sabi ko.


Hinulaan ko yung code nung cellphone niya dahil bigla akong nacurious. 


May nakita naman akong parang hint logo dun kaya pinindot ko. “I love you.” Ang nakalagay.


Kinapalan ko ang mukha ko at inilagay ko ang pangalan ko.


 Pero napahiya lang ako nung hindi siya nagopen. 


Okay assuming naman ako na ako nga yung password niya.


Nakailang try pa ako hangang sa sabihin kong last try na lang. isa na lang naiisip ko na maaring ilagay niya. 


Again kinapalan ko ulit yung mukha ko. “Iloveyoualex.” Yan nilagay ko.


Then it open. 


Great. 


Weh? 


Di nga? Hahaha. 


Okay.


 Pero bakit kinilig ako? 


Parang dati lang? haixt. 


Kilig na ibinigay sa akin ni Blake at ni Kieth. 


Ayoko mang aminin sa sarili ko pero nagkakaroon na talaga ng puwang si RD sa puso ko.


Nagulat ako at pati yung theme nung cellphone niya ay ako. 


Di naman siguro niya akong masyadong pinagpapantasyahan ano? 


Nag punta ako sa gallery at sa di ko sinasadayang gawin ay napindot ko yung recording. 


I-back ko na sana pero maraming recording siya. 


siguro pakanta-kanta na lang to.


Binuksan ko yung file na, para sa Yats ko. 


Out of curiousity kaya pinakialamanan ko na. 


narinig ko ang pagkanta niya.




“Kung pwede lang
Wag mo na 'tong iwasan”


Ang lamig ng boses niya.





“At 'wag mo ring
Ituring na biro
Marahil 'to'y 'di mo inaasahan
Pero sana'y
'Wag ipinid ang pinto”




Nakakaramdam ako ng lungkot sa boses niya.





“Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sa'kin
Pakinggan mo ang sasabihin ko”


Parang pinipigilan niya yung lakas ng boses niya. Bakit kaya?



“Kailan mo ba matutunan?
Kailan mo ba 'pagsisigawang
'Di mo na 'pagkakailang tayo?
Kay rami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang 'yong kailangan?
Nagsusumamo na sabihin mo”




Akala ko tapos na yung kanta kasi medyo matagal nung hindi sya nagsalita. 



I-back ko na sana yung file nung bigla siyang magsalita siya.


“Maganda ba ang boses ko?” tapos tumawa siya.


“Wala tulog ka na ngayon.  Hinintay ko talaga na makatulog ko. Alam kong ilang oras ding gising ang diwa mo. Katabi ko nga pala yung mahal ko. Nasaktan siya kasi di man lang siya naalala ni Kieth. Taena mo Kieth panira ka kahit kalian. Pero nalulungkot ako… nalulunkot ako kasi malungkot siya.”


Natigilan ako ng bahagya nang mga sandaling iyon. 


Kagabi niya ni-record yun? 



“Hahaha. Nakakatawa siyang matulog. Pero at least nakayakap siya sa akin. Di niya alam na kanina pa siya napupog ng mga halik. Haixt. How I wish it could be forever.”


Mga kalokohan kahit kailan ni RD oo. Tsk, daming alam. 


“Sige na nga matutulog na ako, maaga pa ako bukas. Basta mahal ko tong katabi ko. Sana nga lang dumating yung panahon na mahalin niya ako tulad ng pagmamahal ko sa kanya. Ilang beses ko man siyang agawin, alam kong kay Kieth sa babagsak. Maghihintay pa rin ako kahit wala akong aasahan. Sana lang umabot pa ako…” At nag end na yung file.


Nagulat naman ako nung bumukas ang pinto ng CR at iniluwa nito si RD.


 Agad ko namang tinago yung phone niya sa may ilalim ng aking damit. 


Agad siyang tumingin sa akin a para bang kung anong mayroon ako..


“Para kang nakakita ng multo ah.” Sabi niya


“Mukha ka kasing multo.”


“ Wow ha. Ang gwapo kong multo kung nagkataon.”


“Tsss.”


“So tara na?”


“Magsuklay ka muna sa baba.”


“Okay.” At bumaba siya         


Pagkababa niya ay inayos ko yung phone niya at inilagay sa table ko. 


Nakakahiya naman kapag nalaman niya na pinakailaman ko ito. 


Kahit kalian talaga oo, napakapakialamero ko. 


Bumalik naman siya agad at humingi ng pabango. Umalis na rin naman kami after nun.


“Hey cheer up nga. Birthday na birthday mo eh.” Sabi ni RD.


“Halata ba na gloomy ako?”


“Yep. You look not so well. Mukha kang tambutsong wala ng usok na lumalabas.”


“Haixt di ko maiwasan. Alam mo naman kung bakit diba? At isa pa, puyat ako.”


“Ang dami kasing alam. Naku. Cheer up nga. Kapag hindi… ay naku…Ay siya aalis ako.”


“Wag naman.”


“Smile ka na.”


“Opo. I know. Hindi ko dapat sayaingin ang araw na ito sa mga walang kakwenta kwentang pantgyayari.”


“It’ your day. Its time to shine. This is your show, this is your time… it’s showtime.”


“I know.”


Nagulat na lang ako nang biglang nag vibrate ang cellphone ko. 


May nagtext ata. 


Magkasunod pa nga. 


“Wait lang.” sabi ko.



“Uhm. Okay.”


“Happy Birthday! J” text I Arjay.


Napangiti naman ako agad. “Salamat J” sagot ko.


“happy Birthday anak. God bless. I miss you. I love you anak.” Text ni papa.


“Thank you papa. I love you too. :’)” sagot ko.


“O bakit may tears?”


“Masaya lang ako pa. I love you.”


“So what’s your plan?”


“Wala po eh. Busy ka ba ngayon pa? Tawag ka pa. please.” Sabi ko.


Nakita siguro ni RD na napapluha ako. “Oh anong nangyare sayo?”


“Wala. Nagtext si papa.”


“Oh? May sinabi ba siyang masama?”


“Wala. Masaya lang ako.”


“Akala ko naman kung ano na. Lagi ka na lang umiiyak eh. Tumawa ka nga.”


“Sige mauna ka na. mamaya pa ako dito. Si papa tatawag. Male-late ka na oh.”


“Sige. Ingat yats. Happy birthday ulet. I love you! Abangan kita ha.”


“Salamat.”


Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. 


Ngumiti lang siya bago siya umalis. 


Mayamaya ay naramdaman ko na ang pagtawag ni papa sa aking cellphone.


 Agad ko itong sinagot.


“Hello pa.” sabi ko.


“Hello anak. May problema ba?”


“Namiss ko lang po kayo?”


“Ayt naku. Anong balak mo mamaya? Mag celebrate ba kayo?”



“Oo ata. Gusto mong sumama pa?”



“Hindi ako pwede anak eh. Sorry. Wala ako ngayon sa bahay. Nasa Cebu ako.”




“Ah ganun ba. Naiintindihan ko po. ingat po kayo jan ha.”


“Oo naman anak. Para sa iyo mag-iingat ako. Ikaw din anak ha, ingat kayo mamaya. Enjoy your day.”


“Pa… I love you… pagbalik mo dito labas tayo ah. Libre ko.”


“Ay naku anak. Ikaw talaga. sige. Namiss mo talaga ako ano?”


“Opo.”


“Sige na anak. May klase ka ata.”


“Late na nga po eh.”


“Ay pasaway na ang anak ko. Sige na pasok ka na. Happy birthday anak.”


“Salamat pa. Maraming salamat.”


“Sige na. ngiti ka lang ha.”


“Opo.”


Binaba ko na yung tawag at nagsimulang pumasok. 


Kailangan kong maging okay. 


Araw ko ito at walang sinuman ang maaring sumira ng mga ito.


Over all, naging maayos ang araw ko. 


It’s been a happy and light day salamat sa mga kaibigan ko sa school.


 Last class ko na at nakita ko na nag-aabang si RD sa labas ng room ko.


“Naks… ang sweet.. sinusundo ako.” Sabi ko.


“I’m your boyfriend and it’s my duty.”


“Boyfriend ka jan.”


“For the mean time, ako muna ang boyfriend mo.”


“Okay.”


“So… akin na ang kamay mo.”


“Holding hands?”


“Why not?”


“Nasa school pa tayo.”


“So?”


“Duh?”


“Okay na.”


“Tara na nga.” Yaya ko.


Nag commute lang kami. 


Well inenjoy niya yung holding hands. 


Malay ko ba dito kung bakit niya ineenjooy, pero I enjoy din naman eh. (ang landi eh).




“Yats, may gusto lang akong sabihin…” sabi niya


“Ano yun?”


“I’m your boyfriend, nothing else.  Just this moment… I’ll make you happy and make you remember this day.”


“Okay.” Ang tangi kong nasagot.


Isang simpleng park lang yun pero naging isang special place yun para sa akin. 


He made me feel that I’m actually okay. 


He made me feel that his world is my world. 


Di ko naramdaman na nag-iisa ako. 


Napangiti na lang ako ng gayon na lamang.


“Tabs, Gutom na ako.” Sabi ko.


“ halata naman eh. Di ka kumain ng Lunch ano? Tara kain tayo dun.”


“Sige. Namiss ko rin ang turo-turo.”


“Libre ko.”


“Ako na.”


“Hindi ako na. wag matigas ang ulo ha. Upo jan.”


“Okay boss.” Sabi ko.


Kumain lang kami ng miryenda. 


May dinner naman kami mamaya kasama sila mama kaya yun na lang ang kinain naming dalawa. 


He’s so sweet. Sinusubuan niya ako kahit di kailangan. 


He was too expressive with his feeling. 


Sometimes, napapaisip na ako sa mga ginagawa niya. 



Unti-unti nagiging ideal guy na siya para sa akin.



“You made my day.” Sabi ko.


“Masaya ako na napasaya kita sa araw na ito. Alam ko naman na eto lang ang magagawa ko. Wala naman akong panama sa iba jan ano.”


“Lang? hindi basta LANG to… you make me happy… ikaw ang nagpasaya sa akin kaya wag mong ila-Lang ito. Batukan kita eh.”


“Sige po. Easy lang.”


“Tara sa may swing.” Yaya ko.


“Sure.”


Binayaran niya yung kinain naming then he hold my hands and we went to the play ground. 


Medyo maraming tao pero bakante ang ibang swing kaya umupo ako dun.


“Picturan kita.” Sabi niya


“SIge.” Ako naman todopose.


“Picture tayong dalawa.” Sabi ko.


“Oh?”


“Ayaw mo?”


“Gusto… game.” Sabi niya


Habang nag pipicture kami ay may lumapit na bata sa amin na labis ko namang ikinagulat. 


May ibinigay siyang papel sa akin. 


Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya nagtanong ako.


“Saan galing?” di siya sumagot at tumakbo na lang.


Binuksan ko ito at may nakalagay na 




“You deserve the things you wanted, because you deserve to be happy. – Anonymous”








“Ang weird.” Sabi ko.


“Nga eh.” Sagot lang niya


Maya-maya may batang babae na lumapit sa akin at nagbigay ng pulang lobo. 


Ang weird na naman. Bigla siyan tumakbo pagkatapos nito. 


Binasa ko naman yung nakasulat doon.




“Be happy, you deserve it.”






“Nawiwirduhan ako ha. Anong meron? Bukod sa birthday ko.” Sabi ko.


“Well.”


“Alam mo to?”


Di siya sumagot bagkos may mga bata na humila sa akin at may humila din kay RD. 


nabaling naman ang atensyon ko noong ibinigay nung bata yung isang teddy bear. 








May nakasulat na “Whatever you decide to do, make sure it will make you happy. Happy birthday Alex. –RD”




Napatingin ako sa kinaroroonan ni RD pero wala na siya. 



Hinanap ng mata ko siya pero hindi ko mahagilap.



 Agad naman akong nagsisigaw upang hanapin siya. 



inikot ng mata ko ang buong lugar pero wala siya,.




“RD…. tabs.. nasaan ka na?”




Patuloy akong nandun nang may marinig akong sigawan ng mga tao. 



Napatingin ako sa kinaroroonan nang ingay na yon at agad ko itong pinutahan. 



 Doon ko natagpuan si RD, nasa stage ng plaza at may kung anong pakulo.



Lahat ng tao nakapila at nagbigay ng daan sa akin.


 Agad naman nila akong pinapunta sa may stage at biglang nagsimulang kumanta si RD. 


Bigla akong nakaramdam ng hiya sa katawan dahil sa dami ng tao na naroroon.







Hi
Boy you just caught my eye
thought I should give it a try
and get your name & your number
go grab some lunch & eat some cucumbers
Why did I say that?
I don't know why.
But you're smilin' & it's something' i like
on your face, yeah it suits you
girl we connect like we have bluetooth





Shetness kinikilig ako.





I don't know why
I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
and this is all based on a lucky chance
that you would rather add then subtract





Nagulat ako nung nasa stage na ako at todo perform ang mga tao dun. Nagsasayaw sila. Isang flash mob ang nangyare. Agad namang lumundag ang puso ko sa mga nangyayari.





You & I
could be like sonny & cher
honey & bears
You & I
could be like aladdin & jasmine
lets make it happen



La La La La
La La La La
La La La La
La La La La





Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Hinawakan niya ang kamay ko.




Hey
How've you been?
I know that it's been awhile.
Are you tired cause you've been on my mind
runnin' thousand & thousands of miles
Sorry, I know that line's outta style
but you




you look so beautiful on this starry night
loving the way the moonlight catches your eyes & your smile
i'm captivated
your beauty is timeless never outdated




i don't know why
I'm drawn to you
Could you be the other one so we'd equal two?
and this is all based on a lucky chance
that you would rather add then subtract






di ko alam kung ano ba ang dapat maramdaman ko kasi talagang sobrang kinikilig ako. Shit this moment. Di ko mapigilan ang mapangiti.






You & I
could be like sonny & cher
honey & bears
You & I
could be like aladdin & jasmine
lets make it happen




Nagtuloy lang ang kanta niya at ang pagsasayaw nila. Hanggang sa huli.



Let me say
you look so awesome in your own birthday.




“HAPPY BIRHDAY ALEX!” nagsigawan ang mga tao.


Agad ko siya niyakap. 


Hindi ko mapigilan ang mapaiyak sa ginawa niya. 


Agad namang nagsalita si RD. 




“Happy birthday yats… Lahat gagawin ko para mapasaya ka. Siyempre kasama ko ditong magplano sila mama.” Sabi niya


“Huh?”


“happy birthday anak.. hope you like it.”


“Waaah ma…. Napaka… Nakakainis kayo…”


“Hay masyado ka kasing malungkot kaya ayan.”


“You really made my day.”


“ang mahal ng nagastos ko jan kapatid.. babayaran mo ako ha.”


“ewan sayo.”


“happy birthday kuya.” Sabi ni bunso.


“Salamat bunso..”


“So ano tara na?”


“Pero paanong?”


“Basta. Secret na.”


“This is my happiest birthday ever.”


“Siya siya. ako ay gutom na. ang hirap ah. Pagod na pagod ako sa pag-aayos dito.” Reklamo ni mama.


“Ay siya gutom na ang aking reyna… tara tayo ay kumain na.” sabi ko


Agad naman kami umalis sa lugar na iyon. 



Patuloy pa rin ang mga kwento ko sa kanila na walang katapusan. 



Sobrang daming thank you na nga ang nasabi ko eh. 


Nagugulat talaga ako sa mga ginagawa nila.


Nang makarating na kami sa pupuntahan namin, agad naman akong umupo para pangunahan ang pagkain pero susubo palang ako nang may biglang sumabog. 



Napuno ang buong lugar ng makakapal na usok.



(Itutuloy)

-----------------------


Guys may tanong lang ako.. ano ung sinasabi nung iba na password password? PAKIEXPLAIN LABYU! hahahaha :p

No comments: