Sorry guys kung natagalan.... yung internet connection po kasi.. SORRY POOO :(
Pero hope you like it... sorry.... nahihirapan din po ako sa phasing ng schedule ko kaya konting tiis lang po.... :)
....................................
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 42
[Alex’ POV]
Lamang sila sa amin ng lima at pangalawang
set na to. Haixt. Panalo sila sa first set kaya naman kami ay todo habol. Ang
gagaling nila sobra. Magkakampi ako, si Arjay at si Jake. Ramdam ko naman ang
awkwardness kila Kieth at RD.
“Okay ka pa?” tanong sa akin ni Arjay.
“Yeah… kaya pa naman…” sagot ko.
“Break muna ba?” tanong ni Jake.
“No… kaya ko to… trust me.”
“Okay sabi mo.”
“Ako na ang magserve diba?”
“Yup… Magspike ka at patamaan mo yung
tagiliran ni Charlene.”
“Bakit naman?”
“Open siya doon… then I will distract her…”
sabi ni Jake.
“Ikaw ha.”
“Well… it’s a game… at ang matalo ay hindi
ko tinatanggap…”
“tara na.” sabi ni Arjay.
Tinignan ko na muna sila at saka tumira.
Nakangiti sa akin si Kieth at kinindatan ako. Ngumiti naman ako at nagkagat
labi. He is trying to distract me but I guess… he failed. Hahahah.
Nagpatuloy ang laro at nanalo kami sa
second set. Well iba na talaga ang magaling. Isang set na lang at matatapos na
ang laro. Nakakatuwa at nag eenjoy kami at may napagkakaabalahan. Malapit ng
mag dapt hapon dahil unti-unti nang lumulubog ang hariong araw.
Napansin ko lang na kanina pa nananahimik
si RD. Hindi ko alam kung bakit kaya naman agad ko siyang pinuntahan at
kinamusta.
“Tabs okay ka lang?” tanong ko.
“Yup… bakit mo naitanong?”
“You look so pale eh…”
“Medyo nabigla lang sa laro… ngayon na lang
ulit ako naglaro ng ganito…”
“I think you should take your rest…”
“Kaya ko… ikaw talaga.”
“Hindi mo kaya…”
“Hindi na ako bata yats ano ka ba…”
“Pero namumutla ka.”
“Pag sinabi kong okay ako, okay ako. Yung
boyfriend nga ang asikasuhin mo at hindi ako, tignan mo ang sama na naman ng
tingin sa akin.”
“Pero…”
“Siya ang boyfriend mo at hindi ako. Kaya
lakad na. I don’t need any body to take care me dahil kaya ko ang sarili ko
kahit mag-isa ako okay?”
“Okay…”
Umalis na ako gaya ng sabi niya. Kakaiba
ang mga kinikilos ni RD. Tinataboy na niya ako. Parang nung isang araw lang ay
ang sweet niya sa akin, pero ngayon wala na. I guess he’s right, I shouldn’t be
hanging around with him lalo na at nagseselos si Kieth sa kanya.
Habang papalapit ako kay Kieth, ramdam ko
na naman ang tampururot niya. Haixt. Nagseselos na naman to. Kailangan kong
gumawa ng paraan.
“Babe…” tawag ko.
“Tara na.” sabi niya
“Wait…”
“Ano yun?”
“Yung kanina… don’t misunderstand…
kinamusta ko lang si RD. Medyo namumutla kasi siya.”
“Nah… wala sa akin yun. Hindi naman ako
nagseselos… pati alam kong wala yun.”
“Pero…”
“Don’t explain… please… nagmumukha kang
defensive” Then he walk away from me.
Oo nga naman Alex, wag kang mag explain.
Pag nagsalita ka, defensive ka, tapos kapag hindi ka nagsalita, guilty naman. Haixt.
I love my life… woah!
Last set na namin at lahat kami nakapwesto.
Unang nagserve si RD. Tinitigan ko ang mga kilos niya at para bang nanghihina
siya. Hindi kaya nilalagnat siya kaya siya ganyan. Nagsimula siyang magserve at
hindi pumasok yung tira niya.
There something wrong about him. Nagpatuloy
ang laro at nakamasid pa rin ang mata ko sa kanya. Habang naglalaro kami ay
hindi ko talagang maiwasang mag-alala.
Bigla na lang siyang napaluhod sa tira ni
Jake sa kanya kaya naman nag histerical ako agad. “RD!” tawag ko.
Palapit na sana ako nang bigla siyang
tumayo. “I’m okay.” Sabi niya
Napatingin naman sila lahat sa akin. Hay.
Concentrate nga. Masyado na ata akong OA ngayon. Am I thinking too hard? Okay
daw si RD sabi niya kaya get over. Hay naku. Nagpatuloy ang laro at leading
kami ng tatlo.
“Hey…” tawag sa akin ni Arjay.
“Bakit?”
“Okay ka lang ba? You look so bother to
RD.”
“Medyo… tignan mo nga siya.”
“He’s okay naman ah.”
“No… he is not. Parang pinipilit lang niya
ang sarili niya. I think may kung anong mali sa kanya eh.”
“Wala naman. Malakas pa sa kalabaw yan.”
“Baka kasi kako nilalagnat siya. namumutla
siya eh.”
“He’s okay don’t worry. Matatapos na ang
laro kaya focus ka na jan. kaya yan.”
“Okay… sorry kung nakakagulo ako.”
“Batukan kita eh. Naku. Yaan mo kakausapin
ko siya mamaya for you kaya don’t be bother na.”
“Salamat ng marami.”
“Walang anuman.”
Then we come to the end na kung saan last
na point na lang. we played so well at si Jake ang magserve. Isang point at
tapos na ang laro, at isang point na lang at panalo na kami.
Nagserve si Jake at ni-receive naman ni
Charlene, pinabalik naman sa amin ni RD at ni-receive ko, agad naman nag spike
si Arjay at ni-receive ni Kieth at ibinalik sa amin. Ni-receive ko at ibinigay
ko kay Jake at saka naman nag spike ulit. Paulit-ulit na lang ang nangyayari at
wala sinuman ang gustong sumuko.
Hanggang sa nag spike ako pabalik ng bola
sa kanila at si RD ang nakarecieve pero hindi niya ito napabalik sa amin.
Hinabol nila ito pero hindi na rin ito nasalba. Agad naman kaming nagtatalon
dahil natalo namain sila.
“Waaaaah… panalo kami.” Sigaw ni Jake.
“Ano ka ngayon best…” sabi ko.
Pero halos lahat kami nagulat ng makita si
RD na nakahandusay sa may buhanginan. Agad naman akong nagtatakbo papunta sa
kanya at sinubukang gisingin.
“Okay ka lang ba? Tabs… gising… RD naman
oh…” sabi ko
Hindi pa rin siya gumigising kaya dinala
namin siya sa loob ng bahay. Lahat kami ay hindi mapakali sa kung ano ang dapat
gawin. Marami namang tao ang tumulong sa amin.
Sabi ko na nga ba at may kakaiba sa kanya.
Kanina ko pa siya pinagsasabihan na tumigil pero matigas pa rin ang ulo. Kahit
kailan talaga nakakainis.
“Unti-unti nang namumutla ang labi niya.”
Sabi nung lalaki na tumulong sa amin.
“Dalhin na kaya natin siya sa ospital.”
Sabi ko.
“Malayo ang ospital dito…” sabi ni Kieth.
“Ano bang nangyari sa kanya?”
Walang makasagot sa kung ano ang nangyari
sa kanya. “Kumuha na kayo ng malamig na tubig at towel. Kailangan mahimasmasan
siya.” sabi nung lalaki.
“May nakita akong iniinom niya kahapon na
gamut, teka kukunin ko lang.” sabi ni Arjay.
Agad naman namin siyang itinayo at pinilt
magising. Nahimasmasan naman siya kaagad at saka namin pinainom ng gamot. Ilang
minuto lang din ay uni-unti na siyang nagkakulay at nawala ang pamumutla ng
kanyang mga labi.
Nakahinga ako ng maluwag at saka maluwag na
umupo sa may upuan. Agad naman akong nagbuntong hininga. Biglang sumagi sa isip
ko si Kieth at hinanap ng mata ang bulto niya. Wala siya sa paligid.
“Best…” biglang lumapit si Charlene sa
akin.
“Nakita mo ba si Kieth?” tanong ko.
“I think the both of you need to talk.”
Sabi nito.
“OO nga eh… Mukhang I over reacted sa
nangyari. Daig ko pa ang boyfriend ni RD. Hindi ko alam gagawin ko.”
“Masyado ka kasing hyper, hinayhinya lang.
Tsk. Teka, umamin ka nga sa akin…” sabi niya
“Ano yun?”
“Are you having an affair? I mean… You, RD
a secret affair?”
“Me? Wala…”
“Just kidding…” the she smile.
Ang loka-loka talaga ng babaeng yun. Agad
naman akong lumabas at hinanap ng aking mata si Kieth. Agad ko naman siyang nakita
di kalayuan sa bahay nila. Agad akong lumapit at niyakap siya.
“Hey…” sabi ko.
“Is he okay?” tanong niya
“Yeah. I think he’s doing fine, medyo
nagiging okay na siya sabiu nung isang lalaki na tumulong sa atin kanina.”
“Ah that’s good.”
“Babe, bakit nandito ka? Bakit wala ka
doon?”
“Ayoko lang makigulo… wala akong alam sa
mga nangyayari…”
“Uhm…”
“Lakad doon ka muna, bantayan mo an muna
siya. I think that he needs you…”
“Nagtatampo ka ba?”
“Hindi…”
“Yung totoo.”
“Hindi nga.”
“Nagseselos ka?’
Di siya umimik. “Silence means yes…” sabi
ko.
“Sorry…” sabi niya
“Bakit ka nagsosorry? You don’t nedd to say
sorry to me, wala ka namang ginagawang masama ah.”
“Kasi nagseselos ako kahit hindi naman
dapat.”
“Adik mo.”
“Sige na punta ka na doon. Usap na lang
tayo mamaya.”
“Nah… dito lang ako.”
Di siya sumagot. “Sorry.” Sabi ko.
“For what?”
“For acting so weird kanina… alam ko
nagseselos ka at nasasaktan ang ego ko. Ang insensitive ko.”
“Okay lang yun. I understand. As long as I
belive that loves eist between us, I will keep holding on.”
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang plain
ko ngayon? Isip-isip ka nga Alex sa mga nangyayari. You are better than this.
Haixt. I guess, this is not the right time to talk it with him.
“Babe…” bigla niyang sabi.
“Ano yun?”
“Do you… love him?” tahasa niyang tanong.
Nagulat naman ako sa tanong niya.
Nakaramdam ako ng kaba at panginginig. Damn it. Why do I feel this way? Bakit
parang natatakot akong sagutin siya? Why do I feel so guilty with my feelings?
“Ano ba naman yang tanong na yan?”
“Just wondering…” sabi niya
“Are you out of your mind?”
“Maybe…”
“Umayos ka nga.” Sabi ko.
“Oh yeah…” sabi niya lang.
“Okay ka lang ba?”
“Maybe…”
“Yung totoo?”
“If I say the truth, will you say the truth
also?” sabi niya
“Ano ba ang pupuntahan ng usapang ito ha?
Sabihin mo nga sa akin? Ano ba tinutumbok mo? Be straight forward.”
“Shit lang!” sabi niya
Lumayo siya sa akin pero hinawakan ko agad
ang kamay niya. “Babe…”
“Just answer my question… do you love him?
Gusto kong malaman kung may nararamdaman ka nab a sa gagong yun? Nahihirapan na
akong mag-isip ng mag-isip. Mababaliw na ako sa kakatanong sa arili ko kung
dapat na nga ba akong magduda!”
“Babe… please…”
“Answer me… Just answer me!”
Di ako nakasagot? Bakit ayaw lumabas ng
boses ko sa bibig ko? Hindi ako makagalaw at makatingin sa kanya. “Well I guess
I’ve got an answer from you. Thanks for your wonderful answer.”
Nung nagsalita lang siya ay saka ko
nagawang tumingin sa kanya and his tears strated to shred from his eyes. “Babe…
No… my answer is no…” ang nasabi ko.
“Di mo na kailangang magsinungaling…”
“Babe…”
“Just enough… ayokong nagsisinungaling ka!”
nagulat ako sa sinabi niya
“Babe… hindi ko naman siya mahal eh… ikaw
ang mahal ko, maniwala ka…”
“Pero hindi yan ang nakikita ko. Tangina!
Anong nangyari sa ating dalawa? Nagsawa ka na ba? Gusto mo na ba talaga siya? Anong
meron siya na wala ako?”
“Please… calm down…”
“Putcha naman… calm down? Sa tingin mo
hihinahon lang ako dito? Ayaw kong mawala ang taong pinakamamahal ko na
unti-unti ay nasusungkit ng kupal na yon.”
“Hey Kieth watch your words…”
“Then watch your feelings! Putapete naman!”
then he punch the bark of the tree.
“babe… please, listen up.”
“No… you listen up! Ikaw at ako, tayong
dalawa magboyfriend… Hindi tayo maghihiwalay. Mahal kita at mahal mo ako, hindi
mo mahal yung gagong yun.. ako ang mahal mo..”
“Kieth calm down..”
“Shit… please… love me, love me again… Ako
lang, please!”
“Mahal naman kita eh, please listen up,
calm down..”
“No… no, noo… hindi. Hindi… mahal mo ako,
mahal din kita mahal na mahal kita…” then he started crying like a child.
I hug him tightly. Nagbreak down na si
Kieth. Kasalanan ko naman talaga ito eh. Masyado akong na-atach kay RD.
kasalanan ko to at ako ang dapat sisihin sa mga nangyayari. Ngayon ko lang siya
nakita na nagkaganito. Hindi ko inaasahan na darating yung punto na makikita ko
siya na nagkakaganito.
“Babe I love you, I really love you… let me
get through this, let me surpass this. We will be together.. promise…”
“But promise… That promise you gave me. It
is now broken… siniramo pangako mo sa akin.. shete…”
“Sorry…”
“Dapat hindi kita ipinagkatiwala sa kanya…
dapat hindi kita hinabilin sa kanya, dapat hindi kita iniwan sa kanya. Ang laki
kong tanga na ginawa ko yon.” sabi niya
“What do you mean?”
“Nothing…” iwas niya…
“Hindi… may sinabi ka sa akin… iniwan? Ipinagkatiwala?
Inihabilin? Ano yun Kieth? Sabihin mo sa akin? Anong ginawa mo sa akin…”
“Inihabilin kita sa kanya noong umalis ako
dito sa Pilipinas. Inihabilin kita kasi alam ko siya ang makapag aaliw sayo
habang wala ako sa tabi mo. Ginawa ko lang yun para di ka malungkot.”
“Kieth hindi na ako bata…”
“Pero iniisip kolang kapakanan mo…”
“Kapakanan ko o wala kang tiwala sa akin?”
“I trust you…”
“Hindi, hindi mo ako pinagkatiwalaan…”
“Mahal lang talaga kita…”
“Hindi ako gamit na kailangan ideposit at
kapag tapos ka na sa ginagawa mo sa isang supermarket ay i-claim ako. I don’t
get you…”
“Ano ba to? Ayoko neto.”
“Lets… just take a break…”
“Nakikipag break ka sa akin?”
“No…”
“Hindi nakikipag break ka sa akin eh. Bakit?
Para magsama kayong dalawa ha? Parang maging kayo?”
“Kieth ano ba? Naghihisterical ka na.”
“No… listen up… hindi tayo magbreak.”
“Kieth nasasakal ako!” ang naisigaw ko.
Napatigil siya. kita ko sa mga mata niya
ang pagkagulat. Unti-unti nakita ko ang panlulumo sa kayang mga mata. Shit!
This thing! Mali ako ng sinabi.
“No kieth. I mean..”
“No… you really mean it…”
“Sorry… hindi yun yung gusto kong sabihin…”
“Do you really love me like before? Answer
me? Are you still in love with me ha, Alex?”
“Of course yes… what a stupid question!”
“But I don’t feel it anymore…”
Agad naman siyang nagmadaling lumayo sa
akin. “Kieth!” sigaw ko.
Di siya lumingon at nagtuloy-tuloy pa rin
sa paglalakad. Unti-unti naang tumulo ang malalaking patak ng aking luha.
“Kieth.. please!” sigaw ko.
Namalayan ko na lang na nawala na sa
paningin ko ang bulto ni Kieth. Napaluhod na lang ako sa kinakatayuan ko at
doon ibinuhos ang sama ng aking loob. Ano bang nangyayari sa akin? Why do I
feel this way?
[RD’s POV]
Nagising ako sa kwarto namin ni Arjay.
Nakahiga ako sa kama ko at nakaramdam naman ako ng pagkasakit muli ng ulo ko.
Hindi ko matandaan kung ano ang eksaktong nangyari. Unti-unti bumangon ako.
Iniikot ko ang paningin ko at nakita ko na
gabi na pala. Nagtangka akong tumayo pero hindi pa masyadong malakas ang tuhod
ko para tumayo. Shit!
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa naman
nito si Arjay. Agad naman siyang lumapit sa akin nang makita niya na
nagpupumilit akong tumayo. “Pasaway kahit kalian.” Sabi niya
“Hehehe.” Tanging nasagot ko.
“Are you okay?” tanong niya.
“Feeling better.”
“Anong nangyari sayo? Bigla ka na lang nag
faint.”
“Nothing…”
“Nothing ka jan… eh halos mamatay ka na
kanina…”
“Napagod lang…”
“Di ako naniniwala..”
“Promise…”
“Hay naku. Ayaw kasing mag-aayos ng
sarili…”
Now I remember what happen. Then it happen again.
Shit this body. Im okay and I know I’m okay. “Nasaan sila?” tanong ko.
“Nasa baba. Naghahanda na para kumain.
Tinignan kita baka kako gising ka na.”
“Ah okay… tara… gutom na ako.”
“Alalay lang ha.” Sabi niya
Pagkababa ko ay nakita ko silang nakaupo
lahat, pwera lang kay Kieth at kay Alex. Ano kaya ang nangyari sa kanilang
dalawa. Umupo ako sa tabi ni Arjay at umayos na para kumain.
“Nasaan yung dalawa? Tawagin na at nang
makakain na.” sabi ko.
“Hindi pa nauwi si Kieth…” sabi ni
Charlene.
“Bakit?”
“Ewan.”
“Nasaan si Alex?”
“Nasa kwarto nila. Ayaw kumain.”
“Ah okay…” sagot ko na lang.
“tara kain na tayo.” Sabi ni Arjay.
Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasang
isipin si Alex. Alam ko nasigawan ko siya kanina at mali ang inasta ko kanina,
pero mas okay nay un kaysa naman lalo pang lumala ang sitwasyon. Baka nga
ngayon ay pinagtatalunan nila ako ni Kieth. Teka, hindi kaya kaya wala sila
dito ay dahil nag-away sila?
“Pssst.” Tawag ni Arjay.
“Ano na nangyari sayo? Hindi mo ginagalaw
yung pagkain mo.”
“Ah eh… wala…”
“Mamaya mo na siya isipin…” sabi niya at
kumain na siya.
Napansin siguro niya ang pagkatulala at
lalim ng aking iniisip. Haixt. Focus RD. hayaan mo na muna ang lahat. Kailangan
mo ng panahon. Bakit pa kasi ako pumuunta dito? Nakakainis.
Matapos naming kumain ay nanood kami ng movies
na dala ni Jake. Naupo kaming lahat sa sala set sa rest house nila Kieth. Bukas
daw ng umaga kami babalik dun sa isa pang rest house nila Kieth.
“Asan na kaya si Kieth.” Tanong bigla ni
Charlene.
“Wala ba siyang sinabi?” tanong ko.
“Wala naman. Ni hindi nga siya nagbanggit
ng kahit ano. Ang sabi lang ni Alex ay umalis.”
“Nagtalo ba silang dalawa?” ako.
“Malamang…”
“At dahil siguro sayo yun…” sabi ni Arjay.
“Dapat hindi na ako sumama dito…” sabi ko.
Di sila umimik at ipinagpatuloy na lang namin
ang panonood. Patapos na yung pinapanood naming nang marinig naming ang
pagbukas ng pinto ng kwarto ni Alex.
“Wala pa ba si Kieth?” kita sa kanya na
katatapos lang niya umiyak.
“Okay ka lang ba best?” tanong ni Charlene.
“Yeah… asan na kaya si Kieth?” kita sa
mukha niya ang pag-aalala.
“He’s okay naman siguro.” Sabi ni Arjay.
“Kinakabahan na ako. Nag-aalala na ako.
Alas nuebe na oh.”
“Hanapin na ba natin?” tanong ni Jake.
“tara…” sabi ko.
Lahat sila nakatingin sa akin. “Baka kung
napano na si Kieth.” Dagdag ko pa.
Lahat naman kami ay naghanda na para umalis
nang biglang bumukas ang gate ng bahay at iniluwa ang bulto ni Kieth. Lasing,
wala sa sarili at pasuray-suray na lumalakad. Nasa harapan siya ng pintuan ng
tuluyan siyang bumagsak.
“Kieth…” inalalayan namin siya
“o…OKAY… OKAY LANG… LANG AKO…” sabi niya
“Ano bang nangyari sayo pre?” tanong ni
Jake.
“Wala nama…naman ah…wal…wala…ok…okay lang
ako…”
“Mukha ka ng dugyot… pinag-alala mo pa si
Alex…”
“Di… di naman ako… mahalaga sa kanya… di yan
nag-alala sa akin… hindi… hindi na niya ako.. ako.. mahal… ang sakit.. ang
sakit sakit… di na… di na niya ako mahal…” at umiiyak ito.
“Kieth… tara na akyat na tayo…” sabi ni
Alex.
“Alex… mahal… mahal kita… alam… alam mo
yan… mahal, mahal kita, mahal na mahal kita…”
Bigla na lang siyang nawalan ng malay dahil
sa kalasingan. Agad naman siyang dinala ni Jake sa kwarto nila. Kumuha naman
ako ng tubig at tuwalya at ibigay kay Alex.
Bumalik na ako sa kwarto ko at inihiga ang
sarili ko sa aking kama. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si mama.
Nakalimutan ko nang tumawag sa kanila. Baka nagtatampo na si mama.
“Hello ma…” sabi ko.
“Kamusta kayo jan anak? Buti at tumawag
ka.”
“Okay naman po ako dito. Kayo ba?”
“Okay din kami dito.”
“Namismiss ko na po kayo…”
“Aysus naglambing ang bunso namin.”
“Hahaha. Naman ma.”
“Nga pala anak…”
“Ano yun mama?”
“Yung kapatid mo… nakita na namin ng papa
mo.”
“Talaga po? Mas okay kung nakita na siya.
At least alam natin na okay siya.”
“Oo nga eh… at least mabubuo na rin tayo…”
Pero bakit may sakit sa parte ko nung
sinabi ni mama na mabubuo. Dapat maging Masaya ako na kahit sa kakaunting
panahon ay maari kaming mabuong pamilya, ang pangarap ni mama na maari ng
matupad.
“Anak, nanjan ka pa ba?”
“Opo ma…”
“Ano yang iniisip mo?”
“Wala naman po.”
“Kamusta pala si Alex?”
“Uhm.. medyo may problema po dito. Nag-away
po kasi si Alex at Kierth ng dahil sa akin.”
“Dapat hindi ka na lang pumunta jan, baka
masaktan ka pa jan ni Kieth.”
“Hindi ma… okay lang po ako…”
“Sure ka..”
“Opo. Strong tong anak ninyo.”
“Iniinom mo ba yung gamot mo ha? Dapat
hindi ka nagpapagod jan ha. Alam kong nagiging stable ka na pero sabi ng doctor
kailangan pa ng pahinga. Baka mapalala ka jan. kaya ayaw kitang payagan eh.”
“Ma.. I’m okay na.”
“Your medical result comes in kanina lang.”
“Tignan ko na lang po pag uwi ko jan.”
“Mahal na mahal kita anak ha. Andito lang
ako, narito lang kami ng papa mo at kuya mo. Hindi ka mag-iisa.”
“Ma naman… sanay na naman ako mag-isa.”
“Sige anak magpahinga ka na. pag-uwi mo
dito pag-uusapan na natin ang paglipat mo.”
“Ma… ayoko na atang magtuloy…”
“Anak…”
“NAkita na naman natin si Kuya diba? Let’s
stay here… gusto ko masakasama pa si kuya.”
“Wag matigas ang ulo mo.”
“Ma…”
“Aalis tayo… pag uwi mo dito ay aasikasuhin
na natin ang lahat-lahat.”
“Pwede ba ma na after na lang ng term
break.”
“Matagal pa yun anak ah.”
“Please ma… bear with me…”
“Oo na… sige na, wala naman akong
magagawa.”
“Sige ma… magpapahinga na ako.”
“Sige anak. Bye.”
Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Ilang
sandali lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng aking kwarto na
kinalalagyan. Iniluwa noon si Arjay. Nakita ko ang mga nagtatanong niyang mga
mata.
“Kanina ka pa jan?” tanong ko.
“Hindi naman bakit?”
“Sinungaling…” sabi ko.
“Sorry.”
“Ayos lang.”
“Ayos ka lang ba?”
“Yup.”
“Saan kayo pupunta?” direktang tanong niya.
“Ah… magbabakasyon lang.”
“Uhm… okay…”
“Bakit parang ang seryoso mo?”
“ako? Hindi naman ah.”
“Hindi mo ako maloloko…”
“Uhm.. napapaisip lang ako.. lalo na dito.”
May bagay siyang ibinigay sa akin. Nanlaki
naman ang mata ko sa nakita ko. Alam kong alam na niya ang lahat. Napangiti na
lang ako. Napabuntong hininga at tumingin sa malayo.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment