AUTHOR'S NOTE:
Sorry Guys kung natagalan ako mag update. Sobrang heavy lang talaga ng schedule ko. As of now may tinatapos pa akong lab report.. haixt buhay... Sorry po.
Pero para makabawi ako, 2 post po yung ipopost ko.
Medyo di po umuusad yung pag encode ko and Im rooting na maging okay ang lahat.... wiooooah. sensya po talaga sa pag hihintay. Hope you understand... :(
_________________________________________________
This story is written by Dylan Kyle Santos and Protected under Dylan Kyle's Diary.
Any illegal copyright of the stories published in the blog are prohibited by the author.
The stories written by the author are original and came from his imaginary mind.
This story is a fiction. Any resemblance to names, places, events and others are not intended and coincidence only.
The stories I've written are for 18 years old and above.
No animals are hurt in this story.
The author respect the opinions of the readers and the author wishes to his readers to respect him as a person.
The story is not perfect and may be good or bad for the readers causes by different perception of the readers.
You can leave your comments, reactions and violent reaction after reading the story.
Please be careful to the words that you are stating in your comments. Please no harsh words and malicious words that can hurt others.
Enjoy everybody and thanks for reading my stories.
Compilations of my story is available at:
Dylan Kyle's Diary Stories (Compilation)
You can contact me through:
1. Facebook Page:
Dylan Kyle's Diary (fb page)
2. Blog:
Dylan Kyle's Diary (blog)
3. e-mail:
dylan.kyle.santos@gmail.com
4. Facebook:
Dylan Kyle Santos (Facebook Profile)
5. Twitter:
Dylan Kyle Santos (Twitter Profile)
Always Here,
Dylan Kyle Santos
....................................................................................
Chapter 43
[Alex’s POV]
Walang imikan, ganyan ang set-up naming ni
Kieth ngayon.
Hindi niya ako pinapansin at wala ata talaga siyang balak imikan
pa ako, kasalanan ko kasi lahat.
Pabalik na kami sa kabilang isla pero tahimik
pa rin ang paligid.
“Awkward…” sabi ni Charlene.
“Shhh.” Ang nasabi ko na lamang.
“Best, try mo kaya siyang kausapin.”
“Sinubukan ko na, kaso dedma talaga ako. Sa
tingin ko mainit talaga ang ulo9 dahil sa nagtalo kami.”
“Pinagsabihan na kasi kita dati noon.”
“Oo na, kasalanan ko na. Kailangan pa bang
ipamukha sa akin at ulit-ulitin? Nagui-guilty na talaga ako sa mga nangyayare.
Haixt. Help me.”
“Paano kita matutulungan dito sa sitwasyon
na to? Haixt.”
“Can you talk to him?”
“Loko, ikaw ang dapat makipag-usap sa
kanya.”
“Siguro we need space for now.”
“Best, tanungin mo nga ang sarili mo kung
mahal po si Kieth. Kesa naman sa pinapaasa mo lang siya, hiwalayan mo na. If
nalilito ka, lumayo ka. Tandaan mo best, mahirap makipaglaro sa apoy.”
“Best, okay ka lang ba? Ano na naman yang pinagsasabi
mo?” tanong ko.
“Best sa totoo lang ha, Hindi na ako
natutuwa sa mga nangyayari. I try to fix something pero ikaw yung gumugulo.
Kung hindi kita best friend hahayaan ko na lang mangyari ang lahat ng ito.”
Nakarating kami sa bahay ng lutang ang isip
ko.
Si Kieth, mailap pa rin sa akin.
Nag-ayos na kami ng gamit at inihanda ang
sarili para umakyat sa sariling kwarto.
Umakyat na ako sa taas at tinungo ang
malambot na kama.
Nakita ko ang unan kaya niyakap ko ito at tuluyan ng inihiga
ang sarili sa kama.
Naamoy ko si Kieth sa unan kaya patuloy
lang ako sa pagyakap dito.
Ano nga ba ang dapat kong gawin para naman magkabati
kami ni Kieth?
Paano ko sasabihin ang lahat ng saloobin ko gayong natatakot
ako?
“Dinaman
kita iiwan… nangako ako sayo. Naguguluhan man ako sa nararmdaman ko kay RD,
alam ko sa puso ko ikaw ang mahal ko. Nag-aalala lang talaga ako sa kanya.”
Sabi ko sa unan.
"Mahal kita... at di ko alam kung paano ako mabubuhay kung wala ka.... kaya sana maunawaan mo ako.. sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko... haixt.... ang bobo ko talaga... ang manhid ko.. HUHUHU...."
Muli kong niyakap ng mahigpit ang unan at
isinubsob ang aking mukha sa unan.
Mulat ang diwa ko na iniisip kung ano ba ang
sasabihin ko kay Kieth kapag nagkaharap kami.
“Pati unan kinakausap mo na. tss.” Nagulat
ako nang may magsalita sa kwarto.
Napatihaya naman ako at napabangon.
Nakita
ko si Kieth na nakatapis lang ng towel at bagong ligo.
Napalaki naman ang mata
ko dahil na rin sa nahiya ako sa mga pinagsasabi ko.
Di ko akalain na nasa loob
pala siya ng kwarto namin.
“Ah eh… kanina ka pa jan?”
“Kadarating ko lang…”
“Ah eh… sige…” tumayo ako at nagtangakang
lumabas pero napigilan niya ako.
“Are you running away from me? Pagod na
akong humabol ng humabol sayo. Kailan mo ba ako hahabulin?”
“Of course not. Hindi mo naman kailangan
maghabol eh, dahil kaya kong tumigil sa anumang ginagawa ko para lang magtagpo
tayo.”
“Let’s talk…” sabi niya
“Okay.”
Umupo ako sa may kanan at humarap naman
siya sa akin.
“Wait…” sabi ko.
“Why?”
“Magbihis ka na muna.”
“Bakit nadi-distract ka ba? Mas presko nga
makipag usap ng ganito eh.”
“No way… kailan naman ako na distract.”
“But your body doesn’t agree to you.”
“Wew. Magbihis ka na.” sabi ko.
I feel lighter.
Mukhang medyo magaan yung atmosphere sa aming dalawa.
Hinintay kong magbihis siya bago kami
mag-usap.
matapos niyang magbihis ay nahiga siya sa kama at ikinagulat ko ang
biglaang pagyakap niya sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil.
Galit pa kaya siya sa akin?
Nagtatampo kaya siya sa akin?
Haixt. Sana pag nagkaayos kami eh di na ako gumawa ng mga katangahan na desisyon.
“Sorry kahapon…” sabi ko.
“Nah… I should be the one…”
“Were okay right?” tanong ko.
“maybe?” sagot niya.
“Ayan na naman yung maybe mo eh…”
“Just kidding.”
“babe…” di ko napigilan ang mapaiyak.
Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.
Di
ko mapigilan ang mapahagulgol nung yakapin niya ako.
Hinalikan niya ako sa noo
at niyakap ako ng mahigpit.
I always feel this dumbness inside mo.
Nakakainis,
kailan ba ako magiging matapang sa mga abgay na ganito.
“Shhh… tahan na.” sabi niya
“Kasalanan ko kasi lahat… kung hinid naman
kasi ako naglumandi di naman mangyayari yun. I feel that I betrayed you.
Naguguluhan lang talaga ako. Mahal kita at yun ang nararamdaman ko. Sana naman
wag kang magduda.”
“Babe hindi ka naman malandi eh.”
“No malandi ako. Akalain mo naguguluhan ang
sarili ko sa nararamdaman ko. Dapat hindi ko nararamdaman ito. I want to be
with you for the rest of my life. I am willing to give up everything magkasama
lang tayo.”
“Kahit si RD?”
“I don’t know… maybe…”
“Hindi ka malandi babe…lahat naman
nagkakaganyan. I can understand na you care for RD lang, sorry kasi naging
makitid ang utak ko. I didn’t trust you enough. Pero ngayong nararamdamn ko na
may nararamdaman ka sa kanya, medyo nabahala lang ako. Mali kasi babe eh.”
“Babe sorry for being to selfish… sorry.”
Sabi ko
“Nagkamali rin naman ako…”
“Pero nakakahiya ako… nakakahiya talaga.”
“Shhh. Tama na… okay na, kalimutan na lang
natin ang lahat.”
“Gagawin ko lahat para makabawi sayo…”
“Wala kang dapat gawin ha, mahal kita at
mahal mo ako. Alam ko tayo hanggang sa huli. Pagsubok lang to. Everyone needs
second chance and I think this is it… Kung nagkulang man ako ng pagmamahal ko,
dadagdagan ko pa para dina mabaling atensyon mo… hindi ko hahayaan na mawala ka
sa akin…”
“Babawi ako promise, gagawa ako ng paraan
para mawala lahat ng pagkabagabag mo.”
“Pwedeng humiling?” tanong niya
“Ano yun?”
“Di ko kasi talagang maiwasan na magselos
kay RD. Please… Lumayo ka na sa kanya.. kahit distansya lang… Para kasing
tinatarakan ng punyal yung puso ko kapag nakiita ko kayong dalawa. Sana
maintindihan mo, di naman sa madamot ako pero iba na kasi talaga yung tingin
niya sayo. Alam kong may gusto siya… alam kong mahal ka niya… kaya please…”
Di naman ako nakasagot.
Alam kong dapat
gawin ko to para sa relationship naming ni Kieth pero iniisip ko si RD.
We are
friends, pero kung magpapatuloy ito ay baka tuluyang magbunga yung feelings ko.
Pero sa kabilang banda, maiiwanan ko na
naman si RD. hindi ko naman pwede iasa na lang si RD kay Arjay. Haixt.
Ang
hirap.
Pero kailangan kong sumugal, kailangan kong i-save ang relationship
namin.
“Babe… sorry, sorry kung masyadong malapit
ako kay RD… best friends kami eh..”
“So your answer is no…”
“it’s not that… susubukan ko babe.. I mean,
gagawin ko ang lahat. Kailangan kong i-save ang realationship natin kaya
pumapayag na ako, iiwasan ko siya.”
“Nasasakal ka na ba?”
“Babe…”
“Alam ko… pero sabihin mo lang kung masyado
na akong mahigpit… you can talk with him pero slight lang…”
“Opo…”
“Salamat babe…”
“Pasenysa ka na sa akin ha.”
“Naiintindihan naman kita kaya don’t
worry.” Sabi niya
“Salamat ng marami babe. I love you.”
“I love you too.”
“Pahinga na muna tayo ngayon.”
“Yeah…”
“Namiss kita…”
“Ako din naman eh… gustong-gusto na kitang
yakapin kahapon pa.”
“Pero naglasing ka. Nasosobrahan ka na
naman sa pag iinom ha.” Sumbat ko sa kanya.
“Past is past… kaya tama na ha.”
“Yeah…”
“Babe…”
“Po…”
“Will you marry me?” tanong niya
“Oo naman.”
“I mean right now?”
“Are you serious?”
“Fucking serious.”
“Adik mo lang. tigilan mo ako ha.”
“So it means no?”
“Ang bata pa natin for that. At isa pa,
kasal agad? Diba sabi natin pagkatapos ng pag-aaral natin?”
“Just kidding.”
Pero alam kong may laman ang mga hirit
niya. Haixt.
Ano ba ang dapat kong gawin para naman makabawi sa kanya?
Nakailang buwan na kami at ilang buwan na lang ay isang taon na kami.
Hay
buhay.
Alam kong kaya ko to, hold on, isip isip lang.
[RD’s POV]
Dalawang linggo matapos ang mga
pangyayaring iyon sa amin ni Alex, narito ako ngayon at pilit iwinawaglit ang
nararamdaman sa kanya.
Umiiwas na rin siya sa akin at wala akong magagawa, mas
mabuti pa nga ang mga nangyari eh.
Heto ako at patuloy na ipinagpapatuloy ang
buhay kahit na nakakaramdam ako ng kalungkutan at pag-iisa.
Napag-iiwanan na
naman ako at no choice ako kundi tumunganga.
Ano pa nga ba ang gagawin ko? I
ruined my own social life.
“Anak…” tawag sa akin ni mama.
“Ano po yun?” sagot ko.
“You need to decide.” Biglang sabi nito.
“Ma… napag-usapan na natin ito. I don’t
want your idea at isa pa, magsasayang lang tayo ng pera at panahon. I now my
situation and I’m ready for it.”
“I just want to be with you… wala na nga
yung kuya mo ayaw mo pang makasama ako.” Sabi nito.
“Ma listen up, I love you so much. Pero wag
muna ngayon. Ayoko. Kayo lang ang mahihirapan sa akin. I can manage. Tatagal pa
naman ako ma. Don’t be scared.” Sabi ko.
“Pero mas maganda kung mas tatagal pa yan
kung pupunta tayo sa ibang bansa.”
“Ma… please…”
“Okay na… pero makukumbinsi din kita.”
“Di pa ba tayo pupunta kay Kuya?” tanong
ko.
“Di ko alam, dapat last week pero ayaw ng
papa mo.”
“Edi tayong dalawa ma.”
“Baka magalit ang papa mo.”
“Ma hindi yan. Alam kong sabik na sabik na
ninyong makita si kuya.”
“Kay tagal na rin na hindi ko nakita yung
kuya mo.”
“Kung nandito lang sana si kuya edi okay
lang ako… okay sana tayo… hindi sana ako ang itinuring ninyong panganay.”
“Sigurado ka ba sa gagawin natin? Baka kasi
hindi tayo harapin ng kuya mo.”
“Ma naman mahal kayo ni kuya alam naman
ninyong sila lang ni papa ang hindi nagkaintindihan noon kaya naman siya
umalis. Hindi kayo kamumuhian ni kuya. I swear.”
“Sige tara na…”
Nakita ko sa mga mata ni mama ang
pananabik.
Ganito siguro ang lahat ng ina lalo na at nawalay ang kanilang anak.
Dati hindi ko pinapansin ang mga pagmumukmok ni mama, pero ngayon ko lang ito
nabigyan pansin. Siguro kapag nagkaanak ka ganito ang mararamdaman mo.
Siguro dapat ko ng pangarapin ang magkaroon
ng pamilya.
Hindi naman nagsasara ang mundo para sa akin.
Bisexual ako pero
hindi ibig sabihin noon ay hindi ako pwedeng magmahal ng babae.
Pero
nakakatawang isipin na sa isang pihikan na tulad ko ay magmamahal pa ko ng tao
bukod kay Alex.
Alex, sana naman patahimikin mo na ang
kalooban ko.
Gusto kong ipag sigawan sa mundo na mahal kita at ikaw lang ang
mamahalin ko.
Sana kasi hindi na lang kita nakita pa at hindi na kita nakilala
pa.
“Anak tara na…” yaya ni mama.
“Ah oo nga po pala… sige po maliligo lang
ako.”
“Ipapahanda ko na kay Mang Oscar yung
sasakyan.”
“Sige po.”
Kamusta na kaya siya?
Siguro masaya na sila
ngayon ni Kieth, samantalang ako, heto at my worst.
Malapit na nga pala ang
birthday ni Kieth.
Nice naman.
Di na muna siguro ako mag paparamdam at
magpapakita sa kanila.
Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis
at bumaba sa may sala.
Agad ko namang nakita si mama na tila ba sabik na sabik.
Marami na akong kasalanan kay mama at gusto kong bumawi sa kanya.
Pero bilang
na rin naman ang mga araw ko bago ko magawa yun.
“Ma tara na.” sabi ko.
“Sige anak.”
“Excited ba ma?” tanong ko.
“Oo. Sa wakas, pwede ko ng makita at
mayakap ang kapatid mo. Kay tagal na panahon akong nangulila sa kanya at ngayon
na ang panahon na maari ko na ulit siya makasama.”
“Alam ko ma makukumpleto rin tayo balang
araw.”
“Sana nga anak.”
“Ma cheer up. Wag kang magpakanega.” Sabi
ko.
Habang papunta kami ay walang imik si mama.
Feeling ko talaga ay kinakabahan siya kaya naman niyakap ko siya para
madistract siya mula sa malalim niyang pag-iisip.
“Ma chill lang… kinakabahan ka na jan eh… sige
ka mamaya mautal ka na jan.”
“Anak… kapag magulang ka na, saka mo
mararamdaman ang nararamdaman ko. Nangungulila ako sa kuya mo anak. At ngayon,
makakapiling ko na siya muli.”
“Napaka swerte naman ni kuya ma.”
“Walang swerte anak.. wag kang magtampo.
Pareho ko kayong mahal.”
“Joke lang yun ma.”
“Anak…”
“ANo po iyon?”
“May gusto lang sana akong itanong sayo.”
“Ano po iyon?”
“Kaya mo ba ayaw pumayag sa gusto naming ng
papa mo ay nang dahiln kay Alex? Pinipigilan mo ba talaga kasi ayaw mong malayo
sa kanya?”
“Ma… hindi.”
“Anak… kamusta na ba kayo ni Alex? Nasabi
mo na ba sa kanya yung nararamdaman mo? Napahayag mo na ba talaga kung ano yung
nasa saloob mo?”
“Hindi na kialnagan ma. Mas okay na ako
dito. At isa pa, Masaya na siya. makakagulo lang ako. Alam naman natin ma kung
gaano nila kamahal ang isa’t-isa.”
“Siguro nga anak pero ikaw lang din ang
mahihirapan. Hindi ka naman makakawala jan sa nararamdaman mo hanggat hindi mo
yan pinapalaya.”
“Iniisip ko lang ma kung ano yung
nararapat.”
“Pero kailangan mo rin gawin ang tama.”
“Ma, just not talk about it.”
“Okay sige.”
“Malapit na ba tayo ma?”
“Medyo…10 minutes will do.”
“Okay ma.”
Di naman nagtagal ang sampung minuto at
lumipas ito na tila ba isang hangin na dumampi sa aking balat.
Ipinadpad kami
sa isang bahay.
Di ko alam kung dito ba nakatira si kuya o hindi.
Sinipat ko ang paligid at kapansin-pansin
ang kalinisan nito.
Mukhang masipag si kuya sa kanyang buhay kaya nga nakapundar
siya ng ganito kagarang bahay.
“Ma, sigurado ka ba na ito ang bahay ni
kuya?”
“Oo anak. Eto ang address na sinabi ng papa
mo.”
“Mukhang asensado si kuya ah.”
“Oo nga…”
Kitang-kita ko ang pananabik sa mata ni
mama.
Agad naman kaming nag door bell at agad namang lumabas ang isang
kasambahay nila. Agad naman kaming bumati at hinanap si kuya.
“Sino ho sila?” tanong nito sa amin.
“Ako ho ang kapatid niya si Dan kamo…
kasama ko si mama.”sabi ko.
“Sige ho pasok ho kayo dito.”
Agad naman kaming pinagbuksan nito at
pinatuloy sa loob.
Pinaupo niya kami sa may living room at tinawag si kuya.
Gumala ang mga mata ko sa paligid ng bahay at namangha naman ako sa nakikita
ko.
Galante na talaga si kuya, bigtime kumbaga.
Agad namang lumabas ulit ang kasambahay
nila at kasunod nito ang nagmamadaling lalaki pababa ng hagdan.
Napatayo naman
agad si mama kaya naman tumayo na rin ako.
Tumingin si kuya sa kinaroroonan
naming at ramdam ko naman na gayun din si mama.
Unang tumakbopapalapit ka kuya si mama kaya
naman yumakap si kuya upang salubungin si mama.
Kitang-kita ko ang pananabik ni
mama.
Pareho silang umiiyak sa aking harapan. Kay sarap tignan na makitang
Masaya si mama.
“Ma… maa…” utal ni kuya.
“Anak… salamat at ayos ka lang… salamat at
okay ka, salamat at maayos kang nabubuhay ngayon…Masaya ako na makita ka ulit…”
iyak ni mama.
“Ma… miss na miss ko kayo, kayong dalawa ni
Dan… sorry… sorry kung nawala ako, kung umalis ako..”
“Shhhh… wag na natin pag-usapan to ngayon.”
“Ma… salamat at pinuntahan ninyo ako…
salamat po…”
“Kung alam mo lang kuya kung gaano ka namiss
ni mama,”
“Tol…” sabi ni Kuya.
“Kamusta ka na ba?”
“Okay lang ako. kayo ba? Umupo na muna
tayo.”
“Okay lang din kami kuya. Heto, okay naman
at walang gulo sa bahay.”
“Mabuti kung ganon.”
“Kailan ka uuwi anak?” tanong ni mama.
“Ma… narito ang bahay ko…”
“May pamilya ka anak.”
“May panibagong pamilya na ako ma.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“May anak na ako ma… may asawa na ako,
kasama ko sila ngayon na nakatira dito.”
“Pero hindi namin alam.”
“Mas minabuti naming na hindi ipaalaam.
Ayoko, ayokong tutulan pa kami ni papa. Mahal ko siya at tapos na akong
magpasailalim sa kapangyarihan ni papa. Ayoko na.”
“Gusto kong makita sila…”
“Ma…” sabi ko.
“Gusto kong makita ang bagong pamilya ng
kuya mo… pamilya na rin natin sila.”
“Tawagin ko lang sila ma.”
Umakyat si kuya sa bahay nila upang tawagin
ang pamilya niya. Agad ko namang kinausap si mama. Alam kong nababagabag siya
sa mga nangyayari.
“Ma… okay ka lang ba?”
“Oo.”
“Pero bakit parang kakaiba yung kinikilos
mo?”
“May naisip kasi ako.”
“Ano yun ma?”
“Ngayong may mga apo na ako… kami ng papa
mo… marahil matatanggap na siya ng papa mo.. marahil mapapatawad na siya ng papa
mo… Magkakaayos na sila.”
“Pero ma, halatang ayaw na ni kuya. Halata
naman na hindi siya pabor na magkita pa sila ni papa. Hayaan na lang natin
siya.”
“Hindi anak.. kailangan magkaayos sila.”
“Pero hindi naman agad-agad yun.”
Natahimik si mama at tila ba napaisip.
Ilang sandali na lang naman ay bumaba na si kuya kasama ang kanyang pamilya.
Agad naman akong napatayo at nagulat sa aking nakita.
Di ko akalain na
nagkatuluyan pala sila ni kuya.
“Dan…” utal nito.
“So ate na pala kita ngayon.” Sabi ko.
“Magkakilala kayo anak?” tanong ni mama.
“Girlfriend siya ni kuya ma. Siya ang
dahilan kung bakit umalis si kuya.”
“Siya ba?” nakita ko naman ang pangamba sa
mukha ni kuya.
“Ma…” sabi ko.
“Okay lang ako. Masaya ako na pinili mong
sumaya sa piling ng taong mahal mo. Im Proud of you.”
“Ma… siya pala si Anessa… asawa ko. Eto ang
panganay ko si Anthony, sumunod si Angelica, tapos ang kambal kong anak, si
Aaron at si Alden.” Pakilala ni kuya.
“Nice to meet all of you. Nakakatuwa naman
at may apo na ako.” Kitang-kita ko ang pananabik ni mama sa kanyang mga apo.
Niyakap ni mama si Ate Anessa at ang anak
ni kuya.
Ang cute naman nung kambal.
Di ko alam na magkakaanak ng kambal si
kuya.
Nainggit naman agad ako.
“Kuya, ang cute ng kambal mo. Akin na lang
sila oh. Waaah. Naiinggit tuloy ako.”
“Saan pa ba mag mamana yang kambal na iyan?
Edi sa akin. Gwapo na, cute pa. Paglaki nan sigurado ako hahabulin yan ng mga
chicks.”
“Ay naku kuya, wag masyadong magdala ng
bangko. Mamaya niyan hindi chicks ang habulin niyan.”
“Loko ka.” At nagtawanan kami.
“Masaya ako na ikaw ang nagbibigay ng
kasiyahan sa anak ko. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata ng anak ko.” Sabi ni
mama.
“Salamat po at tanggap po ninyo ako.” Sabi
ni ate Anessa.
“Mahal ka ng anak ko. Kung mahalaga ka sa
kanya, mahalaga ka na rin sa akin. Tawagin mo na rin akong mama, tutal asawa ka
na ng anak ko. Welcome to the family!” muli nitong niyakap si ate Anessa.
“Salamat ma… salamat at tanggap mo ang
asawa ko.”
“Sana lang matanggap mo na ang papa mo.”
“Change topic ma.” Sabi ni kuya
Lahat kami ay napatahimik.
Hay, heto na
naman kami.
Kaya no choice kundi bring up another issue. Ano pa nga ba? Dapat
lang maging okay ang lahat dito.
“Kuya yung kambal, ilang taon na sila?”
tanong ko.
“Tatlong taon na sila.”
“Parang keilan lang eh umalis ka ng bahay
pero may apat ka ng anak kuya ah. Napakasipag mo kahit kailan. Masyado mo atang
trinatrabaho si ate Anessa.” Biro ko.
“Loko ka. At isa pa, wala eh masipag eh.
Ikaw ba kalian ka magkakaanak?”
“hahaha. Saka na.”
“Aysus…”
“Kuya naman.”
“Naku anak, malabo na yang mangyari. Lalake
ang gusto nan Kapag nagkaanak pa yan eh milagro ng matatawag.”
“Aysus, kayo nga naguudyok na pakasalan ko
anak ni tito Ralph.”
“Fixed marriage again? Walang kadala-dala
talaga si papa.”
“Tapos nayun kuya. Hindi naman naituloy. At
isa pa, mas okay na rin iyon, at least nag reach out kami ni papa sa isa’t-isa.”
“Kamusta ba si Kate?” pag-iiba niya.
“She’s fine. Di ko alam ung sino ang
boyfriend niya pero I think you make her happy nung umurong ka.”
“Yeah… mukhang may mahal naman siyang iba
eh and I don’t know kung sino yun. I think sila hanggang ngayon.”
“Di ko kilala kuya. Pero to think of it,
mukhang wala namang lumalapit sa kanya.”
“By the way… tol natatandaan mo ba yung
kababata mo na first love mo kuno.”
“Si Alex ba kuya?”
“Definitely!” Sabi ni kuya
“May prolema ba anak?” tanong ni mama.
“No ma… I need to see him… our company wants
him, kailangan naming siya and we offer some scholarship.”
“Kaklase siya ng kapatid mo. Magkaibigan
sila. Nagkita na ulit kami. He was a wonderful boy. Sobrang bait pa din at
sobrang sweet.”
“Great kung ganun. Matutulungan mo ba ako
kapatid?”
“Ma, alam mo naman na bad shot ako sa
kanila. Ayokong lumapit sa kanila at all. Makakagulo na namana ako sa kanya.”
“Ma, What happen?”
“Inalababo pa rin ang kapatid mo.”
“Ma…”
“Ah ganun ba, eh bakit ayaw mong ligawan?
Legal ka na naman sa amin kaya okay na yan. Ang torpe mo naman kung ganun.”
“May sabit kuya.”
“Ah yun lang.”
“Pero ano yung sinasabi mo tungkol sa
i-ooffer ninyo kay Alex?”
“May scholarship kami kay Alex sa ibang
bansa. Nagustuhan yung application niya ng company namin. Namukaan ko siya pero
di ko nilapitan kasi naman hindi ako sigurado kung siya ba. Kaso ang problema,
ayaw na niyang tanggapin yung offer.”
“Bigay ko number niya.”
“I think you should bring him to me.”
“Kuya…”
“Just kidding, puntahan ko na lang siya. Just
give his address to me.”
“Hay nako kuya.”
“Pero magaling yang kaibigan mo. He impress
our executives. At isa pa, gusting-gustong kunin siya ng company naming hindi
lang para mag model kundi para mag work under sa amin.”
“Hindi naman niya tatanggapin yang offer na
yan. Asa pa na umalis siya. At isa pa, ang tatay niya ay may ari ng isang
malaking kumpanya na kapartner ng kumpanya natin.”
“Kontra ka naman eh. Wala akong paki-alam
jan sa kumpanya nila. Basata makukuha ko siya. I need to.”
“Tsss. Ikaw ang bahala. Basata I warn you.
Pustahan pa tayo eh.”
“Oh tama na muna yan. I have a great idea
ma. Dito na kayo magtanghalian. Ipaghahanda kop o kayo.” Sabat ni ate Anessa
“Oo naman. Sige ba ate. Sarapan mo luto ah.”
Sagot ko.
“Kaya ka tumataba eh.”
“Macho ko na kuya oh.”
“Sus tignan mo nga yang tyan mo parang
Nescafe lang, nangingbabaw.”
“Abs yan kuya, wag ka nga. Akala mo ha, nag
gy-gym to uy.”
“Talaga lang ha.”
“Oo naman.”
[Alex’s POV]
Nakatanggap ako ng text mula sa isang
company na inapplyan ko. I need money para naman sa regalo ko kay Kieth. Mag
birthday na siya. yung company naman na inapplyan ko ay yung company na matagal
ng nanliligaw sa akin bilang maging model. They offer me some scholarhip before
at I think magbibigay din sila ngayon.
“Best… anyare? Anong meron jan sa cellphone
mo?” tanong niya
“Wala naman bakit?”
“Kanina ka pa nakatitig jan sa cellphone
mo. Daig mo pa ang naghihintay na may pagklain na lumabas jan eh.”
“Wala naman. At isa pa, pagkain na naman?
Hindi ba pwedeng kahit ano? Gustom ka na naman ano?”
“Bakit ba? Eh sa gutom na ako eh. Pero ano
nga yan?”
“Eh kasi uung company na inapplyan ko, okay
na daw. Tanggap na ako. Pinapapunta nila ako.”
“Okay na pala eh. Sus akala ko naman kung
ano. Makareact ka jan para kabng nasiraan ng baet ah. Naku naku.”
“Pero nagdadalwang isip ako. Hindi ko alam
kung tatanggapin ko ba yung offer nila.”
“Why?”
“Some instances and matter.”
“Si Blake ba?”
“Medyo… dapat kasi di na doon pero no
choice. Si tita kasi out of the country kaya di niya maasikaso ang part time
job ko.”
“Choosy pa.”
“Wew.”
Biglang dumating si mama kasama si kuya.
Kita ko naman na namumula ang mata ni mama.
Agad naman akong napatayo at
niyakap si mama.
Ano na naman kayang nangyari?
“Ma, anong nangyari? Bakit namumugto yang
mata mo? Sinong nagpaiyak sa inyo?”
“Wala naman anak.”
“Bakit kayo naiyak ma kung wala lang?
Magsabi nga po kayo ng totoo.”
“Si kuya mo eh. Ginulat lang ako sa sinabi
niya.”
Agad kong pinuntahan si kuya at sinugod
ito.
“Hoy kuya, anong ginawa mo kay mama?!”
“Wala ah.”
“Ano nga? Kung wala eh bakit umiiyak si
mama? Anong sinabi mo sa kanya ha?!”
“Kasi yung kuya mo… mag-aasawa na.”
“Asawa?” at natigilan ako. May girlfriend
pala tong si kuya.
(Itutuloy)
No comments:
Post a Comment