Thursday, January 9, 2014

Unbroken 2.6

Naging matiwasay ang late midnight snack nila FR at Daniel sa McDonald's.They talked like they have known each other for years. Magaan ang pakiramdam ni Daniel kay FR. FR finds Daniel interesting. They both couldn't believe na isang araw palang silang magkakilala.

Daniel looked at FR. FR smiled. Nakaramdam ng kakaiba si Daniel.

“FR, ang ganda ng mata mo.”

FR blushed. He kept his mouth shut. Ayaw nyang magcomment sa sinabi ni Daniel. Nginitian nya lang ito.

“Oo nga FR, ayaw maniwala. Maganda nga mata. Yun nga lang, para laging kang malungkot. Pababa kasi yung mata mo, kaya parang laging umiiyak.” sabi pa nito

Tumango lang si FR.

“Oo nga. Malungkot daw talaga mata ko.”

“Pero di ka naman malungkot diba, FR?”

“Hmmm. Minsan, malungkot. Natural naman sa tao na malungkot minsan. Bakit? Ikaw? Di ka ba nalulungkot?””

Daniel touched his nose. He leaned on his chair and placed his arm on FR's left shoulder.

“I do. I do get sad.”

“A rich kid like you gets sad. I wonder why.”

“Being rich doesn't equate to you being happy.” sabi ni Daniel

“Well. Got a point there. Pero in comparison sa iba, you must be happier. Nakukuha mo gusto mo ng walang kahirap-hirap. Nabibili mo lahat. At hindi mo kailangang gawin ang mga bagay na di mo gusto dahil may pera ka.”

Daniel sighed.

“In comparison, yes. Sabihin na nating kaya kong bilhin tong McDo Branch na to. Kaya kong bilhin lahat ng paninda ng mga nagtitinda ng gulay dyan sa labas. Kaya kong bilhin lahat ng balut nung lalaking nakacap. May pera ako. Pero somehow, malungkot pa rin naman.”

FR looked at him.

“Aren't you happy with the relationship you have with your girl?”

Daniel looked back.

“Well... Siguro.”

FR smiled.

“Di na masaya? Eh di hiwalayan na.”

Daniel chuckled.

“Sana ganoon kadali.”

“I know it's not.”

Daniel smirked.

“If breaking up is as easy as ABC, matagal ko ng tinapos ang relasyon namin ni Carly.”

Tumitig sa kanya si FR.

“Well, madali lang naman siguro. Nasa sa'yo lang talaga yan kung gaano ka ba kawilling iwanan yung tao.”

“Mukhang expert ka sa pagpapaiyak ah?” pabirong sabi ni Daniel

“Nahh. I've had my fair share and I am really no saint. But I assure you that I'm a good guy.” sabi ni FR

“I know. I know. But where did that come from?”

Napaisip si FR. Daniel is deep. Alam nyang lagi syang mapapaisip pag ito ang lagi nyang kasama.

“Where did what come from?” taas-kilay na tanong ni FR

“I mean, your thoughts.”

“I don't know. Siguro sa kakapanuod ko ng drama sa gabi.”

Daniel smirked.

“So dapat manuod din ako ng drama sa gabi para lumalim ang pananaw ko sa buhay?” He asked

“It's not like that. Sabihin nalang natin na I live in a world that deals with the harsh reality kaya opinionated ako sa mga bagay-bagay.”

“Your point is?” there's danger in Daniel's tone.

Napangiwi si FR. Alam nyang isang maling salitang gagamitin nya ay magaaway na naman silang dalawa.

“Nothing. Let's put it this way, I know how to deal with different kinds of people. Sa bawat taong makikita ko, I make sure I engage in a good conversation. That way, natututo ako.”

Nagiba ang timpla ng mukha ni Daniel. Napalunok si FR.

“You don't have to make me feel different. I know I'm rich. I know I'm rich. I know I'm rich at hindi mo na dapat sakin iparamdam yon!”

Nanlaki ang mata ni FR. Second time sya sinigawan ni Daniel ngayong araw na to. Hindi nya malaman kung bakit pero ramdam nya ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

“Anong problema mo Daniel?”

“Ikaw!”

“Anong ako?”

“You're making me feel different!”

“Anong ginawa ko?”

Natahimik si Daniel. He laid his eyes on FR. He saw that he's crying. Nanlambot ang kanyang tuhod. He doesn't want to see him cry. Mabilis nyang pinahid ang luha nito.

“Sorry.” mahinang sabi ni Daniel

“I didn't mean to shout.” dagdag pa nito

“For the second time?” humihikbing sabi ni FR

“Am sorry.”

“Let's stop this.” sagot ni FR

Nataranta si Daniel. He held FR's hand. He was trying to caress him.

“Naoffend lang ako, FR. Sorry.”

“There's nothing offensive sa mga sinabi ko. Hindi grounds yun para sigawan mo ako, for the second time.” malamig na sabi ni FR

FR composed himself. He grabbed his things and put it in his bag. Inayos nya rin ang kanyang damit na nalukot mula sa pagkakaupo nila ni Daniel. He removed Daniel's hand in his.

“Kasi iba yung dating eh.”

“Paanong iba?”

“It felt like you're pushing me away.”

“I'm not, Daniel. Nagtanong ka, so obviously, sumagot ako.”

“Pero yung sagot mo kasi. Pakiramdam ko nilalayo mo masyado yung sarili mo sakin porket mayaman ako.”

Napabalikwas si FR sa sinabing iyon ni Daniel.

“It's not like that.”

“That's how I felt.”

“Hindi ko na problema yun Daniel.”

“FR, kung di mo sinabi yun di kita masisigawan.”

“Daniel, hindi ko alam kung bakit ganun yung perception mo sa mga prinsipyo ko sa buhay. Matuto kang tumanggap na magkakaiba tayo ng buhay.”

“Para kasing sinasabi mo na I don't know how to deal with different people.”

“Wala akong sinasabing ganyan.”

Napabuntong-hininga si Daniel. Nakatitig lang sa kanya si FR. FR sensed how brat he could get. Naguumpisa na syang mainis.

Bakit ba pag mayaman, karamihan, eh brat? Tapos lagi pang pinipilit ang gusto? FR thought

Eh anong gusto mong palabasin FR?”

Mas naging matigas ang pananalita ni Daniel. FR was breathing irregularly. He then looked at his old wrist watch at nakita ang oras. Kinuha nya ang kanyang mga gamit at tumayo.

Wala. I'm going.” naiinis na sabat nito

Mabilis na naglakad papalabas sa entrance ng McDonalds si FR. Iritang-irita sya sa inasal ni Daniel. He was very pissed on how childish he acted. Naiinis sya dahil napakasimpleng bagay lang eh pinapalaki. Hindi nya alam pero he felt his blood rushing to his face. Nagpupuyos ang damdamin syang lumabas sa McDonalds. Naibukas na nya ang pinto ng maramdaman nya ang paghatak sa kanya.

Putangina. Ano ba?” Singhal ni FR

Daniel was shocked after hearing FR's bad mouth. Nanlaki ang kanyang mata. Hindi nya alam kung ano ang sasabihin. Alam nyang mali ang kanyang ginawa pero enough na ba yun para murahin sya ni FR? Hindi pa rin sya makapagsalita.

Le-let me go.” natauhang sabi ni FR

Dahan-dahang binitawan ni Daniel ang braso ni FR.

I-I'm sorry. Iritang-irita lang ako.”

Bakit?” natamemeng sabi ni Daniel

I don't know.”

Impossibleng di mo alam. Impossible.”

Do you want me to be sarcastically honest?”

Natahimik si Daniel. Napalunok.

Ye-yes.”

It's very difficult to deal with a brat.” bitaw ni FR

Tinantya nya muna ang reaksyon ni Daniel. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya.

“Shall I go?” dagdag pa nito

“Am not a brat.” nanginginig na sabi ni Daniel

“You are.” maiksing sagot ni FR

Hindi nya na hinintay ang sagot ni Daniel. Mabilis na syang sumakay sa bus na dumaan.

Napatingin si FR sa kinatatayuan ni Daniel. He saw him wiping his eyes. Umiiyak kaya si Daniel?

Napabuntong hininga si FR.

I T U T U L O Y . . . .


3 comments:

Pink 5ive said...

Hi author! Ngayon lang ako nakapagcomment. Thanks sa update. Ang ganda ng story.

unbroken said...

Hello! I remember you, you're back. Heheheh salamat po

unbroken said...

Hello! I remember you, you're back. Heheheh salamat po