“Same time. Dun sa parke na lagi nating pinupuntahan. Sa may swing.”
Ready na ba akong makita ka ulit? Ano ba Oel. Hindi ko na din alam. Sobrang saya ko sa dalawang mokong na to,bakit pa ba kita pagaaksyahan ng panahon? Teka? Bakit parang umuurong ata ako ngayon? Ano na ba talaga ang nararamdaman ko? Gusto ko pa ba ipamukha sayo na masaya ako? Ano ba Oel?
“Anong iniisip mo Rob?” tanong ni Choi sa akin.
“Iniisip ko kung anong mangyayari after nating makita ang ex ko.” sagot kong mahina
“Bakit? Hanggang ngayon ba mahal mo pa sya?” sagot nito habang tinitignan ang kanyang mukha sa salamin ng kotse.
“Hindi na.” malamig kong sagot.
Hindi na nga ba talaga? Nalilito ako minsan sa sarili ko. Bahala na nga. On the way na kaming tatlo sa parke. Para lang gago,ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag bakit parang affected ako. Pero ano ba? Bakit naman ako di maapektuhan eh paghihiganti ko ang nakasalalay dito. Paghihiganting dapat noon ko pa ginawa.
“Sana after nito Rob,maging tayo na.” prankang sabi ni Rex habang nagmamaneho.
“You wish. Asa ka pa Rex. Impossible yang sinasabi mo.” pangaasar ni Choi dito.
“Kumpara naman sa'yo na bitter pa din hanggang ngayon. Ano ba? Alam naman natin na ako ang sasagutin ni Rob eh.” Pagaangas ni Rex sa isa.
“Tumigil na nga lang kayong dalawa. Sumasakit ang ulo ko sa inyo.” pagsaway ko sa kanila.
Parang mga batang napagalitan ng nanay,mabilis na nanahimik ang dalawa. Nasa harap kami ni Rex samantalang malikot na nagagalaw si Choi sa likod ng driver's seat. Iniisip ko kung ano nga ba talaga ang mangyayari sa aming tatlo pagkatapos nito. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman,o kung sino ba dapat ang piliin ko. Bahala nalang si Batman. Basta dapat maipamukha ko kay Oel na masaya ako at di ko sya kailangan.
“Malapit na ba tayo? Saan ba banda yun?” usisa ni Choi.
“Pagikot ng circle dun na. Malapit-lapit na tayo Choi.” sagot ko.
“Handa ka na ba?” tanong ni Rex.
“Handa saan?” wala sa sarili kong tanong.
“Sa mga pwedeng mangyari?” balik nito sa akin.
“Ha?” nagitla kong usal.
“Anong ha?” sabi nito.
Natameme ako.
“Siguro nga. Siguro nga handa na ako.” sagot ko.
“Bakit parang di ka sigurado?” tanong nito sa akin.
“Di ko din alam.” maiksi kong sagot.
Natahimik si Rex. Maging si Choi ay parang naninimbang din sa mga nangyayari. Di nila alam kung anong mangyayari after nitong meet-up na to. Just to be fair,di ko din naman alam ang mangyayari pagkatapos. Wala akong idea,sana nga maganda ang mga bagay after nito. Nakakalito.
“Rob?” pagbasag ni Choi sa katahimikan.
“Uh-huh?” sagot ko.
“Wala naman. Siguro di ka pa over sa ex mo.” nasabi nito all of a sudden
“Huh?”
“Bakit parang nabibingi ka?” sabat ni Rex.
“Gago.” sagot ko.
“Sabi ko di ka pa over sa kung sinong demonyong ex mo na yan.” sabi ni Choi.
Nakita ko ang paglatag ng mata ni Rex sa salamin. Nakita ko na nagtama ang mga mata nila ni Choi mula dito. Nagtitigan,di nagtagal nakita kong umirap si Choi kay Rex na nagpangiti sa akin.
“Over na siguro ako.” sagot ko.
“I think I have to agree with Choi.” sagot ni Rex.
Tumaas ang kilay ko sa narinig. Unang beses sumang-ayon ni Rex kay Choi. Mailagay nga sa kalendaryo tong araw na to. Winner.
“Himala? Nagagree ka sakin?” pagsusungit ni Choi kay Rex.
“May point ka dun. Pero utak biya ka pa rin para sakin.” banat ni Rex.
“Tarantado ka ah!” sabi ni Choi sabay batok kay Rex na nagmamaneho.
“Aray!”
“Tama na nga yan!” saway ko sa kanila.
“Humanda ka sakin Mongoloid ka pagbaba ko dito!” gigil at namumulang sabi ni Rex kay Choi.
“Ulol. Di ako mongoloid! Ikaw nga Gorilya! Ang kapal ng buhok mo! Huuunnnggoooyy!” pangaasar pa ni Choi.
“Putangina. Manahimik nga kayo.” naiirita kong sabi sa kanila.
“Hala? Nagmura na si Rob. Galit na nga. Manahimik na nga tayo Choi.” sabi ni Rex.
Tahimik.
Napagisip ako. Mahirap mamili sa kanilang dalawa. May mga bagay sila na kayang ibigay, Parang pag pinagsama sila at gawing isang tao,parang perfect ang dating nila. Ang hirap mamili. Naisip ko na kung si Rex ang pipiliin ko,okay sya,yun nga lang laging mabilis. Kung si Choi naman,okay din naman,yung nga lang eh napakalibog at may pagkachildish. Bahala na nga.
“Nandito na tayo.” sabi ni Rex.
Nabalik ako sa sarili nang sabihin ni Rex yun. Parang nakaramdam ako ng kaba at excitement. Kaba dahil baka magwala ako dun? Excitement dahil atlast,makakaganti na ako sa kanya.
“Ready na ba kayo boys?” sabi ko.
“Opo!” sagot ng dalawa.
Bumaba kami ng kotse. Buti na nga lang at wala masyadong tao ngayon. Eto na at magsisimula na ang huli naming pagtutuos.
Malamig ang hangin sa parke. Nakakatuwang pagmasdan ang pagsayaw ng mga dahon sa twing hinihipan sila ng nangroromansang hangin. Kakaiba ang sundot na dala ng sinag ng papalubog na araw. Nakakakiliti na nakakatakot.
Malaki na rin ang pinagbago ng parke. Ang ibang bahagi na damo ay sementado na ngayon. Mas dumami ang mga swing at seesaw, mas dumami din ang mga malalaking puno na nagbibigay lilim sa lahat ng bumabagtas dito. Hindi ko alam kung ano ng itsura ng lugar na lagi naming tinatambayan noon.
“Ang weird nitong park na to.” sabi ni Choi.
“What made this park weird?” sagot ko.
“Actually,this park's okay.” sabat naman ni Rex.
“Ang sipsip mo talaga Rex no? Masyado kang paimpress eh.” sagot ni Choi.
“Di ako sipsip! Nagsasabi lang ako na nagustuhan ko ang park.” naiirita na sagot ni Rex.
“Fine. Magaway kayo ng magaway.” sagot ko.
“Basta,weird ang park na to. I just don't know why.” matigas na sabi ni Choi.
“Siguro nga.” sagot ko.
“I just don't know. Pero ramdam ko na malungkot yung park. Parang depressing yung ambiance though maganda tong park na to physically.” paliwanag ni Choi.
“Nalulungkot pala ang park?”pilosopong sabat ni Rex.
“Leche!” sabi ni Choi sabay hampas kay Rex sa braso.
“Actually oo. Malungkot tong park na to.” bigla kong nasabi.
Natahimik ang dalawa. Natigil sa kanilang pagpapaluan. Parehong tumama ang kanilang mga mata sa akin.
“See? Ang kulit mo kasi Rex.” pagyayabang ni Choi.
“I saw someone dito sa park na to,umiiyak na parang bata. He looked so sad that time,di ko alam pero nilapitan ko sya at tinanong kung bakit,namatay daw nung mga panahon na yun yung nanay nya so sobrang lungkot nya. Naging saksi tong park na to sa bawat paghagulgol nung lalaking yun,nakita ng parkeng ito kung paano sya nagluksa at humiyaw para mairelease ang sakit na nararamdaman nya.”
Nanatiling tahimik ang dalawa. Halatang nagaantay ng kasunod.
“Mula noong araw na yun,lagi na akong pumunta sa parke na to. Lagi ko syang nakikita,nung una medyo nahihiya pa sya sa akin sa twing pinapahiram ko sya ng panyo,pero latter on,nasanay na din sya. Naging magkaibigan kami,sobrang close. Di nagtagal,narealize pala namin na gusto na namin ang isa't isa. Naging saksi ang parkeng ito kung paano sumibol ang pagmamahal namin sa isa't-isa. Nakita nga mga puno kung paano nya ako kinakantahan twing nalulungkot ako.” dagdag ko pa.
“Sino sya?” tanong ni Rex.
“Oo nga.” extra ni Choi.
“Lastly,this park was once a witness nung bigla syang nawala na parang bula.” may pait sa aking tono.
“What do you mean?” tanong ni Choi.
“We were supposed to meet dito dati. I waited for hours pero kahit anino nya wala. Malalaman ko nalang na umalis sya ng bansa at yun na. Wala na akong balita. This park was once a witness kung paano ako parang gagong nagantay sa kanya. Nakita ng parke kung paano ako umiyak. Kung makakapagsalita lang ang mga puno dito,malamang kinomfort na nila ako.” sabi kong mahina at unti-unting nagkacrack ang boses.
“Confirmed,mahal mo pa nga yung ex mo.” sabi ni Choi.
“Di ko na sya mahal. Gusto ko lang talaga makaganti.” sagot ko.
“Okay. Kunwari naniniwala ako sa'yo.” sagot pa nito.
“Humanda sya. Ngayong back-up ko na kayo. I'm sure na maniniwala sya. Basta galingan nyo sa pagarte ha? Cool lang. Para di halatang umaarte tayong tatlo.” sabi ko.
“Copy.” sagot ni Rex.
“Paste?” banat ni Choi.
“Gago.” sabi ko.
“Humanda ka samin Oel.” sabi ko.
“Oel?” sabi ni Rex.
“Oo. Oel.” sagot ko.
“Sino si Oel?” tanong ni Choi.
“Ex ko. Oel Milana.” sagot ko.
At nakita kong nagiba ang expression sa mukha nila Rex at Choi.
ITUTULOY...
No comments:
Post a Comment