Monday, February 7, 2011

"Unbroken 6"




❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

“Unbroken 6”
2.3:TERRIFIED
“I could be all that you need If you let me try”
-Katharine Mcphee,TERRIFIED



Mula sa pagkakahilig ng aking ulo sa kanyang balikat,amoy na amoy ko ang bango ng kanyang damit. Halatang mamahalin ang ginagamit nyang perfume. Hindi ko alam kung anong brand pero napasubtle ng amoy. Nakakahook. Hindi ko maiwasang mapapikit dahil totoo namang nakakarelax ang amoy nito.


“Feel na feel mo pabango ko ah? Bango ba?” sabat nito.


“Yup. Gusto ko ng ganyang mga perfume. Soothing yung effect.” sagot ko naman.


“Ahh ganun ba? Actually,regalo lang yan ng isang patient ko.” sabi naman nya.


“Ahh ang galing nyang pumili ahh.”sagot ko naman.


“Yup. Actually yung pasyente ko na yun eh magaling talaga. Husay non. Gwapo pa. Sabi niya sa akin eh babagay daw sa chemistry ng katawan ko yung pabango. Magmamatch daw.” sabi nya


“Ahh. Ganun. Yup. May kakilala kasi ako eh,na magaling din pumili ng pabango. Alam nya kung magmamatch ba sa katawan mo yung amoy nun o aasim ba pag nagtagal.”


Tahimik. Alam kong si Daniel yun. Siya ang mahilig magbigay ng pabango sa akin. Siya ang pipili ng babagay sa akin. Sa tuwing naglalagay ako ng pabangong bigay nya ay imposibleng hindi nya ako amuyin ng husto. Andung nakadikit lang lagi ang ilong nya sa leeg ko. Tapos ikikiss nya.
Ako naman eh gustong gusto ko yun. Whew. Isa pang buntong-hininga.


“Ayan. For the 7th time nagbuntong hininga ka. Lagi kong napapansin yan. Bakit po kasi hindi ka magopen sakin para maintindihan ko kung bakit ka sigh ng sigh. It's just weird. Hindi ka pa rin ba comfortable sakin?” tanong nito.


“Comfortable na po. Magkahawak pa nga tayo ng kamay no? Wala to no. Okay lang ako. Tensed pa ako sa eroplano.” pagpapalusot ko.


“Sus, Tensed daw? Eh kanina ka pa nga okay. Hindi ka na maputla,normal na kulay mo. Hindi ka na tensed. Dali na kasi,sabihin mo na kung ano. Kung sa bf mo yan eh okay lang. Magaantay nalang ako na magbreak kayo tapos saka kita popormahan.” pabiro nitong sabi.


Napangiti naman ako sa narinig. Pakiramdam ko ako si Rapunzel na pwedeng iladlad ang buhok sa eroplano dahil sa sobrang haba. Take note,nakatrintas pa.


“Wala po. Seriously.” sagot ko habang nakatitig sa kanyang mga mata.


“Di nga?” kumalas sya sa pagkakahawak ng aming mga kamay at tumitig sa akin.


“Oo nga. Kulit.” sabi ko habang nakikipagtitigan sa kanya.


“Ako? Makulit? Di ah. Concerned lang ako.” sabi nya gamit ang kanyang sexy voice.


“Fine. Concerned. Maraming maraming salamat. Tensed lang ako. Yun po ang totoo.”sagot ko sa kanya.


Wala pa din tanggalan ng tingin. Tila ba nakapako ang mata namin sa isa't isa. Hindi ako nagpapatalo,titig kung titig din ako. Ako pa? Talent ko ata makipagtitigan, todo titig ako nang mapansin kong papalapit na pala ang mukha nya akin. Teka? Ano ba to? Hahalikan ba ako ng mokong? Fuck. Umandar na naman ang dugo paakyat sa mukha ko. Nagbablush na naman ako.
Papalapit ng papalit ng papalapit. Didikit na any moment ang labi nya sa labi ko. Anong gagawin ko? Pipikit? Oh my Jesus!


“Ano? Tensed ka pa ba?” sabi nya habang nakatitig sa mga mata ko,nangaakit.


“Ha..? Haaaa? Hiin-dii.. ako...”


“Tsup.”


Biglang naglapat ang aming mga labi. It was our first kiss. Naramdaman ko nalang na bigla akong napapikit. Hindi ko alam kung dala ba ito ng tensyon o dala ng sarap at tamis ng kanyang mga labi. Sobrang lambot. Damang dama ko ang paglalaban ng aming mga labi. Kasabay nito ang halinhinang pagsinghap ng aming mga hininga.Tumagal ng ilang segundo ang aming halikan. Ang kauna-unahan. Ang halik na mula sa isang estranghero. Matamis. Punong-puno ng passion. Nerve-rocking.


Bigla syang kumalas mula sa pagkakalapat ng aming mga labi. Tumitig sa mga mata ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Gumuhit sa kanyang mukha ang isang magandang linya buhat sa kanyang nakakabato-balaning ngiti. Nanatili akong nakatulala. Waring hindi ako makapaniwala na we just “DID” our very first kiss. Masasabi kong memorable dahil unang una takot ako sa eroplano. At nagawa nyang alisin sa akin ang takot at palitan ito ng naguumapaw na kilig. Hindi din ako makapagsalita. Tila ba naubusan ako ng salita. Pero ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Pati ata labi ko nanginginig din.


“Oh,Ayan tensed ka pa?” sagot nyang naglalambing.


“Ha? Hindi na po. Okay na ko.” sabi ko habang nangangatal.


“Oh,eh bakit nanginginig ka magsalita?”tanong nya at hinawakan muli ang aking kamay


“Nabigla lang ako. Sorry po.” mahina at malambing kong sabi.


“Sus. Sorry ha? Hinalikan kita bigla. Hindi ko na kasi mapigilan sarili ko. Hindi ko nga din alam kung bakit ako nagkakaganito eh.”sabi nyang walang bahid ng kasinungalingan


Nagitla ako ng marinig ko ang mga salitang yun. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Ang alam ko lang ay sobrang kilig at saya ang nararamdaman ko. Napakaexaggerated
dahil wala pa kaming isang araw na magkakilala,pero parang sobrang tagal na namin pinagtagpo.
Habang magkahawak ang aming mga kamay ay pakiramdam ko bumagal ang paglipad ng eroplano.
Yung tipong sa mga pelikula ba? Yung tipong slow motion tapos may napakagandang love song na nagpeplay? Whew. Weird pero parang di ko na nararamdaman yung pain ni dinala ni Daniel. I think kung sakaling si Carlos ay seryoso,sya nalang. Pero teka? Wait. Eh hindi pa nga nagpopropose na gusto ako eh? Assuming na naman ako. Whew.


“Alam mo FR?”


“Hmmm?”


“Wala naman. Parang na-love at first sight ata ako sayo.” mahina nyang sabi.


Ayun yun eh. Diba? Moment. Ang ganda ko. Iniisip ko palang kanina na di pa sya nagtatapat ng pagibig nya eh eto na sya. Nagsasabi na nabighani sya sa aking taglay na kagwapuhan. Kung measurable lang ang kilig na nadarama ng tao,malamang apaw na apaw na yung sa akin. Kanina pa ko namumula,siguro kulay maroon na ko ngayon sa sobrang kilig. Pero weird din eh,wala pa nga kaming isang araw magkakilala ganito na agad. Masyado bang mabilis?


“Di ka ba naniniwala sakin?”tanong ni Carlos. Malungkot ang tono ng kanyang boses.


Hindi ko alam ang isasagot ko. Sobrang saya ng feeling eh. Nakakakilig. At the same time mahirap pa din talaga magtiwala. Siguro wag nalang kami magmadali. Yun na lang siguro. Napansin ko na naging biglang malungkot si Carlos ng hindi ako sumagot sa tanong nyan. Habang magkahawak ang aming mga kamay,dahan dahan kong piniga ito ng paulit-ulit. Sa bawat pagpisil ko ay nangingiti sya. Halatang natutuwa sya at ito'y nagbabadya na naman ng isang matinding harutan sa eroplano.
Ilang segundo pa,bumalik na ang masayahing Carlos. Sa bawat pisil ko sa kamay nya ay pipilitin nyang gumanti. Nandyang kilitiin nya ko sa leeg at sa tagiliran. Ako naman ay kikilitiin sya sa may kilikili. Sa sobrang lakas ng aming boses ay di maiwasang pagtinginan kami ng mga tao.


“Hinaan natin boses natin Carlos,kasi nakatingin silang lahat sa atin oh?”sabi ko sabay beautiful eyes.


“Hayaan mo sila. Okay lang yun. Di naman nila tayo kilala eh.” sabi nya sabay kurot sa aking pisngi.


“Ngek. Okay lang sayo na tignan tayo ng mga taong naglalambingan kahit pareho tayong lalaki?”tanong ko.


“Oo naman. Hayaan mo sila. I learned that I shouldn't give a damn sa mga taong di nakakaintindi sa atin. And on the first place,wala silang pakialam. We don't do them any harm. Okay? Game. Tara harutan na tayo ulet.” pabiro nyang sabi.


Natawa naman ako sa sinabi nya. Atleast kung maging kami ay alam ko na,alam ko na na pwede akong maglambing sa kanya in public. Wala syang pakialam sa iba,ganun din naman ako. Sobrang saya. Hindi katulad ni Daniel na sobrang affected sa sasabihin ng mga tao. Atleast kay Carlos eh alam ko na mararamdaman ko ang affection nya kahit in public.


Sa mga sumunod na minuto ay walang humpay kaming nagkwentuhan. Nalaman ko na isa pala syang “ONCOLOGIST”. Isa syang doktor na gumagamot sa mga pasyenteng may cancer. Nalaman ko din na nasa States na pala ang parents nya,isa lang syang anak at independent siya. Sa mga narinig ko,hindi ko maiwasang humanga. Naging stable person sya on his own. Samantalang ako,ang daming pagkakataong nasayang. Isa na sa mga dahilan ay sa dahil inuna ko si Daniel kaysa sa mga priorities ko. Before ko sya nakilala ay sobrang sunod ako sa mga plano ko,nung minahal ko sya,nawalan ng structure ang buhay ko. Basta ang alam ko mahal ko sya at yun na yun. Masaya na ko na nakakasama ko sya. Hindi ko man lang nasipat na pwede palang mawala si Daniel,akala ko sya na kaya habangbuhay,kaya hindi ko na naayos ang sariling buhay ko. This time,kung magtuloy tuloy ang kung ano mang atraksyon sa amin ni Carlos,I'll make sure na magiging wiser ako. I'll make sure na aalagaan ko ang relasyon namin at aayusin ko din ang buhay kong nawalan bigla ng direksyon.


“FR,I want to say thank you.” sabi nya.


“Thanks saan?”tanong ko.


“Thanks sa pagtyatyaga sa akin. Kahit makulit ako.” sagot nyang parang bata.


“Hindi ka naman makulit.tolerable pa naman. Isa pa ako dapat magpasalamat for the glasses.”sagot ko.


“Wala yun. Sige,sayo nalang yang glasses na yan.”sabi nya sabay ngiti.


“What? Di nga? Di ka nagbibiro?”tanong ko sabay pacute.


“Ayan. Nagpapacute ka na naman. Hehe. Oo,bibigay ko yan sayo. Pero sa dalawang kondisyon.”sabay ngiti ng nakakaloko


“Ha? Anong kondisyon po? Wag po bata pa po ako kuya. Hahaha” pabiro kong sabi.


“Hahahaha. Wag ka magalala,di pa tayo kasal kaya wala muna sex.” sabi nito sabay ngiti.


“Ganun? Eh ano nga yung kondisyon?” sabi ko.


“Simple lang.” sabi nya at titig sakin.


“Ano nga? Kinakabahan ako sayo ahh.”sabi ko.


“Hmmm. Ganito. Magpapahatid ka sakin sa bahay nyo. At lagi tayong lalabas pag libre ako. Ayoko na kasi mawalan ng contact sayo. Gusto din kita tulungan kasi parang ang sad mo. Kung papayag ka lang sana.” seryoso nitong tono.


Bigla akong nanghina. Sobrang saya ng naramdaman ko habang naririnig ko ang kanyang mga sinasabi. Pakiramdam ko lumulutang ako. Masaya ako. Kinikilig. Hindi ko lubos maisip kung bakit ako pa? Siguro planado to ng Diyos. Alam nyang nasaktan ako at baka di ko kayanin,kaya ba hinayaan nyang makilala ko si Carlos? Kung ano man ang plano nya ay dun ako. I know that God knows the best for me. Kaya nya siguro sinugo si Carlos. Makakalimutan ko si Daniel. At darating ang panahong mamahalin ko si Carlos.


“Uy. FR,di ka na naman sumagot eh. Daydream na naman? Kinikilig ka lang sakin eh.”pabiro nitong sabi.


“Ha? Kapal mo talaga. Hehehe. Fine. Sige. Payag na ko sa kondisyon mo. Akin nalang yung glasses ha?”sabi ko sabay ngiti.


“Oo naman. Kahit bigyan pa kita ng hundreds ng glasses. Basta maging happy ka lang.”sabi nito.


“Seryoso ka ba talaga? I mean, (SIGHS) natatakot kasi ako. To be honest,kakagaling ko lang sa break up. As in kagabi lang. So di ko alam kung kailan ako magiging okay. Sorry ha?”sabi ko.


“Oo seryoso ako. Hindi naman kita minamadali ah? At isa pa,okay na ko sa ganito. Masaya ako kahit ngayon palang kita nakasama. Alam mo yun? Sa sobrang busy ko wala na kong panahon sa sarili ko. Nung nakita kita,ewan ko ba,pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sayo. Parang kilala na kita ng sobra. I really find you refreshing. Tapos sa looks naman di ka din naman papahuli. It's just I think you're a perfect match sakin. Sorry kung napepressure kita. Basta handa ako magantay.”sinsero nitong sagot.


Tahimik. Nakaramdam ako ng guilt sa narinig ko. Pakiramdam ko nasaktan ko sya sa sinabi ko.
Pero ano bang magagawa ko? That's the greatest respect I can give him. I respected him by saying the truth that I'm not okay and I just came from a break up. Ayoko din naman syang gamitin. Pero sobrang saya ko at gusto ko syang makilala.


“Hey Carlos,alam mo super thankful ako sayo. Ramdam ko yung sincerity mo and super saya ako.
Pareho naman eh,ramdam ko na okay ka. Pero ayaw kitang gamitin. Ayoko din naman maging unfair sayo. Kasama nga kita pero yung ex ko yung iniisip ko. Ayoko po ng ganun. Naiintindihan mo
ba ko?”paliwanag ko sa kanya.


“Naiintindihan kita. And I really know what you've been going through. Kaya nga sinasabi ko eh handa ako magantay. At gusto kita tulungan makalimot. Masaya naman ako sa company mo. Let's take it there. Basta tandaan mo,hindi ako nagmamadali. We can commit at the right time. Pag wala ka ng excess baggage sa kung sino mang nanakit sayo ngayon. I promise,I can wait.” mahabang sabi nito at ngumiti.


“Whew. Kung alam mo lang kung gaano mo ko pinasaya Carlos. Maraming salamat talaga. Ikaw ba yung guardian angel ko?”sabi ko sabay lagay ng aking ulo sa kanyang balikat.


“Di ako pwede maging angel,I've messed up before. So di na ko magiging angel mo.” sabi nito sabay ngiti.


“I know. Napakapilyo mo kasi.” sabi kong pabiro.


Ngiti lang ang tinugon nya sa akin. I felt relieved. Parang naging masaya ako bigla. Atleast alam na nya na may mga inaayos pa ako sa sarili ko kaya hindi pwede magmadali. Last night was a mess. Today is such a blessing. Alam kong ang lalaking kasama ko at katabi ko dito sa eroplano ay isang mabuting tao. Isang estrangherong naging isang mabuting kaibigan. Isang kaibigang magaantay sa akin hanggang maging okay na ako. Isa syang hulog ng langit.


Nakarating na kami ng Maynila ng may ngiti sa aking labi, Bumaba kami ng eroplano ng magkaakbay at naghaharutan. Pakiramdam ko ay wala akong iniindang heart ache. Sobrang saya ng pakiramdam. I feel so light. It's very weird kasi kung anong iyak ko kagabi,sya namang tawa ko ngayon. I guess God always has a way of balancing things. And I know that this thing is really for the better.


Dali dali namin kinuha ang aming mga gamit at mula sa labas ng airport ay humanap kami agad ng taxi. Naalala ko na gusto pala nyang ihatid ako sa bahay. Nakasakay na kami ng taxi ng makaramdam ako ng gutom. Sinabihan nya ang driver na sa MOA kami dalhin. Agad naman sumunod ang driver. Dala ang aming mga bagahe,pumasok kami sa Sbarro. Umorder sya ng Lasagna, Pasta Rustica,Pizza Blanca at Baked Zitti.


Inabot kami ng gabi ng mapagpasyahan naming umuwi na. Tulad ng napagusapan,ihahatid nya ko.
Mula MOA,hinatid nya ako sa Mandaluyong. Wala naman masyadong trafic kaya madali kaming nakaabot ng bahay. Bumaba kami ng taxi at dumukot sya sa bulsa para kunin ang kanyang pitaka.
Kapareho din siya ni Daniel,ayaw nya akong pagbayarin kahit singko.


Agad kong tinungo ang gate. Tanaw mula sa labas ang aming simpleng tahanan. Meron itong itim na gate na siguro ay kasing taas ko lamang. Sa gilid ay meron mini-garden dahil mahilig sa halaman si Mama. Sa may kanan naman ay isang maliit na garahe para sa sasakyan naming pamilya. Ibubukas ko na sana ang gate para papasukin si Carlos nang bigla nyang hinawakan ang aking kamay.


“FR. Wag mo na muna siguro ko papasukin sa loob.”sabi nito.


“Ha? Bakit naman Carlos? Para nga makita ka na din nila Mama. Bakit ayaw mo?” nagtataka kong tanong.


“Hindi pa ngayon ang right time FR,Maybe pag okay ka na. Masaya na kong naihatid kita sa bahay nyo na ligtas.” sabi ni Carlos habang hawak pa rin ang aking kamay at nakatitig sakin.


“Okay. Naiintindihan kita. Masaya din ako dahil kasama kita ngayon. Sa mga bagay na ginawa mo ngayon,alam ko ng kung saan tayo pupunta in the future. Maraming salamat Carlos.” sagot kong sinsero.


Hinaplos ni Carlos ang mukha ko. Tumitig ito sa aking mga mata at unti-unting nilapit ang kanyang mukha. Dahan-dahang inabot ng kanyang malalambot na mga labi ang sa akin. Sa bawat pagdampi nito ay ramdam ko ang isang emosyong pamilyar na ako. Ramdam ko ang katapatan at malinis na intensyon ni Carlos sa akin. It felt very good.


Nasa kalagitnaan kami ng aming halikan ng biglang...


“Excuse me FR.”isang tinig na pamilyar sa akin.


Bigla kaming nagkalas ni Carlos. Nagitla kami sa aming nakita. Isang babaeng nakablack dress at skinny jeans. Hubog na hubog ang kanyang mga hita sa kanyan suot na pantalon. Ang kanyang itim na dress ay nagbibigay diin sa kanyang kutis na parang porselana. Ang kanyang chinitang mata ay bumabagay sa kanyang maiksing brown na buhok. Kilala ko ang babaeng ito. Pero ano ang ginagawa nya dito? Bakit ngayon pa sya pumunta? Kung kailan naghahalikan pa kami ni Carlos. Bad trip.


Ngumiti si Carlos at nagbadyang aalis na. Halatang nagulat din sya sa nakita. Ngunit nagpakawala pa rin sya ng isang napakatamis na ngiti. Ngumiti lang din ako sa kanya.


“FR. Honey,sino ba yang cute na guy na yan? At bakit kayo nagkikiss?” tanong pa ng babae


“Pixel,shut up. Pumasok ka na sa loob at doon tayo maguusap.”sabi kong irita.


“Honey naman,di mo ba ko iintroduce sa bago mong friend?” tanong nyang nangaasar


Bago pa man ako makapagsalita ay lumapit na sya sa akin,lumingkis sya sa mga braso ko at humalik sa aking pisngi. Nakaramdam ako ng awkwardness,nahiya ako bigla kay Carlos.
Inabot ng babae ang kanyang kamay kay Carlos at nagwikang..


“Hello Cutie! I am Pixel. GF ako ni FR. Ikaw po?” sabi nito at kumindat sakin.


WTF. Napako ako sa aking kinatatayuan.


ITUTULOY....


❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

No comments: