Tuesday, February 15, 2011

"Unbroken 7"





❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿
“Unbroken 7”
2.4:Faultline
“Everytime you look at me,I want something more.”
-Katharine Mcphee,Faultline


Napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Pati si Carlos malamang ay nagtataka kung sino si Pixel. Halatang halata ang pagkagulat sa kanyang mga mata.
Pati ang kanyang mukha ay namumula rin. Bilang pakikipagkilala,inabot din na Carlos ang kanyang kamay kay Pixel and they did a handshake.


“Oh,hi! Nice meeting you Pixel. I'm Carlos,kaibigan ni FR.” magalang nitong sabi.


“Hi Carlos,ang cute mo. Magaling talaga pumili ng kaibigan tong Boyfriend ko.” sabi nito sabay ngisi ng nakakaloko.


“Pixel anong nahithit mo? Pumasok ka na nga sa loob.” Irita kong utos.


Natawa si Carlos sa narinig. Sa halip na pumasok sa loob ay lalong lumingkis sa akin si Pixel.
Halatang nangaasar. Halik pa ito ng halik sa pisngi ko habang nakatingin kay Carlos. Nawala ako sa sarili. Wala na ako sa wisyo. Hindi ko alam na ganito pa pala ang sasalubong sa akin pagdating ko ng Mandaluyong.


Dala na rin ng sitwasyon,nakaramdam ako ng awkwardness. Pati si Carlos ay nangangapa sa kung ano ang dapat nyang gawin. Samantalang si Pixel ay patuloy sa paglingkis at paghalik sa akin. Kung tignan nya si Carlos ay kakaiba,parang gusto nyang burahin ito sa mundo at ibaon ng buhay sa lupa.


“FR,honeybunch,isakay na natin sa Cab yang Friend mo. Late na oh?” sabi nyang nangaasar.


“Ahh. Yeah. That's what I'm about to do.” sagot ni Carlos na dumistansya sa amin.


Tumalikod si Carlos sa amin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman nya. Hindi ko alam kung galit ba sya o hindi. Kasi hindi na sya nagsasalita. Ngumingiti lang ito pag nagkakatama kami ng tingin at hanggang dun nalang. Hindi kami makakilos ng husto dahil kay Pixel. Ilang minuto pa ay
may dumaan na cab. Sumakay na dito si Carlos at kumaway sa akin. Naiwan kaming dalawa ni Pixel. Punong-puno ako ng pangamba sa nangyari. Paano kung isipin ni Carlos na ginago ko sya?
Paano kung isipin nya na nagsisinungaling ako? Paano kung isipin nya talaga na GF ko tong pesteng Pixel na to?


Biglang umakyat ang dugo ko ng maalala ko ang pangtitrip ng bestfriend kong si Pixel. Punyeta. Moment ko na yun eh? Gaganunin pa nya? Kabadtrip. Mula sa pagkakalingkis nya sa akin ay kumalas akong agad. Hinarap ko sya at tinitigan. Nakipagtitigan din ang lintik, Eye to eye,sa mga titig nya ay parang sinasabi nya na dapat akong magpaliwanag.


“Shit ka Best! Moment ko na yun eh. Gaganyanin mo pa?” asar kong sabi.


“Ang landi mo talaga. Haliparot ka. Sino naman yung umbao na yun?” sagot nyang sarkastiko.


“Carlos. Diba nakipagkamay pa nga sa'yo? Tanga ka?” gigil kong sabi.


“Ahh Fine. Ang landi mo. Naku. Ang galing ko talagang umacting friendship no? Pang FAMAS akis!”sabi nito sabay tawa.


Naiirita ko sa tawa nya. Akala nya ay lumalandi ako. Hindi nya alam ay yung taong pinagtripan nya ay yung taong makakatulong sa akin sa pagrerecover dahil sa break up namin ni Daniel. Kung hindi lang masama sumuntok ng babae,bugbog-sarado na to sakin malamang.


“Hindi ako malandi,at isa pa,wag kang papasok sa bahay namin.” sagot kong galit


“Ayy? Anong drama ito tehhh? Kailan ka pa naging iritado sa akin? Diba nga love na love mo ako friendship? At kailan pa ako naging bawal pumasok dyan sa bahay nyo? Eh halos dyan na ako tumira?” sagot nyang sunod sunod.


“Ngayon lang. Mula ngayon,hindi ko na makakapasok sa bahay na to. Ayoko na makita ang pagmumukha mo sa bahay na to.” Sabi ko sa kanya ng pasigaw.


Iyan ang unang beses kong masigawan si Pixel. Sa mahigit 5 taong pagkakaibigan namin ay ngayon ko lang nakuhang taasan sya ng boses. Hindi naman din kasi tama yung ginawa nya,mangtrip ba naman na Girlfriend ko sya sa harap ng future boyfriend ko? Ayaw ba nya kong maging masaya?
Sabagay,wala din naman syang alam sa nangyari.At wala din syang alam sa aking nararamdaman.


“Friendship? Sinagawan mo ko? Di nga?” sagot nito,halatang nabigla,naiiyak.


“Pixel,this is not a joke. You saw me with Carlos a while ago diba? Then you're going to trip na girlfriend kita? Para ano? Ayaw mo ba kong maging masaya?” sabi ko sa kanya.


Pagkasabi ko noon ay biglang tumulo na naman ang aking mga luha. Pakiramdam ko ay bumalik sa akin ang lahat ng nangyare sa amin ni Daniel. Bumalik sa gunita ko ang gabi kung kailan nya ako iniwan para sa kanyang kabit. Naalala ko bigla lahat kung gaano ako umiyak ng gabing iyon,kung paano ako naging miserable. Kung paano namatay ang isang parte ng aking pinakaiingatang sarili.


Wala na kong alam sa mga sumunod na nangyare,ang alam ko lang ay nakarating ako sa aking kwarto bitbit ang aking mga gamit. Hindi ko pinansin ang aking mga magulang at dire-direcho akong umakyat sa aking kwarto na umiiyak na parang bata. Pakiramdam ko ay pati ang bestfriend
ko ay hinahadlangan ang aking kaligayahan. Masama na ba kong maging masaya kasama ang ibang tao? Why does she have to do that? I hate her. I hate her. I hate her. Para akong batang tumalon sa aking kama. Agad na dumampot ng unan ng agad na niyakag ito. Bawat diin ng yakap ko sa unan ay kasabay na pagtulo ng aking mga maiinit na luha. Mga luhang akala kong hindi na aagos.


Nakadapa akong nakayakap sa unan ng may naramdaman akong biglang pumasok. Pamilyar sa akin ang amoy ng pabango na yon. Naramdaman kong humupa ang aking pagiyak. Nakaramdam ako ng security sa mga hakbang na aking naririnig papalapit sa akin. Ilang saglit pa,naramdaman ko ang paglubog ng kama na nagpapatunay na may tao ngang umupo dito.


“Anak.”


“Ma.”


“Anak.”


“Ma.”


“Anak. What's up?” pabiro nyang sabi.


Natawa naman ako sa “What's up?” ni mama. Ganyan ang nanay ko. She knows how to make fun kahit na sobrang depressing na ang mga nangyayari. Ang nanay ko ay nasa 50 na. Medyo namilog dahil na marahil sa kakakain,pero maraming nagsasabi na parang 30 lang sya dahil sa kanyang mukha na labis naman nyang kinatutuwa.


Dali dali akong bumangon. Hinarap ang aking pinakamamahal na ina. Tumingin sya sa akin. Ngumiti. I tried to manage a fake smile. Hindi ko mawari ang reaksyon ng nanay ko,hindi ko alam kung naniniwala ba sya na masaya ako o hindi. Lumapit sya sa akin at tumitig. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para maipakita na okay lang ako. Bigla akong napabuntong hininga.


“Anak?”


“Po?”


“May pimple ka sa noo oh?”seryoso nyang sabi.


“Ha? Mama naman eh!” sabi ko sabay ngiti


“Joke lang to naman. Anak,alam kong hindi ka okay.”sabi nya


“Opo. Hindi talaga. Pero magiging okay din ako Ma,promise!”


“You have to make sure anak,sino yung naghatid sayo?”


“Ahh,yun ba Ma? Si Carlos po.”


“Bago?”


“Hindi po Ma.”


“Sus,iiwan na muna kita. Andyan sa labas ng kwarto mo si Pixel,magusap kayo. I'm sure na sya ang makakaintindi sa'yo. Tawagin mo nalang ako pag kailangan mo ng Back up. Okay?”


“Opo Ma,Salamat ng marami.” sabi ko sabay ngiti at buntong hininga.


Tumayo ang nanay ko at naglakad palabas ng pinto. Pero bago sya lumabas ay nagwika ito na.


“Nak,Infairness kay Carlos ha? Shoot sya sa banga. Palong Palo.” sabay ngiti at kembot palabas ng kwarto.


At biglang sumara ang kwarto. Halos mamatay ako sa kakatawa sa aking nanay.She has always been so supportive sa lahat ng mga bagay na ginagawa ko. Hindi sya kunsintidora,may tiwala lang talaga sya sa akin. Nung umpisa ay sobrang nanay na nanay yan sa akin,yung tipong nanay na ubod ng bait
kagaya ng sa mga soap opera. Pero mula ng mapadpad si Pixel sa bahay,ayan naging kikay na din. Naging cool mom na,pero atleast naman ay di nya napapabayaan ang pagiging nanay nya sa akin.


Umupo ako sa edge ng kama. Inayos ko ang aking sarili. Mula sa aking pagkakaupo ay di sinasadya kong nakita ang larawan namin ni Daniel. Nakapatong ito sa computer table na nasa gilid ng higaan. Maganda ang kuha namin sa larawan na iyon,nakapolo shirt ako na maroon habang si Daniel naman
ay nakawhite na t-shirt. Nakaakbay sya sa akin sa larawan. Kinunan ito 2 years ago,birthday ni Pixel. Naramdaman kong bumibigat ang aking pakiramdam. Bigla din bumabagal ang aking paghinga,sa bawat paghinga ay ramdam ko ang sakit na iniwan nya sa akin. It only hurts when I'm breathing. Akala ko okay na ako. Hindi pa din pala. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga at muli kong binagsak ang aking katawan sa kama. Tanaw ko ang kisame. Blanko. Buti pa ang kisame
andyan lang. Hindi bumagsak,kahit na anayin ito ay nakadikit pa din sa taas. Hindi nya hinahayaan na madaig sya ng mga anay. Hindi sya nagpapatalo sa temptations para bumagsak sya. Sana naging ganun din si Daniel sa relasyon namin. Sana hindi sya nagpadala sa kung sino mang lumalandi sa kanya. Sana hindi nya pinaanayan yung utak nya para hanggang ngayon masaya pa din kami. Sana ngayon kami pa din. Naramdaman kong sumara ang talukap ng aking mga mata. Kasunod nito ay ang pag-agos ng butil ng aking mainit na luha. Kahit anong gawin ko ay di pa rin talaga ako okay.
Kahit anong gawin ko di pa din ako masaya. Kahit anong gawin ko,at kahit anong kilig ang dala sa akin ni Carlos ay babagsak pa din ako sa pagiisip na si Daniel pa rin talaga ang hinahanap ko.
Si Daniel pa din ang mahal ko.


Buntong-hininga. Isang malalim na hininga.


Nakaramdam ako ng bagong presensya na pumasok sa kwarto. Alam ko na kung sino,sa tunog palang ng takong na tumatama sa aking kwartong may tiles ay alam ko na kung sino ang pumapasok. May kalakihan ang aking kwarto para sa isang tao,isa na yun sa dahilan kung bakit
mabilis narating ng taong ito ang aking kinahihigaan. Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga
at dali dali syang umupo sa aking kama.


“Best.”


“Umalis ka dito. Ayaw kita kausapin.” sabi ko.


“Paano kita maintindihan kung ayaw mo magsalita?”tanong nito halatang malungkot ang tono.


“I need time.”


“Leche.You don't need time. We need to talk. Ano ba kasi nangyari?”


“Read between the lines.”sagot ko.


“Okay. Read between the lines. Kinakaliwa mo si Daniel?”tanong nito.


Napangiti ako sa narinig. Ngiting ubod ng pait.


“Ganoon ba talaga tingin mo sa akin?”tanong kong may halo ng sarkasmo.


“Bes,I know you're faithful.”


“You know right?”


“Oo. Eh bakit nandito yung si Carlos? Susumbong kita kay Daniel.”


“Magsumbong ka. Pagbuhulin ko pa kayo.” sagot ko.


Dinilat ko ang aking mga mata at nakita ko si Pixel.


“Fine. I'll call him now.”


Sabay kuha ng phone nya,nagdial at tinapat ang cellphone sa kanyang tainga.


“Ayan. Nagriring na.” nangaasar nyang sabi.


“He left me.” mahina kong sabi


Nangilid ang aking mga luha.Nagitla sya sa narinig. Agad agad na pinutol ang tawag,ibinaba ito at initsa sa isang parte ng kama.Hindi agad sya nakapagsalita. Tumitig sya sa akin at sinuri kong totoo ba ang aking sinasabi,maging siya ay halatang di makapaniwala. Naramdaman kong nagpakawala sya ng buntong hininga. Umakyat ang panghihina sa akin at dumaloy na naman ang aking luha. Umupo ako at humikbi na parang bata. Agad lumapit si Pixel at yumakap. Alam nya kung anong nararamdaman ko. At alam nya sa aking mga mata kung nagsasabi ba ako ng totoo. Alam kong may tiwala sa akin ang Bestfriend kong ito.


“Anong nangyari best? Bakit nagkaganoon?”


“May iba na daw sya. After 3 years best. Masakit.”


“May iba? Eh halos nga hindi na natutulog yon sa mga trabaho nya. Ang dami nyang projects na designs sa bahay. Impossibleng makapagsingit sya ng 3rd party best.” sabi nyang may halong pagtataka at galit.


“I don't know how he did it. Pero wala na. At eto na ako. I'm left alone.”


At tumulo na naman ang isa pang round ng aking mga luha.


“Stop crying bestfriend. Di ko alam yung sasabihin ko. Even me,I'm shocked. I really don't know what to say to you now. You should have told me. Para di ko na pinagtripan yung prospect BF mo.
Sorry friendship. Sorry talaga.”


“Tapos na yun. Hindi ko na din lalo alam ang gagawin ko.”sabi ko


“Ano ka ba? The world hasn't stopped revolving.”sagot ni Pixel


“I know best.”


“Anong plano mo?


“Hindi ko alam. He left me and I feel so fucking wasted. For the past 3 years,he has been my life. Wala ng magtetext sakin ng “Good Morning Hon. I love you.”. Wala ng tatawag sa akin in the middle of the day para magremind na I should take my vitamins. Wala ng bibisita dito sa bahay tuwing midnight para magayang kumain ng balot sa may kanto. Wala na best. I don't know where to go from here.”



Blanko. Tahimik. Walang gustong magsalita. Alam ni Pixel kung gaano ako nasasaktan sa lahat ng mga nangyari. Hindi din madali magmove on. Alam nyo yan. Hindi ito overnight process. Hindi din ito parang Ponds Cream na magiging invisible ang dark spots in just 7 days. Pag naging broken hearted ka,you'll be bearing a lot of dark spots depende na din sa tolerance mo. Nanatili akong tulala at sobrang bigat ng pakiramdam,naramdaman ko na lamang ang init ng yakap na nagmula sa aking pinakamamahal na kaibigan.


“You'll be fine best.”


“I know. Thanks talaga Best.”


“Sorry sa ginawa ko kay Carlos. Hindi ko naman meant yun. Alam mo naman na fan ako ng love story nyo ni Daniel. Isa pa I'm just being protective. Sorry talaga.” sinsero nyang sabi


“Wala na yun. Pag magtext sya eh swerte,pag hindi eh siguro I have to fix myself alone. Pero alam mo,he really is a good catch. I'm sure you'll like him.”


“Mukha nga. Infairness,He's my MOMD.”


“Landi mo. Walang ahasan Best.”


“Ayy naman! Ganda kong to FR no? OMG. I'm so ganda kaya dami kong boys no?”sabi nito


“Madami ka ngang boys. Wala ka namang boyfriend.” pangaasar kong sabi


“Hindi porket madami kang nahuling isda sa dagat eh kakainin mo na lahat. Dapat best,may reserba ka para hindi ka maubusan bukas. Diba?” sabi nitong nangiinis.


Pansamantala kong nakalimutan ang mga sakit na dinadala. Ang kaninang sobrang lungkot kong aura ay biglang nabura. Nakatulong ang isang kaibigan. Napuno ng tawanan ang aking kwarto,bumalik kahit papano ang aking sigla. Masaya ako ngayon at ayoko muna magisa,dahil alam ko na pag naiwan ako magisa,tatargetin na naman ako ng kalungkutan. Isang kalabang napakahirap labanan.


Nasa kalagitnaan kami ng isang magandang usapan ng mag-ring ang aking phone. Dali dali kong kinuha ito mula sa aking bag.


“0916*******

Calling....”


“Hello?”


“Uy. Musta?” sagot ng lalaki sa kabilang linya.


“Hey? Oyyy Musta?” sagot ko in exaggeration


Si Carlos ang nasa kabilang linya.Biglang may nagflash na ngiti sa aking mga labi. Bigla kong naramdaman ay pamumula ng aking mukha. Napansin ito ni Pixel at humiyaw.


“Best! Sino yan? Nakikipag SOP ka na naman!” nanunuya nitong sabi.


“SOP? FR do you do that? Hahahaha.” sabat ni Carlos na narinig ang sinabi ni Pixel.


“Ha? Naku hindi ahh. Adik lang tong babaeng to. Wag ka maniwala dyan.” sagot kong defensive.


“Hay. Uy FR sorry kanina ha? Nahuli tayo ng GF mo na nagkikiss, nagaway ba kayo? Sorry. Sorry.”
sabi nyang ramdam na ramdam ang sincerity.


“Don't mind him Carlos. No worries at all. Hindi ko yun GF. Bestfriend ko lang yun,nangtrip na BF nya daw ako. Kaya okay na. Wala ng dapat ipagalala.” sabi ko


“Really? Wow. Buti nalang. Hindi ko mapapatawad sarili ko kapag nasira kayo dahil sakin. Buti nalang talaga.”tuwang tuwa nyang sabi


“Yup. No worries. Mabait tong si Pixel. You'll like her. Pakilala kita pag nagkita tayo ulit.” sabi ko


“Sure. My pleasure,isurprise nalang kita. Tutal alam ko na din naman ang bahay mo. So paano FR? See you tomorrow?” sabi nito


“Surprise ba yun? Eh sinabi mo nang bukas?” pabiro kong sabi.


“Hindi mo naman alam kung anong oras. Hahaha.” sabay tawa nitong sagot.


“Duga.”


“Sige na,I'll see you tomorrow. Good night FR.”


“Good Night Carlos.”


Then the call ended. Woohhh. Bigla na namang sumaya ang gabi ko. Nagmadali akong tumalon sa kama at humiga. Para akong dalaga sa mga telenovela. Patuloy ako sa pagdeday dream kahit gabi na.


“Best. Sabi ko sayo wag ka hihithit ng brief eh, Ayan tuloy.” sabi ni Pixel.


“Sus,inggit ka lang best.” nangaasar kong sabi.


“Hindi din no. May pekpek naman ako.” sagot nito.


“Adik ka best,may pekpek din naman ako no.”sagot ko sabay ngisi


“Oo nga best,may pekpek ka umuutot nga lang.” sabay halakhak ng malakas.


11:45P.M.


Nakaramdam na ko ng pagod. Pagod na din marahil sa byahe at sa lahat ng nangyari. My day has been a roller coaster of emotions. Masaya. Malungkot. Down. Hyper. Atbp. Ano pa ba ang mangyayari bago matapos ang araw na ito?


Nakahiga na kami ni Pixel sa kama. Tamang kwentuhan lang kami ng mga bagay bagay. Nagpapaantok kami pareho. Nandyang pagusapan namin ang mga bagong songs,mga bagong trends sa damit. Mga bagong prospect Bf at kung anu-ano pang bago. Nasa kalagitnaan kami ng paguusap about sa “Teenage Dream” ni Katy Perry nang tumunog ang aking phone.


“Best,may nagtext sayo.” sabi ni Pixel sabay abot ng phone.


“Ahh okay.” agad kong inabot ang aking cp..


1 message received:
23:47:23
Daniel


Kinabahan ako nakita.


“Inbox”


Read?


“Ahh punyetang CP. Ang daming chechebureche.”


Message:

FR. Thanks for everything. We didn't end things properly.
Sorry Sa lahat. But Thanks for the 3 years with you.
I'm going to the States to fix everything. I'll have my flight
at 3A.M. I wish you the best. Thanks Hon!


Message End:


At biglang tumulo ang aking mga maiinit na luha.


ITUTULOY....

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

No comments: