Wednesday, February 2, 2011

Torn Between Two Lovers? ii

Ayun na nga pinagsama sama na nila ung mga magkakagrupo. Bale 12 kami sa isang grupo. Buti na lang at may kakilala ako bukod sa kanya. Yung kakilala ko ang palagi kong kasama sa mga lakad. Hahah. Siyempre naman alangan naman na siya ang kasama ko eh team leader namin siya. Kuntodo iwas naman ako sa kanya dahil ayokong bigyan ng pagkakataon na magkakabungguan kami at mag-uusap. It's a big NO NO! Nahalata siguro niya na iniiwasan ko siya kasi napansin ko na nananamlay siya at hindi ganun ka-effective na leader.

Natapos na lahat ng activities na "strangers" pa din kami ni francis sa isa't isa. Hanggang ngayon ay pilit ko pa ding nilalabanan ang katotohanan na baka sa team building na ito ay biglang sumabog ang kasabikang nararamdaman ko sa kanya. Ayaw na ayaw ko yung mangyari dahil lalabas na hinahabol ko siya.

Kinagabihan, pagkatapos ng dinner eh pinaghanda na kami ng mga tulugan namin. Nilabas ko na ang beddings ko nang i-announce na magkakatabi ang mga magkakgrupo. Mapa-babae man o lalaki kailangan tabi tabi dahil assured sila na wala namang mangyayaring kababalaghan. Balak ko pa mandin tumabi kay gov. tsaka siya pa man din nagsabi na tabi kaming matulog. Matagal na naming ginagawa kasi un ni gov kaya sanay na kami na magkatabi pero ika nga nang tadhana NOT NOW. Hayun at naglatag na ko ng higaan ko at pinilit ko na tumabi sa akin yung nag-iisang kakilala ko sa grupo. Siya sa bandang kaliwa ko at di sinasadyang mapatingin ako sa bakanteng space sa right side. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ko at hinihiling ko na sana magkatabi kami ni francis.

10:00pm na sa relo ko pero wala padin siya. Oo hinahanap ko siya nang makita kong may kasama siyang isang co-leader niya. Naghaharutan pa sila. Bigla akong binalot nang inis kaya't inihiga ko na ang sarili ko at pinilit matulog. Nagtalukbong pa ako nang kumot kahit mainit. Wala akong pakialam. Di ko namalayan na unti-unti na palang umaagos ang luha ko. Pinahid ko ito at tiningnan. Bakit ako umiiyak? Kala ko ba nakalimutan ko na siya? Di nagpalit saglit nang makarinig ako nang mga yabag. Iniisip ko na baka yung organizer yun at naghe-head count lang. Pero mali, naramdaman ko na may naglalatag nang comforter sa tabi ko.

Familiar sa akin tong amoy na ito ah! No, hindi ito puwede. Maluwang naman ang hall bakit sa tabi ko pa.
Hindi na ako nakapigil at kunwari ay tinanggal ko ang pagkakakumot ko. Unti-unti kong dinilat yung mga mata ko. Tama ang hinala ko. Si Francis nga yung tumabi sa akin. Humiga na siya pagkaayos niya nang higa.

"Alam kong gising ka pa kuya." bigla niyang salita. Hindi muna ako umimik at patuloy sa pagkukunwari.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong niya nang hindi ko pa din siya kinikibo.
bigla-bigla niya akong niyakap. "Kuya na-miss kita!"
Di na ako nakapagpigil at ... "Ano ba, mainit kaya." sabi ko na may pagkairita. Nag-inarte ako oo. Nagulat siya sa ginawa niya at humingi siya ng sorry.
Akala ko titigil na siya pero hindi. "May nagawa ba ako sayo kuya para iwasan mo ko?" bigla niyang sabi.
"Wala." sagot ko.
"Kung wala bakit hindi mo ako pinapansin kanina?"
"Kung papansinin ba kita may magbabago ba?" sagot ko. Hindi siya umimik.
"Bakit?"
"Anong bakit?"
"Kuya..."
Hinawakan niya ako sa balikat at pilit hinarap sa kanya. Di ko na mapigilan sarili ko at bigla akong naluha. Akala ko tapos na, di pa pala. Kulang pa pala ang isang buwan para itapon ang kung ano mang espesyal na nararamdaman ko sa kanya. Pinunasan niya ng kamay niya ung mukha ko.
"Wag mo namang gawin sakin to. Wag mo naman akong iwasan. Nahihirapan ako." Unti-unti nang namumuo ang mga luha niya.
"Bakit Francis, pinapahirapan ba kita? Iniiwasan? Sa palagay ko hindi, ginagawa ko lang ang dapat." sabi ko. Bigla siyang tumalikod sakin. Lalong tumulo luha ko. Maaaring sa ginawa ko tuluyan na siyang mawala.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Tulog pa halos ang lahat. Kinuha ko yung toothbrush at toothpaste ko para fresh morning. Sa buong umaga na iyon ay wala kaming pansinan at imikan. Kahit nga sa dining area eh para kaming strangers. Nahalata pala ni gov yun kaya lumapit ito sakin at kinausap ako.

"Alam mo ba kung bakit ka naririto ngaun?" pambungad niya.
"Team building diba." sagot ko.
"Oo nga pero alam mo nga kung bakit"
"Ahm, para mag-grow ako bilang isang leader?" pero iling lang ang sagot niya. "Eh ano? Bakit ako andito?"
"Dahil sa kanya." sabay turo kay Francis na busy sa pagkain.
"Huh? Bakit naman siya?"
"Ganito kasi yun. Di ba nag-pass ako nung una nang list para sa mga kasali sa department nait? Nalaman nyang di ka sasama kaya kinuntsaba niya lahat ng members ng council na pag nagpass ako ng list ulit at wala pangalan mo dun eh di nila tatanggapin."
"At bakit niya naman gagawin yun?"
"Bakit di mo siya lapitan at kausapin."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tinitingnan ko siya habang naglalakad, tumatawa pero halata sa mata niya na umiyak siya. Nilapitan ko siya.

"Pwede ba tayong mag-usap?" tiningnan niya lang ako. Lumayo na ako sa grupo at agad siyang sumunod.
"Ano sa tingin mong ginagawa mo?"
"Ah, eh..."
"Bakit ako andito? Bakit mo kinuntsaba ang lahat para lang makasama ako?"
"Sorry kuya, gusto ko kasing sumama ka."
"Bakit gusto mo kong sumama huh? May importante akong lakad na nasagasaan dahil sa team building na ito alam mo ba yun?" Di ko napigilang hindi tumaas nang kaunti yung boses ko. Di siya umimik.
"Pasalamat ka kay gov, kung di ko lang mahal yung tao eh hindi ako papayag." San nanggaling ang salitang mahal? Nasaktan siya alam ko pero wala akong pakialam kasi nagbago expression nang mukha niya eh. "Bakit mo ba ginagawa sakin to? May atraso ba ko sayo? Ibang klase ka ring mang-trip ah.""
"Hindi ako nangtitrip sayo, di ko gawain un. Ginagawa ko lang tungkulin ko bilang officer at bilang organizer ng team building sa mga students na may potential. At pwede ba, wag mong iisipin na napakaimportante mong tao para gawin ko yung mga bagay na un sayo. For your information, leader ka din ng klase niyo at karapatan mong umattend dito at kung tutuusin eh mas mataas ako sayo. Dapat pa nga nagpapasalamat ka na nandito ka ngayon eh." Sa totoo lang napahiya ako.
"Ah ganun ba, puwes isang malaking SALAMAT at nandito ako ngayon." Sabay walk-out.

Diretso ako sa quarters namin at agad nag-empake. Wala namang dahilan sa una pa lang para mag-stay ako dito eh. Sambakol ang mukha ko at basang-basa na ang pisngi ko dahil sa mga luha ko. Naglagay din ako ng pampainit ng kili-kili tsaka sa katawan para palabasing nilalagnat ako. Nagkunwari akong nanghihina. Lumapit ako at nagpaalam kay gov na uuwi na lang ako kasi ayokong maging pabigat. Nagpaalam din ako sa adviser ng council na di ko na itutuloy ung activity kasi di ko na kaya. Pumayag naman siya. Sinamahan ako ni gov at hinatid gov sa paradahan. "Gov sorry, hindi ko na itutuloy. Sorry din at nadisappoint kita." Naiintindihan niya ako at isang yakap ang binigay niya.

Ilang linggo ang nakaraan at ramdam ko pa din yung nangyaring encounter namin ni Francis. Gusto ko na talaga siyang ibaon sa limot at para tuluyang makaiwas sa kanya, nagpalit ako ng number. Todo effort ako sa pag-iwas sa kanya. Nalaman ko sa kakilala ko na may nililigawan daw siya ngayon at malaki pag-asa niyang sagutin siya.

"So?" may pagka-iritado kong sagot.
"Anong so ka diyan? Don't tell me may crush ka sa kanya and the reason kung bakit ka nagkakaganyan eh dahil..."
"Nagseselos ka!" sabay pang sabi ni Febbie at ni Xyza.
"At ano na namang selos selos ang sinasabi niyong dalawa diyan. Eh kung ibisto ko kaya kayo sa kanya na may BIG CRUSH kayo sa kanya." Pagbabanta ko sa kanila. Tumahimik sila at nag-blush.

Nagconcentrate ako sa pag-aaral ko. Simula nung mangyari un sa team building, nagpromise ako na ayoko na munang magmahal. Nasasaktan pa din ako sa nangyari samin ni Francis lalo pa at nakikita ko siyang kasama gf niya. Ang sweet nila. Sabi ko sa sarili ko, kakalimutan ko na sya.

Sinimulan ko uling gawing busy ang sarili at sinubukang wag na siyang isipin pa. One time nasa duty ako nun nang may nagtext sakin na number lang. hi! kumusta ka na? Di ko muna siya nireplyan kasi nasa duty nga ako and bawal gumamit ng phone. After duty saka pa lang ako nakapagreply. Nagtext din naman siya agad. Tinanong ko na siya kung sino siya pero di niya sinasagot. So, di na ko nagbother pa na makipag usap pa sa kanya. Aminado ako, winish ko na sana si Francis yun kasi sobrang miss ko siya kaya tinawagan ko number niya. Pero sad to say out of coverage siya. Di ko na din siya madalas makita sa school. Parati din siyang wala sa office nila.

In short, nawala syang parang bula. Ako naman tuluyan ko nang ginawang busy ang sarili ko. Sineryoso ko ang duty at ang studies ko. Di ko namalayan valentine's month na. May program ang council nila Francis pero di na ako nag-abala pang tumulong. Wala din naman akong magagawa eh.

Few days bago ang heart's day, nakatanggap ako ng invitation na nagsasabing antayin kita sa may cr mayang 5:30pm. Sa isip-isip ko, may nangtitrip sakin. Dinedma ko ung invitation. Pero di talaga ako makapagconcentrate kasi ung sender ang iniisip ko. Sino ba yung sender? 3:30 pm, breaktime namin at kausap ko ung friend ko.

"Hoy, may nagpadala sakin ng invitation kanina." tanong ko na parang hinuhuli sila kung sila ba ang nagbigay nun.
"Talaga??" sabay pang sabi ng dalawa.
"Oo, may kinalaman ba kayo dito?"
"Wala." sagot nila pareho.
"Anong sabi sa letter?" tanong ni Febbie.
"Sabi nang mysterious sender na magkita daw kami mamayang 5:30pm sa may men's cr."
"Men's cr? At bakit naman dun? Karaming pwedeng puntahan at sa cr pa talaga." si Xyza
"Malamang friend, quickie iyan." Banat ni Febbie. Batok inabot niya sa akin.
"Ouchie naman friendship. Di ka na mabiro."
"Pero honestly, pupunta ka ba?" Si Xyza.
"Hindi ko alam eh."

Pabalik na kami ng room ng may makita akong familiar face sa harap ng room namin. Di ba nakaduty to? Bakit andito sa school tong mokong na to. Sabi ko sa sarili ko. Pero di ko na siya pinansin pa dahil dumating na prof ko. Malapit na matapos class ko and parang nakalimutan ko na ung invitation ng bigla itong magparamdam dahil bigla itong nahulog mula sa bag ko. Shit! 5:30 pm na pupunta ba ako o hindi.

Nanaig ang kagustuhan kong makita kung sino ang sender nung invitation. Papunta nako ng muli kong makita yung familiar face. Akala ko siya ung sender dahil pumunta ito ng cr. Dumiretso ako sa isang cubicle para umihi dahil ihing-ihi na talaga ako. Kinakabahan kasi ako dahil akala ko siya talaga. Tumingin pa siya sakin kaya akala ko siya nga. Pero nadismaya ako dahil nagmamadali siyang lumabas ng cr pero nakangiti siya na may gustong ipahiwatig. Papalabas na ko ng pinto dahil mukhang trip lang iyon ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Aalis ka na? Di mo man lang ba kikilalanin yung sender mo?" sabi niya. Shit, kilala ko yung boses pero imposible, paano niya nalaman ang schedule ko. Pag lingon ko sa kanya, agad niya akong niyakap ng mahigpit.
"Bez, namiss kita!" siya pala yung bestfriend kong si Arnel. mas matangkad ako sa kanya pero mas lean ang katawan niya tsaka lalo siyang gumwapo. Naka-officer attire siya kasi criminology course niya.
"Langya ka! Kala ko kung sino na yung sender, me pa secret admirer ka pang nalalaman." sabay batok sa kanya. Tumawa lang siya.
"Tara, uwi na nga lang tayo." yaya ko.
"Teka, kain muna tayo. Nagugutom na ko eh."

Kumain kami sa may tapat. May carinderia kasi dun tsaka masarap ang luto nila. Saglit lang kami. Palabas na kami ng makita ko ulit si Francis at nag-iisa lang siya. Nag-aabang siguro ng tricycle. Gusto ko siyang lapitan pero nang lalapit na ako bigla siyang tumingin sakin sabay biglang hinablot ni Arnel yung kamay ko ung tipong magkaholding hands at umalis na kami. Di ko na siya nilingon dahil baka makahalata bestfriend ko. Di pa man din niya alam yung tunay na ako or ako lang nagsasabi nun. Pero nagtataka ako kasi ayaw niyang tanggalin kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. Pilit kong tinatanggal pero sa tuwing ginagawa ko yun eh lalo niyang hinihigpitan.

"Bez, basa na kamay ko baka pwede mo ng bitawan." sabi ko. Ngumiti lang siya pero di pa din tinatanggal kamay niya. Ang daming nakakakita samin pero wala siyang pakialam. Nahihiya na nga ako. Iniyuko ko na lang kamay ko.
"Bez, di ka ba nahihiya. Andami nang nakatingin sa atin oh tsaka panu pag nalaman ng girlfriend mo tong ginagawa mo." medyo nahihiya kong tanong.
"Bakit ako mahihiya eh matagal kong di nakasama ang bestfriend ko tsaka ikinakahiya mo ba ako?" sabay ngiti. "Don't worry Dhenxo wala na kami ng gf ko. Matagal na kaya wala na siyang karapatan na magalit sakin."
"Pero kahit na, ano na lang ang sasabihin niya pag nalaman niya nga to."
"Bakit ba Dhenxo huh, affected ka ba sa ginagawa ko sayo?" tanong niya. Off-guarded ako dun ah.
"Affected pala huh." Sabay taas nang kamay namin. Natawa siya sa ginawa ko. Nagkukulitan pa din kami at may mga taong pumapaswit samin. Feeling nila mag-dyowa talaga kami.

Naputol ang kulitan namin kasi dumating na kami sa bahay. Pinapasok ko muna siya. Kinamusta agad siya nina mama at papa at nakipagkwentuhan. Di naman ako nakikinig dahil may iniisip ako. Di din siya nagtagal pa at umalis na din.

May nagtext na naman sakin na number lang pero iba ang dating. Alam ko na kung sino yung nagtext. Si arnel yun. nakikipagkita ulit sa may cr after ng class ko. So ayun nga, dumiretso na ako ng cr after my 4:30pm class. Naabutan ko siyang medyo seryoso. Kinabahan ako sa ayos niyang yun. Natanong ko tuloy sarili ko kung may nagawa ba akong kasalanan?

"I have to tell you something." bungad niya agad. Lalo akong kinabahan. "Promise mo na hindi magbabago pagtingin mo sakin after kong masabi to." tumango na lang ako kahit medyo naguguluhan ako.
"Bez, naka..."

(itutuloy...)

No comments: