Nakatayo ako doon sa harap ng salamin na lagi nating sabay na tinitignan.
I took a deep breath. I opened my eyes. You were there,standing.
You beamed that same hypnotic smile. Nakakahawa ang ngiti mo. We giggled.
Dahan-dahan kang lumapit sa akin. Galing ka ng meeting nyo kaya nakacorporate attire ka pa. Lumalabas ang pagkagwapo mo sa ganyang mga damit. Ilang segundo pa, naramdaman ko nalang ang pagpatong ng baba mo sa aking balikat habang dahan-dahan kong nararamdaman ang iyong yakap.
Whitney Houston started playing on the background. You stared at me. Alam mong theme song natin yan. We both smiled.
Sabay tayong umiindak sa malambot na saliw ng Nobody loves me like you do . The way you touch my hips is fantastic. Patuloy ang marahan nating paggalaw sa tugtog. Pareho tayong nakapikit at kapwa natin dinadama ang isa't-isa. Ramdam ko ang mga haplos mo sa aking katawan habang yakap mo ako mula sa likod. Parang kuryente ang paso nito sa aking sistema. The way you explore my chest sent me to heaven in just a glimpse. I never felt anyone like this in my life before.
“I love you.”
“Ditto.”
“Kaso ang taba mo na.”
I smiled. Naalala ko na lagi mo akong pinapakain ng marami pag lumalabas tayo. Aim mo talaga na patabain ako eversince. Ngayon namang mataba at may laman-laman na ako, inaasar mo naman na mataba ako. Minsan sobrang labo mong kausap pero nahohook pa rin talaga ako sayo.
“Ang labo mo din kausap.”
“Anong kinalabo ko?”
“Gusto mong tumaba ako diba? Tapos ngayon naman aasarin mo ko na mataba ako.”
“Wala lang yun. Alam mo naman na mahal kita.”
Naramdaman ko ang pagdampi ng iyong labi sa aking leeg.
Marahan tayong sumasabay sa tugtog. Ninanamnam natin ang mga linya nitong kanina pa tumatagos sa ating dalawa.
Dahan-dahan mo akong hinarap sa iyo.
Nagtama ang ating mga mata.
Hinalikan mo ako sa aking mga labi.
Tayo,muli ay nagyakap.
Piniringan mo ang aking mga mata gamit ang iyong panyo.
“Wag kang gagalaw,may sorpresa ako sayo.”
I smiled. Kinikilig ako at sobra akong excited sa anong pwedeng mangyari.
Lumakad ka papalayo at pinalitan ang CD na nakasalang sa player. Pinasukan mo ito ng Instrumental na plaka. Napakaromantic.
Muli,naramdaman ko ang iyong presenya. Amoy na amoy ko ang iyong pabango. Dahan-dahan mong inalis ang piring sa aking mga mata at nasaksihan ko ang iyong sorpresa
Nakita ko ang napakaraming tea light candles na nakapaligid sa buong kwarto. Hindi ako makapagsalita. Sa tinagal-tagal natin, alam mo pa rin talaga kung paano ako pakiligin. Ngayon mo lang ginawa to sa loob ng limang taon. You never failed to amaze me.
Pinatong mo ang aking mga kamay sa iyong balikat. Nilagay mo ang iyo sa aking tagiliran. Ngumiti tayo.
“Parang prom?”
I nodded.
Dahan-dahan nating ginalaw ang ating mga katawan. Tayo ay nagsayaw. Romantiko.
“5 years na tayo.”
“Oo nga.”
“Masaya ka ba?”
“Sobra.”
“Buti naman. Kahit papaano ay nagagawa ko ang pinangako ko sayong pasayahin ka mula noong una pa tayong nagkita.”
“Oo naman. Never kang nagkulang, never kang sumobra. You were just right. Just plain perfect.”
Dinampian mo ng halik ang aking mga labi.
Lumaban ako. Nagtunggali ang ating mga labi. Sumali ang ating mga dila. Inilapit mo pa ang aking katawan sa iyo. Dama ko ang init nito. Ramdam ko din ang bukol sa iyong pantalon. Naing mas malikot ang ating mga galaw. Mas naging sabik ang ating mga kamay.
Kita ng tea light ang ating pagmamahalan. Saksi ang madilim na kwarto.
“Mahal na mahal kita.”
“Ako rin. Mas mahal pa kita sa sobra.”
“Nasusukat ba ang pagmamahal?”
“Hindi.”
“Ako kaya kong sukatin.”
“Ha? Paano?”
“Pumikit ka. May nakikita ka ba?”
Pumikit ako.
“Wala.”
“Ganoon ang pagmamahal ko sa'yo. Malawak parang ang kadilimang nakikita mo ngayon. Walang katapusan. Parang kalawakan.”
Naramdaman ko ang iyong mainit na yapos.
“Tandaan mo, mahal ma mahal kita.”
Binuksan ko ang aking mata. Walang tea light candles. Walang madilim na kwarto. Nakita ko lang ang aking sarili sa tapat ng isang malaking salamin sa sala. Imagination lang pala.
Oo nga. Nagiimagine lang ako na nandito pa sya. Atleast,for a moment,nauto ko ang sarili ko.
Nabaling ang tingin ko sa kalendaryo. Ngayon ang ika-limang taon mula ng maging kami.
Tumulo ang aking luha.
Nasaan ka man, tandaan mong mahal na mahal kita.
“Happy 5th anniversary. Mahal na mahal kita.”
W A K A S
19 comments:
haayst..ngayon ko pa nabasa to kung kailan may sarili din akong moment..
haayst its so sad, but empowering work kuya..
sad because something good has ended.
empowering, cause even though you are not together anymore, you still carry on..hehe
(drama much..)haha
Dear,on the first place wala naman tayong choice but to move on diba?
Well dear,whatever youi're going through right now,.you got my back. Just send me a message whenever you want someone to listen. :)
T_T
huhuhuhuuh ok na ok sana KASO sadulo napaiyak ako AHUHUHUHUHHHU MAMAMTAY AKO PAG GANI2
- RJ
i knew it,
hindi malinaw kung ano ang nangyari sa kanila, pero isa lang ang malinaw, kailangan niyang mag-move on, five years pero lagi pa ring nasa utak niya,
move on, two simple words pero isa sa mga pinaka-mahirap at pinaka-komplikadong gawin sa buhay ng tao,
It was a lengthy post, hehe, however I love how you mix Tagalog and English that made your piece so colorful :)) Regards.!
not a fan of short stories but this is actually nice to read... good job..
Ouch! Ouch! at isa pang Ouch! Mag lilimang taon na rin SANA kami this august pero wala na sia 1 year ago na. Ang hirap mag move on pero ganun talaga cguro. I just wish him happiness na lang. Hayyy life nga naman. Bakit ko ba kasi nabaso to? haha!
Galing ng pagkakasulat pre! Thumbs up!
Owmaygulay.. Kinilig na sana ako, kaso bumawi sa huli. Tsk.
Naku.. kelangan nang mag move on. Life goes on. Leave the past behind and embrace the future.. :)
haha eto pala yung iniinsist mong basahin ko! ang galing ha! Reserve mo ko ten books on your future publish hahaha
According to the Kubler-Ross theory,the normal grieving process should only take about a year. More than a year of grief is not healthy. In his case, auditory, olfactory, visual and tactile hallucinations plus delusions of grandeur equates to a working diagnosis of schizophrenia. (Lol!) But as the old adage goes, life goes on. Mahirap man dapat kayanin. Masakit man dapat tanggapin. Nice work. ;-)
Let go. Let GOD! Things happen for a reason..you just got to believe! :)
sige damhin mo lang at gawing bitamina ang mga yan para mas malakas ka pa sa mga susunod na paksa ng buhay. galing ng pagkakasulat.
anything written from the heart comes out great. Galeng!
i thought kilig story na.. sad pala :(
it's just that..in life some good things never last...
pretty sad...but true right?
:(
Ang ganda ng dream scene.
impressive writing kahit mahaba :>
Post a Comment