Syempre. Dahil blogelya ko to,dito nyo unang malalaman lahat ng plano ko. Eto na nga. Blog ko na to. Pero bago ako maginarte dito,gusto ko munang magpasalamat sa mga sumusunod.
1.GOD. Alam kong di ako ganoong kabuting tao at lalong hindi ako mukhang relihiyoso. Hindi rin ako nagsisimba linggo-linggo (na pinagsisisihan ko) at hindi din ako nangangaral ng mga salita ng Diyos. Ang alam ko lang ay may tiwala ako sa mga plano "nya" para sa akin. Para sa ating lahat. Di ko alam kung enough na sabihin na may pananalig ako sa kanya. Basta yun ang alam ko. Nananalig ako.
2.MY MOM.
Lagi kaming nagaaway recently nitong babaeng to pero keri lang. Isa sya sa mga dahilan kung bakit ako nagtyatyaga sa lahat ng ginagawa ko. Kahit may pagkapasaway sya (promise sya ang pasaway,hindi ako), in all fairness naman nakakatuwa sya pag bumanat. Sample?
Birthday nya to eh. Ganito yun. Nasa Tokyo Tokyo kami noon at birthday nya. Napagusapan namin ang 2 ex ko na gusto nya.
MA:Alam mo sayang si _______ eh.
AKO:At bakit?
MA:Wala naman. Gusto ko sya.
AKO:Eh di kayo na magjowa.
MA:Tanga. Gusto ko lang sya para sayo.
AKO:Bakit nga? Gusto mo lang yun kasi mayaman at lagi tayong may grocery pag nasa bahay sya.
MA: Gaga. Kasi nga family oriented syang tao. Okay yung pagtrato nya sa akin at maging sa family nya.
Syempre naman napataas ang kilay ko sa kisame.
AKO: Ahh. So dapat ganung mga lalaki ang inaakit ko?
MA:Oo naman. Dapat ganun. Dapat family oriented at hindi manloloko.
AKO: Eh bakit pinakasalan mo ang asawa mo?
MA:Oh? Bakit napadpad tayo bigla sa ama mo?
AKO:Family Oriented ba sya?
MA:Oo.
AKO: EH bakit ka iniwan kung family oriented?
MA:Malay ko bang iiwanan ako. Gwapo ang tatay mo.
AKO:Ano ba talaga? Gwapo o family oriented?
MA:Depende. Pero pwede na din ang gwapo pero mayaman.
AKO:Okay. LOL
I love you Ma.
3.Dra.Jennifer Maninang.
Sya ang aking pinakamamahal na derma. Isa sya sa mga dahilan kung bakit naboost muli ang aking confidence. Pinagtyagaan nya ng husto ang aking mukha. Mula sa pagiging pimple na tinubuan ng mukha,mukha na syang tinubuan ng pimple! Mabuhay ka Dra.Maninang! On a serious note,napakabuting tao po nitong derma ko. Sobra. Sa mahigit isang taon na sya ang nagaalaga sa akin,nakilala ko sya ng husto. Alam ko ang concern nya sa kanyang mga pasyente maging sa kanyang mga kaibigan. Napakabuting tao po.
Dahil dyan,kung may mga problema ang inyong mga mukha,maari lamang po na pumunta at kumonsulta sa Holy King Medical Clinic Caloocan at Pasig City Clinic. Dalawa na po ang branch ng Holy King. Maari nyo pong kunin sa akin ang numero ng aking derma if u want to. Go go go!
4. ZARAGOSA Family. They are my online family. Napakababait nila at sobrang sensible. Sobrang saya ko dahil nakilala ko sila. Before ang boring ko (walang buhay na boring,tao meron),mula nang makilala ko sila,naging active na muli ang aking social life. Natuto na naman akong makihalubilo sa kung kani-kanino. Ang familiang ito ang nagturo sakin kung paano maging confident sa lahat ng bagay. Mahal ko sila.
5. GWAPITOS. Ang kaibigan ko sa panulat. Sila ang patuloy na humuhubog sa akin para maging isang mabuting manunulat. Their constructive criticisms if meron man made me a better writer. Hindi lang sila mga kritiko,mga totoong tao at kaibigan ko din sila.
Syempre last but not the least.
6.STRANGERS AND UNBROKEN ANGELS'S FOLLOWERS AND SILENT READERS.
Kahit saan naman na blog kailangan ng writer ng readers at followers diba? Salamat sa inyong lahat! Kung wala akong readers malamang di na ako nagsulat. Marami pa akong gustong pasalamatan pero hanggang dito nalang muna!
Ayun na! Mabuhay!
No comments:
Post a Comment