Tuesday, April 19, 2011

"Unbroken 11"

NOTE: Salamat po sa patuloy na pagbasa nyo sa aking unang obra. This is a very personal work for me. Salamat sa mga mensahe at e-mail na natatanggap ko mula sa inyo. Malapit na po itong matapos. Wag tayong bibitiw. :)









❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

“Unbroken 11”
3.2:Speechless
“I'll never talk again,oh boy you've left me speechless.”
-Lady Gaga,Speechless.


Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman nung mga sandaling iyon. Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Tila ba hinampas ako ng malaking kahoy sa dibdib para mamanhid ito at magdugo ang aking puso.Naramdaman ko ang malaking dagok sa aking damdamin. Ginago ako ng lalaking minahal ko at ng lalaking pinagkatiwalaan ko ng husto. Ano pa ba dapat mong maramdaman? Ano ba ang dapat kong maramdaman?

Dali-dali akong tumakbo papalabas ng restaurant. Naramdaman ko ang walang habas na pagtulo ng aking mga luha habang mabilis na umaandar ang aking mga paa. Naramdaman kong nakasunod sa akin ang aking matalik na kaibigan. Mistulang mga kabayo sa pagtakbo. Mistulang mga dagang umiiwas sa bawat taong nakikita. Ilang Segundo pa naramdaman ko muli ang hangin na nagmumula sa labas ng Megamall. Nasasagap na rin ng aking mga tainga ang ingay na dala ng mga bumubusinang bus at sasakyan sa Edsa.

“Best. Hiningal ako kakahabol sa iyo. In all fairness ha? May pagkakabayo ka talaga te.” Sabi nito

“Best,let’s go home.” Sagot kong umiiyak.

“I understand. Ang bigat ng araw na ito best.” Sagot nito.

Papunta na kami sa may overpass papunta sa sakayan ng bus na pasouthbound ng…

“FR! Sandali!”

Dali-dali kaming napalingon ni Pixel sa pamilyar na boses na iyon. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko. I felt anger. He betrayed me. I am wanting him already just to find out na they are just tripping on me. Ano bang mali kong ginawa sa kanila? Ano ba?

“Carlos. Enough. Please. I think I’ve seen everything. And you don’t know how you’ve hurt me.” Sagot ko umiiyak.


“No. FR. Believe me,wala kang alam sa nangyayari. Even me,I don’t know that you’re related to Ivy and Daniel. Please. Let me explain.”

“Carlos,you know what? I trust you. I trusted you. Akala ko you’re real. I thought lahat ng affection na pinakita mo sa akin eh totoo. Pero hindi pala. Carlos you’ve been a good person sa akin. I felt your sincerity. Ang galing mong umarte. Alam mo yun? You made me believe na mahal mo ko and all that. Carlos ang sakit. Sinet up nyo ko.” Mahaba kong turan. Umiiyak.

“Even me FR. Sa maniwala ka at sa hindi. Hindi ko alam na magkakilala kayo. Hindi ko alam. I don’t know kung sino si Daniel at si Ivy sa buhay mo. Pero kaibigan ko sila.” Sabi nito. Naiiyak.

“Too bad Carlos. I don’t believe you.” Sabi ko. Blanko.

“You’re unfair FR.” Sagot nito. Umiiyak.

“Ako pa naging unfair Carlos? Kailan pa naging di patas ang nadehado? Wala kayong kwentang lahat. Di ko alam lahat ng motibo nyo for putting me on a set up. How dare you!”

Napasigaw ako. Kasabay ng pagbato ng maanghang na salita na yon ay ang pagpatak ng aking mga luha. Lumipat si Pixel to the rescue. Tumitig ito kay Carlos at nagbuntong-hininga. Pinatong nito ang kanyang kamay sa aking balikat tanda ng pagpapaalalang nandyan lang sya. Nakaramdam ako ng kasiguraduhan na kahit papaano ay may matitira pa sa akin. Andyan sya. At di ako iiwan ng aking matalik na kaibigan.

“Carlos. I don’t want to be mean. But bumalik ka na sa kanila don. I think wala na din talagang pagasang makinig si FR sa mga paliwanag nyo. Kung ano man yung mga yun.”sabi ni Pixel. Hindi maipaliwanag ang kanyang tono.

Hindi nya pinansin si Pixel. Bumaling sya sa akin at nagsalita.

“FR. Kahit ba katiting minahal mo ko? Or kahit ba man lang katiting ginusto mo kong mahalin?” tanong ni Carlos. Desperado at umiiyak na parang batang inagawan ng kalaro ang tono.

Nagulat ako sa narinig. Nakaramdam ako ng awa sa side nya. Sa nagdaang tatlong taon naramdaman ko lahat ng kabutihan nya. Ramdam ko naman lahat eh. Dahil lang sa nangyari ay di ko na alam kung totoo ba lahat ng ginawa nya o arte lang. Hindi ko na maintindihan. Sino ba talaga ang mga kakampi ko? Sino ba ang gugulo sa akin? Sino ba ang dapat kong pagkatiwalaan?

“Carlos,to be honest,malapit na sana.” Mahina at umiiyak kong tugon.

“Then why can’t you give me another chance? Bakit ni hindi mo man lang ako hayaang magpaliwanag?”sagot nitong nagmamakaawa.

“Sorry. I don’t give second chances. Pinaglaruan nyo lang ako. Pinaglaruan. Ginago. Sinira. Magsama sama kayo.” Sagot ko.

“How can you be sure kung pati nga ako kasama sa panloloko na sinasabi mo? Anong mapapala ko kung lolokohin din kita FR? Magkakapera ba ko? Hindi. Will I get a new house for doing so? Hindi din FR! So hindi talaga kita maintindihan. Hindi ko maintindihan kung anong connection niyo nila Daniel at Ivy. Bakit kilala mo ang magkapatid na yun?” Taka at naiiyak na sagot ni Carlos.

“Magkapatid?” sabat ni Pixel.

“What do you mean na magkapatid?”nanginginig kong tanong kay Carlos.

“Ha? Ano ba sa akala nyo?” nagtatakang tanong ni Carlos.

“Hindi ba asawa ni Daniel si Ivy?” nanginginig at naiiyak kong tanong.

“Ha? Hindi. Magkapatid sila. Teka bakit ba? Ano mo ba si Ivy? Ano mo ba si Daniel? Nalilito na ako.” Sabi ni Carlos.

“Daniel is FR’s ex boyfriend.” Nagtatakang sabat ni Pixel.

Napahinto ako.Nagulat din si Carlos. Hindi ko na alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni Carlos. Palabas lang ba to? Or totoo na ? Hindi ko alam. Nanginginig ako sa mga naririnig ko. Kapatid ni Daniel si Ivy? Teka paano?Kilala ko ang mga kapatid ni Daniel,si Max at Jared. Wala silang kapatid na babae. Pero sino ba si Ivy? Hindi ko maintindihan. Litong lito ako.

“Ex mo si Daniel FR?” tanong ni Carlos.

“Oo Carlos. Siya yung umiwan sa akin 3 years ago. Do you remember nung nagkasabay tayo sa eroplano?”sagot nito.

“3 years ago?”tanong nito.

“Oo. 3 years ago.”

“Panong naging kapatid ni Ivy si Daniel? Hindi nya kapatid si Ivy. Sinetup nyo ko.” Dagdag ko.

“Best! Makinig ka nga muna kung pwede!” Sabi ni Pixel sabay batok sa akin.

Natauhan ako sa batok ni Pixel. Bakit ba ayaw kong makinig? Hindi ko alam. Siguro nasaktan na ako ng husto kaya hindi ko na magawang makinig. Human nature na natin na wag makinig once na masaktan tayo ng husto. At tingin ko na ganoon nga ang nangyari sa akin. Naramdaman kong tumulo ang aking luha. Sa kaliwang mata ito na nagmula na nagpapakita ng sakit. Susubukan kong makinig kahit ngayon man lang.

“Kilala ko lahat ng kapatid ni Daniel. Si Max at Jared lang yun. Hindi ko alam na may kapatid si Daniel na babae. Hindi nya kapatid si Ivy. Carlos sabihin mo na ang totoo. Alam kong sinesetup nyo ko. Ayoko na.”

“Hindi mo talaga ako kilala at hindi ako nababanggit ng Kuya Daniel dahil anak ako sa labas.” Sagot na nagmula sa isang pamilyar na boses.

Agad naming tinumbok kung saan nagmula ang boses. Tumingin kami sa kanan at nasilayan si Ivy karga karga ang bata. Ganun pa din ang physical features ni Ivy. Mas gumanda lang sya at medyo tumaba ang pisngi. Ngumiti ito sa akin at ganoon din kay Pixel. Tanda na din ng paggalang at pagbati. Sa hindi maipaliwanag na dahilan,nakita kong ngumiti si Pixel.

“Anong ibig mong sabihin Ivy?” nagtataka kong tanong.

“Hindi ako asawa ni Daniel. In fact FR,nakakatandang kapatid ko si Kuya Daniel. Anak ako sa labas,nung nalaman kong buntis ako,hinanap ko ang tatay ko na nakarelasyon ng nanay ko dati. Natagpuan ko ang tatay nga namin ni Kuya Daniel. Para makaiwas sila sa issue ay pinadala ako sa Amerika. Sinama si Kuya Daniel para alalayan ako dun. Naging napakabait sa akin ng Kuya. At walang oras na hindi ka nya naikwekwento sa akin FR. Alam ko kung gaano ka nya kamahal. His love for you has added up to this. Kahit na napollute ang utak mo dahil sa mga kasalanan na nagawa nya at sa mga nangyari. He wants you still. Believe it or not,his love for you has always been “unbroken”.” Mahabang sabi ni Ivy.

Nakaramdam ako ng panghihilakbot. Hindi ako makapagsalita. Sa loob ng mahabang panahon ay naniwala ako na asawa sya ni Daniel at iniwan ako ni Daniel para sa kanya. Nakaramdam ako ng sobrang panlulumo sa sarili ko. Kaagad na bumagsak ang luhang kanina pa nangingilid. Wala na kong pakialam,kahit na nasa gitna kami ng daanan at may mga taong nakakita sa confrontation na ito. Ang mahalaga ay marinig ko dapat lahat ng dapat kong marinig.

Hindi pa rin ako makaimik. Ngayon lang nagsink in sa akin lahat. Hindi ko alam kung anong dapat kong itanong. Nangangapa ako. I remained speehcless. Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko pa kay Ivy. Tumingin ako kay Pixel na halatang nagiisip sa nangyayari. Napakamot ito sa ulo at nagsalita.

“Ivy,gurl,ask ko lang bakit kailangang kasama pa si Daniel sa States? Di mo ba keribels na gumora dun magisa?” tanong ni Pixel.

Ngumiti ito kay Pixel. Malungkot ang ngiti nito. Nakita ko muli ang magandang ngipin nito.

“Hindi ko kasi alam dun to be honest. Unang beses ko makasakay ng eroplano non. Ang sabi sa akin ni Kuya Daniel ay kailangan din daw nyang pumunta sa States para ayusin ang mga bagay bagay. “ Nagpakawala ito ng isang ngiting malungkot.

“Bakit hindi nya sinabi sa akin Ivy? Maiintindihan ko naman at sana nagantay nalang ako.Hindi yung sasabihin nya sa akin na makikipaghiwalay sya dahil may nakita na syang iba. Hindi tama yon Ivy. Ang sabi nya sa akin may iba na sya. Tapos kinabukasan nakita ko kayo sa Airport magkasama. Ano ang iisipin ko nun? Buntis ka at nagiging cold sya sa akin months before kami naghiwalay. Naguguluhan na ako.”sagot kong humihikbi

“Kung alam mo lang FR kung gaano ka kamahal ni Kuya Daniel.Lilinawin ko sayo na walang iba si Kuya Daniel. Ginawa lang nya yun para magkaroon sya ng paraan para kumalas sayo,hindi dahil sa gusto nya. Kundi dahil sobrang kailangan. Nung panahon na nakita mo kami,sasabihin na sana nya na kapatid nya lang ako. Pero hindi ka nakinig FR. Sinampal mo si Kuya at lumakad ka na papalayo. Sinubukan ka nyang habulin pero tinawag na ang flight namin kaya napwersa syang bumalik din agad.” Sagot ni Ivy. Malungkot.

Nakaramdam ako ng sampal ng pagkaguilty sa aking pagkatao. Paano kung nakinig ako? Paano kung nalaman ko na agad lahat? Na magkapatid sila at wala talaga syang iba? Ano na kaya kami ngayon? Siguro ay kami pa nga rin. Mahal na mahal pa rin namin ang isa’t isa. Muli,pumatak ang aking luha. Nanatili kaming nakatayo sa gitna ng daanan papunta sa overpass. Tahimik si Carlos,ganun na din si Pixel. Si Ivy ay tila isang artistang nagaantay ng tanong sa isang Ambush interview.

“Why does he have to leave me Ivy? Sabihin mo kung bakit?” Tanong kong umiiyak.

Nanahimik si Ivy. Ayaw magsalita. Tila ba napipi sa tanong.

“Ivy,bakit 3 taon pa? Bakit after 3 years nyo pa naisipan bumalik? Ano ba ang inayos ni Daniel sa states?” biglang sabat ni Pixel.

Biglang nagkatinginan sila Carlos at Ivy. Nakita ko ang reaction sa mukha ni Carlos na parang kinakabahan sa maaring sabihin ni Ivy. Bumalik ang spotlight kay Ivy at nakita ko ang pagbuntong-hininga nito. Kasabay nito ay ang pagpahid ng luha mula sa kaliwang mata. Nakaramdam ako ng kakaiba.

“Kuya Daniel is sick.” Malungkot na sabi nito.

“What do you mean sick?” nangangatal kong tanong.

“Kuya Daniel is sick FR.” At bigla na itong humagulgol.

Nagitla ako sa narinig. Ngayon ay parang nagiging malinaw na lahat. Mukhang napagtatagpi na ng aking inamag na utak. Alam ni Carlos lahat ng nangyayari. Impossibleng wala syang alam. Impossibleng wala.

“Carlos,you’re an oncologist,right?” tanong kong lumuluha.

“Oo Fr.” Sagot nito.

“Remember what happened sa Airplane,nabanggit mo na may pasyente kang magaling pumili ng pabango?”

“Oo FR.” Nanginginig nitong sagot.

“Natatandaan mo ba nung panahong nagpahatid ako sa Airport? Yung kaming dalawa ni Pixel? Diba sabi mo kakagaling mo lang sa Airport at may hinatid ka na kaibigan?” tanong ko.

“Oo FR.”

“Ngayon Carlos,sabihin mo sa akin.”Sabi ko na nanginginig at umiiyak.

“Sabihin mo sa akin Carlos,kung yung pasyenteng mahilig magbigay sa iyo ng pabango at yung kaibigan mong hinatid sa airport ay iisa?” tanong ko.

“Oo FR.”

At tumulo ulit ang aking luha.

“Huling tanong,ang pasyente at kaibigan ba na yun na sinasabi mo ay si Daniel?” Nangangatal kong tanong.

Tahimik.

“Sumagot ka Carlos.”

Blanko.

“Carlos please. Sumagot ka.”

Nagpakawala si Carlos ng isang buntong hininga at nagwika.

“Oo FR.”

Naramdaman ko ang pagsapo ng aking kamay sa aking matang lumuluha. Napaluhod ako ng di inaasahan sa kalsada. Napahagulgol ng wala sa oras. Linapitan ako ni Pixel at ni Ivy. Inalo na parang batang napalo ng walis tingting. Itinayo ako at inalalayang lumakad. Lumakad na humahagulgol.Ilang Segundo pa ay nasa loob na kami ng kotse. Nasa driver’s seat si Carlos. Nasa harap si Ivy at ang bata. Kaming dalawa ni Pixel ang nasa likod. Nakasubsob ako sa kanlungan ng aking pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa umaandar ang sasakyan. Hindi ko alam kung sino ang hinihintay.

“Carlos,bakit di mo sinabi sa akin?” sabi ko habang umiiyak

“Hindi ko alam FR. Hindi ko alam na may connection kayo ni Daniel. Wala akong Idea.” Malungkot na sabi nito.

“May pagasa pa ba Carlos?” Sabat ni Pixel.

“Hindi ko alam Pixel. Kumalat na ang cancer cells sa loob ng katawan ni Daniel. Sa last exam na ginawa ko ay wala na talagang pagasa.”sagot ko.

“Kung chemotherapy? Wala na ba talaga?” sagot ni Pixel.

“Wala na din talaga Pixel. Kaya kung mapapansin mo ay nagpakalbo si Kuya Daniel. Hindi na ata kakayanin ng katawan nya kung magpapachemo sya.”umiiyak na sabi ni Ivy.

“Gaano katagal pa sya mabubuhay?” naiiyak na sagot ni Pixel.

“Hindi ko masasabi,pero matagal na ang dalawang buwan.”

Nagkatinginan kami ni Pixel. Napahigpit ang hawak ko sa kanyang mga kamay. Hindi ko na kinakaya ang lahat ng naririnig ko. Para bang gusto ko nalang mawala sa kotse bigla. Wala na naman tigil ang aking mga mata sa pagluha.

“Carlos! Gawin mo trabaho mo,pagalingin mo si Daniel. Gawin mo naman ang trabaho mo oh. Parang awa mo na. Doktor ka ba talaga? Wala kang kwenta!”sigaw ko kay Carlos.

Bumaling sa akin ng tingin si Carlos. Tumitig ito na puno ng kalungkutan at nagwika.

“Sana lahat ng pasyente ko napapagaling ko. Kasi fulfillment ko yon as a doctor. Pero hindi lahat FR eh. Sana nga kaya kong makagawa ng himala para gumaling si Daniel para magkasama kayo. Kahit na mawala ako sa eksena basta makita kitang masaya okay na ako dun,ganun kita kamahal. Pero yun nga FR eh,wala akong magawa para gumaling si Daniel. Doktor lang ako,hindi ako Diyos FR. Hindi ako Diyos.”

At nakita ko ang pagtulo ng luha sa mga nito. Tama,hindi sya Diyos. Hindi kalian man magiging Diyos ang isang Doktor. Ilang Segundo pa ay napuno na nga katahimikang ang loob ng kotse. May mga limang minuto na kaming nakapark pero hindi pa din kami umaalis. Patuloy pa rin ang aking pagluha. Hindi na ata mauubos ang luhang sinusupply ng mata ko.

Ilang Segundo makalipas ay bumakas ang pinto sa gilid ko. Napatingin ako sa sasakay. May bitbit itong cake at grocery. Ganoon pa din ang mukha nya. Parang walang iniindang sakit. Medyo pumayat lang pero aminado akong guwapo pa rin. Umalis sya sa may harap ko at ibinukas ang compartment ng sasakyan para doon ilagay ang mga napamili. Muli syang bumalik sa tabi ko at umupo sa tabi ko.

Tahimik kaming lahat. Halatang nagaantay ng magsasalita. Ultimong si Pixel ay malamang nabigla sa lahat ng nangyari. Patuloy pa rin ang pagtulo ng aking luha. Naramdaman ko ang kanyang kamay ni Daniel sa aking hita. Ganun pa din ang init nito. Walang pinagbago,humarap ako sa kanya at naramdaman ko ang pagpahid nya sa aking luha. Pagkatapos nito ay ang muling paghinang ng aming katawan. Niyakap ako ni Daniel,sobrang higpit. Nilapit nito ang kanyang bibig sa aking tenga at nagwikang…

“I never stopped loving you FR. Mahal na mahal pa rin kita. It’s Unbroken.”

ITUTULOY…

❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿❀✿

4 comments:

josh said...

pwd umiyak??huhuhuhu

unbroken said...

Josh go,iiyak mo lang yan kapatid!

Eto oh,tiket sa bus pamahid. chos! haha

Salamat po sa comment :)

MERVIN said...

sabi mo this story will male me feel better..?

huhuhuhu

Anonymous said...

i admit in this chapter all the revelation made me cry... iyak ako ng iyak... ang lungkot ng pakiramdam ko...buti na lang madami ako tissue na nagamit...d ko kaya pigilan ang aking sarili na di umiyak...

ramy from qatar