Nasa labas ako ng bahay ni Gina. May bahid ng dugo ang kamao dala ng pagsuntok ko sa pader. Hindi ko na namalayang sinundan pala ako ni Gina.
"Hey." tawag ni Gina mula sa likod ko.
"Oh," sabi ko habang pinapahid ang luha. "Sorry about that."
Nanatiling tahimik si Gina.
"Damn it! Ayaw tumigil!" paasik ko habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng luha.
Lumapit naman si Gina at niyakap ako ng mahigpit.
"Bakit ganun Gee? Bakit basta-basta niya nalang akong iniwan sa ere?" patuloy pa rin ako sa pag-iyak.
"Shh. Just let it out. I'm here, I'll listen. 'Di ko naman pwedeng sabihin na "I know how it feels" . Kasi ikaw lang naman ang nakakaramdam niyan eh. But I'm here, I'll try to lessen the hurt. Maybe there's a reason kung bakit niya ginawa 'yon." sagot naman ni Gina na pilit pinipigil ang pagkabasag ng boses.
"Whatever the reason Gee, tatanggapin ko. Gusto kong malaman kung bakit. Hindi - , Hindi iyonng basta-basta nalang siyang mawawala. I- I, would've understood if, if he'd said he's fallen out of love or if he has another on his mind. At least iyon, kaya kong intindihin. Pero Gee, wala eh. Ang sakit." sagot kong di na mapigilan ang pag-iyak.
Nanatiling tahimik lang si Gina, na ngayo'y umiiyak na rin. Alam kong nasasaktan rin siya dahil pati siya ay iniwanan rin ni Eric nang walang pasabi. At nahihirapan rin siyang makita akong nagkakaganito.
"Naghintay ako Gee." pagpapatuloy ko. "I waited for him. Day after day, week after week, naghintay ako, umasa ako na babalik siya, at kahit walang explanation kung bakit siya nawala tatanggapin ko pa rin siya ng buong puso. I've learned to love him so much that I'd rather die than lose him."
Naramdaman kong biglang uminit ang kaliang pisngi ko mula sa sampal na nanggaling kay Gina. Natigilan ako.
"Gago ka Al." mahinahom niyang sabi sa gitna ng pag-iyak. "Gago ka. Pano nalang kaming mga nagmamahal sayo. You have your friends. Ako. Paano ako Al? ha?! Alfonz, may anak ka. Pano nalang siya ha? Naisip mo ba ang magiging kalagayan niya 'pag nawala ka? Naisip mo ba yon?"
Sa pagkakataong iyon ay humagulgol na si Gina. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig. Nang mga sandaling iyon, ako na siguro ang pinakawalang-kwentang ama. How could I forget my own son?!
SEVEN YEARS AGO
Nasa eskuwelahan ako nang matanggap ko ang balitang namatay sa aksidente ang mga magulang ko.I was 15 at that time, nasa 3rd year high school. At dahil nag-iisa akong anak, I was spoiled. Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi rin naman biro and naipundar ng aking mga magulang. Ni hindi ko naranasan ang maghirap. Kaya nang mamatay ang mga magulang ko, parang gumuho na rin ang mundo ko.
Ipinaliwanag sa akin ni Tito Manuel, na siyang family lawyer namin and huling testamento ng mga magulang ko. They left me eveything. Their businesses, our properties, lahat. But 10 percent of it ay napunta kay Tito Manuel. Maliban kasi sa pagiging lawyer namin ay siya rin ang pinakamatalik na kaibigan nga papa ko. At dahil wala akong alam sa pagpapatakbo ng kompanya, siya rin ang humawak nito. Lagi niya naman akong kinukunsulta sa mga bagay-bagay tungkol sa kompanya at ang tangi ko lang sinasabi ay "Do what you think is best for the company."
I had trouble keeping up with my parents' death na napabayaan ko na ang pag-aaral ko. napariwara ako. Halos gabi - gabi ay nasa club ako at dahil mayaman, ay pinapatuloy nila ako kahit underage. Nang mga panahong iyon, I was aware na gwapo naman talaga ako, I had gray steel eyes na namana ko sa aking amang may lahing amerikano, straight hair, maputi, pantay ang mga ngipin, at matangkad ako para sa isang 3rd year high school. Ilang babae rin ang nakasiping ko noon. Hanggang isang araw. May nagdoorbell sa bahay at may iniwanang bata kasama ang isang sulat na ako raw ang ama nito.
Agad ko namang tinawagan si Tito Manuel. Ipina-DNA test niya ang bata at nag-match ito sa akin. Parang binagsakan ng langit nang mag-positive ang result. Wala akong kaalam - alam sa pagpapalaki ng bata. Mabuti nalang at hindi ako pinapabayaan ng aming mga katulong. Tinulungan nila akong bumangon.
Simula noon ay binago ko na ang takbo ng buhay ko. Nagpatuloy ako sa pag-aaral at sa pagsisikap ko, naging valedictorian naman ako kahit na huli na akong gumradweyt.
Hanggang tumuntong ako ng kolehiyo.
Sa anak ko umikot ang buong mundo ko. Hanggang dumating sa buhay ko so Eric.
ITUTULOY....
_______________________________________
by JiJei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)
4 comments:
Interesting. Keep it up
salamat po @ holyking
please keep on reading.. ^^
ano ba ito?? bakit ang mga magagandang stories eh ngaun ko lng nakikita?? :))
Ikaw din pala ung nag-mail sa akin? Salamat sa pagababasa ng mga stories ko. Kahit medyo matagal ang update. :)
Post a Comment