Sa anak ko umikot ang buong mundo ko.. Hanggang...
THREE YEARS AGO
Dumalo ako sa isang party kung saan imbitado lahat ng cast sa school play namin. A lot of people came. Most of them greeted me, and most of them, hindi ko kilala.
After getting acquainted ith some people. I grabbed a bottle of beer and ent to the pool are sa likod ng venue. Maganda ang venue. It exudes that "AT HOME" feeling.
Kaunti lang ang taong naroon sa may pool area. Napili kong maupo sa damuhan sa gilid nang pool at nagsimula nang uminom.
"Well. If it isn't Mr. Imperial. Fancy meeting you here." sabi ng isang pamilyar na tinig sa likod ko. Hindi maitatago ang sarkasmo sa tono nito. At tama nga ang hinala ko, it was Eric.
"How nice of you to join us Mr. Mercado, but I belive that this is a party where only the cast of REQUIEM together with their closest friends are invited." sagot ko.
"Siguro naman, hindi ako makakapasok kung hindi ako imbitado hindi ba?" si Eric
Hindi ako sumagot. Sa halip ay tumayo ako at akmang aalis nang magsalita ulit ito.
"No, stay, gusto kitang makausap." sabi pa niya.
"Listen, I don't have any intentions of ruining my night. So if you want to bother someone, go find people who have the time." sagot ko sa kanya.
"As feisty as ever Mr. Imperial, but unfortunately, you're the only one I know in this party. As much as I hate to be with your company, I have no choice do I?"
"Then I'll leave." iyon lang at umalis ako sa party.
It was still 9:06 PM at wala namang pasok kinabukasan dahil linggo. Naghanap ako ng malapit na bar at doon ipinagpatuloy ang pag-inom. Bottle after bottle tinungga ko. Hindi ko namalayan ang oras at nararamdaman kong nalalasing na ako kung kaya't nagpasya akong umuwi.
Nang papunta ako sa aking kotse ay napansin kong nakasunod sa likod ko. Tatlo sila. And since it was a bar, hindi ko sila pinagtuonan ng pansin. Nakarating na ako sa kotse ko nang biglang may dumamba sa likuran ko at naramdaman kong may tumusok sa aking tagiliran. At dahil lasing, hindi ko nagawang depensahan ang sarili ko.
Masyadong mabilis ang pangyayari. Naramdaman kong basa ang aking damit at nang tingnan ko ang bandang kaliwa ng aking tagiliran ay napansin ko ang pamumula ng suot kong puting t-shirt. Noon lang rumehistro sa akin na nasaksak na pala ako. Nadagdagan ang pagkahilo ko dulo't nang mabilis na pag-agos ng aking dugo.
Mawawalan na ako nang malay nang makita kong may humintong kotse sa harapan ko. May bumaba mula rito at tinulungan akong itayo. Nang maipasok niya ako sa kotse ay tuluyan nang pumanaw ang aking malay-tao.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nagising ako nang mapansing may nakahawak sa aking kamay. Pinilit kong buksan ang mga mata ko at nang magawa ko na, nakita ko ang anak kong natutulog sa tabi ko habang hawak hawak ang kanang kamay ko.
Tinanggal ko ang pagkakahawak nito sa akin sapat upang hindi ito magising at hinaplos ang kanyang ulo. Nagising ito at nagtaas ng tingin.
"Daddy." sabi nito at humagulgol. "Daddy!!!!, Daddy.. Akala ko po hindi ka na ma - magigising." sabi niyang patuloy pa rin ang pag-iyak.
"Shh, tahan na anak. Di ba sabi ko sa'yo, ang lalaki, dapat hindi iyakin?" sabi ko sa kanya na pinilit ang isang ngiti.
"O-opo dad." sabi nito ngunit hindi pa rin tumitigil ang pag-iyak.
"Halika nga rito anak. Give daddy a kiss."
Tumalima naman ito at dumagan sa akin. Saka ko napansin ang kirot sa aking tagiliran. Saka ko naalala ang mga nangyari.
Binigyan ako ng halik sa pisngi ni Jake. Iyon ang ipinangalan ko sa aking anak. Jake Alfonz Imperial.
Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok sa loob ng kwarto si Tito Manuel.
"Oh, gising ka na pala. Hey, Jake, 'wag ka munang pumatong sa daddy mo, hindi pa magaling ang sugat niya. Ikaw rin, baka dumugo yan." sabi nito.
"Ayos lang ho Tito, hindi na nman masakit eh." sagot ko naman na halatang ikinatuwa ni Jake.
"Ang akin lang naman eh baka bumukas ulit iyang tahi mo." sagot naman ni Tito Manuel na halata ang pag-aalala sa boses nito. Ngumiti naman ako.
"Mabuti nalang at naagapan at nadala ka agad rito sa ospital." patuloy ni Tito Manuel.
"Ah about that, sino ba ho nagdala sa akin rito?" tanong ko sa kanya.
"Ayan siya o." sagot naman nito sabay turo sa kaliang bahagi ng kwarto kung saan may sofa at may taong nakahiga na noon ko rin lang napansin.
Nang tingnan ko kung sino ang nakahiga ay ikinagulat ko. It was Eric!
ITUTULOY...
___________________________________________________
by JiJei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)
No comments:
Post a Comment