Monday, May 16, 2011
Adele: Isang Kaekekang Review Kuno
Naisipan ko lang gumawa ng Review sa Album ng aking Kumareng si Adele ang 21.
The said album was released last January 19, 2011. In fairness naman sa album nya, shoot sa banga, mabenta. The songs in the album are all good. Mostly, they talk about relationships. Kitang-kita, rather, rinig na rinig natin, if nakabili na kayo or naDL nyo na ang 21 kung gaano kagigil si Adele sa mga past relationships nya. Masyado pa syang bata para makapagsulat ng ganito kalalalim na mga kanta at masyado pa din syang bata para mabitter sa pag-ibig. She write songs well. Maganda ang wordings, even the symbolisms ay shoot na shoot. If may pinagdadaanan ka ngayon, I recommend na pakinggan mo ang mga songs sa kanyang album na 21.
Eto yung ilan sa mga songs na medyo tumatak sa akin at nangurot sa aking puso.
1.Someone Like You
"Nevermind I'll find someone like you. I wish nothing but the best for you too. Don't forget me, I beg. I remember you say "Sometimes it lasts in love, sometimes it hurts instead."
-Oh diba? Kamusta naman ang lyrics? Diba? Nakakaloka lang! Hahaha! Sa mga kakagaling lang ng break-up dyan at tipong in denial pa na in pain sila at "I am okay and happy" ang drama. Subukan mong pakinggan ang kantang ito, i-loop mode mo. Tignan natin kung di ka kantutin ng kalungkutan.! POK!
Ayy In fairness. Parang nakakarelate ako dito. Rather, nakarelate ako dito.
2.Rolling in the Deep
"The scars of your love remind me of us,
They keep me thinking that we almost had it all,
The scars of your love, they leave me breathless,
I can't help feeling"
I wonder bakit bigla kong naging feel ang Rolling in the deep ni Ate Adele.
In all fairness, Rolling in the deep is one of the tracks sa eve-angsty sophomore album ni Mareng Adele na "21". Ang angas ng dating ng kanta.
If you're going to sing bitterness, this is how will it sound. Nabasa ko sa net na this song is a "fuck you" song sa kanyang exbf. Oh diba? Shala! Pag ako nabitter,wish ko lang na makasulat ako ng ganito kagandang kanta.
Pero Adele dear, bitterness kills. Move on. chos!
3. Don't you remember?
When was the last time you thought of me?
Or have you completely erased me from your memory?
I often think about where I went wrong,
The more I do, the less I know,
Eto na yung kanta para sa mga nagrereminisce ng isang relationship na natapos. Yung tipo bang nagising ka nalang tapos wala na? Yung tipo bang bigla nalang nawala? Yung tipo bang akala mo bukas pag nagkita kayo sweet pa rin? Putangina masakit eh. chos! Nakakatuwa ang kantang ito in a sense na parang ito yung song ni Adele wherein naglolong sya dun sa kanyang ex na kinabibitteran nya. Uyyy aminin natin mga bakla, dumadating tayo sa punto na kahit gaano tayo kabitter sa isang tao, umaamin tayo na kailangan pa rin natin sila. Yung tipo bang "ako nalang ulit! Ako nalang ulit!" Chos!
Lastly.
4.Turning Tables
"I won't let you close enough to hurt me."
Ang bigat nitong kantang ito. It's about someone who wants to get out of something that started wonderful tapos in the middle naging disaster yung relationship? Well, it's a very hard song. Ang sakit kung iaanalyze natin mga dear. So wag nalang. Sa mga di pa nakakapakinig nito, I'm sure pag narinig mo sya may kurot sya at mapapabuntong-hininga ka pag naintindihan mo yung lyrics.
Sabagay, as they always say, stay if you're happy, leave if you're not.
Oh sya,till next time. :)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment