Eto po ang liham ng naguguluhang baklang si Virgin na napost ko last week sa ating blogelya. Sa mga hindi po nakabasa, eto po yun.
Dear Kuya Rovi,
Isa po akong masugid na tagahanga ng inyong blogelya. Nabasa ko kung bakit umiyak ang mga bakla sa Unbroken, at ngayon naman, kung paano nagiging high si Jared sa Terrified. Nakakatuwa din po ang mga banat nyo sa chatbox ng MSOB at naaaliw ako sa mga payong binibigay nyo.
Eto na po yun. May problema po ako.
Ganito.
Si GUY A may gusto kay GUY B na may gusto kay GUY C. GUY B turned GUY A down but still wants the friendship to remain. Hindi makapagmove on si GUY A dahil palaging nandyan si GUY B. Anong dapat gawin ni GUY B?
Nagmamahal,
Virgin,
Ayan! Yan ang situation ni Virgin last week mga kablogelya.
Nakakatouch naman at kahit papaano ay may mga nageffort na tumulong sa ating nagiinarteng si Virgin. Salamat sa mga nagshare ng kanilang 2 cents sa situation. Sana wag kayong magsawa sa pagsuporta sa ating blogelya.
Salamat.
Eto na. Eto lang naman ang comment ko sa situation mo Virgin.
Dear Virgin, (saan?)
Honestly speaking, B doesn't have to do anything. Si A ang may problema.
The thing is, bakit mo pa ipipilit ang sarili mo sa taong ayaw naman sayo?
Bakit mo pipiliting ipilit ang mga bagay na di naman dapat on the first place?
Parang sapatos lang yan eh, Let's assume na nasa department store ka at nakita mo yung isang pares ng sapatos, ayun na yun eh, sinuot mo, di kasya, sobrang sikip. Nagtanong ka ng iba pang stock pero unfortunately wala na. Ano ang gagawin mo? Magaantay ka ng bagong stock? Paano kung next year pa dumating? Eh di tengga galore ka? Neng, wag kang tanga. Humanap ka ng ibang sapatos, kahit hindi mo masyadong trip kasya naman sayo. Please lang. Bakla na nga tanga pa. Ayun na-carried away ako. Ayun nga dear, maraming isda sa dagat, hanap ka ng clown fish. Pag patuloy mong ipilit ang sarili mo kay B, ay te goodluck! Bihira ang nabibiyayaan. Pero malay mo.
B. Ikaw naman. I feel na concerned ka sa friendship. May tanong ako? Bakit na-fall si A? Baka naman sweet ka at medyo pahaging ang kalandian? If you are, sorry, no offense meant but please, stop it. Kaya siguro na-fall si A kasi malandi sya, malandi ka, malandi kayong dalawa. Ang maipapayo ko lang, kung kaibigan from the start, kaibigan lang. Pero kung hindi makamove-on si A. Then ang isasuggest ko lang eh give yourselves a break. Stop communicationg for a while para na rin makapagisip kayo kung anong gagaiwn nyong next move. Remind A na kaibigan lang. Please do. Pag ayaw makinig, sabihin mo pakilala sya sakin. Kokotongan ko. On a serious note, The moving on thing must come from A. Yun lang.
Lastly, C. Ikaw? Alam mo wala kang ginawa sa kwentong ito kaya ang comment ko lang? ANG GANDA MO TE!
Love,
Kuya Rovi
Sa mga gustong mafeature ang kanilang kaartihan sa blogelya ko. Send me an e-mail. Rovi.yuno@gmail.com Salamat!
2 comments:
isang malaking check! i strongly agree sir rovi! :p
hahhaa.. agree ako kay rovi, move-on mr. a, and give your self a break,, skyflakes ka muna.,.. :), pero baka every break mo, may baon si mr. b ng magic kaya nabighani si mr.a.
pero seriously; mag partways muna kayo, bigyan ng space ang isa't-isa...
Post a Comment