Tuesday, May 3, 2011

KAHIT SANDALI: Part 4

NAGULAT ako nang makita at makilala kung sino ang nasa sofa. It was Eric! Ngunit hindi ko ito pinahalata kay Tito Manuel.



"O, paano, aalis na ako. Kailangan kong dumalo sa meeting ng kompanya." pagpapaalam ni Tito Manuel. "Idadaan ko na rin si Jake sa bahay." pagpapatuloy niya.



"Tito Manuel, dito po muna ako kay Daddy please." pagmamakaawa ng bata.



"Hindi pwede Jake, daddy here has to take his rest para gumaling na ang sugat niya" sagot naman ni Tito Manuel



"It's ok tito. He can stay." sabad ko naman.



"Ok. Sige, ikaw bahala. Paano, mauna na ako?" paalam nito



"Sige po, ingat." sagot ko.



Iyon lang at lumabas na si Tito Manuel. Sinubukan kong tumayo kahit kumikirot ang aking tagiliran. Hindi kasi ako sana'y nang hindi gumagalaw. I have an active lifestyle. Pero sa pagkakataong ito. Hindi ako makatayo.



Pinagmasdan lang ako ni Jake. Maya-maya ay nagsalita rin ito.



"Daddy, masakit po ba?" tanong nito. Bakas ang kainosentehan sa pagtatanong.



"Medyo anak. Pero ok lang si daddy." sabi ko at nginitian ang bata. Ngumiti naman ito at nagsalita ulit.



"Alam mo po dad. Ang bait po ni tito Eric." umpisa niya na ikinagulat ko. "Kasi po kagabi, nang pumunta po kami dito ni Tito Manuel, sabi niya, nabayaran na raw niya lahat nang gastusin. At siya rin po ang kasama kong nagbantay sa'yo buong gabi po, kasi umuwi si Tito Manuel."



Natigilan naman ako.



"Bakit? Bakit niya gagawin 'yon? I've been nothing but a jerk." naisip ko.



-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Habang hinihintay ang doktor ay naghaharutan kami ng anak ko. We were always like this kapag nasa bahay ako. I want to give everything to my son. Napapalakas naman ang tawa ni Jake. Maya-maya pa ay nakatulog na ito.



Hindi ko tuloy napansing nagising na pala si Eric. Nanatiling nakatingin lang siya sa aming mag-ama. Pinili kong basagin ang katahimikan.



"Hey, gising ka na pala. Sorry ha. Nagising ka tuloy." paghingi ko ng paumanhin. "It's ok." sagot niya sabay ngiti. "Kamusta na pakiramdam mo?" pagpapatuloy niya.



"I'm ok now. Thanks to you. Kung di dahil sa'yo, malamang, patay na ako ngayon." pagpapasalamat ko.



"It's no big deal." sagot niya.



"No, it's a big deal." pagkontra ko. "Kung hindi dahil sa'yo, baka hindi ko na nakapiling ang anak ko."



Ngumiti naman siya. A smile that seemed to make my heart skip a beat.



"Kanina, habang pinapanood ko kayo, naisip ko, marunong ka rin naman pala tumawa." pang-aasar nito.



"Well, I hope you're satisfied coz I'm only like that with my son around." sagot ko naman na ikinatawa lang niya.



"May nakakatawa ba?" tanong ko sa kanya na may halong pagkainis.



"Wala." sabi niyang pinipigilan ang pagtawa. "Listen I need to go, 'Di pa ako nakauwi eh. See you around Mr. Imperial." paalam nito.



Wala naman akong nagawa. Bago siya tuluyang lumabas ng pinto ay nagpasalamat akong muli sa kanya.



----------------------------------------------------------------------------------------------------------------



After 3 days, nakalabas na ako ng ospital. Naghilom na rin ang sugat ko. I was back at the university and was catching up with my classes sa 3 araw na nawala ako. The same routine happened everyday. Pasok at pagkatapos ng klase ay sa bahay rin ang deretso ko. Hindi ko na rin nakita pa si Gina at Eric. Dahil na rin siguro sa may kalayuan rin ang building ng Business Administration sa Performing Arts.



Mabilis lang ring dumaan ang mga araw at dumating na ang summer. It was a week after the classes officially ended.



I was spending time time with Jake nang may tumawag sa akin.



"Hello?" sagot ko



"Hey, remember me?" tanong ng nasa kabilang linya na sa tingin ko ay si Gina.



"Gina?" paninigurado ko.



"Yup. It's me. Listen, do you have any plans for the summer?" tanong niya ulit



"No, not really, why?"



"Kasi we're planning to go to Boracay next week, I was wondering if you'd want to come."



"Umn, I'd love to but I can't" pagtanggi ko na ang iniisip ay si Jake. Hindi ko pwedeng iwan ang anak ko.



"Don't worry, you can bring little Jake along." sagot ulit nito na para bang nahulaan ang iniisip ko.



"Wait, how did you know about my son?" tanong ko.



"I told you, I did my research. That's also how I got your number. So are you coming?"



Sandali akong nag-isip. Kalaunan ay pumayag na rin ako. Gusto ko rin kasing mag-enjoy ang anak ko. At timing pa dahil birthday ni Jake next week. I thought that would be a nice gift.



"Ok, I'm in." sagot ko.



"Good! Now, I'll e-mail you the details about the trip after this so check it out para klaro ang lahat ok." iyon lang at tinapos na ni Gina ang tawag.



"Daddy, will you sing to me my favorite song?" request ni Jake nang matapos na ang tawag.



"Ok. What's your favorite song ba anak?" tanong ko.



"Umn, 'yung lagi mo pong kinakanta sa akin bago matulog." sagot niya.



"O sige anak." sagot ko at kinarga siya. "Pero kakanta ka rin ha."



"Opo daddy." sabay ngiti.



As you go through life you'll see

There is so much that we

Don't understand

And the only thing we know

Is things don't always go

The way we planned



But you'll see every day

That we'll never turn away

When it seems all your dreams come undone

We will stand by your side

Filled with hope and filled with pride

We are more than we are

We are one



If there's so much I must be

Can I still just be me

The way I am?

Can I trust in my own heart

Or am I just one part

Of some big plan?



Even those who are gone

Are with us as we go on

Your journey has only begun

Tears of pain, tears of joy

One thing nothing can destroy

Is our pride, deep inside

We are one



We are one, you and I

We are like the earth and sky

One family under the sun

All the wisdom to lead

All the courage that you need

You will find when you see We are one



--------------------------------------------------------------------------------------------------------



http://www.youtube.com/watch?v=Dw9KNP1OTG8



--------------------------------------------------------------------------------------------------------



Napansin ko nalang na mahimbing na ang tulog ni Jake nang matapos ako sa pagkanta.



ITUTULOY....



____________________________________________________________________

by: JiJei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)




SALAMAT SA MGA NAGBABASA NG STORY KO.. ^_^

1 comment:

East said...

Wow Nath! Ikaw sumulat? Kina-career ang pagiging writer ah.
Keep it up :)