Thursday, May 12, 2011

KAHIT SANDALI: Part 8

SA KASALUKUYAN



Kakauwi ko lang sa bahay galing kila Gina nang marinig kong may nabasag. kinutuban ako kaagad kung kaya dumeretso ako sa kusina. At kagaya ng naisip ko, si Jake nga ang nakabasag. He was on the verge of crying kaya dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap.



Napansin kong may sugat ito sa kamay, marahil nang sinubukan niyang iligpit ang basag na baso ay nasugatan ito.



"Sorry po dad." sabi nito at hindi na napigilan ang humikbi.



"Shh, don't cry baby, it's not your fault. Aksidente lang 'yon." sabi ko naman habang yakap siya at hinahagod ang likod.



"Manang Cely!" ang tawag ko sa isang katulong.



"Sir?" pagsagot naman nito nang makarating sa kusina.



"Manang, pakiligpit po ng baso, nabasag ni Jake." sabi ko naman



"Ay sir, naku po, pasensya na kayo, napabayaan ko ho si Jake. Naglalaba ho kasi ako." paghingi nito ng paumanhin. Halata ang kaba sa boses.



"Hindi mo po kasalanan manang. Pakiligpit nalang ho at gagamutin ko lang si Jake." sabi ko.



Dinala ko si Jake sa kwarto niya at doon na nilinis ang sugat niya. Hindi naman malaki ang sugat nito pero nag-alala ako. At hindi ko rin maiwasang sisihin ang sarili ko dahil sa kawalan ng oras ko sa anak.



"Daddy." si Jake. Nagtaas naman ako ng tingin sa mukha nito.



"Hmm?"



"Kailan po babalik si Daddy Eric?" tanong nito.



Para naman akong tinamaan ng kidlat sa narinig. "DADDY ERIC." pag-ulit ko sa sinabi ni Jake. Oo, iyon ang naging tawag niya kay Eric mula nang maging kami. Wala akong itinago sa anak ko. Kahit sa mga kasambahay.



"Hmm, hindi ko alam anak eh. Basta, 'pag makakapunta na siya dito, ikaw ang unang makakaalam." sabi ko naman at pinilit ang isang ngiti.



Ito ang unang beses na nagsinungaling ako kay Jake. Ayokong masaktan siya. Masyado kasi silang naging close ni Eric. Spoiled na nga si Jake dahil dun eh. Pero disiplinadong bata pa rin.



Anim na taong gulang na si Jake. at unti - unti nang namumulat sa mundo. Minsan nga ay nagugulat nlang ako sa mga itinatanong sa akin. Very curious kasi.



Habang hinihipan ko ang sugat ni Jake ay hindi ko napansing nakatulog na pala ito. Ginawaran ko ito ng halik sa pisngi.



"Anak, sorry ha. Nawalan ng oras sa'yo si daddy. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh. Kung hindi pa dahil kay tita Gina mo, hindi ko pa marereliaze na andiyan ka pa pala at kailangan ako." sabi ko. At hindi na rin nagpapagil ang mga luha kong nagbabantang tumulo.



"Hayaan mo anak. Kahit masakit at mahirap, gagawin ko ang lahat para maalagaan ka ng mabuti. Hindi na kita papabayaan ulit. Mahal na mahal kita anak." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi. Tinungo ko na rin ang pinto, bago lumabas ay tiningnan ko muna ang himbing na himbing na pagtulog ni Jake.



"Ipinapangako ko anak. Babaguhin ni daddy ang takbo ng buhay niya." iyon lang at isinara ko na ang pintuan niya ay tinungo na rin ang sariling kwarto.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Tatlong buwan na ang nakakaraan simula nang mapagtanto kong baguhin ang takbo ng buhay ko. I was finally moving on. I'm able to smile now. Nang umpisa ay mahirap. Everything I do, everywhere I go, I'm reminded of him. But as each day passed by, I was able to lessen the pain, one by one. I've learned to let go. But not completely. He's still in my heart. He always will be.



Akala ko ay nagiging ok na ang lahat nang mga panahong iyon. But it turns out, I was wrong.



Kakatapos lang ng morning class ko at balak kong sunduin si Jake mula sa school nito ngayong nag-aaral na siya. Pre-schooler. Pababa ako ng hagdanan nang marinig ko ang boses ni Gina. May kausap ito sa cellphone. Gugulatin ko sana nang matigilan ako sa narinig ko.



"Eric, he's doing fine. Nakaka-cope up na siya. Ok ang academics niya." sabi ni Gina. Natigilan ako sa pwesto ko. She's talking to ERIC!



"Oo, Jake is also attending school now. Actually, hinihintay ko si Al, susunduin namin 'yung bata sa school nito."si Gina ulit.



----sa kabilang linya---



"Eric, kailan mo sasabihin sa kanya? Kahit ganoon ang ipinapakita nun, alam ko, deep inside, he's still hurting. I don't like seeing him like that. I'm so used to have him strong and confident about everything. But now."




---sa kabilang linya---



"I understand. But please, before it's too late."



---sa kabilang linya---


"Okay. Okay, sige, bye. I miss you too."



Iyon lang at natapos rin ang pag-uusap nilang dalawa. Hindi naman ako makaalis sa kinatatayuan ko, di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang mga panahong iyon. Humarap naman si Gina at nakita niya ako. Halatang nagulat rin ito. Matagal kaming natahimik. Minabuti ko nang magsalita.



"When... When were you going to tell me?" nanginginig ang boses ko nang itanong ko sa kanya iyon.



"Al, let me explain." sabi niya.



"Then do it fast kasi hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gee, I spent months crying myself to sleep. And all along, alam mo kung saan siya?" sumbat ko sa kanya. Hindi ko na rin napigilan ang mga luha kong nag-uunahang umagos sa magkabila kong mata.



"Hindi ko gustong gawin yon Al." depensa niya. "You know me. Ako ang unang - una na sumuporta sa inyo. You two are my best friends. I don't like seeing you like that." "Then please explain! Kasi hindi ko maintindihan kung bakit." "I think it's not for me to tell Al. Si Eric ang dapat magpaliwanag sa'yo."



"How? Gee, he won't even talk to me!" napataas na ang boses ko.



"Later. Pupunta ako sa kinaroroonan niya. Sama ka sa akin." Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.



--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos namin sunduin si Jake at maglunch ay ipinahatid ko na rin siya sa driver pauwi. Habang ako at si Gina naman ay dumeretso kung nasaan si Eric.



Dumating kami sa isang bahay di kalayuan sa eskwelahan ni Jake. I remembered that house. Iyon ang venue ng party kung saan kami nagkita ni Eric for the second time.



Pumasok kami sa gate. Abot-abot ang kaba ko nang mga oras na iyon. Di ko maipaliwanag ang kakaibang kaba. The mere thought of seeing him again was enough to make my heart stop. Umakyat kami sa second floor ng bahay.



Binuksan ni Gina ang isang kwarto at pumasok ito, hinintay niya akong makapasok.



Huminga ako ng malalim.



One.... Two.... Three....



"Alfonz..." sabi ng pamilyar na tinig...



ITUTULOY.....




_____________________________________________________________

byL JiJei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)

1 comment:

Anonymous said...

bakit umalis si eric... bakit nya iniwan si al at ang batang jake... hala baka may sakit si eric...

ramy from qatar