Tuesday, May 10, 2011
Terrified 7
Di pa rin ako makapaniwala. Ilang taon. Ilang mahahabang taon ko syang inantay. Ngayong nandito na sya ay di ko mapaliwanag kung anong nararamdaman ko. Yayakapin ko ba sya ng mahigpit? Hahalikan ko ba sya? Ano bang gagawin ko? Iiyak ba ako? Sisigaw ba ako sa tuwa? Hindi ko alam. Ang alam ko lang ay kayakap ko sya at nararamdaman ko ang kanyang katawan. Kapiling ko na anglalaking inantay ko ng napakatagal. Kasama kong muli ang aking lalaking minamahal.
“Jared.”
“Raf. Nagbalik ka.”
Hinarap ako ni Raf sa kanya at muli,mahigpit nya akong niyapos. Nakita ko muli ang kanyang mukha. Ang ekspresyon ng kanyang mapanglaw na mga mata, ang galaw ng kanyang noo sa t'wing sya ay kumukunot, ang kanyang mga ngiti, ang kanyang matangos na ilong, ang kanyang mapangakit na mga labi, namiss ko ang lahat ng ito. Namiss ko ang simplicity ng kanyang kaanyuan. Namiss ko ang kanyang pagkatao.
“Oo Jared. Di na ako aalis ulit. Di na ako aalis.”
Nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi. Naramdaman ko din ang pagapaw ng kaligayahan mula sa aking sarili. Ramdam ko ang saya na di maipaliwanag mula sa kaibuturan ng aking puso. Alam kong magiging ayos na lahat dahil muli,nandito na sya. At tulad ng sinabi nya,alam kong hindi na nya ako iiwanan.
Patuloy na nagdikit ang aming mga katawan. Dama ko ang init nito. Buhay si Raf. Buhay ang aming pagmamahalan. Tinititigan nya ako at ginawaran ng isang maiksi ngunit napakatamis na halik. The kiss washed all my worries away. Alam kong nasa tamang direksyon na ako. Si Raf ang gusto ko at di ko na hahayaang mawala pa.
“Bakit ka nawala? Ang tagal. Ilang taon din yon? Bakit?”
“Mahabang istorya Jared. Pero wag na nating pagusapan.”
“Ha? Naguguluhan na ako. Bakit? Bakit nga?”
“Dahil kinailangan kong mawala, buti nalang may naabutan pa ako nung pagbalik ko.”
Pinisil nya ang aking kamay. Nakaramdam ako ng kilig.
Kahit na nilalamon ako ng aking mga tanong, hinayaan ko nalang. Ang kanyang mga titig at mga hawak ay sapat na para madisregard lahat ng nangyari dati. Ayos na rin to.
Hinawakan nya ang aking kamay. Magkasabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Regardless sa tao,regardless sa kung sino ang makakakita.
Patay ang ilaw sa loob ng bahay. Masyado pang maaga para matulog si Mama at si Victor. Bakit kaya? Wala kaming inaksayang panahon, agad kaming umakyat sa kwarto. The moment the door slammed, he hugged me like there's no tomorrow. I felt sincerity. I felt security. I felt loved.
“Alam mo bang namiss kita ng sobra?”
“Na-miss din kita ng sobra Raf. Wala namang araw na hindi ko dinasal sa Diyos na bumalik ka.”
“Pasensya na Jared. Hindi ko alam, pero nararamdaman kong di pa ngayon yung tamang panahon para sabihin ko sa'yo lahat. Okay lang ba?”
“Oo. Ayos lang. Whenever you're ready.”
Ginawaran nya ang ng halik. Naramdaman kong lumalaban ang aking mga labi sa pagalugad ng kanyang dila. Naging mas maaksyon ang mga sumunod na nangyari. Mabilis na lumipad ang aming mga kasuotan paalis sa aming mga katawan. Mabilis na tumapon ang aming mga katawan sa kama. Para kaming mga bwitreng sabik na kumakain sa patay na hayop. Hayok kami sa isa't-isa. The next thing I knew, hingal-kabayo kami matapos naming maabot ang glorya.
It was indeed, satisfying.
The sex was just great. Para kaming dinuduyan hanggang sa marating ang kapayapaan.
Awtomatikong sumasabay ang aming katawan sa indayog ng musikang aming inaawit. Again, the sex was just great.
Hingal na hingal kaming humiga sa kama. Magkahawak-kamay. Masaya. Kontento. At nilamon na ako ng kadiliman.
Nagising ako ng umaga. Nakapikit kong kinapa si Raf sa aking tabi but to my surpise, when I opened my eyes, wala sya. Nakaramdam ako ng kakaiba. Still naked, agad akong tumayo kahit pupungas-pungas pa. I was heading out of the room when a sudden smell pinched in. Kape. Amoy-kape na naman.
Nawala ang antok ko at napalitan ito ng pagkaalarma. Nakaamoy na naman ako ng kape.
“Raf?”
“Raf?”
Ngunit wala akong narinig na sagot.
Disappointed, agad akong bumalik at umupo sa edge ng kama.
“Putangina! Saan nanggagaling ang amoy ng kape!”
Agad akong napalingon sa maliit na tukador na kinalalagyan ng aking antigong lampshade. Nakita ko ang isang tasa. Agad ko itong nilapitan at nagulat ako na kape ang laman nito. Ako ay napaisip. Sino? Inangat ko ang tasa ng kape at may nakita akong note sa gilid.
“Enjoy your coffee. I'll see you later. -Raf-”
Ako ay napatulala.
Oo nga pala. Si Raf nga pala ang laging nagtitimpla ng kape ko.
From a moment,confusion turned into something sweet. Naramdaman ko nalang na kinikilig ako.
I took a sip. Ngayon nalang ako ulit uminom ng kape. At mukhang mapapadalas uli ito lalo pa't nandito na sya ulit. I felt an inner glow. I really am, happy.
I heard my phone crying at agad kong sinagot ang tawag.
“Hello?”
“Jared.”
“Sino to? Di nakaregister number mo.”
“Raf.”
“Uyyyy. Nasaan ka na? Bakit wala ka na paggising ko?”
“Sorry di na kita ginising. Kasi ang sarap ng tulog mo. You really looked like an angel while sleeping.”
“Ikaw talaga.”
“By the way,nasa place na ako ng Tyahin ko ngayon.”
“Saan yan?”
“Basta. Isave mo na tong number ko. Nainom mo na yung kape?”
“Oo. Salamat ha?”
“Magkita tayo mamaya.”
“Sige ba.”
“Saan naman?” tanong ko.
“Daanan kita sa office. O kaya sa bahay nyo nalang.”
“Sige. Text ka nalang.”
“Jared,may tatanong ako.”
“Ano yun?”
“Fiancee mo ba yung babaeng kasama mo sa picture?”
Nagitla ako sa narinig. Agad akong napatingin sa larawan namin ni Kath na nasa pader. Bigla syang pumasok sa isip ko. Nakaramdam ako ng guilt.
“Jared?”
“Ha?”
“Fiancee mo nga?”
“O-Oo. Ba-Bakit?” tanong ko.
“Wala. Naitanong lang.”
Tahimik. Ilang segundo rin ng mahinto ang aming paguusap.
“Do you still love me Jared?”
“Ha? Oo naman Raf.”
“Seryoso?”
“Oo naman. Bakit?”
“Paano yung babae? I mean ikakasal na kayo. Paano na ako?”
Narinig ko ang pagcacrack ng kanyang boses. Naramdaman ko ang panghihina. Nanghina ako dahil sa pagiyak ni Raf. Mas nanghihina ako sa guilt na nararamdaman ko para kay Kath. Sa tono ni Raf ay parang kailangan kong pumili. Hindi ko alam.
“Hindi ko alam Raf.”
“Jared! Putangina! Paano ako? Hindi mo ba alam kung paanong hirap ko para lang makabalik sayo? Tapos ngayon malalaman ko na ikakasal ka na sa iba? Alam mo ba kung gaano kasakit yon?”
Naiyak ako sa narinig. Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot. Sino ba ang dapat kong piliin? Si Kath na sinamahan ako all through out at tinanggap ako despite everything? O si Raf na minahal ko ng husto, nawala na parang bula at nagbalik nalang bigla? Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Raf. Magiisip ako.”
“Magpasya ka hanggang mamayang gabi.”
“Raf! Wag naman ganun!”
At biglang naputol ang usapan.
Napatulala ako sa hangin. Gulong-gulo ang aking isip. Patang-pata ang aking puso.
✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖✖
Maaga akong gumising para ayusin ang ilang sa mga bagay about sa kasal namin ni Jared. Ang tagal ko ng hindi nakikita ang husband-to-be ko. Naiinis nga ako dahil hindi ako nakapunta kahapon sa kanila dahil sa dysmenorrhea ko.
Ang ganda ng araw ko. Nagising ako ng masaya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil na rin siguro sa kasal? Iba yung feeling. The thought of me being Mrs.Jared Garcia excites me. Alam kong marami na kaming pinagdaan ni Jared at alam kong marami pa kaming pagdadaanan, alam kong magkasama naming haharapin yun at magkasama naming itutumba lahat ng problema.
Pagtapos kong maligo ay agad akong nagblower para masaya. Mabilis akong nagbihis at sasamahan ako ni Mama para kausapin ang ilan sa mga pwedeng magcater para sa reception. Mahilig si Jared sa kahit ano naman kaya hindi na siguro magiging problema ang pagkain. Pero kahit papaano ay isipin rin naman ang mga bisita. Excited na talaga ako.
“Mama! Ready na ako. Handa na ba yung driver?”
“Oo Nak. Ano tara na?”
“Yes Mama. Tara na.”
“Anak mind me asking,bakit parang hindi masyadong hands-on si Jared sa kasal?”
“Ha? Hindi ah. In fact sasamahan nya sana ako kahapon bago sya pumasok ng work kaso ako naman ang di pwede dahil sa puson ko.”
“Ahh ganun ba?”
“Opo Mama.”
“Anak, sigurado ka na bang gusto mo ng magpatali?”
“Oo naman po. Bakit nyo naman naitanong? Sobrang excited na nga ako eh.”
“Wala lang. Naku ang anak ko, malaki ka na talaga.”
Nangiti nalang ako.
“Ma,si Jared na talaga. Wag kang magalala. Napakabuting tao nun. At alam kong mahal na mahal ako non.”
“Oo anak. Alam ko.”
Paalis na ako nang nagvibrate ang phone ko. Tumatawag si Jared.
Masaya kong kinuha ang aking cellphone at agad na sinagot ito.
“Hi Babe!”
“Kath.we really have to talk.”
“Ayy oo babe. Dapat nga kasi yung food for the reception diba? Tapos yung mga flowers din? Kailangan din nating umattend ng mga seminars. Di ka ba pwede magleave sa work kahit one week lang? Maayos natin to in a week's time.”
Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya mula sa kabilang linya.
“May problema ba Babe?”
“Kath makinig ka sakin.” sabi ni Jared.
Nakaramdam ako ng kaba. This was exactly the same Jared nung nagdadrugs pa sya.
“Okay,Babe. Ano yun?”
“Please.”
“Ha?”
“Please lang. Tigilan na natin to. Ayoko ng magpakasal sayo. Ayoko na. Ayoko na.”
Hindi ako nakapagsalita agad. Naramdaman ko nalang ang excited kong mga luhang tumatalon mula sa aking mata.
“Ba-bakit?”
“Ayoko na.”
Bago pa man ako makapagsalita, agad ng nawala ang connection sa kabilang linya.
Bumaha ang luha. Naghinagpis ang puso. Kailangan ko ng kasagutan.
I T U T U L O Y . . .
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
SUPER MAHIWAGA NA TLAGA...:)
GALING.. hmmm the mere fact na nabibitin ako, (which is I really HATE) pero patuloy ko pa ring inaabangan..
once again kuya ROVI..I HATE YOU...:P
Post a Comment