Dumating ang araw ng pagpunta namin sa Boracay. May higit sampu rin ang sumama ngunit napansin kong wala si Eric. Naisip kong baka siya ang tinutukoy ni Gina na naghihintay sa pagdating namin sa isla.
When we arrived, I felt a little bit of disappointment nang hindi si Eric ang sumundo sa amin. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit pero, para bang hinahanap ko ang presensya niya.
"Wow, daddy, ang ganda po dito." paghanga ni Jake.
"Yup, and you're gonna spend your birthday here." sagot ko naman sabay halik sa pisngi nito.
Mag-aalas tres na nang dumating kami sa isla at medyo pagod rin kami dahil sa byahe kung kaya nagdesisyon akong dumeretso na sa kwarto kung saan kami matutulog ni Jake.
"Anak, let's sleep muna ha, mamaya tayo magswimming, ok?"
"Opo daddy. Daddy will you sing again?"
"Anong song anak?"
"Yung sa Enchanted po."
"Ah 'yon ba? Sige. Halika dito, dito ka higa sa tabi ni daddy."
Agad namang tumalima ang bata at tumabi sa akin. At sinimulan ko nang kumanta.
You're in my arms
And all the world is calm
The music playing on for only two
So close together
And when I'm with you
So close to feeling alive
A life goes by
Romantic dreams must die
So I bid mine goodbye and never knew
So close was waiting, waiting here with you
And now forever I know
All that I want is to hold you
So close
So close to reaching that famous happy ending
Almost believing this one's not pretend
And now you're beside me and look how far we've come
So far, we are, so close
How could I face the faceless days
If I should lose you now?
We're so close
To reaching that famous happy ending
Almost believing this one's not pretend
Let's go on dreaming for we know we are
So close
So close
And still so far
-------------------------------------------------------------------------------------
http://www.youtube.com/watch?v=FH8WAoRL1xo
-------------------------------------------------------------------------------------
Nang matapos ako ay nakatulog na rin si Jake. Nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko.
It was that familiar voice. Ang tinig na para bang hindi nakakasawa pakinggan.
"You really have a great voice you know." si Eric
"Performing Arts ang kinukuha ko di ba?" sagot ko. "Wait, I thought wala ka?"
"I just arrived. I got on the flight after yours." tugon niya naman.
"Okay. But that doesn't explain why you're in our room." sagot ko.
"I see, bumalik na pala ang pagkamagaspang ng ugali mo." sabi nitong natatawa.
"This is just the way I am Eric. I mean if you don't like it then I can't don anything about it." sagot ko naman.
"I kinda figured that part out by myself." sabi nito. "Anyway, dito ako inassign ni Gina. Since all of the other rooms are booked and full na rin 'yung sa iba nating mga kasama."
"Oh, ok." kaswal kong sagot.
Ibinaba nito ang dala-dalang bag sa gilid ng kama. Then it hit me, iisa lang ang kama sa kwarto. where will he sleep?
"Uhm, in case you haven't noticed, isa lang ang kama. What would be our arrangement?" tanong ko.
"I already asked for an extra foam and a comforter. Malawak naman ang room. I'm sure I'd fit in here." sagot niya at binitiwan ang isang ngiti.
Tumango lang ako. Ikinagulat ko naman ang sunod niyang ginawa. Mabilis siyang naghubad ng damit at pantalon. Wala siyang itinira kahit na underwear. His body was a work of art. Hindi ito masyadong mamasel. Tamang-tama lang ang hubog.
"PERFECT" iyon lang ang naisip ko.But I had to shake off that feeling kaya naman napabulalas ako.
"Teka teka. Anu yang ginagawa mo?!" napalakas kong sabi kay Eric nang maalala kong natutulog pala si Jake.
"Bakit? Anong masama sa ginagawa ko? Masama bang maligo?" takang tanong nito.
"Eh bakit diyan ka naghuhubad? Ayan ang CR o." sagot ko naman
"Wala namang masama ah. Pareho naman tayong lalaki." sabi niyang nakangisi.
"OO nga naman. Bakit kasi ganyan ka makareact?!" sumbat ko sa sarili.
Natahimik lang ako hanggang pumasok na si Eric sa bathroom. Napahiga naman ako sa kama. Hindi matanggal sa isip ang nakita. His body was as perfect as you can imagine. Although ganoon rin naman ang pangangatawan ko, hindi ko pa rin maiwasang humanga kay Eric.
"Ano bang nangyayari sa akin?! Nababakla na ba ako?!" tanong ko sa sarili. At di ko na namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising ako nang may marinig akong nagtatawanan. Nang magmulat ako ng mata, nakita kong naglalaro pala sina Jake at Eric. Nanatili akong nakahiga at pinagmasdan sila. Jake was really having a good time. At nakikita kong nag-eenjoy rin si Eric. That was the first time that I ever saw him laugh. Mas lalo itong gumwapo. One word to describe him - BREATHTAKING.
"O, gising na pala si daddy mo eh." sabi niya nang mapansin ako.
"Daddy!" sigaw naman ni Jake. "Daddy, let's go na po. Ligo na po tayo sa beach." pagyaya niya pa.
"Ok. But after dinner." sagot ko naman at ginulo ang buhok nito.
"Yehey! Tara po kain na tayo." pagyaya ulit ni Jake.
Bago lumabas ng room ay naghilamos muna ako ng mukha. Then I changed my clothes. Pinili kong magsuot ng isang puting v-neck t-shirt na medyo may pagkamanipis paired with a black striped shorts and a cream pair of slippers. Nang matapos akong magbihis ay napansin kong nakatitig sa akin si Eric.
"You know, you're fond of doing that." pagbasag ko sa katahimikan.
"Ang alin?" tanong niya.
"That. Observing me." sagot ko naman.
"What can I say, Observant talaga akong tao." sabi naman nito sabay ngiti.
I gave up on the argument. Tinawagan ko na rin sina Gina para sabay-sabay na kaming kumain at nang makapag-bonding na rin lahat ng mga sumama.
After dinner we decided to go night swimming. Nag-enjoy kaming lahat pati si Jake. Kwentuhan, tawanan, kantahan. Si Jake naman pinagpapasa-pasahan ng mga kasama ko. Nilalaro. Hanggang mapagod. Nagpaalam akong ihahatid na si Jake sa room para makapagpahinga na rin.
Nang dumating kami sa kwarto ay binanlawan ko muna si Jake. Pinagbihis ko na rin ng pantulog. At katulad ng lagi kong ginagawa ay kinantahan ko muna siya bago matulog.
Nang makatulog ay iniwan ko muna siya sa kwarto at bumalik sa beach kung saan naghihintay pa rin ang ilan sa mga kasamahan ko. Ang iba ay nagsibalik na rin sa kani-kanilang kwarto. Hindi ko naman makita si Eric.
Habang nag-uusap ay nagkayayaan kaming maglaro ng Truth or Dare. Pumayag naman ako dahil ayaw kong isipin nilang kill joy ako.
Nakailang ikot na rin ang bote nang matapat ito sa akin. Nag-dare naman ako. At dahil doon, napasubo ako. Dahil ang iniutos naman sa akin ay halikan si Gina. Not that I have any problem with it, pero ang request ay isang 3 - minute kiss.
"Bahala na." nasabi ko nalang sa sarili.
At hinalikan ko na nga si Gina. Mainit ang mga labi niya. One of the sweetest pair of lips that I ever kissed. Nagtagal ang kiss na iyon hanggang sa lumalim ito. But before I went overboard, minabuti kong itigil na ito. Nagkantiyawan naman ang mga kasamahan ko.
Natapos ang laro namin at nagkayayaan na kaming magpahinga. Dumeretso agad ako sa kwarto. Naabutan kong nanonood pa ng TV si Eric sa may sala ng kwarto. At dahil nakasara ang divider ng bedroom sa living room, hindi maririnig ang tunog ng TV sa bedroom.
"O, gising ka pa pala." sabi ko sa kanya.
Hindi naman ito umimik. Napansin ko lang na medyo nagdilim ang mukha nito. There were empty bottles of beer on the center table. Minabuti ko nang pumasok sa bedroom ngunit nagulat ako nang biglang may humatak sa akin pabalik at kasabay noon ang pagdapo ng isang suntok sa mukha ko.
Dahil sa pagkagulat hindi agad ako nakabawi ng tayo. Nang mahimasmasan ay tumayo ako at sinuntok rin si Eric. Tinamaan naman siya at tumumba sa sofa.
"Ano bang problema mo ha?!" pasigaw kong tanong sa kanya.
"Tinatanong mo kung anong problema ko? ha?! Ikaw! Ikaw ang problema ko!" pasigaw niya ring sagot. "Sabihin mo nga sa akin ha?! Ano bang meron ka at patay na patay sa'yo si Gina ha?!"
Saka ko lang narealize kung bakit siya nagkakaganito. Tama nga ang hinala kong siya ang nakita kong papalayo pagkatapos kong halikan si Gina. Malamang ay nakita niya ang ginawa namin ni Gina. We were practically making-out earlier. No wonder pinapatay na naman ng selos itong si Eric.
Nagulat naman ako nang bigla niya akong i-pin sa pader at mas lalo akong nagulat sa sunod na ginawa niya. He kissed me!
ITUTULOY.... :)
________________________________________________________
by: JiJei (kiLL_joy145@yahoo.com.ph)
1 comment:
whew! galing Nath! pwede na talagang career-in ang pagiging writer! kelan mo ipopost yung continuation nito?
Post a Comment