Enjoy reading guys. Totoo po lahat ng events dito sadya ko nga lang tinago ang pangalan nung iba. :DD
--------------------------------------------------------------------------------------------
I am with friends last Saturday night sa Trinoma. Kamustahan, nag-updates sa mga events sa kanya-kanyang buhay, kwentuhang brownout (pahiram daddy Migs huh!) lang at syempre chibugan. Dumaan din saglit si Robo para makipagkamustahan at umalis din dahil sa may trabaho pa siya. Then around 9pm nang maisipan naming umalis ng Superbowl dahil na rin sa nabadtrip si Rovi sa “incompetence” nang isang waitress doon. So, lakad lakad lang sa Trinoma hanggang sa umabot kami sa SM North.
Nakakatuwa na ang tagal na pala naming hindi nakakapag-usap ng ganoon and first time ko ring ma-meet si Gab a.k.a. Whitepal ng MSOB.
“Baka gusto niyong humanap ng tatambayan?” sabi ni Rovi.
“Dyan o pwedeng umupo.” Sabay turo ko sa gutter.
“Eweness! You expect me to sit there?” si Rovi.
Natawa kami ni Gab sa reaction ni Rovi habang busy si Alex and Eban na nag-uusap sa likuran namin.
“Hey guys, gusto niyo na bang pumunta sa coffee shop?” tanong niya ulit.
“Maaga pa. Mamaya na lang ng konti.” Sagot ko.
“Kuya sa Jollibee na lang muna tayo.” Si Gab.
“Right. Pwede naman tayong magpalate dun eh since late din sila nagsasara.”
At hayun na nga. Nilakad na namin ang way papuntang Jollibee sa Mindanao Ave. Grabe, imagine ang distance ng SM North sa Mindanao Ave. compare mo sa pagpapawis ko. Bongga! Nakakaloka!
Pagkadating naming lima sa fastfood, dumiretso na agad kami sa second floor. Pahinga muna kami saglit at nag-iisip ng ma-oorder. Nang makapili na kami nang kakainin habang nagpapalipas ng oras, inaya ko si Alex na um-order.
“Huy Alex, ‘Not Available’ yung swirly bitch ni Rovi.” Sabi ko.
“Asan?”
“Ayun oh.”
“Hala, oo nga. Teka akyat ako sabihin ko lang.”
Pagbalik ni Alex ay kasama na niya si Rovi.
“Rov, not available swirly bitch mo.”
“Nakakaloka naman. o sige yung Very Rocky Brownies (tama ba to? Sorry di ko maalala) na lang.”
“Copy.”
“O siya balik na ako baka kung ano na ginagawa nung mga bata sa itaas.” Sabi ni Rovi with a grin smile.
“Ah miss, 3 chocolate sundae please and coke float and very rocky brownies (hindi talaga ako sure). Alex, dagdagan mo naman ng 28 tong pera ko.”
Matapos magbayad at umakyat ay agad naming nilantakan ang mga desserts. Kuwentuhan ulit ng bongga hanggang sa maisipan na naming lumipat na sa coffee shop.
Lulan ng jeep, binaybay namin ang daan papuntang West Ave. Hindi ako maka-move on sa lalaking katabi ko. Ang luwang ng space pero kung makagitgit kala mo sikip na sikip. At eto pa ang matindi, hindi man lang nagdalawang isip si kuya na ilabas ang kanyang mamahaling cellphone sa loob. (Matakot ka sa holdap manong!)
“Para po.” Biglang sabi ni Rovi.
Pagkababa namin ay nag-optical inspection muna ako. Mukha namang cozy ang place. Kokonti lang ang tao pero ang umagaw sa atensyon namin nila Alex at Eban ay ang grupo nang mga kalalakihan sa may corner ng shop.
Gaya nang nakagawian, tambay muna saglit bago um-order. Kulitang walang humpay nang dumating sila Ford at ang kanyang mga pamangkin. (Nga pala, lumipat kami nang puwesto nang mabakante yung katabi naming table para mas maganda ang view.)
Mga bandang 2am nang tumahimik ako sa kulitan namin nila Alex and Eban. Umayos ako nang upo na tipong pahiga na. Di kasi maiwasang manumbalik sa akin ang nakaraan matapos kong titigan yung si cute guy dahil hawig siya dun sa dati kong minahal.
---
“Dhen, punta ka mamaya sa practice ng cheer dance huh? Puntahan natin si Leo.” Sabi nang barkada ko.
“Sumali ba siya dun?” tanong ko.
“Oo kaya sumama ka na.”
Pagdating namin sa venue ay may umagaw ng pansin ko. Isang tsinitong lalaki na matamang nagmamasid sa mga sumasayaw. Biglang bumilis tibok ng puso ko nang lumingon ito sa amin at ngumiti.
“Happy birthday Nick!” Sabi nung kasama niyang chubby guy pero cute din.
“Salamat!” tugon nito.
“Huy ano yan?” sabay turo sa cp ko.
Nakita niya kasi na kakaiba yung cellphone ko (N-Gage QD kasi ang unit ng phone ko before). Hiniram niya at naglaro siya doon. Nang isinoli niya sa akin yung cp ko, may nakalagay na number sa screen nito.
“Kuya Nick, number mo to?”
Tumango lang ito sabay sabing “Save mo na lang.”
Dyan nagsimula ang lahat sa amin ni Nick (siyempre hindi totoong pangalan). Siya kasi ang president ng org naming mga nursing students at nagkataon naman na isa ako sa mga active leaders sa year level namin.
Gabi-gabi kaming magkasama ni kuya Nick simula nang makalipas ang isang lingo mula nung birthday niya at nagkapalitan kami nang number. Sa paanong paraan?
Sabay kumain, sabay na lalakad, inseparable talaga. Ang hindi ko kinaya ay ang katotohanang super sweet siya sa akin.
Dumating pa sa puntong may tawagan na kami sa isa’t isa. Siya si mister at ako si donut dahil bilugan ako. May mga instances na pag pagod na siya kakabantay sa mga dancers ay lalapit iyan sa akin at bigla na lang hihiga sa lap ko. Wala siyang pakialam kahit na makita kami nang ibang tao.
Minsan may nangyaring hindi maganda sa venue. Nag-away si Nick at si Peter (yung chubby guy na cute) dahil sa nabadtrip si Peter gawa nang nabasa yung bag niyang punung-puno nang mga important documents sa ulan.
Rinig naming lahat na nanduduon ang sigawan ng dalawa hanggang sa mag-walkout si kuya Nick. Gusto kong lapitan siya pero nakita kong lumapit sa kanya yung mga kaibigan nilang pareho at walang kasama si kuya Peter kaya hindi ko siya pinuntahan.
“Kuya Peter, sorry huh di ko naiwasang hindi makinig sa pag-aaway niyo.”
Tumingin lang ito sa akin.
“Wala yun tsaka na-badtrip lang talaga ako kasi nabasa yung bag ko at wala man lang nakaisip na mag-alis nun dun.”
Tinamaan ako kasi kung tutuusin malapit lang yung pwesto ko sa bag niya bago umulan.
“Sorry ulit kuya kasi malapit ako dun kanina bago umulan.”
Tumingin lang siya ulit at ngumiti.
“Huwag kang mag-alala wala akong sinisisi.” Sabay tayo at sukbit ng bag niya.
“Kuya saan ka pupunta?”
“Uuwi na ako.”
“Delikado na kuya. Hatinggabi na.”
“Hindi yan.”
“Di ka na ba papapigil?”
“Hindi.”
“Sige ihahatid na lang kita hanggang sa inyo para makampante ako.” Walang anu-anong sabi ko.
“Hindi mo na kailangang gawin yan. Kaya ko sarili ko and besides ayoko na madagdagan pa ang gulo sa amin ni Nick.”
Napalingon ako bigla kay kuya Nick at nakita kong nakatingin ito sa amin at nanlilisik ang mga titig. Bumawi ako agad.
“Sorry kuya ulit pero hindi talaga kita hahayaang umuwi nang mag-isa.”
“Huwag ng makulit, okay?”
“Last bargain, hatid na lang kita kahit hanggang kanto na lang.”
“Hay, ang kulit talaga.”
“Payag ka na kuya?”
“May magagawa pa ba ako?”
“O tara na.”
Umakbay ako kay kuya Peter at sinamahan siyang maglakad. Sa totoo lang nakaramdam ako nang takot ng maisip ko na maglalakad ako pabalik sa madilim na lugar na ito. Ang tataas ng mga damo. Pilit ko naman na iwinawaksi ang nararamdaman ko habang nakikipagkuwentuhan kay kuya.
Nang makapara na kami nang tricycle eh tumalikod na ako para maglakad pabalik. Gumapang ulit ang takot sa katauhan ko dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin. Buti na lang at wala naman hanggang makita ko yung ilaw sa community center.
Kinabahan akong bigla nang makakita ako nang anino na nakatayo sa may daanan papasok ng center. Dinukot ko cp ko at akmang itetext si kuya Nick ng may text message pala ako galing sa kanya.
At siya pa talaga ang nilapitan mo at hindi ako!
Binasa ko pa ang isa.
Tinamaan na! Mas mahal mo ba siya kesa sa akin???
Yan ang mga texts na bumagabag sa akin. Hindi ko namalayan ang pagdaan ng tricycle sa tabi ko at ang ilaw nito ay tumama sa taong wari’y nag-aabang sa akin. Nagulantang ako lalo nang makilalang si kuya Nick pala iyon.
Bigla naman itong naglakad pabalik. Hahabulin ko sana pero nanaig sa akin ang takot na baka mag-away kami.
Tahimik lang ako sa may pinakasulok ng center. Ayoko makipag-usap kahit kanino lalo na sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko pag nagkataon na magkadaupang palad kami. Natilihan ako nang makitang papalapit si kuya Nick sa kinauupuan ko.
Pinilit kong maging kalmado pero lalo akong kinabahan ng makitang titig na titig siya sa akin. Nang makalapit na siya ay walang anu-anong humiga sa mga hita ko. Dahil sa pagkabigla ay hindi ako nakaayos kaya nang makabawi ay inayos ko ang pagkakahiga niya.
“Bakit hindi mo ako nilapitan?” Bigla niyang sabi kahit nakapikit.
Hindi ako sumagot at tumingin sa malayo.
“Bakit si Peter?”
Tahimik pa rin ako.
“Mas mahal mo ba siya kesa sa akin?”
“Mas mahal kita kuya siyempre.”
“Bakit hindi mo ako nilapitan kanina nung nag-away kami at mas pinili mo siya?”
“Wala kasing kasama si kuya Peter tsaka nakita ko naman na andaming pumunta sayo para aluin ka samantalang siya wala.”
“Alam mo bang mas nagalit ako dahil sa ginawa mo?”
Hindi na naman ako nakaimik.
“Nakita kong umalis kayo kanina and sa tingin ko ihahatid mo siya. Tama ako di ba?”
Tumango ako. Ewan ko kung nakita niya.
“Magsasakripisyo ka nang ganun para sa kanya?”
“Kuya, may kasalanan ako sa kanya. Bumabawi lang ako.”
“Hindi mo kasalanan na umulan kanina kaya wala kang dahilan para bumawi.”
Natameme na naman ako.
“Pero mas nanaig ang concern ko sayo na maglalakad kang pabalik mag-isa.”
Nang sipatin ko siya ay nakatingin na siya sa akin.
“Tinext ako ni Peter na naiwan ka raw sa sakayan ng tricycle kaya naman inabangan kita sa labas at nagdasal na wala sanang mangyaring masama sayo.”
Na-touch ako sa sinabi niya. Hindi ko naiwasang mapaluha. Pinahid niya ang luha ko.
“Hindi kita pinapaiyak Dhen.”
“Kasi kuya eh.”
“Wala na yun. Kalimutan mo na lahat ng hindi magagandang nagyari ngayong gabi.”
Pilit kong ibinabalik ang sigla ko hanggang sa mag-uwian. Nagkaayos na kami ni kuya Nick.
“Guys, pack up na. Alas tres na nang madaling araw.” Sabi niya sa mga dancers and choreographers.
Lulan ng iisang tricycle, nagkaroon kami nang moment ni kuya Nick ng kaming dalawa na lang ang naiwan. Tahimik siya na waring may iniisip nang bigla siyang magsalita.
“Donut, akin ka muna huh.”
“Kuya talaga.”
“Bakit?”
“Anong bakit kuya?”
“Bakit hindi mo ako tinawag na mister?” may pagtatampo sa tinig nito.
“Sorry po mister.”
“Hayan. Ulitin ko. Donut, akin ka muna huh.”
“Opo mister ko.” Kinikilig na sabi ko.
Tuwang tuwa naman si kuya Nick at niyakap ako. Ganun ang sitwasyon naming dalawa bago siya bumaba nang tricycle.
Marami pang mga nangyaring ka-sweetan sa amin ni kuya Nick hanggang sa point na nasaktan ako.
Minahal ko na nang higit pa sa kaibigan si kuya Nick at alam kong ganuon din siya sa akin ngunit sadya lang talagang hindi kami itinadhana.
Birthday nun ng bestfriend ko na kaibigan niya rin. Imbitado kaming magbabarkada at mga kasamahan ni bestfriend sa org sa celebration niya. Kasalukuyan akong nasa labas nun ng dumating yung kabarkada naming beauty queen.
Pumasok siya sa loob para bumati at lumabas din na may dala nang plato. Usap-usap lang kami nang pakialaman ko cp niya. Tiningnan ko mga pics niya at gandang-ganda talaga ako sa kanya. Bigla kong naisip na magkalugar si kuya Nick at yung isang nakalaban nung barkada ko sa beauty pageant.
Pumasok ako at pinakita kay kuya Nick yung picture. Nagulat ako nang iabot niya yung cp kay kuya Peter at nakita kong naluha siya sa nakita. Doon ko nalaman na ex pala ni kuya Peter yung girl. Habang inaalo ko si kuya Peter ay patuloy naman ang pagkalikot ni kuya Nick sa cp nung barkada ko.
Pagsilip ko sa ginagawa niya ay pinapasa nap ala niya yung mga pics nung barkada ko sa cp niya. Nakaramdam ako nang inis sa ginawa niya kaya naman lumapit ako sa bestfriend ko at agad na nagpaalam. Sabi ko may emergency sa bahay.
Hindi na ako nagpaalam pa sa ibang mga bisita lalo na sa kanya at tuluyan na akong lumabas ng bahay. Wala akong karapatang magalit dahil unang una ay hindi naman kami. Masakit lang talaga yung nasaksihan ko.
Nakaraceive ako nang mga text messages galing sa kanya pagdating ko sa bahay pero hindi ko na pinansin pa. pinatay ko na ang cellphone ko dahil ayoko siyang kausapin.
Tumagal pa nang ilang linggo ang pag-iwas ko sa kanya hanggang sa ma-corner niya ako.
“Donut, ilang linggo ka nang umiiwas sa akin. May problema ba tayo?”
“Wala kuya. Naisip ko lang na siguro time na para maghanap na rin ako nang kaligayahan ko.”
“Hindi ka ba masaya sa akin?”
“Masaya ako kuya pero hindi na ako maligaya.”
“Ang labo nun Dhen.”
“Malabo na sa malabo kuya pero yun ang nararamdaman ko eh.”
“Nasaktan ba kita?”
“Ewan.”
“Kung anoman nagawa ko sorry na please! Hindi ko kaya yung ganito. Nasasaktan din ako.” Pagmamakaawa niya.
Nanlambot ako agad at hindi napigilang umiyak. Niyakap niya ako. Nang ma-pacify niya ako, tinanggap ko na rin ang sorry niya.
Lumipas ang mga araw na nagbalik na kami sa dati. Akala ko okay na lahat pero nagkamali na naman ako.
“Dhen, nakita mo ba si Nick?” tanong nung babaeng barkada ko.
“Hindi eh. Bakit mo siya hinahanap?”
“Sabay kasi kaming magla-lunch eh anong oras na.”
Lunch? Silang dalawa?
“Kayo ba?” di ko maiwasang itanong.
“Oo eh.”
Nasaktan ako at nadismaya sa nangyari. Hindi ko alam kung naitago ko ba yung nararamdaman ko pero ang nasagot ko na lang eh “itext mo na lang siya. Sige una na ako.”
Simula nung nalaman kong sila na pala, dun ko pinagtibay sa sarili ko na tapos na ang kung ano man ang namagitan sa amin ni kuya Nick. Ang sakit sakit. Nagtetext siya pero hindi ko na madalas sagutin. Ayoko naman na ako maging dahilan ng break-up nila.
Kahit nasaktan ako, ayoko manira nang relasyon. Pag nagkakasalubong kami, isang simpleng hi na lang ang ibinibigay ko. Ayoko na kasing makipag-usap sa kanya.
Nang minsang magkasama kami sa isang event, kinumpronta niya ako.
“Ano bang problema mo Dhen?”
“Wala akong problema.”
“Anong wala? Nagsimula ka na namang hindi ako pansinin. Dinededma mo na ako tapos sasabihin mong walang problema? Tangina Dhen, hindi ako tanga para hindi maramdaman na may mali sa atin.”
“Walang ‘atin’ at walang ‘tayo’ kuya. Kung anoman ang nangyayari sa akin ay wala kang kinalaman.”
“Hindi ako naniniwala.”
“Eh di wag.” Sabay talikod.
“Hindi na kita kilala.”
“Hindi na rin kita kilala kuya Nick. Sabagay, nagbabago nga naman ang mga tao. May mga panahong papasayahin ka yun pala sa dulo pinaasa ka sa wala. Alam mo kuya, sana sinabi mo sakin sa umpisa pa lang kung ano ang lagay natin para hindi ako umasa sa mga pinapakita mo.”
Natigilan siya.
“Oo kuya, minahal kita nang higit pa dahil nahulog ako sa mga paglalambing mo pero kita mo nga naman iiyak din pala ako dahil sayo.”
“I’m sorry.”
“You should be kaya kuya please lang hayaan mo na ako. Pakawalan mo na ako. Sawa na kasi ako eh.”
---
“Insan, pagamit naman ng phone mo.”
Naputol bigla pagmumuni-muni ko nang kausapin ako ni Eban. Agad ko naman in-activate yung wifi nang phone ko at inabot sa kanya.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko akalain na babalik sa akin ang alaalang iyon. Ang matindi pa, history repeats itself.
3 comments:
Hahahahahaha! Nakakaloka!
ay ang toroy insan? sana pala di ko kinuha yung phone mo nun para di ako nakaistorbo sa pagbabalik tanaw mo sa nakalipas.. haha
inuyat! maba2tukan kta bt ka kc umasa? :((
Post a Comment