Tuesday, November 15, 2011

Kailangan Kita: Kabanata 2


Kailangan Kita
Kabanata 2: Hindi Inaasahang Kalituhan



Halata sa mukha ni Ron ang pagkainip habang ina-update ang listahan ng enrollees ng kanilang pamantasan. Kasabay nito ay ang paghintay niya ng mga walk-in applicants.

“Haayy!” naitaas ni Ron ang dalawang kamay paunat. “Boring talaga sa opisinang ‘to.”

Bilang isang Student Assistant (SA) itinalaga siya ng presidente ng kanilang kolehiyo sa Center for Admissions and School Relations (CASR).

Kaiba sa mga nakaraang araw na halos mapuno na mga WI applicant ang CASR, ngayon ay paisa-isa lamang ang bilang ng mga dumarating.

“Ron?” tawag ng isang babaeng may katabaan sa naiinip na si Ron. “Pahiram naman ng cellphone mo, io-open ko lang Facebook ko.” maarte at tila nagmamakaawang sabi ng babae.

“O, ito.” sabay abot ni Ron ng kanyang phone na galing sa kanyang bulsa at wala ng iba pang sinabi.

Ilang sandali tumili ang babae na ikinagulat ni Ron at ng lahat ng empleyado sa loob ng opisina.

“Bakit?” nagtatakang tanong ni Ron habang siya ay nakaharap sa kompyuter at ina-update ang list of enrollees. “Ahh…alam ko na. Siguro sinagot ka na ng nililigawan mo. Haayy…kababaeng tao, siya pa ang nangungulit sa lalaki” pagkatapos ay umiling-iling pa siya.

“Hindi kaya” naiinis na sabi ng babae. “Ako, si Cecille Enrique Abila, hahabol sa lalaki?” sabi ng babae ng buong giting. “No way!”

Pagkatapos na pagkatapos ng mga huling sinabi ni Cecille ay lumapit siya kay Ron ng may mapang-asar na ngiti.

“Ikaw ha…” pabulong na panimula ni Cecille. “Mayroon kang hindi sinasabi sa amin.”

“Ha?” nagtatakang si Ron. “Ano naman ‘yon?” tanong ng kinakabahang si Ron sa kung anong nakita ni Cecille sa kanyang cellphone. Oo alam niyang mayroong mga pornclips sa kanyang phone, peo sigurado naman siyang may code iyon.

“May nag-text kasi sa’yo.” sagot ni Cecille. Basahin ko ha…”

Ron ko, gud mornin’ sau…missing u already, hope 2 see u ma2ya…muah…

“Ah…girlfriend ko ‘yan” tila siguradong si Ron.

“Charot!” sabi ng hindi naniniwalang si Cecille. “Nakakakilig na sana, kaso…” pambibitin pa niya. “Bakit Matt ang pangalan? Girlfriend? pero bakit Matt? Baka naman boy-“

Nakaramdam ng pagkainis si Ron sa ibinibintang sa kanya ni Cecille. Bilang isang lalaki, nakagagalit na pulaan ang iyong kasarian lalo pa’t alam mo sa iyong sarili na tunay ka namang lalaki. Kaya minabuti ni Ron na putulin ang dapat sana’y sasabihin ni Cecille.

“P’wede ba? May girlfriend ako. At ‘yang Matt na ‘yan…”tumigili muna si Ron upang maging kalmado. “Eh matagal na ‘yang nangungulit sa akin eh…patay na patay sa kagwapuhan ko.” dinaan sa pagpapatawang paninindigan ni Ron.

“Bahala ka…” si Cecille na hindi pa rin magawang maniwala. “Kunwari ka pa, bipolar ka rin…hihihi!” bulong niya sa sarili.

Kasalukuyang nakaupo si Ron sa harap ng kompyuter na nakatalikod naman sa salaming pader ng kanilang opisina. Kaya naman kahit na naglilikot ang kamay niya sa may keyboard ay kita pa rin niya ang kalawakan ng campus maging ang panaka-nakang pagdating ng mga tao mula sa may guardhouse.

Nakaupo’t nakasandal siya sa isang swivel chair. Nang mapagod ang kanyang mga daliri sa keyboard. Nilaro naman niya ang isang ballpen sa kanyang daliri habang nakatingin ng seryoso sa labas ng office.

“Siguro, sobrang init sa labas…” ani Ron.

Halos lahat ng opisina sa institusyong pinapasukan ni Ron ay sinusuplayan ng kuryenteng galing sa init na mula sa araw. Lahat ng airconditioning systems nila ay pinagagana ng solar energy na ikino-convert sa electrical energy ng isang malaking aparato sa tuktok ng bawat office. Isa itong bagay na makapagsasabi ng highly-equipped ang kanilang paaralan.

Tumagal pa ang pagkainip ni Ron ng makakita ng isang lalaking pawisan na papunta sa kanilang opisina. Isang tingin pa lang ay alam na niyang WI applicant ang lalaki. Kaya naman tumakbo na siya sa pinto upang pagbuksan ang lalaking halatang init na init sa labas.

Hahawakan na sana ng lalaki ang pinto ng buksan na ito ni Ron.

“Good afternoon po!” bati ni Ron ng may maluwang na pagkakangiti. “How may I help you?”

Sa halip na bumati pabalik at pumasok ang lalaking mas maliit ng kaunti kay Ron, malungkot itong umalis at payukong naglakad palayo.

“Gwapo sana…suplado nga lang.” ani Ron gamit ang tonong lalaking-lalaki, ‘yong hindi mo pag-iisipan ng iba oras na marinig mo ang mga salitang kanyang binitawan. “Haayy…makabalik na nga.”

Si Ron o Ronald Allen Sebastiano Ramirez, mula sa isang marangyang pamilya. Eredero ng iba’t ibang negosyo ng kanyang ama na si Don Herardo Carteza Ramirez. Anim na taon pa lang si Ron ng patayin ang ina ng grupo ng mga magnanakaw. Kahit na nga ba miyembro siya ng isang angat na pamilya ay sinisikap pa rin niyang makapagtapos gamit ang kanyang sariling kakayahan bilang SA (Student Assistant). Sikat sa buong campus lalo na sa mga babae dahil sa taglay na kagwapuhang nagpapatalon sa puso ninuman, isama mo pa ang boses nitong maaaring isalin sa mga animé dahil sa tindi ng dating nito. Sa madaling salita, isang perpektong leading man sa mga soap opera.

“O, anong nangyari?” takang tanong ni Cecille nang makitang wala namang kasama sa pagpanik si Ron. “S’ya ba si Matt? Ayiieee!” panunudyo pa nito.

“Tumigil ka nga…” naiinis na si Ron. “Baliw ‘ata ‘yon eh…o baka pipi…hindi man lang nagsalita…itong gwapong ‘to, dinedma lang?” pagbuhat pa nito sa sariling bangko. Saka pasalampak na umupo sa swivel chair na kinauupuan niya kanina at muling pinaglaro ulit ang isang ballpen sa kanyang mga daliri.

Maya-maya pa ay nakita niya ulit ang lalaking kanina lamang ay sinabihan niyang baliw at pipi. Subalit ngayon napako ang kanyang mga mata sa pagkakatitig sa lalaking una niyang nakitang basa ng pawis na ngayon ay nangakasuot ng dark violet fitted t-shirt, kaiba sa suot nitong t-shirt kanina na kulay pula. Ang buhok rin ng lalaki ay may tamang ayos sa hulma ng mukha nito na iba rin sa ayos nito kani-kanina lang.

Hindi alam ni Ron kung bakit ganito na lamang ang dating ng lalaking iyon sa kanya. Lumalakas at bumibilis ang tibok ng kanyang puso habang palapit ng palapit ang lalaki na sa kanyang tingin ay mas bata sa kanya ng dalawang (2) taon.

“Gwapo ha…” parang kuya sa batang kapatid bulong ni Ron kasabay ng paghatid ng tingin sa lalaki sa may pasukan.

Bilang kanyang trabaho, tumakbo siya sa pinto upang pagbuksan niya ang nilalang na pinagbuksan niya ng mga nakaraang minuto.

Subalit bigo siya sa kanyang nais ng magkusa na ang lalaki sa pagbukas ng pinto. Kaya minabuti na lang niya itong salubungin ng pagbati.

“G-“.

Magsasalita na sana si Ron ng mapansing napapapikit ang nasa harapan, iniangat nito ang kanyang mukha palapit sa kanyang matigas na dibdib. Hindi niya alam pero parang nagugustuhan niya ang ginagawa ng lalaki. Kung maaari nga lang, niyakap na niya ito palapit sa kanya.

Napansin ni Ron na nakakukuha na sila ng maraming atensyon, kaya siya na mismo ang nagbali ng sitwasyon.

“Ahh…Sir?” pagtawag ni Ron sa pansin ng lalaki.

Napansin niyang nagulat ang lalaki at gawa ng mga taong nakatingin, napagtanto niyang napahiya pa ito. Kaya naman nagpakilala na siya ng may ngiti ng sa ganoon kahit papaano’y masabi niyang hindi siya galit at wala itong dapat na ikahiya.

“I’m Ron. ” inilapit ni Ron ang kanyang kamay.

Tulala lang ang binata. Ilang sandali pa at…

“Huh?” turan ng lalaking wari mo’y wala pa rin sa sarili.

“What’s yours?” natawa ng kaunti ngunit nakaniti pa ring si Ron.

Napipi ng nga ng tuluyan ang lalaking kaharap ni Ron. Inabot na lamang ni Ron ang kamay ng binata at hinawakan ito.

Sa ginawang ito ni Ron saka nakuha ng lalaki ang nais ng nauna.

“Ahh…I’m Camillo.”

“Ah…gusto pa hahawakan ang kamay ko. Sige lang…bihira lang ang may makahawak ng kamay ko.” tudyo ng isipan ni Ron.

^^^^^^^^^^

fernandzsteppingstones.blogspot.com

No comments: